"KUNG magsalita ka naman parang close tayo," hindi napigilang sabihin ni Faye pagkaraan ng ilang sandali. Itinuon niya ang atensyon sa pag-inom ng juice. Tapos na siyang kumain pero hindi pa niya magawang tumayo at umalis.
Fifteen minutes pa bago magsimula ang susunod mong klase, paalala niya sa sarili. Gusto niyang isipin na iyon ang dahilan kaya nanatili siyang nakaupo roon. Ngunit, ang mapanuksong puso niya ay nagsasabing gusto lang niyang makasama pa ang kanyang crush. Hindi na kasi niya alam kung mauulit pa ang mga sandaling iyon. Baka nga iyon na ang una at huling beses niyang makakasabay si Anand na kumain.
Feeling mo nagdi-date kayo? Sarkastikong tanong niya sa sarili. Kunsabagay, wala namang pagkakakaiba sa nagdi-date ang pwesto nila ngayon. Nakaupo ito sa harap ng kinauupuan niya.
"Done?" Tanong nito.
Bigla tuloy siyang napapitlag sa tanong nito. Wari'y nagtataka ito kung bakit hindi pa siya umaalis gayung tapos na siyang kumain. Kahit hindi siya nakaharap ngayon sa salamin, tiyak niyang nagkulay makopa ang kanyang pisngi.
Napasinghap lang siya nang maisip niyang pagtatawanan lang siya ni Anand kapag nalaman nito ang kanyang damdamin.
Ayaw na niya siyempreng hintayin pa mangyari iyon kaya tumayo na siya at umalis. Habang naglalakad lang siya ay na-realize niyang naging bastos siya kay Anand. Ni hindi man lang kasi siya nagpaalam dito pero naisip niyang hindi naman kasi niya ito kasama sa mesa. Baka naman kapag nagpaalam pa siya ay maisip nitong may gusto siya rito.
"Hintayin mo naman ako," nagrereklamong sabi ng baritonong boses.
Bigla siyang napahinto sa kanyang paghakbang nang marinig niya ang boses ni Anand kaya naging awtomatiko ang kanyang paglingon. Hindi nga lang niya napaghandaan na sa kanyang paglingon ay babalibag siya sa malapad nitong dibdib na nagpataranta sa lahat ng kanyang senses.
"Oh," wika niya nang maramdaman niya ang pagpulupot ng bisig nito sa kanyang katawan. Muli, naramdaman na naman niya ang pagdaloy ng kuryente sa kanyang katawan kaya hindi rin niya napigilan ang mapasinghap nang magkatitigan sila. Para kasing saglit na huminto ang tibok ng kanyang puso pero pagkaraan ay biglang bumilis ang pagpintig.
"Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya. Hindi pa rin siya nito binibitawan kaya lalong lumakas ang pintig ng puso niya. Hindi lang iyon dahil sa kaba, kundi dahil sa nararamdaman niya para kay Anand.
"Okay na, okay na," wika niya nang mabalanse niya ang sarili sa pagkakatayo. Nag-thumbs up pa nga siya rito dahil talagang gusto niyang ipakita rito na okay na okay siya.
Ngunit, paano siya magiging okay kung sobra siyang ninenerbiyos dahil sa pagkakadaiti ng kanilang mga balat?
"Mabuti naman."
"Bakit ba kasi sinundan mo pa ako?" Tanong niya. Ang gusto sana niya ay tarayan ito kaya lang hindi naman niya alam kung paano magalit, kahit kaunti lang.
"May nakalimutan kasi akong itanong sa'yo," wika nito sa ulo.
"Ano?" Nagtataka niyang tanong. Ewan lang niya kung bakit ba hanggang ngayon ay ayaw pa ring bumalik sa normal ang pintig ng kanyang puso. Pakiwari niya tuloy, nag-jogging siya mula Manila hanggang Bulacan. Pagod na pagod kasi siya kahit minsan na niyang nasubukang tumakbo ng sampung kilometro.
"Pwede ba kitang maging kaibigan?" Masuyong tanong nito.
"Ano?"
Gusto kitang maging kaibigan," wika nitong nakatingin sa kanyang mga mata.
Hindi niya tuloy napigilan ang mapasinghap. Para kasing napakaseryoso nito.
"Why, me?" Napapantastikuhan niyang tanong nu'ng rumehistro sa kanyang utak ang gusto nitong mangyari.
"Why not?" Tanong nito. Nakakunot pa ang noo nito na wari'y takang-taka sa tanong niya.
Malalim na buntunghininga tuloy ang pinawalan niya pagkaraan. Para kasing bulag si Anand kaya hindi nito nakikita ang dahilan kaya nasabi niya iyon. Talaga nga bang hindi siya pangit sa paningin nito o sadyang ayaw lamang nitong mapahiya siya ng husto.
"Pangit ako."
"Kaya nga gusto kong maging kaibigan mo para malaman mong hindi lahat ng lalaki ay tumitingin sa panlabas na anyo," marahan na marahan ang pagkakasabi ni Anand ng mga salitang iyon. Pakiwari niya tuloy ay pinag-iisipan nito ng husto ang mga salitang lalabas sa bibig.
Hindi pa rin niya mapaniwalaan ang mga salitang lumabas sa bibig ni Anand kaya maang siyang napatingin dito. Sinalubong din niya ang mga mata nito dahil talagang gusto niyang makasigurado na seryoso ito sa sinasabi.
Sabi ng utak niya hindi siya dapat magtiwala sa sinasabi ng kaharap kaya lang iba naman ang hinihiling ng puso niyang humahanga rito. Sabi pa ng puso niya, wala namang masamang ipinakita si Anand sa kanya kaya maigi naman kung kanya itong pagkakatiwalaan.
"Please…" wika nitong parang nagmamakaawa pa.
"Baka pinagtitripan mo lang ako," wika niya. Hindi man niya iyon gustong sabihin pero nagawa pa rin niyang ibulalas.
"Nope. Kaya nga, gusto kong bigyan mo ako ng chance at patutunayan ko ang aking sarili. Gusto kitang maging kaibigan," mariing sabi ni Anand na para bang sa pamamagitan noon mararamdaman niyang seryoso ito.
"Okay," sumusukong sabi niya.
"Okay?"
Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. "Sa tingin ko naman kasi ay hindi mo ako titigilan hangga't hindi nasusunod ang gusto mo kaya okay, pagbibigyan kita," kunwari sumusuko niyang sabi ngunit ang totoo, gusto na niyang pagtawanan ang kanyang sarili dahil ayaw na rin naman niyang palampasin ang pagkakataon na iyon.
Ngunit, pagkakaibigan nga lang ba ang nais ni Anand? Tanong niya sa sarili. Sa tanong niya iyon ay parang gusto niyang magtawa. Di yata't masyado siyang nag-aambisyon. Maaari naman kasing maaawa lamang ito sa kanya kaya gusto siyang gawing kaibigan.
Napabuntunghininga siya. Naisip nga niyang baka kinausap pa ito ni Tricia para samahan siya. Sabi ni Tricia, kababata raw nito si Anand at .abuti talagang kaibigan.
"Talaga?" Naniniguradong tanong nito. Wari'y ikinabigla rin nito ang biglaan niyang pagpayag.
"Ayaw mo yata eh," wika niya.
"Gusto," wika ni Anand saka ngumiti sa kanya ng pagkatamis-tamis.
"Okay, friends na tayo," wika niya sabay talikod. Nahihiya kasi siyang masilayan nito ang pagngiti niya. Tiyak niya kasing mabubuking nito ang kanyang damdamin. Binilisan niya ang paglakad dahil baka ma-late na siya sa kanyang klase.
Buong akala niya ay hahayaan na siya ni Anand na makaalis pero nagkamali siya. Maya-maya ay nasa tabi na naman siya nito, sinasabayan siya sa paglakad.
"Hatid na kita sa classroom mo."
Hindi niya tuloy napigilan ang muling mapangiti. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi'y may nagbigay sa kanya ng atensyon. At dahil din kay Anand, hindi na siya tinukso p ng mga mapang-asar niyang kaklase lalo na si Luther.
NAPABUNTUNGHININGA si Faye dahil muli na namang tumunog ang kanyang cellphone. Dapat ay makaramdam siya ng pagkairita dahil iniistorbo ng texter ang konsentrasyon niya sa paggawa ng kanyang project pero hindi niya iyon magawa ngayon dahil si Anand ang kanyang ka-text.
Talaga kasing ipinakita nito sa kanya na isa itong mabuting kaibigan dahil kapag kailangan niya ito ay para itong si Superman na laging too the rescue. Wala na tuloy sinumang nakakatukso sa kanya dahil lagi niyang kasama si Anand.
Siguro ay ayaw nitong mayroon pang tutukso sa kanya kaya kapag break nila ay lagi itong sumusulpot.
Ano ginagawa mo? Tanong ni Anand sa text.
Mabilis siyang nag-reply. Gumagawa ng project.
Nakaistorbo pala ako.
Yes, wika niya. Kahit naman kasi natutuwa siya rito dahil nakakalimutan niya ang kanyang kapintasan, hindi pa rin niya gustong magsinungaling sa kanyang nararamdaman.
Miss you.
Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa niya ang sinabi nito. Bigla tuloy nawala sa kanyang utak ang project na kanyang ginagawa. Bigla kasing dumagundong ang tibok ng puso niya sa sinabi ni Anand. Napalunok siya ng kung ilang ulit. Natanong niya sa sarili, seryoso ba ito?
Miss na miss na miss kita. Ako ba na-miss mo? Text nito sa kanya.
Kahit hindi niya kaharap ngayon si Anand, mapulang-mapula ngayon ang kanyang mukha. Para kasing kahit hindi niya sagutin ang tanong nito, alam na alam nito ang kanyang nararamdaman. At nang mapatingin siya sa salamin, hindi nga siya nagkamali. Mapulang-mapula ang kanyang mukha.
Uy, text pa nito.
Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Sa tingin niya'y hindi aiya tatantanan ni Anand hanggang hindi nito nakukuha ang sagot na kanyang inaasam. Sa sandaling pagkakakilala nila ay alam na alam niyang sobra ang kakulitan nito.
Oo na, wika niya. Kahit napilitan lamang siyang umamin ay hindi naman niya maitago ang kanyang ngiti.
Ang inaasahan niya ay magti-text na naman si Anand para siguraduhing tama ang kanyang sinabi pero hindi tumunog ang kanyang cellphone para sa text nito. Sa halip, nag-ring iyon.
Natigilan tuloy siya ng husto. Hindi niya kasi malaman kung sasagutin niya iyon o hahayaang mapagod si Anand sa kakatawag. Parang gusto niyang tikisin ito.
"Hello," sabi niya maya-maya nang kusang kumilos ang kamay niya para damputin ang kanyang cellphone. Gusto rin kasi niya marinig ang boses nito.
"Gusto ko lang i-confirm na pareho tayo nang nararamdaman."
Napabuntunghininga siya ng sobrang lalim. Kahit kailan ay napakakulit ni Anand kaya kahit na hindi niya ito kaharap ng mga oras na iyon, nakakasigurado siyang nakangisi ito. "Oo na nga."
"Nice. Ibig sabihin niyan, tayo na."
"Ano?" Gilalas niyang sabi. Parang ayaw magrehistro sa kanyang utak ang sinabi nito.
"I love you," wika pa nito sabay pindot ng end call.
I LOVE you? Manghang bulalas ni Faye. Ilang saglit tuloy siyang natulala. Talaga kasing hindi niya inaasahan na maririnig niya ang mga salitang iyon kay Anand. Bahagya siyang umiling dahil ayaw niyang paniwalaan ang sinabi ni Anand. Marahil, nagbibiro lang ito o kaya naman sinabi lang ang mga salitang iyon dahil malapit sila sa isa't isa. Sa pagkakaalam niya kasi ay kaibigan lang ang turing nito sa kanya. May palagay nga siyang naaawa lang ito sa kanya kaya lagi siyang sinasamahan. Duda rin niya ay pinakiusapan lang ito ni Tricia na bantayan siya at laging protektahan. Hindi man kasi sila magkadugo ni Tricia, parang tunay na magkapatid ang kanilang turingan kaya lahat din ay gagawin ng kanyang stepsister para mapaligaya lang siya. Malalim na buntunghininga tuloy ang pinawalan niya pagkaraan. Naisip kasi niya na hindi naging mabuti na nalaman nito na may gusto siya kay Anand, sa kaibigan nito."Anong ginagawa mo rito?" Gilalas na tanong niya kay Anand nang malabasan niya ito. Nakaha
MARAHANG kagat sa pang ibabang labi ni Faye ang naging daan para siya ay matauhan. Bahagya tuloy niyang itinulak si Anand para malayo ito sa kanya pero parang gawa sa bato ang katawan nito dahil ni hindi man lang ito natinag.Hinawakan pa nga nito ang mga kamay niya na parang inaawat siyang palayuin ito. "Anand…" wika niya. Kahit may gusto pa siyang sabihin ay parang hindi na niya kaya pang ibulalas. Parang ang mga kamay ni Anand na nakahawak sa kanyang kamay ay may kakayahang sunugin ang mga nararamdaman niyang negatibo. Ang mga eksenang tulad kasi nito ay matagal na niyang in-imagine na mangyayari sa kanyang isipan. Kaya, parang gusto niyang sampalin ang sarili para mapagtanto niyang hindi lamang ilusyon ang nangyayari. Ngumiti ito sa kanya. "Tayo na.""Ha?""Mahal kita. Mahal mo ako. Dapat lang tayong magsama," nakangiting sabi ni Anand habang hinahaplos ang kanyang pisngi. Hindi niya napigilan ang mapasinghap sa ginagawa nito. Para ring may malaking kamay na humahaplos sa kany
ANG akala ni Faye ay didiretso na sila ni Anand sa eskuwelahan pero nagkamali siya dahil pinark ni Anand sa isang fastfood ang kotse nito. "Pasensiya ka na kung sa Jollibee lang muna ang first date natin, mali-late ka kung magha-hanap pa tayo ng ibang kakainan," wika ni Anand sa napakalambing na tono. "Kahit naman hindi tayo kumain ay okay lang," nahagilap niyang sabihin. "Hindi magandang pumasok na walang laman ang tiyan," wika ni Anand. Natutop niya tuloy ang tiyan dahil sa sinabi ni Anand. Alam niyang kaya nabuking ni Anand na hindi pa siya kumakain dahil nag-iingay na ang mga buwaya niya sa kanyang tiyak. Masaya kasing nag-uusap-usap kanyang Papa, Tita Amanda at si Tricia habang nag-aalmusal at alam niyang masisira ang mood ng kanyang ama kapag nakita siya nito kaya minabuti na lamang niyang umalis ng hindi nag-aalmusal. "Love," wika ni Anand. "Love?" Wika niya. "Tayo na kaya ang endearment ko sa'yo Love. Ikaw, anong itatawag mo sa akin?" malambing na tanong nito sa kanya.
KAHIT gusto na ni Faye na magmalaki, alam niyang mapapahiya lamang siya. Tiyak kasi niyang maraming mga mata ang nakasunod ng tingin sa kanila ni Anand, partikular na sa kanilang mga kamay na magkahawak. Sa higpit nang pagkakahawak sa kanya ni Anand, parang sinasabi nitong 'huwag kang mag-alala, akong bahala'. Kaya, wala na siyang nagawa kundi pagkatiwalaan si Anand, ang kanyang boyfriend.Talagang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagmamahalan sila ni Anand. Buong akala niya kasi'y mananatili lang pangarap ang pagmamahal niya para kay Anand. "Susunduin kita mamaya, ha," masuyong sabi sa kanya ni Anand nang maihatid na siya nito sa kanyang classroom. "Sige," sabi na lang niya. Hindi man siya lumingon sa paligid, alam niyang maraming mga mata ang nakatingin sa kanila. Hindi lang ang mga nasa loob ng kanilang classroom, pati na rin iyong mga nasa labas. "Wala ba akong kiss, Love?" Buong paglalambing na tanong sa kanya ni Anand. May kalakasan ang pagkakasabing iyo
"OH, My God!" Bulalas ni Faye nang mapagtanto niyang alas-siyete na pala. Hindi niya namalayan ang oras dahil gusto niyang tapusin ang lahat ng assignment niya. Dahil third year na siya ay pahirap na rin nang Nawala tuloy sa isipan niya na susunduin nga pala siya ni Anand. Masyado siyang nasanay na mag-isa sa loob ng labing siyam na taon kaya nakaligtaan niyang iba na pala ang sitwasyon ngayon, mayroon na siyang boyfriend. Wala mang ligawan na nangyari sa pagitan nila pero naging magkaibigan naman sila. At talagang mahal niya si Anand Villanueva. Hiling lang niya ay ganoon din sana ang nararamdaman nito sa kanya. Napa-oh no siya nang tingnan niya ang kanyang cellphone. Naka-20 missed calls na si Anand at nakatanggap din siya ng sandamakmak na text buhat dito. Nilagay niya kasi iyon sa silent mode dahil nga nasa library siya. Andito pa ako sa library. Don't worry, pauwi na rin ako, nakangiwi niyang sabi habang tinitext iyon. Malapit na rin kasing ma-lowbatt ang kanyang cellphon
NANG maalala ni Faye ang nangyari, bigla siyang napahagulgol. Ayaw din niyang tingnan ang sarili at ang paligid dahil natatakot siyang makumpirma ang nangyari.IAng una kasing pumasok sa isip niya ay nagtagumpay ang mga buhong sa paglapastangan sa kanya. Dahil sa nerbiyos niya kanina ay nawalan siya ng malay kaya hindi na niya matandaan pa ang nangyari. Ngunit, ano pa ba ang magaganap kung wala siyang lakas para lumaban. Siyempre, nagpasasa na lang ang mga ito sa kanyang katawan. Ang sabi niya kasi sa kanyang sarili, ibibigay lang niya ang sarili niya sa taong mahal niya. Siyempre, si Anand ang kanyang naisip. Ito naman kasi ang mahal niya at sa tingin niya ay wala na siyang ibang mamahalin kundi ito lang. Sa unang pagtatama pa lang ng mga mata nila ay naramdaman na niyang maybpagtingin siya rito. Talagang hinangaan niya ang kaguwapuhan nito tapos nagkaroon pa siya ng pagkakataon na makilala ito.Kahit sabihing hindi niya alam ang buo nitong pagkatao dahil hindi naman siya ipinakiki
MANINIWALA ba siya talaga? Tanong ni Faye sa kanyang sarili. Sabi ng utak niya, huwag kang magpautong pangit ka. Walang sinumang lalaki ang magmamahal sa'yo, subalit kumontra ang isang bahagi ng kanyang vital organ – ang kanyang puso. Damang-dama naman kasi niya ang katapatan ni Anand. Kung wala itong pagmamahal sa kanya, siguradong hindi na siya maililigtas pa. Maaari naman kasi siya nitong pabayaan ngunit, hindi nito ginawa. Bumalik ito para hanapin. "Faye…." Wika nitong hirap na hirap. Tumingin siya rito. "Naniniwala ka naman sa akin, hindi ba?"Gusto niyang sabihing 'oo, naniniwala ako sa'yo' pero para pa ring may nakabara sa kanyang lalamunan. Para tuloy nilamutak ang kanyang puso nang makita niya ang sakit sa mukha ni Anand. "Kaya ba hindi mo ako hinintay nu'ng sinabi kong susunduin kita? Kasi, hindi ka naniniwala na mahal kita," hirap na hirap na wika nito. "No," wika niya. Napangiwi siya nang mapagtanto niyang mali ang kanyang salitang nabitawan. Ang sakit kasing nakiki
"MARRY me," mariing sabi ni Anand. Gilalas na napatingin si Faye kay Anand. Hindi niya mapaniwalaan na sasabihin ito sa kanya ni Anand kaya buong panggilalas pa siyang nagsabi ng 'ano?' talaga naman kasing nakakabigla ang sinabi nito. Oo nga't magkarelasyon sila pero unang araw pa lang ng pagiging magkasintahan nila kung tutuusin. At hindi sapat ang panahon na iyon para magsabi na sila ng 'I do' sa isa't isa. "May nangyari na sa atin," mariin nitong sabi. Nang pumasok sa isipan niya ang mga naganap sa kanila ni Anand, biglang nag-init ang kanyang pakiramdam. Ang halik, yakap at pag-angkin sa kanya ni Anand ay parang tag price na nakatatak na sa kanyang isipan. "So?" Kunwari ay tanong niya. "Hindi ako papayag na maging ama ng hindi tayo kasal," wika nito. Bigla tuloy siyang natigilan. Para kasing lumipad sa isipan niya na maaari siyang mabuntis habang inaangkin siya ni Anand. Ang tanging nais lang niya kasi ng mga sandaling iyon ay maipadama kay Anand ang kanyang pagmamahal. Ngu
SI Vincent Harrison ay isang reconstructive surgeon na tumulong kay Faye para baguhin ang kanyang hitsura. Inalis nito ang peklat na nasa kanyang mukha na siyang naging dahilan kaya pakiramdam niya'y ibang tao na siyang talaga. Well, totoo naman iyon. Ngayon naman kasi ay taas noo na siyang nakapaglalakad dahil wala na siyang mukhang dapat na iiwas. Nagagawa na rin niyang ngumiti ng matamis na matamis kahit na nagdurugo ang kanyang puso. Ang akala niya kasi ay pinakasalan siya ni Anand dahil mahal siya nito, gaya ng sinasabi nito pero nagkamali siya. Pinakasalan siya nito dahil nais nitong sundin ang request ng babaeng tunay nitong mahal – si Tricia, ang kaanyang step sister. Malalim na buntunghininga na lamang ang kanyang pinawalan sa kaisipang iyon kaya naman nasabi niya sa kanyang sarili ang katagang 'çongratulations’. Dati kasi kapag naiisip niya ang pagtatraydor na ginawa sa kanya ng lalaking sobra-sobra niyang minahal at ng itinuturing niyang parang tunay niyang kapatid, hind