IDINAMPI KO SA MUKHA ko ang pulbos na nasa palad ko, naghihingalo na ang laman ng garapon at humihingi na ng kapalit. Kahit pulbo ay hindi ko pa magawang bumili ulit. Humarap ako sa maliit na salamin para siguraduhin na maayos ang pagkakalagay nito sa mukha ko. Isinuot ko ang salamin ko sa mata na aalisin ko rin mamaya sa trabaho, ipinagbawal kasi sa akin na magsuot ako nito habang nagtatrabaho. Kahit hirap akong umaninag, pinilit ko na lang kaysa wala akong trabaho, hindi ko rin afford sa ngayon ang contact lense. Ang pagiging malabo rin ng mata ko ang isa sa dahilan kung bakit maka-ilang beses na akong nakakabasag o nakakatapon ng pagkain.
Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa sarili sa salamin. Panibagong araw, kaya panibagong kalbaryo na naman ang haharapin ko. Kailangan kong maghanap ng raket sa lalong madaling panahon. Dahil kung hindi, sa kangkungan kami pupulutin mag-a-ama.
"Ate Peng, aalis na po kami." Paglingon ko ay pumasok sa kwarto kung nasaan ako si Pia na nakasuot na ng uniporme. Sunod naman na pumasok si Potpot, mukhang malinis at mabango sa uniporme. Handang-handa na para pumasok sa eskwelahan. Hinanap ko ang wallet sa bag ko at dumukot ng dalawang singkwenta.
"Mag-iingat kayo papasok ha, mag-aaral ng mabuti. Pia, bantayan mo si Potpot baka matutong maglakwatsa." Sunud-sunod na paalala ko sa kanila. "Oh..." Inabot ko sa kanila ang baon nila para ngayong araw, tig-singkwenta sila, kasama na ang pamasahe sa binigay ko. May baon naman silang kanin at ulam kaya hindi na nila po-problemahin pa ang tanghalian.
"Opo, ate. Ingat ka rin po," tugon naman ni Pia. Nasa fourth year na siya sa highschool habang si Potpot naman ay first year."Hindi po ako maglalakwatsa, ate. Ayoko nang madagdagan pa ang stress mo," sabi ni Potpot. Lumambot naman ang puso ko sa tuwa dahil sa sinabi niya. Napakaswerte ko talaga sa kanila. Si Pia ay responsable habang si Potpot naman ay malambing, parehas rin silang mabait at masunurin. Niyakap ko silang parehas at hinalikan sa noo."Mabuti kung gano'n. O siya, lumarga na kayo baka maabutan pa kayo ng traffic, male-late kayo!" Hinatid ko sila hanggang pintuan ng bahay, kumaway ako para magpaalam. Nagtungo ako kay papa na naka-upo sa wheel chair niya habang nanunuod sa maliit na T.V. namin. Nang lumapit ako sa kaniya ay tumingin siya sa akin."Pasok na ako, 'Pa," paalam ko kay Papa saka yumuko at niyakap siya. Bakas sa mga mata niya ang naghahalong pag-aalala at saya, ngumiti ako para pawiin ang pag-aalala niya. Hirap magsalita si Papa, pero kilala ko na siya, hindi man niya sabihin alam kong sinisisi niya ang sarili niya kung bakit naghihirap kami ng ganito. Hinalikan ko siya sa noo at saka kinuha ang bag ko na nasa ibabaw ng sofa."Uminom ka po ng gamot mo, ha. 'Wag matigas ang ulo, ibibilin po kita kay Tita Marie," paalala ko sa kaniya. Minsan kasi, hindi siya umiinom ng gamot lalo na kapag nalulungkot. Kaya nahihirapan si Tita Marie, kapatid ni Papa na siyang nag-aalaga kapag wala kami. Inaabutan ko na lang siya ng pera tuwing sahod para sa mga tulong niya sa amin. Mabait naman si Tita, iyon nga lang parehas kaming gipit kaya hindi ko rin siya malalapitan pagdating sa pera.Iniwan ko na siya at lumabas ng bahay. Nagpunta ako sa kabilang bahay para ipaalam kay Tita Marie na aalis na ako at walang kasama si Papa sa bahay.Naglakad ako papunta sa kanto para maghintay ng masasakyang pedicab o 'yong bike na may sidecar. Mahal kasi ang singil sa trycicle dito, kailangan kong magtipid ngayon lalo na marami akong bayarin. Pagkatapos ng Pedicab ay kailangan ko pang sumakay ng jeep para makarating sa Eat n Great, ang restaurant na pinagtatrabahuhan ko.Pagdating ko pa lang sa kanto ay natuliling na ang tenga ko sa malakas na busina ng motor na nakaparada sa isang tabi. Ngumiti ako, mukhang makakatipid ako ng pamasahe ngayon ah. Lumapit ako kung saan nakaparada ang motor. Sakay nito ang patpatin pero matangkad na kababata ko."Tara na, Peng! Kanina pa kita hinihintay rito!" bulyaw sa akin ni Marco, ang kababata ko. Inabot niya sa akin ang isa pang helmet na hawak niya. Hindi ko makita ang ekspresyon niya dahil nakasuot na ang helmet niya.
"Malay ko bang ihahatid mo ako? Teka, wala kang pasok?" usisa ko sa kaniya habang isinusuot ang helmet. Lagi akong hinahatid ni Marco sa trabaho kapag libre siya."Ay meron, meron. Malamang wala kaya nga ako nandito 'di ba?" pamimilosopo niya. Binatukan ko naman siya dahil sa ginawa niya. Napakasiraulo talaga nito minsan. Mabait si Marco, maaasahan pero mapang-asar at napakapilosopo. Nanay niya nga pala si Aling Precy na ubod ng sungit at matapobre.
"Siraulo ka talaga 'no!? Tinatanong kita nang maayos, napakapilosopo mo talaga," banat ko naman, hindi maitago ang inis sa boses."Oh, chill... Naiinis ka na naman," sabi naman niya, humalakhak pa siya para asarin ako lalo. Baliw talaga 'tong lalaking 'to. Iinisin niya ako at pagkatapos sasabihan ako ng chill!?"Ayoko nang sumabay sa 'yo, bwiset ka. Magko-commute na lang ako!" Akmang huhubarin ko na ang helmet nang hawakan niya ang braso ko at pigilan ako."Sorry na, ang aga-aga napakasungit mo. Sumakay ka na nga, tatanghaliin ka na," pagsuko niya. Ini-start na niya ang motor nang makasakay ako. Nagulat ako nang hapitin niya ang braso ko at ipinulupot ito sa katawan niya. Napasinghap ako at kinabahan dahil baka may makakita at ma-issue pa kami. Wala akong panahon sa mga bagay na 'yon.
"Kumapit ka, bi-biyaheng langit na tayo!" sigaw ni Marco na nagpakaba sa akin ng sobra."Hoy! Ayusin m—" Hahampasin ko sana siya nang iharurot niya ang motor kaya sumigaw ako at napayakap ako sa kaniya sa takot na mahulog. Bwiset talaga ang lalaking 'to! Balak niya ba akong patayin!? May pamilya pa akong binubuhay. Lord, kayo na po ang bahala sa amin, ingatan niyo po kami, huhu. Malilintikan ka talaga sa akin, Marco! Waah!Pinaghahampas ko si Marcos sa balikat nang makarating kami sa harap ng restaurant. Sinasalag ng braso niya ang bawat hampas ko habang tawa ng tawa, mas lalong nanlaki ang butas ng ilong ko sa galit dahil kahit isa sa hampas ko ay walang tumama."Salamat! Lumayas ka na baka kung anong pang magawa ko sa 'yo!" sigaw ko sa kaniya habang inaayos ang buhok. Hindi pa rin naaalis ang malawak na ngiti niya. Hindi ko na napigilan pa at napangiti na rin ako. Kahit kailan talaga ang lalaking 'to! Siraulo."Ikaw lang ang kilala kong nagpasalamat nang galit, iba ka talaga, Peng!" paninita niya habang nakangisi. Sinamaan ko siya ng tingin. "Oo na, aalis na. Nasaan na ang kiss ko? Aray!"At sa wakas, nabatukan ko rin siya. Hindi ko na siya pinansin at pumasok na sa loob.
Laging ganyan si Marco. Hindi ko na lang pinapansin ang mga biro niya dahil biro nga lang 'yon. Wala naman siyang ibang sinasabi na seryoso siya sa mga bagay na gano'n kaya walang rason para seryosohin ko ang mga pahiwatig niya. Palabiro lang talaga si Marco.
Naging abala ako sa pagse-serve sa mga customer buong araw. Hindi ko na nga namalayan ang oras, alas singko na ng hapon. Tatlong oras na lang, makakauwi na ako. Nanlumo ako dahil hindi ko alam kung saan ako maghahanap ng raket ngayong araw.Nilapitan ko si Tanya na nasa counter."Anong balita? May alam ka bang raket ngayon? Kailangang-kailangan ko talaga, papaalisin na kami sa bahay na tinitirahan namin," nababahala kong sabi sa kaniya at nagbabakasakali na may alam siya. Siya na lang ang huling pag-asa ko.Lumungkot ang ekspresyon niya at saka umiling. "Pasensya na, Phoebe. Wala pa talaga sa ngayon, e," nag-aalangan na sabi ni Tanya. Lalo akong nanlumo dahil ang huling pag-asa ko ay naghalo na rin."Ganoon ba?" Iyan na lang ang naisagot ko, tinanguan ko siya. Nagpaalam muna ako para magpunta sa restroom pero sa totoo lang, gusto ko lang talagang umiyak. Hindi ko na kayang pigilan ang iyak, kanina pa nangingilid ang luha ko. Mabuti nga kanina ay kahit papaano nawala sa isipan ko ang mga problema ko nang ihatid ako ni Marco. Pero ngayon, heto na naman ako. Namomroblema kung saan ako ra-raket ngayon para mabayaraan ang upa sa bahay.Nang gumaan ang pakiramdam ko ay naghilamos ako at nag-ayos ng sarili pagkatapos ay bumalik na sa labas.
"I-serve mo 'to sa table number 8, Phoebe, mukhang attitude 'yong customer," bulong na utos sa amin ni Miracle, kasama ko sa trabaho. Dahil lutang ako, sumang-ayon ako at saka inabot ang tray ng pagkain. Naglakad ako papunta sa table number 8."Here's your order, Ma—" Tumigil ang mundo ko at parang hinila ako pabalik sa katinuan nang ma-realize ko ang nagawa ko."Darn it!" Tumayo ang customer at saka ako tinapunan ng masamang tingin. "Bulag ka ba o sadyang tatanga-tanga ka lang!?" pang-iinsulto niya sa akin. Napayuko ako habang nanginginig ang mga kamay ko. Napapikit ako nang mariin. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Bakit ba napakatanga mo, Phoebe!?"Sorry po, papalitan ko na lang po ang pagkain niyo, pasensya na po talaga," hingi ko nang paumanhin sa customer. Paulit-ulit itong lumabas sa bibig ko. Pinagtiklop ko ang mga kamay ko para pigilan ang panginginig, dahil ito sa sobrang kaba na madalas nangyarari sa akin dahil ilang beses na akong nakatapon ng pagkain."How about my dress, can you pay for it!?" sigaw niya, nakatingin siya sa akin na animo'y nilalait na ang buong pagkatao ko. Humingi lang ulit ako ng tawad sa kaniya, kasalanan ko naman talaga. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nasa sulok naman ang mga iba kong kasamahan sa trabaho."I want to talk to your boss!" utos niya habang nagpupunas ng damit.
Para hindi maging agaw atensyon sa labas, sa opisina kami ni Sir Daniel nag-usap kasama ang customer na natapunan ko. Nanatili akong nakatungo. Naka-upo kami sa magkabilang upuan sa harap ng table ni Sir."I'm really sorry for what happened, Miss. I will take serious action about this, this time." paumanhin ni Sir sa kalmadong boses. Nag-angat ako ng tingin kaya nagtama ang mata namin ni Sir, pinandilatan niya ako kaya umiwas ako ng tingin.Prenteng naka-upo naman ang babae. Wala na ang kaninang iritableng mukha niya. Panay rin ang tingin niya sa akin."Nagbago na ang isip ko, sa sobrang mahal ng damit ko, hindi niya kaagad mababayaran ito." Tinapunan ako ng tingin ng babae na para bang sigurado siya sa sinabi niya. Totoo naman talaga ang sinabi niya. Wala akong pangbayad sa magarang damit niya, lalo na ngayon. Gipit na gipit ako.
"May iba pa akong alam na paraan para mas mapabilis ang pagbabayad mo, hindi mo na kailangan maging abala pa sa boss mo," dagdag ng babae. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Lumiwanag ang mukha ng boss ko nang marinig niya ang sinabi ng babae.Tinignan ako mula ulo hanggang paa ng babae, nagtama ang mga mata namin, ngumisi siya na mas nagpakaba sa akin.Tinakpan ko ang katawan ko at umiling-iling. "Hindi ko po pinagbebenta ang katawan ko, handa po akong magtrabaho kahit katulong pero hindi ko gagawin ang gusto mo," angal ko. Hindi ako ganoong klaseng babae. Importante pa rin sa akin ang dangal ko.
"Excuse me?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi ako cheap na babae para maging recruiter, duh. I'll wait for you at the parking lot, pagkatapos ng trabaho mo." Tumayo na ang babae at diretsong lumabas sa opisina, hindi na hinintay pa ang sagot ko."'Wag ka nang maarte, Phoebe. Para sabihin ko sa iyo, wala ka nang trabaho ngayon."Mabilis na napalingon ako kay Sir Daniel. "Po!? Sir... 'wag naman po. Ikaltas niyo na lang po sa sahod ko, wala pa po akong nahahanap na ibang trabaho," nangingiyak na pagmamakaawa ko."Pinagbigyan na kita, Phoebe. Huli na 'yon," pagmamatigas ni Sir. Wala na akong nagawa pa, lumabas ako ng opisina nang luhaan."Get in," aya ng customer kanina sa akin na pumasok sa kotse niya. Nag-aalinlangan man ay sumunod pa rin ako. Nakapagpalit na siya ng damit. Kinakabahan ako dahil baka kidnapping pala ito. Umiling ako sa naiisip.Nabawasan ang takot ko nang pagpasok ko sa kotse niya ay walang ibang tao, kami lang dalawa."Paano kita babayaran? Gagawin mo ba akong katulong sa bahay niyo?" tanong ko agad. Umiling naman siya. "Magiging bayarang babae ako?" tanong ko ulit. Inirolyo niya ang mata niya nang tumingin sa akin, sign na naiinis siya sa mga tanong ko.
"Of course not! Okay, let's get straight to the point," huminto siya at tinitigan ako nang maigi. "You just need to break a casanova's heart. You need to make him fall in love with you, be in a relationship, then break up with him. Just make sure he's really inlove with you."Napanganga ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Hinintay ko siyang tumawa o kaya bawiin ang sinabi pero nanatili siyang seryoso. May galit ba siya sa 'Casanova' na tinutukoy niya kaya niya ginagawa ito?"Seryoso ka ba diyan?" paninigurado ko sa kaniya, hindi pa rin ako makapaniwala sa gusto niyang gawin ko."Hindi mo na kailangan bayaran ang damit ko, ako pa ang magbabayad sa 'yo. Plus..." pinutol na naman niya ang sinasabi niya. Tumaas ang kilay ko habang hinihintay ang susunod na sasabihin niya."You'll be his secretary," sabi niya. Nagpantig ang tenga ko nang marinig ang salitang 'secretary'. Nanlaki ang mga mata ko. Napalunok ako ng laway."IBIG MO BANG SABIHIN na magta-trabaho ako bilang secretary niyang—" huminto ako at nag-isip kung nabanggit ba niya ang pangalan ng 'Casanova' na sinasabi niya. Kung nabanggit nga niya, hindi ko maalala. "Ano nga ulit ang pangalan no'n?" tanong ko sa kaniya. "He is Knox Contero, the heir of Contero Corporation. He is now the CEO. He's good, smart and charming. But don't be decieve by his charm," babala niya sa akin, kung magsalita siya ay parang kilalang-kilala niya ang Knox na iyon. Nakatanaw siya sa malayo habang sumisilay ang ngiti sa kaniyang labi na tila ba may naalala na nagpangiti sa kaniya. Pero bago pa tuluyang lumawak iyon ay sumimangot na siya ulit. "Kung magsalita ka, parang close kayo, ah? Ex-boyfriend mo ba 'yon?" usisa ko. Kung tama ako, maaaring dahilan kaya ginagawa niya ito ay dahil sa galit. Maaaring niloko siya o sinaktan. Kung hindi naman baka isa sa mga kaibigan niya ang sinaktan kaya siya ang naghihiganti. Pero kung ako kasing yaman niy
ALAS-SAIS PA LANG ng umaga ay gising na ako. Naghahanda para sa pagpasok ng mga kapatid ko. Nagluto ako ng almusal na tanghalian na rin ng mga kapatid ko. Magbabaon sila ng Tocino at kanin ngayon dahil medyo nakakaluwag-luwag ako ngayon. Madalas kasi itlog lang. Iba't ibang luto ng itlog. Kahit gusto ko magbaon sila ng masasarap, hindi ko maibigay 'yon sa kanila. Bigla akong nakaramdam ng kiliti sa bandang tiyan ko nang maalala na magiging secretary ako. Ang pinapangarap kong trabaho ay sa wakas, makakamtan ko na. Bigla rin naglaho ang kiliti na nararamdam ko at napalitan ng pagkabog ng dibdib ko. Pero kaugnay no'n ang paggawa ko ng bagay na labag sa loob ko. Ano kayang hitsura ng Knox Contero na 'yon? Anong ugali? Parang hindi ko yata kakayanin. Pumikit ako nang mariin. Hindi! Dapat kayanin ko dahil ito na ang pagkakataon ko para magsimula ulit. Para maibigay ang mga pangangailangan ng pamilya ko. Lalong-lalo na si Papa. "Ate! Masusunog na ang To
PAGTAPOS NAMIN KUMAIN ay nilinisan ko na si Papa ng katawan. Pinunasan ko ito at pinagpahinga na sa kwarto niya. Ang mga kapatid ko ay nasa kwarto na rin nagpapahinga. Naghugas muna ako ng pinggan bago naghilamos at pumasok sa kwarto.Nilapitan ko ang isa sa paper bag na naglalaman ng mga damit galing kay Brianna. Ito ang mga outfits na susuotin ko kapag secretary na ako. Kinuha ko ang isang paper bag at inilabas ang laman. Itinapat ko ito sa katawan ko. Nasukat ko na ang lahat ng ito at alam ko na ang dapat magkaka-partner para magandang tignan.Binilinan ako ni Brianna na dapat maganda ako dahil mapili ang CEO. Ibinaba ko ang damit at ibinalik sa loob ng paper bag. Kinuha ko ang maliit na salamin ko at saka pinagmasdan ang mukha. Bago umuwi ay dinala ako ni Brianna sa salon at spa. Sobrang sarap sa feeling. Parang natanggal lahat ng libag ko sa katawan at mukha. Sobrang lambot rin ng buhok ko at napakabango. Hindi lang damit ang binigay ni Brianna sa akin
SABIK NA SABIK akong naglagay ng shampoo sa palad ko na binili ni Brianna para sa sakin. Amoy na amoy ko ang bulaklak na aroma nito. Amoy pa lang, nagkakahalaga na ng limangdaan. Kapag nakaraos ako ay ganito na ang gagamitin namin ng mga kapatid ko. Pero sa ngayon, needs muna bago ang wants. Pangangailangan muna namin ang dapat unahin.Sunod ay ang bodywash. Hanggang sa natapos akong maligo. Sobrang ganda sa pakiramdam. Gamit ang maliit na salamin ko ay tinignan ko ang sarili. Suot ko na ang blouse at skirt. Handa na akong maging secretary. Napatakip ako sa mukha ko sa sobrang saya."Kalma, self. Kailangan umakto kang professional," ani ko sa sarili. Kailangan interview pa lang galingan ko na. Kailangan ako ang mapili kahit na sabi ni Brianna ay sigurado siyang makukuha ako. Kahit unfair ang ganoon, wala na akong magagawa. Kasama 'yon sa plano."Wow, ate! Ang ganda-ganda mo!" bati ni Potpot sa akin habang pinagmamasdan ako. Nakasuot na sila ng
Phoebe's POV "SIR, NAGMAMAKAAWA po ako sa inyo! 'Wag niyo po akong tanggalin. Promise po, hindi ko po ipagsasabi na may relasyon kayo ni Chef—" natigilan ako sa pagsasalita ko at napapikit sa gulat nang hampasin ni Sir Daniel, boss ko at ang may ari ng restaurant, ang lamesa na namamagitan sa aming dalawa. "Shhh! Iyan na nga ba ang sinasabi ko," bulong niya, iniiwasan na may makarinig ng sinasabi niya. Hinilot niya ang sentido niya at sumandal sa inuupuan, ubos na ubos na ang pasensya sa akin. "Sorry to tell you this, Phoebe. I'm firing you, hindi na magbabago ang desisyon ko. Hindi lang tungkol sa issue ang problema ko sa iyo, sobrang dami mo nang naidulot na aberya dito sa restaurant, hindi ko na hihintayin pang malugi ako nang dahil sa pagiging lampa mo. Pasensyahan tayo." Umiling siya pagkatapos sabihin 'yon. Pinagdikit ko ang mga palad ko, hindi iniinda ang masakit na sinabi niya. "Sir, sige na po! Kailangan ko itong trabaho na ito

"IBIG MO BANG SABIHIN na magta-trabaho ako bilang secretary niyang—" huminto ako at nag-isip kung nabanggit ba niya ang pangalan ng 'Casanova' na sinasabi niya. Kung nabanggit nga niya, hindi ko maalala. "Ano nga ulit ang pangalan no'n?" tanong ko sa kaniya. "He is Knox Contero, the heir of Contero Corporation. He is now the CEO. He's good, smart and charming. But don't be decieve by his charm," babala niya sa akin, kung magsalita siya ay parang kilalang-kilala niya ang Knox na iyon. Nakatanaw siya sa malayo habang sumisilay ang ngiti sa kaniyang labi na tila ba may naalala na nagpangiti sa kaniya. Pero bago pa tuluyang lumawak iyon ay sumimangot na siya ulit. "Kung magsalita ka, parang close kayo, ah? Ex-boyfriend mo ba 'yon?" usisa ko. Kung tama ako, maaaring dahilan kaya ginagawa niya ito ay dahil sa galit. Maaaring niloko siya o sinaktan. Kung hindi naman baka isa sa mga kaibigan niya ang sinaktan kaya siya ang naghihiganti. Pero kung ako kasing yaman niy
IDINAMPI KO SA MUKHA ko ang pulbos na nasa palad ko, naghihingalo na ang laman ng garapon at humihingi na ng kapalit. Kahit pulbo ay hindi ko pa magawang bumili ulit. Humarap ako sa maliit na salamin para siguraduhin na maayos ang pagkakalagay nito sa mukha ko. Isinuot ko ang salamin ko sa mata na aalisin ko rin mamaya sa trabaho, ipinagbawal kasi sa akin na magsuot ako nito habang nagtatrabaho. Kahit hirap akong umaninag, pinilit ko na lang kaysa wala akong trabaho, hindi ko rin afford sa ngayon ang contact lense. Ang pagiging malabo rin ng mata ko ang isa sa dahilan kung bakit maka-ilang beses na akong nakakabasag o nakakatapon ng pagkain. Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa sarili sa salamin. Panibagong araw, kaya panibagong kalbaryo na naman ang haharapin ko. Kailangan kong maghanap ng raket sa lalong madaling panahon. Dahil kung hindi, sa kangkungan kami pupulutin mag-a-ama. "Ate Peng, aalis na po kami." Paglingon ko ay pumasok sa kwarto kung nasaan ako s