Isang malaking kulay gintong gate ang bumukas upang makapasok ang pulang kotseng dumating. Mula roon ay bumaba ang isang babaeng nasa mid 30's at nagmamadaling pumasok sa malaking mansiyon. Bago naman siya makapasok ay yumukod pa ang dalawang lalaking malalaki ang pangangatawan na nakabantay sa pinakapinto ng mansiyon na iyon. Sunod namang yumukod ang katulong na nasa loob.
"Where's my husband?" tanong ng babae sa katulong habang patuloy sa paglalakad."Nasa library po siya, Luna Desa," ang sagot naman kaagad ng katulong na mabilis ding nakahabol sa paglalakad ng tinawag niyang luna.Huminto ang tinawag si Desa nang nasa tapat na ito ng pinto ng library sa loob ng mansiyong iyon."Maaari ka ng bumalik sa iyong trabaho, Ida. I need privacy with my husband," wika ng babae nang hindi tumitingin sa katulong.Magalang namang tumango at yumukod muli ang katulong bago ito tuluyang umalis. Humugot muna nang malakas na buntonghininga ang babae bago tuluyang binuksan ang pinto ng library."Rome, kailangan nating mag-usap," kaagad na bungad ng babae sa lalaking kampanteng nakaupo sa isang couch at nagbabasa."I need to—""Right now, Rome. This is about Gibbous. At hindi makapaghihintay ang sasabihin ko," putol ni Desa sa asawa nitong si Rome.Bahagyang kumunot ang noo ni Rome bago itiniklop ang librong binabasa. "You sound in trouble, Desa.""We're in trouble," madiin namang sagot ni Desa."If from Gibbous, I don't think so," pagngiti ni Rome bago ito tumayo upang lumapit sa asawa, "Nag-o-overthink ka na naman dahil sa nangyari sa 'yo. You're worrying about Gibbous White Moon Pack, but the truth is, you don't have to. At alam mo iyon, Desa," pahayag nito.Umiling-iling si Desa. Kahit nang makalapit na si Rome sa kaniya ay patuloy pa rin ito sa pag-iling."I'll call Dr. Trinidad," saad ni Rome."No, Rome. First, you listen to me. Hindi ako nagha-hallucinate o nagbre-break down. If that's what you're thinking about," sambit ni Desa."Are you sure?" pinakatitigang mabuti ni Rome ang asawa."Gibbous will win over us," puno ng pag-aalalang ani Desa."Alam mong hindi iyan totoo dahil nakausap na natin ang Tagapagbantay," nakangiting saad ni Rome."Alam ng Gibbous ang mga sinabi ng Tagapagbantay, Rome..." mahinang sagot ni Desa.Doon na natigilan si Rome. Nagtatanong ang mga mata nito kay Desa."Huwag mong isiping ako ang nagsabi sa kanila. Hindi ko alam kung paano, pero dahil alam nila ang sinabi ng Tagapagbantay sa atin—""Gumawa sila ng paraan?" putol ni Rome sa asawa."Yes. Mananalo sila, Rome..." mariing sabi ni Desa na may takot sa mga mata.Bumuntonghininga si Rome. "Tell me what's on your mind," anito sa asawa dahil base sa kaniyang nakikita sa mga mata ng asawa, mayroon itong solusyon sa problemang sinasabi nito sa kaniya...*******Natipon ang lahat sa maluwang na sala ng mansiyon habang nakatayo sa gitna ang mag-asawang Rome at Desa."Ngayong gabi ay isasakatuparan natin ang nakasulat sa libro ng hinaharap!" malakas ang boses na panimula ni Rome."Para sa Sturgeon!" sabay-sabay namang hiyaw ng mga taong nandoon na pawang mga nakasuot ng itim.Itinaas ni Rome ang kanang kamay at kaagad namang tumahimik ang lahat. "Pero mayroong mga bagay na sumisira o nais sirain kung ano ang itinadhana. Gibbous, will take us down, too..."Umugong muli ang ingay. Makikita ang pag-aalala sa ibang naroon at ang iba naman ay bumagsik ang itsura."Explain to us, Alpha Rome," matapang ngunit may galang na sambit ng isa sa mga naroon."They called on the goddess of the moon, Selene. Meaning, they sacrificed one of their newborns. Para lang makahingi ng tulong kay Selene. Isang hakbang na makasarili. Na hindi dapat nila ginawa dahil una sa lahat, kinakalaban nila ang hinaharap, ang kapalarang itinakda sa atin at sa kanila," paliwanag ni Rome."At dahil doon, they leave us no choice. Newborn versus newborn. Sinigurado naming sila pa rin ang talo sa bandang huli," pagsingit naman ni Desa."Anong inyong naging solusyon?" tanong ng isa."Sa ngayon ay hindi namin maaaring isiwalat sa inyo ang solusyong aming ginawa. What's important is...we made sure that victory is ours..." kampanteng sagot ni Desa."Pagtuunan muna natin ng pansin ang dapat gawin sa gabing ito. So, let's march to Gibbous and start fulfilling what's on the book of fate," pagtatapos ni Rome.Nang gabi ngang iyon, ang Sturgeon Black Moon Pack na pinangungunahan ng kanilang alpha at luna na sina Rome at Desa kasama ang lahat ng kanilang warriors ay nagpunta sa kinaroroonan ng Gibbous White Moon Pack.*****Itinaas ni Rome ang kaniyang kanang kamay bilang hudyat na tumigil muna ang lahat sa paglalakad. Nasa kagubatan na halos ang lahat ng Sturgeon Black Moon Pack upang puntahan ang kinaroroonan ng itinuturing nilang katunggali, ang mga Gibbous White Moon Pack."Bakit tayo huminto?" may pagtatakang tanong ni Desa sa asawa."Sshhhh..." ang tanging sagot ni Rome. "Be alert," baling niya sa mga kasamahan nila.Bahagya namang suminghot-singhot ang mga warriors ng Sturgeon nangangahulugan na inaamoy ng mga ito ang paligid. Alam kasi nilang may kakaibang nararamdaman ang kanilang alpha kaya kailangan din nilang pakiramdaman ang paligid."Makiramdam kayo... Maaaring natunugan ng mga kalaban ang pagpunta natin sa kanila. Ayaw kong malagasan tayo bago pa maisagawa ang dapat isagawa," mahinang saad ni Rome.Isa-isang nagbago ang anyo ng lahat. Unti-unting lumalaki ang katawan ng mga ito at kasabay ng pagkawarak ng mga kasuotan nila ay ang paglitaw naman ng makapal at kulay itim na balahibo sa kanilang mga katawan. Kumislap ang kulay puti nilang mga mata at bahagya ring nakita ang paglitaw ng kanilang mga pangil. Maging ang mga kuko nila sa paa at kamay at nagsipaghabaan. Lahat sila ay nasa anyong lobo na at nakahanda ng lumaban."Tonight is the most important night..." mahinang saad ni Rome na unti-unti na ring nag-aanyong lobo. Mas malaki lamang siya nang kaunti sa mga lobong kasama niya."Ang gabing pagsisimulan ng ating tagumpay..." usal naman ni Desa na nasa anyong lobo na rin at mas malaki rin nang kaunti kagaya ni Rome.Sabay-sabay na tumakbo ang mga itim na lobo na halos hindi na makita dahil sa kanilang bilis at pagiging kulay itim. Tila ba nakikiayon ang gabing iyon sa kanila. At ang kanilang sadya, walang iba kundi ang kuta ng mga puting lobo o ang Gibbous White Moon Pack.Samantala...Walang kamalay-malay ang Gibbous Pack sa trahedyang naghihintay sa kanila nang gabing iyon. Payapa silang nasa kani-kanila ng higaan habang ang iba naman ay nasa labas pa at tahimik na nakatunghay sa malaking buwan."Alam kong hindi papayag si Luna Gara sa sinasabi ng Tagapagbantay ng mahiwagang libro. Mas lalong hindi papayag ang Alpha Thallon na bumagsak lang tayo sa mga kamay ng mga Sturgeon..." nakangiting wika ng isang babaeng nakasuot ng puting bestida habang nakatingala sa buwan."Hindi nila maaaring kalabanin ang tadhana nating mga lobo. May katapusan talaga ang lahat, at nakasulat na ang tungkol sa atin," sagot naman ng kasama nitong lalaki.Sasagot pa sana ang babae nang bigla na lamang silang may marinig na sigaw. Ang isang sigaw ay nadagdagan pa na nangangahulugang mayroong nangyayaring hindi maganda."A-anong nangyayari?" kinabahang baling ng babae sa kasama nito."Ang nakatakdang katapusan..." tanging sagot ng lalaki na muling tumingala sa buwan at ipinikit ang mga mata.Dali-daling tumakbo ang babae upang tingnan ang nangyayari at tila ipinako siya sa kinatatayuan nang makita ang kahindik-hindik na senaryo. Ang kaniyang mga kasamahan ay walang kalaban-laban na inaatake ng mga itim na lobo. Ang iba ay mapapansing sinubukang mag-anyong lobo ngunit mukhang hindi na iyon hinintay pa ng mga umaatakeng itim na lobo.Tila kaagad namang natauhan ang babae at mabilis siyang nakapagpalit ng anyo. Mula sa pagiging tao ay naging isa siyang puting lobo na may kulay pulang mga mata. Puno ng galit niyang sinunggaban ang isa sa mga itim na lobo. Nagawa man niya iyong patayin ay hindi naman na niya napigilan pa ang iba. Nag-iisa lang siya dahil halos patay na ang lahat. Wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang kapalarang itinakda sa kanila. Bago siya malagutan ng hininga ay pilit niya pang tiningala ang kalangitan."G-gibbous w-will c-come b-back..." ang mahinang anas ng babae bago siya tuluyang bawian ng buhay.**************Tahimik lamang na lumuluha si Gara habang nakahiga sa malambot na kama."It's over. There's nothing we can do about it... For now..." buntonghiningang sambit ni Thallon."S-sana i-sinama natin sila..." may paghikbing sagot ni Gara."We need to sacrifice them to save our clan. Napag-usapan na natin ito, Gara," malumanay na sagot ni Thallon."I-I j-just can't—""Stop. Ang kanilang sakripisyo ay kailangang magkaroon ng saysay kaya tama na ang pag-iisip mong mali ang ating desisyon," putol ni Thallon."Sakripisyo?" bumangon si Gara mula sa pagkakahiga. "Wala silang kaalam-alam na inabandona natin sila, Thallon.""Yes. But we save few so we can continue our race. This is how we save the clan," mariing sagot ni Thallon.Muling nahiga si Gara at hindi na umimik pa ngunit alam ni Thallon na nagdaramdam pa rin ito. Nagpasya siyang sumampa na rin sa kama at pilit na iniharap si Gara."We need to this. Now..." halos pabulong na wika ni Thallon.Hindi umimik si Gara ngunit alam niya ang sinasabi ni Thallon. They need to mate. Iyon ang bubuo sa desisyong ginawa nila.Unti-unting inilapit ni Thallon ang mukha sa leeg ni Gara. Inamoy-amoy nito ang samyo ni Gara bago idinampi nang bahagya ang kaniyang mga labi sa leeg nito. Kaagad namang naipikit ni Gara ang mga mata at hinayaan si Thallon sa ginagawa nito. Even if she's feeling guilty for abandoning their pack, she needs their sacrifice to be worth it. Kailangan niyang ipagbuntis ang pipigil sa extinction ng Gibbous...***********Ngiting tagumpay ang sumilay sa labi ni Rome katabi si Desa habang nakatingin sila sa mga wala ng buhay na puting lobo sa kanilang harapan."Alpha Rome, wala rito ang bangkay nina Thallon at Gara," lapit ng isa nilang kasamahan."Huwag niyo silang intindihin. May kapalarang itinakda para sa kanila at ang kapalarang iyon din ang magpapabagsak lalo sa kanila," malumanay na sagot ni Rome."Bumalik na tayo at huwag ng magtagal pa rito. Hindi lilitaw sina Thallon kaya wala ng dahilan pa para manatili. Hayaan na natin ang itinakda para sa kanila," saad naman ni Desa.Isa-isa na ngang umalis ang mga itim na lobo sa lugar na iyon. Makikita namang wala na ngang halos buhay sa mga puting lobo. Ang gabing iyon ang itinuturing ng Sturgeons na simula ng kanilang pinakamimithing tagumpay...NAKANGITING tumayo mula sa pagkakaupo si Shanella. Matapos niyang mailagay sa kaniyang backpack ang mga gamit niya ay sunod niyang kinuha ang test paper niyang tapos niya ng sagutan. Deretso siyang naglakad papunta sa harapan upang ilagay na lamang ang test paper sa mesa ng teacher nila. Nasabi na kasi kanina ng teacher nila na kung tapos na sa pagsagot ay iwan na lamang doon at puwede ng umuwi.Ngunit bago pa siya makarating sa harapan ay bigla na lamang siyang nadapa. Mabuti na lamang at naitukod niya kaagad ang kaniyang dalawang palad ngunit nakaramdam siya ng sakit sa magkabilaang tuhod niya. Rinig niya pang nagtawanan ang mga kaklase niya."Oh... sorry, hindi ko sinasadya. Patayo na rin kasi ako sakto namang dumaan ka," tila nakakaloko namang saad ng kaklase ni Shanella.Nagtitimping tumayo na lamang si Shanella. Marahan niya ring inayos ang skirt at blouse na suot niya o ang uniporme niya. Hindi na siya umimik pa at tumuloy na sa harapan. Pagkalapag ng test paper ay nagmamadali
Nakahiga sa isang queen size bed si Shanella habang sinasalo ng malapad at malambot na unan ang kaniyang mga luha. Hindi niya makalimutan ang ginawa sa kaniya ng ilan sa mga taong lobo na kasama niya kanina. Nagalit kasi si Kai sa pagtanggi niya sa sinasabing kapalarang nakalaan sa kaniya. Dahil doon, he ordered some of their men to drag her out from there. Si Thallon lamang ang tumutol ngunit mas sinusunod ng karamihan si Kai dahil naipasa na umano ang pagiging alpha ni Thallon sa anak nitong si Kai. She needs to learn a lesson, that's what Kai said there."Sit down and we'll talk."Napalingon si Shanella sa nagsalita. It was Gara."Get out of here. Wala kang sasabihin na makakapagpabago ng tingin ko sa inyo..." matigas na sagot ni Shanella."Nandito ako para ipakilala sa 'yo kung sino ka ba talaga at kung anong papel mo sa buhay ng anak namin," malumanay namang sagot ni Gara.Nagtitimpi sa galit na bumangon si Shanella at hinarap na nang tuluyan si Gara. Makikita sa mga mata nito an
Nagngingitngit ang kalooban ni Rome matapos makausap ang Administrator ng bahay-ampunan na pinuntahan niya ng gabing iyon. Kaagad niyang idinayal ang numero ng asawa habang pababa sa hagdanan."Tell them to find her, now!" nagpipigil sa galit na utos ni Rome sa asawa.He went there to look for someone. Isang mahalagang tao na dapat ay kinakausap niya na ngayon. Ngunit nagulat na lamang siya nang malaman nga mula sa Administrator ng nasabing ampunan na mayroon umanong umampon sa batang iniwan nila roon. Halos murahin niya kanina ang kausap kung wala lang siyang iniingatang reputasyon. Malinaw kasi nilang sinabi noon sa ampunan na doon hahayaang lumaki ang sanggol na iniwan nila. Kaya naman laking galit niya nang malamang namatay na umano ang sinasabing nakausap niya at hindi naman naibilin ang tungkol doon kaya hindi rin alam ng mga ito kung sino na sa mga naipaampon ang hinahanap nila."Let's go home," ani Rome sa kaniyang driver pagkasakay niya sa sasakyan. Madilim na madilim na rin
MAHIGPIT na mahigpit ang kapit ni Shanella sa batok ni Kai na nasa anyong lobo habang tumatakbo ito nang matulin."C-can you s-slow d-down..." naninigas na sambit niya sa lalaki.Kai growled as if he's annoyed of what she said."B-baka pang-baon na r-rin a-ako sa l-lupa p-pagkarating natin s-sa s-sementeryo..." pakiramdam niya ay isa siyang estatwang iniupo lang sa likod ni Kai dahil kahit pagpitik ng kaniyang mga daliri ay hindi niya magawa sa sobrang takot.Mayamaya pa ay huminto na sa pagtakbo si Kai at saka nito inilingon ang ulo kay Shanella na nakasakay pa rin sa kaniya at hindi bumababa."May balak ka bang bumaba?" tanong ni Kai.Shanella wanted to nod but she can't move her head or neck. Hindi niya alam kung paano pagagalawin ang sarili."Fine. I'll give you what you want," malamig na naman ang boses na saad ni Kai.Hindi na alam ni Shanella kung anong ginagawa ni Kai dahil busy ito sa kung paano makakagalaw. Kaya naman gulat na gulat siya nang maramdaman niya ang pagsayad ng
MULA nang mapanood nina Shanella at Kai ang balita tungkol sa nangyari sa sementeryo ay hindi na masyadong umiimik ang huli. The news showed almost everything. Mayroon pa lang isa sa mga taong nasa sementeryo ang nagawang mag-video gamit ang cellphone. Hindi nakuha sa video ang pagpapalit anyo ni Kai ngunit nakuhaan ang pakikipaglaban nito bilang lobo sa dalawang itim na lobo. Ang pinaka-concern ay si Shanella dahil siya lamang ang taong nakatayo malapit sa naglalabang mga lobo. Nakita rin sa video ang pagsakay nito sa sa puting lobo na si Kai at ang mabilis na pag-alis ng mga ito. Kaya naman kaagad na sinabi ni Thallon sa buong nasasakupan na aalis sila roon at maninirahan muna sa kabundukan. Makikita ang galit sa mukha ni Thallon kaya naman hindi pa rin nito iniimik si Kai.Shanella was trying to determine Kai's emotion as they started walking away from their home. Inilibot din muna niya ang paningin sa paligid. She felt sad. Maganda kasi ang lugar na iyon at napakaluwang. Malaya si
NAKANGITING tinawagan ni Desa si Rome matapos marinig ang sinabi sa kaniya ni Pip tungkol kay Shanella."Kailangan nating mag-usap ngayundin. Isa itong magandang balita," masiglang bungad ni Desa sa asawa.Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang swivel chair habang pinakikinggan ang sinasabi ng asawa sa kabilang linya."Puwede namang sa pag-uwi ko na natin pag-usapan gaya nga ng sabi mo. Hindi ko lang talaga mapigilang ibalita ito sa iyo," hindi pa rin naaalis ang ngiting aniya sa asawa.Nakatanaw siya sa labas mula sa glass wall ng pribadong opisina niyang iyon habang kausap ang asawa. She knew that Rome is already curious because she can't hide her happiness in her voice."Yes, I can't tell it right now. Hindi puwedeng pag-usapan sa telepono lang. I can only assure you that this is part of our success. Gibbous will fall, and you have to believe it. Kapag narinig mo na ang nalaman ni Pip tungkol doon sa Shanella ay tiyak kong makakatulog ka na nang mahimbing," saad niya sa asawa.
MALAKAS na palakpakan ang pumuno sa bulwagan ng mansiyon ng mga Thompson na mas maituturing na pag-aari ng buong Sturgeon. Naipasa na kasi ang pagiging Alpha kay Logan Thompson, ang nag-iisang anak nina Rome at Desa."Thank you, everyone. Let me just remind you, this is not yet a success. Hindi dahil nagbalik ako ay ayos na ang lahat. Kahit na nakasulat na sa libro ang pagbagsak ng Gibbous White Moon Pack sa pamamagitan ko, hindi tayo dapat pakampante," malakas na pahayag ni Logan habang nakatayo sa pinakagitna.Makikita sa mga itim na itim na mata ni Logan ang matinding kagustuhan na mapabagsak ang Gibbous."The success is ours, son. We've taken care of you and now our fate depends on you. Naniniwala ako sa kung ano ang nakasulat na sa libro ng tadhana," itinaas ni Rome ang hawak na kopita habang sinasabi ang mga katagang iyon."Your dad is right, Logan. You don't have to worry. Hindi rin namin kailangang mag-alala dahil bukod sa nandito ka na, umaayon ang lahat sa ating kagustuhan.
NAPADILAT ng mga mata si Logan. Habol niya ang paghinga at hindi mawala sa kaniyang balintataw ang panaginip. The mark. Niah's mark."She's near... I have to check..." mahina niyang sambit sa sarili.Sa isang iglap lamang ay nagbagong anyo siya. Kumpara sa ibang Sturgeon, siya ay maituturing na mas malaki pa sa kaniyang amang si Rome kapag nasa anyong lobo. Nangingintab din ang pagkaitim ng mga balahibo nito at mas maliwanag ang puti nitong mga mata. Kaagad siyang tumalon sa bintana at palabas na sana siya ng gate nang bigla siyang tumama sa isa pang malaking lobo.Nagawa ni Logan na huwag matumba sa pagkakatama niyang iyon. He growled. He was mad."Where do you think you're going with that form?" the other werewolf is mad as well."Dad, nakita ko ang pagliwanag ng marka ni Niah sa aking panaginip. She's near. I have to check and get her," sagot ni Logan."Hindi mo ba inintindi ang mga pinag-usapan kanina lang? Hindi ba't nasabi na namin ni Desa na hahayaan natin si Niah na maging bre
ShanellaHindi ko alam kung may isang oras o mahigit na ba akong nandito sa sementeryo. Kanina ko pa hinahaplos ang lapida kung saan nakasulat ang pangalan ng una at huling lalaking mamahalin ko. Si Kai Leo Harrison, ang ama ng aking tatlong mga anak."Mommy!"Napalingon ako sa pagtawag na iyon ng aking mga anak. Judging by their looks, I can tell that they're feeling sad for me again. Paano ba naman ay araw-arawin ko ang pagdalaw dito sa puntod ni Kai."You've been here for hours again, mom," nakapamulsang wika ni Kasper sa akin."And we've been waiting for you for hours," saad naman ni Kassie."Dapat sinasama mo na lang ako, mommy. Kasi kapag sa bahay binubully lang naman ako nina Kasper at Kassie," nakasimangot namang sambit ni Shin.Napangiti ako. Ilang taon na nga ba ang lumipas mula nang mamatay si Kai? Sampung taon. Ganoon na katagal ngunit napakasariwa pa rin ng sugat sa aking puso. That's how Kai left me, with deep wounds. Na kahit panahon ay hindi kayang gamutin ang aking pa
BASANG-BASA ng luha ang mukha ni Shanella matapos marinig ang buong kuwento ni Thallon. She wanted to unhear everything but it's the truth..."Y-you allowed this to happen? H-hindi niyo man lang inisip ang mararamdaman ko?" disappointment were all over Kai's face while looking at his father Thallon."W-Wala na kaming ibang maisip na paraan ng iyong ina, anak... W-we j-just need to survive Rome's greediness..." paliwanag ni Thallon.Then Rome chuckled while still looking at Logan's head. "Siguro nga ay wala talagang kabutihang para sa ating mga lobo. You're talking about my greediness but look at what you've done too. Sa tingin mo ba ay mabuti na kayo sa lagay na ito?" pagpapatungkol niya kay Thallon."I never wanted this... Kung sa tingin mo ay sang-ayon ako sa lahat ng nangyari ngayon, nagkakamali ka. Ikinahihiya ko ang maging isang Gibbous at maging isang ama ang katulad mo," Kai gritted his teeth. Gusto niyang pakawalan ang galit na nararamdaman sa ama."Y-you a-are my real father?
GULAT na gulat si Rome habang nagbabagong anyo si Kai. Ngunit hindi siya gulat dahil sa nagaganap kay Kai kundi sa isang munting liwanag na nakikita niya sa bandang batok ni Shanella na panaka-nakang nagkukulay berde. Kahit na nasa ilalim ng balahibo sa batok ni Shanella ang liwanag na iyon ay sigurado siyang iyon ay isang tanda na tinataglay ng isang tunay na Luna ng mga Sturgeon. Ibig sabihin, si Shanella ay anak ng isang Alpha at Luna. Anak niya si Shanella.Kahit na hirap sa paghinga at halo-halong emosyon, sinubukang tawagin ni Rome ang pangalan ni Logan. Kailangang malaman ni Logan na kapatid nito si Shanella o si Niah. Kung ano man ang tunay na kuwento ay hindi muna mahalaga. Kailangang mabalaan niya si Logan bago pa sila magkapatayan ng kapatid nito. Buong akala niya ay patay na ang bunsong anak nila ni Doreene ngunit malinaw na nakikita ng kaniyang mga mata na buhay ang kanilang anak at iyon ay si Shanella.Pinilit na Rome ang sariling gumapang na lamang palapit sa kinaroroon
NAGUGULUHAN si Desa sa mga nangyayari sapagka't hindi dapat iyon ang nangyayari. Hindi dapat si Logan ang inaatake ni Shanella kundi si Kai. Hindi niya lubos maisip, para sa kaniya ay imposibleng maapektuhan ng pagmamahal ni Shanella ang misyon nitong patayin si Kai. Something is not right. She turned in a she-wolf too and jumped to Thallon. Si Thallon lang ang maaaring makasagot sa mga katanungan niya dahil napansin niya na kanina kung gaano kakalmado ang lalaki kaya sigurado siyang alam nito kung ano ang tunay na nangyayari."Ipaliwanag mo kung ano ang mga nangyayari," angil kaagad ni Desa kay Thallon.Isang ngiti ang isinagot ni Thallon kaya sinugod kaagad siya ni Desa. Bawat atake ni Desa ay madali lamang na naiilagan ni Thallon.Samantala, patuloy naman ang palitan ng atake nina Shanella at Logan sa isa't-isa. Ngunit habang pinagmamasdan sila ni Rome habang hawak-hawak ang sugat sa dibdib nito ay napapailing ito. Kita kasi ni Rome na mas lamang ang lakas at bawat atake ni Shanell
NAGLAKAD si Rome papunta sa cage na kinaroroonan ni Kai. Makikita ang kasiyahan sa mukha nito. Tila ba mababasa ng kahit sinuman ang tagumpay sa mukha nito."Watch her, Kai, then suffer... Just like what you all did to my Doreene..." magkahalong galit at sayang sabi ni Rome kay Kai."H-Hindi k-ko a-alam ang s-sinasabi m-mo... L-layuan niyo s-si Shanella..." nanghihina man ay sinagot ni Kai si Rome."Why don't you ask your father here?" naniningkit ang mga matang tinanaw ni Rome si Thallon na nasa di-kalayuan. Hindi nito binibigyang pansin ang tila kalmadong mukha ni Thallon sa pag-aakalang maaaring tinanggap na lamang ni Thallon na tuluyan na nilang mapapabagsak ang Gibbous.Mayamaya ay nakita ni Kai na mas lumapit pa si Logan kay Shanella."G-get a-away f-from h-him..." muling nagbago ang kulay ng mga mata ni Kai. Tila ba pinipilit nitong ipunin ang lahat ng lakas na natitira pa upang iligtas si Shanella sa nakikitang kapahamakan."No, don't waste your energy. Sayang naman kung hindi
NAGKANYA-KANYANG talon at salubong ang mga Gibbous sa pagbagsak ng mga Sturgeon sa kanila. Tuluyan na kasing nasira ang harang at ngayon naman ay kailangan na nilang harapin ang tunay na laban."Aahhhhh!"Lahat ng lobong nagtatalunan papunta kay Shanella ay sinasalubong ni Thallon na noo'y nasa anyong lobo na rin. Kung mula sa kalangitan, tanging kulay puti at itim na mga lobo ang makikitang nagsasagupaan."Anong problema, Shanella? Bakit hindi ka pa nagbabagong anyo nang maipamalas mo naman sa akin ang iyong lakas at kapangyarihan?"Alertong napaatras si Shanella nang marinig ang boses ni Logan sa kaniyang likuran. Mula naman sa cage na kinaroroonan ni Kai, nanghihina itong pilit na humawak sa bakal na kinaroonan niya. Bumibilis ang tibok ng puso nito dahil sa galit habang nakatingin kay Logan. Ang kaniyang mga mata ay nagiging pula na rin ngunit kaagad din namang bumabalik sa normal dahil nga sa kaniyang panghihina."Hindi ko kailangan ng pagbabagong anyo para harapin ang mga ganid
TILA itinulos sa kaniyang kinatatayuan si Shanella nang isang napakalaking kulay itim na lobo ang dadamba sa kaniya mula sa itaas. She couldn't move to avoid the attack."Shanella!"She heard Kai. Pero para bang pati ang lumingon ay hindi niya magawa. She couldn't blame herself, this will be her first time to encounter this. Tila hindi sapat ang dalawang taon niyang paghahanda para harapin ito. Mas nag-enjoy din kasi siya kapiling ang mag-aama niya. Unti-unting pumatak ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya pala ito kaya. Nakaramdam siya bigla ng takot. Takot na paano kung hindi nila kayanin ang mga Sturgeon? Anong mangyayari kay Kai? Sa mga anak nila? Anong mangyayari sa kaniya?"Ano bang nangyayari sa 'yo, Shanella?"Tila roon na siya napabalik sa huwisiyo nang tapikin siya ni Thallon sa kaniyang balikat."S-sorry..." tangi niyang nabigkas bago muling tingalain ang lobo kaninang padamba dapat sa kaniya.Hindi pa nga pala nakakapasok sa nakapalibot na harang ang mga Sturgeon. Mati
NAPADILAT ang mga mata ni Shin mula sa mahimbing na pagtulog. Bumangon ang bata upang lingunin ang kaniyang mga kapatid na nasa kani-kanila ring kama. Then she saw Kasper, sitting on his bed while murmuring."K-Kasper, n-naririnig mo rin ba ang n-naririnig ko?" may takot sa mga matang tanong ni Shin."Let's wake up dad," kalmadong sagot ni Kasper bago ito bumaba upang puntahan ang kinahihigaan ng kanilang ama."W-why a-aren't you m-moving t-there?" tanong ni Shin nang mapansin nitong natigilan ang kapatid matapos lumapit sa kama ng kanilang ama."Dad's not here. They already know," sagot ni Kasper."Please help them save dad... K-kaya mo naman ng lumaban, 'di ba?" bumaba na rin sa kama si Shin at lumapit kay Kasper."Hindi nila tayo papayagan. Hindi tayo makakalabas dito," sagot ni Kasper."B-but they m-might need your help," nangilid ang luha sa mga matang saad ni Shin."Let's just follow their orders," sagot lamang ni Kasper at bumalik na ito sa kaniyang kama upang matulog.Pero hin
MASAYANG pinagmamasdan ni Kai ang kaniyang mag-iina na naghahabulan habang nakaupo naman siya di-kalayuan sa mga ito. Maulap ng mga sandaling iyon kaya naman masarap ang paglalaro ng mga bata."Daddy, join us!" mayamaya ay malakas na sigaw ni Kassie.Nakangiting kumaway si Kai sa anak."Come on!" sunod namang sumigaw si Shanella.Natatawa na lang ngang tumayo si Kai at bigla ay nag-anyong lobo ito at singbilis ng kidlat na tumakbo papunta sa kaniyang mag-iina.Malakas ang naging pagtili ni Shin nang maramdaman niya ang pagbuhat ng ama sa kaniya. Paglingon niya ay ang mukha ng ama ang nasilayan niya."How can you go back to your human form so fast!" giggled Shin."It's a secret..." Kai was just teasing his daughter."I can do that, too," singit naman ni Kasper na nag-anyong lobo rin at saka nag-anyong tao muli."Daddy is faster than you," komento naman ni Kassie."Haynaku, tama na 'yan. Pumasok na kayo sa loob at mukhang uulan ngayon," nakatawa namang sabi ni Shanella."Hmm... Oo nga.