MULA nang mapanood nina Shanella at Kai ang balita tungkol sa nangyari sa sementeryo ay hindi na masyadong umiimik ang huli. The news showed almost everything. Mayroon pa lang isa sa mga taong nasa sementeryo ang nagawang mag-video gamit ang cellphone. Hindi nakuha sa video ang pagpapalit anyo ni Kai ngunit nakuhaan ang pakikipaglaban nito bilang lobo sa dalawang itim na lobo. Ang pinaka-concern ay si Shanella dahil siya lamang ang taong nakatayo malapit sa naglalabang mga lobo. Nakita rin sa video ang pagsakay nito sa sa puting lobo na si Kai at ang mabilis na pag-alis ng mga ito. Kaya naman kaagad na sinabi ni Thallon sa buong nasasakupan na aalis sila roon at maninirahan muna sa kabundukan. Makikita ang galit sa mukha ni Thallon kaya naman hindi pa rin nito iniimik si Kai.
Shanella was trying to determine Kai's emotion as they started walking away from their home. Inilibot din muna niya ang paningin sa paligid. She felt sad. Maganda kasi ang lugar na iyon at napakaluwang. Malaya silang lahat doon at masaya. She can remember her first week there being with Kai. Kahit papano ay nakagaanang loob niya na rin naman si Kai maliban kay Thallon. Knowing that Thallon was the one who killed her adoptive parents, it makes her mad but she can't do anything. Being with her adoptive parents killer makes her hate herself."Go talk to him. Kailangan ka niya ngayon," untag ni Gara sa kaniya habang naglalakad. May kalayuan na rin sila noon sa dating tinitirhan. Hindi naman kasi sila mismong sa kabihasnan kaya madali sa kanilang makapaglakad nang walang nakakakita. Halos nasa paanan naman kasi ng bundok iyon kaya naman aakyat na lamang ang gagawin nila."How? Parang wala siyang balak magsalita," sagot niya kay Gara. May ilan na rin kasing nagtangka na kausapin si Kai ngunit hindi niya narinig na sumagot ang lalaki kahit pa nga sa ina nitong si Gara."His feelings is also your responsibility. Be with him," saad ni Gara.Napabuntonghininga na lamang siya at naglakad na nang mabilis upang pantayan o sabayan si Kai."Are you okay?" tanong kaagad niya sa lalaki nang masabayan na ito."As long as you're okay, I'm fine," mabilis na sagot ni Kai na sa daanan pa rin nakatingin.Nagulat naman si Shanella sa naging sagot nito sa kaniya. Hindi niya inaasahan na walang pag-aalinlangan siyang sinagot ni Kai at napakaganda pa ng sagot nito. Hindi niya tuloy maipaliwanag sa sarili kung may kaunting kilig ba siyang nararamdaman o kung pagkagulat lang ba iyon."Kapag nakalayo at nakahanap na tayo ng pansamantalang tirahan, kailangan kitang turuan ng tamang pakikipaglaban," wika muli ni Kai na bahagya ng tinapunan ng tingin si Shanella."You mean... E-eensayuhin mo ako? Training? Practice?" may pagtatakang tanong ni Shanella."You need to learn how to control your strength, anger, and everything. Kailangan mo ring matutong lumaban habang hindi pa lumalabas ang pagiging lobo mo," sagot ni Kai."Anger? Kailan ba ako nagal-" kusang pinutol ni Shanella ang sasabihin nang maalalang may mga pangyayari na nga pala na nagalit siya at hindi niya napigilan ang sarili. Katulad na lamang noong sakalin niya nga si Gara at subukang labanan si Thallon."It's hard to admit?" untag ni Kai.Napairap naman si Shanella at itinuon na lamang ang pansin sa daanan. Mayamaya ay nakita niya ang ilan sa mga kasama nila na naging mga lobo na upang mapabilis na ang pag-akyat nila sa bundok. Isang hilera sa harapan at sa gitna ay sina Thallon at Gara na nasa anyong lobo na rin. Ang ilan ay nasa likuran nina Gara kasama sila ni Kai. Hindi niya napansin na nasa unahan na pala nila ni Kai sina Gara.Paglingon niya kay Kai ay nagsimula na rin itong magbagong anyo. She witnessed again how his clothes were torn as he transformed into a big, handsome, werewolf. Hindi niya maintindihan ngunit tila habang tumatagal ay nakakaramdam na siya ng atraksiyon sa lalaki.Nang magtransform na nga si Kai ay tinitigan siya nito at nakuha niya naman kaagad na pinasasakay na siya sa likod nito. Nahawakan niyang muli ang malambot na balahibo ni Kai. She was mesmerized with his handsomeness. It wasn't her first time to see him in this appearance but this is her first time to observe every details. Habang tumatakbo nga si Kai ay naging busy siya sa pagsipat sa bawat parte ng katawang lobo nito. Hindi na nga niya napigilan ang sarili at niyakap na niya si Kai mula sa pagkakasakay niya sa likod nito at saka niya ipinikit ang mga mata. Napakalambot ng katawang iyon ni Kai at pakiramdam niya kahit pa makatulog siya roon ay ligtas siya. Tingin niya ay hindi siya hahayaan ni Kai na mahulog.Ngunit masyado pala siyang nagtiwala at nasobrahan ang pag-i-imagine niya..."Aray!" malakas niyang palahaw nang maramdaman ang pagbagsak niya sa matigas na lupa.Pagdilat niya ng mga mata ay ang taong Kai na ang natunghayan niya."What did you do?!" asik niya kaagad dito dahil nakangiti pa ito habang nakatingin sa kaniya."Malay ko bang natutulog ka na pala sa likod ko, hindi mo naman ako sinabihan para nakapagdahan-dahan ako," nakakaloko ang mga ngiting saad ni Kai.Inis na tumayo si Shanella."I can't believe I'm marrying you!" galit na sabi ni Shanella."Well, believe it now," ngisi lang ni Kai."You're such a bipolar..." inis na bulong ni Shanella at naglakad na ito palapit sa kinatatayuan ni Gara. Nilagpasan niya lang si Thallon na nakasunod ng tingin sa kaniya."Dito tayo bubuo ng komunidad natin pansamantala habang hindi pa kayo nagkakaanak ni Kai," nakangiting ani Gara nang makalapit na si Shanella."Kanina pa ba tayo? Nakatulog kasi ako," wika ni Shanella."Halos kararating lang natin. Saan ka naman nakatulog?" parang nagtatakang tanong ni Gara."Sa matigas pong lupa," may pagkainis na sagot ni Shanella.Napatanga na lamang si Gara nang tumalikod na si Shanella at maglibot ito sa paligid. Saka niya sinulyapan ang anak na si Kai at kita niyang nakatingin naman ito kay Shanella. Pagkatapos ay kusa siyang napangiti. Mukhang nararamdaman niyang magkakamabutihan ang kaniyang anak at si Shanella bago pa man ikasal ang mga ito.KASALUKUYANG nasa labas ng mansiyon at nakatingala sa kalangitan si Rome nang magsalita si Desa mula sa likuran nito."They've found her but I still can't understand how or when did they found out about her," pahayag ni Desa."They'll do everything to stop us. Pero bago rin tayo kumilos, dapat ay masigurado muna natin kung siya nga si Niah," saad ni Rome nang hindi nililingon si Desa."Tingin mo ba... May kinalaman dito si Serena?" curious na tanong ni Desa."Hindi natin siya puwedeng pakialaman. May karapatan siya," mahinahon namang pagsagot ni Rome."I'm just curious if the Sturgeons did something that we didn't know..." sighed Desa."Huwag mo ng problemahin ang mga hindi dapat problemahin. Asikasuhin mo ang tungkol kay Niah at kung siya ba talaga ang babaeng nakita nina Pip at Egoy na kasama ni Kai," pambabalewala ni Rome sa sinabi ni Desa."Sigurado ng siya si Niah dahil nahanap nina Pip at Egoy ang kaniyang samyo. Hindi maaaring magkamali ang amoy ni Niah," ani Desa."Gusto ko pa rin ng katiyakan. At nais kong malaman kung paano nila nalaman ang tungkol kay Niah. Dapat nating malaman kung anong nangyari kay Niah mula nang may kumuha sa kaniya sa ampunan."Sumang-ayon na lamang si Desa sa nais ni Rome.MASAKIT na tama ng araw sa balat ni Shanella ang gumising sa kaniya. Saka niya napagtantong wala pa nga pala silang maituturing na tahanan. Lahat sila ay nakahiga sa malalapad na dahon ng saging na nagsilbing sapin nila sa matigas na lupa. Ang iba naman katulad ni Kai ay nasa itaas ng mga mayayabong na puno. Kasama kasi ang lalaki sa mga nagbantay sa unang gabi nila roon. Lahat ng nagbabantay ay pawang sa mga puno pumuwesto. Ibig sabihin ay wala pang tulog ang mga ito."Ngayong gabi mangyayari ang opisyal na pagdedeklara kay Kai bilang bagong Alpha ng Gibbous. Inaasahan naming walang ibang planong naglalaro sa iyon isipan."Nangunot ang mga noo ni Shanella nang marinig ang boses ni Gara na nasa tabi niya lamang pala. "Anong ibang plano?"Bumuntonghininga si Gara. Sa ginawang iyon ni Gara ay saka na-realize ni Shanella ang ibig sabihin ng ina ni Kai."I'm not the kind of person who seeks vengeance in a complicated situation. Mula nang ipakausap mo sa akin si Serena, talagang tinanggap ko na ang kapalaran ko. Una, wala na akong babalikan bilang Shanella Cornejo. Pangalawa, hindi ako tinuruan ng mga magulang ko na gumanti. Lastly, mas gusto ko ang mga nakakasalamuha kong Sturgeons dito kaysa sa mga tao sa siyudad," mahabang paliwanag ni Shanella kasabay ng pagbangon nito.Pagkatayo niya ay naglakad siya papunta sa mga kasamahan nilang nagsisibabaan na sa puno. Balak niyang siya naman ang pumalit kay Kai sa pagbabantay. Sigurado kasing ang mga nagbantay kagabi ang matutulog naman sa mga oras na iyon at kailangan ng kahalili."I'm sorry that your parents got involved with us," pahabol ni Gara."There's nothing I can do about it anymore. They were dead already. I just don't know how to start treating your husband like he's not the one who killed them," pagkibit-balikat ni Shanella.Nagpatuloy na nga sa pagpunta si Shanella kay Kai na noo'y kabababa lang sa puno. Bigla pa nga siyang napabagal ng paglalakad dahil sa biglang pagtingin sa kaniya ni Kai. Parang biglang bumagal ang tibok ng puso niya habang nakikipagtitigan dito."Wala naman siguro akong muta kagaya mo."Saka pa napabalik sa huwisyo si Shanella nang marinig na ang boses ni Kai. Ni hindi niya pala namalayan na nakalapit na siya rito."Let's go," napapailing na wika ni Kai."H-ha? W-where?" May pagtataka niyang tanong sa lalaki. Alam niya namang isa sa daily routine nila ang maglakad-lakad o mamasyal pero noong hindi pa sila umaalis sa maganda nilang tinitirhan. Ngayon kasi ay nasa kabundukan sila at tingin niya ay hindi magandang ideya na sundin pa rin ang daily routine nila."Sa ilog malapit dito. So you can wash your face," pagsagot ni Kai.Bigla na lamang niyang nahaplos ang gilid ng dalawang mata at nakapa ang sariling muta. Hiyang-hiya siyang napaiwas ng tingin kay Kai."Huwag ka ng tumanggi. Sasamahan naman kita at normal namang nagkakamuta kapag bagong gising," tila nakakalokong sabi ni Kai."N-no need... N-natanggal naman na at saka kaya ako lumapit dito para palitan ka sa pagbabantay. Kami naman ng mga kasama kong nakatulog kagabi," pag-iiba na lamang niya ng usapan upang mapagtakpan ang hiyang nararamdaman."No."Napamaang siya sa sagot nito sa kaniya."Let's go," seryoso ng sabi ni Kai at nagpatiuna pa itong maglakad.'Is he bipolar?' hiyaw ng isipan niya."Wait!" Gusto niyang pigilan si Kai ngunit sa ginawa niyang pagsunod dito, ang ending ay nakarating na sila sa sinasabi nitong ilog na malapit doon."Go ahead. So we can start now," utos ni Kai sa kaniya."Start what?" Maang niya rito."Your training. Paghahanda mo na rin ito kapag isa ka ng ganap na Luna ng Sturgeons. Bukod doon, maaari mo ring maipagtanggol ang iyong sarili kapag hindi mo ako kasama, lalo na kapag buntis ka na," sagot ni Kai.Hindi alam ni Shanella kung ano ang magiging reaksiyon. Bukod sa sinabi nito sa kaniya na pagiging Luna, isa sa nagpa-awkward ng pakiramdam niya ay ang pagbanggit nito ng tungkol sa kapag nabuntis na siya."Tatayo ka na lang ba at tititig sa akin?" untag ni Kai.Napamaang na namang muli si Shanella hanggang sa talikuran na lamang niya ito. Labag sa kaloobang naglakad siya papunta sa gilid ng ilog upang makapaghilamos."Magmumog ka na rin."Halos magpanting ang tainga niya sa narinig."Are you crazy?" malakas niyang sabi sa lalaki habang may tubig pa sa palad niya na siya niyang ipanghihilamos."No. May masama ba sa sinabi ko?" maang naman ni Kai.Nagpipigil ng inis na itinuloy na lamang niya ang paghilamos dahil sa sagot na iyon ni Kai...NAKANGITING tinawagan ni Desa si Rome matapos marinig ang sinabi sa kaniya ni Pip tungkol kay Shanella."Kailangan nating mag-usap ngayundin. Isa itong magandang balita," masiglang bungad ni Desa sa asawa.Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang swivel chair habang pinakikinggan ang sinasabi ng asawa sa kabilang linya."Puwede namang sa pag-uwi ko na natin pag-usapan gaya nga ng sabi mo. Hindi ko lang talaga mapigilang ibalita ito sa iyo," hindi pa rin naaalis ang ngiting aniya sa asawa.Nakatanaw siya sa labas mula sa glass wall ng pribadong opisina niyang iyon habang kausap ang asawa. She knew that Rome is already curious because she can't hide her happiness in her voice."Yes, I can't tell it right now. Hindi puwedeng pag-usapan sa telepono lang. I can only assure you that this is part of our success. Gibbous will fall, and you have to believe it. Kapag narinig mo na ang nalaman ni Pip tungkol doon sa Shanella ay tiyak kong makakatulog ka na nang mahimbing," saad niya sa asawa.
MALAKAS na palakpakan ang pumuno sa bulwagan ng mansiyon ng mga Thompson na mas maituturing na pag-aari ng buong Sturgeon. Naipasa na kasi ang pagiging Alpha kay Logan Thompson, ang nag-iisang anak nina Rome at Desa."Thank you, everyone. Let me just remind you, this is not yet a success. Hindi dahil nagbalik ako ay ayos na ang lahat. Kahit na nakasulat na sa libro ang pagbagsak ng Gibbous White Moon Pack sa pamamagitan ko, hindi tayo dapat pakampante," malakas na pahayag ni Logan habang nakatayo sa pinakagitna.Makikita sa mga itim na itim na mata ni Logan ang matinding kagustuhan na mapabagsak ang Gibbous."The success is ours, son. We've taken care of you and now our fate depends on you. Naniniwala ako sa kung ano ang nakasulat na sa libro ng tadhana," itinaas ni Rome ang hawak na kopita habang sinasabi ang mga katagang iyon."Your dad is right, Logan. You don't have to worry. Hindi rin namin kailangang mag-alala dahil bukod sa nandito ka na, umaayon ang lahat sa ating kagustuhan.
NAPADILAT ng mga mata si Logan. Habol niya ang paghinga at hindi mawala sa kaniyang balintataw ang panaginip. The mark. Niah's mark."She's near... I have to check..." mahina niyang sambit sa sarili.Sa isang iglap lamang ay nagbagong anyo siya. Kumpara sa ibang Sturgeon, siya ay maituturing na mas malaki pa sa kaniyang amang si Rome kapag nasa anyong lobo. Nangingintab din ang pagkaitim ng mga balahibo nito at mas maliwanag ang puti nitong mga mata. Kaagad siyang tumalon sa bintana at palabas na sana siya ng gate nang bigla siyang tumama sa isa pang malaking lobo.Nagawa ni Logan na huwag matumba sa pagkakatama niyang iyon. He growled. He was mad."Where do you think you're going with that form?" the other werewolf is mad as well."Dad, nakita ko ang pagliwanag ng marka ni Niah sa aking panaginip. She's near. I have to check and get her," sagot ni Logan."Hindi mo ba inintindi ang mga pinag-usapan kanina lang? Hindi ba't nasabi na namin ni Desa na hahayaan natin si Niah na maging bre
NANUNURI ang mga mata ni Rome habang nakatingin kina Logan at Desa. Sinabi kasi sa kaniya ng dalawa ang tungkol sa kakaibang naramdaman tungkol kay Shanella o Niah."Are you two sure about this?""Logan said it," sagot ni Desa."Hindi maaaring magkamali ang mga naramdaman ko kanina habang malapit siya sa akin..." mahahalata pa rin ang pagtataka sa mukhang sagot ni Logan."Marahil ay lumalakas lamang ang kaniyang kapangyarihan nang dahil kay Kai. Baka epekto ito ng pagkilala sa kaniya ng mga Gibbous bilang kanilang bagong Luna..." suhestiyon ni Rome."Iyan na nga rin ang nasa isipan ko, ama..." mahinang sagot ni Logan."Ngunit nakita mo ba ang marka? Nalaman mo ba kung kailan eksaktong mangyayari ang kamatayan ni Kai?" tanong ni Rome.Tumango naman si Logan. "Hindi ko lang masyadong na-pokus ang tungkol sa marka dahil nga sa naramdaman kong kapangyarihan niya. Ngunit malinaw na naiparating sa akin ng kaniyang marka na matutupad ang kamatayan ni Kai sa kaniya ring mga kamay..."Lumuwang
TAHIMIK na ang paligid ngunit dilat pa rin ang mga mata ni Shanella. Pinakikiramdaman niya si Kai sa kaniyang tabi. Since she became her mate, or Luna, or breeder, nothing yet happened between them. Kai tried before, but she asked him to give her more time. Pakiramdam niya kasi ay nagmimistula siyang bayarang babae na mapipilitan lamang makisiping upang makapagbayad utang. She doesn't want that. Pero matapos niyang makita kung paano siya alagaan at kung paano nirespeto ni Kai ang hiling niya, humanga siya rito. Kahit pa nga madalas silang magtalo o madalas siyang mainis dito, tila lalo namang tumitindi ang kakaiba niyang nararamdaman para rito. Nasabi niya na sa sarili dati na anak ito ng lobong pumatay sa kaniyang kinilalang mga magulang kaya hindi dapat siya mahulog. Ngunit hindi niya rin napigilan ang sarili lalo pa at palagi niya itong nakikita at nakakasama..."Can't sleep?"Nanlaki ang mga mata niya nang marinig si Kai.'Hindi rin ba siya makatulog?!'"I know it's hard being in
NAGPATAWAG ng pagpupulong si Kai at habang naghihintay na makumpleto ang lahat ay nasa tabi nito si Shanella habang magkahawak sila ng kamay. He is sitting on a big wooden chair or his throne while Shanella is also sitting on hers. Besides the torches in every corner, the full moon serves also as their light.Nang matipon na ang lahat sa gitna sa harapan nina Kai, tumayo na ito upang magsalita."Dumating na ang araw. Ang araw na nagbibigay pangamba at takot sa ating lahat. Ngunit ang araw din na ating pinaghandaan," pagsisimula ni Kai.Tahimik lang ang lahat na nakikinig. Sina Thallon at Gara ang tanging kakikitaan ng kalmadong mukha ng mga sandaling iyon."Anytime tonight, tomorrow, or the coming days, Sturgeon will surge in. We need to be prepared," pagpapatuloy ni Kai. "I want us all not to prepare only for the coming war, but I want you all to prepare for a loss."Nagkaroon nang mahinang bulungan matapos iyong sabihin ni Kai."Sa isang labanan, mayroon at mayroong natatalo. Maaari
MASAYANG pinagmamasdan ni Kai ang kaniyang mag-iina na naghahabulan habang nakaupo naman siya di-kalayuan sa mga ito. Maulap ng mga sandaling iyon kaya naman masarap ang paglalaro ng mga bata."Daddy, join us!" mayamaya ay malakas na sigaw ni Kassie.Nakangiting kumaway si Kai sa anak."Come on!" sunod namang sumigaw si Shanella.Natatawa na lang ngang tumayo si Kai at bigla ay nag-anyong lobo ito at singbilis ng kidlat na tumakbo papunta sa kaniyang mag-iina.Malakas ang naging pagtili ni Shin nang maramdaman niya ang pagbuhat ng ama sa kaniya. Paglingon niya ay ang mukha ng ama ang nasilayan niya."How can you go back to your human form so fast!" giggled Shin."It's a secret..." Kai was just teasing his daughter."I can do that, too," singit naman ni Kasper na nag-anyong lobo rin at saka nag-anyong tao muli."Daddy is faster than you," komento naman ni Kassie."Haynaku, tama na 'yan. Pumasok na kayo sa loob at mukhang uulan ngayon," nakatawa namang sabi ni Shanella."Hmm... Oo nga.
NAPADILAT ang mga mata ni Shin mula sa mahimbing na pagtulog. Bumangon ang bata upang lingunin ang kaniyang mga kapatid na nasa kani-kanila ring kama. Then she saw Kasper, sitting on his bed while murmuring."K-Kasper, n-naririnig mo rin ba ang n-naririnig ko?" may takot sa mga matang tanong ni Shin."Let's wake up dad," kalmadong sagot ni Kasper bago ito bumaba upang puntahan ang kinahihigaan ng kanilang ama."W-why a-aren't you m-moving t-there?" tanong ni Shin nang mapansin nitong natigilan ang kapatid matapos lumapit sa kama ng kanilang ama."Dad's not here. They already know," sagot ni Kasper."Please help them save dad... K-kaya mo naman ng lumaban, 'di ba?" bumaba na rin sa kama si Shin at lumapit kay Kasper."Hindi nila tayo papayagan. Hindi tayo makakalabas dito," sagot ni Kasper."B-but they m-might need your help," nangilid ang luha sa mga matang saad ni Shin."Let's just follow their orders," sagot lamang ni Kasper at bumalik na ito sa kaniyang kama upang matulog.Pero hin
ShanellaHindi ko alam kung may isang oras o mahigit na ba akong nandito sa sementeryo. Kanina ko pa hinahaplos ang lapida kung saan nakasulat ang pangalan ng una at huling lalaking mamahalin ko. Si Kai Leo Harrison, ang ama ng aking tatlong mga anak."Mommy!"Napalingon ako sa pagtawag na iyon ng aking mga anak. Judging by their looks, I can tell that they're feeling sad for me again. Paano ba naman ay araw-arawin ko ang pagdalaw dito sa puntod ni Kai."You've been here for hours again, mom," nakapamulsang wika ni Kasper sa akin."And we've been waiting for you for hours," saad naman ni Kassie."Dapat sinasama mo na lang ako, mommy. Kasi kapag sa bahay binubully lang naman ako nina Kasper at Kassie," nakasimangot namang sambit ni Shin.Napangiti ako. Ilang taon na nga ba ang lumipas mula nang mamatay si Kai? Sampung taon. Ganoon na katagal ngunit napakasariwa pa rin ng sugat sa aking puso. That's how Kai left me, with deep wounds. Na kahit panahon ay hindi kayang gamutin ang aking pa
BASANG-BASA ng luha ang mukha ni Shanella matapos marinig ang buong kuwento ni Thallon. She wanted to unhear everything but it's the truth..."Y-you allowed this to happen? H-hindi niyo man lang inisip ang mararamdaman ko?" disappointment were all over Kai's face while looking at his father Thallon."W-Wala na kaming ibang maisip na paraan ng iyong ina, anak... W-we j-just need to survive Rome's greediness..." paliwanag ni Thallon.Then Rome chuckled while still looking at Logan's head. "Siguro nga ay wala talagang kabutihang para sa ating mga lobo. You're talking about my greediness but look at what you've done too. Sa tingin mo ba ay mabuti na kayo sa lagay na ito?" pagpapatungkol niya kay Thallon."I never wanted this... Kung sa tingin mo ay sang-ayon ako sa lahat ng nangyari ngayon, nagkakamali ka. Ikinahihiya ko ang maging isang Gibbous at maging isang ama ang katulad mo," Kai gritted his teeth. Gusto niyang pakawalan ang galit na nararamdaman sa ama."Y-you a-are my real father?
GULAT na gulat si Rome habang nagbabagong anyo si Kai. Ngunit hindi siya gulat dahil sa nagaganap kay Kai kundi sa isang munting liwanag na nakikita niya sa bandang batok ni Shanella na panaka-nakang nagkukulay berde. Kahit na nasa ilalim ng balahibo sa batok ni Shanella ang liwanag na iyon ay sigurado siyang iyon ay isang tanda na tinataglay ng isang tunay na Luna ng mga Sturgeon. Ibig sabihin, si Shanella ay anak ng isang Alpha at Luna. Anak niya si Shanella.Kahit na hirap sa paghinga at halo-halong emosyon, sinubukang tawagin ni Rome ang pangalan ni Logan. Kailangang malaman ni Logan na kapatid nito si Shanella o si Niah. Kung ano man ang tunay na kuwento ay hindi muna mahalaga. Kailangang mabalaan niya si Logan bago pa sila magkapatayan ng kapatid nito. Buong akala niya ay patay na ang bunsong anak nila ni Doreene ngunit malinaw na nakikita ng kaniyang mga mata na buhay ang kanilang anak at iyon ay si Shanella.Pinilit na Rome ang sariling gumapang na lamang palapit sa kinaroroon
NAGUGULUHAN si Desa sa mga nangyayari sapagka't hindi dapat iyon ang nangyayari. Hindi dapat si Logan ang inaatake ni Shanella kundi si Kai. Hindi niya lubos maisip, para sa kaniya ay imposibleng maapektuhan ng pagmamahal ni Shanella ang misyon nitong patayin si Kai. Something is not right. She turned in a she-wolf too and jumped to Thallon. Si Thallon lang ang maaaring makasagot sa mga katanungan niya dahil napansin niya na kanina kung gaano kakalmado ang lalaki kaya sigurado siyang alam nito kung ano ang tunay na nangyayari."Ipaliwanag mo kung ano ang mga nangyayari," angil kaagad ni Desa kay Thallon.Isang ngiti ang isinagot ni Thallon kaya sinugod kaagad siya ni Desa. Bawat atake ni Desa ay madali lamang na naiilagan ni Thallon.Samantala, patuloy naman ang palitan ng atake nina Shanella at Logan sa isa't-isa. Ngunit habang pinagmamasdan sila ni Rome habang hawak-hawak ang sugat sa dibdib nito ay napapailing ito. Kita kasi ni Rome na mas lamang ang lakas at bawat atake ni Shanell
NAGLAKAD si Rome papunta sa cage na kinaroroonan ni Kai. Makikita ang kasiyahan sa mukha nito. Tila ba mababasa ng kahit sinuman ang tagumpay sa mukha nito."Watch her, Kai, then suffer... Just like what you all did to my Doreene..." magkahalong galit at sayang sabi ni Rome kay Kai."H-Hindi k-ko a-alam ang s-sinasabi m-mo... L-layuan niyo s-si Shanella..." nanghihina man ay sinagot ni Kai si Rome."Why don't you ask your father here?" naniningkit ang mga matang tinanaw ni Rome si Thallon na nasa di-kalayuan. Hindi nito binibigyang pansin ang tila kalmadong mukha ni Thallon sa pag-aakalang maaaring tinanggap na lamang ni Thallon na tuluyan na nilang mapapabagsak ang Gibbous.Mayamaya ay nakita ni Kai na mas lumapit pa si Logan kay Shanella."G-get a-away f-from h-him..." muling nagbago ang kulay ng mga mata ni Kai. Tila ba pinipilit nitong ipunin ang lahat ng lakas na natitira pa upang iligtas si Shanella sa nakikitang kapahamakan."No, don't waste your energy. Sayang naman kung hindi
NAGKANYA-KANYANG talon at salubong ang mga Gibbous sa pagbagsak ng mga Sturgeon sa kanila. Tuluyan na kasing nasira ang harang at ngayon naman ay kailangan na nilang harapin ang tunay na laban."Aahhhhh!"Lahat ng lobong nagtatalunan papunta kay Shanella ay sinasalubong ni Thallon na noo'y nasa anyong lobo na rin. Kung mula sa kalangitan, tanging kulay puti at itim na mga lobo ang makikitang nagsasagupaan."Anong problema, Shanella? Bakit hindi ka pa nagbabagong anyo nang maipamalas mo naman sa akin ang iyong lakas at kapangyarihan?"Alertong napaatras si Shanella nang marinig ang boses ni Logan sa kaniyang likuran. Mula naman sa cage na kinaroroonan ni Kai, nanghihina itong pilit na humawak sa bakal na kinaroonan niya. Bumibilis ang tibok ng puso nito dahil sa galit habang nakatingin kay Logan. Ang kaniyang mga mata ay nagiging pula na rin ngunit kaagad din namang bumabalik sa normal dahil nga sa kaniyang panghihina."Hindi ko kailangan ng pagbabagong anyo para harapin ang mga ganid
TILA itinulos sa kaniyang kinatatayuan si Shanella nang isang napakalaking kulay itim na lobo ang dadamba sa kaniya mula sa itaas. She couldn't move to avoid the attack."Shanella!"She heard Kai. Pero para bang pati ang lumingon ay hindi niya magawa. She couldn't blame herself, this will be her first time to encounter this. Tila hindi sapat ang dalawang taon niyang paghahanda para harapin ito. Mas nag-enjoy din kasi siya kapiling ang mag-aama niya. Unti-unting pumatak ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya pala ito kaya. Nakaramdam siya bigla ng takot. Takot na paano kung hindi nila kayanin ang mga Sturgeon? Anong mangyayari kay Kai? Sa mga anak nila? Anong mangyayari sa kaniya?"Ano bang nangyayari sa 'yo, Shanella?"Tila roon na siya napabalik sa huwisiyo nang tapikin siya ni Thallon sa kaniyang balikat."S-sorry..." tangi niyang nabigkas bago muling tingalain ang lobo kaninang padamba dapat sa kaniya.Hindi pa nga pala nakakapasok sa nakapalibot na harang ang mga Sturgeon. Mati
NAPADILAT ang mga mata ni Shin mula sa mahimbing na pagtulog. Bumangon ang bata upang lingunin ang kaniyang mga kapatid na nasa kani-kanila ring kama. Then she saw Kasper, sitting on his bed while murmuring."K-Kasper, n-naririnig mo rin ba ang n-naririnig ko?" may takot sa mga matang tanong ni Shin."Let's wake up dad," kalmadong sagot ni Kasper bago ito bumaba upang puntahan ang kinahihigaan ng kanilang ama."W-why a-aren't you m-moving t-there?" tanong ni Shin nang mapansin nitong natigilan ang kapatid matapos lumapit sa kama ng kanilang ama."Dad's not here. They already know," sagot ni Kasper."Please help them save dad... K-kaya mo naman ng lumaban, 'di ba?" bumaba na rin sa kama si Shin at lumapit kay Kasper."Hindi nila tayo papayagan. Hindi tayo makakalabas dito," sagot ni Kasper."B-but they m-might need your help," nangilid ang luha sa mga matang saad ni Shin."Let's just follow their orders," sagot lamang ni Kasper at bumalik na ito sa kaniyang kama upang matulog.Pero hin
MASAYANG pinagmamasdan ni Kai ang kaniyang mag-iina na naghahabulan habang nakaupo naman siya di-kalayuan sa mga ito. Maulap ng mga sandaling iyon kaya naman masarap ang paglalaro ng mga bata."Daddy, join us!" mayamaya ay malakas na sigaw ni Kassie.Nakangiting kumaway si Kai sa anak."Come on!" sunod namang sumigaw si Shanella.Natatawa na lang ngang tumayo si Kai at bigla ay nag-anyong lobo ito at singbilis ng kidlat na tumakbo papunta sa kaniyang mag-iina.Malakas ang naging pagtili ni Shin nang maramdaman niya ang pagbuhat ng ama sa kaniya. Paglingon niya ay ang mukha ng ama ang nasilayan niya."How can you go back to your human form so fast!" giggled Shin."It's a secret..." Kai was just teasing his daughter."I can do that, too," singit naman ni Kasper na nag-anyong lobo rin at saka nag-anyong tao muli."Daddy is faster than you," komento naman ni Kassie."Haynaku, tama na 'yan. Pumasok na kayo sa loob at mukhang uulan ngayon," nakatawa namang sabi ni Shanella."Hmm... Oo nga.