author-banner
Bebe
Bebe
Author

Novels by Bebe

The Cold Heartless Bitchy Nerd

The Cold Heartless Bitchy Nerd

10
Angelica Demonista Sanchez Smith, nag-iisang anak ng isa sa top businesswoman sa mundo. Isa siyang nerd o jologs kung tawagin ngunit sa kabila nito ay may bagay na hindi pangkaraniwan itong ginagawa. Hindi lang din siya basta isang anak ng mayaman, may iba pang kinabibilangan ang kaniyang angkan. Mayroon din siyang masalimuot na nasaksihan mismo ng dalawa niyang mata. Paghihiganti, ito ang gusto niyang gawin para mabigyan ng katarungan ang pagkawala ng kaniyang ama, naniniwala siyang wala itong kasalanan. Ngunit, magbabago kaya ang kaniyang isip? O mananaig pa rin ang kaniyang kagustuhan na maghiganti para sa ama? O may iba pa kaya siyang gusto?
Read
Chapter: LIHAM NI AUTHOR
Hello ka-Nerdys, Gusto ko lang magpasalamat sa inyo, lalo na sa 'yo na sumuporta sa aking akda hanggang dulo. Lubos ang aking pasasalamat sa pagsubaybay ninyo sa journey ng buhay ng mga taong nasa loob ng aking kwento na ito. Nawa'y patuloy ninyo akong suportahan sa mga susunod ko pang akda. I am truly grateful to have you, guys! Sa mga matyagang nagke-claim ng rewards, at lalo na sa gumagastos para mabasa ang mga lock chapters ng aking kwento, maraming salamat! Sa inyong mga pagboto ay akin ring ikinagagalak ng lubos-lubos. Nawa'y napahanga ko kayo sa ating bida na si Angelica na parang kabute madalas. HAHAHA Hanggang sa muli aking mga ka-Nerdy! Maraming salamat, Nagmamahal, _iamlezy / Bebe
Last Updated: 2022-03-03
Chapter: WAKAS
ANG PAGTATATAPOS5 years later ..."Nasaan na ba si Alex? Magsisimula na," saad ni Trixie sa kaniyang mga kasama.Napalingon silang lahat sa babaeng halos masira ang pinto dahil sa lakas ng pagbukas nito. Hingal na hingal ito na para bang tumakbo ng ilang kilometro."Ayan na pala si Alex, e," tumatawang usal ni Alicia kay Alex na nakasalampak na sa sofa at naghahabol ng kaniyang hininga."Anong nangyari sa 'yo, te?" usal ni Trixe."Hinintay ko pa si Angelica." Hinihingal nitong sagot."Ha? Gaga ka, alam mo naman sumusulpot lang iyon pag gusto niya.""Ay, hindi puwede 'yon. Alam niyang importanteng araw ito.""Hintayin na lang natin siya, baka mamaya nandito na rin iyon." Napabuntong hininga na lang si Alex sa sinabi ni Venuz at hindi na nagsalita pa."O siya, umupo ka na roon pa
Last Updated: 2022-03-03
Chapter: KABANATA LXXX
"Hi dad, kumusta ka riyan?" mahinang sambit ni Angelica.Narito siya ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang kaniyang ama. Ilang araw bago pa siya nakadalaw dito at siya lang mag-isa.Umupo siya sa at saka hinawi niya ang mga dahon sa lapida ng kaniyang ama at saka niya nilapag ang mga bulaklak na kaniyang binili. Nagsindi na rin siya ng puting kandila at tinirik iyon. Nakangiting pinagmasdan niya ang lapida ng kaniyang ama."Pasensiya ka na ngayon lang ulit ako nakadalaw sa 'yo. Tinupad ko lang iyong pangako ko sa 'yo na hindi ako magpapakita sa puntod mo hanggat hindi kita naipaghihiganti. And look dad, nandito na ako. Sana masaya riyan kung nasaan ka man, medyo natagalan lang ako sa pagdalaw.""Oo nga pala, dad. May kasalanan din ako sa 'yo, napatay ko si Romnic. Ihingi mo na lang ako ng tawad sa kaniya kung sakaling magkita kayo riyan, ha?" Hindi napigilang matawa ni Angelica sa kaniyang sinasabi at unti-unting bumu
Last Updated: 2022-03-03
Chapter: KABANATA LXXIX
Angelica's POVWala akong maramdaman na kahit ano sa pag-alis ko sa lugar na iyon. Walang kahit na anong awa o pagsisisi akong naramdaman sa nagawa ko sa pamilyang iyon, puro galit lang ang natira sa akin."Sa wakas dad. Naipaghiganti na rin kita," usal ko sa aking sarili habang nagmamaneho.Patungo ako ngayon sa taong kikitain ko ngayon pero bago 'yon ay may dadaanan muna ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial ako sa aking telepono."I'm already here, baby." Napangiti ako sa sinabi nito."Alright. Malapit na ako," sagot ko rito ng hindi natatanggal ang ngiti sa aking labi."Okay, baby. Take care!"
Last Updated: 2022-02-28
Chapter: KABANATA LXXVIII
Isang malaking pagsabog ang narinig nila Dexie mula sa bodega na kanilang pinanggalingan. Hininto ni Steve ang sasakyan at napatingin sa direksyon sa gawing iyon. Hanggang sa mapansin nila ang sasakyan na dumaan sa kanilang gilid.Napatitig sila sa sasakyan at na dumaan at may hinala na sila kung sino ang taong nagmamaneho no'n."May binuhay kaya si Angelica doon sa tatlo?" biglang sambit ni Trixie."Wala," diretsong sagot ni Venuz habang nakatitig pa rin sa sasakyan na palayo na sa kanila."Kilala ko ang babaeng iyon, sa tagal naming magkaibigan alam ko na takbo ng utak no'n. Walang bubuhayin 'yon sa tatlo, iyong galit niyang matagal niya ng kinikimkim ay nailabas niya na,
Last Updated: 2022-02-28
Chapter: KABANATA LXXVII
Nanatili pa ring nakapikit si Angelica at pinapakiramdaman lang ang kaniyang paligid."Angelica, si Romnic nandito," usal ni Dexie sa kaniya.Dumilat si Angelica at malamig lang ang tinging ibinigay nito kay Romnic. Dahan-dahan niya itong nilapitan at biglang napasinghap ang mga naroon dahil sa biglaang pagsampal ni Angelica rito gamit ang likuran ng palad niya."Anong ginagawa mo rito?" Malamig ang tinig ni Angelica maging ang mata nito ay wala man lang emosyon na pinapakita. Diretso lang ang tingin nito kay Romnic."Anong ginawa mo kay Octavius?" mariing tanong pa rin ni Romnic."Wala kang pakialam, sagutin ko ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito?" Sa bawat salitang binibitawan ni Ang
Last Updated: 2022-02-28
Bargain Marriage

Bargain Marriage

Lara Foster, the girl who can do anything for her siblings. The girl who sacrificed her dream just for them. A girl who left by their mother, and became the coldest woman towards other man. But, destiny is always trying to ruin her life. Jacob Smith, a man who will offer her a marriage contract, a marriage that will make her life miserable. How can she love a man whose same as her - a cold one, and a man who had many secrets? Are they will end up being in love or not?
Read
Chapter: Chapter 6
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, beb?" Napasabunot na lang ako sa aking buhok habang iniisip ang gagawin kong desisyon. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa hospital magmula kahapon at ilang oras pa lang ang tulog ko. Si Krisha naman ay kakabalik lang kani-kanina lang, habang si Cristine naman ay pumasok na sa eskwela dahil hindi naman niya pwedeng pabayaan ang pag-aaral niya kahit na nagpupumilit itong magbantay sa hospital. "Kailangan, Krisha. Ito na lang paraan ko para mapagamot si Kyle." Naikwento ko na nga pala sa kaniya ang tungkol sa desisyon kong pag payag na pagpapakasal ko sa lintek na lalaking iyon. Hindi ko alam kung nananadya ba ang kapalaran, e. "Hay. Hindi ito ang hinihiling ko sa'yo na magkaroon ng lalaking mamahalin, beb. Mukhang tadhana mo talagang kainisan ang mga lalaki, ah." Saglitan itong tumawa dahil natigil din sa talim ng tingin na pinukol ko sa kaniya. "Kung may iba lang ako choice, Krisha. Wala akong balak magpakasal kahit na sinong la
Last Updated: 2024-02-11
Chapter: Chapter 5
"A—anong sabi mo?!" Para akong nauubusan ng hininga habang nagsasalita. Para akong nabingi sa narinig ko. Parang nagsarado ang utak ko at hindi nito maproseso ang katagang binitawan ni Krisha. "Si Kyle... naaksidente. Kahapon ito nangyari kasabay ng barilan na naganap sa coffee shop na pinapasokan mo. Nag aalala rin ako kung nasaan ka na dahil sabi ni Stephanie ay huling kita niya sayo ay karga ka ng isang lalaki at mukhang duguan ka." Saka ko lang napagtanto na may tama nga pala ako dahil sa nangyari kahapon, parang nakalimutan ko itong indahin dahil sa nangyari. "Hindi ko rin naman alam kung paano ka kokontakin dahil naiwan mo ang cellphone mo sa coffee shop, nag aalala kami kung saang hos—" Sinenyasan ko itong tumigil sa pagsasalita dahil hindi ko pa naririnig ang nangyari kay Kyle. Wala na akong panahon pang intindihin ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay wala rin naman na iyong silbi kung hindi ko makikita ngayon si Kyle. "Ano nangyari kay Kyle? Paano siya naaksi
Last Updated: 2024-02-07
Chapter: Chapter 4
Sa bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang na nakaupo na siya sa sahig tukod ang kaniyang siko para mabalanse ang kaniyang katawan sa pagkakasalampak nito sa sahig. Kahit ako ay nabigla sa nagawa ko. "Oh my God! So—sorry!" Mabilis akong lumapit dito at tinulungan siyang makatayo. Ngunit, hinawi lang nito ang kamay ko. Napakunot ang noo ko sa inis dahil sa ginawa niya. Tumayo rin ito tila inayos ang kaniyang panga dahil sa pagkakasuntok ko rito. "Wow, pre! Akalain mo 'yon nasuntok ka? At, babae pa talaga," ani ni Mark na tumatawa pa. Agad itong napatikom ng titigan siya nito ng masama. "Shut the f*ck up!" May diin sa bawat salitang binitawan nito. Nakakakilabot ang tono ng boses nito. "Easy, man. Ang mabuti pa ay huwag mo na lang muna pilitin si ateng maganda, bigyan mo muna ng ilang araw. Kahit ako bigla mo akong ayain magpakasal, hindi rin ako papayag, e. Stranger ka sa mata niyan." Tila namangha ako sa binitawang salita ng lalaking clean cut ang buhok. Buti pa
Last Updated: 2024-02-03
Chapter: Chapter 3
Alam kong gising na ang diwa ko pero ang mata ko'y nananatiling nakapikit pa rin sapagkat pakiramdam ko ay lumulutang ako at may malambot na may katigasan na nakayapos sa aking katawan, kung hindi ako nagkakamali ay nasa bisig ako nito.Ngunit, maya-maya lang ay napalitan ng gulat ang aking pagkatao at napamulat dahil sa biglaang paghagis nito sa akin sa malambot na kama. "Sh*t!" usal ko."Tss. Bigat mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at mabilis na bumangon sa kama. "Aba, mister! Ikaw 'tong bigla akong binuhat at teka nga..." nilibot ko ang paningin ko sa lugar, "saan mo ako dinala?!" Napalinis ito ng kaniyang tainga dahil sa lakas ng pagkakasabi ko. "Woman, lower your voice. Wala ka sa palengke." "Aba't —" akmang aamba ako rito nang may dalawang kamay ang pumigil sa akin, ang isa ay nakahawak sa pulsuhan ko at ang isa naman ay sa balikat ko. Teka nga, kanina pa ba sila narito?! At saka sino ba talaga ang mga ito?! "Hep! Hep!" usal ng lalaking nakahawak sa pulsuhan ko at da
Last Updated: 2023-03-26
Chapter: Chapter 2
Araw na ng lunes kaya't maaga kong ginising ang dalawa kong kapatid. Naghanda na rin ako ng kanilang kakainin bago ako pumasok sa café habang sila ay naliligo pa. "Ate, maligo ka na po. Ako na bahala sa paghain." Napangiti ako sa tinuran ni Cristine. Buti na lang talaga ay naiintindihan nila ang sitwasyon namin at hindi sila masyado mareklamo. Kaya't pangako ko talaga sa sarili ko na kahit anong mangyari, magtatapos sila ng pag-aaral. "Ate, natulala ka na diyan. Baka ikaw po ang ma-late." Tila nabalik naman ako sa aking sarili. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako sa naisip. Kaya't madali kong kinuha ang tuwalyang ginamit ni Cristine at pumasok na sa maliit naming banyo. Halos iisa lang ang ginagamit na tuwalya dahil sa halip na ibili namin ng isa pang tuwalya ay mabuting sa pagkain na lamang namin ibili.Matapos kong maligo ay nagpalit na rin ako ng damit sa maliit naming kwarto na ang tanging pintuan lamang ay ang mahabang kurtina. Sinuot ko na ang uniporme naming polo s
Last Updated: 2023-02-02
Chapter: Chapter 1
"Ate, nagugutom na po ako." Napalingon ako sa kapatid kong sampung taong gulang pa lang. Nakahawak ito sa kaniyang tiyan, at naghihintay sa noodles na aking niluluto para sa aming agahan. Pagkaluto ay ginising ko na ang isa ko pang kapatid na labing pitong gulang naman. "Cristine, gumising ka na. Kakain na tayo," malumanay kong sabi rito habang niyuyugyog siya. Minulat naman nito ang kaniyang mata at pupungas-pungas na bumangon sa aming papag na higaan. Sabado ngayon kaya't hindi sila abala mag-asikaso ng sarili sa pagpasok. Napatingin na lamang ako sa dalawa kong kapatid na nakangiting humihigop ng sabaw ng noodles at nage-enjoy sa ilang pirasong pandesal na nagkakahalagang bente pesos. "Ate, kumain ka na. Baka lumamig iyang sabaw, sige ka. Ayaw mo pa naman no'n," usal ng aking kababatang kapatid. Siya si Kyle, grade 5 na sa pag-aaral. Si Cristine naman ang sumunod sa akin, junior high school naman siya. Tatlo lamang kaming magkakapatid. Sinimulan ko na ring kumain. Hindi
Last Updated: 2022-02-12
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status