Nagngingitngit ang kalooban ni Rome matapos makausap ang Administrator ng bahay-ampunan na pinuntahan niya ng gabing iyon. Kaagad niyang idinayal ang numero ng asawa habang pababa sa hagdanan.
"Tell them to find her, now!" nagpipigil sa galit na utos ni Rome sa asawa.He went there to look for someone. Isang mahalagang tao na dapat ay kinakausap niya na ngayon. Ngunit nagulat na lamang siya nang malaman nga mula sa Administrator ng nasabing ampunan na mayroon umanong umampon sa batang iniwan nila roon. Halos murahin niya kanina ang kausap kung wala lang siyang iniingatang reputasyon. Malinaw kasi nilang sinabi noon sa ampunan na doon hahayaang lumaki ang sanggol na iniwan nila. Kaya naman laking galit niya nang malamang namatay na umano ang sinasabing nakausap niya at hindi naman naibilin ang tungkol doon kaya hindi rin alam ng mga ito kung sino na sa mga naipaampon ang hinahanap nila."Let's go home," ani Rome sa kaniyang driver pagkasakay niya sa sasakyan. Madilim na madilim na rin noon ang kalangitan lalo na at may paparating na bagyo.Habang nasa loob ay sinusubukan niyang kalmahin ang sarili sa pamamagitan ng pagpapaputok ng kaniyang mga dali. Mayamaya ay tumunog ang kaniyang cellphone."What?" kaagad niyang tanong sa asawa."They can't find her scent..." pagbuntonghininga ni Desa sa kabilang linya.Naibato ni Rome ang cellphone sa windshield ng kotse na bahagyang ikinagulat ng driver."Make it fast," may panlilisik ang mga matang wika ni Rome sa driver."Traffic-""Itabi mo," tila lalong umiinit ang ulo ni Rome sa mga nangyayari.Kaagad namang sumunod ang driver kahit pa nga nasa kahabaan pa sila ng kalsada. Sunod-sunod na pagbusina ang maririnig sa likuran nila dahil hindi nga tama ang tumabi sa tinatahak nilang kalsada.Mabilis na bumaba si Rome at naglakad papunta sa kadiliman sa gilid ng kalsadang iyon. Doon naman na kaagad na pinaandar muli ng driver ang sasakyan.Mula naman sa kadiliman ay unti-unting nagbago ang anyo ni Rome sa isang kulay itim na lobo. Tanging ang puting mga mata nito ang makikita sa kadilimang iyon habang tumatakbo siya. Kailangan niya ng makauwi kaagad at makausap ang asawa at kaniyang nasasakupan tungkol sa taong hinahanap niya sa ampunan.Ilang sandali lang nga ng pagtakbo ni Rome at nakarating na ito sa kanilang mansiyon o tahanan."Rome," salubong naman kaagad dito ni Desa.Mabilis muling bumalik sa dating anyo si Rome at nang maging tao na itong muli ay kaagad na may dalawang babaeng lumapit dito at inabutan siya ng kulay itim na balabal o bathrobe."Why can't they find her scent?" lukot ang mukhang ani Rome nang maayos na nito ang sarili.Nilingon ni Desa ang ilan nilang kasamahan na naroon. Iyon ang mga inutusan niyang maghanap sa sanggol na dinala nila noon sa ampunan."I don't know... Siguro dahil hindi pa tuluyang lumalabas ang lakas niya," sagot naman ni Desa."She'll turn eighteen this month, Desa... You should know that," hindi nagbabago ang reaksiyong sagot ni Rome."Can we just find her instead of arguing? Walang mangyayari kung pagtatalunan lang natin ito. Ipahanap lang natin lahat ng batang inampon mula nang mamatay iyong walang kuwentang pinagbilinan natin," malakas na sabi ni Desa."Kung sinunod mo lang sana ang sinabi ko sa 'yo noon na pabantayan na lamang siya sa bahay-ampunan, wala na sanang problema," asik ni Rome."Is it my fault?" Nanlalaki ang mga matang sambit ni Desa. "Nag-iingat lang naman ako noon. Kapag pinabantayan pa natin, maraming magtataka. Baka makarating pa sa kalaban at mapaghinalaan pa tayo, 'di ba?" Pagtatanggol nito sa sarili."Just find her!" huling turan ni Rome bago ito tuluyang iwan doon si Desa.BAHAGYANG tiningala ni Desa ang pangalan ng building bago nito tuluyang dalhin ang kotse sa parking lot.Rome Bank. Iyon ang pangalan ng building at pag-aari nila iyon. They're one of the top corporations in the Philippines. Isa iyon sa mga nakuha nilang tagumpay mula nang baguhin ni Rome ang nakasulat sa libro ng tadhana."Good morning, Mrs. Thompson," bati ng lahat ng makasalubong ni Desa at simpleng ngiti lang ang itinutugon niya sa mga ito.Dumeretso siya sa kaniyang pribadong opisina at saka pinapunta roon ang isa sa mga nagtatrabaho roon na kagaya rin nilang lobo."Are you sure about this?" pag-angat ng tingin ni Desa sa kapapasok na lalaki habang pinapasadahan niya ng tingin ang ilang papel na nasa kaniyang mesa."Yes, Luna Desa... Natagpuan na lamang daw na patay ang mga magulang sa bahay nila at nawawala na ang kanilang anak," sagot naman ng lalaki.Nasa kaniyang sariling opisina noon si Desa habang kausap ang lalaki. Natatandaan pa nga nito ang balitang iyon. Ganoon naman kasi ang mga krimen, puro patayan at hindi nahuhuli ang mga salarin. Minsan ay dahil sa pera o di kaya naman ay sa droga."Sigurado ka bang hindi lang ito isa sa mga patayang nangyayari rito?" tanong niya sa kausap."Hindi po. Ang anak nilang nawawala ay isa sa mga batang inampon noon sa ampunang pinagdalhan kay Niah," sagot ng lalaki."Did you check the year?" paniniyak ni Desa. "Alam mong hindi tayo maaaring magkamali sa mga galaw natin ngayon, Doro."Tumango ang lalaking tinawag na Doro. "Isang taon pa lamang noon si Niah nang mamatay ang pinagbilinan ninyo sa kaniya sa bahay-ampunan kaya rin siguro hindi na naipasa ang ibinilin niyong huwag ipapaampon si Niah. Makalipas pa ang isang taon, dumating ang mag-asawang iyan at naghanap ng maampon na sanggol pa o kung sinumang pinakabata noon sa ampunan. Ayon sa kalkulasyon ko, si Niah ang maaaring pinakabata noon dahil magdadalawang taon pa lamang siya sa taong iyon," mahabang paliwanag nito."Sigurado kang siya lang ang pinakabata noon?" paniniyak muli ni Desa.Muling tumango si Doro."Kung ganoon ay magsimula ka ng hanapin ang nawawalang anak ng mag-asawang ito upang masiguro na natin kung siya ba si Niah. Gamitin mo ang mga koneksiyon natin upang makuha ang mga impormasyon sa mga pulis," utos na ni Desa."Ipapakalat ko ba ulit ang mukha ng inampon ng mag-asawang iyan at palalagyan ng malaking pabuya upang mas mabilis siyang mahanap?" tanong ni Doro."No, huwag muna..." sumandal si Desa sa swivel chair nito. "Nais ko munang matiyak kung si Niah ba talaga ang batang inampon nila noon," aniya habang tinititigan ang larawan ng sinasabing ampon ng mag-asawang pinatay. Walang iba kundi ang larawan ni Shanella.TAHIMIK lang na naglalakad si Shanella kasama si Kai. Mula nang sabihin niya nga kay Gara na tinatanggap niya na ang sinasabing kapalaran niya ay palagi na silang pinagsasama ni Kai sa kahit ba anong bagay."Tell me you're bored without telling me you're bored," malamig ang boses na untag ni Kai.Napaikot naman ang mga mata ni Shanella. Natatandaan niyang madalas niyang marinig iyon sa kaklase niyang bruhilda sa tuwing lilitaw na siya sa pintuan."Mahirap kapag hindi mo talaga gusto ang ginagawa mo. Lalo na kung ang kapalaran ang pinag-uusapan," wika muli ni Kai habang patuloy sila sa paglalakad.Nakaramdam naman ng lungkot siya ng lungkot sa sinabing iyon ni Kai."Why do you have to talk about it?" baling niya kay Kai."Dahil wala naman tayong ibang mapag-uusapan. You're not even opening your mouth since my mother told me you've accepted your fate," mabilis na sagot ni Kai.Napahinto sa paglalakad si Shanella at tumitig sa mga antuking mata ni Kai."Ano bang gusto mong sabihin ko? Na excited na akong dumating ang araw na ikasal tayo at magsiping na pagkatapos? Na excited akong ibigay na ang virginity ko sa taong hindi ko naman talaga kilala at hindi ko naman mahal?" walang prenong saad niya kay Kai.Hindi naman kinakitaan ng sindak si Kai sa pagkatabil ng dila ni Shanella. Sa halip ay sinakyan nito ang babae."Oo, pwede naman," sagot ni Kai na ikinalaki ng mga mata ni Shanella."Y-you..." tila nahuli si Shanella ng sarili niyang bitag."Pwede naman nating pag-usapan kung ano ang una kong tatanggalin. Kung iyang pang-taas mo ba, o iyang pambaba mo ba, o kung iyang sapatos mo muna," ngisi pa ni Kai.Bigla naman napatingin si Shanella sa suot niyang sapatos. "May problema ka ba sa sapatos ko?" asik niya rito. Tila ba mas inintindi niya pa iyon kaysa sa mga mas maselang sinabi ni Kai."Oo. Palagi ka kasing nakasapatos kahit nandito ka lang," sagot ni Kai at tinalikuran na si Shanella upang ipagpatuloy ang paglalakad.Mabilis namang humabol si Shanella at saka ito tumikhim. "Pwede bang magtanong?""Okay lang ba sa 'yo kahit anong maging sagot ko?" pilyo namang balik-tanong ni Kai.Bigla naman siyang namula sa sagot na iyon ng lalaki."Bakit kailangan mong mamula? Ano bang iniisip mo?" patay-malisyang tanong pa ni Kai.Tila naman mas nag-init at namula pa lalo si Shanella sa mga sinabi ni Kai."Magtatanong ka ba o hindi?" kunot-noong untag ni Kai sa hindi na pagsasalita ni Shanella."W-where a-are w-we..." sinubukan niya na huwag mautal ngunit hindi niya naman nagawa."Sa tinitirhan namin," seryoso namang sagot ni Kai."What?" may inis niyang reaksiyon."Ang cute mo. You can change your mood easily. From being rude to nice, and from nice to rude again," komento ni Kai."At ako pa talaga ang rude rito?" hindi makapaniwalang itinuro pa ni Shanella ang sarili."Of course I'm pertaining to you. May iba pa ba tayong kasama rito?" kunwari nga ay nagpalinga-linga pa si Kai."Ewan ko sa 'yo!" nagmamartsang naglakad pabalik si Shanella. Tutal naman ay parang walang katapusan ang nilalakaran nila. Carpet grass lang kasi ang nilalakaran nila kaya walang problema pero ang kasama niyang naglalakad ang problema niya. Ang bilis magpa-highblood!"Nasa malapit lang tayo sa pinagsunduan namin sa 'yo. Gusto mo bang dalawin ang puntod ng mga magulang mo?"Natigil sa pagmartsa si Shanella at kaagad na napalingon kay Kai."I'm sorry about what happened to them..." mahinang sambit ni Kai.Pinigil ni Shanella ang mapaluha. "No. Hindi ko sila kailangang dalawin. Hindi ko sila tunay na mga magulang, 'di ba?" anito at tumalikod ng muli."Then can you come with me? I want to visit them," saad ni Kai na ikinahinto muli ni Shanella."What are you talking about?" nangungunot ang noong tanong niya kay Kai."I just want to thank them for taking care of you. Kahit sa malayo ka lang tutal ay considered missing ka pa rin at baka may makakilala sa 'yo. Gusto ko lang may kasamang papunta roon," sagot ni Kai.Napatitig siya nang matagal kay Kai. Hindi niya mabasa ang nasa isipan ng lalaki ngunit may nakikita siyang sinseridad sa mga mata nito."Sige..." pagpayag na lamang niya. Tutal ay gusto niya rin naman talagang madalaw ang puntod ng mga magulang kahit isang beses lang. Hindi niya alam kung mapipigilan niya ang emosyon lalo pa at ang kasama niya ay anak ng taong pumatay sa kinilala niyang mga magulang...NAKATITIG lang si Shanella sa pagbabagong anyo ni Kai. Kita at dinig niya kung paano mapunit ang kasuotan ng lalaki habang unti-unti itong nagiging kulay puting lobo. His tail wiggled a little. She saw his eyes turned red but she finds it beautiful. Kai's werewolf appearance is very handsome."Sasakay ka ba o bahala ka ng humabol sa akin?"Napabalik sa huwisiyo si Shanella nang marinig ang boses ni Kai. Malamig pa rin iyon ngunit mas malalim dahil siguro sa nasa anyong lobo ito."S-sasakay?" gulat niyang tanong."Anong gusto mo? Lakarin na lang natin papunta roon?" kahit na nasa anyong lobo ay hindi nabago ang paraan ng pagsagot ni Kai."Wala ka bang sasakyan?" napahalukipkip na tugon niya sa lalaki."They'll see us," maikling tugon naman ni Kai."Hindi nila alam itong gagawin natin?!" Bulalas niya sa narinig."Sumakay ka na lang, pwede?"Umirap lang si Shanella."Sasakay ka ba o sisipain na lang kita para mauna ka na roon?"Muling nanlaki ang mga mata niya sa sinabing iyon ni Kai."Hindi ba ako pwedeng mag-transform na lang din?!" pagalit niyang sabi."Clearly, no. Not until you turn eighteen," sagot ng lobong si Kai."Baka may ibang paraan para magtransform ako," pagpupumilit niya naman kay Kai."Pwede naman. Subukan mong punitin iyang suot mong damit hanggang sa wala ng matira. Ganoon kasi kapag nagtatransform," sagot ni Kai na naghikab pa at bahagyang ibinagsak ang malaking katawang lobo na akala mo'y inaantok talaga.Napaawang ang mga labi niya sa narinig. Bakit nga ba nakalimutan niya kung gaano kapilyo at kaarogante ang Kai na magiging ama ng mga anak niya?MAHIGPIT na mahigpit ang kapit ni Shanella sa batok ni Kai na nasa anyong lobo habang tumatakbo ito nang matulin."C-can you s-slow d-down..." naninigas na sambit niya sa lalaki.Kai growled as if he's annoyed of what she said."B-baka pang-baon na r-rin a-ako sa l-lupa p-pagkarating natin s-sa s-sementeryo..." pakiramdam niya ay isa siyang estatwang iniupo lang sa likod ni Kai dahil kahit pagpitik ng kaniyang mga daliri ay hindi niya magawa sa sobrang takot.Mayamaya pa ay huminto na sa pagtakbo si Kai at saka nito inilingon ang ulo kay Shanella na nakasakay pa rin sa kaniya at hindi bumababa."May balak ka bang bumaba?" tanong ni Kai.Shanella wanted to nod but she can't move her head or neck. Hindi niya alam kung paano pagagalawin ang sarili."Fine. I'll give you what you want," malamig na naman ang boses na saad ni Kai.Hindi na alam ni Shanella kung anong ginagawa ni Kai dahil busy ito sa kung paano makakagalaw. Kaya naman gulat na gulat siya nang maramdaman niya ang pagsayad ng
MULA nang mapanood nina Shanella at Kai ang balita tungkol sa nangyari sa sementeryo ay hindi na masyadong umiimik ang huli. The news showed almost everything. Mayroon pa lang isa sa mga taong nasa sementeryo ang nagawang mag-video gamit ang cellphone. Hindi nakuha sa video ang pagpapalit anyo ni Kai ngunit nakuhaan ang pakikipaglaban nito bilang lobo sa dalawang itim na lobo. Ang pinaka-concern ay si Shanella dahil siya lamang ang taong nakatayo malapit sa naglalabang mga lobo. Nakita rin sa video ang pagsakay nito sa sa puting lobo na si Kai at ang mabilis na pag-alis ng mga ito. Kaya naman kaagad na sinabi ni Thallon sa buong nasasakupan na aalis sila roon at maninirahan muna sa kabundukan. Makikita ang galit sa mukha ni Thallon kaya naman hindi pa rin nito iniimik si Kai.Shanella was trying to determine Kai's emotion as they started walking away from their home. Inilibot din muna niya ang paningin sa paligid. She felt sad. Maganda kasi ang lugar na iyon at napakaluwang. Malaya si
NAKANGITING tinawagan ni Desa si Rome matapos marinig ang sinabi sa kaniya ni Pip tungkol kay Shanella."Kailangan nating mag-usap ngayundin. Isa itong magandang balita," masiglang bungad ni Desa sa asawa.Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang swivel chair habang pinakikinggan ang sinasabi ng asawa sa kabilang linya."Puwede namang sa pag-uwi ko na natin pag-usapan gaya nga ng sabi mo. Hindi ko lang talaga mapigilang ibalita ito sa iyo," hindi pa rin naaalis ang ngiting aniya sa asawa.Nakatanaw siya sa labas mula sa glass wall ng pribadong opisina niyang iyon habang kausap ang asawa. She knew that Rome is already curious because she can't hide her happiness in her voice."Yes, I can't tell it right now. Hindi puwedeng pag-usapan sa telepono lang. I can only assure you that this is part of our success. Gibbous will fall, and you have to believe it. Kapag narinig mo na ang nalaman ni Pip tungkol doon sa Shanella ay tiyak kong makakatulog ka na nang mahimbing," saad niya sa asawa.
MALAKAS na palakpakan ang pumuno sa bulwagan ng mansiyon ng mga Thompson na mas maituturing na pag-aari ng buong Sturgeon. Naipasa na kasi ang pagiging Alpha kay Logan Thompson, ang nag-iisang anak nina Rome at Desa."Thank you, everyone. Let me just remind you, this is not yet a success. Hindi dahil nagbalik ako ay ayos na ang lahat. Kahit na nakasulat na sa libro ang pagbagsak ng Gibbous White Moon Pack sa pamamagitan ko, hindi tayo dapat pakampante," malakas na pahayag ni Logan habang nakatayo sa pinakagitna.Makikita sa mga itim na itim na mata ni Logan ang matinding kagustuhan na mapabagsak ang Gibbous."The success is ours, son. We've taken care of you and now our fate depends on you. Naniniwala ako sa kung ano ang nakasulat na sa libro ng tadhana," itinaas ni Rome ang hawak na kopita habang sinasabi ang mga katagang iyon."Your dad is right, Logan. You don't have to worry. Hindi rin namin kailangang mag-alala dahil bukod sa nandito ka na, umaayon ang lahat sa ating kagustuhan.
NAPADILAT ng mga mata si Logan. Habol niya ang paghinga at hindi mawala sa kaniyang balintataw ang panaginip. The mark. Niah's mark."She's near... I have to check..." mahina niyang sambit sa sarili.Sa isang iglap lamang ay nagbagong anyo siya. Kumpara sa ibang Sturgeon, siya ay maituturing na mas malaki pa sa kaniyang amang si Rome kapag nasa anyong lobo. Nangingintab din ang pagkaitim ng mga balahibo nito at mas maliwanag ang puti nitong mga mata. Kaagad siyang tumalon sa bintana at palabas na sana siya ng gate nang bigla siyang tumama sa isa pang malaking lobo.Nagawa ni Logan na huwag matumba sa pagkakatama niyang iyon. He growled. He was mad."Where do you think you're going with that form?" the other werewolf is mad as well."Dad, nakita ko ang pagliwanag ng marka ni Niah sa aking panaginip. She's near. I have to check and get her," sagot ni Logan."Hindi mo ba inintindi ang mga pinag-usapan kanina lang? Hindi ba't nasabi na namin ni Desa na hahayaan natin si Niah na maging bre
NANUNURI ang mga mata ni Rome habang nakatingin kina Logan at Desa. Sinabi kasi sa kaniya ng dalawa ang tungkol sa kakaibang naramdaman tungkol kay Shanella o Niah."Are you two sure about this?""Logan said it," sagot ni Desa."Hindi maaaring magkamali ang mga naramdaman ko kanina habang malapit siya sa akin..." mahahalata pa rin ang pagtataka sa mukhang sagot ni Logan."Marahil ay lumalakas lamang ang kaniyang kapangyarihan nang dahil kay Kai. Baka epekto ito ng pagkilala sa kaniya ng mga Gibbous bilang kanilang bagong Luna..." suhestiyon ni Rome."Iyan na nga rin ang nasa isipan ko, ama..." mahinang sagot ni Logan."Ngunit nakita mo ba ang marka? Nalaman mo ba kung kailan eksaktong mangyayari ang kamatayan ni Kai?" tanong ni Rome.Tumango naman si Logan. "Hindi ko lang masyadong na-pokus ang tungkol sa marka dahil nga sa naramdaman kong kapangyarihan niya. Ngunit malinaw na naiparating sa akin ng kaniyang marka na matutupad ang kamatayan ni Kai sa kaniya ring mga kamay..."Lumuwang
TAHIMIK na ang paligid ngunit dilat pa rin ang mga mata ni Shanella. Pinakikiramdaman niya si Kai sa kaniyang tabi. Since she became her mate, or Luna, or breeder, nothing yet happened between them. Kai tried before, but she asked him to give her more time. Pakiramdam niya kasi ay nagmimistula siyang bayarang babae na mapipilitan lamang makisiping upang makapagbayad utang. She doesn't want that. Pero matapos niyang makita kung paano siya alagaan at kung paano nirespeto ni Kai ang hiling niya, humanga siya rito. Kahit pa nga madalas silang magtalo o madalas siyang mainis dito, tila lalo namang tumitindi ang kakaiba niyang nararamdaman para rito. Nasabi niya na sa sarili dati na anak ito ng lobong pumatay sa kaniyang kinilalang mga magulang kaya hindi dapat siya mahulog. Ngunit hindi niya rin napigilan ang sarili lalo pa at palagi niya itong nakikita at nakakasama..."Can't sleep?"Nanlaki ang mga mata niya nang marinig si Kai.'Hindi rin ba siya makatulog?!'"I know it's hard being in
NAGPATAWAG ng pagpupulong si Kai at habang naghihintay na makumpleto ang lahat ay nasa tabi nito si Shanella habang magkahawak sila ng kamay. He is sitting on a big wooden chair or his throne while Shanella is also sitting on hers. Besides the torches in every corner, the full moon serves also as their light.Nang matipon na ang lahat sa gitna sa harapan nina Kai, tumayo na ito upang magsalita."Dumating na ang araw. Ang araw na nagbibigay pangamba at takot sa ating lahat. Ngunit ang araw din na ating pinaghandaan," pagsisimula ni Kai.Tahimik lang ang lahat na nakikinig. Sina Thallon at Gara ang tanging kakikitaan ng kalmadong mukha ng mga sandaling iyon."Anytime tonight, tomorrow, or the coming days, Sturgeon will surge in. We need to be prepared," pagpapatuloy ni Kai. "I want us all not to prepare only for the coming war, but I want you all to prepare for a loss."Nagkaroon nang mahinang bulungan matapos iyong sabihin ni Kai."Sa isang labanan, mayroon at mayroong natatalo. Maaari
ShanellaHindi ko alam kung may isang oras o mahigit na ba akong nandito sa sementeryo. Kanina ko pa hinahaplos ang lapida kung saan nakasulat ang pangalan ng una at huling lalaking mamahalin ko. Si Kai Leo Harrison, ang ama ng aking tatlong mga anak."Mommy!"Napalingon ako sa pagtawag na iyon ng aking mga anak. Judging by their looks, I can tell that they're feeling sad for me again. Paano ba naman ay araw-arawin ko ang pagdalaw dito sa puntod ni Kai."You've been here for hours again, mom," nakapamulsang wika ni Kasper sa akin."And we've been waiting for you for hours," saad naman ni Kassie."Dapat sinasama mo na lang ako, mommy. Kasi kapag sa bahay binubully lang naman ako nina Kasper at Kassie," nakasimangot namang sambit ni Shin.Napangiti ako. Ilang taon na nga ba ang lumipas mula nang mamatay si Kai? Sampung taon. Ganoon na katagal ngunit napakasariwa pa rin ng sugat sa aking puso. That's how Kai left me, with deep wounds. Na kahit panahon ay hindi kayang gamutin ang aking pa
BASANG-BASA ng luha ang mukha ni Shanella matapos marinig ang buong kuwento ni Thallon. She wanted to unhear everything but it's the truth..."Y-you allowed this to happen? H-hindi niyo man lang inisip ang mararamdaman ko?" disappointment were all over Kai's face while looking at his father Thallon."W-Wala na kaming ibang maisip na paraan ng iyong ina, anak... W-we j-just need to survive Rome's greediness..." paliwanag ni Thallon.Then Rome chuckled while still looking at Logan's head. "Siguro nga ay wala talagang kabutihang para sa ating mga lobo. You're talking about my greediness but look at what you've done too. Sa tingin mo ba ay mabuti na kayo sa lagay na ito?" pagpapatungkol niya kay Thallon."I never wanted this... Kung sa tingin mo ay sang-ayon ako sa lahat ng nangyari ngayon, nagkakamali ka. Ikinahihiya ko ang maging isang Gibbous at maging isang ama ang katulad mo," Kai gritted his teeth. Gusto niyang pakawalan ang galit na nararamdaman sa ama."Y-you a-are my real father?
GULAT na gulat si Rome habang nagbabagong anyo si Kai. Ngunit hindi siya gulat dahil sa nagaganap kay Kai kundi sa isang munting liwanag na nakikita niya sa bandang batok ni Shanella na panaka-nakang nagkukulay berde. Kahit na nasa ilalim ng balahibo sa batok ni Shanella ang liwanag na iyon ay sigurado siyang iyon ay isang tanda na tinataglay ng isang tunay na Luna ng mga Sturgeon. Ibig sabihin, si Shanella ay anak ng isang Alpha at Luna. Anak niya si Shanella.Kahit na hirap sa paghinga at halo-halong emosyon, sinubukang tawagin ni Rome ang pangalan ni Logan. Kailangang malaman ni Logan na kapatid nito si Shanella o si Niah. Kung ano man ang tunay na kuwento ay hindi muna mahalaga. Kailangang mabalaan niya si Logan bago pa sila magkapatayan ng kapatid nito. Buong akala niya ay patay na ang bunsong anak nila ni Doreene ngunit malinaw na nakikita ng kaniyang mga mata na buhay ang kanilang anak at iyon ay si Shanella.Pinilit na Rome ang sariling gumapang na lamang palapit sa kinaroroon
NAGUGULUHAN si Desa sa mga nangyayari sapagka't hindi dapat iyon ang nangyayari. Hindi dapat si Logan ang inaatake ni Shanella kundi si Kai. Hindi niya lubos maisip, para sa kaniya ay imposibleng maapektuhan ng pagmamahal ni Shanella ang misyon nitong patayin si Kai. Something is not right. She turned in a she-wolf too and jumped to Thallon. Si Thallon lang ang maaaring makasagot sa mga katanungan niya dahil napansin niya na kanina kung gaano kakalmado ang lalaki kaya sigurado siyang alam nito kung ano ang tunay na nangyayari."Ipaliwanag mo kung ano ang mga nangyayari," angil kaagad ni Desa kay Thallon.Isang ngiti ang isinagot ni Thallon kaya sinugod kaagad siya ni Desa. Bawat atake ni Desa ay madali lamang na naiilagan ni Thallon.Samantala, patuloy naman ang palitan ng atake nina Shanella at Logan sa isa't-isa. Ngunit habang pinagmamasdan sila ni Rome habang hawak-hawak ang sugat sa dibdib nito ay napapailing ito. Kita kasi ni Rome na mas lamang ang lakas at bawat atake ni Shanell
NAGLAKAD si Rome papunta sa cage na kinaroroonan ni Kai. Makikita ang kasiyahan sa mukha nito. Tila ba mababasa ng kahit sinuman ang tagumpay sa mukha nito."Watch her, Kai, then suffer... Just like what you all did to my Doreene..." magkahalong galit at sayang sabi ni Rome kay Kai."H-Hindi k-ko a-alam ang s-sinasabi m-mo... L-layuan niyo s-si Shanella..." nanghihina man ay sinagot ni Kai si Rome."Why don't you ask your father here?" naniningkit ang mga matang tinanaw ni Rome si Thallon na nasa di-kalayuan. Hindi nito binibigyang pansin ang tila kalmadong mukha ni Thallon sa pag-aakalang maaaring tinanggap na lamang ni Thallon na tuluyan na nilang mapapabagsak ang Gibbous.Mayamaya ay nakita ni Kai na mas lumapit pa si Logan kay Shanella."G-get a-away f-from h-him..." muling nagbago ang kulay ng mga mata ni Kai. Tila ba pinipilit nitong ipunin ang lahat ng lakas na natitira pa upang iligtas si Shanella sa nakikitang kapahamakan."No, don't waste your energy. Sayang naman kung hindi
NAGKANYA-KANYANG talon at salubong ang mga Gibbous sa pagbagsak ng mga Sturgeon sa kanila. Tuluyan na kasing nasira ang harang at ngayon naman ay kailangan na nilang harapin ang tunay na laban."Aahhhhh!"Lahat ng lobong nagtatalunan papunta kay Shanella ay sinasalubong ni Thallon na noo'y nasa anyong lobo na rin. Kung mula sa kalangitan, tanging kulay puti at itim na mga lobo ang makikitang nagsasagupaan."Anong problema, Shanella? Bakit hindi ka pa nagbabagong anyo nang maipamalas mo naman sa akin ang iyong lakas at kapangyarihan?"Alertong napaatras si Shanella nang marinig ang boses ni Logan sa kaniyang likuran. Mula naman sa cage na kinaroroonan ni Kai, nanghihina itong pilit na humawak sa bakal na kinaroonan niya. Bumibilis ang tibok ng puso nito dahil sa galit habang nakatingin kay Logan. Ang kaniyang mga mata ay nagiging pula na rin ngunit kaagad din namang bumabalik sa normal dahil nga sa kaniyang panghihina."Hindi ko kailangan ng pagbabagong anyo para harapin ang mga ganid
TILA itinulos sa kaniyang kinatatayuan si Shanella nang isang napakalaking kulay itim na lobo ang dadamba sa kaniya mula sa itaas. She couldn't move to avoid the attack."Shanella!"She heard Kai. Pero para bang pati ang lumingon ay hindi niya magawa. She couldn't blame herself, this will be her first time to encounter this. Tila hindi sapat ang dalawang taon niyang paghahanda para harapin ito. Mas nag-enjoy din kasi siya kapiling ang mag-aama niya. Unti-unting pumatak ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya pala ito kaya. Nakaramdam siya bigla ng takot. Takot na paano kung hindi nila kayanin ang mga Sturgeon? Anong mangyayari kay Kai? Sa mga anak nila? Anong mangyayari sa kaniya?"Ano bang nangyayari sa 'yo, Shanella?"Tila roon na siya napabalik sa huwisiyo nang tapikin siya ni Thallon sa kaniyang balikat."S-sorry..." tangi niyang nabigkas bago muling tingalain ang lobo kaninang padamba dapat sa kaniya.Hindi pa nga pala nakakapasok sa nakapalibot na harang ang mga Sturgeon. Mati
NAPADILAT ang mga mata ni Shin mula sa mahimbing na pagtulog. Bumangon ang bata upang lingunin ang kaniyang mga kapatid na nasa kani-kanila ring kama. Then she saw Kasper, sitting on his bed while murmuring."K-Kasper, n-naririnig mo rin ba ang n-naririnig ko?" may takot sa mga matang tanong ni Shin."Let's wake up dad," kalmadong sagot ni Kasper bago ito bumaba upang puntahan ang kinahihigaan ng kanilang ama."W-why a-aren't you m-moving t-there?" tanong ni Shin nang mapansin nitong natigilan ang kapatid matapos lumapit sa kama ng kanilang ama."Dad's not here. They already know," sagot ni Kasper."Please help them save dad... K-kaya mo naman ng lumaban, 'di ba?" bumaba na rin sa kama si Shin at lumapit kay Kasper."Hindi nila tayo papayagan. Hindi tayo makakalabas dito," sagot ni Kasper."B-but they m-might need your help," nangilid ang luha sa mga matang saad ni Shin."Let's just follow their orders," sagot lamang ni Kasper at bumalik na ito sa kaniyang kama upang matulog.Pero hin
MASAYANG pinagmamasdan ni Kai ang kaniyang mag-iina na naghahabulan habang nakaupo naman siya di-kalayuan sa mga ito. Maulap ng mga sandaling iyon kaya naman masarap ang paglalaro ng mga bata."Daddy, join us!" mayamaya ay malakas na sigaw ni Kassie.Nakangiting kumaway si Kai sa anak."Come on!" sunod namang sumigaw si Shanella.Natatawa na lang ngang tumayo si Kai at bigla ay nag-anyong lobo ito at singbilis ng kidlat na tumakbo papunta sa kaniyang mag-iina.Malakas ang naging pagtili ni Shin nang maramdaman niya ang pagbuhat ng ama sa kaniya. Paglingon niya ay ang mukha ng ama ang nasilayan niya."How can you go back to your human form so fast!" giggled Shin."It's a secret..." Kai was just teasing his daughter."I can do that, too," singit naman ni Kasper na nag-anyong lobo rin at saka nag-anyong tao muli."Daddy is faster than you," komento naman ni Kassie."Haynaku, tama na 'yan. Pumasok na kayo sa loob at mukhang uulan ngayon," nakatawa namang sabi ni Shanella."Hmm... Oo nga.