May maputi siyang balat at malaking katawan. May gyera ba sa bundok kaya nangyari sayo ito? Iniwan ko na lang muna siya at lumapit ako kay Lola na inaayos ang mga ginamit niyang gamot. “Mag-iingat ka sa lalaking yan Amara, naiintindihan mo? Huwag kang lapit ng lapit sa kaniya.” Babala sa akin ni Lola, akala mo naman kakainin ako ng lalaking yun kung makapagbabala sa akin. “Lola, kung ano ano iniisip mo. Eh hindi naman totoo yung mga bampira, taong lobo o mga mangkukulam eh. Kung totoo sila edi matagal na sana tayong sinugod dito, diba?” saad ko saka kinuha sa kaniya yung mga nililinisan niya. Rinig ko naman ang buntong hininga ni Lola. Napapailing na lang ako dahil parang nasosobrahan na rin si Lola sa kakaisip haha. Nilinisan ko lahat ng mga halamang gamot ni Lola, inilaga ko na rin yung ibang ipapainom sa lalaking ito. “Hindi ka na ba babalik sa bayan Lola?” tanong ko ng makalabas ako sa baha
Magbasa pa