“Baliw! May ipapasuot kasi ako sa ’yo. Tigil-tigilan mo nga ’ko sa mga iniisip mong ’yan!” bulyaw ni Veron. “Kung puwede nga lang na magsuot ka ng swimsuit ay baka pinagawa ko na. At saka marami na akong nakitang ganyan, wala namang pinagkaiba at pare-pareho lang naman ng hitsura!”
“Anong pare-pareho? Magkakaiba kaya ang sukat ng mga ’yon!” mabilis na pagkontra ni Ynzo.
“Ano ba kasi ang tinutukoy mo?” tanong ni Veron na ikinatigil ni Ynzo at biglang namula ang buo niyang mukha.
“Teka, ano rin ba ang tinutukoy mo?” natitigilan ring tanong ng lalaki habang pulang-pula pa rin ang mukha hanggang sa puno ng tainga.
Hinagisan siya ng unan ni Veron. “Bilisan mo nang magbibis! ’Yang utak mo, ipalinis mo!” sigaw pa nito.
Tatawa-tawa namang tumungo sa walk-in closet si Ynzo upang magbihis.
“Huwag kang sisilip, ha!” sigaw pa ng lalaki na ik
HINDI MAKAPANIWALA SI Ynzo nang makita ang sarili sa harapan ng salamin. Kung hindi lang dahil sa suot niyang boxer shorts at puting sando ay hindi talaga siya maniniwalang ang sarili nga ang nakikita niyang repleksyon doon.“Wait lang, Hubby. Suotin mo muna ’tong contact lens,” halos humiyaw nang utos ni Veron habang nilalagyan ng contact lens ang mga mata ni Ynzo. “Tumingin ka lang kasi sa itaas,” utos pa nito.Sinunod naman niya ang utos ng asawa. Para sa katulad niyang hindi pa nakararanas na makapagsuot ng contact lens ay sadyang masakit lang sa mata kapag sa unang subok.“There,” natutuwang bulalas ni Veron habang kumikislap ang mga matang nakatitig sa kaniya. “Damit na lang ang kulang at tapos na ang ‘totally make-over ni Ynzo Abraham ala-Veron Stacey Santibañez’!” proud na proud pang sigaw nito.“Tolledo, Wifey. Kulang ng apelyido ko ang buong pangalan mo,” dugton
“PUWEDE BA, MAGDAHAN-DAHAN ka naman?!” saway ni Veron sa asawa nang magsimula na silang kumain.Tututol pa sana ito na mag-shave muna ng kilikili kanina dahil sa labis na pagkagutom pero tinakot ito ni Veron na hindi makakakain kapag nagmatigas pa rin. Kung kaya’y walang ibang nagawa si Ynzo kundi ang sundin ang nais ng babae. Makakain lang siya ng magana ngunit kabaliktaran pala iyon sa inaakala niya.“Isa! Gumamit ka ng kutsara at tinidor habang kumakain at dahan-dahanin mo!” muli ay saway ni Veron habang pinandidilatan ng mga mata ang lalaki.Kaagad namang natigilan si Ynzo mula sa sunod-sunod na pagsubo ng pagkain.“Ano bang gusto mo? Kanina pa ako nagugutom, so what would you expect?” Halos mabulunan nang tugon ni Ynzo dahil sa dami ng pagkaing nginunguya sa kaniyang bibig.“’Yan! Isa pa ’yan! Huwag kang magsasalita na may laman ang bibig mo! Umayos ka!” Halos hindi na malaman p
ISANG TSINITA AT SEXY’ng babae ang pakendeng-kendeng na pumasok sa loob ng isang disco club. Halos lahat ng kalalakihang madadaanan nito ay halos mapalingon sa angkin niyang kagandahan. Lalo na’t bagong mukha ang nakikita nila ngayon.Pumailanlang ang pagsipol at sitsit ng mga kalalakihan sa tuwing malalampasan ni Ynzo Abraham habang pakendeng-kendeng na naglalakad. Maarte ang bawat pagkilos niya at pasimpleng hinahanap ng paningin kung saan ba naroroon ang kaniyang Ninong na si Mr. Thurn.Muli siyang inayusan ni Veron bago umalis at higit siyang gumanda ngayon kumpara kanina. Nagpalit na rin siya ng kasuotan na ngayon ay kulay itim na ngunit revealing pa rin ang kinalabasan. Maikli lang ang palda ng suot niya at halos makita ang suot niyang panloob. Veron insists na magsuot siya ng undergarments na pangbabae. Labag man sa kalooban ay pumayag na rin siya. Mahirap na dahil baka masilipan pa siya at makitang boxers ang suot niya, siguradong malalagot sila. Ki
“PUWEDE BA, WIFEY, maupo ka muna? Kanina ka pa palakad-lakad diyan, e,” reklamo ni Ynzo dahil sa paglakad ni Veron ng paroon at parito.“Kanina ko pa kasi hinihintay na tumawag ang demonyo. Magtatanghali na pero hindi pa rin siya tumatawag. Talaga bang nailagay mo sa bulsa niya ang papel na may contact number mo?” nagdududang tanong ni Veron.Nakita niya rin naman ang eksenang iyon pero nag-aalala talaga siya dahil baka naiwala o naihulog iyon ni Mr. Thurn kung kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag.Maya-maya lang ay tumunog ang telepono sa sala ng kanilang bahay. Halos takbuhin ni Veron iyon at dali-daling sinagot na ipinagtaka naman ni Ynzo.“Hello?” she asked excitedly.“Veron, Anak! May gagawin ka ba ngayon? Let’s go shopping!” kaagad na bungad ni Ginang Tolledo mula sa kabilang linya.Bigla ay nanamlay ang buong mukha ng babae at bagsak ang mga balikat na napabuntong-hin
“I MISS YOU SO MUCH, Darling!” bigkas ni Mr. Thurn at hinila sa bandang baywang si Ynzo.Napatili naman siya nang bumagsak siya sa kandungan ng matanda. “Ay! Ano ka ba? Ginugulat mo ’ko, e!” pagtili niya at mahinang tinampal sa braso ang matanda.Narito sila ngayon sa loob ng isa sa mga mamahaling silid ng Charizza Luxuriant Hotel. Ang balak sana nina Ynzo at Veron ay unahan sa naturang hotel si Mr. Thurn upang mahuli sa patibong nila ngunit nang makarating sa loob ng naturang silid si Ynzo ay nagulat siya nang bigla na lang siyang yakapin ng matanda saktong pagpasok pa lang niya sa pinto. Mabuti at hindi niya kasama si Veron nang mga oras na iyon dahil paniguradong nabulilyaso na sila.“Sh*t! Ang talino ng demonyong ito!” bigkas ni Veron mula sa kabilang linya.May nakakonekta nang hearing device via phone patch sa mga tainga ni Ynzo upang marinig niya ang ibang iuutos ng babae. Nasa ibaba lang ng naturang hotel
HALOS PAGPAWISAN si Veron ng malapot nang masubok ang kakayahan ni Mr. Thurn. Bawat pagsuntok at pagsipa niya ay halos nasasalo ng matanda ngunit minsan ay sinuswerte rin siyang matamaan ito at ganoon rin si Veron. Mabuti at natauhan si Ynzo at kumuha ito ng pepper spray mula sa suot na bag at hindi inaasahang i-spray sa mga mata ng matanda. Nagpakawala kasi ang matanda ng isang malakas na suntok at nasalo ni Veron ang kamao nito, saktong nag-spray si Ynzo sa direksyon ng matanda na nagulat na napalingon sa kaniya. Ang pepper spray kasi na iyon ay hindi ordinaryo lamang sapagkat kaya niyong makapag-spray kahit na dalawang metro man ang layo ng target. Napahawak sa mga mata si Mr. Thurn at ninakaw nila ang pagkakataong iyon upang makatakbo palabas. Maya-maya lang ay nagsidatingan ang mga tauhan ng matanda na pawang mga nakaitim na suit. “Hulihin ninyo ang dalawang iyon! Patayin ninyo hanggat maaari!” nanggagalaiti sa galit na utos ni Mr. Thurn. M
UMALINGAWNGAW SA BUONG PALIGID ang mga nabasag na kagamitang babasagin at nagkapira-piraso ang mga iyon sa sahig. Halos magsitago ang mga tauhan ng nanggagalaiting si Mr. Thurn. Hindi niya akalaing muntik na siyang maisahan sa pagkakataong iyon. Ilang taon na ba siyang nag-iingat mula sa mga hindi kilalang kalaban? Hindi lang ito ang unang beses na may magtangka sa buhay niya. Hindi na maraming beses at ngayon lang siya nakakita ng taong halos makasabay sa bawat galaw niya. “Who the f*ck is that traitor?!” sigaw ng matanda at muling nanghablot ng mas malalaking kagamitan at itinapon iyon sa sahig at ang iba ay hinagis sa dingding. “Ang lalakas ng loob ninyo, mga hunghang!” Natigilan si Mr. Thurn sa pagwawala nang biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa niya. “Boss, patay na po ang mga nagtangka sa buhay ninyo,” bungad ng tauhan mula sa kabilang linya. “Paano mo nasisiguro?!” sigaw pa niya rito. “E kasi, Boss. Nahulog ho sa tu
CHAPTER THIRTY-SIXPAGOD NA PAGOD sila nang makauwi ng bahay. Sa mismong bakuran ng kanilang bahay sila dinala ng kanilang specialize parachute nang makitang halos tulog na ang mga tao sa buong paligid.Halos mamangha si Ynzo Abraham nang mapansin ang chopper motorcycle ni Veron na nasa labas na ng kanilang gate at nakaparada samantalang pababa pa lamang sila mula sa parachute nito.“Grabe, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala d’yan sa motorsiklo mo,” bigkas ni Ynzo nang makababa na sila.Kinuha ni Veron ang kaniyang chopper motorcycle na nakapatay na ngayon ang makina at dinala papasok ng bahay. Si Ynzo naman ay tumulong rin sa pagtutulak nito dahil sa bigat ng naturang sasakyan.“Grabe! Ang bigat naman nito!” bulalas ng lalaki at nag-inat pa ng katawan pagkatapos.Siniyasat ni Veron ang kabuuan ng moto