NAKANGITING tumayo mula sa pagkakaupo si Shanella. Matapos niyang mailagay sa kaniyang backpack ang mga gamit niya ay sunod niyang kinuha ang test paper niyang tapos niya ng sagutan. Deretso siyang naglakad papunta sa harapan upang ilagay na lamang ang test paper sa mesa ng teacher nila. Nasabi na kasi kanina ng teacher nila na kung tapos na sa pagsagot ay iwan na lamang doon at puwede ng umuwi.
Ngunit bago pa siya makarating sa harapan ay bigla na lamang siyang nadapa. Mabuti na lamang at naitukod niya kaagad ang kaniyang dalawang palad ngunit nakaramdam siya ng sakit sa magkabilaang tuhod niya. Rinig niya pang nagtawanan ang mga kaklase niya."Oh... sorry, hindi ko sinasadya. Patayo na rin kasi ako sakto namang dumaan ka," tila nakakaloko namang saad ng kaklase ni Shanella.Nagtitimping tumayo na lamang si Shanella. Marahan niya ring inayos ang skirt at blouse na suot niya o ang uniporme niya. Hindi na siya umimik pa at tumuloy na sa harapan. Pagkalapag ng test paper ay nagmamadali na siyang lumabas sa classroom nila. Hindi niya na nilingon pa ang mga kaklaseng nagtatawanan. Hindi naman lahat ay pinagtatawanan siya, mayroon lang talagang mga hindi umiimik dahil takot sa grupo nang babaeng tumisod sa kaniya. Anak iyon ng may-ari ng kanilang eskwelahan. Nasubukan na rin kasing patulan ang kaklase niyang iyon, ngunit ang sinumang pumapatol dito ay hindi na nakakapasok. Nababalitaan na lamang nilang na-expel ang mga ito nang walang konkretong dahilan.Mayaman ang eskwelahang pinapasukan niya dahil isa siyang Cornejo, mayamang pamilya ring maituturing. Ngunit ang mga nangyayari sa kaniya sa eskwelahan ay hindi niya na ipinararating pa sa mga magulang. Kaya niya naman kasi. Kaya niyang umiwas at ayaw niyang mapasok pa sa gulo lalo na ang pamilya niya. Mababait ang mga magulang niya at ayaw niyang bigyan ang mga ito ng problema. Isa pa ay huling taon niya naman na iyon sa Senior High School kaya naman kaya niya ng tiyagain."Mang Dado sa National Bookstore po muna tayo. May kailangan lang po akong bilihin," hindi pa masyadong nakakalapit si Shanella nang sabihin niya iyon sa driver nila."Sige po, ma'am," kagyat namang sagot ni Mang Dado bago nito buksan ang pinto ng SUV.Pagkasakay ni Shanella sa backseat ay mabilis na ring sumampa sa driver's seat si Mang Dado.Inabot din ng thirty minutes si Shanella sa bookstore bago ito tuluyang nakauwi. Maaga ang uwi niyang iyon dahil nga finals nila at natapos kaagad siya kaya naman alam niyang wala pa roon ang mga magulang niya. Nagshower lang siya sandali at saka nahiga at sinimulang basahin ang librong binili. Hindi niya na namalayang nakatulugan na pala niya ang pagbabasa...UNTI-UNTING nagmulat ng mga mata si Shanella. Medyo blurred pa ang paningin niya at may naaaninag siyang nakatunghay sa kaniya. Naisip niya ng baka isa sa mga magulang niya ito ngunit nagpasya siyang kusutin ang mga mata dahil tila ba may mali siyang naaaninag.Nang tuluyan ng lumiwanag ang paningin niya ay halos mapasigaw siya sa nakikita. Hindi niya alam kung nananaginip lang ba siya. Bumuka ang kaniyang bibig ngunit walang lumalabas na boses dahil sa magkahalong takot at gulat na nararamdaman. Isang napakalaking kulay puting aso ang nakatunghay sa kaniya!"Grrrr..." lumitaw ang ngipin ng napakalaking aso sa harapan niya.Takot na takot na napasiksik siya sa headboard ng kaniyang kama. Kung hindi siya nagkakamali ay maihahalintulad niya sa isang werewolf o lobo ang nilalang na iyon. Marami na rin siyang nabasang mga kuwento tungkol sa mga ito ngunit alam niyang lahat iyon ay hindi totoo. Ngunit sa nakikita niya ngayon, naniniwala na siyang hindi fiction ang mga kuwentong nabasa niya. Isinisigaw ng utak niya ang kaniyang mga magulang, umaasang papasok ang mga ito."Stop it. She's not an enemy."Napalingon siya sa boses ng lalaki na narinig niya. Sigurado siyang hindi ang itim na lobo ang nagsalita dahil hindi naman bumuka ang bibig nito. At hindi niya gugustuhing makitang bumuka iyon.Mayamaya ay may nakita siyang lalaki na galing sa bandang likuran ng lobo. Malamang ay hindi niya nakita ang lalaki kanina dahil natakpan ito ng lobo na nakikita niya."Sa wakas ay nagkita na rin tayo, Shanella," wika ng lalaki sa kaniya.Bakit niya ako kilala?"Ilang taon na rin ang nakalilipas at oras na para balikan mo ang iyong pinanggalingan," wika muli ng lalaki."A-anong ibig mong sabihin? S-sino k-kayo?" nagawa niyang itanong sa kabila ng panginginig at mamasa-masa na rin ang mga mata niya."I'm Thallon. We're here to pick you up, Shanella, whether you like it or not," nakangiting saad ng lalaki."H-ha?" halos hindi lumabas ang katagang iyon sa bibig niya. Gusto niyang isiping nananaginip lang siya dahil wala siyang naiintindihan sa nangyayari."Ipapaliwanag namin sa 'yo ang lahat sa daan. Sa ngayon ay kailangan na nating umalis bago ka pa maamoy ng mga kalaban," sagot ng nagpakilalang Thallon."P-please... B-baka nagkakamali lang kayo..." impit na siyang napaiyak."Kai!" bigla na lamang sigaw ni Thallon na ikinagulat ni Shanella.Mabilis na nilapitan ni Thallon ang lobo na tinawag nitong Kai. Kita ni Shanella na parang nanghihinang napahiga ang lobo at wala siyang ideya kung bakit."What happened?" may pag-aalalang tanong ni Thallon.Sinamantala naman iyon ni Shanella. Nakatalikod sa kaniya ang pagkakaupo ni Thallon habang kinakausap nito ang lobo na nakahiga sa sahig. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama at saka mabilis na tumakbo palabas doon sa kuwarto."It's because of what she feels," buntonghiningang wika ni Thallon nang makita ang pagtakbo palabas ni Shanella. "I'll get her," anito pa at bahagyang tinapik ang lobong pinipilit na bumangon.Tila kidlat na nakarating si Thallon sa baba ng malaking bahay na iyon kung saan parang itinuod sa pagkakatayo si Shanella. Nakita kasi ni Shanella ang mga magulang na magkatabing nakaupo sa sofa ngunit wala ng mga buhay."Tapos na ang papel nila sa buhay mo, Shanella," parang wala lang na saad ni Thallon mula sa likuran ni Shanella.Nanghihinang nilingon ni Shanella si Thallon. Ang mga mata nito ay patuloy sa pagluha ngunit kapansin-pansin ang galit na maaaninag doon. Pagkatapos ay walang ano-anong tinakbo niya si Thallon at malakas na itinulak. Tumama ang likod ni Thallon sa sementadong pader at naglaglagan pa ng mga nakasabit doon na paintings ngunit napangisi lang ito. Hindi alintana ni Shanella ang kakaibang lakas na lumukob sa kaniya. Ang tanging nararamdaman nito ay galit at pighati sa pagpatay sa kaniyang mga magulang."Huwag mong pwersahin ang lakas mo, Shanella. Hindi pa tamang panahon," ani Thallon na bahagya pang inayos ang kuwelyo nito."Aahhhhh!" galit na galit na sigaw ni Shanella at muling sinugod si Thallon.Ngunit sa pagkakataong iyon ay mabilis na nakalipat ng kinatatayuan si Thallon. Bigla namang nagliwanag ang mga mata ni Shanella sa paglingon niya sa lalaki."Enough. I don't want to do this," buntonghiningang saad ni Thallon.Ngunit bingi sa mga naririnig si Shanella. Ang poot sa kaniyang puso ay hindi basta mawawala ng ganoon na lamang. Ikinuyom niya ang kaniyang kanang kamao at mabilis na tinakbo si Thallon. Subalit sa pagkakataong iyon ay malakas na sinalo ng kaliwang kamay ni Thallon ang kamao niya. Mahigpit ang pagkakahawak ni Thallon na hindi niya iyon magawang bawiin kahit anong hila niya."Rest, Shanella. You'll be home, soon," bulong ni Thallon sa tainga ni Shanella.Nang muli siyang titigan ni Thallon ay hinipan siya nito sa mukha at ilang segundo lang ay nawalan na siya ng malay...SA unti-unting pagmulat ng mga mata ni Shanella ay sinalubong siya ng puting-puting kisame. Ilang segundo lang siyang napatitig sa kisame habang sinasariwa kung anong nangyari. Hanggang sa mapabalikwas siya ng bangon matapos maalala ang lahat. Nang ilibot niya ang paningin ay hindi niya makita ang mga taong kumuha sa kaniya... At pumatay sa kaniyang mga magulang. Napaluha siya nang muling maalala ang mga ito at saka siya mabilis na bumaba sa may kataasang kama na kinaroroonan."Where am I?" ang lumuluha niyang sambit sa sarili. Gusto niyang makaalis doon at puntahan ang mga magulang. Baka dinadaya lang siya ng mga nakita niya kanina."You're finally awake."Napalingon siya sa bumukas na pinto kung saan din nanggaling ang boses. Isang babae ang bumungad sa kaniya na tingin niya ay kaedaran lang din ng kaniyang ina."Sino kayo?" matapang at nanlilisik ang mga matang tanong ni Shanella."Be patient, Shanella. Unti-unti mo rin kaming makikilala," mahinahong sagot ng babae.Naikuyom ni Shanella ang mga kamao at akmang susugurin niya ang babae ngunit bago pa siya makaalis sa kaniyang puwesto ay nagulat na lamang siya nang lumitaw sa tabi niya ang babae. Napanganga na lamang siya. Hindi mahinuha sa kaniyang reaksiyon kung takot ba ang nakabadha roon. Sa bilis kasi ng kilos ng babae ay nakarating kaagad ito sa kaniyang tabi nang hindi niya man lang nakikita."I-I wanna go home..." nanghihina na lamang na turan ni Shanella."Ito ang iyong tahanan. Wala ka ng ibang uuwian, Shanella," mahinahon pa ring sagot ng babae."A-ano bang kailangan niyo sa akin?" napaupo na lamang si Shanella sa kamang naroon."Kaya nga hinintay ka naming magising. Tawagin mo na lang din akong Gara. Ako ang asawa ng sumundo sa 'yo kanina," sagot ng babae.Bigla ay muling tumalim ang mga mata ni Shanella. "Asawa ka ng pumatay sa mga magulang ko?!"Sa isang iglap lang ay hawak na ni Shanella sa leeg si Gara. Punong-puno ng galit ang mga mata nitong unti-unti na namang nagliliwanag."B-bitiwan m-mo a-ako..." hirap sa paghingang saad ni Gara habang sinusubukang tanggalin ang kanang kamay ni Shanella sa kaniyang leeg.Subalit mas nangingibabaw ang galit sa puso ni Shanella. Hindi rin niya alintana kung ano ang kakaibang lakas na nararamdaman niya. Wala siyang oras upang isipin kung anong nangyayari sa kaniya dahil ang tanging nasa kaniyang isipan ay patayin ang taong may kinalaman sa pagkakapaslang sa kaniyang mga magulang."Bitiwan mo siya!" Isang tinig na nagpalingon kay Shanella ngunit hindi pa rin niya binibitiwan ang leeg ni Gara.Doon nagpalit ng anyo ang lalaking nagsalita. Mula sa pagiging magandang lalaki nito ay unti-unti itong naging isang puting lobo. Nagkulay asul ang mga mata nito at handa na sana itong salakayin si Shanella ngunit biglang lumitaw si Thallon sa harapan nito kaya napapreno ito."Not like this, Kai. Alam mong hindi siya kalaban," saad ni Thallon at saka ito mabilis na lumapit kina Shanella. Hinampas lang nito ang kamay ni Shanella na nasa leeg ni Gara.Napaubo naman ng sunod-sunod si Gara nang bumagsak na ito sa sahig."You can't force your power, Shanella. May tamang panahon para riyan," seryosong sambit ni Thallon kay Shanella."I'm gonna kill you..." mahinang saad ni Shanella."No, you won't. Kung gusto mo talagang malaman ang lahat-lahat, kakalma ka at susunod sa akin ngayon din," tila makapangyarihang utos ni Thallon at tinalikuran na nga nito si Shanella.Noong una ay sinundan lamang ng tingin ni Shanella ang palabas ng si Thallon. Pagkatapos ay dumako ang tingin niya sa malaking nilalang na sasalakay dapat sa kaniya, ang puting lobo na tinawag ni Thallon na Kai."Kai, sumunod ka na sa iyong ama," utos naman ni Gara na nakatayo na rin.Kai growled silently before turning his back. At sa isang iglap lang din ay naging tao na itong muli na walang kahit anong saplot sa katawan dahil sa pagbabagong anyo nito kanina. Ni hindi man lang nag-iwas ng tingin si Shanella sa halip ay naglakad na rin ito upang sumunod kay Kai. Katulad nga ng sinabi ni Thallon, alam niyang kailangan niya ng kasagutan sa mga nangyayari."Hindi kami kalaban, Shanella. Sana'y tandaan mo iyan hanggang sa huli," pahabol namang sabi ni Gara.Natagpuan ni Shanella ang sarili sa labas ng malaking bahay na iyon. Naroong nakatayo si Thallon at nang hanapin ng mga mata niya si Kai ay hindi niya ito mahagilap. Ngunit tila ba nahulaan ni Kai na hinahanap niya ito dahil bigla na lamang itong sumulpot sa tabi ni Thallon, at may saplot na ito sa katawan. Hindi niya naiwasang mapagmasdan ang kabuuan ng lalaki. Tantiya niyang mas matangkad ito sa kaniya at malaki rin ang pangangatawan nito kaya hindi na siya magtataka na napakalaki nitong lobo. Matalim ding tumingin ang magagandang pares ng mga mata nito na binagayan ng may kakapalang kilay. Hindi katangusan ang ilong at may kakapalan nang kaunti ang labi nito. Mapanga rin ang lalaki na para sa kaniya ay mas lalong nagpakisig dito."Alam kong lahat kayo ay nandito upang marinig ang isang magandang balita. At hindi ko kayo bibiguin," panimula ni Thallon na ikinalingon ni Shanella rito."Sa mahabang panahon ay alam kong napapagod at nawawalan na kayo ng pag-asa sa isang bagay na ipinangako namin. Ngunit dumating na ang takdang panahon. Magmula ngayon ay hindi na ninyo kailangang matakot o magtago laban sa mga Sturgeon. Dahil magmula ngayon, ang propesiya ay unti-unti ng matutupad," segunda naman ni Gara."Ipinakikilala ko sa inyo si Shanella, ang magiging kapareha o katuwang ng aming anak na si Kai. Silang dalawa ang mag-aalis ng mga agam-agam at takot sa ating mga puso," itinuro ni Thallon si Shanella habang sinasabi iyon."Ang sabi mo sa akin ay magpapaliwanag ka! Ano itong mga pinagsasabi mo na katuwang ako ng iyong anak?!" galit na humakbang si Shanella palapit kay Thallon ngunit kaagad na humarang ang tatlong kalalakihan sa daraanan niya."Let her pass," matigas na utos ni Thallon sa tatlo."Please, Shanella, you have to accept this. Ito ng tunay mong kapalaran," lumapit naman si Gara sa kaniya."No...mga halimaw kayo at hindi niyo ako katulad..." mariin at maluha-luhang sabi ni Shanella. Batid niya sa sariling may takot din siyang nararamdaman ngunit kailangan niya iyong paglabanan."Are you rejecting me?" bigla namang saad ni Kai.Sa hindi malaman na dahilan ay para bang nakaramdam ng panghihina si Shanella nang magtama ang mga mata nila ni Kai. Pakiramdam niya ay nauupos siya sa mga titig ng lalaki...Nakahiga sa isang queen size bed si Shanella habang sinasalo ng malapad at malambot na unan ang kaniyang mga luha. Hindi niya makalimutan ang ginawa sa kaniya ng ilan sa mga taong lobo na kasama niya kanina. Nagalit kasi si Kai sa pagtanggi niya sa sinasabing kapalarang nakalaan sa kaniya. Dahil doon, he ordered some of their men to drag her out from there. Si Thallon lamang ang tumutol ngunit mas sinusunod ng karamihan si Kai dahil naipasa na umano ang pagiging alpha ni Thallon sa anak nitong si Kai. She needs to learn a lesson, that's what Kai said there."Sit down and we'll talk."Napalingon si Shanella sa nagsalita. It was Gara."Get out of here. Wala kang sasabihin na makakapagpabago ng tingin ko sa inyo..." matigas na sagot ni Shanella."Nandito ako para ipakilala sa 'yo kung sino ka ba talaga at kung anong papel mo sa buhay ng anak namin," malumanay namang sagot ni Gara.Nagtitimpi sa galit na bumangon si Shanella at hinarap na nang tuluyan si Gara. Makikita sa mga mata nito an
Nagngingitngit ang kalooban ni Rome matapos makausap ang Administrator ng bahay-ampunan na pinuntahan niya ng gabing iyon. Kaagad niyang idinayal ang numero ng asawa habang pababa sa hagdanan."Tell them to find her, now!" nagpipigil sa galit na utos ni Rome sa asawa.He went there to look for someone. Isang mahalagang tao na dapat ay kinakausap niya na ngayon. Ngunit nagulat na lamang siya nang malaman nga mula sa Administrator ng nasabing ampunan na mayroon umanong umampon sa batang iniwan nila roon. Halos murahin niya kanina ang kausap kung wala lang siyang iniingatang reputasyon. Malinaw kasi nilang sinabi noon sa ampunan na doon hahayaang lumaki ang sanggol na iniwan nila. Kaya naman laking galit niya nang malamang namatay na umano ang sinasabing nakausap niya at hindi naman naibilin ang tungkol doon kaya hindi rin alam ng mga ito kung sino na sa mga naipaampon ang hinahanap nila."Let's go home," ani Rome sa kaniyang driver pagkasakay niya sa sasakyan. Madilim na madilim na rin
MAHIGPIT na mahigpit ang kapit ni Shanella sa batok ni Kai na nasa anyong lobo habang tumatakbo ito nang matulin."C-can you s-slow d-down..." naninigas na sambit niya sa lalaki.Kai growled as if he's annoyed of what she said."B-baka pang-baon na r-rin a-ako sa l-lupa p-pagkarating natin s-sa s-sementeryo..." pakiramdam niya ay isa siyang estatwang iniupo lang sa likod ni Kai dahil kahit pagpitik ng kaniyang mga daliri ay hindi niya magawa sa sobrang takot.Mayamaya pa ay huminto na sa pagtakbo si Kai at saka nito inilingon ang ulo kay Shanella na nakasakay pa rin sa kaniya at hindi bumababa."May balak ka bang bumaba?" tanong ni Kai.Shanella wanted to nod but she can't move her head or neck. Hindi niya alam kung paano pagagalawin ang sarili."Fine. I'll give you what you want," malamig na naman ang boses na saad ni Kai.Hindi na alam ni Shanella kung anong ginagawa ni Kai dahil busy ito sa kung paano makakagalaw. Kaya naman gulat na gulat siya nang maramdaman niya ang pagsayad ng
MULA nang mapanood nina Shanella at Kai ang balita tungkol sa nangyari sa sementeryo ay hindi na masyadong umiimik ang huli. The news showed almost everything. Mayroon pa lang isa sa mga taong nasa sementeryo ang nagawang mag-video gamit ang cellphone. Hindi nakuha sa video ang pagpapalit anyo ni Kai ngunit nakuhaan ang pakikipaglaban nito bilang lobo sa dalawang itim na lobo. Ang pinaka-concern ay si Shanella dahil siya lamang ang taong nakatayo malapit sa naglalabang mga lobo. Nakita rin sa video ang pagsakay nito sa sa puting lobo na si Kai at ang mabilis na pag-alis ng mga ito. Kaya naman kaagad na sinabi ni Thallon sa buong nasasakupan na aalis sila roon at maninirahan muna sa kabundukan. Makikita ang galit sa mukha ni Thallon kaya naman hindi pa rin nito iniimik si Kai.Shanella was trying to determine Kai's emotion as they started walking away from their home. Inilibot din muna niya ang paningin sa paligid. She felt sad. Maganda kasi ang lugar na iyon at napakaluwang. Malaya si
NAKANGITING tinawagan ni Desa si Rome matapos marinig ang sinabi sa kaniya ni Pip tungkol kay Shanella."Kailangan nating mag-usap ngayundin. Isa itong magandang balita," masiglang bungad ni Desa sa asawa.Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang swivel chair habang pinakikinggan ang sinasabi ng asawa sa kabilang linya."Puwede namang sa pag-uwi ko na natin pag-usapan gaya nga ng sabi mo. Hindi ko lang talaga mapigilang ibalita ito sa iyo," hindi pa rin naaalis ang ngiting aniya sa asawa.Nakatanaw siya sa labas mula sa glass wall ng pribadong opisina niyang iyon habang kausap ang asawa. She knew that Rome is already curious because she can't hide her happiness in her voice."Yes, I can't tell it right now. Hindi puwedeng pag-usapan sa telepono lang. I can only assure you that this is part of our success. Gibbous will fall, and you have to believe it. Kapag narinig mo na ang nalaman ni Pip tungkol doon sa Shanella ay tiyak kong makakatulog ka na nang mahimbing," saad niya sa asawa.
MALAKAS na palakpakan ang pumuno sa bulwagan ng mansiyon ng mga Thompson na mas maituturing na pag-aari ng buong Sturgeon. Naipasa na kasi ang pagiging Alpha kay Logan Thompson, ang nag-iisang anak nina Rome at Desa."Thank you, everyone. Let me just remind you, this is not yet a success. Hindi dahil nagbalik ako ay ayos na ang lahat. Kahit na nakasulat na sa libro ang pagbagsak ng Gibbous White Moon Pack sa pamamagitan ko, hindi tayo dapat pakampante," malakas na pahayag ni Logan habang nakatayo sa pinakagitna.Makikita sa mga itim na itim na mata ni Logan ang matinding kagustuhan na mapabagsak ang Gibbous."The success is ours, son. We've taken care of you and now our fate depends on you. Naniniwala ako sa kung ano ang nakasulat na sa libro ng tadhana," itinaas ni Rome ang hawak na kopita habang sinasabi ang mga katagang iyon."Your dad is right, Logan. You don't have to worry. Hindi rin namin kailangang mag-alala dahil bukod sa nandito ka na, umaayon ang lahat sa ating kagustuhan.
NAPADILAT ng mga mata si Logan. Habol niya ang paghinga at hindi mawala sa kaniyang balintataw ang panaginip. The mark. Niah's mark."She's near... I have to check..." mahina niyang sambit sa sarili.Sa isang iglap lamang ay nagbagong anyo siya. Kumpara sa ibang Sturgeon, siya ay maituturing na mas malaki pa sa kaniyang amang si Rome kapag nasa anyong lobo. Nangingintab din ang pagkaitim ng mga balahibo nito at mas maliwanag ang puti nitong mga mata. Kaagad siyang tumalon sa bintana at palabas na sana siya ng gate nang bigla siyang tumama sa isa pang malaking lobo.Nagawa ni Logan na huwag matumba sa pagkakatama niyang iyon. He growled. He was mad."Where do you think you're going with that form?" the other werewolf is mad as well."Dad, nakita ko ang pagliwanag ng marka ni Niah sa aking panaginip. She's near. I have to check and get her," sagot ni Logan."Hindi mo ba inintindi ang mga pinag-usapan kanina lang? Hindi ba't nasabi na namin ni Desa na hahayaan natin si Niah na maging bre
NANUNURI ang mga mata ni Rome habang nakatingin kina Logan at Desa. Sinabi kasi sa kaniya ng dalawa ang tungkol sa kakaibang naramdaman tungkol kay Shanella o Niah."Are you two sure about this?""Logan said it," sagot ni Desa."Hindi maaaring magkamali ang mga naramdaman ko kanina habang malapit siya sa akin..." mahahalata pa rin ang pagtataka sa mukhang sagot ni Logan."Marahil ay lumalakas lamang ang kaniyang kapangyarihan nang dahil kay Kai. Baka epekto ito ng pagkilala sa kaniya ng mga Gibbous bilang kanilang bagong Luna..." suhestiyon ni Rome."Iyan na nga rin ang nasa isipan ko, ama..." mahinang sagot ni Logan."Ngunit nakita mo ba ang marka? Nalaman mo ba kung kailan eksaktong mangyayari ang kamatayan ni Kai?" tanong ni Rome.Tumango naman si Logan. "Hindi ko lang masyadong na-pokus ang tungkol sa marka dahil nga sa naramdaman kong kapangyarihan niya. Ngunit malinaw na naiparating sa akin ng kaniyang marka na matutupad ang kamatayan ni Kai sa kaniya ring mga kamay..."Lumuwang
ShanellaHindi ko alam kung may isang oras o mahigit na ba akong nandito sa sementeryo. Kanina ko pa hinahaplos ang lapida kung saan nakasulat ang pangalan ng una at huling lalaking mamahalin ko. Si Kai Leo Harrison, ang ama ng aking tatlong mga anak."Mommy!"Napalingon ako sa pagtawag na iyon ng aking mga anak. Judging by their looks, I can tell that they're feeling sad for me again. Paano ba naman ay araw-arawin ko ang pagdalaw dito sa puntod ni Kai."You've been here for hours again, mom," nakapamulsang wika ni Kasper sa akin."And we've been waiting for you for hours," saad naman ni Kassie."Dapat sinasama mo na lang ako, mommy. Kasi kapag sa bahay binubully lang naman ako nina Kasper at Kassie," nakasimangot namang sambit ni Shin.Napangiti ako. Ilang taon na nga ba ang lumipas mula nang mamatay si Kai? Sampung taon. Ganoon na katagal ngunit napakasariwa pa rin ng sugat sa aking puso. That's how Kai left me, with deep wounds. Na kahit panahon ay hindi kayang gamutin ang aking pa
BASANG-BASA ng luha ang mukha ni Shanella matapos marinig ang buong kuwento ni Thallon. She wanted to unhear everything but it's the truth..."Y-you allowed this to happen? H-hindi niyo man lang inisip ang mararamdaman ko?" disappointment were all over Kai's face while looking at his father Thallon."W-Wala na kaming ibang maisip na paraan ng iyong ina, anak... W-we j-just need to survive Rome's greediness..." paliwanag ni Thallon.Then Rome chuckled while still looking at Logan's head. "Siguro nga ay wala talagang kabutihang para sa ating mga lobo. You're talking about my greediness but look at what you've done too. Sa tingin mo ba ay mabuti na kayo sa lagay na ito?" pagpapatungkol niya kay Thallon."I never wanted this... Kung sa tingin mo ay sang-ayon ako sa lahat ng nangyari ngayon, nagkakamali ka. Ikinahihiya ko ang maging isang Gibbous at maging isang ama ang katulad mo," Kai gritted his teeth. Gusto niyang pakawalan ang galit na nararamdaman sa ama."Y-you a-are my real father?
GULAT na gulat si Rome habang nagbabagong anyo si Kai. Ngunit hindi siya gulat dahil sa nagaganap kay Kai kundi sa isang munting liwanag na nakikita niya sa bandang batok ni Shanella na panaka-nakang nagkukulay berde. Kahit na nasa ilalim ng balahibo sa batok ni Shanella ang liwanag na iyon ay sigurado siyang iyon ay isang tanda na tinataglay ng isang tunay na Luna ng mga Sturgeon. Ibig sabihin, si Shanella ay anak ng isang Alpha at Luna. Anak niya si Shanella.Kahit na hirap sa paghinga at halo-halong emosyon, sinubukang tawagin ni Rome ang pangalan ni Logan. Kailangang malaman ni Logan na kapatid nito si Shanella o si Niah. Kung ano man ang tunay na kuwento ay hindi muna mahalaga. Kailangang mabalaan niya si Logan bago pa sila magkapatayan ng kapatid nito. Buong akala niya ay patay na ang bunsong anak nila ni Doreene ngunit malinaw na nakikita ng kaniyang mga mata na buhay ang kanilang anak at iyon ay si Shanella.Pinilit na Rome ang sariling gumapang na lamang palapit sa kinaroroon
NAGUGULUHAN si Desa sa mga nangyayari sapagka't hindi dapat iyon ang nangyayari. Hindi dapat si Logan ang inaatake ni Shanella kundi si Kai. Hindi niya lubos maisip, para sa kaniya ay imposibleng maapektuhan ng pagmamahal ni Shanella ang misyon nitong patayin si Kai. Something is not right. She turned in a she-wolf too and jumped to Thallon. Si Thallon lang ang maaaring makasagot sa mga katanungan niya dahil napansin niya na kanina kung gaano kakalmado ang lalaki kaya sigurado siyang alam nito kung ano ang tunay na nangyayari."Ipaliwanag mo kung ano ang mga nangyayari," angil kaagad ni Desa kay Thallon.Isang ngiti ang isinagot ni Thallon kaya sinugod kaagad siya ni Desa. Bawat atake ni Desa ay madali lamang na naiilagan ni Thallon.Samantala, patuloy naman ang palitan ng atake nina Shanella at Logan sa isa't-isa. Ngunit habang pinagmamasdan sila ni Rome habang hawak-hawak ang sugat sa dibdib nito ay napapailing ito. Kita kasi ni Rome na mas lamang ang lakas at bawat atake ni Shanell
NAGLAKAD si Rome papunta sa cage na kinaroroonan ni Kai. Makikita ang kasiyahan sa mukha nito. Tila ba mababasa ng kahit sinuman ang tagumpay sa mukha nito."Watch her, Kai, then suffer... Just like what you all did to my Doreene..." magkahalong galit at sayang sabi ni Rome kay Kai."H-Hindi k-ko a-alam ang s-sinasabi m-mo... L-layuan niyo s-si Shanella..." nanghihina man ay sinagot ni Kai si Rome."Why don't you ask your father here?" naniningkit ang mga matang tinanaw ni Rome si Thallon na nasa di-kalayuan. Hindi nito binibigyang pansin ang tila kalmadong mukha ni Thallon sa pag-aakalang maaaring tinanggap na lamang ni Thallon na tuluyan na nilang mapapabagsak ang Gibbous.Mayamaya ay nakita ni Kai na mas lumapit pa si Logan kay Shanella."G-get a-away f-from h-him..." muling nagbago ang kulay ng mga mata ni Kai. Tila ba pinipilit nitong ipunin ang lahat ng lakas na natitira pa upang iligtas si Shanella sa nakikitang kapahamakan."No, don't waste your energy. Sayang naman kung hindi
NAGKANYA-KANYANG talon at salubong ang mga Gibbous sa pagbagsak ng mga Sturgeon sa kanila. Tuluyan na kasing nasira ang harang at ngayon naman ay kailangan na nilang harapin ang tunay na laban."Aahhhhh!"Lahat ng lobong nagtatalunan papunta kay Shanella ay sinasalubong ni Thallon na noo'y nasa anyong lobo na rin. Kung mula sa kalangitan, tanging kulay puti at itim na mga lobo ang makikitang nagsasagupaan."Anong problema, Shanella? Bakit hindi ka pa nagbabagong anyo nang maipamalas mo naman sa akin ang iyong lakas at kapangyarihan?"Alertong napaatras si Shanella nang marinig ang boses ni Logan sa kaniyang likuran. Mula naman sa cage na kinaroroonan ni Kai, nanghihina itong pilit na humawak sa bakal na kinaroonan niya. Bumibilis ang tibok ng puso nito dahil sa galit habang nakatingin kay Logan. Ang kaniyang mga mata ay nagiging pula na rin ngunit kaagad din namang bumabalik sa normal dahil nga sa kaniyang panghihina."Hindi ko kailangan ng pagbabagong anyo para harapin ang mga ganid
TILA itinulos sa kaniyang kinatatayuan si Shanella nang isang napakalaking kulay itim na lobo ang dadamba sa kaniya mula sa itaas. She couldn't move to avoid the attack."Shanella!"She heard Kai. Pero para bang pati ang lumingon ay hindi niya magawa. She couldn't blame herself, this will be her first time to encounter this. Tila hindi sapat ang dalawang taon niyang paghahanda para harapin ito. Mas nag-enjoy din kasi siya kapiling ang mag-aama niya. Unti-unting pumatak ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya pala ito kaya. Nakaramdam siya bigla ng takot. Takot na paano kung hindi nila kayanin ang mga Sturgeon? Anong mangyayari kay Kai? Sa mga anak nila? Anong mangyayari sa kaniya?"Ano bang nangyayari sa 'yo, Shanella?"Tila roon na siya napabalik sa huwisiyo nang tapikin siya ni Thallon sa kaniyang balikat."S-sorry..." tangi niyang nabigkas bago muling tingalain ang lobo kaninang padamba dapat sa kaniya.Hindi pa nga pala nakakapasok sa nakapalibot na harang ang mga Sturgeon. Mati
NAPADILAT ang mga mata ni Shin mula sa mahimbing na pagtulog. Bumangon ang bata upang lingunin ang kaniyang mga kapatid na nasa kani-kanila ring kama. Then she saw Kasper, sitting on his bed while murmuring."K-Kasper, n-naririnig mo rin ba ang n-naririnig ko?" may takot sa mga matang tanong ni Shin."Let's wake up dad," kalmadong sagot ni Kasper bago ito bumaba upang puntahan ang kinahihigaan ng kanilang ama."W-why a-aren't you m-moving t-there?" tanong ni Shin nang mapansin nitong natigilan ang kapatid matapos lumapit sa kama ng kanilang ama."Dad's not here. They already know," sagot ni Kasper."Please help them save dad... K-kaya mo naman ng lumaban, 'di ba?" bumaba na rin sa kama si Shin at lumapit kay Kasper."Hindi nila tayo papayagan. Hindi tayo makakalabas dito," sagot ni Kasper."B-but they m-might need your help," nangilid ang luha sa mga matang saad ni Shin."Let's just follow their orders," sagot lamang ni Kasper at bumalik na ito sa kaniyang kama upang matulog.Pero hin
MASAYANG pinagmamasdan ni Kai ang kaniyang mag-iina na naghahabulan habang nakaupo naman siya di-kalayuan sa mga ito. Maulap ng mga sandaling iyon kaya naman masarap ang paglalaro ng mga bata."Daddy, join us!" mayamaya ay malakas na sigaw ni Kassie.Nakangiting kumaway si Kai sa anak."Come on!" sunod namang sumigaw si Shanella.Natatawa na lang ngang tumayo si Kai at bigla ay nag-anyong lobo ito at singbilis ng kidlat na tumakbo papunta sa kaniyang mag-iina.Malakas ang naging pagtili ni Shin nang maramdaman niya ang pagbuhat ng ama sa kaniya. Paglingon niya ay ang mukha ng ama ang nasilayan niya."How can you go back to your human form so fast!" giggled Shin."It's a secret..." Kai was just teasing his daughter."I can do that, too," singit naman ni Kasper na nag-anyong lobo rin at saka nag-anyong tao muli."Daddy is faster than you," komento naman ni Kassie."Haynaku, tama na 'yan. Pumasok na kayo sa loob at mukhang uulan ngayon," nakatawa namang sabi ni Shanella."Hmm... Oo nga.