Share

Kabanata 5

Author: SGirl
last update Last Updated: 2021-09-08 14:12:37

Gisselle

Sa huli ay mabilisan kong tinapos ang paglilinis. Ibinalik ko ang walis at mop sa likod ng police station nila bago maghugas ng kamay sa gripo.

Napainat ako ng likod at tinanaw ang panghapon na sikat ng araw. Naisipan kong tumambay muna roon dahil tahimik, saka ko binuksan ang phone ko. Ini-stalk ko ang account ni Guevarra, at nakita kong marami pala itong followers at friends.

May mga litrato rin ito nang naka-uniporme at kung ano-ano pa na mabilisan ko lang na tiningnan. Ang mga comment sa mga litrato niya ay puro papuri sa kabutihan, katapatan at kaguwapuhan kuno niya. Tsk. Mamaya ko na lang susuriin ang mga ’yon sa bahay.

In-exit ko ang album niya at nag-scroll sa wall niya. Nagse-share pala ito ng awareness patungkol sa mga rebelde ng bansa. Katulad na katulad sa ginagawa ni Uncle Zach at ng asawa nitong former rebel.

Talagang kinokondena nito ang kamalian at katamaran, at nagpo-promote ng disiplina sa mga tao. Pati mga magagandang accomplishments ng mga pulis at sundalo ay ipinakikita nito roon.

Napa-ismid ako at hindi ito in-accept. Bahala siya riyan. Ayokong mapuno ang newsfeed ko ng mga kung ano-anong payo at mga usaping hindi ko naman pinagtutuonan ng pansin.

Pagbalik ko sa loob ay tapos na ang kainan nila. Lihim akong umismid at naupo sa upuan ko’t bumuntong-hininga.

Ito na ata ang pinaka-boring na kabanata sa buhay ko, maliban sa araw-araw ko sa klase namin.

Mabuti na lang at naisipan kong magligpit ng mga kalat nila para hindi maburyong. Nagpunas-punas din ako ng mga bintana nila rito at nagwalis ng mga dahon sa labas. Pagsapit ng alas cinco y media ay pinakain ko na ang mga hayop niya dahil paniguradong alas seis ang uwi ko.

Napangisi ako at humarap kay Guevarra na umiinom ng tubig. Agad din naman itong tumingin sa akin, nagtataka kung bakit nakangiti ako na tila may masamang balak.

“Bakit?” aniya na agad kong inilingan.

“Pauuwiin mo na ba ako, Sir?”

Tila biglang binagsakan ang mundo ko nang umiling ito habang seryoso ang mukha. Ibinaba nito ang bottled water niya at inilapag iyon sa mesa, bago ako harapin.

“Hindi kita pauuwiin nang mag-isa. Kailangan may sundo ka at baka sa kalsada ka na naman pulutin ng mga kasamahan ko,” aniya’t binigyan ako ng maliit na ngiti.

Ah, ganoon...

Talagang pilit nila akong kinokontrol.

I don’t want to be tamed by this man! Kahit sa Dad ko ay hinding-hindi ako magpapasakop sa kanila! Argh!

I don’t know why this guy is cooperating with my father, para lang kontrolin ang buhay ko. Labas na ang buhay ko sa trabaho niya. Damn it.

Tila napansin naman nito ang pagbusangot ng mukha ko na siyang nagpailing sa kaniya.

“Hindi ko maintindihan sa inyong mga kabataan, ang titigas ng ulo n’yo at ayaw makinig sa mga mas nakakatanda sa inyo. Kulang kayo sa disiplina. Ano ba ang mapapala n’yo sa mga bisyo na ’yan? Kapag napahamak kayo—lalo na ikaw at babae ka pa naman—ay kayo rin ang kawawa. Sa inuman ay delikado ka lalo’t may hitsura ka pa naman at dalaga. Mabango ka sa mga kalalakihan. Takaw-atensiyon ka masyado, Miss,” anito na ikinatingin ko rito. Tumaas ang kilay ko habang natitigilan. “Lalaki ako kaya alam ko ang sinasabi ko rito, Miss Gisselle. Papaano kung bastusin ka roon habang lasing ka? Hindi naman natin matuturuang rumespeto at magpigil ang lalaking wala na sa tamang katinuan, lalo na ’yang mga lalaking rapist at kriminal. Kaya nga hangga’t maaari ay pinag-iingat namin ang mga kababaihan na kakilala namin. Masuwerte ka pa nga dahil naririto pa kami ng ama mo para ilayo ka sa kapahamakan at itama ’yang mga hindi magagandang pinaggagagawa mo sa buhay,” mahabang litanya nito na halos ikairap ng mga mata ko.

At saka, papaanong hindi ako magmumukhang tunay na dalaga at gaganda, e, binihisan ako ng mga magulang ko ng mga pambabaeng damit noon at inayusan? Mas okay na nga akong hindi pansinin at walang ayos-ayos ng hitsura. Ngayong ganito na ang hitsura ko ay sasabihin naman ng talipandas na ’to na takaw-atensiyon ako masyado? Saan ba ako lulugar rito?

Naabutan kami ng mga magulang ko sa ganoong ayos. Hindi ko na tinangkang magsalita pa dahil nasira na ang mood ko. Papaano ko pa matatakasan ang mga magulang ko nito kung naririto na? Buwisit kasi ’tong Guevarra na ’to. Panira ng plano.

“Sir, salamat sa pagkupkop sa anak namin, ha. Nagmamaldita pa rin po ba siya?” ani Mom na pasimple akong kinurot sa tagiliran nang mapansin ang nakabusangot kong mukha.

Ngumiti lang ang lalaki na ikina-irap ko.

“Wala ho ’yon, Ma’am. Okay lang din naman po siya minsan, kaso kapag pinagsasabihan na ay naiinis at nagtataray,” panlalaglag sa akin ng lalaking iyon na ikinangitngit ko sa galit.

Nilingon ako ni Dad, at binantaan gamit ang mga mata na ikinatungo ko.

“Pasensiya ka na sa anak ko, Sir. Hayaan mo’t pagsasabihan ko ito mamaya,” tiim-bagang na ani Dad bago magpaalam.

Humigpit ang pagkakahawak nito sa pulso ko nang kaladkarin ako papasok sa sasakyan. Pilit pa itong kinakalma ni Mom pero galit pa rin ito.

Hindi ako umimik pag-upo ko sa backseat. Humalukipkip lang ako at tumingin sa bintana.

“Ano ’yon, Gisselle? Kahit sa ibang tao, lalo na sa pulis ay pinapakitaan mo talaga ng ugali mo? Ano ba ang problema mo, ha? Tapatin mo nga ako.”

Nanatili akong walang imik habang nakatanaw sa labas ng bintana. Kahit pa ang dami kong gustong ilabas na hinanakit ay hindi ko na ginawa pa dahil wala akong gana.

“Gisselle, kinakausap kita! Punyeta!” nanggagalaiting sigaw ng ama ko na pilit na kinakalma ng asawa niya.

Pinatigas ko ang mukha ko nang hindi ko mapigilan ang damdamin na sumama. Hindi ko na napigilan pa ang sarili dahil sa biglaang pagsigaw nito.

“Ano na naman ba, Dad? Pilit n’yo akong pinipigilan at pinapatahimik noong mga panahon na gusto kong magsalita, ngayon naman na nananahimik na ang buhay ko ay saka n’yo ako papayagang magsalita? Kung ano man ’yong problema ko, hindi n’yo na kailangang marinig pa dahil unang-una ay wala naman kayong pakialam sa damdamin ko noon pa man. Hayaan n’yo na lang kasi akong mamuhay, tama na ang pangingialam sa mga gusto ko,” kalmado kong turan kahit pa gusto nang sumabog ng damdamin ko.

Natahimik ang mga ito na ikinatawa ko nang pagak.

Mayamaya’y nilingon ako ng ama ko na seryoso ang mukha. “Ano ba ang ikinasasama ng loob mo? Alam mo, Gisselle, pinapakialaman ka namin dahil nag-aalala kami sa ’yo at mahal ka namin. Kailangan naming mangialam sa buhay ng anak namin lalo na kung alam naming maipapahamak mo ang sarili mo sa mga ginagawa mo.”

Muli akong natawa nang pagak at sarkastiko itong tiningnan. “Really, Dad? Pinakikialaman n’yo ako out of love and care? Then what about the old me? You probihited me from my hobbies and fashion! You changed me just to fit your criteria as your daughter! It affected my mental health dahil pinagbawalan n’yo ako sa mga gusto ko! Pinagbawalan n’yo akong maging ako, at bakit? Dahil gusto n’yong maging si Kisses ako! Dad, kambal lang kami pero hindi kami iisa ng utak! You are a selfish father!”

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko matapos kong sabihin iyon. Ayoko sanang magsalita patungkol doon ngunit masyado akong dinala ng damdamin ko. Nakakainis na.

Pagdating sa bahay ay agad akong nagkulong sa kuwarto ko. Hindi na ako nag-abala pang kumain at itinulog na lamang ang sama ng loob.

Pagpasok ko sa klase kinabukasan ay wala akong kagana-gana. My friends keep on asking me what’s wrong and what happened yesterday, ngunit pinanatili kong sarado ang bibig at humingi na lang ng pasensiya sa kanila dahil hindi ako nakasama kagabi.

Si Kisses ay pasulyap-sulyap sa akin habang nagsasagot ako sa exam namin. I ignored her since wala ako sa mood para i-entertain pa ito.

Pagkatapos kong magsagot ay ipinasa ko na ’yon sa prof namin, saka nagpaalam. Lumabas ako ng room nang hindi nakakausap nang matino ang mga kaibigan ko. Mas okay na rin iyon at baka masira pa lalo ang araw ko.

Maaga ang uwian namin ngayon dahil sa exam. Alas once pa lang kaya ako na ang magkukusang pumunta sa huling hantungan ko, alam ko naman na busy pa ang mga magulang ko nang ganitong oras. Ayoko namang maghintay pa sa mga ito mamayang alas doce y media para ihatid ako.

Pumasok ako sa shop ko’t muling um-order ng makakain. Tumambay lang ako ng ilang saglit doon para mag-unwind lalo’t kakaunti pa lang ang mga customer.

Uminom ako ng tubig matapos ubusin ang kinakain, saka bagot na nangalumbaba habang nakatingin sa screen ng phone ko. Naroon pa rin ang friend request ni Guevarra na hindi ko pinapansin. Nagawa ko ring ignorahin ang mensahe niya na isang ‘Hi’ lang naman. Bahala siya riyan.

Nang mabagot ako roon ay bumalik ako sa kotse at doon tumambay nang ilang minuto. Tulala kong pinagmasdan ang iilang estudyante na lumalabas na ng school.

Nakita ko pa ang text ni Dad sa akin na sinasabing magtungo ako sa police station na hindi ko na tinugon pa.

Whatever. Talaga namang pupunta ako roon dahil ayokong madagdagan ang parusa ko oras na indian-in ko ’yong pulis na ’yon. Tsk.

Napahinga na lamang ako nang malalim at nilisan ang lugar na ’yon. Sa biyahe ay halos wala ako sa sarili, tulala ako sa kalsada na tinatahak ko papuntang impyerno.

Hindi ko nga halos nasundan ang mga pangyayari bago ako nakarating sa presinto.

Napapikit na lamang ako habang nakahawak sa manibela. Wala akong kagana-ganang magbanat ng buto ngayon, lalo pa’t naaalala ko ang nangyari kagabi. I want to say sorry to Guevarra dahil sa naging ugali ko kagabi, pero para akong kinakain ng kahihiyan sa binabalak ko. Malakas akong napabuga ng hininga, bago napagpasyahang bumaba ng sasakyan.

Binati pa ako ng mga pulis na tinugunan ko naman agad kahit na wala sa loob ko.

“Sir...”

Mula sa pagliligpit ng mga papeles nito ay napalingon ito sa akin. Tahimik lamang itong nakatayo sa gilid ng desk niya, talagang napakatangkad na lalaki.

Agad akong nag-iwas ng tingin nang may maalalang masamang nakaraan.

“Sorry po sa naging ugali ko kagabi,” pagpapakumbaba ko na ikinatigil nito. Ilang saglit niya pa akong tinitigan, bago mapangiti at inilapag sa desk ang mga inayos na papeles.

“Okay lang. Maupo ka muna,” ngiting aniya at naupo sa kanto ng desk niya. Naupo naman ako at tumikhim. “Ang aga naman ng uwian n’yo. Kumain ka na ba? At nasaan ang parents mo?” pang-uusisa nito.

Mariin kong kinagat ang ibabang labi at napayuko. “Kumain na ho ako. ’Yong parents ko naman po ay hindi pa available nang ganitong oras kaya ako na po ang kusang nagtungo rito,” mahina kong turan na ikinatango niya.

“Uh-um. Mabuti naman.” Ngumiti siyang muli at tumitig sa akin. “Pakakainin mo ang mga hayop ngayon at maglilinis ng mga kalat dito. Isalansan mo rin ang mga goods na ito at i-repack. May nakasulat naman diyan kung ilan at ano ang ilalagay mo sa isang maliit na box, okay? Kapag hindi mo natapos ay kami na rin ang gagawa niyan mamaya kapag wala na masyadong trabaho,” aniya at inginuso ang mga karton ng kung ano-anong pagkain.

May mga karton din doon na maliliit at nakatupi pa, tila ako pa ang magta-tape ng mga ’yon. Napakarami niyon at natitiyak kong ipamimigay nila sa mga nangangailangan.

Not bad. Kaysa naman tumunganga lang sa upuan, mas okay na ’tong may ginagawa.

Inilapag ko ang bag sa upuan at pinatunog ang mga daliri.

“Sa sabado ay agahan mo ang punta rito. May gaganapin kaming tree planting activity, tiyak na mag-e-enjoy ka at makakakaiwas sa bisyo,” dagdag pa nito na nagawa pang isingit ang bisyo na ’yan.

Tumango na lamang ako rito at napa-asik nang lihim.

Nagpakain muna ako ng mga ampon niyang hayop sa labas, bago bumalik sa loob para magligpit ng mga kalat at maglinis. Matapos n’yon ay nagsimula na akong mag-tape ng puwetan ng mga karton. Ginawa ko ang ipinag-uutos ni Kamatayan, at madali lang naman dahil may listahan naman ng mga ilalagay ko sa box. May mga bigas pa na kasama at kung ano-anong de lata’t gatas.

Ano kaya ang mayroon at may ganito silang pakulo?

Ganoon lang ang ginawa ko hanggang sa mag-alas tres. Tumayo ako’t dumeretso sa banyo para magbawas ng tubig. Malinis naman ang banyo nila rito kaya hindi nakakadiri gumamit. Matapos ay naghugas ako ng mga kamay.

Pagbalik ko roon ay nakita kong may hawak na isang plastik ng meryenda si Guevarra at tila kapapasok lang.

Nagkatinginan kami ngunit ako na ang unang umiwas at kumuha ng tubig sa water dispenser nila rito.

“Kumakain ka ba ng kamoteque?”

Saglit ko itong nilingon habang umiinom at umiling. I never tried it, kahit pa paminsan-minsan ay iyon ang ginagawang meryenda ni Mom at Ate Melda sa tuwing may anihan ng kamote sa amin. I don’t eat sweet potatoes.

Bumalik ako sa sahig at nagsimula ulit sa ginagawa. Ngunit agad din akong natigilan nang bigla na lang itong nag-squat sa gilid ko at inalok na naman ako ng pagkain niya.

“Ayaw mo talaga? Masarap naman ito. Marami pa naman akong binili,” wika nito na para bang kinokonsensiya pa ako.

Lihim na tumaas ang kilay ko at pinagmasdan ang hawak niya. “Hindi ho ako lumulunok ng kamote, Sir. Isa pa ay hindi pa naman po ako gutom,” kaswal kong turan na ikinatawa niya.

“Kahit tikim lang? Promise, masarap naman ito at malinis. Kahit mga mayayaman dito ay kumakain nito,” pangungulit pa niya na ikinahinga ko nang malalim.

Kinukulit na ako ni Kamatayan para tikman ang lason niya. Kinakabahan na ako sa kahahantungan nito.

Tiningnan ko pa muna ito saglit na nag-aabang sa gagawin ko, bago sumuko at kumuha ng isang piraso. Kinagat ko iyon sa harapan niya at nilasap.

Natigilan ako dahil sa lasa, at dahil na rin sa paraan ng pagtingin nito sa labi ko’t mga mata. Palipat-lipat ang tingin nito sa mga ’yon na ikina-asiwa ko bigla.

Nang tumikhim ako ay saka lang ito natauhan sa paninitig sa akin. Narinig ko pa ang mapang-asar na sipol ng isang kasamahan niya na nasa gilid lang namin at nakita ang buong pangyayari.

Nagkamot ng batok si Guevarra at mariing hinagod ang buhok habang naka-iwas ng tingin sa akin.

“M-Masarap pala ito,” sabi ko na totoo naman. Tumingin tuloy ito sa akin at ngumiti.

“Gusto mo pa?” Inilahad niya ang plastik sa akin kaya naman kumuha ako roon bago magpasalamat.

I didn’t know na magugustuhan ko pala ang lasa nito. Sa paningin ko kasi ay parang hindi masarap.

Bago sumapit ang alas seis ay tumigil na ako sa ginagawa at nag-inat ng katawan. Inayos ko na lamang ang mga karton at iginilid, bago maupo sa upuan at huminga nang malalim.

Ramdam ko agad ang antok kahit na napaka-aga pa, siguro’y dahil sa kapaguran. Kinusot ko ang mga mata at ch-in-eck ang phone. Nabasa ko agad ang mensahe ni Mom na nagsasabing hindi sila makakarating ngayon dahil naaksidente pala sila. Nasa hospital sila ngayon habang si Dad ay nasugatan.

Natigilan ako dahil sa nalaman at nalungkot.

‘Okay po. Take care. Ako na lang ang uuwi mag-isa ngayon, Mom.’

Matapos kong i-send ’yon ay nag-angat ako ng tingin kay Guevarra na biglang tumayo.

“Hindi makakarating ang parents mo kaya naisip ko na ako na lang ang maghahatid sa ’yo pauwi para masiguro ko ang kaligtasan mo,” biglang anito na ikinamaang ko.

What?!

“Ayoko pa pong umuwi ngayon. Huwag mo na akong ihatid, gagala ako ngayon, Sir,” tutol ko rito dahil masyado akong inatake ng kaba sa sinabi nito. Alibi ko lang naman iyon para hindi niya na ako ihatid sa amin. At saka wala naman akong balak na gumala dahil nakakakonsensiya rin kung maglalakwatsa ako ngayon habang ang magulang ko ay nasa hospital.

Namulsa ito matapos isuot ang sumbrero. “Ano ba ang rason mo at ayaw mong umuwi sa inyo? May hindi ba kayo pagkakaunawaan ng parents mo?”

Pasimpleng gumalaw ang panga ko ay ikinuyom ang kamay. “Not your business, Sir. Hindi na po ’yan sakop ng trabaho n’yo sa akin,” mahina kong sambit at kinuha ang bag ko.

Pansin ko ang pagkatigil nito na ikinalingon ko rito. Ako lang ba o talagang nakita kong umigting ang panga nito?

Kahit hindi halata ay napansin ko ang bahagyang pagsimangot nito. “I see, pero hayaan mo akong escort-an ka pauwi sa inyo. Iyon ang sabi ng Mama mo sa akin kaya hindi ka puwedeng umangal.”

Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang sumunod dito. Lumapit ito sa motor niya at may kinalkal doon, samantalang ako ay natigilan nang may makitang mga katawan ng talbos ng kamote. Putol-putol na iyon at nasa gilid lang.

Tila naman napansin nito ang tinitingnan ko kaya tumigil ito sa ginagawa.

“Gusto mong i-uwi? Puwede mong itanim ’yan, para sa mga susunod na buwan ay may mga kamote ka nang aanihin.”

Tila lumaki ang ulo ko sa narinig. Pinag-iisipan ko pa nga lang iyon pero sige na nga. Itatanim ko na lang oras na magkaroon ako ng libreng oras sa bahay.

Tumango ako rito at ngumiti nang tipid. “At saka puwede rin po bang makahingi ng buto ng sunflower n’yo? Magtatanim po kasi ako sa tapat ng bahay namin.” Tatalbugan ko lang ang mga maliliit na bulaklak ni Kisses doon. Tiyak na maiinggit iyon sa akin kapag lumaki na ang mga sunflower na itatanim ko.

Natawa ito bigla at binitiwan ang helmet. “Okay. Marami akong naipong buto ng bulaklak dito. Ibibigay ko na lang sa ’yo since marami na rin akong sunflower sa bahay.” Bumalik ito sa loob at paglabas ay may hawak nang maliit na plastik. “Mahilig ka rin ba sa pagtatanim?” aniya pagka-abot sa akin ng mga buto.

Mabilisan akong umiling at nagpasalamat dito. “Noon ay hindi ho ako mahilig, ang pamilya ko lang. Pero ngayon ay tila gusto kong subukan.”

Tumango ito at ito na ang kumuha ng mga katawan ng talbos ng kamote. Ipinasok niya iyon sa kotse ko na ipinagpasalamat ko rito.

Bago ako sumakay ay nagpaalam pa muna ako sa mga kasamahan nito, saka namin nilisan ang lugar na iyon...

Related chapters

  • Loved and Chained   Kabanata 6

    Gisselle Sa likod ko lang nakasunod si Guevarra na katamtaman lang ang takbo ng motor. Umismid ako. I don’t understand this guy. Parang may kakaiba sa kaniya. Hindi ko lang masabi kung ano. I still don’t trust him, nakakatakot nang ibigay muli ang tiwala sa mga tulad niyang pulis. Bakit kaya ito concern na concern sa akin? Naiinis ako dahil ayoko nang ganito. Pakiramdam ko ay bumabalik ako sa nakaraan ko na pilit ko nang ibinabaon sa limot. Inihinto ko agad ang sasakyan nang maramdaman kong sumama na naman ang pakiramdam ko. Later on, I saw myself gasping for air. Mariin kong ipinikit ang mga mata habang mahigpit na nakahawak sa manibela. Damn it! Iniling-iling ko ang ulo upang damhin kahit papano ang sarili. Ramdam ko ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko kasabay ng pagsakit ng dibdib ko. Suminghap ako’t pinukpok ang dibdib.

    Last Updated : 2021-09-09
  • Loved and Chained   Kabanata 7

    Gisselle Mabilisan kong nilinis ang mga bintana nila rito para walang say sa akin ang Mister Joseph na ’yon. Nilinis ko rin ang istasyon nila na halos kulang na lang ay wisikan ko ng bleach para pumuti. Panay ang sulyapan namin ni Julius habang natatawa sa pinaggagagawa namin dito. Hindi naman ako nabagot doon lalo’t may kasama ako at suwerte pang kabarkada. Nagtatanim ito sa labas at nagbubungkal ng lupa. Samantalang ako ay naririto sa loob. Hinihintay kong sa labas kami nitong police station madestino. Tiyak na mas mae-enjoy ko iyon dahil nakaka-boring din habang tumatagal ako rito sa loob. “Gisselle, ayusin mo na itong mga nagulong papel dito,” pukaw sa akin ni Sir na ikinatingin ko rito. Binitiwan ko ang basahan na hawak at lumapit dito. Tulad ng ipinag-uutos nito ay iyon din ang agad kong ginawa, habang ito naman ay tahimik sa desk niya at abala.

    Last Updated : 2021-09-10
  • Loved and Chained   Kabanata 8

    Gisselle Si Juls ang nagbubungkal ng lupa, habang ako naman ay ang nagbabaon ng halaman doon. Medyo nahirapan lang ako sa pagtanggal ng seedling plastic bag ng halaman dahil natatakot ako na baka masira ko pati ang ugat niyon. “Juls, saan ba nakakabili ng mga ganitong halaman?” tanong ko sa kaibigan habang inaalis ang itim na plastik. Hindi naman ito kalayuan sa akin habang nagbubungkal ng lupa gamit ang pala. Napalingon naman ito sa akin at ambang sasagot nang may umeksenang boses. “Sa bayan, sa tabi-tabi kung saan maraming tao,” ani Guevarra na nasa gilid ko lang at nakikinig. Agad na tumaas ang kilay ko ngunit naibaba rin nang lingunin ako nito. “Hindi ba’t haciendero ang Dad mo? Tiyak na maraming ganito sa inyo,” dagdag pa nito na ikinabuga ko ng hangin. “Yes, Sir. Marami ngang ganito roon pero hindi naman akin, at hindi ko rin binibigyang pansin noon. I

    Last Updated : 2021-09-11
  • Loved and Chained   Kabanata 9

    GissellePagdating sa bahay ay inabutan namin ang napakatahimik na sala.Umidlip lang ako sandali, at nang magising ay bangag pa.Alas tres y media na pala...Marahan akong tumayo sa couch ng sala na ginawa kong kama, saka naglinis ng sarili. Si Dad lang ang naabutan kong tao sa bahay kaya naman nagtaka ako.Nasaan kaya ang iba?Nagkibit-balikat ako’t kinuha ang mga buto ng sunflower ko at katawan ng talbos ng kamote. Balak kong itanim iyon ngayon habang may oras pa. Hindi ko alam ang kapalaran ko kinabukasan, baka kaladkarin pa rin ako ni Dad sa presinto kahit na magdahilan pa akong nilalagnat. Pero gusto ko talaga ng day-off bukas para makapagpahinga naman ako.Pagdating ko sa likod ng bahay ay sinalubong ako ng napakalawak na palayan at maisan. Si Dad naman ay hinihimas ang alaga niyang kabayo habang kasama ang mga trabah

    Last Updated : 2021-09-12
  • Loved and Chained   Kabanata 10

    GisselleKahit napipilitan ay lumapit ako rito, kasunod ko si Julius na nakatungo at hindi makatingin nang diretso sa pulis na galit na galit na ngayon.“Ano na naman ba ’tong ginagawa n’yo, ha? Puro na lang kayo kalokohan!” wika agad ni Guevarra na ikinayuko ko.“S-Sorry po, Sir. Hindi na po mauulit,” anang Julius na siniko pa ako nang hindi ako humingi ng tawad. Ngumuso lang ako at nag-iwas ng tingin. Natahimik si Guevarra habang ino-obserbahan kaming dalawa ni Juls.Mayamaya’y namaywang ito at napahawak sa panga niya. “Bata, pumasok ka sa loob at mamaya kita kakausapin,” kalmadong aniya habang seryoso ang mukha.Pero duda ako rito, kaya nang pumasok sa loob si Julius ay umatras na agad ako na ikinatingin ni Guevarra sa akin.“Halika rito. Lumapit kang pasaway ka,” mariin niyang t

    Last Updated : 2021-09-13
  • Loved and Chained   Kabanata 11

    GisselleNaalis lang dito ang tingin ko nang magsibabaan mula sa van ang tila mga kasama nitong kalalakihan na matitikas ang katawan. May mga kasama ring babaeng tila asawa at mga paslit, kaya naisip ko na baka kapamilya niya itong mga ’to. Sa palagay ko rin ay mga uncle niya ang iba rito na aniya’y mga dating sundalo, kaya naman pala may tangkad at ang laki ng katawan.Ano’ng ginagawa nila rito nang ganito ka-aga?Tumikhim na lamang ako at itinaas ang hood sa ulo, pati ang mask ko ay inayos ko rin dahil alam kong hanggang ngayon ay namumula pa rin ang pisngi ko mula sa pagsampal sa akin ng ama ko.Hindi ko na tinangkang tumingin pa sa kanila at binalingan na lamang ang kape ko. Naisin ko mang umakyat sa itaas ay hindi ko magawa dahil nakita na rin naman na ako ni Guevarra, at isa pa ay nakakahiyang dumaan sa banda nila na ngayon ay umo-order na.

    Last Updated : 2021-09-14
  • Loved and Chained   Kabanata 12

    Gisselle “GISSELLE, saan ka raw ba nagpupupunta? Nag-aalala na ang magulang natin, o.” Walang gana kong nilingon si Kisses sa tabi ko at napahinga nang malalim. “Pakisabi huwag nang mag-alala. Kaya ko naman ang sarili ko, at kita mo naman na buhay na buhay pa ako ngayon. So, hayaan n’yo na ako, please lang,” nababagot kong turan na ikinanguso nito lalo. Hindi na ito nangulit pa kaya nangalumbaba ako at ibinalik sa bintana ang tingin. Sa unahan ko ay si Thea na hindi ako pinapansin, tiyak na nagtatampo dahil sa ginawa ko noong nakaraan. Tss. Hindi naman sila malaking kawalan sa buhay ko. Malapit na rin pala ang bakasyon. Pagtapos ng community service ko ay uuwi ako nang mag-isa sa Iloilo para magpahinga. Pagkatapos ng klase ay agad akong umalis ng school. Pinuntahan kong muli ang bahay na maaari ko nang tirhan habang inaayos

    Last Updated : 2021-09-15
  • Loved and Chained   Kabanata 13

    GissellePero ang kasiyahan naming iyon ay naputol dahil sa biglaang dagundong ng kulog. Mukhang uulan pa ata. Nagkatinginan kami ni Guevarra sa hindi malamang dahilan.Ako na ang naunang nag-iwas ng tingin dahil sa kakaibang kabog ng dibdib ko.“Mukhang uulan pa ho ata. Kailangan ko na pong umalis,” paalam ko na ikinatingin nila sa akin.“Ganoon ba? Balik ka ulit dito sa susunod, hija, ha?” anang Tita Sam na nginitian ko lang. Hindi ko naman alam kung makakabalik pa ako rito. Ayokong mangako.Tumingin ako kay Guevarra para magpaalam. Tiningnan lang ako nito na para bang mabigat pa sa loob nito na paalisin ako. Sa huli ay napahinga ito nang malalim at tumayo.Nagpaalam ako sa mga tita at tito niya bago kami makalabas ng bahay. Pero nabigla ako nang mapansin na malakas na pala ang ulan sa labas.What the hec

    Last Updated : 2021-09-15

Latest chapter

  • Loved and Chained   Wakas

    Carlos Joseph Guevarra Hindi ko inaasahan na sa isang gabing iyon, may makikilala akong babaeng magpapabago sa buhay ko. Ako na ata ang pinakasuwerteng lalaki sa gabing iyon. “Sir, may isa kaming nahuli.” Hindi ito makatingin sa akin at mukhang nagmamatigas pa kaya naman napailing-iling ako. Halatang mayaman na pasaway. Pero aaminin kong kaakit-akit siya tingnan. Kay gandang bata pero mukhang pasaway. “G-Gisselle Leanne Montehermoso y Louise, eighteen years old,” utal-utal na sambit nito habang ino-obserbahan ko ang kilos. Halatang natataranta ito dahil sa takot. Inabutan ko agad ito ng tubig para kahit papaano ay kumalma. Eighteen years old? Napakabata pa nito tingnan kung tutuusin. Kaya naman bilang parusa nito ay pinatawan ito ng isang buwan na community service. Mabuti na nga lang at nakikipagtulungan ang ama niya sa amin.

  • Loved and Chained   Kabanata 31

    Gisselle“Wala ba kayong sasakyan?” tanong ko. Sa pagkakatanda ko ay hatid-sundo si Kisses ng driver niya. At si Hunter, may sarili ring sasakyan. Makaraan ang ilang sandali ay napapitik ako ng mga daliri. “Ah, gusto n’yo lang pala mamerwisyo sa akin.” Tumango-tango ako nang mapagtanto iyon.Ngumiti nang pang-asar sa akin ang kapatid ko.Umismid ako bago ibalik sa harapan ang tingin. Ano pa nga ba ang magagawa ko?Pagsakay nila ay agad kong pinaandar ang sasakyan. Sinulyapan ko pa ang mga ito na magkayakap sa backseat na ikinaismid kong muli.“Saan ka galing, Hunter? Tila kagagaling mo lang sa misyon, a,” biro ko rito na agad nitong tinanguan.“Oo, may minamanmanan kasi akong pugante sa school banda. May mga nakalap na akong impormasyon kaya uuwi na muna ako.”Natigilan tuloy a

  • Loved and Chained   Kabanata 30

    Gisselle“Uy, papaano nga kayo nagkakilala?” pangungulit ko rito nang makalayo kami. Bahagya ko pa itong hinila papunta sa mga sunflower kong tanim na naglalakihan na.Dinig ko buntong hininga ng lalaki bago ako hapitin sa baywang at halikan sa sentido. “Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Nagtatrabaho siya sa akin, nanghuhuli ng mga wanted na kriminal na may patong na pera sa ulo. Isa sa mga magagaling na tagahanap ko ang isang ’yon.”“Ah, bounty hunter.” Iyon ang naalala kong sinabi ni Hunter na trabaho niya noong unang beses niyang tumapak dito sa bahay. At ngayon ko lang nalaman kung ano ba talaga ang tinatrabaho nito. Noon kasi ay wala naman akong pakialam dito.“Hmm, yeah. Delikado ang trabaho niyan. Pero laking tulong nila sa amin para mahanap ang mga wanted na kriminal dito.”“May mga kai

  • Loved and Chained   Kabanata 29

    Gisselle Lalo pa akong nalubog sa kahihiyan nang tumabi sa akin si Kisses na halatang excited pa. Inis kong binawi ang braso mula rito na niyakap niya at bahagyang sumimangot. “Naku, naku. Bakit nakasimangot ka? Hindi ka ba masaya na seryoso sa iyo iyong policeman na iyon?” Masaya, pero—aist! Nahihiya at takot talaga ako kay Joseph at sa kaanak niya dahil sa ginawa ko. Hindi pa nga ako handang harapin sila dahil wala pa akong lakas ng loob. Hindi ako umimik kaya natahimik ang kapatid ko at napanguso. Damn. Tiyak na iba na ang iniisip ng pamilya at mga kamag-anak ko ngayon. Halos mapaigtad ako nang pumasok bigla si Ate Melda at dumeretso kay Dad. Alerto akong tumingin dito. “Sir, nariyan na ho ang mga bisita...” Shit! Para akong matatae sa kaba sa mga oras na iyon. Ambang tatayo pa ako nang i****k sa akin n

  • Loved and Chained   Kabanata 28

    Gisselle“Uncle, hindi ba kayo naliligaw sa bundok?” tanong ko rito na nasa unahan ko.Agad naman itong umiling at ngumisi. “Hindi, siyempre. Bago kami maka-graduate noon, na-encounter na namin ang land navigation course, so hindi puwede sa amin ang ligaw-ligaw na ’yan. ’Di bale nang mamatay, huwag lang mapahiya,” malokong turan nito.Hindi ko tuloy mapigilan ang mapahalakhak sa huli nitong sinabi. Oo nga pala, iyon ang motto niya sa buhay.“E, si Evan, Uncle. Ipapasok n’yo ho ba ’yan sa pagsusundalo? Parang lambutin, e,” wika ko na may halong pambabanas sa anak nitong matalim akong tiningnan.Rinig ko ang halakhak ni Uncle at biglang may tinagang ahas sa katabi nitong puno—na para bang nanghampas lang ng lamok.“Ay!” Napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mga mata.

  • Loved and Chained   Kabanata 27

    Gisselle Nagbihis na lamang ako ng itim kong bestida bago ayusin ang buhok. Tinirintas ko iyon matapos patuyuin, saka bumaba sa sala. Makailang ulit kong pinaikot sa daliri ang hawakan ng keychain ko kung saan nakakabit ang susi ng kotse ko. “O, saan ka naman pupunta?” Napaatras ako nang muntik ko nang mabangga si Armando na nakasalubong ko sa main door. Sinamaan ko ito ng tingin bago lumusot sa gilid nito. “Chismoso ka masyado,” pang-uurat ko sa pinsan kong medyo barumbado rin. Tulad lang ng kuya niyang si Alessandro. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa mga anak ni Uncle Steve? Mana-mana lang sila ng ugali sa ama nila. “Sama ’ko, pinsan,” anito’t hinabol pa ako para akbayan. Inis kong inalis ang napakabigat na braso nito at agad na pumasok sa sasakyan ko. Ngunit inis akong napabuga ng hininga nang hilahin nito ang baywang ko palabas ng kotse. P

  • Loved and Chained   Kabanata 26

    GisselleHindi masyadong naging masaya ang buhay ko noon. Ramdam kong may kulang, at alam kong resulta iyon ng kinikimkim kong galit at pait—na naging dahilan ng pagdistansiya ko sa sarili kong pamilya. Akala ko kasi kapag ginawa ko iyon, masa-satisfy ako sa ninanais kong paghihiganti. But in the end, ako lang din ang nagmukhang kawawa.I just realized how tired I am, nakakapagod na. Kaysa igugol sa paghihiganti ay ilalagay ko na lang sa tahimik ang buhay ko, I need to set aside my pride. Tama si Guevarra sa mga sinabi niya noon, I just need time to think and analyze my thoughts and feelings. Hindi dapat pinangungunahan ng galit ang bawat desisyon.Pero ginawa mo kahapon. Umalis ka dahil pinangunahan ka ng galit, Selle. So?Marahan kong kinagat ang ibabang labi dahil sa bulong ng sarili ko sa akin.Napahinga ako nang malalim at tumikhim. “Sorr

  • Loved and Chained   Kabanata 25

    Gisselle Nagsisisigaw ito habang ang nanay naman niya ay sinabunutan din ako. Isang malakas na sabunot sa babae ang iginawad ko’t binitiwan, bago ibaon ang kuko sa kamay ng ginang, dahilan para mabitiwan nito ang buhok ko. Ngumisi lamang ako at bahagyang sinuklay ang medyo nagulong buhok. Saglit ko pang sinulyapan ang dalawa, bago ilibot ang paningin sa mga kapit-bahay nila na tila tuwang-tuwa pa sa ginawa ko. Nagkibit-balikat lamang ako bago umalis sa lugar na iyon. Pinaka-ayoko sa lahat ay dinadamay ng iba ang lola kong namayapa na, at ang nakaraan niyang trabaho na pilit isinasampal sa mukha ko. Pati ang nanay ko na nananahimik na ay idinamay niya pa. Umirap ako sa kawalan habang nagmamaneho. Pagdating ko sa bahay ay nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Gigil na gigil ako sa babaeng iyon at sa isip ko ay kinalbo ko na iyon. Padarag kong dinampot ang phone

  • Loved and Chained   Kabanata 24

    GisselleLulan kami ng sasakyan ko papunta sa SeLeanne. Iyon ang naisip niya bago kami magtungo sa mga bilihan ng mga souvenir—ng keychains ko. Hindi ko alam kung may ideya na ba siya na ako ang may-ari n’yon, o baka wala talaga. Posible rin na may hinala na siya at hinuhuli lang ako kaya gusto niya roon. Ewan, hindi ko alam.Pagdating namin doon ay ipinarada ko ang sasakyan sa naka-reserve na espasyo. Agad akong bumaba bago pa ako pagbuksan ni Joseph.Iiling-iling na tiningnan ako nito bago akayin papasok. Pagbukas pa lamang namin ng glass door ay napalingon na sa amin ang mga schoolmates kong nagtatrabaho roon. Napatayo ang mga ito nang tuwid at ngumiti sa amin.“Good morning, Ma’am Gisselle, Sir...”Bumati kami pabalik ni Joseph bago um-order. Maganda ngayon tumambay rito lalo’t hindi ganoon karami ang kustomer na naririto. M

DMCA.com Protection Status