Gleaming silver heels four inches high pairs with silver-black V-neck sequins long dress sleeveless mermaid gown which now makes Mariya Luiesa’s eyes dazzle. Halos hindi makilala ni Mariya ang kaniyang sarili matapos pagmasdan ang kabuuan sa tapat ng malaking salamin. Bagay na bagay sa kulay kayumanggi niyang balat ang suot na gown kung saan bakas ang pagkakaroon niya ng mahabang biyas gawa ng mahabang hiwa nito mula taas ng tuhod hanggang sakong. Namangha siya maging sa ayos ng kaniyang itsura. Isang batikan na make-up artist ang nag-ayos sa kaniya. Idagdag pa ang nakababa lamang niyang mahaba, pantay at itim na buhok na umayon sa hubog ng kaniyang katawan—na nagpapatunay na isa siyang matangkad at balingkinitang dalaga. Kung tutuusin ay puwede na siyang pambato sa Miss Universe pageant. Sa kabilang banda ay hindi paghahalataan sa bago niyang mukha at ayos ang tunay niyang estado sa buhay. “Are you ready?” Naputol na lang ang ginagawa niyang pagmamasid sa sarili sa harap ng salami
Isang madilim ngunit malaking silid ang bumungad kay Mariya pagpasok niya. Wala siyang makitang kung ano hanggang sa dumako ang kaniyang paningin sa may bintana na tinatakpan ng puting kurtina, kung saan may kaunting liwanag na pumapasok mula sa liwanag ng buwan sa labas. Kahit hindi niya nakikita ng malinaw ang buong lugar ay alam ni Mariya na hindi lang ito basta-basta kuwarto kagaya ng mga karaniwang kuwartong nakikita sa mga ordinaryong hotel. “You’re too expensive, lady.” Nagulat si Mariya nang may nag salita mula sa kung saan. It was deep and handsome voice. Hindi niya maikakaila iyon. Nagpalinga-linga siya. “Siguro naman kaya mong tumbasan ang halagang iyon ngayong gabi.” Hindi iyon tanong kundi isang pahayag. Napalunok siya. Biglang bumukas ang lampshade sa gilid ng kama kung saan tuluyan niyang naaninagan ang kalahating bahagi ng mukha ng lalaki. Mariin itong nakatitig sa kaniya. Heto na naman ang mga tingin nitong napakalalim na tila tumatagos hanggang sa kaibuturan ng ka
Paghatid sa kaniya ng ina ay kaagad na sinuyod ng mga mata ni Bennett ang matalik na kaibigang si Yanie sa loob ng kanilang silid-aralan pagkapasok. Napangiti siya nang makita ang kaibigan sa kumpulan ng mga batang babaeng naglalaro ng paper doll. “Yanie!” tawag niya rito. Kaagad namang iniangat ni Yanie ang kaniyang ulo at malawak na ngumiti kay Bennett nang makita ang kaibigan kahit na bungal pa ito. Nasira kasi ang dalawang ngipin na nasa unahang bahagi kaya kailangan bunutin ang mga ito ng ina ni Yanie at baka madamay pa ang iba. “Bennett!” Kaway ng batang babae. “Sige kayo na muna ang maglaro d’yan,” paalam ni Yanie sa mga batang babaeng kalaro bago tumakbo patungo kay Bennett at sabay na umupo sa puwesto nila kung saan ay magkatabi sila sa upuan. Inocencio kasi si Bennett at Juancio naman ang apelyido ni Yanie. “Alam mo ba uuwi na si Daddy. Sa wakas ay magkikita na rin kami,” natutuwang balita ng batang babae. “Talaga? E, paano mo naman makikilala ’yon kung bata ka pa lang n
“HEY, SON. You’re finally here. How’s your work?” Salubong ng ina kay Brylly pagkarating sa malaking bahay. Hinalikan siya ng ina sa pisngi at gayon din siya rito. Bumagay at lalong tumingkad ang mestisang ina sa suot nitong eleganteng kulay-rosas na bestida. Mukhang naghanda talaga ang ina sa gabing ito. “All good. Where’s Dad?” kaagad niyang hanap sa ama. He’s already a thirty-two year old man but he is very excited to see his father and eager for his attention. A child-like act but he can’t deny it because this is all what he always wanted. Ang mapansin ng ama. “He’s upstairs. Magbihis ka na at maghahapunan na tayo,” ngiti sa kaniya ng ina. Tango na lamang ang naitugon ni Brylly sa ina at nagmamadaling umakyat sa itaas. Nang makarating sa harap ng pinto ay hinawakan niya ang doorknob. Bago pihitin iyon pabukas ay tumingin muna siya sa pinto ng kuwarto ng kaniyang mga magulang… kung saan ang ama ay nasa loob ng kuwartong iyon. “SON, MAUPO ka na.” Ngiti sa kaniya ng ina nang mak
You need to be productive everyday despite of struggles and hardships in life. Nagising si Brylly dahil sa malakas na tunog ng kaniyang alarm clock. Ibig sabihin lamang noon ay kailangan niya ng gumising at ipakita sa lahat na ang isang Montgomery Brylly Montañez III ay hindi magpapatalo sa kahit ano mang hamon ng buhay. He was known as the famous billionaire businessman that everyone was afraid of. Even if his father is not impressed with him, that is not a reason to waste the title he worked for. Lalabas at lalabas siyang hinahangaan at tinitingala ng lahat. Ipapakita niya sa kaniyang ama na kahit wala ang suporta nito, mas hihigitan niya ang hindi nito inaakala. That he doesn’t need someone to upbrighten him to become a well-known person in the world, like his dad. Kayang-kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Kahit na may hang over pa nang nakaraang gabi ay malinis at may husay niyang inihanda ang sarili para sa araw na ito. He’s wearing a khaki business suit that made him m
“’Nay?” pagbasag ni Bennett sa tahimik nilang hapunan. “Hmm… bakit?” tanong ni Mariya pagkatapos ay uminom ng tubig. “Kailan po uuwi si tatay?” Biglang nabulunan si Mariya na ikinabaling naman ng atensyon ng mag-inang, Rosela at Nadine, sa isa’t isa bago tiningnan si Mariya na ngayon ay nagpupunas na ng kaniyang bibig. Napatingin si Mariya sa mag-ina bago bumaling sa kaniyang anak. Nakatingin na si Bennett sa kaniya, naghihintay sa magiging sagot niya. Sirkulo ang hugis ng kanilang hapag-kainan. Kaya ang ayos ay tila magkakaharap lang silang lahat sa isa’t isa. “Bakit mo naitanong, anak?” Ipinagtataka niya ang biglaang tanong na iyon ng anak. Dahil ang huli nitong pangungulit sa kaniya patungkol sa ama ay halos mag-iisang taon na rin ang nakalilipas. “Hindi na po kasi ako makapaghintay. Miss na miss ko na po si tatay. Buti pa si Yanie nakita niya na ang daddy niya. Ako kaya kailan?” Iba-iba ang emosyong nakikita ni Mariya sa anak habang sinasabi iyon. Hindi niya alam kung ano a
“Pasok.” Si Mariya nang may kumatok mula sa pinto ng kaniyang opisina. “’Nay Rosela,” ngiting bigkas niya nang makita ang ina-inahan. “Pinadalhan kita ng kape at paborito mong mammon bread. Alam ko kasing hindi ka pa nag-agahan.” Umupo si Rosela sa sopa ng munting sopa set sa loob ng opisina ni Mariya. Nilapag niya sa glass table na kuwadrado ang dala-dalang tray. Sinara ni Mariya ang laptop at tumayo. Umupo siya sa isahang upuan na katabi ng inuukupahan ng kaniyang Nanay Rosela. “Salamat ho. Nag-abala pa ho kayo. Lalabas naman ako. Tatapusin ko lamang ang ginagawa ko.” At kaagad na humigop ng kape. Doon niya lang din napansin na kumikirot na rin pala ang kaniyang sikmura dahil sa nalipasan na naman siya ulit ng gutom. “Naku! ’Wag mong sabihin ’yan. Tungkulin ko rin na ina n’yo ang alagaan kayo lalo ka na, nakakalimutan mo nang kumain dahil sa katututok mo d’yan sa trabaho mo.” “Salamat ho ’nay, ha. Simula nang kinupkop mo ako at tanggapin maging si Bennett na nasa sinapupunan ko
Nagtungo sina Mariya sa sakayan, ngunit nabigo ulit sila. Kagagaling lang nila sa paaralan at wala si Bennett doon. Nagtanong-tanong sila sa kung sino-sino at kung saan-saan na sila nakarating. “Kung i-report na kaya natin sa pulis, Mariya?” suhestiyon ni Rosela. “Wala pang twenty-four hours, ’nay,” ayon naman kay Nadine. “E, ano naman? Kailangan pa bang umabot ng twenty-four hours? Baka kung ano na ang nangyari sa bata.” Tumingin si Nadine kay Mariya na ngayon ay tahimik na nagmamaneho ng sasakyan. “Ano, best?” tanong ni Nadine sa kaniya. Sumang-ayon din sa suhestiyon ng ina. Labis din kasi ang pag-aalala niya. Walang naging tugon si Mariya. Maya-maya ay inihinto ni Mariya ang sasakyan na ipinagtaka ng mag-ina. Malalim ang ginawa niyang paghugot at buga ng hangin at isa-isang tiningnan ang mga kasama sa loob ng kotse. Hindi niya na napigilan pa ang sarili at tuloy-tuloy na umagos ang kaniyang luha sa magkabila niyang pisngi. “Kahit ano. Makita lang natin ang anak ko,” sa kabi
Habang naglalakad papasok ng lobby ay halos lahat ng mga mata ngayon ay nakatitig kay Mariya. Sari-sari ang mga nababasa niya mula sa mga mata ng mga ito. Mayroong humahanga at namamangha. Mayroong tila ba wala pa nga siyang ginagawa ay hinuhusgahan na kaagad ang buong pagkatao niya. No surprise lalo pa’t kahit hindi siya magpakikala ay kilalang-kilala na siya dahil sa ginawa ng ama ng anak niya. Simula kasi nang araw na iyon ay laman na siya sa kahit saang social media. Hindi nga siya nagkamali. May maganda at hindi magaganda siyang nababasa lalo na sa mga comment section ng mga online tabloid ng balita. Sabi nga ng kaibigan niyang si Nadine ay huwag ng pansinin dahil mga insecure o naiinggit lang ang mga ito. Lalo pa at galing siya sa isang simpleng pamilya na wala pang pangalan sa industriya ng pagnenegosyo. Ganoon naman daw talaga ang mundo. Balanse palagi. Even though she's not comfortable and feels anxious, still, she needs to be in figure while walking. Ayaw niyang mapahiya an
From the 30th floor of the building owned by his family, Brylly is now standing in front of the glass wall inside of his office and enjoying the scenery outside wherein the sun is rising. Hindi pa sumisilip ang araw sa umaga ay nasa opisina na si Brylly. Minsan lamang siya inuumaga ng pasok kung may out of town siya o hindi kaya ay early meeting sa labas. Kaya nga’y ang mga empleyado niya ay nahihiya sa kaniya sa tuwing papasok silang late. “Oh, sh*t!“ sigaw ni Bryan nang biglang pumasok na wala man lang abiso o katok sa pinto. “What the damn news! Bro, believe me. Ang ganda ng gising ko. Hihigop pa lang ako ng kape ko when this news flashes on my handsome eye and gives me goosebumps!“ Mula sa peripheral vision ay may tinapon ang kaibigan sa kaniyang lamesa bago narinig ang pag-uga ng sopa. Nakahalukipkip ang mga kamay na hinarap niya ang kaniyang kaibigan na ngayon ay nakahilata na sa sopa---nakaupo ito at nakasandal sa sandigan ng upuan, ngunit nakabukaka ang mga paa at kamay
“Are you okay?“ Napatingin si Mariya nang tanungin siya ni Brylly. Ngayon ay nasa loob na sila ng kotse pauwi sa Tagaytay. Brylly insists on driving them home kahit na marami naman silang driver na puwede niyang utusan. “I’m just thinking about something...“ sagot ni Mariya na ikinakunot-noo ni Brylly. “I am willing to listen if you allow me.“ Hilaw na napangisi si Mariya. Napatingin siya sa back seat kung saan mahimbing na natutulog si Bennett. “Mukhang ikaw nga ’yong maraming iniisip d’yan. Sa sobrang seryoso mo sa pagda-drive parang nasa racing tayo at maraming obstacle d’yan sa daan.“ Pagturo ni Mariya sa unahan. Tila wala kasi sa pagmamaneho ang isipan ng lalaki at hindi nito maiwasang magpatakbo ng mabilis. Kung hindi lang siguro natutulog sa backseat si Bennett, marahil ay kanina pa sila lumipad patungong Tagaytay o baka nga byaheng langit na ang abutin nila ngayon. Si Brylly naman ngayon ang hilaw na napangisi. “Nothing. I apologize for that,“ naging sagot na lan
“Wow! Ang laki ng bahay ni tatay, nanay!“ namamanghang sigaw ni Bennett habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan. Papasok pa lang ang itim na kotse sa tila garahe ng bahay, kung bahay pa ba ito kung tatawagin, dahil kasing laki lang naman ito ng malacañang. Hindi rin masasabing garahe ang patutunguhan nila sa laki at lawak ng paligid. Mula sa mataas at malaking gate na tila ba takot manakawan ang may-ari hanggang sa naggagandahang bulaklak na tila hardin sa ganda at kulay na may munting fountain sa gitna ng lugar na may kumikinang na liwanag na parang christmas lights. Hindi maipaliwanag ang ganda ng paligid dahil tila hindi ordinaryo sa mag-ina ang klase ng lugar na pinagdalhan sa kanila ng ama ni Bennett. Parang may mahika na sa isang pitik lang ay hindi na namalayan ni Mariya ang mga nangyayari. Naging mabilis para sa kaniya ang lahat. Ang alam nalang niya ay dinala sila rito ng sasakyang sumundo sa kanila at ngayon ay kaharap na ang mansyon ng mga Montañez. “Ma’am, please fol
Matapos maligo si Mariya at mag-ayos ng sarili ay bumaba na siya mula sa second floor ng kanilang shop. She's not prepared for this kaya tila ba kinakabahan siya. Habang pababa ng hagdan ay nakita niya ang anak kasama ang ama nito. Kapwa nakangiti ang dalawa at mukhang nasisiyahan sa kung anuman ang kanilang pinag-uusapan. At sa huli ay napako ang kaniyang tingin kay Mr. Montañes. Kahit naka puting plane t-shirt lang ang lalaki at maong pants ay napakalakas pa rin ng dating nito. She can’t deny it. She is always amazed by the looks of Mr. Montañez. “Best, kanina ka pa ba d’yan?“ tanong ni Nadine na nagpaputol ng kaniyang paghanga sa lalaki. Napatingin siya sa kaibigan na ngayon ay may dalang special mammon at juice. Kaharap kasi ng hagdan ang pintuan ng kusina nila sa ibaba. “Ah, not really,“ sagot niya bago tumingin sa dalawang nag-uusap na kanina ay pinapanood niya. Nakatingin na ang dalawa ngayon sa kaniya. “Nanay!“ masiglang sigaw ng kaniyang anak at tumakbo papalapit sa
TULALANG nakatingin si Mariya sa kisame habang inaalala ang mga sinabi ni Mr. Montañez. Oo, nalaman na nga niya ang buong pangalan ng lalaki nang bigyan siya ng contact card nito pagkatapos nilang mag-usap. Tila bumalik siya sa kasulukuyan niyang kalagayan nang may biglang kumatok sa pinto ng kaniyang kuwarto. “Pasok. Bukas ’yan,“ wika niya at umayos ng upo. Nilagay niya ang contact card na binigay sa kaniya ni Mr. Montañez na kanina niya pa tinititigan, sa mesang katabi ng kaniyang kama. Pagkabukas ng pinto ay bumungad sa kaniya ang mukha ni Nadine. Ngumiti ang kaibigan nang magtagpo ang kanilang mga mata. Ngumiti rin siya pabalik. “Oh? Gising ka pa?“ nagtatakang tanong niya sa kaibigan. Magmamadaling araw na kasi at dis oras na rin ng gabi sila nakauwi. “Hindi makatulog, e. P’wede bang pumasok?“ nangingiti at tila nahihiya pa nitong tanong. Tumango siya bilang tugon. Hinintay niya itong makapasok ng tuluyan. Umupo si Nadine sa kaniyang kama, sa may paanan banda, kung sa
Halos nasuyod na nina Mariya, Nadine at Rosela ang buong bahagi ng beach resort. Sapo ang kanilang dibdib, ulo at baywang ng mapahinto sila para magpahinga. Nakakaramdam na rin sila ng pagod. “Is that Bennett with a man?“ turo ni Yanie na hawak-hawak ni Rosela. Lahat sila ay napatingin sa direksyon na tinuro ni Yanie. Doon ay nakita nilang nagkakasiyahan ang dalawang lalaki habang nakaupo sa ilalim ng maliit na puno ng niyog. Halatang nakukuwentuhan ang dalawa base sa mga aksyong ginagawa ng mga ito. Napatingin si Nadine kay Mariya na diretso ang tingin sa mag-ama. Nakikita sa mga mata ni Mariya ang bigat at halo-halong emosyon. Sa hindi malamang dahilan ay tumalikod si Mariya at akmang maglalakad paalis sa lugar na iyon. “Mariya, saan ka pupunta?“ tanong ni Nadine. Napailing siya. “Hindi ko alam,“ maikling sagot nito. Ngunit bago pa man humakbang si Mariya paalis ay narinig niya ang tawag ng kaniyang anak sa kaniya. “Nay!“ Napapikit siya. Gusto niyang umiyak, para maila
“BENNETT!“ sigaw ni Mariya sa anak. Bago pa man makatakbo si Mariya para habulin ang anak ay nakatakbo na si Brylly. “NAY ROSELA! Nadine!“ tawag ni Mariya habang papalapit sa inu-okupahan nilang kiosk. “Oh, Mariya! Bakit tila hingal na hingal ka?“ tanong ni Rosela nang tuluyang makalapit sa kanila si Mariya. Nilibot ni Mariya ang kaniyang paningin sa bahagi ng lugar na iyon. “Wala si Bennett dito?“ kaagad niyang tanong. Nang sumunod din kasi siya kanina ay hindi na niya natanaw at biglang nawala sa kaniyang paningin ang kaniyang anak. Gayon din ang ama nito. “Hindi ba kayo ang magkasama?“ naguguluhang tanong ni Nadine. Tumakbo papalapit sa kanila si Yanie na kanina ay abala sa paglalaro sa buhanginan. “Nay Mariya, hindi n’yo po kasama si Bennett?“ Pagtingin ng bata sa likuran ng ’Nay Mariya niya at mapansing wala doon si Bennett. Nasapo ni Mariya ang kaniyang mukha at hinilamos gamit ang mga kamay. Halo-halong emosyon ang mababasa mo sa kaniyang mukha. Isa na doon a
“BRO, sa’n ka pupunta?“ agad na tanong ni Bryan nang tumayo si Brylly. “Bathroom,“ maiksing sagot niya na ikinatango ng kaibigan. Pagkatapos gumamit ng palikuran si Brylly ay naisipan niyang maglakad-lakad imbes na bumalik agad sa venue. It was a wedding event. Not just a wedding but a golden wedding of one of their best investors that their family was invited to. Six percent out of hundred percent celebrate their fiftieth anniversary and this couple was lucky. Medyo madrama sa kaniya ang kaganapan kaya mas mabuti pang magliwaliw na muna siya. Kung iisipin, at his age pwede na siyang mag-asawa pero never pumasok ang bagay na ’yon sa isipan niya. What is in his mind now is only business, the popularity, the authority and a-child-like-dream... it will be noticed by his own father. “Nanay, I'm done!“ Sigaw ng isang bata na nagpatigil sa kaniya mula sa pag-iisip ng bagay na iyon. Naningkit ang kaniyang mga mata nang mapansin na pamilyar sa kaniya ang mukha ng bata. Ngunit ang mas