Share

Chapter 2

Author: iamsimple
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Amber Pov

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ng guwapong bisita nina Tito Roman. Halatadong gulat na gulat ang aking anyo ngunit mabilis kong hinamig ang aking sarili. Baka pinagti-tripan lamang ako ng guwapong ito. Huwag ako ang pagtripan niya't makakatikim talaga siya sa akin ng malakas na sipa kung saan naroon ang kanyang golden balls.

"Ano namang kalokohan ang pinagsasasabi mo, Mr? At bakit naman magiging asawa mo ako?" nakairap na tanong ko sa kanya.

Saka pa lamang tumayo ng tuwid ang lalaki at natuklasan kong papasa siya bilang basketball player ng Pilipinas. Ang tangkad niya sobra. Hindi naman ako pandak ngunit kung ikukumpara ang height ko sa kanya ay magmumukha kaming beautiful David and handsome Goliath. Kailangan ko pa tuloy tumingala sa kanya para makita ang mukha niya.

"Hindi ba kaya mo ipinaglaban na ikaw si Amber ay dahil gusto mong ikaw ang ang maging wife ko at hindi ang kapatid mo?" nakataas ang kilay na kausap sa akin ng lalaki. Seryoso ang mukha nito ngunit nababasa ko na tila mababa ang tingin niya sa akin. Bakit naman? Ngunit ano man ang dahilan niya ay hindi ko iyon nagustuhan.

"Alam mo, Mr—"

"Phil Salvatore," mabilis niyang agaw sa sasabihin ko.

"Mr. Phil Salvatore, hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan ninyo, okay? At kahit naman sino ay ipaglalaban kung may ibang tao na umaangkin sa pangalan at pagkatao mo. Kahit nga ikaw ay tiyak na ipaglalaban mo rin ang iyong sarili kapag may taong umangkin sa pangalan at pagkatao mo, hindi ba?" palaban na sagot ko sa kanya pagkatapos ay bigla akong napahawak sa likuran ng aking leeg. "At saka puwede bang bumalik ka sa kinauupuan mo? Medyo nangangawit na ang leeg ko sa kakatingala sa'yo. Bakit ba kasi sobrang tangkad mo?" nakangiwi ang mga labi na dugtong ko.

Biglang naningkit ang mga mata ni Mr. Salvatore nang marinig ang unang mga sinabi ko ngunit tila na-amused naman siya nang marinig ang idinugtong kong mga salita. Ngunit hindi naman siya nagsalita sa halip ay bumalik siya sa upuan pagkatapos ay muli akong tinitigan. Titig na sobrang nakakailang. Sanay naman akong matitigan dahil sa night bar na pinagtatrabahuhan ko ay maraming napapatitig sa akin. Marami kasi ang nagagandahan sa akin na ewan kung bakit. Siguro dahil sa dim ang ilaw sa loob ng bar kaya gumaganda ang tingin sa akin ng mgaa customer. Pero hindi naman ako panget ngunit sa tingin ko ay hindi ako ganoon ka ganda. Para sa akin ang magaganda ay iyong ma-porma ang bihis at nakaayos ng mabuti ang mukha. Hindi katulad ko na hindi naman maporma dahil wlmalang pam-porma at walang bahid ng kahit anong kolorete ang mukha ko kahit na sa isang bar ako nagtatrabaho na required na mag-makeup. Nangangati kasi ang mukha ko kapag nagtagal sa mukha ko ang make up kaya nakiusap ako sa manager na kung puwede ay huwag na akong mag-makeup. Laking pasasalamat ko nang pumayag ang manager ng bar na pinagtatrabahuhan ko.

"I'm sorry, Mr. Salvatore. Hindi namin sinasadyang lokohin ka. Nag-aalala lamang kami kay Amber. Nakita mo naman kung anong klaseng ugali mayroon siya kaya nahihiya kaming sabihin sa'yo ang totoo," biglang paumanhin ni Tito Roman kay Phil na ikinataas ng kilay ko to the highest level.

Hindi ko nagustuhan ang sinabi ng aking stepdad kaya hindi ko napigilan ang aking sarili na huwag siyang sagutin. "Excuse me po, Tito Roman. Parang pinapalabas niyo yata na ikinahihiya niyo ako dahil masama ang ugali ko. Para sabihin ko po sa'yo na ninety-nine point nine percent na mas masama ang ugali ninyong mag-ama kaysa aa akin. Kaya dapat na mas mahiya kayo sa mga ugali ninyo at hindi ang ugali ko."

"Tama na, Amber! Kahit kailan ay wala kang respeto sa Tito Roman mo. Iyan ba ang maganda ang ugali kaysa sa kanila? Wala kang utang na loob sa taong bumubuhay sa'yo," galit na sita sa akin ni Mama. Bilib din ako sa mama ko. Ang bilis niyang ipagtanggol kapag nagsasalita ako ng hindi maganda laban sa kanhmyang asawa at sa kanyang stepdaughter. Feeling ko tuloy ay si Ruby ang anak niya at hindi ako.

"Correction, Ma. Hindi ako binubuhay ni Tito Roman kundi ako ang bumubuhay sa sarili ko," mahina ngunit mariin ang boses na sagot ko sa aking mama. As much as possible ay ayokong pagtaasan siya ng boses. Dahil kahit ipinagkait niya sa akin ang pagmamahal ng isang ina ay hindi ko pa rin maitatanggi na anak niya ako at sa kanyang sinapupunan ako nabuo. Ngunit kung minsan ay nakakapikon na rin siya. Huwag sanang umabot na hindi ko makontrol ang aking sarili at pati siya ay mapagtaasan ko ng boses.

"Napakawalang galang mo talaga, Amber," galit namang wika sa akin ni Ruby pagkatapos ay biglang nagbago ang expression ng kanyang mukha at tila mabait na madre na ang anyo nito nang humarap kay Phil. "I'm sorry, Mr. Salvatore. I'm sorry kung nasaksihan mo na ganito ang pamilya namin. Hindi na talaga namin alam kung ano ang gagawin namin sa kapatid ko. Gabi-gabi kong ipinagdarasal na sana ay magbago na siya ng ugali at bumait," paumanhin nito kay Phil na blangko lamang ang expression ng mukha.

Hindi ko napigilan ang matawa sa tila pagiging mabait na madre na iginawi ng aking stepsister. "Hawakan mo ang bilog sa itaas ng ulo mo, Ruby. Kulang na lang kasi sa'yo ay halo at papasa ka nang anghel. Napakabait mo kasi. Kaso ingatan mo ang halo mo ab Baka biglang mahulog sa sahig lumabas pa ang sungay mo sa ulo na pilit mong itinatago."

Biglang dumilim ang mukha ni Ruby na halatadong napahiya sa mga sinabi ko samantalang hindi naman napigilan ng lalaking kasama ni Phil ang matawa ng bahagya nang marinig ang mga sinabi ko sa aking stepsister. Ngunit huminto rin ito sa pagtawa at tumikhim na lamang pagkatapos ay biglang sumeryosong muli ang anyo nang makita na napatingin sa kanya sina Mama at Tito Roman.

"Hindi kami nagpunta rito para saksihan ang pagmamahalan ng pamilya ninyo. Nagpunta kami rito para pag-usapan ang kasal na iniaalok ko kay Amber," hindi napigilang sabat naman ni Phil sa pilosopong tono. "Ayoko sa lahat ay iyong sinasayang ang oras ko sa mga wakang kuwentang bagay."

"I got it! Alam ko na ngayon kung bakit nagpanggap si Ruby na ako ay dahil sa alok na kasal ni Mr. Salvatore. Gusto ninyo na siya ang magpakasal sa kanya, di ba?" kausap ko sa aking ina at sa mag-ama. "Well, ituloy niyo na lang ang pagpapanggap dahil wala naman akong balak na magpakasal sa kanya. Hindi ko pinangarap na maikasal sa lalaking hindi ko kilala at ngayon ko lang nakita. So, go ahead. Labas na ako sa usapan ninyo kaya aalis na lamang ako para mapag-usapan ninyo ang kasal ninyong dalawa ni Mr. Salvatore," pagkatapos kong magsalita ay tumalikod ako at naglakad palapit sa pintuan. Ngunit hindi pa man ako nakakarating sa pintuan ay bigla na lamang umangat sa ere ang aking katawan dahil bigla akong binuhat ni Phil.

"Tayo ang may mahalagang pag-uusapan at hindi sila, Amber," malamig ang boses na wika ni Phil pagkatapos ay walang paalam na lumabas ito sa pintuan na mabilis na binuksan ng kasama nitong lalaki.

"Ano ba, Mr. Salvatore! Ibaba mo nga ako!" mariing utos ko sa kanya habang tila aso na nagkakakawag ako sa kanyang mga bisig para ibaba niya ako.

"Shut up! Baka gusto mong itapon kita sa kalsada? I'm willing to do it para manahimik iyang bunganga mo na tila walang kapaguran sa kakadakdak," seryoso ang anyo na banta niya sa akin. Bigla akong natahimik at napakapit pa sa kanyang leeg ang aking mga kamay nang makita kong hindi siya nagbibiro sa kanyang sinabi. Wala akong nagawa kundi ang mainis na lamang ng palihim. Nakakatakot namang galitin ang lalaking ito. Sayang, guwapo pa naman pero mukhang masungit at pinaglihi pa sa makulimlim na panahon ang mukha nitong seryoso at tila wala sa vocabulary nito ang salitang ngiti. Ang malas naman ng babaeng pakakasalan niya. Pero teka, hindi ba't inaalok niya ako ng kasal?

Kaugnay na kabanata

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY WIFE   Chapter 3

    Amber PovHanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Noong isang araw lamang ay single ang status ko pero ngayon ay married na. Pakiramdam ko ay binabangungot ako. Oo. Bangungot para sa akin ito dahil nagpakasal ako sa isang lalaki na hindi ko naman masyadong kilala. Ni sa hinaganap ay hindi ko akalain na mapapapayag ako ng isang estranghero na magpakasal sa kanya at pumasok sa isang contract marriage. Kahit sabihin pang contract marriage lamang ang magaganap at maghihiwalay rin kami pagkatapos ng anim na buwan ay nag-asawa pa rin ako. Ako na ngayon si Mrs. Pauline Amber Cruz-Salvatore.Matapos akong kausapin ni Phil Salvatore noong isang araw lamang at napapayag niya akong sa inalok niyang marriage contract ay lumipad kami papuntang Hongkong para doon magpakasal. Hindi ko alam kung bakit kailangang sa ibang bansa pa kami ikasal gayong puwede rin naman dito sa Pinas na lang. Pero naisip ko na baka siguro mas madali ang paghihiwalay namin kapag natapo

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY WIFE   Chapter 4

    Amber PovInosente ang pagkakangiti na hinarap ko ang babaeng nagsalita. "Hello po. Ikaw ba ang mayordoma rito ni Phil?" kausap ko sa kanya. Muntik na akong mapangisi nang makita kong nanlaki ang mga mata ng babae na sa tantiya ko ay nasa late forties na pero maganda pa rin. Namula ng mukha nito na tila napahiya lalo pa at hindi napigilan ng mga kasama sa bahay ni Phil ang matawa ng mahina sa sinabi ko. Ngunit nang tapunan sila ng masamang tingin ng babae ay agad nagsitahimik ang mga ito sa kinatatayuan."How dare you to call me that! Mukha ba akong mayordoma? At saka hindi mo ba narinig ang sinabi ko na pamangkin ko ang batang tumawag sa'yo ng stupid? I am Aloha. Phil's aunt. Itatak mo diyan sa utak mo," galit na sagot niya sa akin."A, tita pala kayo ng asawa ko. Mukha po kasi kayong istriktong mayordoma sa mga pelikula kaya napagkamalan kitang mayordoma. At saka hindi ko narinig ang sinabi mo kanina, medyo nabingi yata ako," nakangiting sagot ko naman sa kanya na hindi apektado sa

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY WIFE   Chapter 1

    Amber's Pov"Uy, tiba-tiba ka ngayon, Amber. Ang daming customers na nagbigay sa'yo ng tip ngayon, ah," nakangiting puna sa akin ni Mildy na kasamahan ko bilang waitress sa pinapasukan kong night bar. Hindi naman bar na may nagsasayaw na mga GRO ang pinapasukan kong bar kundi mga babaeng kumakanta at sumasayaw sa stage na maayos ang mga kasuotan ang nagpe-perform sa stage. Pero siyempre, kapag naririnig ng mga tao ang salitang night bar ay iniisip nilang mga naghuhubad na babae ang sumasayaw sa stage kahit naman hindi lahat ng bar ganoon. Ngunit alam ko na may mga kasamahan akong waitress na pumapayag na mailabas sila ng mga customer ng bar. Nasa aming mga waitress na ang desisyon kung papayag kaming "mag-all the way" at walang kinalaman ang management ng bar. Ngunit kung ang ibang mga waitress ay pumapayag sa ganoon para mas malaki ang kanilang kitain ay hindi ako. Kuntento na ako sa kakarampot na kinikita ko bilang waitress basta sa malinis na paraan nanggaling ang aking pera.Ang p

Pinakabagong kabanata

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY WIFE   Chapter 2

    Amber PovNanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ng guwapong bisita nina Tito Roman. Halatadong gulat na gulat ang aking anyo ngunit mabilis kong hinamig ang aking sarili. Baka pinagti-tripan lamang ako ng guwapong ito. Huwag ako ang pagtripan niya't makakatikim talaga siya sa akin ng malakas na sipa kung saan naroon ang kanyang golden balls."Ano namang kalokohan ang pinagsasasabi mo, Mr? At bakit naman magiging asawa mo ako?" nakairap na tanong ko sa kanya.Saka pa lamang tumayo ng tuwid ang lalaki at natuklasan kong papasa siya bilang basketball player ng Pilipinas. Ang tangkad niya sobra. Hindi naman ako pandak ngunit kung ikukumpara ang height ko sa kanya ay magmumukha kaming beautiful David and handsome Goliath. Kailangan ko pa tuloy tumingala sa kanya para makita ang mukha niya."Hindi ba kaya mo ipinaglaban na ikaw si Amber ay dahil gusto mong ikaw ang ang maging wife ko at hindi ang kapatid mo?" nakataas ang kilay na kausap sa akin ng lalaki. Seryoso ang mukha nit

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY WIFE   Chapter 1

    Amber's Pov"Uy, tiba-tiba ka ngayon, Amber. Ang daming customers na nagbigay sa'yo ng tip ngayon, ah," nakangiting puna sa akin ni Mildy na kasamahan ko bilang waitress sa pinapasukan kong night bar. Hindi naman bar na may nagsasayaw na mga GRO ang pinapasukan kong bar kundi mga babaeng kumakanta at sumasayaw sa stage na maayos ang mga kasuotan ang nagpe-perform sa stage. Pero siyempre, kapag naririnig ng mga tao ang salitang night bar ay iniisip nilang mga naghuhubad na babae ang sumasayaw sa stage kahit naman hindi lahat ng bar ganoon. Ngunit alam ko na may mga kasamahan akong waitress na pumapayag na mailabas sila ng mga customer ng bar. Nasa aming mga waitress na ang desisyon kung papayag kaming "mag-all the way" at walang kinalaman ang management ng bar. Ngunit kung ang ibang mga waitress ay pumapayag sa ganoon para mas malaki ang kanilang kitain ay hindi ako. Kuntento na ako sa kakarampot na kinikita ko bilang waitress basta sa malinis na paraan nanggaling ang aking pera.Ang p

DMCA.com Protection Status