Share

Chapter 4

Amber Pov

Inosente ang pagkakangiti na hinarap ko ang babaeng nagsalita. "Hello po. Ikaw ba ang mayordoma rito ni Phil?" kausap ko sa kanya. Muntik na akong mapangisi nang makita kong nanlaki ang mga mata ng babae na sa tantiya ko ay nasa late forties na pero maganda pa rin. Namula ng mukha nito na tila napahiya lalo pa at hindi napigilan ng mga kasama sa bahay ni Phil ang matawa ng mahina sa sinabi ko. Ngunit nang tapunan sila ng masamang tingin ng babae ay agad nagsitahimik ang mga ito sa kinatatayuan.

"How dare you to call me that! Mukha ba akong mayordoma? At saka hindi mo ba narinig ang sinabi ko na pamangkin ko ang batang tumawag sa'yo ng stupid? I am Aloha. Phil's aunt. Itatak mo diyan sa utak mo," galit na sagot niya sa akin.

"A, tita pala kayo ng asawa ko. Mukha po kasi kayong istriktong mayordoma sa mga pelikula kaya napagkamalan kitang mayordoma. At saka hindi ko narinig ang sinabi mo kanina, medyo nabingi yata ako," nakangiting sagot ko naman sa kanya na hindi apektado sa katarayang ipinapakita niya sa akin. 

Ang totoo ay narinig ko naman na binanggit niyang pamangkin nga niya itong little devil na ito na nakakapit sa hita ni Phil ngunit nagkunwari akong hindi ko narinig iyon para makaganti ako sa kanyang pag-iisip na isa akong stupid.

Lalong namula sa galit ang mukha ng babae nang marinig ang sinabi ko. Ngunit sa halip na muli akong kausapin ay si Phil ang hinarap nito at kinausap. "Saang kanto mo ba napulot ang babaeng ito, Phil. Bakit walang galang?" galit na tanong nito kay Phil.

"Excuse me po, Tita Aloha. For the record lang po, hindi ako pinulot ni Phil sa kanto kundi sinundo niya ako sa bahay namin," mabilis kong sabat bago pa man makasagot si Phil.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko, so shut up," inis na baling niya sa akin.

"Tita Aloha, huwag mo nang patulan ang asawa ko. At pagpasensiyahan mo na siya dahil ganyan talaga ang ugali niya. She'a frank. Sinasabi niya kung ano ang gusto niyang sabihin," ani Phil na biglang umawat sa pagsasagutan namin ng kanyang tiyahin. Hindi na kumibo ang tiyahin ni Phil sa halip ay tinapunan na lamang ako ng nakamamatay na matalim na tingin. Kung literal na nakakamatay lamang ang matalim na tingin ay tiyak na kanina pa gutay-gutay ang buo kong katawan dahil sa kanyang titig.

"What a warm welcome. Napaka-suwerte ko na ikaw ang napangasawa ko, Phil. Magaling magbigay ng entertainment ang tita mo," kausap ko kay Phil pagkatapos ay palihim ko siyang inirapan. Hindi naman kasi niya binanggit sa akin na may tigre pala siyang tita na nakatira sa bahay nila.

"Let's talk inside our room, Amber," seryoso ang mukha na sabi niya sa akin bago binalingan ang pamangkin. "Ipapakita ko muna kay Tita Amber ang room namin tapos pupuntahan kita sa room mo, okay?" kausap ni Phil sa bata.

"Okay," maikling sagot naman ng bata.

"And by the way, Pao. Don't call my wife stupid again. Kung hindi ay magagalit ako sa'yo. That word is not good for a child like you."

Kinagat ni Pao ang kanyang pang-ibabang labi bago tumango kay Phil. "I won't like her again like that."

"Good," mabilis na sagot ni Phil pagkatapos ay ginulo ng kamay nito ang buhok ng bata bago ako naman ang kinausap. "Come with me. I will show you our room."

Nginitian ko ang mga kasambahay ni Phil bago ako sumunod sa kanya na nauna nang maglakad papunta sa mataas na hagdan. Ngunit hindi nakaligtas sa matalas kong mga mata ang isang kasambahay ni Phil na bahagyang umismid sa akin. At kung hindi ako nagkakamali ay siya ang yaya ng bata. Mukha itong atribida. Siguro siya ang nagturo kay Pao ng sinabi nito kanina.

Mabilis maglakad si Phil kaya halos patakbo na ang ginagawa ko para makahabol sa kanya. Masyado kasing mahaba ang hallway na nilalakaran namin tapos biglang lumiko pa kaya muntik na tuloy akong maiwan. Tiyak na maliligaw ako sa loob ng mansion na ito. Napakaraming silid, kanto at hallway. Nakakalito. I wonder kung paano ang ginagawang paglilinis ng apat na katulong. Mukhang kahit abutin pa ng isang Linggo ay hindi kakayaning linisin lahat ng mga katulong ang buong mansion.

"Hintayin mo naman ako, Phil," malakas ang boses na kausap ko sa kanya nang hinihingal na ako. Mabuti naman at huminto ito para hintayin ako.

"Kung kasing-bilis magsalita niyang bibig mo ang paghakbang mo ay hindi ka sana maiiwan," nakasimangot na sabi niya sa akin nang makalapit na ako sa kanya. Kababakasan pa ng pagkainip ang boses nito na para bang ilang oras ang hinintay niya bago ako makalapit sa kanya. Nakakainis. Hindi ganitong klaseng lalaki ang pinangarap kong mapangasawa.

Ang lalaking pangarap kong mapangasawa ay katulad ng tatay ko na mabait, masipag at maalalahanin. Gusto ko iyong ipinapakita sa akin na concern siya sa akin. At lahat ng mga katangian na gusto ko sa lalaking mapapangasawa ko ay wala kay Phil kahit mayaman at guwapo pa siya. Hindi naman kasi ajo naghahangad ng guwapo at mayamang mapapangasawa. Basta ang mahalaga ay ipinapakita at ipinapadama niya sa akin na mahalaga ako sa kanya at mahal niya ako ay sapat na sa akin iyon. At sana ay matagpuan ko ang taong iyon kapag natapos na ang kontrata naming dalawa ni Phil.

"Ang layo naman kasi ng kuwarto mo. Paano na lang kung magkasunog? Tiyak na mata-trap ka sa loob dahil tupok na ang sala ay nasa hallway ka pa lang at tumatakbo papunta sa hagdan," hindi napigilang reklamo ko sa kanya.

"Huwag kang mag-alala dahil hindi mangyayari na magkakaroon ng sunog sa bahay ko kahit na kailan," nakasimangot na sagot sa akin ni Phil bago ako tinalikuran para ipagpatuloy ang paglalakad papunta sa kuwarto niya. Na magiging kuwarto naming dalawa sa loob ng anim na buwan.

"Diyos ka ba para malaman mo na hindi magkakaroon ng sunod sa bahay mo kahit na kailan?" mahina ang boses na sagot ko sa kanya para hindi niya marinig.

"Ano pa ang hinihintay mo diyan? Pasko?" tanong niya sa akin nang huminto siya sa paglalakad at nakitang hindi ako tumitinag sa kinatatayuan ko.

"Oo. Naghihintay nga ako ng pasko para naman matikman ko na ang bonus ko mula sa'yo," nang-iinis na sagot ko sa kanya pagkatapos ay naglakad na rin ako pasunod sa kanya.

"Can you refrain that kind of atittude, Amber? Masyado kang palaban kaya hindi kayo magkakasundo ni Tita Aloha. Kahit ganoon ang ugali ni tita ay maaasahan ko siya sa pagma-manage sa bahay so please, give her some respect."

Natawa ako ng mapakla sa kanyang sinabi. "Ano ang gusto mo, Mr. Salvatore? Maging submissive ako sa'yo at sa mga kamag-anakan mo? Malabo yatang mangyari iyon. Mabait ako sa taong mabait sa akin at magalang ako sa taong marunong din gumalang sa akin bilang tao. And besides, wala naman sa pinirmahan kong kontrata na kailangan kong maging submissive sa'yo at sa pamilya mo. Ikaw na rin ang nagsabi kanina na prangka akong tao. Kaya gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin at sasabihin ko kung ano ang gusto kong sabihin. At saka kung gusto niyang irespeto ko siya ay matuto rin siyang rumespeto sa ibang tao. Hindi uubra sa akin ang "respect me because I'm rich" at "respect me because I'm superior than you". Kaya dapat ay irespeto rin niya ako."

Napabuga ng hangin si Phil nang marinig ang sinabi ko. Siguro ay pinagsisisihan na nito kung bakit ako pa ang napili niyang pakasalan at papagpanggapin bilang kanyang asawa. As if naman ginusto ko na maging fake at contract wife niya. 

Hindi na nagsalita si Phil sa halip ay napailing na lamang ito at pagkatapos ay huminto sa tapat ng isang silid at binuksan iyon. "This is my room and also your room starting today."

Napabilis ako ng paglapit sa kanya at excited na pumasok sa silid niya. Napahanga ako nang makita ko ang kabuuan ng kuwarto. Hindi ito mukhang kuwarto kundi isang bahay na may sariling kusina, living room at bedroom. Napalapit ako sa maluwang na kama at umupo sa gilid. Ang lambot ng foam ng kama. Hindi katulad sa hinihigaan kong foam na matigas sa likod. Baka binili lamang iyon ni mama sa tabi-tabi para lamang may mahigaan ako. Ngunit itong matress ng kama ni Phil ay sobrang lambot. Sa katunayan ay lumubog pa ang pang-upo ko nang maupo ako sa gilid ng kama. Iba talaga ang sobrang yaman. Can afford bumili ng mga ganitong klaseng kagamitan.

"Dito ba ako sa kama na ito mahihiga?" nakangiting tanong ko sa kanya. Tiyak na maaga akong makakatulog sa malambot na kamang ito ngunit palagi naman akong malu-late sa paggising. Tiyak kasi na mapapasarap palagi ang tulog ko nito.

"Hindi lang ikaw kundi tayong dalawa. Because that is my bed," nakataas ang kilay na sagot sa akin ni Phil. Napaawang naman ang bibig ko. Akala ko kaya niya ako isinama sa room niya dahil ako na muna ang pansamantalang gagamit sa kuwarto niya. Iyon pala ay magsi-share pala kami sa kama niya. Paano pala kapag hindi siya nakatiis at gapangin ako sa gabi? O baka naman ako ang hindi makatiis at siya ang gapangin ko sa gabi?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status