Share

Chapter 2

Isang madilim ngunit malaking silid ang bumungad kay Mariya pagpasok niya. Wala siyang makitang kung ano hanggang sa dumako ang kaniyang paningin sa may bintana na tinatakpan ng puting kurtina, kung saan may kaunting liwanag na pumapasok mula sa liwanag ng buwan sa labas. Kahit hindi niya nakikita ng malinaw ang buong lugar ay alam ni Mariya na hindi lang ito basta-basta kuwarto kagaya ng mga karaniwang kuwartong nakikita sa mga ordinaryong hotel.

“You’re too expensive, lady.”

Nagulat si Mariya nang may nag salita mula sa kung saan. It was deep and handsome voice. Hindi niya maikakaila iyon. Nagpalinga-linga siya.

“Siguro naman kaya mong tumbasan ang halagang iyon ngayong gabi.” Hindi iyon tanong kundi isang pahayag. Napalunok siya.

Biglang bumukas ang lampshade sa gilid ng kama kung saan tuluyan niyang naaninagan ang kalahating bahagi ng mukha ng lalaki. Mariin itong nakatitig sa kaniya. Heto na naman ang mga tingin nitong napakalalim na tila tumatagos hanggang sa kaibuturan ng kaniyang kaluluwa. Punong-puno ito ng kahulugan na hindi niya mawari.

“What are you doing?”

Nagsisimula ng manuyo ang kaniyang lalamunan dahil sa presensya ng lalaki. Pakiramdam niya ay wala na siyang mailulunok pa.

“Ah-ah-” hindi niya alam ang isasagot nang putulin din ito ng lalaki.

“Are you just going to stare me all night or you‘ll start showing me what you have that everyone was eager to get you?” Pagtayo nito at dahan-dahang lumapit sa kaniya. Napaatras si Mariya. Malinaw naman sa kaniya ang gagawin ayon sa bilin ni Madam R bago siya pumasok sa kwartong ito kanina, ngunit napapatigalgal siya sa pagkakataong ito.

Bigla na lang nagsitaasan ang mga balahibo niya ng marahang nilapat nito ang likod ng kamay sa kaniyang pisngi at marahang hinaplos ito pababa sa kaniyang leeg.

“Nainip na ako kaya ako na ang lumapit. And once we meet again, remember this, don’t wait for me to come near to you because you might not like what I will going to do.” Kasabay noon ang biglaan nitong pagsinghot sa ilang hibla ng kaniyang buhok na pinulupot nito sa sariling hintuturo. “I like the smell of your hair. It was like I’m going to be addicted with it.”

Halos malagutan siya ng hininga dahil sa sobrang lapit ng distansya nila ng lalaki. Sabayan pa ng mga salitang lumalabas sa bibig nito. At dahil sa liwanag na nagmumula sa lampshade ay nakikita niya ang bawat paggalaw at pagbuka ng mga labi nito. Para siyang tinutulak at nahihipnotismo na halikan ang mga labing iyon. Samahan pa ng mabagong aroma ng hininga nito. Napapikit siya dahil sa nararamdamang kakaiba na ngayon niya lang naranasan.

“Gagawin ko ang magpapasaya sa’yo, ngunit hindi ko maipapangako na mapupuno ko ang pangangailangan mo,” lakas-loob na wika niya at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Sandali silang nagkatinginan. Maya-maya’y ngumisi ang lalaki na para bang sinusubukan siya. Hindi nga siya nagpatalo at basta na lang hinawakan ni Mariya ang batok ng lalaki, hinila papalapit sa kaniya at sinunggaban ng halik. Binigay ni Mariya ang isang sumisilakbo’t mainit na halik sa lalaking kanina lang ay tinatakot siya sa mga salita nito. Nang una ay wala siyang tugon na natatanggap mula sa lalaki marahil ay dahil sa pagkagulat. Maging siya ay hindi maipaliwanag kung paano niya iyon nagawa, hanggang sa tinugon siya ng lalaki ng mas maalab na halik. At doon ay tila may apoy na nagliyab na biglang yumakap sa kaniyang kamalayan upang gawin ang mapusok na bagay na iyon kapiling ang estrangherong lalaki.

PAGKABIGAY ng perang porsyento niya ay nag madaling bumiyahe si Mariya patungo sa hospital. Kahit masakit pa ang katawan ay balewala sa kaniya basta ang mahalaga ay makaabot siya sa ibinigay na oras sa kaniya ng doktor na siyang humahawak sa ina. Medyo huli na nga siya sa pinag-usapang oras. Nakasalalay sa perang dala niya ang mga gamot na kakailanganin ng ina sa gagawing treatment nito. Sandali lang siyang naghilamos kanina at nagmadali nang magbihis. Pagkababa sa taxing sinakyan ay agarang tumakbo si Mariya papasok ng hospital. Hindi na rin siya gumamit ng elevator lalo na nang makita niyang maraming tao rin ang nakapila roon.

Nang nasa pasilyo na siya patungo sa kuwartong kinalalagyan ng ina, ay lumiwanag na lang ang mukha niya nang makita ang doktor, na papasalubong sa kaniya. Hindi man lang niya napansin ang pagmamadali at pagkabalisa nito.

“Dok, salamat naman at nagkita ’agad tayo. Dala-dala ko na ang perang kakailanganin. Kumusta si inay?” may malawak na ngiting aniya at pinakita ang itim na bag kung saan nasa loob nito ang pera. Hindi mo na rin maintindihan ang itsura niya, pawisan at magulo na rin ang buhok ni Mariya na kumakalat na sa kaniyang mukha upang makarating lamang ng hospital.

Imbes na sumagot ay tumingin lamang sa ibaba ang doktor. Bigla siyang nagtaka.

“Ah, Dok? Tara na po? P’wede na po natin simulan ang treatment sa nanay ko,” hindi pa rin inaalis ang ngiti sa kaniyang labi kahit na kinakabahan na siya sa ipinapakita ng doktor. Tumingin siya sa pinto ng isang silid na naroroon. Nang hindi gumalaw ang doktor ay siya na mismo ang kumilos. Hindi niya maintindihan kung bakit ang bigat ng mga paa niya na para bang ayaw nitong makarating siya sa kinaroroonan ng kaniyang ina. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang dumaloy ang luha mula sa kaniyang mga mata. Hindi niya pa alam kung ano ang nangyayari pero heto at nagsisimula na siyang panghinaan ng loob. Nang nasa harap na siya ng pinto ay mabilis niyang pinihit ang siradora at binuksan ang pinto.

Nanlaki na lang ang mga mata ni Mariya nang makitang kinukuha na sa ina ang mga aparatong nakakabit sa katawan nito. Ito na lamang kasi ang tanging sumusuporta sa katawan ng ina.

“A-ano ang g-ginagawa ninyo?” Tuloy-tuloy ang luhang umagos sa mga mata ni Mariya at mabilis na tinakbo ang ina. Hinawi niya papalayo ang dalawang nurses na siyang gumagawa niyon. “Lumayo kayo! Bakit n’yo pinapatay ang nanay ko? P’wede ko kayong kasuhan sa ginagawa ninyo.” Pagtulak at pagduro niya sa mga ito.

“Ma’am, maghunos-dili ho kayo,” ayon sa isa na tatangkain pa sana siyang lapitan, ngunit...

“’Wag mo ’kong lalapitan!” ani ni Mariya na nagpalayo sa lalaking nurse. “Nay?” pagtawag niya sa ina na para bang sasagot pa ito sa kaniya. Nang lingunin at tuluyang makita ni Mariya ang walang buhay na ina ay halos mabuwal siya sa kaniyang kinatatayuan. “’N-Nay? ’N-Nay, ’wag ka namang magbiro ng g-ganyan oh,” pagsusumamo niya sa ina. “’Na-ha-ay! Sagutin mo ako. Dala ko na ang pera na kakailanganin natin para sa operasyon mo. Gagaling ka pa, ’Nay. Gagaling ka pa!” nagmumukha na siyang baliw sa ginagawa niya, pero hindi siya papayag na hanggang dito na lang ang buhay ng kaniyang ina. Hindi siya papayag na wala man lang siyang ginawa para maisalba ito. Oo nga pala, may ginawa siya pero tila mawawalan lamang ng saysay ang lahat ng iyon.

“’NAY!”

“TITA NADINE, hanapin mo ’ko!” sigaw ng batang lalaki bago tumakbo sa kung saan at nagtago sa isa sa mga bahagi sa loob ng isang coffee slash milk tea slash bake shop. P’wede ka ring tumambay at magbasa-basa ng libro dahil may mini-library rin ang shop.

Parang mapi-feel at home ka sa datingan ng shop na ito at paniguradong mag-eenjoy ka sa pananatili mo rito.

Kabababa pa lang ni Mariya mula sa ikalawang palapag nang makita ang kalagayan ng dalawa. Hinahanap ng nagngangalang Nadine ang batang mukhang nakakain na naman ng paborito nitong tsokolate at sobrang hyper na naman.

“Bennett, kapag nahanap kita sisingilin talaga kita ng kagat sa p’wet!” pananakot ni Nadine, pero wala pa rin siyang narinig mula sa bata. Nanatili itong walang kibo at mukhang nasisiyahan na pag-trip-an siya.

Napailing na lang si Mariya at inayos ang mga gamit na dadalhin. Tutungo siya sa bagong branch ng kanilang bake shop na ngayon ay ginagawa pa lang.

“Tawagan n’yo na lang ako kung sakaling magkaroon ng problema rito. Narito naman sina Nadine at ’Nay Rosela para alalayan kayo,” bilin ni Mariya sa dalawang katuwang nila sa shop. Habang sinasabi iyon ay naririnig niya ang mga pagrereklamo ni Nadine dahil sa ginagawang pagpapahirap ng bata sa kaniya.

“Oho, Ma’am,” halos magkasabay na tugon ng dalawang hinabilinan.

Tumango siya bago binalingan ang mag-tita.

“Bennett, lumabas ka na d’yan at huwag mo nang pahirapan pa ang Tita Nadine mo,” matigas ang tinig na aniya sa bata at maya-maya nga’y dumungaw ang ulo nito at binigyan sila ng malawak na ngiti. Para bang mapapawi nito ang pang-aalaska sa tiya.

“D’yan ka lang pala nagtatagong bata ka! Pinahirapan mo pa ’ko,” at mabilis na pinuntahan ni Nadine ang bata na nakasiksik sa gilid ng upuang sopa sa dulong bahagi ng shop, kung saan may mga naglalakihang halaman dito na nakalagay sa malalaking paso. Tawa lang nang tawa ang bata.

Pinag-cross ni Mariya ang dalawang kamay pagkarating nila sa harapan niya at sinaway ang bata sa pamamagitan ng mariin na tingin. Napanguso na lang ang bata. Inilipat niya ang tingin kay Nadine na ngayon ay nakataas na ang kilay sa kaniya. Napakibit-balikat na lamang siya. Pasensya na lang sa kaniya kung palagi siyang pinagti-trip-an ng bata.

“Ang hirap maging nanny ng batang ubod ng kulit, ha. Oh, ikaw na ang bahala d’yan sa anak mo,” pagtataray nito at naglakad paalis dahil may trabaho pa itong tatapusin. Inabala lang kasi niya ito kanina na asikasuhin ang anak dahil tumawag ang big client niya na siyang nag-invest sa kaniyang bagong branch.

“Pasensya na, best,” habol niya sa papaalis na si Nadine na isa sa matalik niyang kaibigan. Tinaas lamang ng kaibigan ang kanang kamay nito bilang tugon. At muli ay hinarap ang kaniyang anak.

“Ikaw ang bad mo. Palagi mo na lang pinapainit ang ulo ng tita mo,” saway niya sa bata.

“Palagi rin naman niyang pinag-t-trip-an p’wet ko, Nanay ah,” nakangusong sambit nito. Tila nagrereklamo rin sa ginagawa ng Tita Nadine niya na kung manggigil ay kinakagat ang kaniyang p’wet.

“Hay, naku! Tama lang na magsama kayo ng tita mo. Oh, tingnan mo ’yang uniporme mo nagusot at nadumihan na.” Pinagpag niya ang suot ng anak at hinawakan ang maliit na kamay nito. “Oh siya, tara na. Ihahatid pa kita sa school mo. Anna, tulungan mo muna ako. Pakihatid sa sasakyan ang mga gamit na ito,” pag-utos niya sa isa sa mga katuwang nila sa naturang shop. Kaagad naman itong tumugon.

“Bye po, Ma’am. Ingat po kayo.” Pagdungaw ng Anna sa nakabukas na bintana ng sasakyan pagkatapos mailagay nito ang mga gamit sa likuran ng sasakyan. Kapuwa ng nasa loob ang mag-inang Mariya at Bennett.

“Salamat. Kayo na ang bahala d’yan, ha.” Pagngiti niya rito.

“Opo.”

Habang bumabyahe ay maya’t maya niyang tinitingnan ang anak. Tahimik itong nakaupo sa passenger’s seat habang binubuo ang rubics cube na madalas nitong nilalaro.

“Ang Tita Nadine mo ang susundo sa’yo mamaya dahil hindi ako makakasiguro na maaga akong makakauwi,” aniya sa anak.

“Okay, ’Nay. No worries. Kahit walang susundo sa akin, I will send myself home safe. Kasama ko naman si Yanie.” tugon ng anak. Si Yanie ay kaibigan nito. Nakatira lang ito malapit sa shop nila kung saan sa ikalawang palapag nito ay tirahan na nila.

Totoo ang sinasabi ng bata. Sa edad na anim na taon ay marunong na itong mag-commute kasama ang kaibigan. Dahil sa katalinuhan at kabibohan ng anak ay nakakaisip ito ng diskarte at hindi kaagad maloloko. Alam niyang madiskarte siya, ngunit ang angking talino ay mukhang malayo sa deskripsiyon at abilidad niya. Ayaw niya ng isipin kung kanino iyon namana ng kaniyang anak.

“Nanay, hindi ba po’t seventh death anniversary ngayon ni lola? Pupunta ka po ba sa Manila?”

Natigilan siya sa naging tanong ng anak. Napatingin siya sa batang lalaki na ngayon ay nakatingin na sa kaniya. Tapos na nitong buuin ang rubics cube at ngayon ay sa kaniya na nakatuon ang buong atensyon nito. Pitong taon na pala ang nakalipas nang mamatay ang kaniyang ina. Pero hanggang ngayon sa tuwing naririnig niya o napag-uusapan ang ina ay masakit pa rin sa kaniya ang nangyari rito. Kung naging maagap sana siya noon o naging sensitibo sa dinaramdam ng ina, sana ay buhay pa ito ngayon.

“Hindi ako sigurado, Bennett,” tipid na tugon niya sa naging tanong ng anak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status