Home / Romance / Through the Waves of Tomorrow / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Through the Waves of Tomorrow: Chapter 1 - Chapter 10

32 Chapters

Simula

“Hindi ka pa uuwi?” tanong ni Dani nang makita niyang umiba ako ng daan. Umiling ako at nagpaalam. Nilakad ko ang daan patungong tabing dagat. Tumungo ako sa mabatong parte at naupo. Tanaw mula rito ang bangka ng mga mangingisdang pumapalaot sa dagat. Kakababa pa lamang ng araw at naghahalo pa rin ang kakaibang kulay sa kalangitan. Napayakap ako sa sarili nang umihip ang malamig na hangin. 8 years old ako nang pumanaw si mama dahil sa sakit na cancer. Si papa naman nag-asawa ulit kaya nagkaroon ako ng bagong pamilya. Ayos naman sila, mababait naman kahit papaano. Pero hindi ko pa ring maiwasang ma-miss ang pamilya namin noon. Mayor si papa dito sa Santa Cruz. Si mama naman anak ng isang negosyante sa isang siyudad sa Luzon. Oo lumaki akong may marangyang buhay. Pero iilan lamang ang naging kaibigan ko sa kadahilanang pinagbabawalan kami ni papa na makipagkapwa-tao sa mga hindi naman ka-estado. Mabait naman si papa. Nagbago lang ang pagtingin niya sa mga hindi namin ka-lebel nang ma
last updateLast Updated : 2023-08-07
Read more

Kabanata 1

“Saan ka, Ysa?” rinig kong tanong ni Manong Jamer nang makita niya akong naglalakad patungo sa tabing dagat. Lumingon ako at ngitian siya.“Mamimingwit lang po!” sigaw ko at nagpatuloy sa paglalakad. “Mag-iingat ka riyan!”Tumango ako at itinaas ang hinlalaki bilang sagot. Dahan-dahan akong umakyat sa malalaking bato at inihanda ang pamingwit na dala. Mabuti na lamang at wala kaming pasok ngayon. Inaya ako ni Dani na sumama sa kanila ng mga kaibigan niya pero agad akong humindi dahil may iba akong plano ngayong araw. Ang mamingwit. Matapos mailagay ang pain, malakas ko itong itinapon sa malalim na parte at umupo para maghintay. Katulad pa rin naman ng dati ang dagat. Mapayapa at tanging mga alon lang ang naglalaro. May mga turista rin namang dumadayo rito ngunit mas marami sa kabilang parte. Napalingon ako nang may narinig akong mga yapak. May dalawang lalaki na naglalakad sa gilid ng dagat habang nag-uusap. Sa tingin ko ay mga dayo. Muli akong humarap sa dagat at huminga nang mal
last updateLast Updated : 2023-08-07
Read more

Kabanata 2

“Ysa!” Napalingon ako para tingnan kung sino ang tumawag sa ’kin. Ngiting-ngiti na tumakbo si Josh palapit sa ’kin at nang nasa harap ko na siya ay agad na napakamot sa batok. “Uuwi ka na?” tanong niya habang namumula. Kumunot naman ang noo ko at itinaas ang kamay para mahawakan ang noo niya. Nanlaki ang mga mata niya at mas lalo pang pumula. Hindi naman siya mainit ah? “A-Anong—”“May sakit ka ba?” putol ko sa sasabihin niya at ibinaba ang kamay. Mabilis siyang umiling at napakamot ulit sa batok. “W-Wala...”“Ah, okay. Oo, uuwi na ako. Hinihintay ko lang si Manong. Ikaw ba? Gusto mong makisabay?” aya ko dahil naalala kong madadaanan naman namin ang bahay nila. Katulad ng ibang estudyante rito, normal lang ang pamumuhay nila. Hindi mayaman, pero hindi rin mahirap. Pero kadalasan ko siyang nakikitang naglalakad lang pauwi at nilalampasan lang ng kapatid niyang naka-motor. Hindi ko alam kung anong meron pero sa tingin ko ay magkaaway sila. “Ayos lang ba?” Agad akong tumango. “Oo,
last updateLast Updated : 2023-08-07
Read more

Kabanata 3

“So gusto ng Dad mong papasukin ko ang negosyo niyo rito sa lugar namin?” pag-uulit ni papa sa sinabi ni Fourth o Jacques. Mas maganda ang Fourth kaya iyon na lamang ang itatawag ko sa kaniya. Marahan siyang tumango bago sumubo ng pagkain. “I see, sabihin mong ayos lang naman sa ’kin pero dapat muna kaming mag-usap ng personal. Gusto ko rin siyang makilala,” dagdag pa ni papa. “Makakarating po,” sagot naman ni Fourth.Tiningnan ko si Dani kung nagtataka rin siya gaya ko ngunit nakatuon lamang ang atensyon niya sa kinakain. Parang walang pakialam sa pinag-uusapan ngayon. “Ilang taon ka na nga ulit, iho?” tanong ni Tita Dette. “20 po”Nalaglag ang panga ko sa sagot niya. 20? Kaya pala mas mukha siyang nakatatanda sa ’kin. 17 pa lang ako at si Dani naman ay 19. Kung ganoon, nasa kolehiyo na siya? Saan kaya siya nag-aaral?“Anong kurso ang kinuha mo?” dagdag na tanong ni Tita. Hinintay ko ang sagot niya. “Business related din po”Tumango na lamang si Tita. “Sabagay, ikaw ang nag-ii
last updateLast Updated : 2023-08-07
Read more

Kabanata 4

Nakakamangha ang mga kulay na bumabalot sa buong paligid. Kabi-kabila ang mga nagtitinda at ang mga bumibili. Ni hindi nga ako sigurado kung makikita ko ba si Manong dito ngayon. Sa gitna ay may nagpe-perform na banda na pinapaligiran din ng mga manunuod. Ngayon lamang ako nakapunta rito dahil palagi kaming pinagbabawalan ni papa. Delikado raw kasi. “Doon tayo!” turo ko sa nagtitinda ng pares. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta roon. Siguro naman kumakain din siya nito. Kumain naman siya kanina, e. “Dalawang pares nga po,” saad ko.“Sige, iha. Maupo muna kayo roon,” turo niya sa mesang nakahanda. Tumango ako at hinila si Fourth papunta roon. Nauna akong umupo at tinapik ang katabi kong upuan. “Dito ka”Bumuntong hininga muna siya bago sumunod. Manghang-mangha kong pinapanuod ang mga tindero’t tindera sa tabi. May mga batang naglalaro, nagtatabukhan, at nagtatawanan habang nasa malapit lang ang mga nagbabantay sa kanila. “Ito na po ang order niyo” sabay lapag ng ba
last updateLast Updated : 2023-08-07
Read more

Kabanata 5

Nagising ako dahil sa init na humahaplos sa balat ko. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala na nakatulog ako sa kotse ni Fourth. Pero nang ilibot ko ang paningin ko sa paligid, wala na ako sa kotse kundi nasa kuwarto na. Kuwarto ko. Ang init na naramdaman ko ay dahil sa araw na sumisilip mula sa bintana. Hinatid ako ni Fourth panigurado iyon. Siguro binuhat ako ni papa patungo rito at si Tita naman ang nagbihis sa ’kin. O ‘di kaya’y si Dani. Tumayo na ako para iligpit ang higaan at mag-ayos. Sabado ngayon. Tutulungan ko ang mga katulong sa paglilinis. Kailangan ko rin asikasuhin ang hardin sa harap at likod ng bahay. Matapos makaligo at makapagbihis, lumabas ako para puntahan si Dani. Yayayain ko siyang tumulong din ngayon kung wala siyang gagawin. Naabutan ko siyang nagbabasa ng libro habang nakahiga sa kama niya. “Anong binabasa mo?” tanong ko at umupo sa tabi niya. “Hindi mo maiintindihan,” aniya at ngumisi.Napanguso ako dahil nabasa ko ang cover ng libro. Tungkol na naman sa
last updateLast Updated : 2023-08-07
Read more

Kabanata 6

“Anong ginagawa mo rito?” pag-iwas ko ng tingin. Nagsisimula na namang kumabog ang dibdib ko sa hindi ko alam na dahilan. Simula nang makilala ko siya, ganito na lagi ang nararamdaman ko. Palagi akong kabado sa tuwing nasa malapit lang siya, sa tuwing nagtatagpo ang mga tingin namin, at sa tuwing may lumalabas na salita sa bibig niya. Nakakamanghang pakiramdam pero may parte sa ’kin na natatakot na sa nararamdaman sa kaniya. “Binisita ko si Mang Kanor and he told me to check on you,” sagot niya at umupo sa tabi ko. Dahan-dahan akong lumayo sa kaniya. Ramdam ko ang tingin niya sa ginawa kong paglayo. “Ayos lang ako. Hindi na ulit ako mahuhulog huwag kang mag-alala”“That’s good. You should try to learn how to swim”Mahina akong umiling. “Gusto ko rin matuto pero masyadong maraming ginagawa si papa. Ganoon din naman si Dani. Paminsan-minsan nga lang iyon pumupuntang dagat para maligo,” paliwanag ko. Tanging si mama lang noon ang nakakasundo ko kapag dagat na pinag-uusapan. Siguro nga
last updateLast Updated : 2023-08-12
Read more

Kabanata 7

Hindi na ako nagpahatid sa kaniya pauwi. Tinawagan ko na lamang si Manong para sunduin ako. Ayoko kasing baka may masabi na naman si Dani tungkol sa kaniya o ang mas malala, kapag si papa na ang nagtanong kung bakit kami magkasama. Payapa akong nagpahinga sa silid ko matapos ang hapunan. Hindi ko matanggal sa labi ko ang ngiti habang inaalala ang nangyari kanina hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan, sumama ako kina Manang sa simbahan. Namalengke na rin siya habang ako naman ay pumunta sa isang grocery store dahil may gusto akong bilhin. Gusto kong kumain ng chocolates. “Ysa?” Lumingon ako para tingnan kung sino ang tumawag sa ’kin. Hindi ako magaling sa pagtanda ng mga pangalan pero kung hindi ako nagkakamali, siya ‘yung kasama ni Fourth noong iniligtas niya ako mula sa pagkakalunod. “Cavin?” nag a-alangan kong saad.Ngumiti siya at marahang hinawakan ang ulo ko. “Naalala mo,” sambit niya bago binawi ang kamay. Sumulyap siya sa hawak-hawak kong mga tsokolate at mas lalo pang ng
last updateLast Updated : 2023-08-14
Read more

Kabanata 8

Lahat ay abala sa paparating kong kaarawan. Ilang araw na lang kasi ang natitira. Ginagawa na rin ang gown na gusto kong isuot. Nakapili na rin si Dani at tita Dette ng gusto nila. Matapos ang klase namin, hindi muna pinalabas ng guro namin ang lahat dahil may ia-anunsyo pa ako. Kinakabahan akong naglakad papuntang gitna at ngumiti sa kanila.“Uhm...,” lumunok ako nang malaki. Kita kong itinaas pa ni Josh ang hinlalaki niya para mapagaan ang loob ko. “Iniimbitahan ko pala kayong lahat sa birthday ko. Uh, ito...” sabay bigay ko sa mga invitation cards. Pinasa-pasa naman nila iyon sa iba. “Nariyan ang tema, lugar, at oras kung kailan magsisimula ang party”“Kaming lahat? Sigurado ka?” tanong ni Arianne. “Hindi ba magagalit si Mayor?”“Huwag kayong mag-alala, si papa mismo ang nagsabi na imbitahan ko kayong lahat”Nagsimula ang bulong-bulongan sa buong silid. “Himala ‘yun ah?”“Excited na ako. Tiyak magarbo ‘yun”“Sasabihan ko agad si mama”“Sayang, wala akong pera para bumili ng gown.
last updateLast Updated : 2023-08-14
Read more

Kabanata 9

Naging usap-usapan ang gulo na iyon nang ilang araw. Inireklamo nina papa at tita Dette ang tatlo sa presinto na agad ding nahuli. Pareho nasa legal na kaya agad na kinasuhan. Wala sa sarili akong nakaupo sa higaan ko habang nakatanaw sa labas ng bintana. Bukas na ang kaarawan ko. Nararamdaman ko pa rin naman ang magkahalong kaba at excitement sa dibdib ko ngunit hindi lang talaga maalis sa isipan ko ang nangyari. May parte sa ’kin ang naiintindihan na ang nararamdaman ni papa. Ayaw niya sa mga hindi ka-estado dahil ang iba ay gahaman sa pera at oportunidad. Tandang-tanda ko pa rin ang nangyari. Nagising na lamang ako sa Hospital noong araw ring ‘yon. May mga pasa ako sa katawan lalo na bandang leeg, braso at likuran kung saan nila ako hinawakan nang mariin para maidiin sa sahig. Ang sabi ng doctor ayos lang naman raw ako. Kailangan ko lang magpahinga. Nag-alala ako kay Josh dahil baka sinisi rin siya ni papa. Pero nabalitaan ko kay Dani na pinasalamatan pa siya ni papa sa pagdalo s
last updateLast Updated : 2023-08-14
Read more
PREV
1234
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status