Share

Bargain Marriage
Bargain Marriage
Author: Bebe

Chapter 1

Author: Bebe
last update Huling Na-update: 2022-02-12 21:09:08

"Ate, nagugutom na po ako." Napalingon ako sa kapatid kong sampung taong gulang pa lang.

Nakahawak ito sa kaniyang tiyan, at naghihintay sa noodles na aking niluluto para sa aming agahan. Pagkaluto ay ginising ko na ang isa ko pang kapatid na labing pitong gulang naman.

"Cristine, gumising ka na. Kakain na tayo," malumanay kong sabi rito habang niyuyugyog siya.

Minulat naman nito ang kaniyang mata at pupungas-pungas na bumangon sa aming papag na higaan.

Sabado ngayon kaya't hindi sila abala mag-asikaso ng sarili sa pagpasok. Napatingin na lamang ako sa dalawa kong kapatid na nakangiting humihigop ng sabaw ng noodles at nage-enjoy sa ilang pirasong pandesal na nagkakahalagang bente pesos.

"Ate, kumain ka na. Baka lumamig iyang sabaw, sige ka. Ayaw mo pa naman no'n," usal ng aking kababatang kapatid.

Siya si Kyle, grade 5 na sa pag-aaral. Si Cristine naman ang sumunod sa akin, junior high school naman siya. Tatlo lamang kaming magkakapatid.

Sinimulan ko na ring kumain. Hindi naman ako nagmamadali ngayong araw dahil gaya nila, wala rin akong pasok ngayon sa isa ko pang pinapasukang trabaho.

"Beb!" Napalingon ako sa babaeng biglang sumigaw.

"Aba, Krisha. Ang aga-aga ang ingay mo," suway ko rito pagpasok sa aming tinitirhang maliit na apartment.

Sapat lang ang apartment na tinutuloyan namin sa aming tatlo. Pagpasok ay sala at kusina na, may maliit na kwarto pero walang kama, okay naman na sa amin ang papag lang.

"Ay, sorry beb! Alam mo naman ako, ganito talaga boses ko. Siya nga pala, may dala ako sa inyo."

"Diba sabi ko saiyo tigilan mo na ang pagdadala ng pagkain sa amin, nakakahiya na kay tita," usal ko rito.

Tumawa ito sa akin at dumiretso sa lagayan ng aming mga pinggan. Kumuha siya ng malaking mangkok at inilagay roon ang dala niyang lugaw na may dalawang itlog pang kasama.

"Ano ka ba, si mama nga nagsabi sa akin na dalhan kayo ng pagkain," usal nito sa akin habang hinahain ang lugaw niyang dala.

"Nako. Pasabi kay tita, maraming salamat."

"Ikaw talaga, Lara! Parang hindi ka na nasanay sa amin ni mama."

Mapait lamang akong ngumiti sa kaniya at napatingin sa mga kapatid kong sarap na sarap sa lugaw na dala ni Krisha. Napa-buntong hininga na lamang ako, naiisip ko kasi ang aking ina. Paano kaya kung nandito siya? Hindi ko na siguro kakailanganin pang magdoble kayod para sa dalawa kong kapatid.

"Hoy, tulala ka na naman diyan! Ayan ka na naman sa pag-iisip mo sa mama niyo." Mahina niya lamang binigkas ang huli niyang sinabi.

Mapait akong ngumiti ulit sa kaniya at umiling. Alam naman niyang ganito naman ako madalas pag nababanggit ang salitang ina o mama.

"Ate, papasok ka ba ngayon sa isa mong trabaho?" agaw atensyon na sabi sa akin ni Cristine.

"Oo."

"Puwede po bang wag ka na muna magtrabaho? Para naman makapagpahinga ka man lang po." Napangiti naman ako sa sinabi niya, kahit papaano pala'y nag-aalala rin sila sa akin.

"Hindi puwede, Cristine. Alam mo naman ang sitwasyon natin."

Malungkot naman itong bumalik sa kaniyang pagkain. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib, kung sana lang talaga.

Agad naman ngumiti si Cristine pag-angat ng kaniyang ulo, nagulat naman ako sa kaniya at nagtaka.

"Sige, ate. Basta palagi kang mag-iingat, ha?" Ngiting tumango naman ako sa kaniya.

"Kayo talagang magkapatid, ang sweet. Sana may kapatid din ako," sambit na singit ni Krisha sa amin.

Napatawa naman kaming magkapatid sa sinabi nito at tinapik ko ang kaniyang braso.

"Anong walang kapatid? Anong tawag mo sa amin, ha?" singhal ko rito.

Nangingilid ang kaniyang mga luha at nakangiti sa aming magkakapatid. Hindi naman na siya iba sa amin, kapatid na rin naman talaga turing namin sa kaniya. Sa dami nang tinulong ng pamilya niya sa amin, nahihiya na lang ako at nangako akong pag nakaluwag-luwag kami sa buhay ay ako naman ang tutulong sa kanila.

"Kayo talaga, parati niyo na lang ako gustong paiyakin."

"Hoy, aba Krisha. Hindi ka namin pinapaiyak, sadyang mababaw lang iyang luha mo." Natatawang asar ko rito para hindi na siya umiyak pa.

Nakatanggap naman ako nang hampas sa kaniya, hindi ko na lang ito ginantihan dahil nakita kong masaya na ulit siya. Mula bata pa lang ay magkaibigan na kami, sa aming dalawa siya ang madalas umiyak sa mga kalaro namin.

"Beb naman, e."

"Ate, ako na ang maghuhugas ng pinagkainan. Mag-asikaso ka na po at baka ma-late ka po sa trabaho mo." Agad naman akong napatingin sa orasan nang sabihin iyon ni Cristine.

Mabilis akong kumuha ng tuwalya at damit pagpasok para makaligo na. Nagmadali akong maligo at nagbihis lamang ako ng plain white shirt at fitted jeans, nagsuot rin ako ng low-cut shoes. Binalot ko lang ang itim kong heels para mamaya sa aking trabaho.

Isa akong waitress sa isang night club, pero hindi iyon tulad ng ibang night club. Hindi ako puwedeng ilabas, tamang pagse-serve lang ng inumin ang ginagawa ko. Tuwing sabado at linggo lang ako roon, kapag lunes hanggang biyernes sa isang coffee shop naman ako nagtatrabaho. Sapat lang ang sahod para sa pang araw-araw na pagkain at pangangailangan naming magkakapatid.

"Ikaw, Krisha? Hindi ka ba papasok ngayon?" Nakatitig lang ito sa akin habang nagsusuklay ako ng buhok ko.

Nag-aaral pa kasi siya ng kolehiyo, kumukuha siya ng kursong architect. Samantalang ako ay hanggang first year college lamang. Pero, hindi naman ako nagsisisi dahil ginusto ko naman huminto muna sa pag-aaral para matustusan ang mga kapatid ko.

"Lara, ayaw mo ba talaga tanggapin alok ni mama?"

Napatigil naman ako sa aking ginagawa dahil sa sinabi niya. Naalala ko na naman kung paano kadesidido ang mama niya na pag-aralin ako ng kolehiyo pero tinanggihan ko lamang.

"Beb, alam mo naman hindi ako puwedeng mag-aral. Kahit sabihin mo pang mag-working student ako ay hindi sasapat sa gastusin namin," paliwanag ko sa kaniya.

Tumingin ako sa aking mga kapatid na malungkot na nakatingin sa akin. Wala nga pala silang alam sa pag-alok sa akin ni Aleng Mercy na paaralin ako. Lumapit ako sa kanila at hinawakan ang kanilang mga mukha.

"Wag kayong malungkot, hindi naman ako nagsisisi na pinili ko ang magtrabaho kesa ipagpatuloy ang pag-aaral. Alam ninyong mas priority ko ang mapatapos ko kayo sa pag-aaral." Nangingilid ang mga luha nila kaya't niyakap ko silang dalawa.

Hindi ako maaaring makita nila na mahina. Ako na lamang ang puwede nilang maging sandalan. Ayaw kong mapariwara ang kanilang buhay, kaya't hanggat maaari kung kaya kong magsakripisyo ay gagawin ko.

"Ipangako ninyo na lang sa akin na pagbubutihan niyo pa lalo sa pag-aaral," dugtong ko pang sabi.

Sinuklian naman nila ako nang tango at ngiti, pinunasan nila ang mga luhang tumakas sa kanilang mga mata.

"Hayy, ano pa nga bang magagawa ko? Edi, suportahan ka sa kanila," turan ni Krisha na nagpangiti sa akin lalo.

"Tama na nga ang drama, kanina pa tayo nage-emote. Tara na, Krisha. Sabay na tayo sa sakayan," aya ko kay Krisha.

"Oo nga pala, Cristine. May iniwan na akong pera diyan sa drawer ko, kunin mo na lang at bumili kayo ng pagkain niyo mamaya habang wala pa ako. Ang mga assignment niyo, tapusin niyo na parehas para makapagpahinga kayo bukas. Huwag din kayo magpapapasok ng kahit na sino, ha?" Habilin ko sa dalawa kong kapatid bago kami umalis ni Krisha.

"Opo, ate," sabay na sabi nila nang nakangiti.

Umalis na kami ni Krisha at nag-abang ng tricycle sa kanto papunta sa aming mga pupuntahan. Parehas lang kasi kami nang bababaan kaya't sabay kami parati kung umalis. Pag wala naman siyang pasok ay pumupunta siya sa bahay para tignan ang mga kapatid ko. Sabi ko nga sa kaniya noon ay kahit wag na niyang gawin iyon at unahin niya na lamang umalis kasama ng iba niyang mga kaibigan sa eskwela, pero ayaw raw niya. Mas mabuti na raw na sa amin na lang siya pumunta para na rin may kasama si Kyle pag-uuwi galing eskwela habang wala pa si Cristine.

"Ako na magbabayad," presinta ni Krisha pagsakay namin ng tricycle.

"Hindi na beb, nakakahiya na sobra." Hindi naman ito nagpumilit pa dahil alam niyang maiinis lang ako.

Inabot ko na ang bayad ko sa kaniya para sabay na niyang inabot kay kuyang driver. Naunang bumaba si Krisha sa akin, at nang makarating ako sa club ay nagmadali akong pumasok sa aming washroom para mag-ayos.

Pagkalabas ko'y may bigla na lamang humila sa akin.

"Siya nga pala si Lara...Lara Foster." Pagpapakilala sa akin ni Manager Rey sa isang babaeng sa tingin ko ay nasa 30's na.

Si Manager Rey ang humahawak sa club na aking pinapasukan, siya ang pinagkakatiwalaan ng aming amo.

"Siya pala ang sinasabi mo sa akin, mukha namang matino ang babaeng ito." Tila nasamid ako sa sinabi nito, pakiramdam ko'y na-insulto ang pagkatao ko sa kaniyang binitawang salita.

Naiilang na tumawa si Sir Rey at nginitian na lamang ako. Wala akong idea kung bakit nga ba ako pinapakilala ni Sir Rey sa babaeng ito.

"Ikaw naman mare, matino talagang babae ito at isa pa, masipag. Sabado at linggo lang naman siya nandito sa akin." Paliwanag ni Sir sa babae na tila natauhan naman sa kaniyang nasabi.

Naiinis ako sa kaniya pero hindi naman ako puwedeng magpadala sa inis ko dahil alam kong walang patutunguhan lamang iyon.

"Pasensya ka na iha, hindi lang ako sanay na kukuha ako ng isang sekretarya sa isang night club."

Tila nagulat naman ako sa tinuran nito, ano raw? Kukunin niya akong sekretarya? Parang mas gusto ko na lamang ang magpasagasa kesa ang maging sekretarya niya! Hindi ko yata kayang tumagal sa presensiya at sa tabil ng dila nito.

"Ano ka ba, mare. Para naman hindi nanggaling dito ang anak mo," sabat na sabi ni Sir Rey na kinagulat ng babae.

Napansin kong hindi rin nagustuhan ni Sir Rey ang pananalita ng babaeng kausap namin, dahil nasabi niya ang ganitong bagay.

"At saka, hindi naman ikaw ang kukuha sa kaniya. Magpapasa pa lang naman siya ng resume sa iyo at ang magi-interview sa kaniya ang magde-decide diba?" Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni Sir Rey. Ibigsabihin ay hindi ang babaeng ito ang pagsisilbihan ko.

Mataray na sumagot ang babae sa kaniya, "oo ganoon nga, kung hindi naman dahil sa tulong mo sa anak ko ay hindi ko sana tutulungan iyang alaga mo."

Napatikhim na lamang si Sir Rey at nginitian ang babae. Inabot ni Sir Rey sa babae ang envelope na kanina pa niya hawak. Taas kilay na umalis ang babae pagkakuha ng envelope.

"Sir Rey, bakit mo naman po ako ipapasok ng sekretarya? At saka, okay naman na ako sa trabaho ko," turan ko sa kaniya pagka-alis ng babae.

"Ano ka ba, Lara. Ayaw kong masayang ang kahit papaano na pag-aaral mo ng kolehiyo para lang sa lugar na ito. Isa pa, sayang ang ganda mo kung tila araw-araw ka na lamang nakakatanggap ng pangbabastos dito," paliwanag nito sa akin at kinapitan ang dalawa kong kamay.

Natutuwa ang kalooban ko sa kabutihang loob ni Sir Rey, dahil mula ng pumasok ako sa lugar na ito ay hindi niya ako pinabayaan. Sinisiguro niyang walang kamay ng manyakis ang makakalapat sa kahit anong parte ng balat ko.

"Napakabuti mo, Sir Rey. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo sa akin," usal ko sa kaniya ng nangingilid ang mga luha sa aking mga mata.

"Ako ka ba, wala iyon. O siya, baka maiyak ka pa riyan. Bumalik na ulit tayo sa trabaho natin."

Tumango lamang ako sa kaniya at nakangiting tumungo sa bar counter at masimulan ng magtrabaho.

"Aba, Lara! Sobrang suwerte mo talaga kay Sir Rey, talagang kinuha ka pa para maging sekretarya sa isang company. Galingan mo roon, ah!"

Siya si Janice, isa sa mga kaibigan ko na rito sa bar. Mabait ito at hindi mahirap lapitan, pag nangangailangan ako ng pera ay pinapahiram naman niya ako, agad ko rin naman binabayaran. Iyon nga lang, mas pinili niya ang kumita ng mas malaki kahit pa katawan niya ang kapalit kesa ang maging simpleng waitress lang dito sa bar.

"Oo nga, e. Kahit ako nagulat, buti na rin 'yon para kahit papaano ay mapapa-aral ko na ng maayos mga kapatid ko."

"Tama 'yan, para hindi sila tumulad sa akin." Hinampas ko ito ng mahina dahil sa sinabi niya, kahit kailan talaga ay pakiramdam niya ang babang-uri niyang babae dahil sa trabaho niya.

"Ano ka ba, Janice. Alam naman natin na para rin sa pamilya mo iyang ginagawa mo. Pinagkaiba lang natin, ikaw malakas loob mo."

"Sus. Ikaw talaga, Lara! Hindi rin naman ako papayag pag pinasok mo itong raket namin, hindi ka pa nakakalabas ng pinto ay sasabunutan na kita," tumatawa pa nitong sabi sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya dahil parang siya na ang ate ko rito. Hanggat kaya niya akong maprotektahan sa mga lalaking gusto akong ma-table ay siya ang sumasalo kahit mukhang adik pa.

"Opo," natatawang sagot ko sa kaniya.

"Nako, Lara! Wag mo kaming kakalimutan, ha?" Napatawa akong muli sa biglaang pagsingit at sinabi ni Dex.

Siya naman si Dexter, pero mas gusto ko siyang tinatawag na Dex kasi trip ko lang. Isa rin siya sa mga naging kaibigan ko rito. Matagal na siyang bartender namin dito, mga ilang taon na rin siyang nagtatrabaho sa club.

"Puwede ba 'yon? Syempre hindi, kayo pa!"

"Tss, wag nga kayong magpaalam sa isa't-isa muna.  Hindi niyo pa nga sigurado kung makakapasok 'yan, e." Napanguso naman ako sa biglang sumingit sa aming pag-uusap.

"Hoy, Vanessa na bruha! Kahit kailan ka talagang babae ka, panira ka palagi. Pag inggit, pikit."

"Bakit naman ako maiinggit sa kaniya? E, hamak naman na mas magaling pa 'ko sa babae na 'yan."

Kung hindi ko lang siguro mahal ang trabaho ko at wala akong hiya na empleyado matagal ko na talagang  naihampas itong tray na hawak ko sa mukha ni Vanessa. Nakakagigil, e!

"Weh? Sige nga, 1 plus 1?" Saglitan akong natawa sa sinabi ni Janice. Bwisit! Kahit kailan din itong babaeng 'to, lakas mang-asar.

"Tse!"

Nag-walkout agad si Vanessa sa pangti-trip na ginawa ni Janice. Habang ang pagpipigil naman kaming tatlo na huwag matawa sa kaniya, pero hindi na rin namin natiis kaya't natawa na kami.

"Nako, ewan ko sa 'yo Janice. Makapagtrabaho na nga." Natatawa pa rin akong naglakad paalis sa kanila.

Hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin sa akin kung paano ko gagawin ang trabaho ng pagiging isang sekretarya, ganoong hindi rin naman ako nakapagtapos. Ang balita ko rin ay isa sa mga malalaking kumpanya iyon, sana lang ay hindi ko ma-dissapoint si Sir Rey.

Kaugnay na kabanata

  • Bargain Marriage   Chapter 2

    Araw na ng lunes kaya't maaga kong ginising ang dalawa kong kapatid. Naghanda na rin ako ng kanilang kakainin bago ako pumasok sa café habang sila ay naliligo pa. "Ate, maligo ka na po. Ako na bahala sa paghain." Napangiti ako sa tinuran ni Cristine. Buti na lang talaga ay naiintindihan nila ang sitwasyon namin at hindi sila masyado mareklamo. Kaya't pangako ko talaga sa sarili ko na kahit anong mangyari, magtatapos sila ng pag-aaral. "Ate, natulala ka na diyan. Baka ikaw po ang ma-late." Tila nabalik naman ako sa aking sarili. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako sa naisip. Kaya't madali kong kinuha ang tuwalyang ginamit ni Cristine at pumasok na sa maliit naming banyo. Halos iisa lang ang ginagamit na tuwalya dahil sa halip na ibili namin ng isa pang tuwalya ay mabuting sa pagkain na lamang namin ibili.Matapos kong maligo ay nagpalit na rin ako ng damit sa maliit naming kwarto na ang tanging pintuan lamang ay ang mahabang kurtina. Sinuot ko na ang uniporme naming polo s

    Huling Na-update : 2023-02-02
  • Bargain Marriage   Chapter 3

    Alam kong gising na ang diwa ko pero ang mata ko'y nananatiling nakapikit pa rin sapagkat pakiramdam ko ay lumulutang ako at may malambot na may katigasan na nakayapos sa aking katawan, kung hindi ako nagkakamali ay nasa bisig ako nito.Ngunit, maya-maya lang ay napalitan ng gulat ang aking pagkatao at napamulat dahil sa biglaang paghagis nito sa akin sa malambot na kama. "Sh*t!" usal ko."Tss. Bigat mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at mabilis na bumangon sa kama. "Aba, mister! Ikaw 'tong bigla akong binuhat at teka nga..." nilibot ko ang paningin ko sa lugar, "saan mo ako dinala?!" Napalinis ito ng kaniyang tainga dahil sa lakas ng pagkakasabi ko. "Woman, lower your voice. Wala ka sa palengke." "Aba't —" akmang aamba ako rito nang may dalawang kamay ang pumigil sa akin, ang isa ay nakahawak sa pulsuhan ko at ang isa naman ay sa balikat ko. Teka nga, kanina pa ba sila narito?! At saka sino ba talaga ang mga ito?! "Hep! Hep!" usal ng lalaking nakahawak sa pulsuhan ko at da

    Huling Na-update : 2023-03-26
  • Bargain Marriage   Chapter 4

    Sa bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang na nakaupo na siya sa sahig tukod ang kaniyang siko para mabalanse ang kaniyang katawan sa pagkakasalampak nito sa sahig. Kahit ako ay nabigla sa nagawa ko. "Oh my God! So—sorry!" Mabilis akong lumapit dito at tinulungan siyang makatayo. Ngunit, hinawi lang nito ang kamay ko. Napakunot ang noo ko sa inis dahil sa ginawa niya. Tumayo rin ito tila inayos ang kaniyang panga dahil sa pagkakasuntok ko rito. "Wow, pre! Akalain mo 'yon nasuntok ka? At, babae pa talaga," ani ni Mark na tumatawa pa. Agad itong napatikom ng titigan siya nito ng masama. "Shut the f*ck up!" May diin sa bawat salitang binitawan nito. Nakakakilabot ang tono ng boses nito. "Easy, man. Ang mabuti pa ay huwag mo na lang muna pilitin si ateng maganda, bigyan mo muna ng ilang araw. Kahit ako bigla mo akong ayain magpakasal, hindi rin ako papayag, e. Stranger ka sa mata niyan." Tila namangha ako sa binitawang salita ng lalaking clean cut ang buhok. Buti pa

    Huling Na-update : 2024-02-03
  • Bargain Marriage   Chapter 5

    "A—anong sabi mo?!" Para akong nauubusan ng hininga habang nagsasalita. Para akong nabingi sa narinig ko. Parang nagsarado ang utak ko at hindi nito maproseso ang katagang binitawan ni Krisha. "Si Kyle... naaksidente. Kahapon ito nangyari kasabay ng barilan na naganap sa coffee shop na pinapasokan mo. Nag aalala rin ako kung nasaan ka na dahil sabi ni Stephanie ay huling kita niya sayo ay karga ka ng isang lalaki at mukhang duguan ka." Saka ko lang napagtanto na may tama nga pala ako dahil sa nangyari kahapon, parang nakalimutan ko itong indahin dahil sa nangyari. "Hindi ko rin naman alam kung paano ka kokontakin dahil naiwan mo ang cellphone mo sa coffee shop, nag aalala kami kung saang hos—" Sinenyasan ko itong tumigil sa pagsasalita dahil hindi ko pa naririnig ang nangyari kay Kyle. Wala na akong panahon pang intindihin ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay wala rin naman na iyong silbi kung hindi ko makikita ngayon si Kyle. "Ano nangyari kay Kyle? Paano siya naaksi

    Huling Na-update : 2024-02-07
  • Bargain Marriage   Chapter 6

    "Sigurado ka na ba sa desisyon mo, beb?" Napasabunot na lang ako sa aking buhok habang iniisip ang gagawin kong desisyon. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa hospital magmula kahapon at ilang oras pa lang ang tulog ko. Si Krisha naman ay kakabalik lang kani-kanina lang, habang si Cristine naman ay pumasok na sa eskwela dahil hindi naman niya pwedeng pabayaan ang pag-aaral niya kahit na nagpupumilit itong magbantay sa hospital. "Kailangan, Krisha. Ito na lang paraan ko para mapagamot si Kyle." Naikwento ko na nga pala sa kaniya ang tungkol sa desisyon kong pag payag na pagpapakasal ko sa lintek na lalaking iyon. Hindi ko alam kung nananadya ba ang kapalaran, e. "Hay. Hindi ito ang hinihiling ko sa'yo na magkaroon ng lalaking mamahalin, beb. Mukhang tadhana mo talagang kainisan ang mga lalaki, ah." Saglitan itong tumawa dahil natigil din sa talim ng tingin na pinukol ko sa kaniya. "Kung may iba lang ako choice, Krisha. Wala akong balak magpakasal kahit na sinong la

    Huling Na-update : 2024-02-11

Pinakabagong kabanata

  • Bargain Marriage   Chapter 1

    "Ate, nagugutom na po ako." Napalingon ako sa kapatid kong sampung taong gulang pa lang. Nakahawak ito sa kaniyang tiyan, at naghihintay sa noodles na aking niluluto para sa aming agahan. Pagkaluto ay ginising ko na ang isa ko pang kapatid na labing pitong gulang naman. "Cristine, gumising ka na. Kakain na tayo," malumanay kong sabi rito habang niyuyugyog siya. Minulat naman nito ang kaniyang mata at pupungas-pungas na bumangon sa aming papag na higaan. Sabado ngayon kaya't hindi sila abala mag-asikaso ng sarili sa pagpasok. Napatingin na lamang ako sa dalawa kong kapatid na nakangiting humihigop ng sabaw ng noodles at nage-enjoy sa ilang pirasong pandesal na nagkakahalagang bente pesos. "Ate, kumain ka na. Baka lumamig iyang sabaw, sige ka. Ayaw mo pa naman no'n," usal ng aking kababatang kapatid. Siya si Kyle, grade 5 na sa pag-aaral. Si Cristine naman ang sumunod sa akin, junior high school naman siya. Tatlo lamang kaming magkakapatid. Sinimulan ko na ring kumain. Hindi

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status