Share

Chapter 41.1

NANATILING NAKASUNOD kina Veron at Skyler si Ynzo at matiyagang nagmamasid. Bawat kilos ng dalawa ay pinupuna niya at napapailing na lang. Maya-maya lang ay sumakay na ang dalawa sa loob ng sasakyan ni Skyler. Oras na rin upang magtungo si Ynzo sa sariling sasakyan. Magkasunod lang na nakaparada sa gilid ng park ang kanilang mga sasakyan kaya madali lang sa kaniya ang sumunod sa mga ito. Nakita pa niya kung paano alalayan ni Skyler ang babae na makaupo sa passenger's seat na katabi ng driver’s seat na tila ba isang babasaging hiyas. Ginantihan naman ito ni Veron ng isang matamis at malawak na ngiti. Kanina pa hindi maalis-alis ang pagkakangiti sa labi ng babae at unti-unti ay tila ba naghahatid iyon ng pagkairita sa buong sistema ni Ynzo. Ngayon lang siya nainis sa mga ngiting iyon ni Veron. Naisip lang niya na hindi naman ganoon kung ngumiti ang babae tuwing kasama siya ngunit bakit ngayon ay halos mapunit na ang bunganga nito sa kangingiti?

Napahinto si Ynzo sa pagmamaneho nang buma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status