Share

Ikaw Lamang
Ikaw Lamang
Author: Gael Aragon

Chapter 1

Marga

“Congratulations to us!” ang masayang sabi ni Troy sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina nito. 

Nakuha ko kasi ang deal sa Paradise Hotel, one of the best hotel dito sa Singapore. We were planning to expand our business, and Paradise Hotel is a great stepping stone for us. Kaming dalawa ni Troy ay magkasosyo sa negosyo. Itinayo namin ang Artemis Grill seven years ago, at ngayon nga ay isa na ito sa kinikilalang restaurant sa bansa. 

Si Troy Gascon ay isang Filipino – Singaporean at ang COO ng business namin. Sa edad nitong tatlumpu’t lima ay marami na rin itong napatunayan sa buhay. Matanda lang siya sa akin ng dalawang taon. 

Ako naman ay nagmula sa isang prominenteng pamilya sa Pilipinas na nag-base na sa Singapore, thirteen years ago, at ngayon ay siyang CEO ng restaurant namin. 

“Well, we both know na ikaw ang dahilan kung bakit natin nakuha ang deal,” ang tatawa-tawang wika ko sa kanya. 

Umirap siya sa akin at humalukipkip. “Fine! Fine! Whatever!” aniya na ikinatawa ko naman nang husto. Sumilay ang malalalim kong dimples sa pisngi. 

“Nagtampo agad?” ang nanunudyong turan ko dito. “Alright... Para fair, we both do our share.” Iiling-iling na dagdag ko.

Unti–unti naman siyang ngumiti. “Alam mo kung 'di lang ako bakla pinatulan na kita,” ang wika niya habang titig na titig sa akin. 

Natawa akong muli. “Huwag kang magbiro dyan at baka magkatotoo,” ang sagot ko dito. 

Sa totoo lang, napag-ukulan ko rin ito ng pansin noong una ko siyang makilala. Meztizo ito at napaka-gwapo. Malaki din ang pangangatawan nito. Aakalain mong walang itinago. Kaya’t noong malaman ko ang totoo nauwi sa pagiging magkaibigan at magkatrabaho ang lahat. At iilang tao lang ang nakakaalam ng sekreto nito, at isa na ako dun.

“By the way, you have to go back to the Philippines—” 

“What?!” bigla akong napatayo sa aking kinauupuan pagkarinig sa sinabi nito. Ang bilugan kong mga mata ay nanlalaking nakatitig dito. Hindi makapaniwala ang mga iyon.

“Pwede ba patapusin mo muna ako,” ang mahinahong turan niya sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang tumango at umupong muli. Hindi ko makuhang sumagot sa kaalamang babalik ako ng Pilipinas. 

“May isang malaking kompanya sa Pilipinas ang gustong makipagsosyo sa atin. Kaya naisip ko na ikaw ang ipadala doon,” sabi niya habang malalim ang aking iniisip. 

“Why me?” ang mahina kong tanong dito. Halos hindi iyon lumabas sa aking bibig. 

Ang kaninang kasiyahan na aking nadarama ay dagli ring nawala, dahil sa pagkakabanggit ni Troy sa Pilipinas. 

Labing-tatlong taon...

Labing-tatlong taon na ang nakalilipas nang mangyari ang lahat. At sa tuwing maririnig ko ang kahit anumang bagay na makapagpapaalala sa akin ng tungkol sa pinanggalingan ko, ay bumabalik lahat ng lungkot, pait, at sakit sa puso ko. 

Malaking bahagi nang pagkatao ko ang naiwan sa bansang sinilangan. Gustuhin ko mang umuwi ngunit, nananaig ang malaking takot sa puso ko. Takot na pumipigil sa akin na kahit man lang ang makapagbakasyon nang mahabang panahon sa amin ay hindi ko magawa.Dinadalaw man ako ng pamilya ko dito sa Singapore, but the feels of being home is always making me sad. 

Missed na missed ko na ang aming lugar. The beach, the plantation, their mansion, the islands and…

Ipinilig ko ang aking ulo sa sunod kong naisip. May isang anino ng lalaki ang pilit lumilitaw sa aking isipan. No! I shouldn't be missing him! Ang babala ko sa sarili.

“Marga are you listening?” ang mahinang tawag niya sa akin. 

“Yes.” Maikling tugon ko at pagkatapos ay, “I asked you, why me?” ulit ko sa aking tanong kanina, at tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. 

“Ikaw lang ang pwedeng pumunta doon, at alam kong alam mo yan. You owned half of this!” pagbibigay emphasis niya sa business namin. “At alam mo ring magiging busy tayo sa Paradise, kaya wala ng iba pang pwedeng pumunta ng Pilipinas kundi ikaw. Ako na ang bahala sa Paradise at ikaw naman ang bahala sa Pilipinas,” litanya pa niya. 

Wala akong maisip na idahilan dito. Tama lahat ng sinabi ni Troy. Wala kaming ibang pwedeng pagkatiwalaan pagdating sa negosyo namin kundi ang isa't isa. Nagpakawala ako ng buntong-hininga at ibinaling sa mesang nasa harap ko ang aking paningin. 

“Is that a yes?” agad na tanong ni Troy. 

Alam kong nababasa nito ang laman ng aking isipan, kaya hindi na ako makaka-hindi pa. 

“Do I have a choice?” ang malungkot na sagot ko. 

“Of course you do! But, think about our friendship firsts, bago ka pa makaisip ng ibang choices,” wika niya sa sarkastikong tinig. Isang irap ang ibinigay ko sa kanya na sinagot nito nang mataginting na halakhak. 

“Alright. When was this?” ang tanong ko rito habang hindi pa rin ito tumitigil sa pagtawa. 

“On Saturday,” mabilis na wika niya bago pa magbago ang isip ko. 

Tulala akong napatitig dito. Sandali akong nagbilang ng araw sa aking isip. Ang sinasabi nitong Sabado ay sa isang araw na. Marahas akong napatayo at halos mabingi kaming pareho sa nakakangilong tunog na nilikha ng upuang aking iniwan. Napapikit si Troy. 

“What?!” halos lumuwa ang mga mata ko sa pagkakatitig sa nakapikit na lalaki. “Are you kidding me?! Sa isang araw na ang sinasabi mo! Troy naman... I am not prepared for this. And you know that I will never... ever... be prepared for this,” madiing sabi ko sa bawat salita. 

Pero buo na ang pasya ng lalaki. “Take it or leave it,” ang sabi niya kasabay ng pagmulat at pagkikibit ng mga balikat. 

Magkakasunod akong humugot nang malalim na hininga. Pakiramdam ko parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaba, at pressure. Hindi ko inaasahang ganito kaaga magaganap ang pagbabalik ko. 

Nais ko pang magkaroon ng kaunting panahon para ihanda ang sarili ko, at pati na rin ang aking puso. Subalit, sa sinabi ni Troy wala na akong ibang mapagpipilian pa. 

Nilingon ko ito na mataman akong pinagmamasdan. “Tell me... You planned all of this, right?” ang pananalakab na tanong ko rito, at pinakatitigan itong mabuti.

“Marga... Marga... Marga...” ang panimula ni Troy habang lumalakad papunta sa harapan ko, at pagkatapos ay inilagay nito ang dalawang kamay sa magkabila kong balikat. A sign of telling me that all the words that he’s about to say is true. 

“I didn't planned this, and I don't intend to send you back in the Philippines knowing what you've been through there. Kasama na ang mga taong iniiwasan mo. But, this is business. Our business. Who knows? Maybe this is the right time for you to face all of your nightmares,” ang mahinahong turan niya sa akin. 

“I don't know Troy…” bakas sa mukha ko ang matinding pag-aalala at pangamba. “Hindi ko alam kung kailan ako magiging handa para harapin ang lahat. Natatakot pa rin ako,” mangiyak-ngiyak na sabi ko sa kanya. 

“Hush, Darling...” pang-aalo nito sabay yakap sa akin. Marahang hinaplos-haplos nito ang aking likuran. 

At dahil dito parang dam na umagos ang mga luha sa mga mata ko. Matagal na ring panahon ng huli akong umiyak at sa puntong ito, mukhang walang planong tumigil ang mga luha ko. Nanatili kami nang ilang minuto sa ganoong posisyon, bago muling binasag ni Troy ang katahimikan. 

“You know what, Darling? We should be celebrating. Not like this,” at pareho pa kaming natawa sa naging itsura nito. Basang-basa ng luha ang suot nitong polo. “Mahal 'to ha!” ang pabirong sabi ni Troy na lalong nagpangiti sa akin. 

“Oo na! Babayaran ko. Ilan ba ang gusto mo?” ganting biro ko habang nagpupunas ng aking mga luha.

Maigi nang habang maaga pa ay mailabas ko nang lahat ang mga luhang ito, nang sa ganoon ay wala ng tutulo pa pagdating ko ng Pilipinas. At ipinapangako ko sa aking sarili, ito na ang huling beses na iiyak ako.

“Ahmmm… Tama na ang isa baka mamulubi ka eh.” Sagot nito habang inaabutan ako ng tissue. Alam kong pinapatawa lamang ako nito para mapagaan ang aking pakiramdam. “And speaking of this polo, I have a great idea!” ang na-e-excite na sabi nito na nagpakunot ng noo ko.

Ano na naman kaya ang naiisip ng lalaking ito?

“Why don’t we go shopping? Para makapamili ka na rin ng pampasalubong sa inyo. Treat ko,” ang pang-eenganyong dugsong pa nito.

Iiling-iling na pinagmasdan ko ang kumekembot kong kaibigan pabalik sa kanyang upuan. 

Minsan naisip ko kung kakampi ko ba ito o kontrabida sa buhay ko. Hindi ko maitatangging malaki ang naging papel nito sa buhay ko dito sa Singapore. Isa lamang ito sa mga piling tao na tumulong sa akin upang malagpasan ang aking pinagdaraanan noon, at napakalaki ng utang na loob ko dito. 

Kaya ng alukin niya akong makipagsosyo sa negosyo ay hindi na ako tumanggi. Kaagad ko iyong tinanggap, sapagkat alam ko na mapagkakatiwalaan ito.

Sa una, medyo nangangapa pa ako palibhasa baguhan pa lang ako sa ganitong larangan ngunit, dahil na rin sa gabay ni Troy sa akin, nakagamayan ko na ang pagpapatakbo ng negosyo.

“Ano? Tatayo ka na lang ba dyan?” pukaw nito sa aking iniisip.

“Teka lang naman. Aayusin ko pa ang sarili ko. Puro ka kasi pasabog, tingnan mo tuloy ang mga itsura natin,” at inilahad ko ang pagang mga mata ko dito, sabay tingin ulit sa polo ng aking kaibigan na ikinatawa nito nang malakas. Napatawa na rin ako. Pareho naming inayos ang mga sarili bago tuluyang lumabas ng opisina nito.

***

“Marga, hurry up!” ang nagpapanic na tawag ni Troy, habang sunod-sunod na pagkatok ang ginawa nito sa pinto ng aking kwarto. 

Ito ang araw na kinatatakutan ko. Ang araw ng pagbabalik ko sa Pilipinas. Kaya minaigi kong mag-ayos ng aking sarili para kahit paano ay madagdagan ang confidence ko. 

“You’re going to be late sa flight mo!” dugsong pa nito sa likod ng pintuan.

“I’m coming, okay?” sagot ko sabay bukas ng pinto. Pinagmasdan akong mabuti nito, na para bang pinag-aaralang maigi kung tama ang aking suot na damit. Pagkatapos ay tatango-tangong lumakad palabas ng flat namin. “Pasado ba?” ang sarkastikong tanong ko dito ng abutan ko ito sa harap ng elevator.

“You always looked gorgeous, Sweetheart. You know that,” sabi nito habang hindi lumilingon sa akin.

“Why, thank you,” at nagkunwa akong yumukod sa harap nito na parang isang prinsesa. Natawa naman ito sa aking ginawa habang papasakay ng elevator.

Tahimik kaming bumyahe papuntang airport. Inihatid ako ni Troy gamit ang sasakyan nito. Ang isip ko ay lumilipad sa kung anong kahihinatnan ng pag-uwi ko, samantalang si Troy ay nag-aalala na baka sa huling sandali ay mag-back out ako.

Papasok na ako ng terminal gate ng magsalita ito. “I’ll missed you,” ang nalulungkot na sabi nito. Bakas sa mukha nito ang 'di matatawarang pag-aalala sa akin.

“Me, too.” At mahigpit kong niyakap ang aking kaibigan. 

“Just do your best, okay? Alam kong magiging maganda ang resulta ng lakad mo na ito. And I know, you’re brave enough to face everything,” ang madamdaming sabi nito.

“Nambola ka pa. Hindi naman na ako makakaatras di ba?” ang natatawang sagot ko rito. Pero sa totoo lang, dahil sa sinabi nito, medyo lumakas ang aking loob.

“Sige na. Go! At baka ma late ka nang talaga.” Pagtataboy ni Troy sa akin. Dali-dali akong tumalikod papasok ng airport.

“Don’t forget to call me if anything happens, okay? And say hi to Tito and Tita for me,” pahabol pa nito habang kumakaway sa akin. 

Nilingon ko ito, “I will.” Wika ko sabay ganti ng pagkaway dito. Pagkatapos tuluyan na akong pumasok sa loob. 

Halos tatlumpung minuto lang ang itinagal ko sa airport. At ngayon nga ay naglalakad na ako sa loob ng eroplano. Sunod-sunod ang ginawa kong paghugot ng malalim na paghinga pagkaupong-pagkaupo ko. 

“Wala ng atrasan ‘to, Marga. Like what Troy said, you have to be brave. At tandaan mo, hindi na ikaw ang dating si Marga. Matatag ka na ngayon at may sariling paninindigan,” ang sabi ko sa aking sarili. Unti-unti ng umaangat ang eroplano. At unti-unti na ring lumiliit sa paningin ko ang lugar na aking pinanggalingan.

Ang kabang aking nadarama ay hindi matatawaran. Pilit kong iwinawaksi sa aking isipan ang mga posibleng mangyari sa akin pagdating ko ng Pilipinas. 

Magkahalong kaba, saya, at lungkot ang aking nadarama. At habang nagsasalimbayan ang mga ulap sa himpapawid, dagling bumalik ang mga alaala ng kahapon sa aking isipan…

**

Sixteen years ago… 

Lunch break na ng high school department. 

Magkakasama kaming magkakaibigan na kumakain sa canteen ng may lumapit na grupo ng kalalakihan sa amin. 

“Marga may sasabihin daw sa ‘yo si Greg,” sabi ng isang payat na lalaki sa akin. Isa ito sa mga alipores ni Greg De Castro, ang notorious playboy ng high school department. 

“Ano daw naman ‘yon?” tanong ng kaibigan kong si Nicole. Nakataas ang kilay nito na nagpapahiwatig nang disgusto sa kaharap nito.

“Eh…” napakamot sa ulo ang payat na lalaki sabay baling kay Greg. 

“’Pre, ikaw na magsabi nahiya na ako eh,” anito sa lalaking ngingisi- ngisi sa isang tabi. 

“Marg naman…alam mo naman ang pakay ko, eh.” Sagot ni Greg. Ilang buwan na itong nagpapahiwatig ng pagkagusto sa akin, pero kahit ilang beses ko ring bastedin ito, sige pa rin sa panunuyo sa akin. 

“Greg pwede ba,” simula ko, “kumakain kami ng mga kaibigan ko. Wala akong panahong makipag-usap sayo,” ang walang ganang dugtong ko. 

“Narinig mo ang sinabi ng kaibigan namin?” wika naman ng isa ko pang kaibigan na si Gina,“Tsupe!” ang naiiritang dagdag pa nito sabay wasiwas ng kamay sa harapan ng lalaki. 

Naging tabingi ang ngiti ni Greg. Biglang dumaan sa mga mata nito ang galit na hindi rin naman nagtagal, kaya hindi iyon basta-basta mahahalata ng kahit sino. Ngayon lamang kasi ito napahiya nang ganito sa harap ng kanyang mga kaibigan. At sinisigurado ni Greg na hindi na ito mauulit pa. 

“Aalis ako ngayon Marga, pero hindi pa rin ako susuko. Magiging akin ka rin,” sabi ni Greg sa akin sa nakakatakot na tinig. 

Nagkibit lamang ako ng mga balikat. ‘Ni hindi ko ito nilingon kahit nararamdaman kong nakatitig pa rin ito sa akin. Walang nagawa ang grupo nina Greg kundi iwanan kami. 

“The nerve of that guy!” ang naiirita pa ring sabi ni Gina. 

“At may lakas talaga ng loob na manligaw sayo ha? Hello!? Para namang papatulan mo ang isang iyon,” dugtong ni Nicole.

“Girls, calm down. Alam nyo naman na hindi ako pumapatol sa mga kagaya niya eh,” ang sagot ko habang iiling – iling pa. 

Sikat kasi ako sa buong campus ng St. Paul College. Bukod sa matalino na ay hindi rin matatawaran ang aking ganda. Alon-alon ang kulay itim at mahaba kong buhok, bilugan ang aking mga mata na may mahahabang pilik, katamtamang tangos ng ilong, makinis na balat at higit sa lahat may malalalim na dimples na siyang pinaka-asset ko. Matangkad din ako. Kaya naman marami akong manliligaw, ngunit 'ni isa sa mga ito ay wala akong sinasagot. Nangako kasi ako sa Daddy ko na tatapusin ko muna ang aking pag-aaral bago makipag-nobyo. 

Nasa ika-apat na taon na ako sa high school, at kahit malayo pa man ang aming graduation, alam na ng lahat na ako ang magiging valedictorian. Ako ay bunsong anak nina Mr. Valencio Agustin at Mrs. Zenny Agustin.

Isa kami sa pinakamayamang angkan sa San Bartolome. May-ari kami ng sikat na beach resort, kung saan naroon din ang mismong bahay namin na isang Spanish styled house. May plantasyon din kami ng mangga sa aming lugar which was three kilometers away from our house. Kaya di maikakailang marami ang nagkakagusto sa akin, dahil bukod sa talino at ganda, mayaman rin ako. 

“Uy, Marga,” untag ni Nicole sa aking pag-iisip. Pakiwari ko ay kanina pa ako kinakausap ng mga ito. 

“What?” naguguluhang tanong ko sa dalawa.

“Tinatanong ka namin kung anong plano mo sa birthday mo.” Sagot ni Gina. 

“Ano ba kasi iniisip mo at mukhang nasa ibang planeta ka, ha?” ang tanong ulit ni Nicole. 

“Wala naman,” ang nakangiting sagot ko sa dalawa. Nakalimutan ko nga palang sixteenth birthday ko na sa darating na Linggo. At kahit hindi ko man sabihin, alam kong naplano na ito ng aking mga magulang. Hindi kasi sila pumapalyang magpa-party tuwing birthday ko. “Tatanungin ko na lang si Mommy mamaya pag-uwi ko. Wala kasi akong balak mag-party ngayon.” 

“Naku, eh kilala mo naman si Tita Zenny, kahit ayaw mo malamang nakapaghanda na ‘yon.” sabi ni Gina. 

Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam ko iyon because my mother used to plan things without even telling me. And I know, on my upcoming birthday, she already prepared everything at hindi ko na iyon matatanggihan pa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status