Pangit man si Faye sa paningin ng lahat nakuha pa rin niya ang pag-ibig ni Anand Villanueva, ngunit, bakit bigla itong nag ago kung kailan kasal na sila at magkakaanak na? Maniniwala na nga ba siyang pinakasalan lang siya nito dahil isa siyang Galino – ang tagapagmana at magmamay-ari ng Diwata Toy Store?
View MoreSI Vincent Harrison ay isang reconstructive surgeon na tumulong kay Faye para baguhin ang kanyang hitsura. Inalis nito ang peklat na nasa kanyang mukha na siyang naging dahilan kaya pakiramdam niya'y ibang tao na siyang talaga. Well, totoo naman iyon. Ngayon naman kasi ay taas noo na siyang nakapaglalakad dahil wala na siyang mukhang dapat na iiwas. Nagagawa na rin niyang ngumiti ng matamis na matamis kahit na nagdurugo ang kanyang puso. Ang akala niya kasi ay pinakasalan siya ni Anand dahil mahal siya nito, gaya ng sinasabi nito pero nagkamali siya. Pinakasalan siya nito dahil nais nitong sundin ang request ng babaeng tunay nitong mahal – si Tricia, ang kaanyang step sister. Malalim na buntunghininga na lamang ang kanyang pinawalan sa kaisipang iyon kaya naman nasabi niya sa kanyang sarili ang katagang 'çongratulations’. Dati kasi kapag naiisip niya ang pagtatraydor na ginawa sa kanya ng lalaking sobra-sobra niyang minahal at ng itinuturing niyang parang tunay niyang kapatid, hind
"MARRY me," mariing sabi ni Anand. Gilalas na napatingin si Faye kay Anand. Hindi niya mapaniwalaan na sasabihin ito sa kanya ni Anand kaya buong panggilalas pa siyang nagsabi ng 'ano?' talaga naman kasing nakakabigla ang sinabi nito. Oo nga't magkarelasyon sila pero unang araw pa lang ng pagiging magkasintahan nila kung tutuusin. At hindi sapat ang panahon na iyon para magsabi na sila ng 'I do' sa isa't isa. "May nangyari na sa atin," mariin nitong sabi. Nang pumasok sa isipan niya ang mga naganap sa kanila ni Anand, biglang nag-init ang kanyang pakiramdam. Ang halik, yakap at pag-angkin sa kanya ni Anand ay parang tag price na nakatatak na sa kanyang isipan. "So?" Kunwari ay tanong niya. "Hindi ako papayag na maging ama ng hindi tayo kasal," wika nito. Bigla tuloy siyang natigilan. Para kasing lumipad sa isipan niya na maaari siyang mabuntis habang inaangkin siya ni Anand. Ang tanging nais lang niya kasi ng mga sandaling iyon ay maipadama kay Anand ang kanyang pagmamahal. Ngu
MANINIWALA ba siya talaga? Tanong ni Faye sa kanyang sarili. Sabi ng utak niya, huwag kang magpautong pangit ka. Walang sinumang lalaki ang magmamahal sa'yo, subalit kumontra ang isang bahagi ng kanyang vital organ – ang kanyang puso. Damang-dama naman kasi niya ang katapatan ni Anand. Kung wala itong pagmamahal sa kanya, siguradong hindi na siya maililigtas pa. Maaari naman kasi siya nitong pabayaan ngunit, hindi nito ginawa. Bumalik ito para hanapin. "Faye…." Wika nitong hirap na hirap. Tumingin siya rito. "Naniniwala ka naman sa akin, hindi ba?"Gusto niyang sabihing 'oo, naniniwala ako sa'yo' pero para pa ring may nakabara sa kanyang lalamunan. Para tuloy nilamutak ang kanyang puso nang makita niya ang sakit sa mukha ni Anand. "Kaya ba hindi mo ako hinintay nu'ng sinabi kong susunduin kita? Kasi, hindi ka naniniwala na mahal kita," hirap na hirap na wika nito. "No," wika niya. Napangiwi siya nang mapagtanto niyang mali ang kanyang salitang nabitawan. Ang sakit kasing nakiki
NANG maalala ni Faye ang nangyari, bigla siyang napahagulgol. Ayaw din niyang tingnan ang sarili at ang paligid dahil natatakot siyang makumpirma ang nangyari.IAng una kasing pumasok sa isip niya ay nagtagumpay ang mga buhong sa paglapastangan sa kanya. Dahil sa nerbiyos niya kanina ay nawalan siya ng malay kaya hindi na niya matandaan pa ang nangyari. Ngunit, ano pa ba ang magaganap kung wala siyang lakas para lumaban. Siyempre, nagpasasa na lang ang mga ito sa kanyang katawan. Ang sabi niya kasi sa kanyang sarili, ibibigay lang niya ang sarili niya sa taong mahal niya. Siyempre, si Anand ang kanyang naisip. Ito naman kasi ang mahal niya at sa tingin niya ay wala na siyang ibang mamahalin kundi ito lang. Sa unang pagtatama pa lang ng mga mata nila ay naramdaman na niyang maybpagtingin siya rito. Talagang hinangaan niya ang kaguwapuhan nito tapos nagkaroon pa siya ng pagkakataon na makilala ito.Kahit sabihing hindi niya alam ang buo nitong pagkatao dahil hindi naman siya ipinakiki
"OH, My God!" Bulalas ni Faye nang mapagtanto niyang alas-siyete na pala. Hindi niya namalayan ang oras dahil gusto niyang tapusin ang lahat ng assignment niya. Dahil third year na siya ay pahirap na rin nang Nawala tuloy sa isipan niya na susunduin nga pala siya ni Anand. Masyado siyang nasanay na mag-isa sa loob ng labing siyam na taon kaya nakaligtaan niyang iba na pala ang sitwasyon ngayon, mayroon na siyang boyfriend. Wala mang ligawan na nangyari sa pagitan nila pero naging magkaibigan naman sila. At talagang mahal niya si Anand Villanueva. Hiling lang niya ay ganoon din sana ang nararamdaman nito sa kanya. Napa-oh no siya nang tingnan niya ang kanyang cellphone. Naka-20 missed calls na si Anand at nakatanggap din siya ng sandamakmak na text buhat dito. Nilagay niya kasi iyon sa silent mode dahil nga nasa library siya. Andito pa ako sa library. Don't worry, pauwi na rin ako, nakangiwi niyang sabi habang tinitext iyon. Malapit na rin kasing ma-lowbatt ang kanyang cellphon
KAHIT gusto na ni Faye na magmalaki, alam niyang mapapahiya lamang siya. Tiyak kasi niyang maraming mga mata ang nakasunod ng tingin sa kanila ni Anand, partikular na sa kanilang mga kamay na magkahawak. Sa higpit nang pagkakahawak sa kanya ni Anand, parang sinasabi nitong 'huwag kang mag-alala, akong bahala'. Kaya, wala na siyang nagawa kundi pagkatiwalaan si Anand, ang kanyang boyfriend.Talagang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagmamahalan sila ni Anand. Buong akala niya kasi'y mananatili lang pangarap ang pagmamahal niya para kay Anand. "Susunduin kita mamaya, ha," masuyong sabi sa kanya ni Anand nang maihatid na siya nito sa kanyang classroom. "Sige," sabi na lang niya. Hindi man siya lumingon sa paligid, alam niyang maraming mga mata ang nakatingin sa kanila. Hindi lang ang mga nasa loob ng kanilang classroom, pati na rin iyong mga nasa labas. "Wala ba akong kiss, Love?" Buong paglalambing na tanong sa kanya ni Anand. May kalakasan ang pagkakasabing iyo
ANG akala ni Faye ay didiretso na sila ni Anand sa eskuwelahan pero nagkamali siya dahil pinark ni Anand sa isang fastfood ang kotse nito. "Pasensiya ka na kung sa Jollibee lang muna ang first date natin, mali-late ka kung magha-hanap pa tayo ng ibang kakainan," wika ni Anand sa napakalambing na tono. "Kahit naman hindi tayo kumain ay okay lang," nahagilap niyang sabihin. "Hindi magandang pumasok na walang laman ang tiyan," wika ni Anand. Natutop niya tuloy ang tiyan dahil sa sinabi ni Anand. Alam niyang kaya nabuking ni Anand na hindi pa siya kumakain dahil nag-iingay na ang mga buwaya niya sa kanyang tiyak. Masaya kasing nag-uusap-usap kanyang Papa, Tita Amanda at si Tricia habang nag-aalmusal at alam niyang masisira ang mood ng kanyang ama kapag nakita siya nito kaya minabuti na lamang niyang umalis ng hindi nag-aalmusal. "Love," wika ni Anand. "Love?" Wika niya. "Tayo na kaya ang endearment ko sa'yo Love. Ikaw, anong itatawag mo sa akin?" malambing na tanong nito sa kanya.
MARAHANG kagat sa pang ibabang labi ni Faye ang naging daan para siya ay matauhan. Bahagya tuloy niyang itinulak si Anand para malayo ito sa kanya pero parang gawa sa bato ang katawan nito dahil ni hindi man lang ito natinag.Hinawakan pa nga nito ang mga kamay niya na parang inaawat siyang palayuin ito. "Anand…" wika niya. Kahit may gusto pa siyang sabihin ay parang hindi na niya kaya pang ibulalas. Parang ang mga kamay ni Anand na nakahawak sa kanyang kamay ay may kakayahang sunugin ang mga nararamdaman niyang negatibo. Ang mga eksenang tulad kasi nito ay matagal na niyang in-imagine na mangyayari sa kanyang isipan. Kaya, parang gusto niyang sampalin ang sarili para mapagtanto niyang hindi lamang ilusyon ang nangyayari. Ngumiti ito sa kanya. "Tayo na.""Ha?""Mahal kita. Mahal mo ako. Dapat lang tayong magsama," nakangiting sabi ni Anand habang hinahaplos ang kanyang pisngi. Hindi niya napigilan ang mapasinghap sa ginagawa nito. Para ring may malaking kamay na humahaplos sa kany
I LOVE you? Manghang bulalas ni Faye. Ilang saglit tuloy siyang natulala. Talaga kasing hindi niya inaasahan na maririnig niya ang mga salitang iyon kay Anand. Bahagya siyang umiling dahil ayaw niyang paniwalaan ang sinabi ni Anand. Marahil, nagbibiro lang ito o kaya naman sinabi lang ang mga salitang iyon dahil malapit sila sa isa't isa. Sa pagkakaalam niya kasi ay kaibigan lang ang turing nito sa kanya. May palagay nga siyang naaawa lang ito sa kanya kaya lagi siyang sinasamahan. Duda rin niya ay pinakiusapan lang ito ni Tricia na bantayan siya at laging protektahan. Hindi man kasi sila magkadugo ni Tricia, parang tunay na magkapatid ang kanilang turingan kaya lahat din ay gagawin ng kanyang stepsister para mapaligaya lang siya. Malalim na buntunghininga tuloy ang pinawalan niya pagkaraan. Naisip kasi niya na hindi naging mabuti na nalaman nito na may gusto siya kay Anand, sa kaibigan nito."Anong ginagawa mo rito?" Gilalas na tanong niya kay Anand nang malabasan niya ito. Nakaha
MARAMI mang naitulong sa kanya si Vincent, parang hindi pa rin sapat iyon para may maglandas na luha sa kanyang mga mata. Para ngang ordinaryong bagay lang ang nakikita niyang ibinababa ang kabaong nito sa hukay. Dahil ba sa hindi naman niya ito minahal kahit palagi nitong sinasabi na mahal na mahal siya? O baka naman dahil matagumpay na naituro sa kanya ni Vince kung paanong hindi magpadala sa emosyon. Magalit ka! Bulyaw sa kanya ni Vince nang bumalik sa alaala niya ang nakaraan. Ilang beses siyang umiling dahil parang hindi niya kayang magalit sa pinakamamahal niya kahit maraming beses na siya nitong pinaasa at pinagsinungalingan. Bukod doon, pinagtaksilan pa siya nito at pinagtangkaang patayin. Napabuntunghininga siya nang malalim nang maisip niyang naniniwala nga pala si Anand na patay na siya. Kaya, maaaring sa panahong ito ay mayroon na itong asawa. Bilang biyudo niya, lahat ng pag-aari niya ay pag-aari na nito ngayon kaya kung pinakasalan man ni Anand ang girlfriend nito, ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments