Share

Kabanata 002

ONE HOUR EARLIER

LINCON MOORE:

"SPILL EVERYTHING DETECTIVE! sabihin ko sakin lahat ng detalye" matigas kong sabi sa imbestigador na aking binayaran. Nananatili pa rin akong nakaupo sa aking sasakyan at naghihintay sa balitang sasabihin ni Detective sa aking pinatrabaho sa kaniya. Bawat salitang kaniyang sinasabi ay tila nag-aapoy sa galit na naglalaban sa aking dibdib. Si Jillian, ang long-time girlfriend ko, ang babaeng itinuring kong katuwang sa buhay, ay may lihim na relasyon kay Bruce, ang sarili kong stepbrother. Paano niya nagawang ipagkanulo ang tiwala ko? Isang araw na lang ang natitira bago ang kasal namin, at bigla na lang siyang umatras.

"FVCK , Thank you Detective. I sen now to your back account the payment for your work" sagot ko sa kaniya.

Mainit ang ulo ko ng pumasok ako sa loob ng aking opisina. 

Habang pinagmamasdan ko ang kanyang larawan na nakadikit sa aking desk, nag-aalab ang galit sa aking puso. “Mali ang pinili mo, Jillian,” bulong ko sa sarili. "Walang kahit na sinuman ang maaring manloko sa akin. Sisiguraduhin kong malalaman mong nagkamali ka sa desisyon na ginawa mo"

Tinawagan ko ang aking kanang kamay na si Hanz at naging kaibigan na din. "Anong ngyayari Sir Lincon parang sobrang init ata ng ulo mo?"

"bullsh*t Hanz, kaka receive ko lang ng tawag mula kay detective. Nalaman k na kung sino ang lalaki ni Jillian, it was Bruce" sabi ko sa kaniya

"what the fvck! pano ngyari yun?" gulat na tanong ni Hanzs sa akin.

"akala niya kasi Si Bruce ang CEO ng Moore Corporation. That girl , ngayon ko lang nalaman na nilo-look forward lang niya ang kayamanan ko." sagot ko sa kaniya. "kaya pala biglang umatras sa kasal namin" 

"ohh geeeezzz, you mean hindi na tuloy ang kasal bukas?" tanong niya sa akin

"NO, hindi pwede. Hindi ako papayag. hahanap ako ng babaeng magpapakasal sakin. Kahit sino hanapan mo ako ngayon. Magababayad ako ng 20 million for 3 years contract na magiging asawa ko para makuha ko na din ang mana ko kay Lolo" sabi ko sa aking assistant. 

"Hmmm suggestion lang, bakit hindi ang nerd mong sekretarya. Si Tiffany, as I heard kailangan niya ng pera para makuha niya ang kaniyang kapatid at Mama sa mapang-abuso niyang tatay. Sa tingin ko siya ang karapat-dapat na magpanggap bilang asawa mo dahil sure akong hindi siya mag-take advantage sayo. Isa pa hindi mo magiging problema dhail madaling kontrolin si Tiffany" natahimik ako at napasandal sa aking kinauupuan. 

"what do you think on my suggestion?" tanong niya sa akin.

“Ipinapakita ko kay Jillian na mali ang desisyon niya,” sagot ko, ang tingin ko ay matatag. “Pakakasalan ko si Tiffany sa kabila ng lahat. Isang kasal na ipinipilit ko, sa ayaw at sa gusto niya. Ipapakita ko kay Jillian na maling iniwan niya ako sa ere" sagot ko sa kaniya.

 “ Okay kung desidido ka na wla na din naman akong magagawa, kilala kita. Handa akong tumulong sa iyo, kahit anong mangyari. Ihahanda ko na ngayon lahat sa munisipyo, ikaw na ang bahalang kumausap kay Tiffany" sagot ni Hanz sa akin.

"walang problema ako ng bahala kay Tiffany. Wala naman siyang magagawa pa." sagot ko sa kaniya ng may kakaibang ngiti sa aking labi. 

PRESENT TIME (SA ARAW NG AMING KASAL NI TIFFANY)

AT THE MUNICIPAL HALL

Nagtungo ako sa munisipyo kasama ni  Hanz. Eksakto alas 2:50 ng hapon, ay dumating na kami inaasahan kong nauna na si Tiffany sa loob ng Opisina ng Mayor. Pumasok ako sa itaas ng opisina ng alkalde, kasama ang assistant kong si Hanz. Nagulat ako dahil  wala pa rin si Tiffany.

“Where the hell are you, Tiffany?!” bulong ko sa sarili, nagngangalit ang aking bagang sa inis. Ang galit ko ay tila umaapaw, hindi ko alam kung bakit hindi siya dumating. Pati ba naman ang sekretarya ko ay hindi ako sisiputin? "humanda ka sa pagpasok mo bukas sa opisina Tiffany, iimpake mo na lahat ng gamit mo sa opisina, dahil simula bukas magsisimula na ang kalbaryo mo" inis kong sabi sa aking isip, nahalata ni Hanz ang aking pagkainis.

“Relax ka lang, Lincon. May 5 minutes ka pang natitira,” aniya ni Hanz, ngunit parang wala akong narinig. Wala na akong pasensya. Habang pinagmamasdan ang orasan, nagdududa na ako kung dadating pa ba si Tiffany. 

Pagdating ng 2:59, biglang bumukas ang pinto ng opisina ng Alkalde. Sa likod ng pinto, lumabas si Tiffany, ngunit ang kanyang itsura ay tila nagbago. Parang huminto ang sandali. Kakaiba ang kaniyang itsura niya sa kaniyang pang araw araw na itsura kapag pumapasok siya sa opisina. Ang ganda niya sa suot niyang puting puting bistida, flat shoes, at napaka light na make up na bumagay  sa kaniyang mukha. Ang layo nito sa itsura niya kapag nakasuot siya ng kaniyang pang office uniform.

“At bakit late ka?” tanong ko sa kaniya ng makalapit siya sa akin habang tinuturo ko ang oras sa suot kong relo. “Bakit ka ngayon lang?”

“Pasensya na, Mr.Moore! May emergency na nangyari sa daan, ” sagot niya, ang boses ay tila puno ng paghingi ng tawad. “Naging traffic kaya’t nalate ako.”

Tumingin ako sa kanya nang masinsinan. “Traffic? nonsense ang mga sinasabi mo, edi sana umalis ka ng maaga sa bahay mo. " bugnot kong sagot sa kaniya.

"pero Mr.Moore umabot naman ako sa oras na binigay ninyong timeline sa akin." may paninindigan niyang sabi. May sasabihin pa sana ako pero inawat na ako ni Hanz. Napatingin ako sa kaniya at umiling na siya sa akin kaya't hindi ko na ito pinagalitan pa.

“Wala na tayong oras. Halika na.” Sumunod na siya sa akin, kahit na galit ay pasimple akong napapangiti habang pumapasok kami sa mismong tanggapan ng Alkalde kung saan babasbasan ng alkalde ang aming kasal.

Habang papalapit kami sa opisina, muling umusad ang mga tanong sa isip ko. “bakit parang kakaiba ang aking naramdaman ng makita ko si Tiffany, ang mukha niyang maamo, ang balingkinitan niyang katawan at ang mga mata niyang mapupungay na ngayon ko lang nakita dahil sa pagtanggal niya ng kaniyang salamin. Sh*t Lincon hindi pwede." pag aawat ko sa aking sarili.

"handa ka na ba?" tanong ko kay Tiffany

"Yes Mr. Moore, wala na din naman akong choice." maiksi niyang sagot sa akin.

Huminga ako nang malalim, sinubukang kalmahin ang aking sarili sa pagka inis ko kay Tiffany sa pagpapahintay niya sa akin . “I’m counting on you, Tiffany. ikaw lang ang mapapagkatiwalaan ko sa bagay na ito. Pasensya na kung kailangan mong gawin ito para sa akin." biglang lambing ng aking boses. Hindi ko alam ng magkalapit kami ay may kakaiba akong naramdaman para kay Tiffany.

Tumango siya, ngunit sa mga mata niya, nakita ko ang labis na lungkot. “Alam ko ang responsibilidad na pinasok ko , Mr.Moore. Hindi kita bibigyan ng dahilan upang mag-alala. Gagawin ko ang part ko sa kasunduan natin, mabilis lang naman ang tatlong taon." sagot ko sa kaniya.

Paglapit namin sa pinto,pakiramdam ko lahat ng aming gagawin ay totoo, bakit ako ang nakakaramdam ng ganito?!. Winaksi ko sa aking isip lahat ng gumugulo dito. Sa likod ng pintuan ng opisina ng alkalde, nandiyan ang aming kinabukasan at ang mga desisyon na magbabago sa aming mga buhay. “Tiffany, salamat sa pagpayag mo." maiksi kong sabi na may lambing sa aking mga tono. Napatingin siya sa akin kasabay ng pagbukas ko ng pintuan kung saan kami pipirma ng aming marriage contract. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status