Share

Chapter 3

Author: iamsimple
last update Huling Na-update: 2023-01-17 22:31:46

Amber Pov

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Noong isang araw lamang ay single ang status ko pero ngayon ay married na. Pakiramdam ko ay binabangungot ako. Oo. Bangungot para sa akin ito dahil nagpakasal ako sa isang lalaki na hindi ko naman masyadong kilala. Ni sa hinaganap ay hindi ko akalain na mapapapayag ako ng isang estranghero na magpakasal sa kanya at pumasok sa isang contract marriage. Kahit sabihin pang contract marriage lamang ang  magaganap at maghihiwalay rin kami pagkatapos ng anim na buwan ay nag-asawa pa rin ako. Ako na ngayon si Mrs. Pauline Amber Cruz-Salvatore.

Matapos akong kausapin ni Phil Salvatore noong isang araw lamang at napapayag niya akong sa inalok niyang marriage contract ay lumipad kami papuntang Hongkong para doon magpakasal. Hindi ko alam kung bakit kailangang sa ibang bansa pa kami ikasal gayong puwede rin naman dito sa Pinas na lang. Pero naisip ko na baka siguro mas madali ang paghihiwalay namin kapag natapos na ang contract na pinirmahan namin dahil wala namang divorce rito sa Pilipinas.

Nang binuhat ako ni Phil at sapilitang isinama sa loob ng kotse niya para kausapin ay nalaman ko kung ano ang dahilan niya sa pagpupumilit na pakasalan ko siya. Nasa ospital pala ang kanyang lolo at nanganganib na mapunta sa kamay ng iba ang kompanyang pinaghirapan nito. Ayon kay Phil ay may taning na ang buhay ng Lolo Fidel nito at anim na buwan na lamang ang itatagal nito sa mundo. Gusto ng lolo nito na bago man lang ito mawala sa mundo ay makita nitong mag-asawa si Phil. At dahil ayaw ni Phil na mag-asawa ay tinakot ito ng kanyang lolo na sa loob ng isang buwan kapag hindi ito nag-asawa ay babawiin nito sa kanya at ibibigay sa kanyang Uncle Art ang posisyon ng pagiging CEO o Chief Executive Officer, ang pinakamataas na tungkulin sa kompanya nito. Alam ni Phil na masyadong ganid sa kayamanan ang kanyang uncle at tiyak na aangkinin nito ang buong kompanya kapag ito ang naging CEO kaya hindi niya mapapayagan na mapunta rito ang kompanya na pinaghirapang itayo at palaguin ng kanyang lolo kasama ang kanyang mga magulang na parehong namatay sa isang malagim na aksidente.

At kaya naman ako ang napili niyang pakasalan ay dahil malapit na kaibigan ng mga magulang niya at ng kanyang lolo ang aking ama noong nabubuhay pa ito. Secretary ng daddy ni Phil ang aking ama at kasama itong namatay sa aksidente. Madalas daw ibinibida ng aking ama na may anak itong napakaganda. Nang maghiwalay ang aking mga magulang ay mas pinili kong sumama sa aking ama. Bata pa lamang kasi ako ay mas close na ako sa aking ama kaysa sa aking ina. Nang mamatay ang papa ko 5 years ago ay kinuha naman ako ni mama para sa kanya naman ako tumira. At doon na nag-umpisa ang kalbaryo ng buhay ko.

Ang dahilan kung bakit pumayag ako sa inialok ni Phil ay dahil natuklasan ko na   ang lolo niya pala ang sponsor sa foundation na siyang nagbigay sa akin ng scholarship para sa kolehiyo. Malapit na kasi akong magtapos sa senior high school kaya magagamit ko na ang college scholarship na ibinigay sa akin ng Bright Future Foundation. Malaking tulong iyon sa akin dahil libre ang pag-aaral ko sa college at mga tanging mga miscellaneous fee lamang ang aking babayaran. At malaki ang pasasalat ko sa aking homeroom teacher dahil siya ang nag-endorse sa akin sa BFS para makatanggap ako ng scholarship. So may utang na loob ako sa kanila at ito lamang ang tanging paraan para magantihan ko ang kabutihang loob ng kanyang lolo. Six months lang naman kaya okay lang iyon. Eksakto lang na matatapos na ang pagpapanggap ko bilang asawa niya ay mag-uumpisa naman akong mag-aral sa college.

Malalim akong napabuntong-hininga. Kagagaling lamang namin sa airport at sinundo kami ni Atty. Ariel Santos, ang personal lawyer na kasama ni Phil nang magpunta siya sa bahay ni Tito Roman. Naputol ang aking pag-iisip nang biglang magsalita si Phil.

"Malapit na tayo sa bahay ko, Amber. Tandaan mo. Walang dapat na makaalam na contract marriage lamang ang   pagiging mag-asawa natin. Kapag may nakaalam ng sekreto natin ay alam mo na kung ano ang mangyayari," seryoso ang boses na babala ni Phil sa akin habang magkatabi kaming nakaupo sa passenger seat ng kanyang BMW na kotse.

"Huwag kang mag-aalala, Mr. Salvatore. Hindi tayo mabubuko. King gusto mo pa ay lagi akong nakakapit sa'yo na parang tuko para sabihin nilang super in love ako sa'yo," sarcastic kong tugon sa kanya. Heto ako at pumayag na maging contract wife niya dahil may utang na loob ako sa kanila tapos siya ay gagawin namang panakot sa akin ang bagay na iyon? Nakakainis. Babawiin daw niya ang scholarship na ibinigay sa akin ng foundation kapag may nakaalam sa sekreto namin sa loob ng anim na buwan.

"Hindi mo kailangan umabot sa ganyan dahil alam ng mga tao sa bahay ko na hindi ako showy pagdating sa mga bagay na iyan. Just act normal. Be yourself," seryoso pa rin ang mukha na sagot niya sa akin. Hindi ko naiwasan ang mapailing. Sino ang maniniwala na mag-asawa kami kung ganito kami mag-usap? Bahala na nga si Batman.

Pumasok sa malaking gate ang kotse ni Phil. At mula sa gate ay mga tatlumpong segundo pa siguro ang itinagal bago huminto ang kotse ni Phil sa harapan ng isang napakalaking mansion. Sa labas pa lamang ay makikita nang malaki ang bahay ni Phil lalong-lalo na siguro sa loob.

"Dito ka nakatira?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Phil.

"Yes. Bakit? Naliliitan ka ba sa mansion ko?" masungit na tanong niya sa akin. 

Inirapan ko siya nang marinig ko ang kanyang sinabi. Anong klase ba ng utak mayroon ang lalaking ito? "Mukha ba akong naliliitan sa mansion mo?" 

"Let's go down," sabi niya sa akin sa halip na pansinin ang sinabi ko. Napailing na lamang ako bago sumunod sa kanya sa paglabas ng kotse. Paano naman kaya namin makukumbinsi ang mga taong nakatira sa bahay niya kung ganito kami mag-usap? Para lamang siyang nakikipag-usap sa kanyang employee. 

Magkasabay kaming naglakad  palapit sa pintuan. Hindi pa man kami tuluyang nakakalapit sa malaking pintuan ay bigla na iyong bumukas.

"Maligayang pagdating, Ma'am Amber Salvatore," sabay-sabay na bati sa akin ng mga kasambahay ni Phil na nakalinya pa sa magkabilang side ng pintuan. Bahagya pa nilang iniyuko ang kanilang mga ulo bilang paggalang sa akin. 

Nakaramdam ako ng pagkailang dahil hindi ako sanay sa ganitong pagtrato na tila isa akong mahalagang tao sa bahay na ito. Nakangiti sa akin ang mga naka-uniform na kasambahay ni Phil maliban sa lalaking nasa dulo ng linya. Siguro mga nasa fifty plus na ito at mukhang istrikto. Katulad ni Phil ay tila hindi rin ito marunong ngumiti. Hindi ko alam kung nahawaan ba siya ni Phil ng pagiging seryoso o siya ang nakahawa kay Phil para maging seryoso palagi ang mukha?

"Sila ang mga mapagkakatiwalaan kong kasambahay, Amber. Maaari kang lumapit sa kanila kung may kailangan ka," kausap sa akin ni Phil pagkatapos ay ipinakilala sa akin ang mga pangalan ng sampung mga kasambahay nito. Isang cook at assistant cook, isang labandera, isang yaya dahil may seven years old na pamangkin si Phil na nakatira sa bahay niya, apat na tagalinis ng malaking bahay, isang hardinero at ang personal driver nito. Digna, Irene, Mona, Linda, Chel, Carmen, Aida, Belya, Estong at Eping. Tiyak na magkakapalit-palit ang mga pangalan nila kapag tinawag ko sila. Hindi pa naman ako matandain sa mga pangalan ng tao. "At siyempre si Felix na siyang butler sa aking bahay," huling pakilala ni Phil sa lalaking seryoso at nasa huling pila. 

"Puwede ko bang ilista ang mga pangalan nila? Mabilis ko kasing makalimutan ang mga pangalan ng tao. Pero ngayon lang naman dahil sa katagalan ay masasanay rin akong nakikita sila kaya maaalala ko na ang mga pangalan nila," hindi napigilang request ko kay Phil na bigla namang napasimangot nang marinig ang sinabi ko.

"Good afternoon, Ma'am Amber," sabay-sabay na bati sa akin ng mga kasambahay ni Phil maliban sa butler na si Felix. Nakatingin lamang siya sa akin na para bang inuuri niya ang aking pagkatao. Mukhang istrikto si Felix. Hindi lang pala mukha kundi talagang istrikto ito dahil halatado naman sa kanyang hitsura. At mukhang mas nakakatakot pa siya kaysa kay Phil. Ang tingin ko tuloy kay Felix ay parang ang istriktong principal namin. Na kapag dumadaan sa mga nag-uumpukang estudyante ay tila nagiging pipi dahil lahat walang nagsasalita.

"Who is this stupid lady, Uncle Phil?" biglang tanong ng isang batang lalaki na patakbong lumapit kay Phil.

"Stupid lady?" ulit ko sa sinabi ng bata. Tila gustong umakyat ng aking dugo papunta sa aking ulo. Mukhang makakakain yata ako ngayon ng kutong-lupa. Kabata-bata pa ay marunong nang mang-lait. "Excuse me, little boy. I'm not stupid, okay? At saka bakit nagsasalita ka ng bad word sa mas nakakatatanda sa'yo?" nandidilat ang mata na kausap ko sa bata. Ang cute-cute pa naman nito ngunit mukhang little devil. 

"Ano naman ang masama sa sinabi ng pamangkin ko? Ang dali lang namang tandaan ng pangalan ng mga kasambahay namin pero hindi mo sila kayang tandaan? Then you're really stupid just like what my nephew says," biglang sabat naman ng isang babaeng kasunod ng batang lalaki nang lumapit sa amin. Halatado sa hitsura niya na mataray siya ngunit hindi ako nagpa-intimidate sa kanya. Mukhang hindi yata magiging smooth ang pagtira ko sa mansion ni Phil. Hindi lang ang masungit kong asawa ang aking pakikisamahan dahil narito ang butler niya na tiyak mahihirapan akong makasundo, ang pamangkin niyang tila matanda kung mag-isip at ang babaeng ito na tiyahin yata niya na kung tumingin sa akin ay parang nais na akong itapon palabas ng bahay. Ngunit kailangan ko silang tiisin alang-alang sa utang na loob ko sa lolo ni Phil at para na rin sa ikagaganda ng aking kinabukasan dahil sa kanilang scholarship. Fighting lang, Amber! 

Kaugnay na kabanata

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY WIFE   Chapter 4

    Amber PovInosente ang pagkakangiti na hinarap ko ang babaeng nagsalita. "Hello po. Ikaw ba ang mayordoma rito ni Phil?" kausap ko sa kanya. Muntik na akong mapangisi nang makita kong nanlaki ang mga mata ng babae na sa tantiya ko ay nasa late forties na pero maganda pa rin. Namula ng mukha nito na tila napahiya lalo pa at hindi napigilan ng mga kasama sa bahay ni Phil ang matawa ng mahina sa sinabi ko. Ngunit nang tapunan sila ng masamang tingin ng babae ay agad nagsitahimik ang mga ito sa kinatatayuan."How dare you to call me that! Mukha ba akong mayordoma? At saka hindi mo ba narinig ang sinabi ko na pamangkin ko ang batang tumawag sa'yo ng stupid? I am Aloha. Phil's aunt. Itatak mo diyan sa utak mo," galit na sagot niya sa akin."A, tita pala kayo ng asawa ko. Mukha po kasi kayong istriktong mayordoma sa mga pelikula kaya napagkamalan kitang mayordoma. At saka hindi ko narinig ang sinabi mo kanina, medyo nabingi yata ako," nakangiting sagot ko naman sa kanya na hindi apektado sa

    Huling Na-update : 2023-01-29
  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY WIFE   Chapter 1

    Amber's Pov"Uy, tiba-tiba ka ngayon, Amber. Ang daming customers na nagbigay sa'yo ng tip ngayon, ah," nakangiting puna sa akin ni Mildy na kasamahan ko bilang waitress sa pinapasukan kong night bar. Hindi naman bar na may nagsasayaw na mga GRO ang pinapasukan kong bar kundi mga babaeng kumakanta at sumasayaw sa stage na maayos ang mga kasuotan ang nagpe-perform sa stage. Pero siyempre, kapag naririnig ng mga tao ang salitang night bar ay iniisip nilang mga naghuhubad na babae ang sumasayaw sa stage kahit naman hindi lahat ng bar ganoon. Ngunit alam ko na may mga kasamahan akong waitress na pumapayag na mailabas sila ng mga customer ng bar. Nasa aming mga waitress na ang desisyon kung papayag kaming "mag-all the way" at walang kinalaman ang management ng bar. Ngunit kung ang ibang mga waitress ay pumapayag sa ganoon para mas malaki ang kanilang kitain ay hindi ako. Kuntento na ako sa kakarampot na kinikita ko bilang waitress basta sa malinis na paraan nanggaling ang aking pera.Ang p

    Huling Na-update : 2023-01-01
  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY WIFE   Chapter 2

    Amber PovNanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ng guwapong bisita nina Tito Roman. Halatadong gulat na gulat ang aking anyo ngunit mabilis kong hinamig ang aking sarili. Baka pinagti-tripan lamang ako ng guwapong ito. Huwag ako ang pagtripan niya't makakatikim talaga siya sa akin ng malakas na sipa kung saan naroon ang kanyang golden balls."Ano namang kalokohan ang pinagsasasabi mo, Mr? At bakit naman magiging asawa mo ako?" nakairap na tanong ko sa kanya.Saka pa lamang tumayo ng tuwid ang lalaki at natuklasan kong papasa siya bilang basketball player ng Pilipinas. Ang tangkad niya sobra. Hindi naman ako pandak ngunit kung ikukumpara ang height ko sa kanya ay magmumukha kaming beautiful David and handsome Goliath. Kailangan ko pa tuloy tumingala sa kanya para makita ang mukha niya."Hindi ba kaya mo ipinaglaban na ikaw si Amber ay dahil gusto mong ikaw ang ang maging wife ko at hindi ang kapatid mo?" nakataas ang kilay na kausap sa akin ng lalaki. Seryoso ang mukha nit

    Huling Na-update : 2023-01-09

Pinakabagong kabanata

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY WIFE   Chapter 4

    Amber PovInosente ang pagkakangiti na hinarap ko ang babaeng nagsalita. "Hello po. Ikaw ba ang mayordoma rito ni Phil?" kausap ko sa kanya. Muntik na akong mapangisi nang makita kong nanlaki ang mga mata ng babae na sa tantiya ko ay nasa late forties na pero maganda pa rin. Namula ng mukha nito na tila napahiya lalo pa at hindi napigilan ng mga kasama sa bahay ni Phil ang matawa ng mahina sa sinabi ko. Ngunit nang tapunan sila ng masamang tingin ng babae ay agad nagsitahimik ang mga ito sa kinatatayuan."How dare you to call me that! Mukha ba akong mayordoma? At saka hindi mo ba narinig ang sinabi ko na pamangkin ko ang batang tumawag sa'yo ng stupid? I am Aloha. Phil's aunt. Itatak mo diyan sa utak mo," galit na sagot niya sa akin."A, tita pala kayo ng asawa ko. Mukha po kasi kayong istriktong mayordoma sa mga pelikula kaya napagkamalan kitang mayordoma. At saka hindi ko narinig ang sinabi mo kanina, medyo nabingi yata ako," nakangiting sagot ko naman sa kanya na hindi apektado sa

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY WIFE   Chapter 3

    Amber PovHanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Noong isang araw lamang ay single ang status ko pero ngayon ay married na. Pakiramdam ko ay binabangungot ako. Oo. Bangungot para sa akin ito dahil nagpakasal ako sa isang lalaki na hindi ko naman masyadong kilala. Ni sa hinaganap ay hindi ko akalain na mapapapayag ako ng isang estranghero na magpakasal sa kanya at pumasok sa isang contract marriage. Kahit sabihin pang contract marriage lamang ang magaganap at maghihiwalay rin kami pagkatapos ng anim na buwan ay nag-asawa pa rin ako. Ako na ngayon si Mrs. Pauline Amber Cruz-Salvatore.Matapos akong kausapin ni Phil Salvatore noong isang araw lamang at napapayag niya akong sa inalok niyang marriage contract ay lumipad kami papuntang Hongkong para doon magpakasal. Hindi ko alam kung bakit kailangang sa ibang bansa pa kami ikasal gayong puwede rin naman dito sa Pinas na lang. Pero naisip ko na baka siguro mas madali ang paghihiwalay namin kapag natapo

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY WIFE   Chapter 2

    Amber PovNanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ng guwapong bisita nina Tito Roman. Halatadong gulat na gulat ang aking anyo ngunit mabilis kong hinamig ang aking sarili. Baka pinagti-tripan lamang ako ng guwapong ito. Huwag ako ang pagtripan niya't makakatikim talaga siya sa akin ng malakas na sipa kung saan naroon ang kanyang golden balls."Ano namang kalokohan ang pinagsasasabi mo, Mr? At bakit naman magiging asawa mo ako?" nakairap na tanong ko sa kanya.Saka pa lamang tumayo ng tuwid ang lalaki at natuklasan kong papasa siya bilang basketball player ng Pilipinas. Ang tangkad niya sobra. Hindi naman ako pandak ngunit kung ikukumpara ang height ko sa kanya ay magmumukha kaming beautiful David and handsome Goliath. Kailangan ko pa tuloy tumingala sa kanya para makita ang mukha niya."Hindi ba kaya mo ipinaglaban na ikaw si Amber ay dahil gusto mong ikaw ang ang maging wife ko at hindi ang kapatid mo?" nakataas ang kilay na kausap sa akin ng lalaki. Seryoso ang mukha nit

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY WIFE   Chapter 1

    Amber's Pov"Uy, tiba-tiba ka ngayon, Amber. Ang daming customers na nagbigay sa'yo ng tip ngayon, ah," nakangiting puna sa akin ni Mildy na kasamahan ko bilang waitress sa pinapasukan kong night bar. Hindi naman bar na may nagsasayaw na mga GRO ang pinapasukan kong bar kundi mga babaeng kumakanta at sumasayaw sa stage na maayos ang mga kasuotan ang nagpe-perform sa stage. Pero siyempre, kapag naririnig ng mga tao ang salitang night bar ay iniisip nilang mga naghuhubad na babae ang sumasayaw sa stage kahit naman hindi lahat ng bar ganoon. Ngunit alam ko na may mga kasamahan akong waitress na pumapayag na mailabas sila ng mga customer ng bar. Nasa aming mga waitress na ang desisyon kung papayag kaming "mag-all the way" at walang kinalaman ang management ng bar. Ngunit kung ang ibang mga waitress ay pumapayag sa ganoon para mas malaki ang kanilang kitain ay hindi ako. Kuntento na ako sa kakarampot na kinikita ko bilang waitress basta sa malinis na paraan nanggaling ang aking pera.Ang p

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status