ALAS-SAIS PA LANG ng umaga ay gising na ako. Naghahanda para sa pagpasok ng mga kapatid ko. Nagluto ako ng almusal na tanghalian na rin ng mga kapatid ko. Magbabaon sila ng Tocino at kanin ngayon dahil medyo nakakaluwag-luwag ako ngayon. Madalas kasi itlog lang. Iba't ibang luto ng itlog. Kahit gusto ko magbaon sila ng masasarap, hindi ko maibigay 'yon sa kanila.
Bigla akong nakaramdam ng kiliti sa bandang tiyan ko nang maalala na magiging secretary ako. Ang pinapangarap kong trabaho ay sa wakas, makakamtan ko na. Bigla rin naglaho ang kiliti na nararamdam ko at napalitan ng pagkabog ng dibdib ko. Pero kaugnay no'n ang paggawa ko ng bagay na labag sa loob ko.Ano kayang hitsura ng Knox Contero na 'yon? Anong ugali? Parang hindi ko yata kakayanin. Pumikit ako nang mariin. Hindi! Dapat kayanin ko dahil ito na ang pagkakataon ko para magsimula ulit. Para maibigay ang mga pangangailangan ng pamilya ko. Lalong-lalo na si Papa."Ate! Masusunog na ang Tocino!" Mabilis na napalingon ako sa sumigaw na si Pia bago ko ibinalik sa kawali ang tingin.Halos maitim na ang Tocino. Hindi ko namalayan na natulala pala ako sa pag-iisip. Tinapos ko na ang piniprito. Inilagay ko ang mga ito sa pinggan at nilapag sa lamesa."Hindi naman masyadong sunog, pwede pa 'yan. Sayang naman kung itatapon lang," panghihinayang ko sa mga Tocino. Tumawa nang mahina si Pia."Ayos lang, ate. Kaysa wala," ani Pia habang inaayos ang bag. Mabuti na lang dahil malawak ang pag-iisip nitong kapatid ko. Kinuha ko ang mga baunan nila para lagyan ng kanina at ulam."Si Potpot, hindi pa ba tapos?" tanong ko kay Pia. Naliligo na iyon kanina pero hanggang ngayon wala pang lumalabas na nakabihis. Kailangan ko rin mag-asikaso dahil aalis rin ako.
"Tapos na po ako!" Lumabas sa kwarto si Potpot na malinis na malinis sa unipormeng suot. Umangat ang tingin ko sa nakataas nitong buhok. Kapag nahulog ang butiki, patay.
"Anong nilagay mo sa ulo mo? Bakit ganiyan at tayong-tayo?" tanong ko sa kaniya, akmang hahawakan ko ito pero iniwas niya agad. Siningkitan ko siya ng tingin at ipinagkrus ang mga mata."Ikaw ha, nagpapa-pogi ka sa school, huh? May crush ka siguro," naghihinalang tanong ko. Napansin ko ang pag-igtad niya at simpleng pagngiti kaya nakumpirma ko na tama ako. "Mga bata pa kayo. Pag-aaral muna ang isipin niyo bago ang ganiyan bagay. Hindi ko naman kayo pagbabawalan basta nasa tamang edad na kayo. Naiintindihan niyo?" Pangaral ko sa kanila. Kalmado lang ang boses ko para hindi sila matakot. Lalo kasing nagrerebelde ang bata kapag pinaghihigpitan.Binalingan ko ng tingin si Pia. "Lalo na ikaw, babae ka pa naman. Kapag may nangliligaw sa 'yo, sasabihin mo sa akin, ha? Huwag magtatago ng sikreto," paalala ko sa kaniya. Mabilis na tumango siya."Opo, ate. Ipapaalam ko po sa inyo pero wala pa naman sa isip ko 'yon," aniya."Mabuti nang nagkakalinawan tayo," parehas ko silang tinignan at nginitian. Hinalikan ko sila sa mga ulo nila."O siya, lumarga na kayo. Tatanghaliin pa kayo." Kinuha ko ang paper bag na pinaglalagyanan ng baunan nila at inabot ito kay Pia. Hinatid ko sila hanggang pintuan at nagpaalam.
Bago pa man ako pumasok sa loob ay namataan ko na ang nanay ni Marco. Hinintay ko siyang makarating sa harap ng bahay namin. Nilahad niya ang kamay niya habang nakataas ang kilay. Kapansin-pansin na naman ang malaking nunal nito sa pisngi.
"Kung wala kang maibibigay ngayon, mag-impake na kayo," pangbungad na sabi niya, inismidan ako nito.Unti-unting bumaba ang kilay niya nang mapansin na may binubunot ako sa bulsa ko. Inabot ko ang tatlong libo sa kaniya. Tuluyan na nga na nagbago ang mataray na mukha nito. Ang kaninang matalim na mata niya ay napalitan ng peso sign.
Tinapat niya ang mga ito sa liwanag. "Hindi po fake 'yan."
"Mabuti nang nakakasigurado," ani Aling Precy. Matapos ay mabilis din itong umalis at bumalik na sa lungga niya, sa mga lungga ng mga tsismosa.
Pumasok na ako sa loob at naligo. Alas-siyete na, may isang oras na lang ako. Ayokong mabawasan ang sahod ko. Matapos maligo ay naghanap ako ng damit ko na maayos-ayos. Pati sariling damit ay hindi ko magawang bilhan ang sarili ko. Humawak ako sa baba ko habang nakatingin sa mga kupas ng blouse sa na nakalatag sa higaan.
Namili ako ng pinakamaayos sa mga ito. Nagbihis na ako at nag-ayos ng sarili. Lumabas ako ng kwarto at nilapitan ang papa ko.Katulad ng laging gawi, nanonood ito ng T.V. Mula sa likod ay niyakap ko siya.
"'Pa, tanggal na ako sa trabaho," walang halong lungkot na ibinalita ko sa kaniya. Umungol ito dahil iyon lang ang kaya niyang gawin. Siguradong nag-aalala siya. Hinagod ko ang mga braso niya para sabihin na ayos lang ang lahat. "Wag kang mag-alala, Pa. Nakahanap naman ako ng bagong trabaho, secretary ang position ko." Pagbanggit ko sa secretary ay tuluyan nang kumawala ang luha sa mata ko. Ang sarap sa pakiramdam na ibalita ang magagandang bagay. Hindi puro masamang balita na lang ang hatid ko. Hindi ito kumibo. Hindi ko na sinabi sa kaniya ang tungkol sa kapalit noon. Siguradong magagalit 'yon.
Sana pa maintindihan mo para sa inyo itong ginagawa ko."Aalis po muna ako, may aasikasuhin lang." Nagpaalam na ko at pinasuyo ulit si Papa kay tita. Sa pagkakataong ito, inabutan ko siya ng isang libo para sa mga tulong niya. Kulang pa nga iyon, pero sa susunod na lang ako babawi. Magbabayad pa ako ng kuryente at tubig namin.
Naglakad na ako papunta sa kanto para hintayin si Brianna. Mas okay nang ako ang mauna. Narinig ko ang pag-ring ng maliit kong phone. Kinuha ko ito sa sling bag ko at sinagot."I'm on my way, you know the deal. Bawal late. Ayokong pinaghihintay ako," bossy na sabi ni Brianna. Tumango ako kahit hindi niya nakikita."Nandito na ako sa kanto kung saan mo ako ibinaba kagabi," paalala ko sa kaniya. Hindi kasi makakapasok ang mga sasakyan sa loob dahil masikip.Hindi na ito muling sumagot at binabaan na ako ng tawag.Huminto kami sa isang malaki, malawak at magarang bahay. Talagang napanganga ako at hindi maalis ang tingin sa bahay ni Brianna. Lumabas siya ng sasakyan kaya sumunod ako. Naglakad ito papasok habang nanatili akong nakasunod sa kaniya. Iginagala ko ang mata ko sa lugar. Magkano kaya ang pagawa nila sa ganito kalaking bahay. Ganito ang pangarap kong bahay bata pa lang ako. First time ko lang rin makatungtong sa ganito. Nabubusog talaga ang mata ko sa ganda ng bahay, halos napapaligiran ng kulay ginto ang mga pader, sahig at iba pa."Good morning, Ma'am Brianna." Ngayon ko lang napansin na may babae sa harap namin. Maganda ito, sexy at maganda ulit."Phoebe, meet my assistant, Maurine," sabi sa akin ni Brianna. Binati ko naman siya ng simpleng ngiti at kaway. Mukhang mataray kasi, nahihiya ako. Napa-ayos tuloy ako sa salamin ko nang tignan niya ako mula ulo mukhang paa. Joke! Mula ulo hanggang paa.
"Nagawa mo ba?" makahulugang tanong ni Brianna kay Maurine. Nakakalokong ngiti at mabagal na pagtango ang sinagot niya kay Brianna. "Good. So let's proceed for the application, wala na siyang secretary kaya this is the right time to attack," ani Brianna, animo'y sasabak sa giyera. Wala akong maintindihan sa pinaguusapan nila kaya nanatili na lang akong tahimik.Inabot ni Maurine ang papel na puti. Saglit na tinignan ito ni Brianna bago inabot sa akin.
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa papel na hawak. "It's the contract, pirmahan mo," utos ni Brianna.
"Pwedeng basahin muna?" Bumuntong hininga muna si Brianna bago tumango. Nagtungo kami sa maluwag at may mga mamahaling kagamitan na sala. Maingat akong naglakad dahil ayokong makabasag. Baka buong buhay ko ay kulang pa para bayaran ang bagay na nandito.
Binasa ko ang kontrata. Nang masiguro ko na wala namang nakalagay na pati buhay ko at pamilya ay maaapektuhan, pinirmahan ko na."May isang taon lang ako para gawin 'to?" ulit ko sa nakalagay sa kontrata. Umayos ng upo si Brianna na parang reyna. Naka-de-kwatro ito na upo habang nakalagay sa arm rest ang mga kamay.
"Yes. You need to do everything to make him notice you," ani Brianna. Ngumiwi naman ako. Tinignan ko repleksyon ko sa vase na malapit sa akin. Kinumpara ko ang sarili sa katabi ni Brianna, si Maurine. Maganda, makinis, sexy at mukhang yayamanin.Pumalakpak nang malakas si Brianna at pumasok ang ilang kasambahay na may tulak-tulak na bagay na may nakasabit na marami at magagandang damit. Napahanga ako sa paraan ng pagtawag ni Brianna sa mga katulong niya. Sa sobrang yaman niya, gano'n na lang niya mapasunod ang mga tao."I knew Knox for being picky with girls, sa style mong iyan. Malabong mapansin ka niya. So you need to at least know how to style even you are just a secretary." Napalunok ako at inayos ang salamin. Mahina pa naman ako sa mga style na ganiyan. Wala akong hilig sa ganiyan at saka wala naman akong pambili ng mga ganiyan."This is all yours," sabi ni Brianna sa akin, tila nabasa ang nasa isip ko. Itinuro ko ang mga damit."Iyan? Sa akin lahat 'yan?" Umikot ang mata ni Brianna at puti na lang ang natira.
"Bakit ba paulit-ulit ka!?" naiinis na reklamo niya. Hinawi niya ang mahaba at kulot na buhok at bumuntong-hininga. "Maurine, turuan mo na 'yan," utos ni Brianna kay Maurine na agad rin tumayo. Ginalit ko yata si Brianna.
Naka-ilang palit ako ng damit. Kung ano-ano ang pinapasukat sa akin ni Maurine. Ganito pala ang feeling ng model, nakakapagod rin pala. Kahit papaano naman ay nakuha ko na ang mga style na gusto niyang gawin ko.
Matapos ay bumalik kami sa sala nila. Nandoon pa rin si Brianna habang may kausap sa phone. Ibinaba niya ito nang dumating kami. Suot ko ang isang white blouse, hindi ito basta-bastang blouse lang dahil nakita ko ang presyo nito. Presyo ng upa namin sa bahay.
Hinawakan ako ni Maurina sa balikat at hinarap kay Brianna. Tumango naman si Brianna."So, let's proceed with your face. I bought you some skin cares. Aftee this, dadalhin kita sa salon para ayusin ang mga dapat ayusin. Lumapit si Brianna sa akin. Inalis niya ang salamin ko.
"Maganda ka naman, wala ka lang fashion sense." Hindi ko alam kung pinuri niya ba ako o nilait. Siguro parehas. Muli niyang ibinalik sa mata ko ang salamin. Bumalik siya sa prenteng pagkakaupo at iminuwestra na umupo rin ako. Bumalik din si Maurine sa pwesto niya kanina."Bago ang lahat, just to remind you. I provided everything you'll need. Pero trabaho mo na ang gawin ang lahat para mapansin ni Knox, malaki ang bayad ko sa 'yo dahil hindi madali ang pinapagawa ko. Kapag nag-fail ka..." huminto ito na nagpataas ng kilay ko at nagpakabog nang mabilis sa dibdib ko. Lumunok ako nang malalim habang hinihintay ang sasabihin niya."You'll need to pay for everything. I don't accept failure so do everything to succeed, unless may pera ka para ibayad sa akin."
Hindi na ako pwedeng umatras. Nakapirma na ako. Kaya mo 'to, Phoebe. Para sa papa ko at mga kapatid ko. Nakapikit akong tumango habang hindi nawawala ang malakas na kabog ng dibdib ko.
"May isa pang bagay ako na ipinagbabawal at dapat mong tandaan," paalala niya. Bakit ba ang daming gagawin? Huhu.
"I don't allow you to fall in love with him. Bawal kang magkagusto pabalik sa kaniya. Because if you do... Ako ang makakalaban mo." Napahinto ako habang nakatitig sa mga mata ni Brianna. Matalim niya akong tinignan. Napahagikgik naman ako na ikinakunot ng noo niya.
"Wag kang mag-alala. May iba akong priority sa buhay. Wala akong panahon sa lalaki at sa pag-ibig na 'yan." Makakasagabal lang ang mga 'yon sa plano ko sa buhay. Marami pa akong pangarap para sa pamilya ko kaya sila muna ang uunahin ko. Imposibleng magkagusto ako sa Knox na iyon. Sino ba siya?Oo, mayaman at nasa kaniya na ang lahat pero hindi maipagkakaila na babaero at manloloko siya. Casanova nga. Hindi ganoon ang gusto kong makasama sa buhay ko. Ang puso ko ay para lang sa lalaking deserving nito. Kung ganiyan lang ang makakasama ko sa buhay at sasaktan lang ako, mas mabuti nang sayangin ko na lang ang oras ko para sa pamilya.PAGTAPOS NAMIN KUMAIN ay nilinisan ko na si Papa ng katawan. Pinunasan ko ito at pinagpahinga na sa kwarto niya. Ang mga kapatid ko ay nasa kwarto na rin nagpapahinga. Naghugas muna ako ng pinggan bago naghilamos at pumasok sa kwarto.Nilapitan ko ang isa sa paper bag na naglalaman ng mga damit galing kay Brianna. Ito ang mga outfits na susuotin ko kapag secretary na ako. Kinuha ko ang isang paper bag at inilabas ang laman. Itinapat ko ito sa katawan ko. Nasukat ko na ang lahat ng ito at alam ko na ang dapat magkaka-partner para magandang tignan.Binilinan ako ni Brianna na dapat maganda ako dahil mapili ang CEO. Ibinaba ko ang damit at ibinalik sa loob ng paper bag. Kinuha ko ang maliit na salamin ko at saka pinagmasdan ang mukha. Bago umuwi ay dinala ako ni Brianna sa salon at spa. Sobrang sarap sa feeling. Parang natanggal lahat ng libag ko sa katawan at mukha. Sobrang lambot rin ng buhok ko at napakabango. Hindi lang damit ang binigay ni Brianna sa akin
SABIK NA SABIK akong naglagay ng shampoo sa palad ko na binili ni Brianna para sa sakin. Amoy na amoy ko ang bulaklak na aroma nito. Amoy pa lang, nagkakahalaga na ng limangdaan. Kapag nakaraos ako ay ganito na ang gagamitin namin ng mga kapatid ko. Pero sa ngayon, needs muna bago ang wants. Pangangailangan muna namin ang dapat unahin.Sunod ay ang bodywash. Hanggang sa natapos akong maligo. Sobrang ganda sa pakiramdam. Gamit ang maliit na salamin ko ay tinignan ko ang sarili. Suot ko na ang blouse at skirt. Handa na akong maging secretary. Napatakip ako sa mukha ko sa sobrang saya."Kalma, self. Kailangan umakto kang professional," ani ko sa sarili. Kailangan interview pa lang galingan ko na. Kailangan ako ang mapili kahit na sabi ni Brianna ay sigurado siyang makukuha ako. Kahit unfair ang ganoon, wala na akong magagawa. Kasama 'yon sa plano."Wow, ate! Ang ganda-ganda mo!" bati ni Potpot sa akin habang pinagmamasdan ako. Nakasuot na sila ng
Phoebe's POV "SIR, NAGMAMAKAAWA po ako sa inyo! 'Wag niyo po akong tanggalin. Promise po, hindi ko po ipagsasabi na may relasyon kayo ni Chef—" natigilan ako sa pagsasalita ko at napapikit sa gulat nang hampasin ni Sir Daniel, boss ko at ang may ari ng restaurant, ang lamesa na namamagitan sa aming dalawa. "Shhh! Iyan na nga ba ang sinasabi ko," bulong niya, iniiwasan na may makarinig ng sinasabi niya. Hinilot niya ang sentido niya at sumandal sa inuupuan, ubos na ubos na ang pasensya sa akin. "Sorry to tell you this, Phoebe. I'm firing you, hindi na magbabago ang desisyon ko. Hindi lang tungkol sa issue ang problema ko sa iyo, sobrang dami mo nang naidulot na aberya dito sa restaurant, hindi ko na hihintayin pang malugi ako nang dahil sa pagiging lampa mo. Pasensyahan tayo." Umiling siya pagkatapos sabihin 'yon. Pinagdikit ko ang mga palad ko, hindi iniinda ang masakit na sinabi niya. "Sir, sige na po! Kailangan ko itong trabaho na ito
IDINAMPI KO SA MUKHA ko ang pulbos na nasa palad ko, naghihingalo na ang laman ng garapon at humihingi na ng kapalit. Kahit pulbo ay hindi ko pa magawang bumili ulit. Humarap ako sa maliit na salamin para siguraduhin na maayos ang pagkakalagay nito sa mukha ko. Isinuot ko ang salamin ko sa mata na aalisin ko rin mamaya sa trabaho, ipinagbawal kasi sa akin na magsuot ako nito habang nagtatrabaho. Kahit hirap akong umaninag, pinilit ko na lang kaysa wala akong trabaho, hindi ko rin afford sa ngayon ang contact lense. Ang pagiging malabo rin ng mata ko ang isa sa dahilan kung bakit maka-ilang beses na akong nakakabasag o nakakatapon ng pagkain. Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa sarili sa salamin. Panibagong araw, kaya panibagong kalbaryo na naman ang haharapin ko. Kailangan kong maghanap ng raket sa lalong madaling panahon. Dahil kung hindi, sa kangkungan kami pupulutin mag-a-ama. "Ate Peng, aalis na po kami." Paglingon ko ay pumasok sa kwarto kung nasaan ako s
"IBIG MO BANG SABIHIN na magta-trabaho ako bilang secretary niyang—" huminto ako at nag-isip kung nabanggit ba niya ang pangalan ng 'Casanova' na sinasabi niya. Kung nabanggit nga niya, hindi ko maalala. "Ano nga ulit ang pangalan no'n?" tanong ko sa kaniya. "He is Knox Contero, the heir of Contero Corporation. He is now the CEO. He's good, smart and charming. But don't be decieve by his charm," babala niya sa akin, kung magsalita siya ay parang kilalang-kilala niya ang Knox na iyon. Nakatanaw siya sa malayo habang sumisilay ang ngiti sa kaniyang labi na tila ba may naalala na nagpangiti sa kaniya. Pero bago pa tuluyang lumawak iyon ay sumimangot na siya ulit. "Kung magsalita ka, parang close kayo, ah? Ex-boyfriend mo ba 'yon?" usisa ko. Kung tama ako, maaaring dahilan kaya ginagawa niya ito ay dahil sa galit. Maaaring niloko siya o sinaktan. Kung hindi naman baka isa sa mga kaibigan niya ang sinaktan kaya siya ang naghihiganti. Pero kung ako kasing yaman niy

PAGTAPOS NAMIN KUMAIN ay nilinisan ko na si Papa ng katawan. Pinunasan ko ito at pinagpahinga na sa kwarto niya. Ang mga kapatid ko ay nasa kwarto na rin nagpapahinga. Naghugas muna ako ng pinggan bago naghilamos at pumasok sa kwarto.Nilapitan ko ang isa sa paper bag na naglalaman ng mga damit galing kay Brianna. Ito ang mga outfits na susuotin ko kapag secretary na ako. Kinuha ko ang isang paper bag at inilabas ang laman. Itinapat ko ito sa katawan ko. Nasukat ko na ang lahat ng ito at alam ko na ang dapat magkaka-partner para magandang tignan.Binilinan ako ni Brianna na dapat maganda ako dahil mapili ang CEO. Ibinaba ko ang damit at ibinalik sa loob ng paper bag. Kinuha ko ang maliit na salamin ko at saka pinagmasdan ang mukha. Bago umuwi ay dinala ako ni Brianna sa salon at spa. Sobrang sarap sa feeling. Parang natanggal lahat ng libag ko sa katawan at mukha. Sobrang lambot rin ng buhok ko at napakabango. Hindi lang damit ang binigay ni Brianna sa akin
ALAS-SAIS PA LANG ng umaga ay gising na ako. Naghahanda para sa pagpasok ng mga kapatid ko. Nagluto ako ng almusal na tanghalian na rin ng mga kapatid ko. Magbabaon sila ng Tocino at kanin ngayon dahil medyo nakakaluwag-luwag ako ngayon. Madalas kasi itlog lang. Iba't ibang luto ng itlog. Kahit gusto ko magbaon sila ng masasarap, hindi ko maibigay 'yon sa kanila. Bigla akong nakaramdam ng kiliti sa bandang tiyan ko nang maalala na magiging secretary ako. Ang pinapangarap kong trabaho ay sa wakas, makakamtan ko na. Bigla rin naglaho ang kiliti na nararamdam ko at napalitan ng pagkabog ng dibdib ko. Pero kaugnay no'n ang paggawa ko ng bagay na labag sa loob ko. Ano kayang hitsura ng Knox Contero na 'yon? Anong ugali? Parang hindi ko yata kakayanin. Pumikit ako nang mariin. Hindi! Dapat kayanin ko dahil ito na ang pagkakataon ko para magsimula ulit. Para maibigay ang mga pangangailangan ng pamilya ko. Lalong-lalo na si Papa. "Ate! Masusunog na ang To