Share

Chapter 19: Allergy

BUONG AKALA NI Veron ay makakapagpahinga siya kapag nakarating na sila sa nirentahang silid ngunit laking gulat niya nang sumalubong sa kaniya ang malaking silid na may nag-iisang kama. Maganda iyon at eleganteng tingnan ngunit hindi niya akalaing iisang kama lang ang naroroon upang matulugan. May malambot at mahabang sopa naman sa harap ng maliit na sala set ngunit iba pa rin ang pakiramdam kung sa kama ka magpapahinga.

Bahagyang nag-unat ng katawan si Ynzo pagkapasok nila sa loob. Kaagad itong humikab at dire-diretsong tumungo sa kama at hinagis roon ang sarili.

“Grabe, ang lambot naman nito. Napakasarap sa pakiramdam,” nakapikit na bigkas niya. Biglang bumalikwas ng bangon si Ynzo. “Siya nga pala. At dahil ako ang nagbayad ng silid na ito, ako ang dapat na matulog sa kama. Ito ay pagmamay-ari ko na.” Matapos niyon ay niyakap ni Ynzo a

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status