"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, beb?" Napasabunot na lang ako sa aking buhok habang iniisip ang gagawin kong desisyon.
Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa hospital magmula kahapon at ilang oras pa lang ang tulog ko. Si Krisha naman ay kakabalik lang kani-kanina lang, habang si Cristine naman ay pumasok na sa eskwela dahil hindi naman niya pwedeng pabayaan ang pag-aaral niya kahit na nagpupumilit itong magbantay sa hospital. "Kailangan, Krisha. Ito na lang paraan ko para mapagamot si Kyle." Naikwento ko na nga pala sa kaniya ang tungkol sa desisyon kong pag payag na pagpapakasal ko sa lintek na lalaking iyon. Hindi ko alam kung nananadya ba ang kapalaran, e. "Hay. Hindi ito ang hinihiling ko sa'yo na magkaroon ng lalaking mamahalin, beb. Mukhang tadhana mo talagang kainisan ang mga lalaki, ah." Saglitan itong tumawa dahil natigil din sa talim ng tingin na pinukol ko sa kaniya. "Kung may iba lang ako choice, Krisha. Wala akong balak magpakasal kahit na sinong lalaki pa sa mundong 'to." "I know, tila mula bata pa yata tayo ay bukambibig mo na 'yang salitang 'yan." Napangiti lang ako sa kaniya nang mapakla. Napatigil ako nang makita ko ang dalawang asungot na papalapit samin ngayon. Anak ng teteng, ito na talaga. Wala ng atrasan 'tong desisyon kong to. Tumayo na ko para harapin sila at nakita ko sa gilid ng aking mata na tumayo rin si Krisha. "Lara," bati ni Justine sa akin. Mapakla akong ngumiti at tumango lang sa kanila. Hinarap ko si Krisha para magpaalam na muna. "Krisha, ikaw na muna ang bahala kay Kyle, ha? Kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako. Maya-maya lang ay darating na rin iyon si Cristine para samahan ka." Hinawakan niya ang kamay ko at saka ako nito niyakap pero agad din naman siyang bumitaw. "Sige, beb. Makakaasa ka. Ako na muna bahala sa dalawang bata. Balitaan mo na lang ako pagdating mo," usal nito. Pagkatapos kong mag paalam kay Krisha ay sumunod na rin ako kina Justine. Tahimik lang akong nakasunod sa kanila at nag-iisip kung may iba pa ba akong solusyon para lang hindi matanggap ang kasal. Hanggang sa makasakay kami sa sasakyan ay hindi ako kumikibo dahil bukod sa nag-iisip ako, ang puso ko naman ay parang tatakas na sa dibdib ko sa sobrang kaba. Wala pang kalahating oras ay nakarating din kami, pero hindi ito sa bahay na pinagdalhan sa akin kahapon kundi isa itong napakataas na building. Bakit kami nandito? "Bakit tayo nandito?" Hindi ko na natiis kaya nagtanong na ako. "Si Pareng Jacob na ang bahala mag explain sa'yo," usal ni Mark sa akin. Hindi na ako nagtanong pang muli at sumunod na lang ulit sa kanila. Hindi naman na kami dumaan sa receptionist dahil mukhang kilala naman na sila dito. Dumiretso kami sa elevator at nakita kong pinindot nito ang pinakahuling palapag ng gusali. Feeling ko ay malulula ako sa taas nito at mahihilo ako sa tagal. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sila iniimik dahil iniisip ko pa rin ang bagay na ito. Pagkalabas namin ng elevator ay kapansin-pansin agad ang nag-iisang pintuan sa pinakadulo nitong palapag. Mukhang wala ng iba pang kwarto at bukod tangi lang iyon. Lumapit kami dito at pinagbuksan ako ng pintuan ni Justine, inaya ako nito papasok sa loob. Hindi naman na ako naghintay pa ng siyam-siyam at pumasok na rin agad. Napakalawak ng kwartong ito, para itong bahay na nilagyan ng opisina dahil mayroon itong malaking sala pagpasok mo, at sa dulo nito ay nandoon nakapwesto ang espasyo para sa opisina. Kitang-kita ang labas nito dahil gawa ang paligid nito sa salamin, madudungaw mo na yata ang kabuuan ng city pag narito ka. "Ehem," paninimula ni Mark. Hindi ko na natuloy ang pag-ikot ng paningin ko sa paligid at napansin ko ang asungot na iyon na nakatayong nakatalikod sa amin at nang marinig niya ang boses ni Mark ay humarap ito sa amin. Gaya kahapon ay ganoon pa rin ang aura nito, seryoso na animo'y parang walang damdamin. Tumingin lang ito sa akin at saka umupo sa kaniyang swivel chair, hindi ito nagsallita basta na lang itong may nilapag na papeles sa kaniyang lamesa. Kung hindi ako nagkakamali ay ito rin kontrata ng pinunit ko. Lumapit ako dito at binasa ang papeles, kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko ang pag titig nito sa akin pero isinawalang bahala ko lang ito. "If you're done signing it, I can arrange the wedding by tomorrow." Taas kilay akong napatingin sa kaniya at marahang binaba ang papeles. "Puwede ba, huwag kang atat. Babasahin ko muna itong papeles na ito. Baka mamaya ay puro lang pabor sa'yo ang nakasulat dito," masungit kong usal at muling binalik ang tingin sa papeles. "Fine. Go f*cking read it." Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. Sa halagang limandaang milyon ay talagang magpapakasal siya kahit hindi niya ako lubos na kilala? Big time! Ibang klase! Ganito na yata kaboryo ang mga mayayaman sa pera nila. "Teka nga, puwede bang malaman bakit kailangan mong magpakasal?" usal ko rito. "Nope," maikli nitong sagot. Gusto ko ihampas sa kaniya itong papel na hawak ko pero nakakatakot ang aura niya, baka mamaya ay diretso na sa akin talaga ang bala nito. Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa sa papeles. "Are you done now?" Ramdam ko ang inip sa tono nito, pero hindi ko muna ito pinansin dahil iniipon ko pa ang mga bagay na tututulan ko sa papeles na ito. Nang matapos ko ng basahin ang papeles ay bumaling muli ako sa kaniya at umupo sa upuan harap ng kaniyang lamesa. "First of all, gusto ko linawin sa papeles na sinulat mo. Hindi ako pumapayag sa gusto mong sa iisang kwarto tayo matutulog dahil hindi naman tayo magsasama para sa pagmamahalan, kundi para sa pera lang na kailangan ko," usal ko. "That's not possible. Ano sa palagay mo ang iisipin ng parents ko if they will know that we're sleeping seperately?" Oo nga pala, pero teka? Ano parents? Ibig bang sabihin makikisama ako sa mga magulang niya? No. Hindi ko gusto iyon. "Kung iniisip mong kasama natin parents ko, I'll tell you that they're not living with us." Napabunting hininga ako dahil sa relieve na naramdaman ko. Mabuti naman kung ganoon. "Okay, then. Makakakilos pa rin ako ng ibang bagay na gusto ko," usal ko muli. "I'm fine with that, besides I'm busy. Do whatever you want, and in case you want to date somebody, just make sure that you will not get caught." "Paano naman ikaw?" "Mind your own business, I can f*cking date every woman I want. I know my business." Ano ba itong pinasok ko? Talagang magpapakasal ako sa lalaking ito? Hindi lang arrogante, mukhang babaero pa. Mabuti na lang pala at wala akong amor sa mga lalaki at okay lang naman sa akin ang set-up niya. "Deal?" "Okay, deal." Inabot ko ang kanang kamay ko at tinanggap naman nito. Mabilis niya ring binatawan ang kamay ko. Wow, parang diring-diri siya, ha? Ako nga dapat mandiri sa kaniya. Kapal! Pinirmahan ko na ang papeles at tumalikod na sa kaniya. Akmang hahakbang na ako paalis nang bigla muli ako nitong tinawag. "Lara." "Bakit?" Mabilis kong sagot pagkaharap muli. "You can also work here, as my secretary. But, you will not tell anyone that you're my wife. And, puwede na kayo maglipat ng gamit mamayang gabi kasama ang mga kapatid mo. Susunduin na lang kayo ni Mark at Justine. Understand?" "Eh? Okay." Nasabi ko na lang dahil ko na makabalik muli sa hospital dahil tapos na rin naman ang usapan namin at nag aalala na ako kay Kyle."Ate, nagugutom na po ako." Napalingon ako sa kapatid kong sampung taong gulang pa lang. Nakahawak ito sa kaniyang tiyan, at naghihintay sa noodles na aking niluluto para sa aming agahan. Pagkaluto ay ginising ko na ang isa ko pang kapatid na labing pitong gulang naman. "Cristine, gumising ka na. Kakain na tayo," malumanay kong sabi rito habang niyuyugyog siya. Minulat naman nito ang kaniyang mata at pupungas-pungas na bumangon sa aming papag na higaan. Sabado ngayon kaya't hindi sila abala mag-asikaso ng sarili sa pagpasok. Napatingin na lamang ako sa dalawa kong kapatid na nakangiting humihigop ng sabaw ng noodles at nage-enjoy sa ilang pirasong pandesal na nagkakahalagang bente pesos. "Ate, kumain ka na. Baka lumamig iyang sabaw, sige ka. Ayaw mo pa naman no'n," usal ng aking kababatang kapatid. Siya si Kyle, grade 5 na sa pag-aaral. Si Cristine naman ang sumunod sa akin, junior high school naman siya. Tatlo lamang kaming magkakapatid. Sinimulan ko na ring kumain. Hindi
Araw na ng lunes kaya't maaga kong ginising ang dalawa kong kapatid. Naghanda na rin ako ng kanilang kakainin bago ako pumasok sa café habang sila ay naliligo pa. "Ate, maligo ka na po. Ako na bahala sa paghain." Napangiti ako sa tinuran ni Cristine. Buti na lang talaga ay naiintindihan nila ang sitwasyon namin at hindi sila masyado mareklamo. Kaya't pangako ko talaga sa sarili ko na kahit anong mangyari, magtatapos sila ng pag-aaral. "Ate, natulala ka na diyan. Baka ikaw po ang ma-late." Tila nabalik naman ako sa aking sarili. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako sa naisip. Kaya't madali kong kinuha ang tuwalyang ginamit ni Cristine at pumasok na sa maliit naming banyo. Halos iisa lang ang ginagamit na tuwalya dahil sa halip na ibili namin ng isa pang tuwalya ay mabuting sa pagkain na lamang namin ibili.Matapos kong maligo ay nagpalit na rin ako ng damit sa maliit naming kwarto na ang tanging pintuan lamang ay ang mahabang kurtina. Sinuot ko na ang uniporme naming polo s
Alam kong gising na ang diwa ko pero ang mata ko'y nananatiling nakapikit pa rin sapagkat pakiramdam ko ay lumulutang ako at may malambot na may katigasan na nakayapos sa aking katawan, kung hindi ako nagkakamali ay nasa bisig ako nito.Ngunit, maya-maya lang ay napalitan ng gulat ang aking pagkatao at napamulat dahil sa biglaang paghagis nito sa akin sa malambot na kama. "Sh*t!" usal ko."Tss. Bigat mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at mabilis na bumangon sa kama. "Aba, mister! Ikaw 'tong bigla akong binuhat at teka nga..." nilibot ko ang paningin ko sa lugar, "saan mo ako dinala?!" Napalinis ito ng kaniyang tainga dahil sa lakas ng pagkakasabi ko. "Woman, lower your voice. Wala ka sa palengke." "Aba't —" akmang aamba ako rito nang may dalawang kamay ang pumigil sa akin, ang isa ay nakahawak sa pulsuhan ko at ang isa naman ay sa balikat ko. Teka nga, kanina pa ba sila narito?! At saka sino ba talaga ang mga ito?! "Hep! Hep!" usal ng lalaking nakahawak sa pulsuhan ko at da
Sa bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang na nakaupo na siya sa sahig tukod ang kaniyang siko para mabalanse ang kaniyang katawan sa pagkakasalampak nito sa sahig. Kahit ako ay nabigla sa nagawa ko. "Oh my God! So—sorry!" Mabilis akong lumapit dito at tinulungan siyang makatayo. Ngunit, hinawi lang nito ang kamay ko. Napakunot ang noo ko sa inis dahil sa ginawa niya. Tumayo rin ito tila inayos ang kaniyang panga dahil sa pagkakasuntok ko rito. "Wow, pre! Akalain mo 'yon nasuntok ka? At, babae pa talaga," ani ni Mark na tumatawa pa. Agad itong napatikom ng titigan siya nito ng masama. "Shut the f*ck up!" May diin sa bawat salitang binitawan nito. Nakakakilabot ang tono ng boses nito. "Easy, man. Ang mabuti pa ay huwag mo na lang muna pilitin si ateng maganda, bigyan mo muna ng ilang araw. Kahit ako bigla mo akong ayain magpakasal, hindi rin ako papayag, e. Stranger ka sa mata niyan." Tila namangha ako sa binitawang salita ng lalaking clean cut ang buhok. Buti pa
"A—anong sabi mo?!" Para akong nauubusan ng hininga habang nagsasalita. Para akong nabingi sa narinig ko. Parang nagsarado ang utak ko at hindi nito maproseso ang katagang binitawan ni Krisha. "Si Kyle... naaksidente. Kahapon ito nangyari kasabay ng barilan na naganap sa coffee shop na pinapasokan mo. Nag aalala rin ako kung nasaan ka na dahil sabi ni Stephanie ay huling kita niya sayo ay karga ka ng isang lalaki at mukhang duguan ka." Saka ko lang napagtanto na may tama nga pala ako dahil sa nangyari kahapon, parang nakalimutan ko itong indahin dahil sa nangyari. "Hindi ko rin naman alam kung paano ka kokontakin dahil naiwan mo ang cellphone mo sa coffee shop, nag aalala kami kung saang hos—" Sinenyasan ko itong tumigil sa pagsasalita dahil hindi ko pa naririnig ang nangyari kay Kyle. Wala na akong panahon pang intindihin ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay wala rin naman na iyong silbi kung hindi ko makikita ngayon si Kyle. "Ano nangyari kay Kyle? Paano siya naaksi
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, beb?" Napasabunot na lang ako sa aking buhok habang iniisip ang gagawin kong desisyon. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa hospital magmula kahapon at ilang oras pa lang ang tulog ko. Si Krisha naman ay kakabalik lang kani-kanina lang, habang si Cristine naman ay pumasok na sa eskwela dahil hindi naman niya pwedeng pabayaan ang pag-aaral niya kahit na nagpupumilit itong magbantay sa hospital. "Kailangan, Krisha. Ito na lang paraan ko para mapagamot si Kyle." Naikwento ko na nga pala sa kaniya ang tungkol sa desisyon kong pag payag na pagpapakasal ko sa lintek na lalaking iyon. Hindi ko alam kung nananadya ba ang kapalaran, e. "Hay. Hindi ito ang hinihiling ko sa'yo na magkaroon ng lalaking mamahalin, beb. Mukhang tadhana mo talagang kainisan ang mga lalaki, ah." Saglitan itong tumawa dahil natigil din sa talim ng tingin na pinukol ko sa kaniya. "Kung may iba lang ako choice, Krisha. Wala akong balak magpakasal kahit na sinong la
"A—anong sabi mo?!" Para akong nauubusan ng hininga habang nagsasalita. Para akong nabingi sa narinig ko. Parang nagsarado ang utak ko at hindi nito maproseso ang katagang binitawan ni Krisha. "Si Kyle... naaksidente. Kahapon ito nangyari kasabay ng barilan na naganap sa coffee shop na pinapasokan mo. Nag aalala rin ako kung nasaan ka na dahil sabi ni Stephanie ay huling kita niya sayo ay karga ka ng isang lalaki at mukhang duguan ka." Saka ko lang napagtanto na may tama nga pala ako dahil sa nangyari kahapon, parang nakalimutan ko itong indahin dahil sa nangyari. "Hindi ko rin naman alam kung paano ka kokontakin dahil naiwan mo ang cellphone mo sa coffee shop, nag aalala kami kung saang hos—" Sinenyasan ko itong tumigil sa pagsasalita dahil hindi ko pa naririnig ang nangyari kay Kyle. Wala na akong panahon pang intindihin ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay wala rin naman na iyong silbi kung hindi ko makikita ngayon si Kyle. "Ano nangyari kay Kyle? Paano siya naaksi
Sa bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang na nakaupo na siya sa sahig tukod ang kaniyang siko para mabalanse ang kaniyang katawan sa pagkakasalampak nito sa sahig. Kahit ako ay nabigla sa nagawa ko. "Oh my God! So—sorry!" Mabilis akong lumapit dito at tinulungan siyang makatayo. Ngunit, hinawi lang nito ang kamay ko. Napakunot ang noo ko sa inis dahil sa ginawa niya. Tumayo rin ito tila inayos ang kaniyang panga dahil sa pagkakasuntok ko rito. "Wow, pre! Akalain mo 'yon nasuntok ka? At, babae pa talaga," ani ni Mark na tumatawa pa. Agad itong napatikom ng titigan siya nito ng masama. "Shut the f*ck up!" May diin sa bawat salitang binitawan nito. Nakakakilabot ang tono ng boses nito. "Easy, man. Ang mabuti pa ay huwag mo na lang muna pilitin si ateng maganda, bigyan mo muna ng ilang araw. Kahit ako bigla mo akong ayain magpakasal, hindi rin ako papayag, e. Stranger ka sa mata niyan." Tila namangha ako sa binitawang salita ng lalaking clean cut ang buhok. Buti pa
Alam kong gising na ang diwa ko pero ang mata ko'y nananatiling nakapikit pa rin sapagkat pakiramdam ko ay lumulutang ako at may malambot na may katigasan na nakayapos sa aking katawan, kung hindi ako nagkakamali ay nasa bisig ako nito.Ngunit, maya-maya lang ay napalitan ng gulat ang aking pagkatao at napamulat dahil sa biglaang paghagis nito sa akin sa malambot na kama. "Sh*t!" usal ko."Tss. Bigat mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at mabilis na bumangon sa kama. "Aba, mister! Ikaw 'tong bigla akong binuhat at teka nga..." nilibot ko ang paningin ko sa lugar, "saan mo ako dinala?!" Napalinis ito ng kaniyang tainga dahil sa lakas ng pagkakasabi ko. "Woman, lower your voice. Wala ka sa palengke." "Aba't —" akmang aamba ako rito nang may dalawang kamay ang pumigil sa akin, ang isa ay nakahawak sa pulsuhan ko at ang isa naman ay sa balikat ko. Teka nga, kanina pa ba sila narito?! At saka sino ba talaga ang mga ito?! "Hep! Hep!" usal ng lalaking nakahawak sa pulsuhan ko at da
Araw na ng lunes kaya't maaga kong ginising ang dalawa kong kapatid. Naghanda na rin ako ng kanilang kakainin bago ako pumasok sa café habang sila ay naliligo pa. "Ate, maligo ka na po. Ako na bahala sa paghain." Napangiti ako sa tinuran ni Cristine. Buti na lang talaga ay naiintindihan nila ang sitwasyon namin at hindi sila masyado mareklamo. Kaya't pangako ko talaga sa sarili ko na kahit anong mangyari, magtatapos sila ng pag-aaral. "Ate, natulala ka na diyan. Baka ikaw po ang ma-late." Tila nabalik naman ako sa aking sarili. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako sa naisip. Kaya't madali kong kinuha ang tuwalyang ginamit ni Cristine at pumasok na sa maliit naming banyo. Halos iisa lang ang ginagamit na tuwalya dahil sa halip na ibili namin ng isa pang tuwalya ay mabuting sa pagkain na lamang namin ibili.Matapos kong maligo ay nagpalit na rin ako ng damit sa maliit naming kwarto na ang tanging pintuan lamang ay ang mahabang kurtina. Sinuot ko na ang uniporme naming polo s
"Ate, nagugutom na po ako." Napalingon ako sa kapatid kong sampung taong gulang pa lang. Nakahawak ito sa kaniyang tiyan, at naghihintay sa noodles na aking niluluto para sa aming agahan. Pagkaluto ay ginising ko na ang isa ko pang kapatid na labing pitong gulang naman. "Cristine, gumising ka na. Kakain na tayo," malumanay kong sabi rito habang niyuyugyog siya. Minulat naman nito ang kaniyang mata at pupungas-pungas na bumangon sa aming papag na higaan. Sabado ngayon kaya't hindi sila abala mag-asikaso ng sarili sa pagpasok. Napatingin na lamang ako sa dalawa kong kapatid na nakangiting humihigop ng sabaw ng noodles at nage-enjoy sa ilang pirasong pandesal na nagkakahalagang bente pesos. "Ate, kumain ka na. Baka lumamig iyang sabaw, sige ka. Ayaw mo pa naman no'n," usal ng aking kababatang kapatid. Siya si Kyle, grade 5 na sa pag-aaral. Si Cristine naman ang sumunod sa akin, junior high school naman siya. Tatlo lamang kaming magkakapatid. Sinimulan ko na ring kumain. Hindi