![Loved and Chained](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
Loved and Chained
A rebellious woman and a policeman. Will she accept that she was loved and chained by him?
Tunay nga na kapag tumitigas ang ulo ng isang bata, kailangang dinidisiplina. Pero sa kaso ni Gisselle na dalaga na, hindi niya matanggap na dinidisiplina siya ng isang pulis na hindi niya naman kilala.
Ang nais niya lang naman ay magrebelde dahil sa sama ng loob niya sa sarili niyang ama na dating pulis, na aniya’y tila wala naman daw sa katuwiran, at abusado sa karapatan ng kababaihan. Naging party girl siya dahil sa mga barkada niya at sinasadyang magpa-late ng uwi upang inisin ang kaniyang ama.
Pero ang hindi niya alam, iyon na pala ang huling beses na magagawa niya ang mga bagay na ’yon. Nahuli siya ng mga pulis sa kalsada nang hating-gabi, at naging buena manong curfew violator sa gabing iyon.
Napatawan siya ng community service sa loob ng isang buwan. Naiinis siya sa tuwing nakakakita siya ng mga pulis, lalo na ang lalaking hindi niya inaasahang makikilala niya.
Naiinis siya lalo dahil desidido itong palambutin ang ulo niya. Tahimik lamang itong lalaki pero walang sinoman ang kayang bumali sa mga salita nito.
Hanggang sa hindi niya namamalayan na nag-iiba na pala ang tingin at pananaw niya sa mga pulis, na hindi pala lahat ay masasama tulad ng iniisip niya noon. May tulad pa rin pala ni PCol. Carlos Joseph Guevarra na matino at disiplinadong pulis na magpapatino sa kaniyang rebeldeng pag-iisip.
Lingid sa kaalaman ng dalaga, may lihim palang interes sa kaniya ang single at treinta y tres anyos na pulis. Kaya naman pala kahit na anong gawin niya ay pinapansin agad nito at todo kung makaprotekta sa kaniya.
Papaano niya kaya mapipigilan ang lalaki kung siya mismo ay hindi ito magawang mapaikot sa mga kamay niya?
Basahin
Chapter: WakasCarlos Joseph Guevarra Hindi ko inaasahan na sa isang gabing iyon, may makikilala akong babaeng magpapabago sa buhay ko. Ako na ata ang pinakasuwerteng lalaki sa gabing iyon. “Sir, may isa kaming nahuli.” Hindi ito makatingin sa akin at mukhang nagmamatigas pa kaya naman napailing-iling ako. Halatang mayaman na pasaway. Pero aaminin kong kaakit-akit siya tingnan. Kay gandang bata pero mukhang pasaway. “G-Gisselle Leanne Montehermoso y Louise, eighteen years old,” utal-utal na sambit nito habang ino-obserbahan ko ang kilos. Halatang natataranta ito dahil sa takot. Inabutan ko agad ito ng tubig para kahit papaano ay kumalma. Eighteen years old? Napakabata pa nito tingnan kung tutuusin. Kaya naman bilang parusa nito ay pinatawan ito ng isang buwan na community service. Mabuti na nga lang at nakikipagtulungan ang ama niya sa amin.
Huling Na-update: 2021-09-18
Chapter: Kabanata 31Gisselle“Wala ba kayong sasakyan?” tanong ko. Sa pagkakatanda ko ay hatid-sundo si Kisses ng driver niya. At si Hunter, may sarili ring sasakyan. Makaraan ang ilang sandali ay napapitik ako ng mga daliri. “Ah, gusto n’yo lang pala mamerwisyo sa akin.” Tumango-tango ako nang mapagtanto iyon.Ngumiti nang pang-asar sa akin ang kapatid ko.Umismid ako bago ibalik sa harapan ang tingin. Ano pa nga ba ang magagawa ko?Pagsakay nila ay agad kong pinaandar ang sasakyan. Sinulyapan ko pa ang mga ito na magkayakap sa backseat na ikinaismid kong muli.“Saan ka galing, Hunter? Tila kagagaling mo lang sa misyon, a,” biro ko rito na agad nitong tinanguan.“Oo, may minamanmanan kasi akong pugante sa school banda. May mga nakalap na akong impormasyon kaya uuwi na muna ako.”Natigilan tuloy a
Huling Na-update: 2021-09-18
Chapter: Kabanata 30Gisselle“Uy, papaano nga kayo nagkakilala?” pangungulit ko rito nang makalayo kami. Bahagya ko pa itong hinila papunta sa mga sunflower kong tanim na naglalakihan na.Dinig ko buntong hininga ng lalaki bago ako hapitin sa baywang at halikan sa sentido. “Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Nagtatrabaho siya sa akin, nanghuhuli ng mga wanted na kriminal na may patong na pera sa ulo. Isa sa mga magagaling na tagahanap ko ang isang ’yon.”“Ah, bounty hunter.” Iyon ang naalala kong sinabi ni Hunter na trabaho niya noong unang beses niyang tumapak dito sa bahay. At ngayon ko lang nalaman kung ano ba talaga ang tinatrabaho nito. Noon kasi ay wala naman akong pakialam dito.“Hmm, yeah. Delikado ang trabaho niyan. Pero laking tulong nila sa amin para mahanap ang mga wanted na kriminal dito.”“May mga kai
Huling Na-update: 2021-09-18
Chapter: Kabanata 29Gisselle Lalo pa akong nalubog sa kahihiyan nang tumabi sa akin si Kisses na halatang excited pa. Inis kong binawi ang braso mula rito na niyakap niya at bahagyang sumimangot. “Naku, naku. Bakit nakasimangot ka? Hindi ka ba masaya na seryoso sa iyo iyong policeman na iyon?” Masaya, pero—aist! Nahihiya at takot talaga ako kay Joseph at sa kaanak niya dahil sa ginawa ko. Hindi pa nga ako handang harapin sila dahil wala pa akong lakas ng loob. Hindi ako umimik kaya natahimik ang kapatid ko at napanguso. Damn. Tiyak na iba na ang iniisip ng pamilya at mga kamag-anak ko ngayon. Halos mapaigtad ako nang pumasok bigla si Ate Melda at dumeretso kay Dad. Alerto akong tumingin dito. “Sir, nariyan na ho ang mga bisita...” Shit! Para akong matatae sa kaba sa mga oras na iyon. Ambang tatayo pa ako nang i****k sa akin n
Huling Na-update: 2021-09-18
Chapter: Kabanata 28Gisselle“Uncle, hindi ba kayo naliligaw sa bundok?” tanong ko rito na nasa unahan ko.Agad naman itong umiling at ngumisi. “Hindi, siyempre. Bago kami maka-graduate noon, na-encounter na namin ang land navigation course, so hindi puwede sa amin ang ligaw-ligaw na ’yan. ’Di bale nang mamatay, huwag lang mapahiya,” malokong turan nito.Hindi ko tuloy mapigilan ang mapahalakhak sa huli nitong sinabi. Oo nga pala, iyon ang motto niya sa buhay.“E, si Evan, Uncle. Ipapasok n’yo ho ba ’yan sa pagsusundalo? Parang lambutin, e,” wika ko na may halong pambabanas sa anak nitong matalim akong tiningnan.Rinig ko ang halakhak ni Uncle at biglang may tinagang ahas sa katabi nitong puno—na para bang nanghampas lang ng lamok.“Ay!” Napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mga mata.
Huling Na-update: 2021-09-18
Chapter: Kabanata 27Gisselle Nagbihis na lamang ako ng itim kong bestida bago ayusin ang buhok. Tinirintas ko iyon matapos patuyuin, saka bumaba sa sala. Makailang ulit kong pinaikot sa daliri ang hawakan ng keychain ko kung saan nakakabit ang susi ng kotse ko. “O, saan ka naman pupunta?” Napaatras ako nang muntik ko nang mabangga si Armando na nakasalubong ko sa main door. Sinamaan ko ito ng tingin bago lumusot sa gilid nito. “Chismoso ka masyado,” pang-uurat ko sa pinsan kong medyo barumbado rin. Tulad lang ng kuya niyang si Alessandro. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa mga anak ni Uncle Steve? Mana-mana lang sila ng ugali sa ama nila. “Sama ’ko, pinsan,” anito’t hinabol pa ako para akbayan. Inis kong inalis ang napakabigat na braso nito at agad na pumasok sa sasakyan ko. Ngunit inis akong napabuga ng hininga nang hilahin nito ang baywang ko palabas ng kotse. P
Huling Na-update: 2021-09-18