Share

Chapter 7

Author: Aliella
last update Last Updated: 2023-06-07 01:38:46

Habang nililinisan ko ang mga gamit panglinis ay padarag na pumasok ang babaeng masungit na para bang palaging may dalaw, ang aming head.

"Pinapatawag ka muli sa baba. Galing uli sa boss natin," mataray na saad niya. Narinig ito ng iba ko pang mga kasamahan sa sobrang lakas ng kanyang boses kaya naman hindi ko maitago ang aking hiya.

Alam ko na kung para saan pa ito. Wala na akong magawa kundi itigil ang aking ginagawa upang harapin ang aking pagkakamali.

"Hmm! Siguro sinasadya mong gumawa ng mali upang makausap ang ating boss, 'no? Sorry ka! Hindi ka mapapansin 'nun kahit isang milyong mali pa gawin mo. Baka nga mauna ka pang matanggal sa kompanyang ito bago ka mapansin ni Mr. D," dada niya.

Gusto kong magsalita at sabihing mali ang kanyang iniisip pero mukhang wala ng saysay ang makipag-usap sa kanya. Nakarating ako sa baba na ang iniisip lamang ay kung paano ipapaliwanag sa kanya ang nangyari.

"Magandang umaga, Mr. D. Ako po ito, si Ayumi na janitress," paunang bati ko. Alam ko na ang rason kung bakit niya ako pinatawag. Pinadyak ko ng mahina ang aking paa dahil sa labis na kaba na aking nararamdaman. Pakiramdam ko tuloy ay luluwas na ang aking puso sa katawan. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho!

Kagat-kagat ko ang aking labi at pinisil-pisil ko pa ang aking mga daliri para mabaling sa sakit ang aking atensyon. Nangangatog na ang aking mga paa pero wala pa rin nagsasalita sa kabilang linya. Kaya naman imbis na pakinggan ang kanyang mahihinang hininga ay nagmakaawa na ako.

"Sana po ay huwag mo akong tanggalin sa-" nabitin sa ere ang aking mga salita dahil sa kanyang pagsabat.

"Ayumi," malumanay niyang saad. Nakakapanibago ang kanyang tono. Nawala bigla ang lamig sa kanyang boses. Ibang iba kaysa huli ko siyang makausap.

"Sir? Hello! Mr. D andyan po ba kayo?" paninigurado ko. Baka kasi mamaya ay hindi naman pala siya 'yung boss namin kaya mahinahon ang pagkakabigkas niya sa pangalan ko. Narinig ko ang mabigat na buntong-hininga sa kabilang linya.

"Atlast! I found you. I looked for you everywhere for two years. I will do everything to compensate for my mistake," aniya.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Boss pa ba namin to? Lakas ng trip ah!

"Huh? Anong ibig mong sabihon, Mr. D?"

Katahimikan…

"Nothing. You can go back to your work," biglang bumalik ang kanyang pagka-bossy na tono.

Akala ko ay ibababa na niya ang linya ngunit may sinabi pa siya na lalong nagpagulo sa aking isip. "But don't tire yourself. If you want to rest, you can stop cleaning and rest your body for a while. And, uh, let me know if you need something. That's it."

Dumaan pa ang ilang segundo bago natapos ang linya. Hindi ko alam pero parang nag iba ang kanyang trato sa akin. May sakit siguro siya. Nakakapagtaka kasi na dapat ay napagalitan ako dahil sa nagawa ko. Marahil hindi pa nakakarating sa kanya ang balita.

Sa mga sumunod na araw ay naghihintay ako na ipatawag muli. Hindi pa rin ako maka get over sa nasira kong laptop ni Mr. D. Ngunit wala akong naririnig na balita tungkol doon. Sa halip ay nakakatanggap ako ng lunch pack kada tanghali. Kung kanino galing ay hindi ko na alam. Palagi kong hinahanap kung may kasama bang letter o pangalan kung kanino galing ngunit wala akong makita. Minabuti ko na lamang na huwag ito kainin. Baka mamaya may lason pala ang pagkain na iyon.

Dumaan ang linggo na ganun ang nangyayari. Inaasar na nga ako ng mga kasamahan kong janitress at janitor. Binabalewala ko na lamang sapagkat hindi rin sila naniniwala kapag sinasabi ko na anonymous ang nagpapadala ng lunch pack.

"Ayumi! Tapos na ang meeting sa taas. Maglilinis ka ba roon?" tanong ni Marj, isa sa mga kasamahan ko na madalas kong makausap.

"Ah oo," sagot ko sa kanya.

"Halika sabay na tayo paakyat," aya niya sa akin. Sabay nga kaming umakyat. Habang nag hihintay sa loob ng elevator ay hindi namin maiwasang magkwentuhan.

"Talaga? May anak ka na rin? Hindi halata." Gulat na gulat si Marj ng sinabi ko na may anak na ako. Tumango-tango lang ako sa kanya. Ang daldal pala talaga ni Marj kahit saan. Ngunit nakakatuwa siyang kasama.

"Same pala tayo eh. May anak na rin ako. Yung ama ayun puro sugal. Kaya no choice ako. Kailangan ko mag trabaho," diretsong kwento niya. "Ikaw ba?"

"Anong ako?" tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Anong trabaho ng ama ng anak mo? Di ka pa kasal di'ba? Wala kasi akong nakikitang singsing sayo," tumatawa niyang sabi.

Natawa na rin ako. Oo nga naman. Wala akong suot na singsing kaya ang tingin ng iba naming kasamahan ay single or kaya may manliligaw ako. Si Marj lang ang nakakaalam tungkol sa anak kong si Kenneth at wala ng iba.

"Wala siyang ama.." mahina at payak kong saad.

"Huh? Pwede ba iyon? Ano nagsarili ka atsaka lumobo ang tiyan mhmm-" bigla kong tinakpan ang bibig ni Marj bago pa makapasok ang ilang empleyado na paakyat din. Baka may makarinig pa. Masyadong awkward.

"Ano ka ba? Ang bibig mo uy! Baka marinig nila tayo," pabulong kong saway sa kanya. Tumigil naman sya sa pagdaldal at naghintay na lamang kami na makarating sa aming palapag.

"Ipagpatuloy natin ang kwentuhan mamaya ha," pahabol niyang sabi bago lumabas kasama ang ilang empleyado. Nag thumbs up ako sa kanya bago pa sumara ang pinto ng elevator.

Naghintay ako mag isa sa loob bago tumunog ang elevator tanda na narating ko na ang aking destinasyon. Saktong pagbukas nito ay tumambad sa harapan ko ang isang likod ng papalayong lalaki. Ito rin ang likod na nakita ko noong unang araw ko sa trabaho. Bahagya itong tumagilid dahilan para makita ko ang kanyang side view. Kahit malayo ay kitang kita pa rin ang kanyang mala-perpektong itsura.

Biglang lumingon ang kanyang ulo sa akin kaya napapitlag ako. Nagtama ang aming paningin at napatigil siya sa paglalakad gayon din ako. Bakit biglang bumilis tibok ng puso ko? Ramdam ko ang bigat ng kanyang titig sa akin. Sino ba siya?

-Sa loob ng meeting room-

Habang naglilinis ay iniisip ko pa rin ang lalaki kanina. Malakas ang kutob ko na naka engkwentro ko na siya kung saan man. Siguro ay isa siya sa mga higher-ups ng kompanyang ito. Marahil ay nakita ko siya sa kung saan man na okasyon o kaya naman isa siya sa mga naging sponsor ng charity.

Hindi pa man ako natatapos sa aking paglilinis ay nararamdaman kong may nagmamasid sa akin. Lumingon lingon ako upang hanapin kung sino ito. Walang ibang tao sa meeting room bukod sa aking sarili. Siguro ay guni-guni ko lamang iyon. Hanggang sa matapos ako ay hindi nawala ang pakiramdam na iyon.

Palabas na ako ng room nang may nagsalita sa likod ko. Malalim at napakalalaki ng kanyang boses. Kaparehong boses ng nakausap ko sa intercom. Napahinto ang aking katawan ng maisip na maaring boss namin ang nasa likod ko. Siya ba ang nagmamasid sa akin kanina?

Unti-unti akong humarap sa kanya ng nakababa ang ulo. Tila ba nakakatakot tumingin sa kanyang mga mata. Atsaka kung boss nga namin ito ay hindi ko alam kung ayos lang ba na makita ko siya sa personal.

"Uhm akala ko po walang ibang tao ngayon dito sa meeting room. Kaya…" naputol ako sa aking sasabihin nang hindi ako makaisip ng idudugtong.

"It's okay, Ayumi. Raise your head. Look at me." Pinanindigan ako ng balahibo. Sarap sa tainga pakinggan ang pangalan ko kapag siya ang bumabanggit.

Ngunit hindi ko pa rin inaangat ang aking paningin. Nang mapansin niyang wala akong balak umangat ng tingin ay humakbang siya papalapit sa akin. Kitang kita ko ang nagningning niyang itim na sapatos na ilang distansya na lamang mula sa aking mga paa.

"I said look at me," tugon niya. Hinawakan niya ang aking baba at itinaas dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Nanlaki ang aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon. Kilala ko ang mukhang 'to.

At dahil nga nakahawak siya sa baba ko ay magkalapit lamang ang aming mga mukha. Amoy na amoy ko ang kanyang mabangong hininga. Para akong natutunaw sa kanyang mga titig. Ilang sandali pa bago ko marealize ang lahat dahilan para lumayo agad ako sa kanya.

"Ikaw! Ikaw!" Hindi ako makabuo ng sasabihin habang tinuturo siya gamit ang aking daliri.

"Oh I'm glad you remember me. I looked for you but I couldn't get even a glimpse of you," ngisi niya.

Oo, siya nga ang lalaking nakasama ko sa gabing iyon. Siya ang ama ng anak ko. Hindi ko inaasahan na magkikita muli kami. At ang mas nakakagulat pa ay sa kompanyang ito. Kung siya si Mr. D, ibig sabihin ay boss ko ang ama ng anak ko. Kaya pala pamilyar ang kanyang boses nang mag usap kami sa intercom. Pati na rin ang kanyang likod nang makita ko siya sa palapag na ito.

"Yes. Hindi ko makakalimutan ang mukhang 'yan," sigaw ko habang hindi binababa ang aking hintuturo sa kanya. "Dahil sinamantala mo ang pagkakataon na lasing ako. Dahil sa'yo ay naghirap ako at hindi nakapagtapos ng pag aaral."

Nararamdaman ko na ang mga luha sa gilid ng aking mata. Pinigilan kong bumagsak ito sa harapan niya kaya huminga ako ng malalim.

"I'm sorry. But now that we met again, I promise I will compensate for my mistake. I'm really sorry, Ayumi."

Related chapters

  • My Anonymous Boss   Chapter 8

    "We should talk about us," tugon niya sa mababang boses. Kalmado lang ang kanyang postura at tono ngunit ang kanyang titig ay salungat. Sa hindi malamang dahilan ay parang biglang sumikip ang silid kung nasaan kami. Marahil ay dahil sa tensyon na namamagitan sa amin kaya naman ang hirap huminga lalo na't titig na titig siya. Matapos ang ilang taon kong paghihirap ay biglang sasabihin niya na kailangan namin mag usap? Taas-noo kong hinarap ang kanyang titig. Hindi dapat ako magpaintimida sa kanya kahit boss ko pa siya. "Wala na tayong dapat pag usapan pa. Kung ano ang nangyari noon, hanggang doon na lang iyon," gigil kong pagtapos sa usapan. Mabilis akong humakbang paalis bago pa may mangyaring hindi maganda. Ngayon na nagkita na kami ay bumabalik sa aking alaala ang mga pinagdaanan ko. Naisip ko si baby Ken. Gusto niyang makita ang kanyang ama. Gusto niyang may makakalaro din siya gaya ng ibang mga bata. Ngunit wala pa akong balak na ipakilala ang lalaking ito bilang ama ng a

    Last Updated : 2023-06-09
  • My Anonymous Boss   Chapter 9

    Nang makapasok ako sa bahay ay naabutan ko sila sa kusina at patapos ng kumain. Dumiretso ako sa aking mga magulang para magmano bago pumunta sa tabi ni Kenken. "Oh iha, ba't kakauwi mo lang? Hindi ka na namin nahintay kasi gutom na ang anak mo." Nag aalalang tanong sa akin ng aking ina. "Overtime, ma. Kailangan eh." Sabi ko sabay baling sa aking anak. Agad kumurba ang aking labi ng makitang gulay ang nasa ibabaw ng kanyang plato. Kahit sa murang edad niya ay alam niya ng mas masustansya kainin ang mga gulay. Hindi siya mapili pagdating sa mga pagkain."Galing naman ng baby ko. Kaya mo na ba kumain mag isa?" Lambing ko sa kanya. Tumango lang siya at kumuha ulit ng maliit na parte ng pritong kalabasa at sinawsaw sa ketchup bago sinubo. Mayabang siyang humarap sa akin at nag akto pa na busog habang hinihimas himas ang kanyang tiyan. I understood the assignment. Alam kong nais niya na purihin ko siya. Bilang ina ay pumalakpak ako ng malakas at sinabing, "Wow! Very good, anak. Good boy

    Last Updated : 2023-06-10
  • My Anonymous Boss   Chapter 10

    Kinabukasan ay tinotoo nga niya ang pagsundo sa akin. 6:30 am nang mag abang ako ng jeep sa labasan. Kalapit ito ng bakery na kung saan 'dun ako binaba ng ihatid niya ako kahapon. At nagulat na lamang ako ng makitang muli ang isang black porsche. Nandoon na pala siya at kanina pa naghihintay. Patay malisya akong tumayo sa pwesto. Kunwari ay 'di ko siya nakikita. Diretso lamang ang aking tingin sa daan. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng isang sasakyan na marahil ay pag aari niya. Ngunit hindi ko mapigilang bumaling sa kanya. Nakita ko itong naglakad papalapit sa akin. "Good morning," bati niya ng makalapit na sa akin. Pansin ko ang pag tingin tingin ng mga bumibili ng tinapay sa banda namin pati na ang mga nakatambay na malapit sa aming pwesto. Napapikit ako ng mariin ng may marealize ako. Kaagad ko siyang hinawakan sa palapulsuhan. Wala na akong choice kundi ang hilahin siya papunta sa kanyang kotse para lamang makaiwas sa mga chismosang tao. Baka mamaya niyan maririni

    Last Updated : 2023-06-11
  • My Anonymous Boss   Chapter 11

    "As I've told you, I will make things up to you." Sa kalagitnaan ng kanyang pagmamaneho ay sa wakas nagbukas siya ng topic. "This… is one of my ways." Tukoy niya sa pagsundo sa akin. "I know it's your first time." Mabilis siyang sumulyap sa akin pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang 'yun. Nagtataka akong napatingin sa kanya. First time na ano? Nang pumasok sa aking utak kung ano ang ibig niyang ipahiwatig sa katagang iyon ay namula ang aking pisngi sa hiya. First time to experience s*x. Sana naman 'wag niya ng sinasabi ang mga ganyang klaseng bagay."It must have hurt you. And I know you treasure your virginity." Pagpapatuloy niya. Hindi ako makapagsalita sapagkat hindi ko rin alam ang aking sasabihin. Muli siyang nagsalita. Ang mga mata ay tutok sa aming dinadaanan ngunit nahuhuli ko siyang paminsan minsang pag sulyap sa aking gawi. "In just one night, I took away your treasure. So, please, allow me to help you as my compensation. I'm responsible for the mistake I made.""Pag

    Last Updated : 2023-06-13
  • My Anonymous Boss   Chapter 12

    "Ayumi, tapos ka na ba maglinis sa buong 10th floor?" Pagpasok ko sa janitor's room ay iyon agad ang bungad sa akin ng aming head. Tulak-tulak ko ang lalagyan ng mga pang linis.Inangat ko ang aking tingin sa kanya at nagsalita, "Kakatapos ko lang po, ma'am."Tumango-tango naman siya bago tumingin sa akin at sa dala kong mga pang linis. "Bawasan mo ang mga 'yan." Turo niya dito. "Kakailanganin mo lang ang pang linis sa sahig at bintana. Ikaw ang naatasan na maglinis sa office ni Mr. D." Pagkatapos ay tumalikod na siya at naglakad paalis. Agad naman akong naalarma at hinabol siya."Teka lang po, ma'am." Hinawakan ko ang kanyang braso upang mapigilan siya sa paglalakad. "Bakit naman po ako ang maglilinis eh hindi ba may naka assign 'dun na iba?" Nang humarap ito ay tumingin pa siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya kaya't dali dali ko naman itong tinanggal. Nang tinaas niya ang kanyang tingin sa aking mukha ay blanko lamang ito. "Ah sinusuway mo ba si Mr. D? Sino ka ba sa akala m

    Last Updated : 2023-06-16
  • My Anonymous Boss   Chapter 13

    "Alam ko pong sa'yo to pero…" Hindi ko alam kung anong idudugtong ko. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit pinatawag niya ako para mag linis kung gayong hindi naman pala siya umalis ng opisina. Napakamot ako sa aking batok at nahihiyang ngumiti sa kanya. "Ano..""Yes? Do you have something to say to me?" Tumaas ang kanyang dalawang kilay. "Uh oo, gusto ko sanang sabihin na babalik na lang ako mamaya.""No, you can clean now." Sabat niya at kinuha ang kanyang MacBook. Binuksan niya ito, mukhang may gawain pa siya dito ah. Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi."Mr. D, babalik na lang po ako mamaya para makapag focus ka sa trabaho mo. Besides, hindi naman tama na maglinis ako habang nandito ka diba?" Peke akong tumawa upang mawala ang tensyon na pumapaligid sa amin. Ang kaninang malawak na espasyo ay biglang naging masikip para sa akin ngayong nandito siya. Hindi ko maintindihan kung bakit pabago bago ang aking pakiramdam sa tuwing kasama ko siya. Minsan nalilimutan kong boss ko s

    Last Updated : 2023-06-16
  • My Anonymous Boss   Chapter 14

    Natapos ang araw ng wala ako sa aking sarili. Maka-ilang beses pa akong nagkamali kanina habang naglilinis sa buong floor. Kahit pilit kong libangin ang aking sarili ay talagang bumabalik sa aking alaala ang naging halikan namin. Pumikit ako ng mariin at hinayaan ang aking katawan na makapag pahinga. "Ma… sama kuya Lucas?" kasabay ng tanong ni Kenken ay ang paghila niya ng mahina sa aking damit para maagaw ang aking atensyon. Linggo ngayon kaya sinadya namin agahan ang gising para makapag simba kami ng alas singko.Bumaling ang aking ulo sa kaliwang tabi kung saan nakaupo ang aking anak. Kanina niya pa ako kinukulit pero dahil nagsusuot ako ng sapatos ay hindi ko muna siya pinansin. Besides, hindi rin ako sigurado kung makakasama nga si Lucas sa aming pag simba. Nang maayos ko na ang sintas ay humarap ako sa full body mirror para matingnan ang aking ayos. Suot-suot ko ang isang puting blouse na pinares ko sa isang black fitted skirt na abot hanggang tuhod. Hindi naman kahabaan an

    Last Updated : 2023-10-26
  • My Anonymous Boss   Chapter 1

    AYUMI HILARY Napabalikwas agad ako mula sa pagkakahiga ng makitang hindi pamilyar ang paligid. Malamig, malinis at maaliwalas. Hindi kagaya ng lagi kong nabubungaran kapag nagigising ako sa umaga. Mahahalata na ako ay nasa isang hotel ngayon dahil na rin sa mga gamit na aking nakikita pati na ang disenyo nito. Munting kaluskos ang umabot sa aking pandinig dahilan para mapatingin ako sa aking kaliwa. Tumambad sa aking mga mata ang malapad na likod ng isang lalaki habang nakadapa sa kama at natutulog. Hindi ko siya kilala. Wala itong suot pantaas at may nakabalot na kumot sa kanyang ibabang bahagi. Bigla kong nahugot ang aking hininga nang magrehistro sa aking isip ang sitwasyon ko ngayon. Bukod sa suot na polo na hindi ko naman pag aari ay wala na akong ibang suot pang loob. Marahil ay polo ito ng estrangherong lalaki. Wala akong matandaan na sinuot ko ang polong ito bago makatulog ngunit naaalala ko ang lahat ng nangyari sa amin kagabi. Biglang uminit ang aking pisngi sa kahihiy

    Last Updated : 2023-04-24

Latest chapter

  • My Anonymous Boss   Chapter 14

    Natapos ang araw ng wala ako sa aking sarili. Maka-ilang beses pa akong nagkamali kanina habang naglilinis sa buong floor. Kahit pilit kong libangin ang aking sarili ay talagang bumabalik sa aking alaala ang naging halikan namin. Pumikit ako ng mariin at hinayaan ang aking katawan na makapag pahinga. "Ma… sama kuya Lucas?" kasabay ng tanong ni Kenken ay ang paghila niya ng mahina sa aking damit para maagaw ang aking atensyon. Linggo ngayon kaya sinadya namin agahan ang gising para makapag simba kami ng alas singko.Bumaling ang aking ulo sa kaliwang tabi kung saan nakaupo ang aking anak. Kanina niya pa ako kinukulit pero dahil nagsusuot ako ng sapatos ay hindi ko muna siya pinansin. Besides, hindi rin ako sigurado kung makakasama nga si Lucas sa aming pag simba. Nang maayos ko na ang sintas ay humarap ako sa full body mirror para matingnan ang aking ayos. Suot-suot ko ang isang puting blouse na pinares ko sa isang black fitted skirt na abot hanggang tuhod. Hindi naman kahabaan an

  • My Anonymous Boss   Chapter 13

    "Alam ko pong sa'yo to pero…" Hindi ko alam kung anong idudugtong ko. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit pinatawag niya ako para mag linis kung gayong hindi naman pala siya umalis ng opisina. Napakamot ako sa aking batok at nahihiyang ngumiti sa kanya. "Ano..""Yes? Do you have something to say to me?" Tumaas ang kanyang dalawang kilay. "Uh oo, gusto ko sanang sabihin na babalik na lang ako mamaya.""No, you can clean now." Sabat niya at kinuha ang kanyang MacBook. Binuksan niya ito, mukhang may gawain pa siya dito ah. Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi."Mr. D, babalik na lang po ako mamaya para makapag focus ka sa trabaho mo. Besides, hindi naman tama na maglinis ako habang nandito ka diba?" Peke akong tumawa upang mawala ang tensyon na pumapaligid sa amin. Ang kaninang malawak na espasyo ay biglang naging masikip para sa akin ngayong nandito siya. Hindi ko maintindihan kung bakit pabago bago ang aking pakiramdam sa tuwing kasama ko siya. Minsan nalilimutan kong boss ko s

  • My Anonymous Boss   Chapter 12

    "Ayumi, tapos ka na ba maglinis sa buong 10th floor?" Pagpasok ko sa janitor's room ay iyon agad ang bungad sa akin ng aming head. Tulak-tulak ko ang lalagyan ng mga pang linis.Inangat ko ang aking tingin sa kanya at nagsalita, "Kakatapos ko lang po, ma'am."Tumango-tango naman siya bago tumingin sa akin at sa dala kong mga pang linis. "Bawasan mo ang mga 'yan." Turo niya dito. "Kakailanganin mo lang ang pang linis sa sahig at bintana. Ikaw ang naatasan na maglinis sa office ni Mr. D." Pagkatapos ay tumalikod na siya at naglakad paalis. Agad naman akong naalarma at hinabol siya."Teka lang po, ma'am." Hinawakan ko ang kanyang braso upang mapigilan siya sa paglalakad. "Bakit naman po ako ang maglilinis eh hindi ba may naka assign 'dun na iba?" Nang humarap ito ay tumingin pa siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya kaya't dali dali ko naman itong tinanggal. Nang tinaas niya ang kanyang tingin sa aking mukha ay blanko lamang ito. "Ah sinusuway mo ba si Mr. D? Sino ka ba sa akala m

  • My Anonymous Boss   Chapter 11

    "As I've told you, I will make things up to you." Sa kalagitnaan ng kanyang pagmamaneho ay sa wakas nagbukas siya ng topic. "This… is one of my ways." Tukoy niya sa pagsundo sa akin. "I know it's your first time." Mabilis siyang sumulyap sa akin pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang 'yun. Nagtataka akong napatingin sa kanya. First time na ano? Nang pumasok sa aking utak kung ano ang ibig niyang ipahiwatig sa katagang iyon ay namula ang aking pisngi sa hiya. First time to experience s*x. Sana naman 'wag niya ng sinasabi ang mga ganyang klaseng bagay."It must have hurt you. And I know you treasure your virginity." Pagpapatuloy niya. Hindi ako makapagsalita sapagkat hindi ko rin alam ang aking sasabihin. Muli siyang nagsalita. Ang mga mata ay tutok sa aming dinadaanan ngunit nahuhuli ko siyang paminsan minsang pag sulyap sa aking gawi. "In just one night, I took away your treasure. So, please, allow me to help you as my compensation. I'm responsible for the mistake I made.""Pag

  • My Anonymous Boss   Chapter 10

    Kinabukasan ay tinotoo nga niya ang pagsundo sa akin. 6:30 am nang mag abang ako ng jeep sa labasan. Kalapit ito ng bakery na kung saan 'dun ako binaba ng ihatid niya ako kahapon. At nagulat na lamang ako ng makitang muli ang isang black porsche. Nandoon na pala siya at kanina pa naghihintay. Patay malisya akong tumayo sa pwesto. Kunwari ay 'di ko siya nakikita. Diretso lamang ang aking tingin sa daan. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng isang sasakyan na marahil ay pag aari niya. Ngunit hindi ko mapigilang bumaling sa kanya. Nakita ko itong naglakad papalapit sa akin. "Good morning," bati niya ng makalapit na sa akin. Pansin ko ang pag tingin tingin ng mga bumibili ng tinapay sa banda namin pati na ang mga nakatambay na malapit sa aming pwesto. Napapikit ako ng mariin ng may marealize ako. Kaagad ko siyang hinawakan sa palapulsuhan. Wala na akong choice kundi ang hilahin siya papunta sa kanyang kotse para lamang makaiwas sa mga chismosang tao. Baka mamaya niyan maririni

  • My Anonymous Boss   Chapter 9

    Nang makapasok ako sa bahay ay naabutan ko sila sa kusina at patapos ng kumain. Dumiretso ako sa aking mga magulang para magmano bago pumunta sa tabi ni Kenken. "Oh iha, ba't kakauwi mo lang? Hindi ka na namin nahintay kasi gutom na ang anak mo." Nag aalalang tanong sa akin ng aking ina. "Overtime, ma. Kailangan eh." Sabi ko sabay baling sa aking anak. Agad kumurba ang aking labi ng makitang gulay ang nasa ibabaw ng kanyang plato. Kahit sa murang edad niya ay alam niya ng mas masustansya kainin ang mga gulay. Hindi siya mapili pagdating sa mga pagkain."Galing naman ng baby ko. Kaya mo na ba kumain mag isa?" Lambing ko sa kanya. Tumango lang siya at kumuha ulit ng maliit na parte ng pritong kalabasa at sinawsaw sa ketchup bago sinubo. Mayabang siyang humarap sa akin at nag akto pa na busog habang hinihimas himas ang kanyang tiyan. I understood the assignment. Alam kong nais niya na purihin ko siya. Bilang ina ay pumalakpak ako ng malakas at sinabing, "Wow! Very good, anak. Good boy

  • My Anonymous Boss   Chapter 8

    "We should talk about us," tugon niya sa mababang boses. Kalmado lang ang kanyang postura at tono ngunit ang kanyang titig ay salungat. Sa hindi malamang dahilan ay parang biglang sumikip ang silid kung nasaan kami. Marahil ay dahil sa tensyon na namamagitan sa amin kaya naman ang hirap huminga lalo na't titig na titig siya. Matapos ang ilang taon kong paghihirap ay biglang sasabihin niya na kailangan namin mag usap? Taas-noo kong hinarap ang kanyang titig. Hindi dapat ako magpaintimida sa kanya kahit boss ko pa siya. "Wala na tayong dapat pag usapan pa. Kung ano ang nangyari noon, hanggang doon na lang iyon," gigil kong pagtapos sa usapan. Mabilis akong humakbang paalis bago pa may mangyaring hindi maganda. Ngayon na nagkita na kami ay bumabalik sa aking alaala ang mga pinagdaanan ko. Naisip ko si baby Ken. Gusto niyang makita ang kanyang ama. Gusto niyang may makakalaro din siya gaya ng ibang mga bata. Ngunit wala pa akong balak na ipakilala ang lalaking ito bilang ama ng a

  • My Anonymous Boss   Chapter 7

    Habang nililinisan ko ang mga gamit panglinis ay padarag na pumasok ang babaeng masungit na para bang palaging may dalaw, ang aming head. "Pinapatawag ka muli sa baba. Galing uli sa boss natin," mataray na saad niya. Narinig ito ng iba ko pang mga kasamahan sa sobrang lakas ng kanyang boses kaya naman hindi ko maitago ang aking hiya. Alam ko na kung para saan pa ito. Wala na akong magawa kundi itigil ang aking ginagawa upang harapin ang aking pagkakamali. "Hmm! Siguro sinasadya mong gumawa ng mali upang makausap ang ating boss, 'no? Sorry ka! Hindi ka mapapansin 'nun kahit isang milyong mali pa gawin mo. Baka nga mauna ka pang matanggal sa kompanyang ito bago ka mapansin ni Mr. D," dada niya. Gusto kong magsalita at sabihing mali ang kanyang iniisip pero mukhang wala ng saysay ang makipag-usap sa kanya. Nakarating ako sa baba na ang iniisip lamang ay kung paano ipapaliwanag sa kanya ang nangyari. "Magandang umaga, Mr. D. Ako po ito, si Ayumi na janitress," paunang bati ko.

  • My Anonymous Boss   Chapter 6

    Habang naglalakad ako palabas ng gusali ay pansin ko ang bulong-bulungan ng mga empleyado. Hindi ko na lamang iyon pinansin at mas binilisan pa ang aking mga hakbang. Sa aking paghihintay sa jeep ay bigla kong naisip ang mga sinabi sa akin ni Mr. D. Hindi ko alam pero parang may kung ano sa akin nang marinig ko ang boses niya, o baka naman naiintimida lang ako. Naputol ako sa aking pag iisip nang makita ang paparating na jeep. Sa wakas ay makikita ko na muli ang aking anak. Siguro ay bibili muna ako ng tinapay sa bakery shop na madadaanan ko para may pasalubong ako sa bahay. Nang makababa sa jeep ay sinimulan ko ng lakarin ang distansya mula sa aming bahay. Hindi naman kasi kami taga high-way kaya kailangan pang maglakad. Parang eskinita kumbaga. Nadaanan ko na rin ang bilihan ng tinapay kaya naman bumili ako ng paborito ni baby Ken na blueberry cheesecake. Sa aming lahat ay siya lang talaga ang mahilig dito. Bumili na rin ako ng pandecoco para sa amin ng mga magulang ko. Sa

DMCA.com Protection Status