Nagising na lamang si Shanella isang araw na may lobong nakatunghay sa kaniya. Hindi niya sukat akalain na totoo ang mga taong lobo at sa isang iglap lang ay natangay na siya ng mga ito. Hindi niya matanggap ang sinabing kapalaran umano niya, ang maging breeder ng isang guwapo ngunit supladong si Kai, ang alpha ng White Gibbous Moon Pack na kasalukuyang nagtatago laban sa mga Sturgeons-ang mga itim na lobo. Sa paglipas ng mga araw ay unti-unti na niyang tatanggapin ang kapalaran at tuluyang mapapamahal kay Kai. Subalit ang tadhanang nakaatang sa kaniya ay isa palang bitag... Ang akala nilang magiging tagumpay ay siya palang kabiguan... They didn't know that her existence will just cause chaos because there are too many lies about her... Handa ba siyang tanggapin pa ang mga sikretong nakapaloob sa mapait at mapanlinlang niyang kapalaran na siyang magpapahamak sa lalaking minamahal? Quote: 'Her Existence. His Hope. His Downfall.' Werewolf-Breeder
View MoreShanellaHindi ko alam kung may isang oras o mahigit na ba akong nandito sa sementeryo. Kanina ko pa hinahaplos ang lapida kung saan nakasulat ang pangalan ng una at huling lalaking mamahalin ko. Si Kai Leo Harrison, ang ama ng aking tatlong mga anak."Mommy!"Napalingon ako sa pagtawag na iyon ng aking mga anak. Judging by their looks, I can tell that they're feeling sad for me again. Paano ba naman ay araw-arawin ko ang pagdalaw dito sa puntod ni Kai."You've been here for hours again, mom," nakapamulsang wika ni Kasper sa akin."And we've been waiting for you for hours," saad naman ni Kassie."Dapat sinasama mo na lang ako, mommy. Kasi kapag sa bahay binubully lang naman ako nina Kasper at Kassie," nakasimangot namang sambit ni Shin.Napangiti ako. Ilang taon na nga ba ang lumipas mula nang mamatay si Kai? Sampung taon. Ganoon na katagal ngunit napakasariwa pa rin ng sugat sa aking puso. That's how Kai left me, with deep wounds. Na kahit panahon ay hindi kayang gamutin ang aking pa
BASANG-BASA ng luha ang mukha ni Shanella matapos marinig ang buong kuwento ni Thallon. She wanted to unhear everything but it's the truth..."Y-you allowed this to happen? H-hindi niyo man lang inisip ang mararamdaman ko?" disappointment were all over Kai's face while looking at his father Thallon."W-Wala na kaming ibang maisip na paraan ng iyong ina, anak... W-we j-just need to survive Rome's greediness..." paliwanag ni Thallon.Then Rome chuckled while still looking at Logan's head. "Siguro nga ay wala talagang kabutihang para sa ating mga lobo. You're talking about my greediness but look at what you've done too. Sa tingin mo ba ay mabuti na kayo sa lagay na ito?" pagpapatungkol niya kay Thallon."I never wanted this... Kung sa tingin mo ay sang-ayon ako sa lahat ng nangyari ngayon, nagkakamali ka. Ikinahihiya ko ang maging isang Gibbous at maging isang ama ang katulad mo," Kai gritted his teeth. Gusto niyang pakawalan ang galit na nararamdaman sa ama."Y-you a-are my real father?
GULAT na gulat si Rome habang nagbabagong anyo si Kai. Ngunit hindi siya gulat dahil sa nagaganap kay Kai kundi sa isang munting liwanag na nakikita niya sa bandang batok ni Shanella na panaka-nakang nagkukulay berde. Kahit na nasa ilalim ng balahibo sa batok ni Shanella ang liwanag na iyon ay sigurado siyang iyon ay isang tanda na tinataglay ng isang tunay na Luna ng mga Sturgeon. Ibig sabihin, si Shanella ay anak ng isang Alpha at Luna. Anak niya si Shanella.Kahit na hirap sa paghinga at halo-halong emosyon, sinubukang tawagin ni Rome ang pangalan ni Logan. Kailangang malaman ni Logan na kapatid nito si Shanella o si Niah. Kung ano man ang tunay na kuwento ay hindi muna mahalaga. Kailangang mabalaan niya si Logan bago pa sila magkapatayan ng kapatid nito. Buong akala niya ay patay na ang bunsong anak nila ni Doreene ngunit malinaw na nakikita ng kaniyang mga mata na buhay ang kanilang anak at iyon ay si Shanella.Pinilit na Rome ang sariling gumapang na lamang palapit sa kinaroroon
NAGUGULUHAN si Desa sa mga nangyayari sapagka't hindi dapat iyon ang nangyayari. Hindi dapat si Logan ang inaatake ni Shanella kundi si Kai. Hindi niya lubos maisip, para sa kaniya ay imposibleng maapektuhan ng pagmamahal ni Shanella ang misyon nitong patayin si Kai. Something is not right. She turned in a she-wolf too and jumped to Thallon. Si Thallon lang ang maaaring makasagot sa mga katanungan niya dahil napansin niya na kanina kung gaano kakalmado ang lalaki kaya sigurado siyang alam nito kung ano ang tunay na nangyayari."Ipaliwanag mo kung ano ang mga nangyayari," angil kaagad ni Desa kay Thallon.Isang ngiti ang isinagot ni Thallon kaya sinugod kaagad siya ni Desa. Bawat atake ni Desa ay madali lamang na naiilagan ni Thallon.Samantala, patuloy naman ang palitan ng atake nina Shanella at Logan sa isa't-isa. Ngunit habang pinagmamasdan sila ni Rome habang hawak-hawak ang sugat sa dibdib nito ay napapailing ito. Kita kasi ni Rome na mas lamang ang lakas at bawat atake ni Shanell
NAGLAKAD si Rome papunta sa cage na kinaroroonan ni Kai. Makikita ang kasiyahan sa mukha nito. Tila ba mababasa ng kahit sinuman ang tagumpay sa mukha nito."Watch her, Kai, then suffer... Just like what you all did to my Doreene..." magkahalong galit at sayang sabi ni Rome kay Kai."H-Hindi k-ko a-alam ang s-sinasabi m-mo... L-layuan niyo s-si Shanella..." nanghihina man ay sinagot ni Kai si Rome."Why don't you ask your father here?" naniningkit ang mga matang tinanaw ni Rome si Thallon na nasa di-kalayuan. Hindi nito binibigyang pansin ang tila kalmadong mukha ni Thallon sa pag-aakalang maaaring tinanggap na lamang ni Thallon na tuluyan na nilang mapapabagsak ang Gibbous.Mayamaya ay nakita ni Kai na mas lumapit pa si Logan kay Shanella."G-get a-away f-from h-him..." muling nagbago ang kulay ng mga mata ni Kai. Tila ba pinipilit nitong ipunin ang lahat ng lakas na natitira pa upang iligtas si Shanella sa nakikitang kapahamakan."No, don't waste your energy. Sayang naman kung hindi
NAGKANYA-KANYANG talon at salubong ang mga Gibbous sa pagbagsak ng mga Sturgeon sa kanila. Tuluyan na kasing nasira ang harang at ngayon naman ay kailangan na nilang harapin ang tunay na laban."Aahhhhh!"Lahat ng lobong nagtatalunan papunta kay Shanella ay sinasalubong ni Thallon na noo'y nasa anyong lobo na rin. Kung mula sa kalangitan, tanging kulay puti at itim na mga lobo ang makikitang nagsasagupaan."Anong problema, Shanella? Bakit hindi ka pa nagbabagong anyo nang maipamalas mo naman sa akin ang iyong lakas at kapangyarihan?"Alertong napaatras si Shanella nang marinig ang boses ni Logan sa kaniyang likuran. Mula naman sa cage na kinaroroonan ni Kai, nanghihina itong pilit na humawak sa bakal na kinaroonan niya. Bumibilis ang tibok ng puso nito dahil sa galit habang nakatingin kay Logan. Ang kaniyang mga mata ay nagiging pula na rin ngunit kaagad din namang bumabalik sa normal dahil nga sa kaniyang panghihina."Hindi ko kailangan ng pagbabagong anyo para harapin ang mga ganid
TILA itinulos sa kaniyang kinatatayuan si Shanella nang isang napakalaking kulay itim na lobo ang dadamba sa kaniya mula sa itaas. She couldn't move to avoid the attack."Shanella!"She heard Kai. Pero para bang pati ang lumingon ay hindi niya magawa. She couldn't blame herself, this will be her first time to encounter this. Tila hindi sapat ang dalawang taon niyang paghahanda para harapin ito. Mas nag-enjoy din kasi siya kapiling ang mag-aama niya. Unti-unting pumatak ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya pala ito kaya. Nakaramdam siya bigla ng takot. Takot na paano kung hindi nila kayanin ang mga Sturgeon? Anong mangyayari kay Kai? Sa mga anak nila? Anong mangyayari sa kaniya?"Ano bang nangyayari sa 'yo, Shanella?"Tila roon na siya napabalik sa huwisiyo nang tapikin siya ni Thallon sa kaniyang balikat."S-sorry..." tangi niyang nabigkas bago muling tingalain ang lobo kaninang padamba dapat sa kaniya.Hindi pa nga pala nakakapasok sa nakapalibot na harang ang mga Sturgeon. Mati
NAPADILAT ang mga mata ni Shin mula sa mahimbing na pagtulog. Bumangon ang bata upang lingunin ang kaniyang mga kapatid na nasa kani-kanila ring kama. Then she saw Kasper, sitting on his bed while murmuring."K-Kasper, n-naririnig mo rin ba ang n-naririnig ko?" may takot sa mga matang tanong ni Shin."Let's wake up dad," kalmadong sagot ni Kasper bago ito bumaba upang puntahan ang kinahihigaan ng kanilang ama."W-why a-aren't you m-moving t-there?" tanong ni Shin nang mapansin nitong natigilan ang kapatid matapos lumapit sa kama ng kanilang ama."Dad's not here. They already know," sagot ni Kasper."Please help them save dad... K-kaya mo naman ng lumaban, 'di ba?" bumaba na rin sa kama si Shin at lumapit kay Kasper."Hindi nila tayo papayagan. Hindi tayo makakalabas dito," sagot ni Kasper."B-but they m-might need your help," nangilid ang luha sa mga matang saad ni Shin."Let's just follow their orders," sagot lamang ni Kasper at bumalik na ito sa kaniyang kama upang matulog.Pero hin
MASAYANG pinagmamasdan ni Kai ang kaniyang mag-iina na naghahabulan habang nakaupo naman siya di-kalayuan sa mga ito. Maulap ng mga sandaling iyon kaya naman masarap ang paglalaro ng mga bata."Daddy, join us!" mayamaya ay malakas na sigaw ni Kassie.Nakangiting kumaway si Kai sa anak."Come on!" sunod namang sumigaw si Shanella.Natatawa na lang ngang tumayo si Kai at bigla ay nag-anyong lobo ito at singbilis ng kidlat na tumakbo papunta sa kaniyang mag-iina.Malakas ang naging pagtili ni Shin nang maramdaman niya ang pagbuhat ng ama sa kaniya. Paglingon niya ay ang mukha ng ama ang nasilayan niya."How can you go back to your human form so fast!" giggled Shin."It's a secret..." Kai was just teasing his daughter."I can do that, too," singit naman ni Kasper na nag-anyong lobo rin at saka nag-anyong tao muli."Daddy is faster than you," komento naman ni Kassie."Haynaku, tama na 'yan. Pumasok na kayo sa loob at mukhang uulan ngayon," nakatawa namang sabi ni Shanella."Hmm... Oo nga.
Isang malaking kulay gintong gate ang bumukas upang makapasok ang pulang kotseng dumating. Mula roon ay bumaba ang isang babaeng nasa mid 30's at nagmamadaling pumasok sa malaking mansiyon. Bago naman siya makapasok ay yumukod pa ang dalawang lalaking malalaki ang pangangatawan na nakabantay sa pinakapinto ng mansiyon na iyon. Sunod namang yumukod ang katulong na nasa loob."Where's my husband?" tanong ng babae sa katulong habang patuloy sa paglalakad."Nasa library po siya, Luna Desa," ang sagot naman kaagad ng katulong na mabilis ding nakahabol sa paglalakad ng tinawag niyang luna.Huminto ang tinawag si Desa nang nasa tapat na ito ng pinto ng library sa loob ng mansiyong iyon."Maaari ka ng bumalik sa iyong trabaho, Ida. I need privacy with my husband," wika ng babae nang hindi tumitingin sa katulong.Magalang namang tumango at yumukod muli ang katulong bago ito tuluyang umalis. Humugot muna nang malakas na buntonghininga ang babae bago tuluyang binuksan ang pinto ng library."Rome...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments