Marga, PresentYears passed by, mula ng umalis ako ng Pilipinas at nagpagamot sa Singapore, walang araw o gabing hindi ko naiisip si Franco. Mga alaala na lang namin ang tanging naging sandalan ko sa paglaban sa aking sakit na halos ikamatay ko na. Nabalitaan ko ring halos mawala sa kanyang sarili si Franco ng umalis ako. And when my parents went back to the Philippines, sinabi ni Mommy kay Franco na hindi na ako babalik pa kailanman at iyon ay nagdulot ng pagkakaaksidente nito. Inakala niyang patay na ako at ganoon din ang gusto nitong mangyari sa sarili. But, Tito Sandro saves him hanggang sa mabalitaan ko na lamang na nagpakasal na ito.Nang mga sandaling iyon parang bumalik ang sakit ko. I felt my whole world shattered. Hinang-hina ako at parang saglit na nawalan ng buhay. Walang katumbas ang sakit na nadarama ko noon, ngunit anong magagawa ko? Ako rin naman ang may kasalanan ko ng lahat. I was the first one whole broke our promises between each other, at hindi ko masisisi si F
Katatapos ko lang magluto ng tawagan ako ni Troy.“So, kumusta ang deal natin kay Mr. Lorenzo?” agad na tanong nito pagkasagot ko ng telepono.“Bakit ‘di mo sinabi sa akin na matagal na palang may offer sa atin si Mr. Lorenzo?” ganting tanong ko rito, habang nakapamaywang ang isang kamay.Narinig kong humugot ito ng malalim na hininga sa kabilang linya. “You know the answer to that,” anito.Umirap ako. “Buti na lang mabait si Mr. Lorenzo at hindi ka n’ya tinantanan. We could have lost a great opportunity here,” panenermon ko sa kanya.“Well… tell that to yourself Marga. Ikaw lang naman ang iniisip ko ng mga panahong iyon,” nangongonsensya namang sagot nito.Ako naman ang bumuntong-hininga at naupo. “I know that and I really appreciate your concern. Pero kung sinabi mo siguro ng mas maaga sa akin, walang dahilan na hindi kita maiintindihan. Like what you always said, this is our business.”Natahimik ito at ganoon din ako. Tila pareho kaming may iniisip.“So, when are you going to sign
“Would you like me to say hi on you?” Franco asked sarcastically.Napapikit ako at bahagyang napapitlag ng marinig ang tinig nito. Ang pamilyar na tinig nitong iyon ay hinding-hindi ko nakakalimutan. It always makes my knees wobbled and weak.But, Franco was never been the same. Hindi nito alintana kung kinakabahan ako ng mga sandaling iyon. His dark aura was too powerful at nakadama ako ng bahagyang takot.Tumaas-baba ang dibdib ko. Kumapit ako sa railing ng elevator para kumuha ng lakas doon.“Why? Are you afraid of me? Ha, Marga?” sabi pa nito sa mapang-uyam na tinig.Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ramdam na ramdam ko ang galit nito and I cannot looked on him straight from the eyes.Pagak na natawa si Franco. “Hindi ba ako ang dapat matakot sa ‘yo? I was doubting myself kung tama ba ang nakikita ng mga mata ko, but it wasn’t. You were right here in front of me, breathing.” At hinagod ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa.Bigla akong nanlamig. Kakaiba ang tinging ibinibigay nit
Larawan ako ng kasiyahan ng makipagkitang muli kay Bianca. As usual, she looked gorgeous. Kulay itim ang suot nitong damit. Hakab na hakab iyon sa katawan nito which shows off her sexiness. Nakasuot ito ng sunglasses at pulang pula ang mga labi nito. kaakit-akit siyang tingnan.Mabilis ko itong nilapitan at binati. Ngumiti naman siya sa akin.“Take a seat,” anito sa malagihay na tinig. “I already ordered you coffee. I hope you don’t mind.”Tumango ako at napakunot noo habang umuupo. Lasing ba siya? Tanong ng kabilang bahagi ng aking isipan.“Sorry for the delays of the contract. May mga ilang detalye pa kasi akong pinalagay sa lawyer ko,” hinging-paumanhin nito ng iabot iyon sa akin.Ngumiti ako sabay kuha ng kontrata dito. “I understand that Miss Bianca,” turan ko.“Thank you,” anito. “You could study that first bago mo pirmahan. Kung may tanong ka, feel free to call me.” “I’ll do that, Rosales—”“I told you, just call me Bianca,” putol nito sa sasabihin ko.“Sorry... Sanay kasi a
Iginala ko ang aking mga mata sa paligid. “Ginawa na pa lang musuem ito ng school,” sabi ko habang isa-isang tiningnan ang mga display doon.“Hindi lang musuem ito. Andito rin 'yung mga memorabilia ng mga pasts students namin.” May pagmamalaking sabi nito. “Looked! Here!” excited na sabi nito at may itinuro kung saan.Nilapitan ko ito. Nakita kong ang itinuturo nito ay pictures namin noong high school kami at mayroon din noong college. May mga stolen shoots din doon. Pero kapansin-pasin na sa lahat ng mga pictures ko na naroroon, may isang pares ng mga mata ang hindi humihiwalay ng tingin sa akin. At iyon ay kay Franco.May mga kuha kami noong first year hanggang fourth year na panay ganoon ang kuha sa binata. Hindi ko alam na maging ang mga larawan sa eskwelahan namin dati ay saksi sa iniuukol na pagtingin sa akin ni Franco noon.At ko na naman mapigilang makadama ng panghihinayang, lalo na ang makadama ng matinding sakit dito sa puso ko.Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Paran
Umuwi rin ako ng San Bartolome kinabukasan. Pero bago ‘yon, inihatid ko muna si Bianca sa bahay ng mga ito. At sinigurado ko munang nasa maayos ito ng iwanan ko. Binilinan ko ito na tawagan ako anytime ‘pag kailangan n’ya ng tulong. Tumango naman ito. Hindi pa rin palagay ang loob ko, pero may tiwala naman ako dito.Pagdating sa San Bartolome, Gina continuously begged me to aatend on our reunion, kaya hindi na ako nakahindi pa. At kahit papaano nakaramdam din naman ako ng excitement. Abala na ako sa pag-aayos ng aking sarili ng pumasok si Mommy sa kwarto ko. Masuyo nitong tiningnan ang repleksyon ko sa salamin.Natatawa ako sa ibinibigay nitong tingin sa akin. “Just say it Mommy. Hindi ‘yong tinititigan mo ako ng ganyan,” sabi ko dito.“Well… kailan ko ba ikaw huling nakitang ganito kaaliwalas ang mukha? Kahit papaano, masaya akong bumabalik na ang dating ikaw, hija.” Mangiyak-ngiyak na sabi nito.“Mommy…” saway ko dito at hinarap ito, “huwag ka ngang ganyan.”Pakunwang suminghot-si
Nagising ako sa malakas na dagundong ng kulog sa kalangitan. Agad ang pagmulat ng aking mga mata at iginala ko iyon sa paligid. I was still in the island.Dali-dali akong bumangon at mabilis na nagtungo sa dalampasigan. Ngunit, malalaki na ang alon pagdating ko doon at hindi iyon kakayaning salungahin ng jet ski. Wala akong nagawa kundi bumalik sa kubo. Tantya ko alas-kuatro pa lang ng hapon pero napakadilim na ng buong paligid. Lumalakas na din ang hangin sa isla. Tila may paparating na bagyo.Palilipasin ko muna ang sama ng panahon bago umuwi sa amin at sigurado akong nag-aalala na sina Mommy at Daddy sa akin. Bulong ko sa sarili.Pero habang lumilipas ang mga oras, mas lalo pang sumasama ang panahon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang mga puno sa isla ay halos humalik na sa lupa sa tindi ng lakas ng hangin, maging ang tree house ay halos madala na din. Naginginig na ako at basang-basa. Kinuha ko ang banig at iyon ang aking ipinangsangga sa ulan.***FrancoAla-dose nang hating
Masaya kong ipinakilala si Troy sa mga naroroon. Game na game naman ito at mukhang enjoy na enjoy na.The ambiance of our restaurant was very lively at puro papuri ang naririnig ko mula sa aming mga bisita. They were very impressed with the interior of the restaurant.Troy and I were talking to some of our guests ng makita kong magkasabay na pumasok si Mr. Lorenzo at Franco. I got tensed, and barely hide because Troy detected it right away. Nakilala agad nito si Mr. Lorenzo at kaagad iyong nilapitan.“Mr. Lorenzo,” masayang bati dito ni Troy kasabay ng pakikipagkamay.Tinanggap naman iyon ni Mr. Lorenzo na nasurpresa ng makita ito. “Troy, I thought you were in Singapore.” Anito na malapad ang pagkakangiti.“I need to be here to support Marga,” sagot ni Troy at masuyo akong nilingon sabay baling kay Franco.“By the way this is Franco Saavedra, one of my executives.” Agad na pakilala ng matandang lalaki ng mapuna ang tinging ibinibigay ni Troy dito.Ngumiti naman si Troy dito sabay lah