Dahil sa utang-na-loob ay pinakasalan ni Amber ang apo ni Don Fidel Salvatore na si Phil Salvatore, ang CEO ng Salvatore Conglomerate. At dahil naman nakalagay sa last will and testament ng kanyang lolong may sakit na mapupunta lamang kay Phil ang mga ari-arian nito at pati na rin ang malaking shares nito sa kompanya kung pakakasalan niya si Amber na apo ng matalik na kaibigan ng kanyang lolo kaya niya pinakasalan ang dalaga. Dalawang taong magkaiba ng mundong kinagisnan ang magsasama sa iisang bubong bilang mag-asawa. Matutunan kaya nilang mahalin ang isa't isa sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad at pagkakaiba ng kanilang mga ugali? Mabago kaya ng isang babaeng masayahin at kuwela ang isang lalaking seryoso sa buhay at tila hindi marunong umibig? O mauuwi lamang sa paghihiwalay at hindi pagkakaunawaan ang kanilang kuwento?
View MoreAmber PovInosente ang pagkakangiti na hinarap ko ang babaeng nagsalita. "Hello po. Ikaw ba ang mayordoma rito ni Phil?" kausap ko sa kanya. Muntik na akong mapangisi nang makita kong nanlaki ang mga mata ng babae na sa tantiya ko ay nasa late forties na pero maganda pa rin. Namula ng mukha nito na tila napahiya lalo pa at hindi napigilan ng mga kasama sa bahay ni Phil ang matawa ng mahina sa sinabi ko. Ngunit nang tapunan sila ng masamang tingin ng babae ay agad nagsitahimik ang mga ito sa kinatatayuan."How dare you to call me that! Mukha ba akong mayordoma? At saka hindi mo ba narinig ang sinabi ko na pamangkin ko ang batang tumawag sa'yo ng stupid? I am Aloha. Phil's aunt. Itatak mo diyan sa utak mo," galit na sagot niya sa akin."A, tita pala kayo ng asawa ko. Mukha po kasi kayong istriktong mayordoma sa mga pelikula kaya napagkamalan kitang mayordoma. At saka hindi ko narinig ang sinabi mo kanina, medyo nabingi yata ako," nakangiting sagot ko naman sa kanya na hindi apektado sa
Amber PovHanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Noong isang araw lamang ay single ang status ko pero ngayon ay married na. Pakiramdam ko ay binabangungot ako. Oo. Bangungot para sa akin ito dahil nagpakasal ako sa isang lalaki na hindi ko naman masyadong kilala. Ni sa hinaganap ay hindi ko akalain na mapapapayag ako ng isang estranghero na magpakasal sa kanya at pumasok sa isang contract marriage. Kahit sabihin pang contract marriage lamang ang magaganap at maghihiwalay rin kami pagkatapos ng anim na buwan ay nag-asawa pa rin ako. Ako na ngayon si Mrs. Pauline Amber Cruz-Salvatore.Matapos akong kausapin ni Phil Salvatore noong isang araw lamang at napapayag niya akong sa inalok niyang marriage contract ay lumipad kami papuntang Hongkong para doon magpakasal. Hindi ko alam kung bakit kailangang sa ibang bansa pa kami ikasal gayong puwede rin naman dito sa Pinas na lang. Pero naisip ko na baka siguro mas madali ang paghihiwalay namin kapag natapo
Amber PovNanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ng guwapong bisita nina Tito Roman. Halatadong gulat na gulat ang aking anyo ngunit mabilis kong hinamig ang aking sarili. Baka pinagti-tripan lamang ako ng guwapong ito. Huwag ako ang pagtripan niya't makakatikim talaga siya sa akin ng malakas na sipa kung saan naroon ang kanyang golden balls."Ano namang kalokohan ang pinagsasasabi mo, Mr? At bakit naman magiging asawa mo ako?" nakairap na tanong ko sa kanya.Saka pa lamang tumayo ng tuwid ang lalaki at natuklasan kong papasa siya bilang basketball player ng Pilipinas. Ang tangkad niya sobra. Hindi naman ako pandak ngunit kung ikukumpara ang height ko sa kanya ay magmumukha kaming beautiful David and handsome Goliath. Kailangan ko pa tuloy tumingala sa kanya para makita ang mukha niya."Hindi ba kaya mo ipinaglaban na ikaw si Amber ay dahil gusto mong ikaw ang ang maging wife ko at hindi ang kapatid mo?" nakataas ang kilay na kausap sa akin ng lalaki. Seryoso ang mukha nit
Amber's Pov"Uy, tiba-tiba ka ngayon, Amber. Ang daming customers na nagbigay sa'yo ng tip ngayon, ah," nakangiting puna sa akin ni Mildy na kasamahan ko bilang waitress sa pinapasukan kong night bar. Hindi naman bar na may nagsasayaw na mga GRO ang pinapasukan kong bar kundi mga babaeng kumakanta at sumasayaw sa stage na maayos ang mga kasuotan ang nagpe-perform sa stage. Pero siyempre, kapag naririnig ng mga tao ang salitang night bar ay iniisip nilang mga naghuhubad na babae ang sumasayaw sa stage kahit naman hindi lahat ng bar ganoon. Ngunit alam ko na may mga kasamahan akong waitress na pumapayag na mailabas sila ng mga customer ng bar. Nasa aming mga waitress na ang desisyon kung papayag kaming "mag-all the way" at walang kinalaman ang management ng bar. Ngunit kung ang ibang mga waitress ay pumapayag sa ganoon para mas malaki ang kanilang kitain ay hindi ako. Kuntento na ako sa kakarampot na kinikita ko bilang waitress basta sa malinis na paraan nanggaling ang aking pera.Ang p
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments