Hello po! Can I know po kung may nagbabasa ng story ko po? Taas lang po paa, hehe. Joke po! Gusto ko lang po magpasalamat sa suporta po. Nawa po'y matulungan nyo po akong ipromote new novel ko. Share nyo naman po sa friend nyo kapag nagandahan po kayo. Salamat po agad. Pwede rin po kayong makatulong tru votes po, rate like giving stars and comment sa book. Salamat po ulit. Pasensya po kung napamahal ang coins ng chap 7, mag start po dapat sa chap 8 ang pag lock ng chap kaso nagulat ako sa chap 7, naka lock na. Nasa 2k+ pa naman words no'n. Dito sa chap na to start po ng afford nyo na pong coins. ^^ God bless po! Heart! Heart!
Biglang kumulo ang dugo ni Mariya nang marinig ang pag-uusap ng lalaki at ng sales lady. Anong akala nito sa kaniya? Hindi niya kayang tumbasan ang ini-o-offer nito? Dahil sa inis ay halos sugurin niya ang lalaki para lamang tapatan ang kayabangan nito, hanggang sa may pumasok.“Brylly, dude.”Napalingon siya sa lalaking biglang sumulpot. Nang ibalik ang paningin sa lalaking tinawag ay halos kumitid ang puwestong kinatatayuan niya. Mula sa pagkakatalikod nito sa kaniya kanina, na ngayon ay nakaharap na ang kalahating bahagi ng mukha. Mabilis na hinila siya mula sa nakaraan kung kailan una niyang nakita ang lalaki. Hinding-hindi niya makakalimutan ang itsura nito kahit matagal na panahon pa ang lumipas. Para bang ginawa ang taong ito para maging bangungot sa kaniya, na hindi mabura-bura kahit anong gawin niya.“Ang dami mo nang collection n’yan. Hayaan mo na sa naunang bumili n’yan, dude. Tara na,” ayon sa kararating lang na mukhang nagmamadali.“No one can stop me if I want a thing, Br
“Damn you, Bryan!” halos singhal ni Brylly sa kaibigan. Nakaupo ito sa coach na nasa loob ng kaniyang opisina. Habang siya naman ay hindi mapakali sa kinatatayuan. Namaywang na lang siya sa sobrang kabiguan. Nandoon na kasi ay nawala pa.“I’m sorry, dude. I didn't know that woman was the woman you were searching for so long.” Bryan sincerely apologizes to his friend, Brylly. “Sigurado ka ba talaga na siya ’yon?” Ang naalala kasi ni Bryan kung babalikan ang panahon na binili ito ng kaibigan, ay naka-maskara ang babaeng iyon, kaya wala talaga siyang nabuong imahe sa alaala niya.“Did you just tell me and describe her look, didn't you?” Parang tanga namang napatango si Bryan. Oo nga at naipaliwanag niya ang mukha nito nang tanungin siya ng kaibigan. Naikuwento niya kasi ang engkwentro nila ng babaeng hinahanap nito sa mall. Kaya naitanong nito kung ano ang itsura ng babae at nakumpirma nga ni Brylly na siya iyon. He will never forget that woman. Nang gabing may nangyari sa kanila ay ang
Hello po. Pasensya na po sa long no updates. Dumaan po kasi sa trangkaso ang inyong lingkod na manunulat. Idagdag pa na malapit na rin po ang due date ko at lalabas na po ang first baby ko po. Hindi ko po alam kung kailan po ako magpapatuloy muli, pero isa lang po ang sigurado ako... tatapusin ko 'tong kuwentong ito. Bibigyan ko ng justice ang bawat kaganapan po rito. Salamat po lalo na sa mga nagbabasa po ng story na ito. Heart ‘Hi’ naman po sa sumusuporta ng book na ito. ^^ Please do pray my coming labor and delivery. Sana safe po kami ni baby at hindi po ako mahihirapang ilabas siya.🙏
Gleaming silver heels four inches high pairs with silver-black V-neck sequins long dress sleeveless mermaid gown which now makes Mariya Luiesa’s eyes dazzle. Halos hindi makilala ni Mariya ang kaniyang sarili matapos pagmasdan ang kabuuan sa tapat ng malaking salamin. Bagay na bagay sa kulay kayumanggi niyang balat ang suot na gown kung saan bakas ang pagkakaroon niya ng mahabang biyas gawa ng mahabang hiwa nito mula taas ng tuhod hanggang sakong. Namangha siya maging sa ayos ng kaniyang itsura. Isang batikan na make-up artist ang nag-ayos sa kaniya. Idagdag pa ang nakababa lamang niyang mahaba, pantay at itim na buhok na umayon sa hubog ng kaniyang katawan—na nagpapatunay na isa siyang matangkad at balingkinitang dalaga. Kung tutuusin ay puwede na siyang pambato sa Miss Universe pageant. Sa kabilang banda ay hindi paghahalataan sa bago niyang mukha at ayos ang tunay niyang estado sa buhay. “Are you ready?” Naputol na lang ang ginagawa niyang pagmamasid sa sarili sa harap ng salamin,
Isang madilim ngunit malaking silid ang bumungad kay Mariya pagpasok niya. Wala siyang makitang kung ano hanggang sa dumako ang kaniyang paningin sa may bintana na tinatakpan ng puting kurtina, kung saan may kaunting liwanag na pumapasok mula sa liwanag ng buwan sa labas. Kahit hindi niya nakikita ng malinaw ang buong lugar ay alam ni Mariya na hindi lang ito basta-basta kuwarto kagaya ng mga karaniwang kuwartong nakikita sa mga ordinaryong hotel.“You’re too expensive, lady.”Nagulat si Mariya nang may nag salita mula sa kung saan. It was deep and handsome voice. Hindi niya maikakaila iyon. Nagpalinga-linga siya.“Siguro naman kaya mong tumbasan ang halagang iyon ngayong gabi.” Hindi iyon tanong kundi isang pahayag. Napalunok siya.Biglang bumukas ang lampshade sa gilid ng kama kung saan tuluyan niyang naaninagan ang kalahating bahagi ng mukha ng lalaki. Mariin itong nakatitig sa kaniya. Heto na naman ang mga tingin nitong napakalalim na tila tumatagos hanggang sa kaibuturan ng kaniy
Paghatid sa kaniya ng ina ay kaagad na sinuyod ng mga mata ni Bennett ang matalik na kaibigang si Yanie sa loob ng kanilang silid-aralan pagkapasok. Napangiti siya nang makita ang kaibigan sa kumpulan ng mga batang babaeng naglalaro ng paper doll.“Yanie!” tawag niya rito.Kaagad namang iniangat ni Yanie ang kaniyang ulo at malawak na ngumiti kay Bennett nang makita ang kaibigan kahit na bungal pa ito. Nasira kasi ang dalawang ngipin na nasa unahang bahagi kaya kailangan bunutin ang mga ito ng ina ni Yanie at baka madamay pa ang iba.“Bennett!” Kaway ng batang babae. “Sige kayo na muna ang maglaro d’yan,” paalam ni Yanie sa mga batang babaeng kalaro bago tumakbo patungo kay Bennett at sabay na umupo sa puwesto nila kung saan ay magkatabi sila sa upuan. Inocencio kasi si Bennett at Juancio naman ang apelyido ni Yanie.“Alam mo ba uuwi na si Daddy. Sa wakas ay magkikita na rin kami,” natutuwang balita ng batang babae.“Talaga? E, paano mo naman makikilala ’yon kung bata ka pa lang nang
“HEY, SON. You’re finally here. How’s your work?” Salubong ng ina kay Brylly pagkarating sa malaking bahay. Hinalikan siya ng ina sa pisngi at gayon din siya rito. Bumagay at lalong tumingkad ang mestisang ina sa suot nitong eleganteng kulay-rosas na bestida. Mukhang naghanda talaga ang ina sa gabing ito. “All good. Where’s Dad?” kaagad niyang hanap sa ama. He’s already a thirty-two year old man but he is very excited to see his father and eager for his attention. A child-like act but he can’t deny it because this is all what he always wanted. Ang mapansin ng ama. “He’s upstairs. Magbihis ka na at maghahapunan na tayo,” ngiti sa kaniya ng ina.Tango na lamang ang naitugon ni Brylly sa ina at nagmamadaling umakyat sa itaas. Nang makarating sa harap ng pinto ay hinawakan niya ang doorknob. Bago pihitin iyon pabukas ay tumingin muna siya sa pinto ng kuwarto ng kaniyang mga magulang… kung saan ang ama ay nasa loob ng kuwartong iyon.“SON, MAUPO ka na.” Ngiti sa kaniya ng ina nang makapa
You need to be productive everyday despite of struggles and hardships in life. Nagising si Brylly dahil sa malakas na tunog ng kaniyang alarm clock. Ibig sabihin lamang noon ay kailangan niya ng gumising at ipakita sa lahat na ang isang Arnulfo Brylly Montañez III ay hindi magpapatalo sa kahit ano mang hamon ng buhay. He was known as the famous billionaire businessman that everyone was afraid of. Even if his father is not impressed with him, that is not a reason to waste the title he worked for. Lalabas at lalabas siyang hinahangaan at tinitingala ng lahat. Ipapakita niya sa kaniyang ama na kahit wala ang suporta nito, mas hihigitan niya ang hindi nito inaakala. That he doesn’t need someone to upbrighten him to become a well-known person in the world, like his dad. Kayang-kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.Kahit na may hang over pa nang nakaraang gabi ay malinis at may husay niyang inihanda ang sarili para sa araw na ito. He’s wearing a khaki business suit that made him more