Gleaming silver heels four inches high pairs with silver-black V-neck sequins long dress sleeveless mermaid gown which now makes Mariya Luiesa’s eyes dazzle. Halos hindi makilala ni Mariya ang kaniyang sarili matapos pagmasdan ang kabuuan sa tapat ng malaking salamin. Bagay na bagay sa kulay kayumanggi niyang balat ang suot na gown kung saan bakas ang pagkakaroon niya ng mahabang biyas gawa ng mahabang hiwa nito mula taas ng tuhod hanggang sakong. Namangha siya maging sa ayos ng kaniyang itsura. Isang batikan na make-up artist ang nag-ayos sa kaniya. Idagdag pa ang nakababa lamang niyang mahaba, pantay at itim na buhok na umayon sa hubog ng kaniyang katawan—na nagpapatunay na isa siyang matangkad at balingkinitang dalaga. Kung tutuusin ay puwede na siyang pambato sa Miss Universe pageant. Sa kabilang banda ay hindi paghahalataan sa bago niyang mukha at ayos ang tunay niyang estado sa buhay.
“Are you ready?” Naputol na lang ang ginagawa niyang pagmamasid sa sarili sa harap ng salamin, nang biglang sumulpot ang isang di-katabaang mestisang babae, na tumitingkad sa kulay pula ang suot nitong kasuotan. Idagdag pa ang mapupulang mga labi nito. Kung titingnan ang itsura ay mukhang nasa middle age na ang babae. Sandaling natigilan ang ginang nang tuluyang makita ang buong ayos niya. Hindi pa kasi siya nakapag-ayos nang iwan siya nito kanina. Basta na lang siyang binigay sa mga baklang nag-ayos sa kaniya. “Wow! Hinding-hindi talaga ako malulugi sa’yo,” natutuwang sambit ng mestisang ginang. Dahil sa narinig ni Mariya ay bigla na lang bumalik ang kaniyang diwa sa tunay niyang sitwasyon. Hindi dapat siya matuwa o ni mamangha sa nakikita sa sarili. Kaya nga siya inayusan ng ganito at narito sa event na ito ay para sa bagay na makapag pupuno ng halaga ng kinakailangan niya. “Hoy! Hoy! Huwag ka ngang sumimangot d’yan at nakakabanas. Kapag iyang mukha dinala mo mamaya sa gitna at walang magma-mine sa’yo babatukan talaga kita! Hindi pa naman basta-bastang subastahan itong pinuntahan natin. Halos magkandarapa at gumastos ako ng napakalaki para makapasok dito. Kita mo naman na nasa elegante at magarbong hotel tayo. Ibig sabihin lamang no’n ay hindi biro ang magiging kliyente natin. S’werte mo pa nga’t ’di sa kanto-kanto lang kita dinala kaya huwag mo ’kong ipapahiya! Huwag kang umakto na para bang napipilitan ka lang dito dahil ikaw ang nagmakaawa sa akin para sa kapakanan ng ina mo,” mahabang talastas ng ginang sa kaniya. Napansin pala ng ginang ang biglaang pagbabago ng kalagayang-loob niya. Totoo ang lahat ng iyon lalo na ang tungkol sa lugar. Isang Black Diamond Hotel kasi ang pinasukan nila at hindi ito basta-bastang hotel lamang. Napakalaki nito kung tutuusin. Na akala niya noon ay hanggang sa magazine niya lang makikita. Hindi niya inaasahang makakaapak siya sa ganitong klaseng lugar. Lagpas na yata iyan sa kaniyang imahinasyon at ambisyon. Kaya sumasang-ayon siya na hindi rin biro ang magiging kliyente nila. Akala nga niya noong una ay kung saan lang siya dadalhin ng ginang nang humingi siya ng tulong dito. Alam niyang maling tao ang hiningian niya ng tulong, ngunit wala na siyang ibang pagpipilian. Wala siyang kakilalang kamag-anak at mas lalong walang kamag-anak na ipinakilala sa kaniya ang ina na puwedeng lapitan. Silang dalawa lang ang magkaagapay simula’t sapol. Tumango siya. “Oho, Madam R. Pagpasensyahan n’yo na po,” tugon niya sa di-katabaang mestisang ginang, na Madam R pala ang ginagamit na pangalan. “Good! O s’ya, suotin mo ‘to at mag-uumpisa na.” Abot sa kaniya ng silver-black na maskara na terno sa suot niyang long gown. Ang nasa taas na bahagi lamang ng kaniyang mukha ang natatakpan ng maskarang iyon. Ibig sabihin, maliban sa mga mata, ay nakikita ang tangos ng kaniyang ilong at manipis na mga labi, maging ang dalawang pisngi. Habang sinusuot ang bigay na maskara ay patuloy sa pagbibigay ng tagubilin si Madam R, “Kapag tinawag ang numero mo ay lumabas ka na. Napag-usapan na naman natin ang gagawin mo, hindi ba? Graceful lang ang gagawin mong paglalakad. Be like ‘Dalagang Pilipina’ which is suited naman sa personality mo. Huwag mong OA-an ang ngiti, dapat ang ngiti mo ay makikita sa mga mata mo. ‘Yang mga mata mo ayusin mo, huwag na huwag mong hahaluan ng ibang emosyon ‘yan dahil iyan ang makakahatak sa atin ng bigating kliyente. Nauunawaan mo ba?” Wala siyang ginawa kundi tumango lang nang tumango sa mga sinasabi ni Madam R kahit na nagsisimula ng mangatog ang kaniyang mga tuhod dulot ng kaba. “Okay, go! Excited na ako,” natutuwang sambit nito sabay palakpak at iginiya siya patungo sa mga babaeng katulad niya, na nakapila na sa likod ng entablado, kung saan ay naghihintay na sila ay tawagin. “O s’ya, aalis na ako. Panonoorin kita,” bilin pa ni Madam R kasabay ng pagturo nito sa sariling mga mata at pagkatapos ay tinutok sa kaniya. Pagkaalis ni Madam R ay nag-umpisang tumambol nang napakabilis ang kaniyang puso. “First time mo ba ’to?” Napabaling siya sa nag salita mula sa kaniyang likuran. Kahit na nakamaskara ito katulad niya ay alam niyang isa itong magandang babae. May manipis at matangos kasi itong ilong at hugis puso ang mga labi. Idagdag pa ang kulay gatas nitong balat na sa sobrang kinis ay matatakot kang hawakan ito. Tumango siya. Ngumiti ang babae sa kaniya kung saan lumabas ang mga ngipin nitong tila perlas sa pagkaputi at maganda ang pagkakapantay. Kung isa siya sa mga lalaking nakaupo sa harapan ng entablado sa loob ng malaking bulwagan ay hindi siya titigil hangga’t hindi makukuha ang mala-anghel na babaeng ito sa harapan niya. “Third times ko naman. Ganyan na ganyan ako noong first time ko. Hindi mapakali, natatakot sa susunod na mangyayari. Pero wala akong magawa dahil itong gawain ang ibinigay sa akin. Dating spoiled brat at nang kinunan ng kayamanan at mana ay heto ang naging hantungan ko,” mga kwento nito. Bigla siyang nalungkot sa ibinahagi ng babae tungkol sa buhay nito. Kahit nakangiti ito habang nagsasalita ay hindi pa rin nakatakas ang lungkot at pagtutol sa mga mata nito sa gawaing pinasukan. “Alam mo kung ano iniisip ko noong una para maka-survive? Inisip ko ang dahilan kung bakit ko pinasok ang gawaing ito… para sa anak kong umaasa sa akin.” Nagsimula na ring kumirot ang ngalangala ni Mariya dahil sa naging karanasan ng magandang babae lalo na nang maalala rin niya ang kaniyang ina—ang dahilan kung bakit naman siya narito at nakikipagsapalaran katulad ng kaharap niya. “Salamat,” naging tugon na lang ni Mariya. Tumango sa kaniya ang babae, “Sana hindi maging katulad ng first time ko ang magiging first time experience mo ngayon.” Napakunot ang kaniyang noo sa huling sinabi nito bago tinawag ang kaniyang numero. “Ikaw na.” Mahinang tulak nito sa kaniya papalabas ng entablado na medyo ikinagulat pa ni Mariya. Gusto niya sanang itanong kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ng babae kaya nagawa niya pang balingan ito, ngunit nakalabas na siya sa itim na kurtina na tanging nakaharang lamang mula sa likod at harap ng malaking bulwagan na iyon. Napapikit si Mariya nang sumalubong ang nakasisilaw na liwanag pag kaharap niya. At nang tuluyang maagaw ng paningin ang liwanag ay napahinto siya. Halos bumulaga sa kaniya ang labas na kalagayan ng itim na kurtina—ang buong bulwagan. Nalula siya sa sari-saring tao na ngayon ay nasa harapan niya at hindi alam ang gagawin sa mga mata na ngayon ay nakatutok sa kaniya. Halos sumisigaw ng karangyaan at awtoridad ang buong paligid. Mas nangatog ang kaniyang mga tuhod dahil dito. Mukha kasi siyang usa na pinalilibutan ng mga leon na handa siyang lapain sa anumang oras at pagkakataon. Nagdadalawang-isip si Mariya kung tatakbo at tatakas na lang ba o hayaan na lang ang anumang mangyari sa kaniyang harapan. Ngunit nang maalala ang sinabi ng babaeng nakausap niya sa likod ng entablado ay lumitaw sa kaniyang isipan ang mga ngiti at tawa ng ina. Hindi siya dapat sumuko. Higit na walang katumbas ang ginawang sakripisyo ng ina niya para sa kanilang dalawa kumpara sa magiging sakripisyo niya ngayon. Gagawin niya ang lahat para sa ina dahil ganoon niya ito kamahal. Kapalit man ng lahat ay ang pagbebenta niya ng sariling puri at dignidad. “Lady eight looks like young and innocent,” rinig niyang wika ng tagapagsalita o tagapagbenta sa kanila kaya napabaling siya sa kinaroroonan nito, at sa abot-tanaw lamang ay nakita niya si Madam R na ngayon ay sinesenyasan siya. Mukhang naiinip na ito sa ginagawa niyang pag tingin lang. Muli ay binalik niya ang paningin sa lahat. Humugot siya ng napakalalim na hininga at sinimulang gawin ang mga bilin sa kaniya. Mariya walked with full of seduction in the eyes. Mayroon siyang mga mata na katulad ng isang magnet na may kakayahang manghatak ng atensyon. Ngunit sa kabila niyon ay ang unti-unting pamumuo ng tubig sa kaniyang mga mata na dahilan kung bakit tila kumikinang ito sa paningin ng mga taong nakatingin sa kaniya. “… yet sexy and hot. Panigurado mapapalaban ang makakakuha sa kaniya ngayong gabi. The way she walk was like your whole night will be on fire with passion,” the emcee announced with full of confident. Pagkatapos niyang maglakad sa entablado at irampa ang sarili sa lahat ay huminto siya sa gitnang bahagi niyon. Muling nagsalita ang tagapagsalita sa event na iyon senyales na magsisimula na ang pagsusubasta sa kaniya, “Bid starting with half million.” Halos mawala ang pustura niya nang marinig ang paunang presyong binigay sa kaniya. Ganoon nga kagarbo at kasagana ang mga lalaking nasa loob ng subastahang pinasukan niya. Hindi niya alam kung legal ba ito o hindi, pero alam naman nating lahat na ang gawain ng mga mayayaman kahit illegal ito ay nagiging legal. “Mine for half million.” Hinanap niya kung saan nanggagaling ang boses hanggang sa makita niya ang lalaking halos pumutok na ang butones sa suot na business suit dahil sa malaking tiyan nito. Nakataas ang number card nito habang pangiti-ngiti sa kaniya. Bigla siyang napalunok. “Seven hundred thousand pesos,” ayon naman sa malaking lalaki na puno ng balbas ang mukha. Bigla siyang nakaramdam ng takot. Isa rin sa dahilan kung bakit sila madaling mahanap o matunton ang pinanggalingan ng boses kahit napakarami nila, maliban sa number card na tinataas, ay dahil sa may kani-kaniyang lapel ang mga ito o mikroponong maliit na nakasabit lamang sa kuwelyo ng kanilang suot. “One million bids for that innocent young lady.” Halos nabigla siya sa laki ng agwat ng presyong binagsak at agarang sinuyod ang bulwagan. Doon ay nakita niya ang isang may edad na lalaki. Mas okay pa nga siguro na ito ang makakuha sa kaniya kaysa sa dalawang nauna, dahil kahit nasa middle age na ang lalaki ay may dating pa rin ito at malinis tingnan. Pero ang isang milyon ay kulang pa. Wala pa ang porsyento doon ng organisasyong nagpapatakbo ng subastahang ito at porsyento naman para kay Madam R, ang nagpapasok sa kaniya rito. Ilan na lang ang matitira sa kaniya no’n? Kulang na kulang pa sa dalawang taong pagamutan ng kaniyang ina. May sakit sa dugo ang ina ni Mariya at kailangan niyang gawin ito para madugtungan ang buhay ng ina. Lalo pa at naapektuhan na ng sakit maging ang B cells nito. Kapag ganito raw ay sampu o dalawampung taon na lang ang posibilidad na mabuhay si Aling Luz, ang kaniyang ina. At sa kalagayan ng ina ay halos sampung taon na nitong dinadala ang sakit. Naapektuhan na pati bone marrow at maging daluyan ng dugo nito. Wala man lang siyang kaalam-alam na ang simpleng pagkakasakit ng ulo ng ina at pagkahilo minsan ay nagpapakita na pala ng sintomas ng sakit. Naniwala kasi siya sa ina na simpleng sakit o pagod lang iyon kung kaya’y nararanasan ang mga ito. Na nadadaan lang sa paggamot-gamot. At siya namang tanga ay naniniwala sa mga sinasabi ng ina. Hindi man lang nagawang suriin ang tunay na kalagayan ng ina. At masakit iyon para sa kaniya. Dahil lumalim ang pag-iisip niya at naapektuhan na rin pati ang nararamdaman niya ay halos hindi na niya marinig ang mga presyong binibitiwan ng mga gustong bumili sa kaniya. Sa kabilang banda ay ikinalula ng lahat dahil ngayon lamang nagkaroron ng record na ganoon. Nagkakainitan at nag-aagawan na kasi ang mga ginoong gustong iuwi siya kaya wala ng pakialam sa binibitawang napakalaking halaga. Hanggang sa isang malalim na boses ang bumasag ng tensyon. “Stop selling that lady because I will buy her for one billion pesos.” Napahinto ang lahat at naiwan na lang ang gulat na reaksyon sa kanilang mukha. Maging si Mariya ay napabalik sa kaniyang ulirat sa laki ng halagang narinig niya. Hindi niya alam kung totoo o guni-guni lamang ang narinig. Kaya hinanap ng paningin niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon. At hindi niya alam na ito pala ang lalaking pinakuan niya ng tingin bago lumipad ang kaniyang utak. Walang emosyon ang paraan ng pagkakatitig ng lalaki sa kaniya. Napakalalim nito at puno ng pananabik sa isang bagay na hindi nito makuha-kuha. Para bang nagsasabing siya ang kailangan nito para makuha ang bagay na iyon. Bigla siyang napasinok.Isang madilim ngunit malaking silid ang bumungad kay Mariya pagpasok niya. Wala siyang makitang kung ano hanggang sa dumako ang kaniyang paningin sa may bintana na tinatakpan ng puting kurtina, kung saan may kaunting liwanag na pumapasok mula sa liwanag ng buwan sa labas. Kahit hindi niya nakikita ng malinaw ang buong lugar ay alam ni Mariya na hindi lang ito basta-basta kuwarto kagaya ng mga karaniwang kuwartong nakikita sa mga ordinaryong hotel.“You’re too expensive, lady.”Nagulat si Mariya nang may nag salita mula sa kung saan. It was deep and handsome voice. Hindi niya maikakaila iyon. Nagpalinga-linga siya.“Siguro naman kaya mong tumbasan ang halagang iyon ngayong gabi.” Hindi iyon tanong kundi isang pahayag. Napalunok siya.Biglang bumukas ang lampshade sa gilid ng kama kung saan tuluyan niyang naaninagan ang kalahating bahagi ng mukha ng lalaki. Mariin itong nakatitig sa kaniya. Heto na naman ang mga tingin nitong napakalalim na tila tumatagos hanggang sa kaibuturan ng kaniy
Paghatid sa kaniya ng ina ay kaagad na sinuyod ng mga mata ni Bennett ang matalik na kaibigang si Yanie sa loob ng kanilang silid-aralan pagkapasok. Napangiti siya nang makita ang kaibigan sa kumpulan ng mga batang babaeng naglalaro ng paper doll.“Yanie!” tawag niya rito.Kaagad namang iniangat ni Yanie ang kaniyang ulo at malawak na ngumiti kay Bennett nang makita ang kaibigan kahit na bungal pa ito. Nasira kasi ang dalawang ngipin na nasa unahang bahagi kaya kailangan bunutin ang mga ito ng ina ni Yanie at baka madamay pa ang iba.“Bennett!” Kaway ng batang babae. “Sige kayo na muna ang maglaro d’yan,” paalam ni Yanie sa mga batang babaeng kalaro bago tumakbo patungo kay Bennett at sabay na umupo sa puwesto nila kung saan ay magkatabi sila sa upuan. Inocencio kasi si Bennett at Juancio naman ang apelyido ni Yanie.“Alam mo ba uuwi na si Daddy. Sa wakas ay magkikita na rin kami,” natutuwang balita ng batang babae.“Talaga? E, paano mo naman makikilala ’yon kung bata ka pa lang nang
“HEY, SON. You’re finally here. How’s your work?” Salubong ng ina kay Brylly pagkarating sa malaking bahay. Hinalikan siya ng ina sa pisngi at gayon din siya rito. Bumagay at lalong tumingkad ang mestisang ina sa suot nitong eleganteng kulay-rosas na bestida. Mukhang naghanda talaga ang ina sa gabing ito. “All good. Where’s Dad?” kaagad niyang hanap sa ama. He’s already a thirty-two year old man but he is very excited to see his father and eager for his attention. A child-like act but he can’t deny it because this is all what he always wanted. Ang mapansin ng ama. “He’s upstairs. Magbihis ka na at maghahapunan na tayo,” ngiti sa kaniya ng ina.Tango na lamang ang naitugon ni Brylly sa ina at nagmamadaling umakyat sa itaas. Nang makarating sa harap ng pinto ay hinawakan niya ang doorknob. Bago pihitin iyon pabukas ay tumingin muna siya sa pinto ng kuwarto ng kaniyang mga magulang… kung saan ang ama ay nasa loob ng kuwartong iyon.“SON, MAUPO ka na.” Ngiti sa kaniya ng ina nang makapa
You need to be productive everyday despite of struggles and hardships in life. Nagising si Brylly dahil sa malakas na tunog ng kaniyang alarm clock. Ibig sabihin lamang noon ay kailangan niya ng gumising at ipakita sa lahat na ang isang Arnulfo Brylly Montañez III ay hindi magpapatalo sa kahit ano mang hamon ng buhay. He was known as the famous billionaire businessman that everyone was afraid of. Even if his father is not impressed with him, that is not a reason to waste the title he worked for. Lalabas at lalabas siyang hinahangaan at tinitingala ng lahat. Ipapakita niya sa kaniyang ama na kahit wala ang suporta nito, mas hihigitan niya ang hindi nito inaakala. That he doesn’t need someone to upbrighten him to become a well-known person in the world, like his dad. Kayang-kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.Kahit na may hang over pa nang nakaraang gabi ay malinis at may husay niyang inihanda ang sarili para sa araw na ito. He’s wearing a khaki business suit that made him more
“’Nay?” pagbasag ni Bennett sa tahimik nilang hapunan.“Hmm… bakit?” tanong ni Mariya pagkatapos ay uminom ng tubig.“Kailan po uuwi si tatay?”Biglang nabulunan si Mariya na ikinabaling naman ng atensyon ng mag-inang, Rosela at Nadine, sa isa’t isa bago tiningnan si Mariya na ngayon ay nagpupunas na ng kaniyang bibig. Napatingin si Mariya sa mag-ina bago bumaling sa kaniyang anak. Nakatingin na si Bennett sa kaniya, naghihintay sa magiging sagot niya.Sirkulo ang hugis ng kanilang hapag-kainan. Kaya ang ayos ay tila magkakaharap lang silang lahat sa isa’t isa.“Bakit mo naitanong, anak?” Ipinagtataka niya ang biglaang tanong na iyon ng anak. Dahil ang huli nitong pangungulit sa kaniya patungkol sa ama ay halos mag-iisang taon na rin ang nakalilipas. “Hindi na po kasi ako makapaghintay. Miss na miss ko na po si tatay. Buti pa si Yanie nakita niya na ang daddy niya. Ako kaya kailan?”Iba-iba ang emosyong nakikita ni Mariya sa anak habang sinasabi iyon. Hindi niya alam kung ano ang kan
“Pasok.” Si Mariya nang may kumatok mula sa pinto ng kaniyang opisina. “’Nay Rosela,” ngiting bigkas niya nang makita ang ina-inahan.“Pinadalhan kita ng kape at paborito mong mammon bread. Alam ko kasing hindi ka pa nag-agahan.” Umupo si Rosela sa sopa ng munting sopa set sa loob ng opisina ni Mariya. Nilapag niya sa glass table na kuwadrado ang dala-dalang tray.Sinara ni Mariya ang laptop at tumayo. Umupo siya sa isahang upuan na katabi ng inuukupahan ng kaniyang Nanay Rosela.“Salamat ho. Nag-abala pa ho kayo. Lalabas naman ako. Tatapusin ko lamang ang ginagawa ko.” At kaagad na humigop ng kape. Doon niya lang din napansin na kumikirot na rin pala ang kaniyang sikmura dahil sa nalipasan na naman siya ulit ng gutom.“Naku! ’Wag mong sabihin ’yan. Tungkulin ko rin na ina n’yo ang alagaan kayo lalo ka na, nakakalimutan mo nang kumain dahil sa katututok mo d’yan sa trabaho mo.”“Salamat ho ’nay, ha. Simula nang kinupkop mo ako at tanggapin maging si Bennett na nasa sinapupunan ko pa l
Nagtungo sina Mariya sa sakayan, ngunit nabigo ulit sila. Kagagaling lang nila sa paaralan at wala si Bennett doon. Nagtanong-tanong sila sa kung sino-sino at kung saan-saan na sila nakarating.“Kung i-report na kaya natin sa pulis, Mariya?” suhestiyon ni Rosela.“Wala pang twenty-four hours, ’nay,” ayon naman kay Nadine.“E, ano naman? Kailangan pa bang umabot ng twenty-four hours? Baka kung ano na ang nangyari sa bata.”Tumingin si Nadine kay Mariya na ngayon ay tahimik na nagmamaneho ng sasakyan. “Ano, best?” tanong ni Nadine sa kaniya. Sumang-ayon din sa suhestiyon ng ina. Labis din kasi ang pag-aalala niya.Walang naging tugon si Mariya.Maya-maya ay inihinto ni Mariya ang sasakyan na ipinagtaka ng mag-ina. Malalim ang ginawa niyang paghugot at buga ng hangin at isa-isang tiningnan ang mga kasama sa loob ng kotse. Hindi niya na napigilan pa ang sarili at tuloy-tuloy na umagos ang kaniyang luha sa magkabila niyang pisngi.“Kahit ano. Makita lang natin ang anak ko,” sa kabila ng ka
Biglang kumulo ang dugo ni Mariya nang marinig ang pag-uusap ng lalaki at ng sales lady. Anong akala nito sa kaniya? Hindi niya kayang tumbasan ang ini-o-offer nito? Dahil sa inis ay halos sugurin niya ang lalaki para lamang tapatan ang kayabangan nito, hanggang sa may pumasok.“Brylly, dude.”Napalingon siya sa lalaking biglang sumulpot. Nang ibalik ang paningin sa lalaking tinawag ay halos kumitid ang puwestong kinatatayuan niya. Mula sa pagkakatalikod nito sa kaniya kanina, na ngayon ay nakaharap na ang kalahating bahagi ng mukha. Mabilis na hinila siya mula sa nakaraan kung kailan una niyang nakita ang lalaki. Hinding-hindi niya makakalimutan ang itsura nito kahit matagal na panahon pa ang lumipas. Para bang ginawa ang taong ito para maging bangungot sa kaniya, na hindi mabura-bura kahit anong gawin niya.“Ang dami mo nang collection n’yan. Hayaan mo na sa naunang bumili n’yan, dude. Tara na,” ayon sa kararating lang na mukhang nagmamadali.“No one can stop me if I want a thing, Br