Home / Romance / My Vengeful Wife / Chapter 3.1: The Offer

Share

Chapter 3.1: The Offer

Author: Blissy Lou
last update Huling Na-update: 2022-02-04 17:10:05

Gigil na gigil si Veron Stacey sa galit dahil sa nabulilyaso niyang plano. Matagal niyang pinaghandaan na makuha at pahirapan ang kriminal na pumaslang sa sariling mga magulang ngunit hindi niya akalaing sa isang lalaking baliw lang masisira ang lahat.

“Hey, cool down, Agent Stans. May susunod na pagkakataon pa naman,” pagpapakalma sa kaniya ni Agent Blue mula sa kabilang linya. Ramdam niya rin sa tinig ng kaniyang partner ang pagkadismaya dahil sa hindi pagtatagumpay ng kanilang mga plano.

“I know, you’re disappointed, too. Matagal natin itong pinaghandaan, Agent Blue. Puwedeng-puwede kang mawalan ng trabaho oras mismo dahil sa pagli-link mo ng mga confidential information na dapat ay hindi mo ginagawa. Pero sa isang iglap lang ay mawawala na parang bula ang lahat ng pinaghirapan natin nang dahil lang sa siraulong ’yon!” Nanggagalaiti sa galit si Veron Stacey nang sabihin iyon.

Kung hindi ba naman isa’t kalahating tanga ang lalaking iyon, sa dinami-rami ng naggagandahang babae sa pagtitipong iyon ay siya pa ang naisipang lapitan at guluhin. At ano raw ang sabi ng gunggong na iyon?

‘Will you marry me?’

Ang totoo ay natigilan siya dahil sa mga katagang sinabi ng kupal na iyon. Sa taglay nitong kaguwapuhan ay hindi niya akalaing may sapak sa ulo ang taong iyon. Hilaw tuloy siyang natawa.

Baliw ngang talaga ang taong lalapit sa taong hindi niya naman lubusang kilala at yayayain na lang bigla ng isang kasal sa kalagitnaan ng pagtitipon.

Hindi niya alam kung anong nakain ng lalaking iyon para guluhin ang buhay niya ng gano’n.

“Try to search some information about that ‘Ynzo Abraham Tolledo’,” wala sa sarili niyang utos kay Agent Blue.

Oo, tinandaan niya talaga ang pangalan ng garapatang iyon. Wala, e. Nabubuwesit siya.

“What for?” tila nagtatakang tanong ng kausap mula sa kabilang linya.

“Incase of emergency and payback time surrounds me, I need a bullet for that insane,” sagot niya na lang.

“You think, na magtatagpo muli ang landas ninyo?” Out of nowhere ay tanong rin ni Agent Blue.

“I don’t think so. Pero kung sakaling magtagpo ulit ang landas namin. Please prepare what I’m asking for. His credentials and information.” Pagtatapos ni Veron at hindi na pinakinggan pa ang anumang dapat sana’y sasabihin ng kausap sa kabilang linya. Madalas talagang umatake ang katigasan ng ulo niya.

NASA LOOB NG isang coffee shop si Veron na mag-isang nakaupo at nakaharap sa laptop habang panaka-nakang sumisimsim ng kape. Maalinsangan ang panahon ng mga oras na iyon kung kaya’t naisipan niya munang uminom ng paborito niyang kape habang panay ang pag-stalk sa mga taong maaaring magkaroon ng koneksyon kay Mr. Thurn—ang taong hinahanap niya. Mas feel niya lang talagang tawagin itong demonyo, kriminal o ano pa man kaysa sa Mr. Thurn na gamit nitong pangalan. Para sa kaniya ay may pangalan pa kaya itong dapat na ingatan kung tinalo pa nito si Satanas sa dami ng nagawang kasalanan?

Abala si Veron sa ginagawa kung kaya’t hindi niya kaagad napansin ang pag-upo ng isang lalaki sa kaniyang harapan o sadyang magaling lang ang lalaki na itago ang presensya mula sa ibang tao.

Nang iangat ng babae ang kaniyang paningin ay bumulaga sa kaniya ang abot-taingang ngiti ng siraulong mukhang garapatang sumira ng mga plano niya. Heto’t ang kapal ng mukhang humarap sa kaniya na may abot langit na ngiti. Baliw ngang talaga.

“Hello, gorgeous,” bati nito na ikinangisi ni Veron.

“Hey. How was your—” Sinadyang putulin ni Veron ang dapat sana’y tatanungin niya nang maalala ang huli niyang ginawa sa lalaki nang gabing iyon.

Tila naunawaan nito ang tanong na tumatakbo sa kaniyang isipin. “I have to see a doctor. Baka hindi kita maanakan ’pag tuluyan mong nabasag ang pinakaiingatan kong itlog.” Halos manlaki ang mga mata niya sa sinabi nito at nagpaskil pa ito ng mapanuksong ngiti sa mga labi.

‘Napakabastos talaga ng baliw na ito.’ Nanggigigil na sigaw ng kaniyang isipan.

Ngani-ngani niyang sasampalin ang lalaki ngunit kinontrol na lang niya ang sarili.

“So, pakakasalan mo na ba ‘ko?” ungkat ng lalaki na ikinailing niya. Marahil ngayon ay masasanay na siya sa gawain ng baliw na ito.

“At bakit naman?” Walang kagana-gana niyang tanong.

“Dahil guwapo ako at ikaw lang ang tanging babaeng nakita ko na hindi maghahabol sa akin pagdating ng tamang panahon,” dire-diretsong sabi pa ni Ynzo.

Napataas ang isa niyang kilay dahil sa sinabi nito. Pabor siya sa sinabi nitong hindi siya maghahabol pero iyong salitang ‘guwapo’ ay mukhang napulot lang kung saan.

“Pakasalan mo na ’ko para naman makuha ko na ang mamanahin ko mula kina Mommy at Daddy. You know, I need a lady na dapat kong ipakilala sa kanila bilang bride,” dagdag pa nito nang walang makuhang tugon mula sa kaniya.

Nagugulat na lang si Veron sa mga katagang lumalabas sa bibig ng lalaki. Akala mo’y matagal na siyang kakilala. Ibang klase talaga.

“At bakit ako?” Magkasalubong ang kilay na tanong niya.

“Kasi maganda at sexy ka. Dapat akong magpakilala ng babaeng puwede kong i-display at babagay sa guwapo kong mukha,” bigkas nito sabay himas ng baba na tila ba may malalim na iniisip. Abnormal talaga. “Bukod doo’y mukha ka namang matalino at hindi tanga. At alam kong hindi mo ako pipikutin pagdating ng araw.”

Hindi na naintindihan pa ni Veron ang mga sinasabi ni Ynzo dahil may napansin siyang bulto ng tao mula sa loob ng opisina ng naturang coffee shop. Pamilyar sa kaniya ang tindig na iyon na sinusundan ng mga nakasuot ng purong itim na mga kalalakihan.

Napatayo si Veron Stacey mula sa kinauupuan nang matanaw sa labas ng glass na dingding ang matandang lalaki. Akma niyang hahabulin ang mga ito nang hawakan ni Ynzo ang braso niya.

“Sandali naman. Nagpapaliwanag pa ako dito e,” pigil sa kaniya ng baliw na binata.

Natanaw niya ang pagsakay ng mga ito sa itim na mga sasakyan at dire-diretsong umalis. May oras pa siya para mahabol ang demonyong iyon.

Kaagad niyang inagaw ang mga braso sa binata at tinungo ang sariling sasakyan. Sinimulan na niya iyong paandarin nang may mapansin. Butas ang apat na gulong ng kaniyang sasakyan at wala nang hangin.

Natanaw niya sa labas ng sasakyan si Ynzo na ngiting-ngiti sa kaniya.

“Gusto mo, ihatid na kita? I can offer you a ride even for a lifetime,” ngiting-ngiti ng wika nito na ikinainit ng kaniyang ulo. Ito ba ang bumutas ng mga gulong ng sasakyan niya? Sinundan ba siya nito rito para lang buwisitin?

Halos mapasuntok sa manibela ng sasakyan si Veron dahil sa nararamdamang pagkadismaya at inis. Kung minamalas ka nga naman, oh.

Mabuti na lang at pinuntahan siya kaagad ni Skyler nang tawagan niya ang kaniyang nobyo na tumungo sa coffee shop kung saan nasiraan kuno siya ng sasakyan, kaya’t nakalayo siya pansamantala sa baliw na lalaking iyon. Wala siyang pakialam kung nakabusangot man ito nang iwan niya pagkarating ng kotse ng nobyo. Naitanong pa nga ni Skyler kung sino ang lalaking iyon na kasama niya. Sinagot na lamang niya na 'mamang namamalimos ng aruga' na ikinakunot-noo ng nobyo. Kahit na ganoon ay ipinagkibit-balikat na lamang iyon ni Skyler. Mukha naman kasi talagang naligaw lang.

Kahit na pumalpak si Veron at hindi kaagad nasundan ang demonyong iyon ay natuwa pa rin siya dahil nakasama niya ang lalaking minamahal ngayong araw. Katulad niya ay abala rin kasi ito sa buhay-buhay. Lalo pa sa pinapatakbo nitong farm o manggahan na ang lokasyon ay sa probinsya ng Quezon, kung saan ito lumaki. Nagkataon na nasa Maynila ito ngayon dahil may kinausap na kliyente. Nakipagkuwentuhan siya kay Skyler hanggang sa maihatid siya nito sa bahay.

Kaugnay na kabanata

  • My Vengeful Wife   Chapter 3.2: The Offer

    Sana lang ay lubayan na si Veron Stacey ng kamalasan ngayon dahil ilang beses na rin silang nagkatagpo ng baliw na lalaking iyon at lahat ng plano nila’y pumalpak lahat. Ngayon nga ay naririto siya sa loob ng isang Chinese Restaurant at matamang sinusubaybayan ang taong sakay ng itim na sasakyan sa labas. Walang ibang laman ang mesang inookupahan niya kundi ang isang kopita ng wine na nilagyan niya ng pampatulog. Ayon kay Agent Blue ay paborito itong restaurant ng hayop na ’yon at isinisilbi rin dito ang pinakapaborito nitong wine na madalas nitong isadya sa naturang restaurant. Kung kaya’t tuwing lunes ay sa restaurant na ito ang lagi nitong destinasyon para lang matikman ang alak na bukod tanging sila lamang ang nagsisilbi. “Are you ready?” narinig ni Veron na tanong ni Agent Blue mula sa kabilang linya. “Aha!” tanging tugon niya na naintindihan naman ng kausap. Handang-handa na siya para sa planong ito. Natanaw na

    Huling Na-update : 2022-02-05
  • My Vengeful Wife   Chapter 4.1: The Agreement

    Pinag-isipang mabuti ni Veron Stacey ang naging alok ni Ynzo Abraham. Pakakasalan niya ang lalaki kapalit ng pera at koneksyon na pinaka-kailangan niya upang makapaghiganti. Kung tutuusin ay magiging madali sa kaniya ang lahat kung may koneksyon at salapi siya upang mapalapit sa demonyong iyon. Lalo pa’t ang malamang malapit si Ynzo sa taong iyon ay tila ba abot-kamay na niya ang hustisyang ninanais. Ngunit papaano na ang lalaking minamahal niya ngayon? Ano na ang mangyayari sa kanila sa oras na magpakasal siya?Kaya naisipan niyang makipagkita kay Ynzo upang makausap ang binata hinggil sa desisyon niya. Madali lang makuha ang contact number nito, knowing Agent Blue ay expert na ito sa lahat ng bagay lalo na kung impormasyon ang hihingiin mo sa kaniya. He’s the best hacker and genius that she ever known.Kaagad na bumungad sa entrance ng isang restaurant ang lalaking may abot-taingang mga ngiti. Tila monggoloid na kanina pa pangiti-ngiti habang papalapit sa

    Huling Na-update : 2022-02-07
  • My Vengeful Wife   Chapter 4.2: The Agreement

    LABIS ANG NARARAMDAMANG kaba ni Veron Stacey nang sabihin ni Ynzo na nais siyang makilala ng mga magulang nito. Nagsuot siya ng isang pormal na kulay asul na casual dress. Hanggang tuhod ang haba niyon at simple lang ang pagkakatabas. Pinaresan niya ng kulay puting sandalyas at puting shoulder bag. Hinayaan na rin niyang nakalugay ang mahaba at alon-along buhok. Naglagay lang siya ng kulay puti at asul na clip sa gilid ng buhok bago lumabas ng bahay. Bahagya siyang nagulat nang may bumusinang sasakyan sa tapat ng bahay niya. Isang kulay asul na kotse at sakay niyon ang lalaking hanggang ngayon ay baliw pa rin sa kaniyang paningin. Muntikan pa nga niyang makalimutan na binigay niya pala rito ang address ng kaniyang tinitirhang bahay. “Nice one, Hon. Para tayong nag-usap sa magiging suot natin, ah!” wika nito na ikinailing niya. Suot ni Ynzo ang isang kulay asul na long-sleeve polo at kulay puti ang panloob na white slacks ang pants. “I told Mom na ngay

    Huling Na-update : 2022-02-07
  • My Vengeful Wife   Chapter 4.3: The Agreement

    Nang makababa ay mabilis na nakipag-beso-beso ang mag-asawa sa dalawa. “So, you’re Veron Stacey, right? My son's soon to be wife,” abot-tainga ang ngiti ni Mrs. Tolledo nang banggitin iyon. Alanganin ang nagawang pagtango ni Veron. Dapat na ba niyang sanayin ang sarili na maging Mrs.Tolledo imbes na Mrs. Florendo? Hindi niya lubos maisip na maiipit siya sa ganitong sitwasyon makamit lang ang hinahangad niyang hustisya. “Mom, my girlfriend feels tired. Please let us eat first,” bigkas ni Ynzo upang mailihis ang atensyon ng ina. “Ay, oo nga pala. The food is ready. Come here, hija. Feel at home. Huwag kang mahihiya.” Todo aliw na bigkas ng ina ni Ynzo. Hindi makapaniwala si Veron sa mga nakikitang pagkain na nakalatag sa h

    Huling Na-update : 2022-02-07
  • My Vengeful Wife   Chapter 5.1: The Wedding

    Hindi makapaniwala sina Ynzo Abraham at Veron Stacey na maiisahan sila ng mga magulang ng binata. Ang buong akala nilang pagpapakilala pa lang at pormal na imbitasyon ay tila naging pamamanhikan na. Halos bukambibig ng mga magulang ni Ynzo ang araw ng kasal na pinlano at nais ng mga ito. Naglabas rin ng larawan si Mrs. Tolledo na kasama ang ina ni Veron noong kabataan pa nila patunay na totoo ngang mag-best friends ang mga magulang nila.“Ibang klase rin ang tadhana, ano? Sino ang mag-aakalang hindi pa tayo isinisilang e nakatadhana na ’agad tayo sa isa’t isa,” halos hindi makapaniwalang bulalas ni Ynzo, “Pero ’wag kang mag-alala, malabo rin namang magustuhan kita. I’m more than enough to be yours.”Bahagyang naitirik ni Veron ang mga mata. “Even me. Hinding-hindi ako magkakagusto sa childish na katula

    Huling Na-update : 2022-02-08
  • My Vengeful Wife   Chapter 5.2: The Wedding

    THE MOST AWAITED moment has been perpended. Ang araw ng pag-iisang dibdib nina Ynzo Abraham Tolledo at Veron Stacey Santibañez. Marami ang dumalo at gustong masaksikan ang kapanapanabik na araw na iyon. Ang pinakamasaya sa araw na iyon ay ang mag-asawang Mr. at Mrs. Tolledo na mangiyak-ngiyak pa habang inaakay ang dalaga papunta sa harap ng altar. At dahil wala nang mga magulang na maghahatid sa dalaga ay silang mag-asawa na rin ang boluntaryong gumawa niyon dahil anak na rin daw ang turing nila kay Veron.Punong-puno ang buong paligid ng mga mamahaling bulaklak at mga bonggang dekorasyon na pawang angkop sa kasal. Kulay pink at blue ang naging color motif nila na napagdesisyunan ni Mrs. Tolledo. Iyon raw kasi ang paborito nilang kulay ng bestfriend na si Veronica na dapat raw nilang gamiting motif sa araw ng kasal ng kanilang mga anak.Veron Stacey is n

    Huling Na-update : 2022-02-20
  • My Vengeful Wife   Chapter 5.3: The Wedding

    GINANAP SA ISANG beach hotel ang naturang reception ng kanilang kasal. Doon na rin ginanap ang paghahagis ng bouquet at garter kung saan ang bulaklak ni Veron ay nasalo ng isa sa mga katulong ng mga Tolledo at ang garter naman ay nasalo ng isa sa kaklase ni Ynzo noong high school. Nagkaroon ng tuksuhan dahil tila bagay para sa isa’t isa ang dalawang nakasalo. “Nagkakatotoo pa naman ang sinasabi ng iba na kung sino man ang makasasalo ng bouquet ng bride at garter ng groom ang siyang susunod na ikakasal,” anang masters of the ceremony ng programa. Nagsihiyawan ang mga tao sa paligid. Halos mamula naman ang mukha ng babaeng may hawak ng bridal's bouquet. Nasa gitna na ng stage ang babae habang nakaupo sa upuan at papunta na rin doon ang lalaking nakakuha ng garter. “Oh my gash! Ito na! Isusuot na ni future groom ang garter sa binti ni future bride,” kantiyaw ng tagapagsalita na sinegundahan naman ng iba. Tila nag-usap pa ang dalawa sa ent

    Huling Na-update : 2022-02-21
  • My Vengeful Wife   Chapter 6: First Night

    Labis na pagod ang naramdaman ni Veron nang araw ring iyon. Pagod na pagod ang puso at isipan niya para sa buong araw na kaganapan. Halos hindi matanggap ng buong sistema niya dahil sa labis na kapaguran. Kung puwede lang magpahinga ng habang buhay kaso ay hindi iyon maaari lalo pa at hindi pa siya nakapaghihiganti. Idagdag pa ang isipin patungkol sa relasyon nila ni Skyler Dave ay mas lalong sumasakit ang ulo niya. Ito ang tunggaliang mahirap panindigan. Mahirap ang tunggalian sa pagitan ng puso at ambisyon. Mahirap man pero kailangan niyang mapanindigan hanggang sa kahuli-hulihan. Pabagsak na inihagis ni Veron ang sarili sa king size bed ng hotel. Sa naturang beach hotel and resort na iyon din nila napagkasunduang mag-honeymoon dahil ayon sa agent partner ni Veron na si Agent Blue ay doon raw laging namamalagi si Mr. Thurn upang makapagliwaliw.

    Huling Na-update : 2022-02-22

Pinakabagong kabanata

  • My Vengeful Wife   Chapter 80 Finale

    SERYOSONG TINITIGAN ni Ynzo si Veron sa mga mata habang mahigpit na hawak ang mga kamay nito. Kung pupuwede lang matunaw sa mga titig ni Ynzo ay baka kanina pa natunaw na parang ice cream ang babae sa paraan ng pagkakatitig nito.“Today, in front of those we love, I give you my heart...” panimula ni Ynzo.Sa harap ng lahat ng mga mahal nila sa buhay, sa harap ng kaniyang mga magulang, kaibigan at mga kakilala ay buong katapatan niyang iniaalay ang puso kay Veron mula sa araw na ito.“I give it without hesitation, sure that it will be bruised at times by the chaos of life but sure also that it will know joy...” Madamdaming pagpapatuloy ni Ynzo.Hindi siya sigurado sa magiging takbo ng panahon at siguradong uulanin sila ng tukso at mga pagsubok sa buhay ngunit sisiguruhin niyang liligaya ang babae sa piling niya.“I give it without expectation or cost, for that is the only way it can truly belong to another. I give it only with hope, only with love, and only with joy that from this day

  • My Vengeful Wife   Chapter 79

    HALOS PAGTALUNAN PA nina Ynzo at Veron kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Oo nga at ikinasal na sila noon ngunit iba pa rin ang sitwasyon nila ngayon. Tila balewala sa kanilang dalawa ang preparasyon para sa pag-iisang dibdib nila noon kumpara ngayong may damdamin na silang dalawa para sa isa’t isa. “I want a church wedding, Wifey. Iba pa rin ang may basbas tayo at pagpapala mula sa Poong Maykapal,” pagdesisyon ni Ynzo habang kausap ang asawa. Bahagyang umiling si Veron bilang tugon. “No. I won’t let that happened, Hubby. Church wedding na ang naganap nating kasal noon. Napaka-boring naman yata kung ganoon ulit ngayon. Iba talaga ang pakiramdam kung bago ang venue at dekorasyon ng buong paligid. I insists for a garden wedding,” pagtatapos na tugon ni Veron habang nakikipagtitigan kay Ynzo. Napabuntong-hininga naman ang lalaki habang kumakamot sa sariling ulo. “Wifey, let’s have a church wedding again. Mas maganda kung sa bahay ng Diyos tayo ikakasal para mas basbasan pa ang a

  • My Vengeful Wife   Chapter 78

    NAG-UNAHANG MAGLANDAS ang sunod-subod na patak ng luha sa mga mata ni Veron nang makita si Ynzo sa sulok ng silid na biglang nagliwanag dahil sa kislap ng mga Christmas lights at iba’t ibang klase ng pampailaw. Kasunod ng pagpailanlang ng mabining tugtugin ay siya ring pagsaliw ng tinig ni Ynzo na ilang linggo niya ring kinapanabikang marinig. Naghalo-halo na sa puso ni Veron ngayon ang tuwa, saya, galit, inis at pagkagigil sa lalaking halos pasabugin ang puso niya sa labis na kaba. Hawak ang kulay puting rosas ay unti-unting lumapit si Ynzo sa kaniya. “Can you let me take away your tears? Can I see your smile always? Please let’s get together... Let our hearts stay forever...” Pag-awit ni Ynzo sa kaniyang harapan habang sinasabayan ang malamyos na tugtuging nagmumula sa isang violin. Halos manlaki ang mga mata ni Ynzo nang pagsusuntukin siya ni Veron nang tuluyan itong makalapit sa babae. Natatawang sinalo ni Ynzo ang mga kamao niyang sumusuntok dito habang patuloy pa rin ang pagl

  • My Vengeful Wife   Chapter 77

    HALOS LUNURIN NG kaba ang puso ni Veron habang minamaneho ang sariling motorsiklo. Hindi siya makapaniwalang malalagay sa alanganin ang sitwasyon ni Ynzo sa mga oras na ito ngunit base sa narinig mula sa ina ng lalaki ay mukhang kailangan na niyang maniwalang nasa bingit na nga kamatayan ang asawa. Nais mag-unahang tumulo ng mga luha niya gawa ng takot at kabang nararamdaman ngunit hindi dapat lalo na’t nagmamaneho pa siya ng motorsiklo. Kailangan niyang kumalma dahil baka imbes na makarating siya sa ospital ng matiwasay ay baka mauna pa siya kay Ynzo na magtungo sa kabilang buhay. “Ano ba kasing nangyayari, Ynzo? Akala ko ba ay ayos ka na? Si Skyler nga nagawang maka-recover kaagad, ikaw pa kaya?” himutok ni Veron habang nagmamaneho. Halos patayin na siya ng kabang lumulukob sa puso niya. Daig pa niya ang sinasakal dahil sa nadaramang takot. Takot na mawala ang taong pinakamamahal niya. Basta na lang iniwan ni Veron ang motorsiklo nang makarating siya sa tapat ng ospital. Mabuti

  • My Vengeful Wife   Chapter 76

    Ipinagpatuloy ni Veron ang pagbabasa sa iba pang pahina ng kwaderno ni Ynzo. May iilang doodle at drawings doon na ginuguhit nito. May ibang pahina na ginuhitan nito ng babaeng nag-eensayo sa parang at kagubatan. Lahat ng iyon ay guhit ng isang babaeng nakatalikod o hindi kaya ay nakatagilid. ‘Ilang buwan o taon na ba akong hindi nakapagsusulat dito? I thought everything will end up on a piece of paper. But mind you, notebook! I saw her right now! Iba man ang tindig niya sa suot niyang black suit, when I saw her eyes, alam kong siya ’yon! Nakasalubong ko lang siya habang papalabas ng Secret Agency at kahit na salubong ang kaniyang mga kilay at tila ba galit na galit, ramdam ng puso ko ang kakaibang kaba nang magtagpo ang paningin namin. But she doesn’t even recognized me. Ang sakit! Iyong tingin niya na para bang isa lang akong estranghero para sa kaniya...’ Napailing-iling si Veron nang mabasa iyon. Marahil ay ang tagpong iyon ay nang magsimula siyang magrebelde sa kanilang organis

  • My Vengeful Wife   Chapter 75

    “I know that a little doubt playing on your head right now, Anak... But let me give you this,” bigkas naman ni Ginang Tolledo. “And I hope time will come that you will forgive our son.” Dumako ang tingin ni Veron sa maliit na kwadernong hawak ni Ginang Tolledo at marahang iniabot sa kaniya iyon. Nang tingnan niya ang mag-asawa ay kababakasan ng luha ang mga mata ng mga ito. “Hindi ko dapat pinakailaman iyan sa mga gamit ni Ynzo pero alam kong makatutulong ang bagay na iyan upang mas malinawan ka. Hope that you will soon understand why our son did that things to you...” sunod-sunod na bigkas ng butihing Ginang. “Alam kong maiintindihan mo rin ang lahat, Veron anak,” nakangiting bigkas ni Ginoong Tolledo. Muling dumako ang tingin ni Veron sa maliit na kwadernong hawak. Kumg titingnan ay may kalumaan na ang aklat na iyon ngunit halatang iningatan at inalagaan sa loob ng ilang taon. Kulay ginto at pilak ang pangunahing kulay ng pabalat ng kwadernong iyon. At nang buksan ni Veron ay k

  • My Vengeful Wife   Chapter 74

    NANINIWALA NA SI Veron na ang masamang damo ay matagal mamatay. Napatunayan niya iyon sa kalagayang natamo ni Mr. Thurn dahil nakikipaglaban pa rin ang katawan nito mula sa tadtad ng balang natamo mula sa sariling pamangkin. Hindi niya akalaing mabubuhay pa rin ang matanda sa kabila ng lahat ngunit ipinagpapasalamat pa rin iyon ni Veron dahil may pagkakataon siyang matunghayan kung paano nito pagbayaran ang mga kasalanan sa piitan kung sakaling gumaling na ito. Ang buong Gem Secret Agency Association ang nagpagamot sa tatlong importanteng tao na lubhang naapektuhan ng sagupaang naganap. Sina Mr. Thurn, Skyler at higit sa lahat ay si Ynzo. Buong akala ni Veron ay maayos na ang kalagayan ni Ynzo dahil dadalawang bala lang naman ang natanggap nito ngunit laking kaguluhan ng lahat nang mawalan ng malay tao ang kaniyang asawa habang dinadala ito sa ospital. Unang naisip niya ay umaarte lang ang lalaki ngunit napatunayan iyon nang maramdamang halos humina na ang pintig ng pulso nito nang

  • My Vengeful Wife   Chapter 73

    NAG-UNAHANG MAGLANDAS ANG masaganang luha sa mga mata ni Veron. Hindi alam kung sino sa dalawang lalaki ang unang dadaluhan. Nang mapadako ang kaniyang paningin kay Mr. Thurn, tahimik na itong nakahiga sa lupa habang naliligo sa sarili nitong dugo. Nakapikit na rin maging ang mga mata nito. “W—Wifey...” Ang katagang iyon ay tila isa lamang ungol dahil sa hirap ng paghinga ni Ynzo. Kaagad na dinaluhan ni Veron ang asawa. “Go... T—Talk to h—him...” paanas nitong pakiusap. Lumatay ang pag-aalinlangan sa mukha ni Veron ngunit ang mukha ni Ynzo ay nagpapakita ng pagiging determinado. Nais nitong kausapin niya si Skyler ngayon mismo. Ginawaran ni Veron ng marahang halik sa labi si Ynzo bago ito inilapag ng dahan-dahan sa lupang nalalatagan ng mga tuyong dahon at sanga ng mga punong-kahoy. “I’ll be right back, Hubby. Just hold on and don’t leave me,” mahigpit na bilin dito ni Veron. Tanging ngiti lamang ang naitugon ni Ynzo. Kaagad na dinaluhan ni Veron si Skyler na kagaya ni Mr. Th

  • My Vengeful Wife   Chapter 72

    “CAN YOU PLEASE slow down, Wifey?” malakas na pakiusap ni Ynzo kay Veron nang halos paliparin na nito ang pagpapaandar ng motorsiklo sa gitna ng kakahuyan. “I have no time to slow down, Ynzo! Makakalayo na ang mga hayop na ’yon!” ganting sigaw niya. Napakalapit lang naman nila sa isa’t isa at halos magkayakapan na nga ngunit nagagawa pa rin nilang magpalitan ng malakas na sigaw para mag-usap. Para kay Veron ay masyadong bingi si Ynzo kaya niya nagagawa ang bagay na iyon. “I hate you for being a spoiled brat and being a ‘headaches of all’,” turan ni Ynzo. “But still I don’t have a choice but to love you more.” Nagkasalubong naman ang mga kilay ni Veron nang dahil sa narinig. Sa gitna ng napakadelikadong sitwasyon, nagagawa pa rin nitong magpakawala ng ganoong klase ng salita. “Ano na naman ang ginawa ko?” Napailing pa siya habang kunot-noong nakatingin sa dinadaanan. “There! Iyang mga biglaang kilos mo! Hindi mo alam kung paano nahulog ang puso ko nang makita kitang nakatayo sa i

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status