HINDI NGA NAGKAMALI SI Veron dahil sakto sa kinatatayuan nila ni Ynzo ang pagsalubong ng dalawang grupong nais magsagawa ng isang ‘riot’. Wala nang iba pang naisip ang mga kabataang iyon kundi ang hampasin ang makakasalubong—kakampi man o hindi dahil may kadiliman rin sa kinaroroonan nila. Wala nang pakialam ang iba basta makahampas lamang ng taong makikita.Naging malikot ang buong sistema ni Veron at ang tanging naiisip ay si Ynzo na tila hindi pa rin natatauhan sa mga oras na ito. Halos manlaki ang mga mata ng lalaki at matulala habang titig na titig sa mga kabataang naghahampasan sa kanilang harapan. Ilang metro lang ang layo ng mga ito mula sa kinauupuan nila at kaunting-kaunti na lang ay maaari na silang madamay sa kaguluhang iyon.Hindi alam ni Ynzo kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon samantalang si Veron naman ay nakahanda na sakali mang atakehin sila ng isa sa mga nagkakagulong kabataan. Nakita nila kung paano bumagsak sa matigas na aspaltong sahig ang ilan sa mga nasobr
MADALING-ARAW NA ngunit gising na gising pa rin ang diwa ni Veron. Nakaharang pa rin sa pagitan nila ni Ynzo ang mga naglalakihang unan at ngayon nga ay mahimbing nang natutulog ang lalaki sa kabilang panig ng kama. Bukod sa hindi siya makatulog ng maayos dahil sa ginagawang paghihilik ni Ynzo ay paulit-ulit na pumapasok sa isipan niya ang senaryong nangyari kanina sa naganap na engkwentro sa pagitan ng dalawang grupo ng mga kabataan.Hindi inaasahan ni Veron ang naging kilos na iyon ni Ynzo. Hindi man lang ito nagdalawang-isip na iharang ang sarili sa bruhang Anika na ’yon. Samantalang siya ay halos kapakanan na ng lalaki ang iniisip na baka mahagip ito ng ligaw na hampas mula sa nagkakagulo. Hindi niya akalaing napakabilis ng naging kilos ng lalaki upang sagipin ang babaeng iyon at hindi man lang yata nito naisip na baka siya rin ay matamaan ng baseball bat o naglalakihang kahoy.Hindi niya mapigilan na mag-isip ng malalim. Nakakagulat lang na mula sa pagkakatulala ni Ynzo ay bigla
HAPONG-HAPO SI VERON nang magising kinabukasan. Sapo ang dibdib na bigla siyang napabalikwas ng bangon dahil sa di-kanais-nais niyang panaginip na tila ba bangungot ang naging hatid sa buong sistema niya. Hindi niya yata matatanggap oras na magkatotoo ang panaginip niyang iyon.“Ayos ka lang ba?” Nagulat si Veron nang marinig ang tinig na iyon.Nang mapaangat siya ng tingin ay nakita niya si Ynzo na nakaupo habang nakatapat sa laptop na nakapatong sa bedside table. Nakasuot ito ng pang-office suit at kaagad na isinara ang laptop na ginamit nito. Napansin niya rin na bagong ligo ang lalaki at halos kumalat ang natural nitong amoy sa buong silid kahit pa naka-aircon naman ang kuwarto nila.“S—Syempre naman,” alanganing tugon ni Veron at inayos ang sarili. Tinatamad pa siyang bumangon at masakit ang ulo niya dahil sa ginawang pagpupuyat.Napatingin siya sa orasang nakakabit sa dingding na nasa bandang itaas ng pintuan ng kanilang silid. Pasado alas-diyes y medya na ng umaga. Kalimitang p
“GOOD MORNING, Ma’am!” bati ng mga empleyadong nakakasalubong ni Veron sa daan.Tanging isang tipid na ngiti at pagtango lamang ang isinusukli niya sa mga pagbating iyon.“Totoo ngang napakaganda at sexy ni Ma’am.”“Kaya nga, e. Nakakainggit naman siya. Sobrang pinagpala sa mukha at katawan.”“Tapos may pogi pang asawa na sobrang gwapo, macho at yummy.”“Simple pa ang pananamit niya sa lagay na ’yan pero hindi maipagkakait na angat ang ganda niya.”Ilan lamang iyon sa mga usapang umalingawngaw sa pasilyo ng kumpanya ng mga Tolledo nang dumaan si Veron. Hindi na niya kailangan pang itanong sa front desk kung anong palapag naroroon ang opisina ni Ynzo. She has ways to know about everything.Nang makita kung gaano karami ang natirang pagkain sa mga niluto ni Ynzo ay napagdesisyunan niyang lutuin muli ang mga iyon upang dalhan ng tanghalian ang asawa. Baka kasi makain pa siya nito kung makita ni Ynzo na hindi niya naubos ang mga niluto nito.Nagsuot lang siya ng simpleng maternity dress a
BINALOT NG NAKABIBINGING katahimikan sina Veron Stacey at Ynzo Abraham nang mga oras na iyon. Hindi alam ni Veron kung paano ba maaalis ang nakakaasiwang atmosperang pumapailanlang sa kanila. O marahil ay siya lang itong nakararamdam ng ganoon at balewala lang sa lalaki ang mga sinabi nito.Napatikhim si Veron.“Hayaan mo, ipagluluto kita at dadalhan lagi ng tanghalian kung gusto mo,” alok ni Veron na mas ikinaaliwalas ng mukha ni Ynzo dahil sa narinig.“Really? No regrets?” parang bata na tanong nito. Biglang napahalakhak si Veron dahil sa cute na gesture ni Ynzo.Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niya ang tila maamong bersyon ng isang Ynzo Abraham Tolledo. Iyong tipo ng bata na nagpapaawa at tila ba humihiling ng isang bagay na nais nito. Ang madalas niya kasing makitang bersyon nito noon ay iyong mapang-asar, ayaw magpatalo at nakakainis na si Ynzo. He’s cute while showing his puppy eyes.“Uhuh! Bukal sa loob kitang ipagluluto basta may bayad ang delivery,” tugon ni Veron haba
ILANG ARAW NA ginulo si Veron ng isiping iyon. Natatakot siya na baka magbago ang sariling nararamdaman. Naging malimit na rin ang komunikasyon nila ng kasintahang si Skyler. Humingi ito ng tawad dahil magiging abala na raw ito sa family business ng mga ito. Gaya ni Ynzo ay abala na rin ang kasintahan at magiging madalang na rin ang komunikasyon nilang dalawa. Nakaramdam ng lungkot si Veron hinggil sa bagay na iyon. Nasasaktan siya at bago lang ang damdaming iyon sa kaniya. Noon pa man ay ganoon na rin naman sila ni Skyler sa isa’t isa ngunit ni isang beses ay hindi nila naisipang hiwalayan ang isa’t isa. Masyado nilang nilawakan ang pang-unawa sa isa’t isa at inisip na pareho silang may pagkukulang. Pero bakit ngayon ay tila ba naghahanap siya ng higit pa roon? Bakit nasasaktan na siya tuwing walang oras sa kaniya ang kasintahan? Alam niyang mali ngunit hindi niya maiwasang magduda kay Skyler.Pero sa kabilang banda ay napag-isip isip niya. Si Skyler nga ba ang may problema o siya? B
NAPATAAS NG KILAY sa isa’t isa sina Anika at Veron. Nais mapailing-iling si Ynzo dahil para sa kaniya ay natural nang may mga babaeng nag-aaway sa harapan niya ngunit iba ang sitwasyon ngayon. Alam ni Anika na kasal na sila ng kaniyang asawa ngunit heto’t todo kapit pa rin ito sa kaniya. Kanina pa niya ito nilalayuan at sinasaway ngunit balewala lamang ang mga kilos at pantataboy niya para sa babae.“Good for you, b*tch! Don’t you dare to trust me ’cause I will get whatever you have... now...” bigkas ni Anika kay Veron.“Halika na. Go home, Anika. Nakakaabala ka na,” bigkas ni Ynzo at hinila ang braso ng babaeng nanggugulo ngayon sa kanilang bahay.Ang kanina’y matatalim na mga matang kakikitaan sa hitsura ni Anika ay biglang naging maamo at tila ba kaawa-awa na ngayon.“But Ynzo... I don’t have a car. Nasiraan ako ng kotse, remember? Will you please take me home?” kagat ang pang-ibabang labi na pakiusap ng malanding babae.Halos tumikwas na ang kilay ni Veron dahil sa labis na pagkak
PAKANTA-KANTA PA SI Veron habang nagluluto ng putaheng ihahatid kay Ynzo para sa tanghalian. Ewan ba niya at ang gaan-gaan ng pakiramdam niya ngayon. Nasasanay na siyang ipagluto ang asawa para sa tanghalian nito at araw-araw na niyang naging routine ang pagluluto at pag-aasikaso ng bahay. Tila ba isa na siyang totoo at dakilang house wife sa lagay niyang iyon.Sakay ng sasakyan ni Ynzo ay hinatiran niya ng tanghalian ang asawa. Halos lakad-takbo na ang ginawa niya dahil na-late na siya ng kaunti para sa oras ng tanghalian ng asawa. Paniguradong nagugutom na iyon dahil nalibang siya sa pagbabad ng katawan sa shower kanina. Nakapag-relax siya ng kaunting oras habang naliligo.Binati si Veron ng mga manggagawang nakakasalubong niya sa pasilyo ng naturang gusali. Ngunit pakiramdam ni Veron ay may kakaiba sa bawat kilos at tingin ng mga nakakasalubong niya.“Di hamak naman na mas maganda at sexy si Ma’am kumpara sa kaniya.”“Oo nga. Pero nakita niyo ba kung paano niya titigan si Sir? Para
SERYOSONG TINITIGAN ni Ynzo si Veron sa mga mata habang mahigpit na hawak ang mga kamay nito. Kung pupuwede lang matunaw sa mga titig ni Ynzo ay baka kanina pa natunaw na parang ice cream ang babae sa paraan ng pagkakatitig nito.“Today, in front of those we love, I give you my heart...” panimula ni Ynzo.Sa harap ng lahat ng mga mahal nila sa buhay, sa harap ng kaniyang mga magulang, kaibigan at mga kakilala ay buong katapatan niyang iniaalay ang puso kay Veron mula sa araw na ito.“I give it without hesitation, sure that it will be bruised at times by the chaos of life but sure also that it will know joy...” Madamdaming pagpapatuloy ni Ynzo.Hindi siya sigurado sa magiging takbo ng panahon at siguradong uulanin sila ng tukso at mga pagsubok sa buhay ngunit sisiguruhin niyang liligaya ang babae sa piling niya.“I give it without expectation or cost, for that is the only way it can truly belong to another. I give it only with hope, only with love, and only with joy that from this day
HALOS PAGTALUNAN PA nina Ynzo at Veron kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Oo nga at ikinasal na sila noon ngunit iba pa rin ang sitwasyon nila ngayon. Tila balewala sa kanilang dalawa ang preparasyon para sa pag-iisang dibdib nila noon kumpara ngayong may damdamin na silang dalawa para sa isa’t isa. “I want a church wedding, Wifey. Iba pa rin ang may basbas tayo at pagpapala mula sa Poong Maykapal,” pagdesisyon ni Ynzo habang kausap ang asawa. Bahagyang umiling si Veron bilang tugon. “No. I won’t let that happened, Hubby. Church wedding na ang naganap nating kasal noon. Napaka-boring naman yata kung ganoon ulit ngayon. Iba talaga ang pakiramdam kung bago ang venue at dekorasyon ng buong paligid. I insists for a garden wedding,” pagtatapos na tugon ni Veron habang nakikipagtitigan kay Ynzo. Napabuntong-hininga naman ang lalaki habang kumakamot sa sariling ulo. “Wifey, let’s have a church wedding again. Mas maganda kung sa bahay ng Diyos tayo ikakasal para mas basbasan pa ang a
NAG-UNAHANG MAGLANDAS ang sunod-subod na patak ng luha sa mga mata ni Veron nang makita si Ynzo sa sulok ng silid na biglang nagliwanag dahil sa kislap ng mga Christmas lights at iba’t ibang klase ng pampailaw. Kasunod ng pagpailanlang ng mabining tugtugin ay siya ring pagsaliw ng tinig ni Ynzo na ilang linggo niya ring kinapanabikang marinig. Naghalo-halo na sa puso ni Veron ngayon ang tuwa, saya, galit, inis at pagkagigil sa lalaking halos pasabugin ang puso niya sa labis na kaba. Hawak ang kulay puting rosas ay unti-unting lumapit si Ynzo sa kaniya. “Can you let me take away your tears? Can I see your smile always? Please let’s get together... Let our hearts stay forever...” Pag-awit ni Ynzo sa kaniyang harapan habang sinasabayan ang malamyos na tugtuging nagmumula sa isang violin. Halos manlaki ang mga mata ni Ynzo nang pagsusuntukin siya ni Veron nang tuluyan itong makalapit sa babae. Natatawang sinalo ni Ynzo ang mga kamao niyang sumusuntok dito habang patuloy pa rin ang pagl
HALOS LUNURIN NG kaba ang puso ni Veron habang minamaneho ang sariling motorsiklo. Hindi siya makapaniwalang malalagay sa alanganin ang sitwasyon ni Ynzo sa mga oras na ito ngunit base sa narinig mula sa ina ng lalaki ay mukhang kailangan na niyang maniwalang nasa bingit na nga kamatayan ang asawa. Nais mag-unahang tumulo ng mga luha niya gawa ng takot at kabang nararamdaman ngunit hindi dapat lalo na’t nagmamaneho pa siya ng motorsiklo. Kailangan niyang kumalma dahil baka imbes na makarating siya sa ospital ng matiwasay ay baka mauna pa siya kay Ynzo na magtungo sa kabilang buhay. “Ano ba kasing nangyayari, Ynzo? Akala ko ba ay ayos ka na? Si Skyler nga nagawang maka-recover kaagad, ikaw pa kaya?” himutok ni Veron habang nagmamaneho. Halos patayin na siya ng kabang lumulukob sa puso niya. Daig pa niya ang sinasakal dahil sa nadaramang takot. Takot na mawala ang taong pinakamamahal niya. Basta na lang iniwan ni Veron ang motorsiklo nang makarating siya sa tapat ng ospital. Mabuti
Ipinagpatuloy ni Veron ang pagbabasa sa iba pang pahina ng kwaderno ni Ynzo. May iilang doodle at drawings doon na ginuguhit nito. May ibang pahina na ginuhitan nito ng babaeng nag-eensayo sa parang at kagubatan. Lahat ng iyon ay guhit ng isang babaeng nakatalikod o hindi kaya ay nakatagilid. ‘Ilang buwan o taon na ba akong hindi nakapagsusulat dito? I thought everything will end up on a piece of paper. But mind you, notebook! I saw her right now! Iba man ang tindig niya sa suot niyang black suit, when I saw her eyes, alam kong siya ’yon! Nakasalubong ko lang siya habang papalabas ng Secret Agency at kahit na salubong ang kaniyang mga kilay at tila ba galit na galit, ramdam ng puso ko ang kakaibang kaba nang magtagpo ang paningin namin. But she doesn’t even recognized me. Ang sakit! Iyong tingin niya na para bang isa lang akong estranghero para sa kaniya...’ Napailing-iling si Veron nang mabasa iyon. Marahil ay ang tagpong iyon ay nang magsimula siyang magrebelde sa kanilang organis
“I know that a little doubt playing on your head right now, Anak... But let me give you this,” bigkas naman ni Ginang Tolledo. “And I hope time will come that you will forgive our son.” Dumako ang tingin ni Veron sa maliit na kwadernong hawak ni Ginang Tolledo at marahang iniabot sa kaniya iyon. Nang tingnan niya ang mag-asawa ay kababakasan ng luha ang mga mata ng mga ito. “Hindi ko dapat pinakailaman iyan sa mga gamit ni Ynzo pero alam kong makatutulong ang bagay na iyan upang mas malinawan ka. Hope that you will soon understand why our son did that things to you...” sunod-sunod na bigkas ng butihing Ginang. “Alam kong maiintindihan mo rin ang lahat, Veron anak,” nakangiting bigkas ni Ginoong Tolledo. Muling dumako ang tingin ni Veron sa maliit na kwadernong hawak. Kumg titingnan ay may kalumaan na ang aklat na iyon ngunit halatang iningatan at inalagaan sa loob ng ilang taon. Kulay ginto at pilak ang pangunahing kulay ng pabalat ng kwadernong iyon. At nang buksan ni Veron ay k
NANINIWALA NA SI Veron na ang masamang damo ay matagal mamatay. Napatunayan niya iyon sa kalagayang natamo ni Mr. Thurn dahil nakikipaglaban pa rin ang katawan nito mula sa tadtad ng balang natamo mula sa sariling pamangkin. Hindi niya akalaing mabubuhay pa rin ang matanda sa kabila ng lahat ngunit ipinagpapasalamat pa rin iyon ni Veron dahil may pagkakataon siyang matunghayan kung paano nito pagbayaran ang mga kasalanan sa piitan kung sakaling gumaling na ito. Ang buong Gem Secret Agency Association ang nagpagamot sa tatlong importanteng tao na lubhang naapektuhan ng sagupaang naganap. Sina Mr. Thurn, Skyler at higit sa lahat ay si Ynzo. Buong akala ni Veron ay maayos na ang kalagayan ni Ynzo dahil dadalawang bala lang naman ang natanggap nito ngunit laking kaguluhan ng lahat nang mawalan ng malay tao ang kaniyang asawa habang dinadala ito sa ospital. Unang naisip niya ay umaarte lang ang lalaki ngunit napatunayan iyon nang maramdamang halos humina na ang pintig ng pulso nito nang
NAG-UNAHANG MAGLANDAS ANG masaganang luha sa mga mata ni Veron. Hindi alam kung sino sa dalawang lalaki ang unang dadaluhan. Nang mapadako ang kaniyang paningin kay Mr. Thurn, tahimik na itong nakahiga sa lupa habang naliligo sa sarili nitong dugo. Nakapikit na rin maging ang mga mata nito. “W—Wifey...” Ang katagang iyon ay tila isa lamang ungol dahil sa hirap ng paghinga ni Ynzo. Kaagad na dinaluhan ni Veron ang asawa. “Go... T—Talk to h—him...” paanas nitong pakiusap. Lumatay ang pag-aalinlangan sa mukha ni Veron ngunit ang mukha ni Ynzo ay nagpapakita ng pagiging determinado. Nais nitong kausapin niya si Skyler ngayon mismo. Ginawaran ni Veron ng marahang halik sa labi si Ynzo bago ito inilapag ng dahan-dahan sa lupang nalalatagan ng mga tuyong dahon at sanga ng mga punong-kahoy. “I’ll be right back, Hubby. Just hold on and don’t leave me,” mahigpit na bilin dito ni Veron. Tanging ngiti lamang ang naitugon ni Ynzo. Kaagad na dinaluhan ni Veron si Skyler na kagaya ni Mr. Th
“CAN YOU PLEASE slow down, Wifey?” malakas na pakiusap ni Ynzo kay Veron nang halos paliparin na nito ang pagpapaandar ng motorsiklo sa gitna ng kakahuyan. “I have no time to slow down, Ynzo! Makakalayo na ang mga hayop na ’yon!” ganting sigaw niya. Napakalapit lang naman nila sa isa’t isa at halos magkayakapan na nga ngunit nagagawa pa rin nilang magpalitan ng malakas na sigaw para mag-usap. Para kay Veron ay masyadong bingi si Ynzo kaya niya nagagawa ang bagay na iyon. “I hate you for being a spoiled brat and being a ‘headaches of all’,” turan ni Ynzo. “But still I don’t have a choice but to love you more.” Nagkasalubong naman ang mga kilay ni Veron nang dahil sa narinig. Sa gitna ng napakadelikadong sitwasyon, nagagawa pa rin nitong magpakawala ng ganoong klase ng salita. “Ano na naman ang ginawa ko?” Napailing pa siya habang kunot-noong nakatingin sa dinadaanan. “There! Iyang mga biglaang kilos mo! Hindi mo alam kung paano nahulog ang puso ko nang makita kitang nakatayo sa i