Share

Chapter 3

Author: Bebe
last update Last Updated: 2023-03-26 20:18:35

Alam kong gising na ang diwa ko pero ang mata ko'y nananatiling nakapikit pa rin sapagkat pakiramdam ko ay lumulutang ako at may malambot na may katigasan na nakayapos sa aking katawan, kung hindi ako nagkakamali ay nasa bisig ako nito.

Ngunit, maya-maya lang ay napalitan ng gulat ang aking pagkatao at napamulat dahil sa biglaang paghagis nito sa akin sa malambot na kama.

"Sh*t!" usal ko.

"Tss. Bigat mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at mabilis na bumangon sa kama.

"Aba, mister! Ikaw 'tong bigla akong binuhat at teka nga..." nilibot ko ang paningin ko sa lugar, "saan mo ako dinala?!" Napalinis ito ng kaniyang tainga dahil sa lakas ng pagkakasabi ko.

"Woman, lower your voice. Wala ka sa palengke."

"Aba't —" akmang aamba ako rito nang may dalawang kamay ang pumigil sa akin, ang isa ay nakahawak sa pulsuhan ko at ang isa naman ay sa balikat ko.

Teka nga, kanina pa ba sila narito?! At saka sino ba talaga ang mga ito?! 

"Hep! Hep!" usal ng lalaking nakahawak sa pulsuhan ko at dahan-dahan nitong binaba.

Pumiglas ako sa dalawang may hawak sa akin, at saka marahas na kwinelyuhan ang lalaking kaninang may buhat sa akin.

"Sino ka ba? At saan mo ba talaga ako dinala, ha?!" Nanggagaliti kong usal dito at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniyang damit.

Mabilis nitong natanggal ang pagkakapit ko sa kaniya at halos mawalan ako ng balanse sa pagkakatayo sa lakas ng pwersa ng ginawa niya, naramdaman ko na lang ang brasong pumulupot sa aking baywang.

Wala akong oras sa mga ganitong eksena, kung siguro nasa ibang sitwasyon ako ay baka naglulupasay ako sa ginawa nito. Pero, mabilis akong kumawala sa kapit nito at matalim na tinignan muli ang lalaking nasa harapan ko na para bang wala lang 'yong ginawa niya sa akin paghagis. Daig pa nito ang robot kong tumingin, wala man lang akong makitang expression sa kaniya. Tao ba talaga 'to? Hanep! Baka nasa ibang mundo na ako, ha!

Bigla ko naman natuktukan ang sarili ko dahil sa naisip ko, hindi pa naman siguro ako nababaliw nito. Kung ano-ano agad naiisip ko nasa bingit na nga yata ako ng huling oras ko rito sa mundo.

"Anong ginagawa mo?" Napalingon ako sa lalaking kaninang may hawak sa pulsuhan ko at ngayon ko lang ito natitigan ng maayos.

Hindi naman sila mukhang masasamang tao, sa katunayan nga ay para silang mga anghel ni lucifer. Clean cut ang gupit ng lalaking ito samantalang iyong isa naman ay may kahabaan ang buhok na para bang naka-temple cut. May alam din naman ako sa mga gupit dahil dati na rin ako namasukan sa pagupitan noon.

"Wala ka na roon." Masungit kong sagot dito at sumalampak ako sa upuan na katabi lang ng kama na pinaghagisan sa akin kanina.

"Oh, Mark. Huwag mo na patulan," usal nitong naka-temple haircut dahil akmang sasagot pa sana iyong isa.

"Ano bang kailangan niyo sa akin? Kanina ko pa tinatanong kung nasaan ako, pero hindi niyo man lang ako sinasagot. Mukhang namang hindi kayo mga pipe." Walang kaabog-abog kong salita sa kanila.

Natatakot na rin kasi ako sa totoo lang, pinapalakas ko lang ang loob ko. Baka mamaya ay bumulagta na lang ako rito. Gusto ko na lang maiyak sa sitwasyon pero hindi puwede dahil alam kong wala rin naman mangyayari at baka lumala lang sitwasyon ko. Paano na lang ang mga musmos kong mga kapatid pag nawala na lang ako bigla, hindi ko 'yon kakayanin. 

"Be my wife."

Tila na blanko ang isipan ko sa narinig ko, pakiramdam ko nabingi yata ako. Tinignan ko ito ng nakakunot ang noo sa kaniya at naghihintay ng kasunod na sasabihin niya.

"Be my wife." Inulit niya lang ulit ang sinabi niya pero this time ay may diin na sa bawat salitang binibitawan nito.

"E, anak ka pala ng tokwa! Nasisiraan ka na ba ng ulo? Anong akala mo sa pagpapakasal? Laro? Wow."

Hindi makapaniwalang saad ko sa kaniya pero parang wala itong narinig at naglakad siya sa dulo ng kwartong ito, may kinuha siyang papeles sa lamesa at hinagis ito sa kama. Tinignan ko lamang ito at binalik ulit ang tingin sa kaniya. Hindi ko alam pero bigla na lamang ako napatingin sa labi nito at bigla ako may naalala.

Shemay! Siya iyong lalaking huling um-order sa akin bago magkabarilan sa café. Siya nga 'yon! Sabi ko na nga ba't guwapo rin talaga ang isang ito kumpara doon sa nauna sa kaniya mag order. Kulay abo pala ang mata nito na bilugan na may kasingkitan. Tama lang din ang pagkatangos ng ilong nito.

"Babae!" Napaigtag ako sa pagtitig sa kaniya dahil sa sigaw ng lalaki na tinawag kaninang Mark.

"Ang sakit mo naman sa tainga!"

"Kanina ka pa kasi tulala riyan, alam naman naming magandang lalaki iyang boss namin pero baka matunaw mo na." Tila ako biglang nahiya sa sinabi nito at inirapan na lang siya.

Tinuon ko ang atensyon ko sa papel na hinagis kanina lamang at kinuha ito. Isa itong kontrata na mayroong limang pahina. Anak ng tokwa! Mukhang desidido nga siya sa sinasabi niya dahil may nakahanda na siyang ganito.

"Ang dami naman nitong rules mo, huwag ka na lang magpakasal kung ganito lang din. Kaya siguro wala kang nahahanap na magpapakasal sayo kasi sa dami ng gus—"

"Enough!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagitla ako sa bigla nitong sumigaw at hinampas ang lamesa.

"I don't need your goddamn answer. You just take it or die."

"Die? Anong die?! Siraulo ka pala, e. Ikaw na nga itong namwemwersa tapos tatanggalan mo pa ako ng buhay sa mundong to. May mga kapatid pa akong naghihintay sa akin!"

"Then, take it." Sa inis ko sa sagot nito ay nalukot ko ang papel. Ibinato ko ito sa kaniya at marahas na tumayo.

"Hoy, Mister! Kung ikaw ay nasisiraan na ng bait diyan sa utak mo, please lang. Huwag mo ako madamay-damay dahil unang-una wala akong balak magpakasal sa katulad mong arogante! Humanap ka na lang ng iba!"

Tinalikuran ko na ito at akmang lalakad na paalis sa impyernong kwartong ito nang bigla na lamang ako napatakip sa aking mga tainga. Sh*t! Nagpaputok siya ng baril! Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto ang ginawa nito. Seryoso ba siya sa pagpatay sa akin pag hindi ako um-oo?!

"Go, leave this f*cking room and you will not see your siblings anymore." Pakiramdam ko ay sumanib sa akin si The Flash dahil sa bilis ng pag-ikot ng aking katawan at nakita ko na lang ang sarili kong hawak muli ang kwelyuhan nito.

"Woah!" rinig kong usal ng dalawang lalaking kasama namin sa kwartong ito.

Related chapters

  • Bargain Marriage   Chapter 4

    Sa bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang na nakaupo na siya sa sahig tukod ang kaniyang siko para mabalanse ang kaniyang katawan sa pagkakasalampak nito sa sahig. Kahit ako ay nabigla sa nagawa ko. "Oh my God! So—sorry!" Mabilis akong lumapit dito at tinulungan siyang makatayo. Ngunit, hinawi lang nito ang kamay ko. Napakunot ang noo ko sa inis dahil sa ginawa niya. Tumayo rin ito tila inayos ang kaniyang panga dahil sa pagkakasuntok ko rito. "Wow, pre! Akalain mo 'yon nasuntok ka? At, babae pa talaga," ani ni Mark na tumatawa pa. Agad itong napatikom ng titigan siya nito ng masama. "Shut the f*ck up!" May diin sa bawat salitang binitawan nito. Nakakakilabot ang tono ng boses nito. "Easy, man. Ang mabuti pa ay huwag mo na lang muna pilitin si ateng maganda, bigyan mo muna ng ilang araw. Kahit ako bigla mo akong ayain magpakasal, hindi rin ako papayag, e. Stranger ka sa mata niyan." Tila namangha ako sa binitawang salita ng lalaking clean cut ang buhok. Buti pa

    Last Updated : 2024-02-03
  • Bargain Marriage   Chapter 5

    "A—anong sabi mo?!" Para akong nauubusan ng hininga habang nagsasalita. Para akong nabingi sa narinig ko. Parang nagsarado ang utak ko at hindi nito maproseso ang katagang binitawan ni Krisha. "Si Kyle... naaksidente. Kahapon ito nangyari kasabay ng barilan na naganap sa coffee shop na pinapasokan mo. Nag aalala rin ako kung nasaan ka na dahil sabi ni Stephanie ay huling kita niya sayo ay karga ka ng isang lalaki at mukhang duguan ka." Saka ko lang napagtanto na may tama nga pala ako dahil sa nangyari kahapon, parang nakalimutan ko itong indahin dahil sa nangyari. "Hindi ko rin naman alam kung paano ka kokontakin dahil naiwan mo ang cellphone mo sa coffee shop, nag aalala kami kung saang hos—" Sinenyasan ko itong tumigil sa pagsasalita dahil hindi ko pa naririnig ang nangyari kay Kyle. Wala na akong panahon pang intindihin ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay wala rin naman na iyong silbi kung hindi ko makikita ngayon si Kyle. "Ano nangyari kay Kyle? Paano siya naaksi

    Last Updated : 2024-02-07
  • Bargain Marriage   Chapter 6

    "Sigurado ka na ba sa desisyon mo, beb?" Napasabunot na lang ako sa aking buhok habang iniisip ang gagawin kong desisyon. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa hospital magmula kahapon at ilang oras pa lang ang tulog ko. Si Krisha naman ay kakabalik lang kani-kanina lang, habang si Cristine naman ay pumasok na sa eskwela dahil hindi naman niya pwedeng pabayaan ang pag-aaral niya kahit na nagpupumilit itong magbantay sa hospital. "Kailangan, Krisha. Ito na lang paraan ko para mapagamot si Kyle." Naikwento ko na nga pala sa kaniya ang tungkol sa desisyon kong pag payag na pagpapakasal ko sa lintek na lalaking iyon. Hindi ko alam kung nananadya ba ang kapalaran, e. "Hay. Hindi ito ang hinihiling ko sa'yo na magkaroon ng lalaking mamahalin, beb. Mukhang tadhana mo talagang kainisan ang mga lalaki, ah." Saglitan itong tumawa dahil natigil din sa talim ng tingin na pinukol ko sa kaniya. "Kung may iba lang ako choice, Krisha. Wala akong balak magpakasal kahit na sinong la

    Last Updated : 2024-02-11
  • Bargain Marriage   Chapter 1

    "Ate, nagugutom na po ako." Napalingon ako sa kapatid kong sampung taong gulang pa lang. Nakahawak ito sa kaniyang tiyan, at naghihintay sa noodles na aking niluluto para sa aming agahan. Pagkaluto ay ginising ko na ang isa ko pang kapatid na labing pitong gulang naman. "Cristine, gumising ka na. Kakain na tayo," malumanay kong sabi rito habang niyuyugyog siya. Minulat naman nito ang kaniyang mata at pupungas-pungas na bumangon sa aming papag na higaan. Sabado ngayon kaya't hindi sila abala mag-asikaso ng sarili sa pagpasok. Napatingin na lamang ako sa dalawa kong kapatid na nakangiting humihigop ng sabaw ng noodles at nage-enjoy sa ilang pirasong pandesal na nagkakahalagang bente pesos. "Ate, kumain ka na. Baka lumamig iyang sabaw, sige ka. Ayaw mo pa naman no'n," usal ng aking kababatang kapatid. Siya si Kyle, grade 5 na sa pag-aaral. Si Cristine naman ang sumunod sa akin, junior high school naman siya. Tatlo lamang kaming magkakapatid. Sinimulan ko na ring kumain. Hindi

    Last Updated : 2022-02-12
  • Bargain Marriage   Chapter 2

    Araw na ng lunes kaya't maaga kong ginising ang dalawa kong kapatid. Naghanda na rin ako ng kanilang kakainin bago ako pumasok sa café habang sila ay naliligo pa. "Ate, maligo ka na po. Ako na bahala sa paghain." Napangiti ako sa tinuran ni Cristine. Buti na lang talaga ay naiintindihan nila ang sitwasyon namin at hindi sila masyado mareklamo. Kaya't pangako ko talaga sa sarili ko na kahit anong mangyari, magtatapos sila ng pag-aaral. "Ate, natulala ka na diyan. Baka ikaw po ang ma-late." Tila nabalik naman ako sa aking sarili. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako sa naisip. Kaya't madali kong kinuha ang tuwalyang ginamit ni Cristine at pumasok na sa maliit naming banyo. Halos iisa lang ang ginagamit na tuwalya dahil sa halip na ibili namin ng isa pang tuwalya ay mabuting sa pagkain na lamang namin ibili.Matapos kong maligo ay nagpalit na rin ako ng damit sa maliit naming kwarto na ang tanging pintuan lamang ay ang mahabang kurtina. Sinuot ko na ang uniporme naming polo s

    Last Updated : 2023-02-02

Latest chapter

  • Bargain Marriage   Chapter 3

    Alam kong gising na ang diwa ko pero ang mata ko'y nananatiling nakapikit pa rin sapagkat pakiramdam ko ay lumulutang ako at may malambot na may katigasan na nakayapos sa aking katawan, kung hindi ako nagkakamali ay nasa bisig ako nito.Ngunit, maya-maya lang ay napalitan ng gulat ang aking pagkatao at napamulat dahil sa biglaang paghagis nito sa akin sa malambot na kama. "Sh*t!" usal ko."Tss. Bigat mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at mabilis na bumangon sa kama. "Aba, mister! Ikaw 'tong bigla akong binuhat at teka nga..." nilibot ko ang paningin ko sa lugar, "saan mo ako dinala?!" Napalinis ito ng kaniyang tainga dahil sa lakas ng pagkakasabi ko. "Woman, lower your voice. Wala ka sa palengke." "Aba't —" akmang aamba ako rito nang may dalawang kamay ang pumigil sa akin, ang isa ay nakahawak sa pulsuhan ko at ang isa naman ay sa balikat ko. Teka nga, kanina pa ba sila narito?! At saka sino ba talaga ang mga ito?! "Hep! Hep!" usal ng lalaking nakahawak sa pulsuhan ko at da

  • Bargain Marriage   Chapter 2

    Araw na ng lunes kaya't maaga kong ginising ang dalawa kong kapatid. Naghanda na rin ako ng kanilang kakainin bago ako pumasok sa café habang sila ay naliligo pa. "Ate, maligo ka na po. Ako na bahala sa paghain." Napangiti ako sa tinuran ni Cristine. Buti na lang talaga ay naiintindihan nila ang sitwasyon namin at hindi sila masyado mareklamo. Kaya't pangako ko talaga sa sarili ko na kahit anong mangyari, magtatapos sila ng pag-aaral. "Ate, natulala ka na diyan. Baka ikaw po ang ma-late." Tila nabalik naman ako sa aking sarili. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako sa naisip. Kaya't madali kong kinuha ang tuwalyang ginamit ni Cristine at pumasok na sa maliit naming banyo. Halos iisa lang ang ginagamit na tuwalya dahil sa halip na ibili namin ng isa pang tuwalya ay mabuting sa pagkain na lamang namin ibili.Matapos kong maligo ay nagpalit na rin ako ng damit sa maliit naming kwarto na ang tanging pintuan lamang ay ang mahabang kurtina. Sinuot ko na ang uniporme naming polo s

  • Bargain Marriage   Chapter 1

    "Ate, nagugutom na po ako." Napalingon ako sa kapatid kong sampung taong gulang pa lang. Nakahawak ito sa kaniyang tiyan, at naghihintay sa noodles na aking niluluto para sa aming agahan. Pagkaluto ay ginising ko na ang isa ko pang kapatid na labing pitong gulang naman. "Cristine, gumising ka na. Kakain na tayo," malumanay kong sabi rito habang niyuyugyog siya. Minulat naman nito ang kaniyang mata at pupungas-pungas na bumangon sa aming papag na higaan. Sabado ngayon kaya't hindi sila abala mag-asikaso ng sarili sa pagpasok. Napatingin na lamang ako sa dalawa kong kapatid na nakangiting humihigop ng sabaw ng noodles at nage-enjoy sa ilang pirasong pandesal na nagkakahalagang bente pesos. "Ate, kumain ka na. Baka lumamig iyang sabaw, sige ka. Ayaw mo pa naman no'n," usal ng aking kababatang kapatid. Siya si Kyle, grade 5 na sa pag-aaral. Si Cristine naman ang sumunod sa akin, junior high school naman siya. Tatlo lamang kaming magkakapatid. Sinimulan ko na ring kumain. Hindi

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status