Inabala ni Veron ang sarili sa pagdidilig ng mga halaman at bulaklak sa hardin. Minsan ay parang natutuwa siyang mag-gardening gawa ng maganda at pagkakaayos ng mga landscape. Alam niyang naglaan ng gardener ang ina ni Ynzo upang mapaganda ang labas ng kanilang bahay. Natutuwa talaga siyang titigan ang mga rosas at orchids na naroroon. Halos mapuno rin ng namumulak na orchids ang mga punong nasa paligid ng buong bahay.
Simple lang ang pagkakaayos niyon. Mula sa tarangkahan ay makikita mo na kaagad ang naggagandahang bulaklak mula sa labas ng bahay. Iba’t iba ang kulay ng mga rosas roon na minsan lang rin niyang makita gaya ng kulay dilaw at bahaghari na rosas. Sa gitna ng hardin ay naroroon ang maliit na fountain kung saan ay umiilaw iyon ng iba’t ibang kulay tuwing gabi. Sa ibaba ng fountain naman ay nagsisilanguyan ang iba’t ibang klase ng isda gaya ng gold fish at iba pa.
HALOS MAMILIPIT si Ynzo sa katatawa nang makaalis sa bahay nila ang kaniyang mga magulang. Naging abala naman si Veron Stacey sa pakikipag-usap sa telepono habang panay naman ang pagkuwento ni Ynzo ng mga nangyari kung bakit napagkamalan ng mga magulang niya na buntis si Veron.Hindi namalayan ni Ynzo ang mabilis na mga kilos ni Veron habang nag-aayos. Naging abala siya sa paghalakhak habang hawak-hawak ang tiyan.“Akalain mo ’yon, nasuka ka lang naman dahil wala kang kinain. ’Yong tungkol naman sa pagkain ng chicken joy ni Jollibee sadyang pinahirapan mo lang ako no’n, e. Hindi talaga ako makapaniwalang mapapaniwala natin sila sa mga ganoong bagay,” patuloy na pagkuwento ni Ynzo habang abot na yata sa mga kapitbahay ang lakas ng kaniyang pagtawa. “At saka, iyang pagiging antukin mong ’yan, kasalanan ng nobyo mo &
Halos lamukin na si Ynzo Abraham sa kahihintay kay Veron Stacey na dumating mula sa kung saan kung kaya’t muli siyang pumasok sa loob ng bahay upang magtimpla ng kape. Maghapon na yata siyang tumambay sa hardin at halos makabisado na niya ang lahat ng anggulo ng maliit na fountain. Maging ang mga isdang tahimik na lumalangoy roon ay nabulabog na rin niya at naisa-isa na rin yata niya ng siyasat ang mga namumulaklak na bahagharing rosas ngunit wala pa ring dumadating na Veron Stacey Santibañez–Tolledo. May ideya na rin naman siya kung sino ang kasama nito ngunit naiinis pa rin siya dahil hindi man lang nagawa ng babaeng magpaalam sa kaniya kung lalabas ba ito o hindi. Kinikilala ba talaga siya nito bilang asawa kung ganyang aalis lang ito ng bahay nang basta-basta? Halos pinagmukha siyang tanga sa kahahanap rito tapos malaman-laman niya ibang lalaki naman ang kasama nito. Alas-siyete na ng gabi ay hindi pa rin nakauuwi ang babae at nagsisimula na siyang kabahan. Paano
NANG MAKAPASOK na sa loob ng bahay ang mag-asawa ay siya namang pag-akyat ng galit at inis sa buong sistema ni Veron. Bakit kailangan ni Ynzo na umakto ng gano’n? Kailangan ba talagang makipagsuntukan para lang maipakita ang maling nagawa niya? After all, alam ni Ynzo na may nobyo siya’t wala sa kontrata ang magselos ito sa kanilang dalawa. O selos ba talaga ang nag-udyok ng galit nito?Nang masiguro ni Veron na nakaalis na ang sasakyan ni Skyler ay saka niya hinarap ang asawa. Asawa niya sa kontrata. Hindi niya akalaing mahirap pala itong sitwasyong pinasok niya makapaghiganti lang sa hayop na pumaslang sa kaniyang mga magulang.“Why are you acting like that?!” Mataas na ang boses ni Veron nang tanungin iyon.“Acting like that?! Ako pa talaga? Sino ba itong aalis ng bahay na hindi man
Halos manlaki ang mga mata ni Ynzo Abraham habang sinusundan ang bawat kilos ni Veron Stacey. Kumuha lang ito ng iilang gamit sa kuwarto at tanging itim na leather backpack lang ang bitbit palabas ng silid. Nakasabit sa balikat ng babae ang isang leather jacket at bigla siyang tinitigan nang makalabas.“Ano? Magbibihis ka pa ba o aalis na tayo?” tanong pa nito na ikinagulat niya.“Seryoso ka? Ngayon na agad? Papa’no naman tayo makakabiyahe sa ganito ka dis oras ng gabi?” tanong ni Ynzo.Napangisi si Veron sa naging tanong niya.“Bilisan mo na at ako na ang bahala sa ’yo. Panindigan mo ’yang mga sinabi mong magkasama tayo lagi, ha. Dahil kung may misyon ako, may misyon ka na rin. Kung makikipag-away ako ay makikipag-away ka rin. At kung mamamatay ako aba’y kasama ka na rin. Tutal ikaw naman ang may gusto nito, ’di ba? Kaya bilisan mo na.” Halos panlakihan ng mga mata ni Veron si Ynzo dahil s
BUONG AKALA NI Veron ay makakapagpahinga siya kapag nakarating na sila sa nirentahang silid ngunit laking gulat niya nang sumalubong sa kaniya ang malaking silid na may nag-iisang kama. Maganda iyon at eleganteng tingnan ngunit hindi niya akalaing iisang kama lang ang naroroon upang matulugan. May malambot at mahabang sopa naman sa harap ng maliit na sala set ngunit iba pa rin ang pakiramdam kung sa kama ka magpapahinga.Bahagyang nag-unat ng katawan si Ynzo pagkapasok nila sa loob. Kaagad itong humikab at dire-diretsong tumungo sa kama at hinagis roon ang sarili.“Grabe, ang lambot naman nito. Napakasarap sa pakiramdam,” nakapikit na bigkas niya. Biglang bumalikwas ng bangon si Ynzo. “Siya nga pala. At dahil ako ang nagbayad ng silid na ito, ako ang dapat na matulog sa kama. Ito ay pagmamay-ari ko na.” Matapos niyon ay niyakap ni Ynzo a
NAPAINAT AT HUMIKAB pa si Veron nang magising. Nagtaka siya nang makita ang sarili na nakahiga sa malaki at malambot na kama. Hindi ba’t sa sofa siya nahiga kagabi? Kaya pala masarap ang tulog niya ay dahil doon. Nakabalot pa ng makapal na comforter ang buo niyang katawan.Kinabahan siya nang maisip na baka tinabihan niya nang hindi namamalayan si Ynzo. Nang hanapin niya ang lalaki ay nakita niya itong nakahiga sa sofa. Pilit pinagkakasya ang sarili sa sofang naroroon. Kahit mahaba at malambot ang sofa na iyon ay tila balewala ang haba niyon sa laki ng katawan ni Ynzo. Binuhat ba siya nito kagabi upang mailipat ng higa sa kama?Napangiti ng lihim ang babae ngunit natauhan rin nang makita ang eleganteng orasan sa dingding. Alas-tres pa lang ng madaling araw at heto’t gising na gising na ang diwa niya.Sak
HINDI NA MAIPINTA pa ang mukha ni Veron nang makauwi sila ng Maynila mula sa napurnadang misyon sa Boracay. Matapos ang kapalpakang ginawa ni Ynzo ay naiinis na nilisan nila ang isla at ura-uradang umuwi. Tila ba nabalewala ang lahat nang dahil lang sa isang maling hakbang ng tatanga-tanga niyang asawa. Muntik pa nga niya itong iwan sa islang iyon kung hindi lang siya nakapagigil.Ang nakakainis pa sa lahat ay tila ba inosente ito sa lahat ng nagawa. Para bang hindi alam ni Ynzo ang lahat ng kapalpakang ginawa niya sa lahat ng mga naging plano.“I told you not to trust other people other than yourself,” naiinis nang bigkas ni Agent Blue mula sa kabilang linya nang sabihin niya rito ang lahat. Tila ba labis na nadismaya ang lalaki dahil sa hindi pagtatagumpay ng kanilang plano. “Alam mo, sobra na ang tiwala ko sa ’yo, e. Mapagtatagumpayan
“Ang totoo niyan ay balak ko talagang maghanap ng pakakasalan noon sa party ng intsik na iyon. Kaso lang ay lahat ng babaeng naroroon ay may motibo at pagtingin sa akin. Kitang-kita ko iyon sa mga mata nila na sabik na sabik sa maganda kong pangangatawan at guwapong mukha,” dugtong pa ng lalaki.Halos maiikot ni Veron ang mga mata sa ere nang marinig iyon. Akala niya’y magseseryoso na si Ynzo ngunit hindi na yata mawawala sa sistema ng lalaki ang kayabangan at kahanginang taglay.“Sa dinami-dami ng babae sa party na iyon ay ikaw lang ang bukod tanging hindi nagtapon ng tingin sa akin kung kaya’y nangako ako sa sarili ko na kung may babae man akong hihilahin para pakasalan ay ikaw ’yon,” seryosong turan ni Ynzo na ikinairap niya.“Hindi ako interesado sa parteng ’