Gisselle
Inis kong hinilot ang sentido at napairap nang lihim. Maka-ilang ulit kong kinusot-kusot ang mga talukap na nais nang magsara dahil sa kaantukan.
“Hoy! Matutulog ka na? Huwag muna, ha!”
Bahagya akong nag-angat ng tingin kay Althea at inis na umismid. “Anong oras pa ba kasi natin ito tatapusin? Haler, hindi naman tayo mga aswang na panggabi ang raket, ’no. May bukas pa, Thea.”
Nagkamot ito ng kilay at napanguso. Wala itong nagawa kundi ang ligpitin ang mga banner na ginawa namin. Tumulong na rin ako sa pagligpit ng mga kalat namin dahil hating-gabi na at heto pa rin kami at abalang-abala.
Kung hindi lang para sa grades, at sa mga dancer namin na representative ng section namin para sa isang activity na gaganapin sa school ay hindi ako mag-aaksaya ng oras at pagod dito. Ligtas nga kami mula sa pagsasayaw, hindi naman sa ganito na paggawa ng props.
“Oh, gabing-gabi na. Matulog na kayo.”
Napa-ayos ako ng tayo nang marinig ang boses ni Auntie Melanie, Althea’s older sister, na kapatid naman ni Mom. Ito na lamang ang kasa-kasama ni Thea rito sa bahay nila dahil nagsipag-asawa na ang mga nakatatandang kapatid niya.
“Oo, ’te. Saglit na lang ito at nagliligpit na kami,” anang Thea at pinagsasalpak sa lagayan ang mga gamit namin.
“At ikaw naman, Gisselle, kanina ka pa hinahanap ni Ate Keehana at ng Papa mo. Umuwi ka na rin,” baling sa akin ni Auntie na ikinatango ko nang walang imik.Nagpaalam lang ako sa kanila, matapos ay dumeretso sa labas. Magkatapat lang naman ang bahay namin ng mga auntie ko kaya walang problema kahit pa gabihin ako sa bahay ni Thea.
“Psst, Kisses!” sitsit ko sa kapatid nang makita ko ito sa sala ng bahay at may isinusulat. Agad naman itong lumingon sa akin. “Where are they?” dugtong ko na agad naman nitong tinugon.
“Nasa itaas na at baka tulog na. Kanina ka pa nila hinahanap dahil hating-gabi na. Lagi ka na lang daw nagpupuyat,” anito na ikinakibit-balikat ko.
Dumeretso ako sa kuwarto ko at pabagsak na nahiga sa marangyang kama.
Hindi agad ako nakatulog dahil tila nawala bigla ang antok ko. Hindi ko tuloy naiwasan ang pagkatulala sa nangingislap na kisame ng kuwarto ko.
It’s full of stars, kumikinang at nakaka-aliw tingnan. Akong-ako noong bata pa ako hanggang sa paglaki ko, pero ngayong disi-ocho na ako ay nagbago na ang lahat. Too painful to even think about those dark days of mine that made me like this...
Tanghali na ako nagising kinabukasan. Naabutan ko pa ang manliligaw ni Kisses na hindi ko maintindihan kung anong klaseng tao.
“Good morning po. Si Kisses?”
Blangko ko itong tiningnan habang sumisimsim ng tubig. Ang aga naman nito mambuwisit dito. Usually ay mga hapon o gabi ito dumadalaw para umakyat ng ligaw sa kapatid ko.
Umangat ang kilay ko matapos ilapag sa mesa ang baso. “Gumagawa pa ata ’yon ng schoolworks niya lalo’t weekend ngayon. Busy ang kapatid ko,” kaswal kong sambit na ikinatango niya.
Hindi na ako umimik at nagtungo na lang sa kusina para tingnan kung may pagkain na ba. Good thing mayroon na.
“Ate Melda, where’s Dad and Mom?” sigaw ko habang nagsasandok ng pagkain. Saglit ko pa itong tinanaw mula sa bintana, at nakita ko itong nagbabalot ng mga gulay at prutas kasama ang mga kalalakihan sa ilalim ng puno, sa tabi lang din ng bahay.
“Umalis sila, hija. Baka mamayang hapon pa ang dating nila...”
Oh, okay. Nagpasalamat ako rito bago bumalik sa sala, na ikina-angat ng tingin sa akin ng lalaking sa pagkakatanda ko ay Hunter ang pangalan.
“Umalis ang parents namin kaya ligtas ka kay Dad. Pero oras na kantiin mo ang kapatid ko at ipahamak ay ipapahiram ko sa ’yo ang mukha ng kalabaw namin,” mariin kong banta rito na ikinatango niya habang seryoso pa rin ang mukha.
“Okay, kumain ka na ba? May pagkain pa roon. Aalis din ako ngayon,” wika ko pa. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagbaba ni Kisses mula sa ikalawang palapag ng bahay. Umismid na lamang ako. “Kisses, palamunin mo na ’tong manliligaw mo at baka gutom na. Aalis ako,” baling ko rito na hindi na hinintay pa ang tugon nila.
Pagkatapos kong kumain at mag-ayos ay dumeretso ako kay Thea na naabutan kong hinihintay na pala ako sa tapat ng bahay nila.
“Hay! Grabe ka-init dito!” reklamo nito bago sumakay sa sasakyan ko.
Pabiro akong umirap. “Malamang, tanghali na,” pamimilosopo ko rito na ikinatalim ng tingin niya sa akin. “Teka, saan ba banda ’yong meeting place natin? At ’yong mga props, okay na ba?” Kunwari pa akong concern, pero ang totoo ay tinatamad na talaga ako sa mga ganitong pakulo.
“Oo, wala na akong nakalimutan. ’Yong tagpuan ay roon daw sa park dito banda sa inyo. What do you think?”
Napahinga ako nang malalim sa kabagutan. “Wala na akong masasabi riyan. Okay naman doon.”
I’m looking forward for this school activity to end. Para makapag-bar ulit kami ng mga kaibigan ko.
Sa kalsada ay may naabutan kaming nagkabanggaan na sasakyan. Nagdulot tuloy iyon ng pagbagal ng daloy ng trapiko na ikinabanas ko lalo.
Mabuti na lang at naka-alis din agad kami roon. I cannot stand seeing those men in uniform, baka rito pa ako atakihin ng anxiety ko.
“Uy, okay ka lang?” kalabit sa akin ni Thea nang mapansin ang bahagyang paghinga ko nang malalalim at sunod-sunod.
Tipid lang akong tumango rito at hindi na umimik pa. Nakarating kami sa meeting place ng grupo namin na medyo late na kaya naman halos lahat ay naroon na.
Lihim akong napairap at tahimik na naupo sa damuhan.
“Heto na ang natapos namin ni Gisselle kagabi. Kakaunti na lang ang tatrabahuin ng mga nakatoka sa props ngayon, at sa mga dancers naman natin ay gamitin n’yo ang oras na ’to para mag-practice. Bukas na ito ipe-perform kaya dapat ay malinis na ang lahat ngayon,” anang Thea na siyang leader namin sa grupo. Ako naman ang ginawa nitong assistant na hindi ko na natanggihan lalo’t para rin ito sa grades namin.
“Okay, pero ano bang oras tayo uuwi?” sabat ko na ikinatingin nila sa akin lahat. Tiningnan nila ako na para bang tinubuan ako ng dalawang ulo.
“Are you serious, Gisselle? Wala pa nga tayong nasisimulan ay uwian na agad ang nasa isip mo. Sana okay ka lang,” sarkastikong ani Thea na ikina-ismid ko.
Gusto ko lang naman malaman, at least ay may ideya ako kung hanggang anong oras ako tutunganga rito.
Sa ilang oras naming pag-upo roon ay natapos namin ang lahat ng dapat na tapusin. Napangisi ako at tumayo habang nag-uunat ng katawan. Hay, sa wakas. Makakagala na rin ako.
“Selle, bar?” biglang lapit sa akin ni Jasmine na kapareho ko ng hilig.
Napangisi ako lalo. “Sure. Pagtapos ba nito?”
“Yeah, diretso na tayo. May natuklasan akong bagong bar diyan sa tabi-tabi. Yayain mo ’yong Tita Thea mo,” anito at naupo sa bench sa tabi ko.
“Saan ba banda? Baka cheap na bar lang ’yan, ha,” sambit ko’t iniligpit ang mga gamit.
Agad naman itong umiling at natawa. “Siyempre hindi, ’no. I don’t like cheap, doon ako sa mas galante.”
Tumango ako at tahimik nang pinagmasdan ang mga dancer namin na umulit pa ng pagsayaw para lamang masiguro ng leader namin na si Thea na maayos na ang lahat.
Palubog na ang araw at tiyak na mae-enjoy ko na naman ang gabing ito. Tapos na ang gawain namin kaya wala na akong poproblemahin ngayong gabi.
“Ano, puwede na ba umuwi? Bar tayo,” aya ko kay Thea paglapit nito sa puwesto ko. Napangisi pa ito bago bitbitin ang gamit.
“Sure, ako pa ba.”
Mga nasa walo ata kaming nagtungo sa bar na itinuro ni Jasmine. Ang mga dancer ay hindi nakasama dahil may gagawin pa sila bukas, samantalang kaming mga hindi naman sasayaw ay mag-e-enjoy ngayong gabi.
Pagpasok namin ay napatango-tango ako dahil hindi mukhang cheap. Okay na rin. Kakaunti pa lang ang mga tao kaya hindi pa ganoon kaingay.
Naisipan naming kumuha ng VIP room para walang istorbo.
Napahinga ako nang malalim at napangiti pag-upo ko sa napakalambot na upuan.
“Naku, Gisselle. Hindi ka na muna puwedeng umuwi nang late ngayon at may curfew raw nang alas diez. Rumuronda ang mga pulis diyan sa tabi-tabi at baka matiyempuhan ka,” anang Julius sa akin na ikinawala ng ngiti sa labi ko.
Napa-ayos ako ng upo at seryosong tiningnan ang kaklase kong lalaki. “What? Kaya nga ako sumama rito para late nang maka-uwi. Alam n’yo namang ayokong nakikisama ako sa Dad ko. Ano ba ang mayroon at nagkaroon pa ng pesteng curfew na ’yan?” banas kong sambit dahil tila mapupurnada pa ang kasiyahan ko ngayon.
Alas diez pa ang curfew, e, mas gusto kong umuwi sa bahay nang madaling araw. Buwisit naman.
“Ewan ko rin, e. Pero ang narinig ko ay dahil may mga lumalabas daw kasi na tulisan sa gabi at ilang bahay na ang nabiktima nitong mga nakaraang araw. Tapos palagi pang may nababalita na mga kabataang nagrarambulan sa kalsada nang hating-gabi at naninira ng mga sasakyan. Kaya ayun, ginagawan ng paraan ng mga pulis at ng mga opisyal dito para mabawasan ang ganiyang mga insidente. Makisama ka na lang,” tugon nito na ikinainis ko nang lihim.
Tsk. Hindi ko tuloy masyadong na-enjoy ang dapat na kasiyahan namin ngayong gabi. Panay ang isip ko kung saan ako puwedeng pansamantalang tumuloy ngayon para huwag lang umuwi sa bahay nang maaga, dahil sigurado akong uusisain lang ako ni Dad sa kung ano ang problema ko—and I don’t wanna talk about it with him. Ayoko.
Inis akong napapikit pagkatungga ko ng isang basong inumin na in-order namin. Samantalang ang ibang mga kasama ko na rich kid ay nakihalubilo sa ibaba. Naiwan kami nina Jasmine at Julius sa VIP room na kapwa mga nasa katinuan pa.
“Damn!” bulalas ko nang mapansin na panay na ang tawag sa akin ni Dad.
Malapit nang mag-alas nueve y media kaya tiyak na hinahanap na nila ako kanina pa. Tsk.
Nang maka-ilang beses kong hindi sagutin ang tawag ay natigil ito. Sunod na nag-pop up ang mensahe ni Dad na ikinainis ko lalo.
‘Gisselle, I’m warning you. Hindi ka na nakakatuwa. Umuwi ka na ngayon din at nag-aalala na kami rito. Kapag nadampot ka ng tanod o pulis diyan ay hindi kita tutulungan. Ang tigas ng ulo mo...’
Oh, sure. I don’t need his help. ’Yong kapatid ko na lang ang intindihin niya, tutal ay iyon naman ang paborito niyang anak.
Umismid ako’t pinatay ang phone.
Sakto naman ang pagdating ng ibang mga kasamahan ko na laylay ang mga balikat.
“We need to go, guys. Hanggang alas nueve y media lang bukas ang mga bar dito,” balita ni Thea na ikinakuyom ng kamay ko.
Wala tuloy kaming nagawa kundi ang lisanin ang bar na ’yon. Itinapon ko ang sling bag ko sa loob ng kotse matapos magbayad para sa sarili kong bill.
“Paano ba ’yan? See you tomorrow na lang, guys. Pasok pa rin kayo bukas para masuportahan natin ang mga dancer natin,” pahabol pa ni Thea bago sumakay sa motor ng nobyo niya na sinundo siya rito.
Tumango ang mga kasamahan namin, maliban sa akin dahil wala naman akong balak pumasok bukas dahil wala namang klase. Mas gugustuhin ko pang tumambay sa ibang bahay, huwag lang tumunganga sa school at manood ng mga activity na ginagawa nila.
Pagka-alis ni Thea ay nakipagbeso pa sa akin ang mga kasamahan ko, bago sila unti-unting naglaho sa paningin ko.
Napailing-iling ako sa sarili bago pumasok sa sarili kong sasakyan. Maaga pa naman, tatambay muna ako sa park na pinuntahan namin kanina.
Tulad nga ng naisip ko ay nagtungo ako roon, ngunit laking dismaya ko nang mapansin na naka-lock na ang gate ng park. Patay na rin ang mga ilaw roon kaya naman napa-irap ako.
Sa pagkabanas ko ay nanatili na lamang ako sa loob ng sasakyan. Naka-park naman ako sa madilim na parte sa gilid ng park, patay rin ang ilaw ng sasakyan ko kaya hindi ako mapapansin dito.
In-adjust ko na lang ang upuan ng kotse para makapag-relax ako na ikinangiti ko rin.
Hindi naman maaaring galawin ni Dad ang kotse ko na ito dahil tinrabaho ko mismo ito noong hindi pa legal ang edad ko. Gusto ko lang maging praktikal dahil ayokong may maisumbat sa akin si Dad patungkol sa mga gamit ko, o worse ay bawiin pa kung sa kaniya galing. Ayokong umasa nang umasa sa magulang ko dahil pinatutunayan ko sa sarili ko na kaya ko nang buhayin ang sarili ko at independent na.
Kung hindi lang ako tinututulan ng pamilya ko na maagang bumukod ng bahay ay tiyak na payapa na ngayon ang buhay ko. Pero hindi, e. Gusto pa rin nila akong gawing bata tulad ni Kisses. Tsk.
Mariin kong ipinikit ang mga mata at ninamnam ang katahimikan ng paligid. This is what I need after my moments with friends—a peaceful and lonely time.
Ginawa kong unan ang mga kamay ko at matamang pinagmasdan ang kadiliman. May iilan pa akong sasakyan na nakitang dumaan na ikina-ismid ko na lang.
Curfew? Tss. Walang curfew-curfew sa akin. Hindi rin naman ako maaaring umuwi agad lalo’t bubungangaan lang ako ni Dad dahil sa mga pambabalewala ko sa texts at tawag niya.
Ilang minuto akong nakatambay roon nang maisipan kong buksan muli ang phone ko para aliwin ang sarili. Inignora ko lang ang mga mensahe na natatanggap ko mula sa pamilya ko. Maging si Aunt Thylane ay nagpadala rin ng mensahe sa akin na tinatanong kung nasaan daw ba ako. Malamang ay nakarating na naman doon sa Iloilo ang balitang hindi pa ako umuuwi. Tsk.
Huminga ako nang malalim at nag-browse lang sa internet para aliwin ang sarili. Kaunti lang naman ang nainom ko kanina kaya nasa tamang katinuan pa ako para mag-drive mamaya.
Mayamaya ay napaigtad ako nang bigla na lang lumabas sa screen ng phone ko ang pangalan ni Thea.
“Hoy, bruha! Alas diez na, umuwi ka na!” bungad nito sa akin na ikinapikit ko. Parang natulig bigla ang tainga ko sa pagsigaw nito.
Umirap ako sa kawalan at inilapag sa dashboard ang phone. “Ayoko nga. Sesermunan lang ako sa bahay, ’no.”
“Gaga! Papaanong hindi ka sesermunan, e, ayaw mong sumunod sa mga magulang mo? Umuwi ka na nga! Teka, nasaan ka ba ngayon?”
Huminga ako nang malalim at napangisi. “Secret. Hayaan n’yo na lang muna ako ritong mapag-isa. Gusto ko lang ng kapayapaan,” buntong-hininga kong wika at binalingan ang heels na suot. Inalis ko iyon sa paa at inihagis sa passenger seat.
“Loka ka talaga. Kapag ikaw talaga nadampot ng awtoridad diyan ay makikita mo talaga ang kapayapaan na hinahanap mo.” Ramdam ko ang inis sa tono nito na binalewala ko lang.
“So what? Edi hulihin nila. Aunt Thea, I don’t really care. Mabuti nga ’yon para mas lalong hindi ko makita si Dad. Ayoko rin naman na sa buhay ko na ’to,” walang gana kong turan na ikinamura nito sa kabilang linya.
“Hoy! Tarantado ’to! Huwag ka ngang magsalita ng ganiyan!”
“Yeah, whatever...”
Pinatay ko rin agad ang tawag dahil nakakarindi na.
Eksaktong pagbalik ko sa pagkakasandal nang matigilan ako. Inilapit ko ang sarili sa bintana nang makakita ng mga kabataan na puro kalalakihan na tila ba may handang sugurin sa ’di kalayuan. Hindi nga ako nagkamali dahil may natanaw akong mga grupo rin ng kalalakihan sa kabila na sasalubong sa naunang grupo.
What the heck? Ngayon pa ata ako makaka-witness ng katarantaduhan ng mga ganitong kabataan.
Pero naudlot ’yon nang mapansin kong biglang nagtakbuhan ang mga yagit palayo. Ang iba ay naglaho sa talahiban sa gilid ng kalsada dahil sa mga dumating na—sa pagkakaalam ko ay mga tanod. May mga kasama ang mga ito na pulis na ikinaiwas ko ng tingin.
Sinubukan ng mga ito na hulihin ang mga yagit pero wala na silang naabutan. Kasing bilis ng kidlat na naglaho ang mga kabataang pasaway.
Hindi na ako nag-abala pang ibaba ang bintana ng kotse ko. Bumalik na lamang ako sa pagre-relax dahil ano naman ang pakialam ko sa mga ’yon. Tsk. In-adjust ko pa ang AC ng sasakyan para mas lalo akong ma-relax at malamigan.
Nagtulog-tulugan ako roon sa loob habang hinihintay na umalis ang mga ’yon. Ngunit ilang minuto lang ang lumipas nang may marinig akong mahihinang katok sa salamin ng kotse ko. May naaninag pa akong ilaw mula sa flashlight na ikinamulat ko ng mga mata.
Nakita pa nila ang kotse ko? What the hell?Agad akong ginapangan ng takot dahil doon.
“May tao ho ba riyan?” anang tao sa labas na ikinatigil ko lalo.
Hindi ako umimik, ni gumalaw man lang sa kinauupuan ko.
“May tao ata sa loob, Sir. Bukas ang makina, e. Tila nagpapalamig. He-he.”
Oh, shit.
“Katukin n’yo pa at baka natutulog lang. Kapag ayaw gumising ay basagin n’yo na ang isang bintana,” wika ng isa pang boses na ikinamura ko sa isipan.
What? Basagin? No way!
Mariin kong kinagat ang ibabang labi, bago napagpasyahang harapin ang mga poncio pilato na nakapalibot sa sasakyan ko. Damn it! Nasa tago at madilim na parte na nga ang kotse ko ay natuklasan pa ng mga ito.
Ibinaba ko ang bintana ng kotse, at agad ding napapikit nang may magtutok ng ilaw sa mukha ko.
Fuck! Gigil kong ibinaba nang tuluyan ang bintana at seryosong hinarap ang mga tanod at pulis. Binuksan ko na ang ilaw sa loob ng kotse ko para hindi na ulit nila ako tutukan ng flashlight sa mukha. Punyeta.
“What? You are disturbing me. Kagagaling ko lang sa trabaho at pagod na pagod ako ngayon kaya nagpapahinga ako rito sandali.” Wala pa nga silang sinasabi ay inunahan ko na agad ng alibi.
Tumango ang isang pulis na nasa tabi at inilapit ang sarili sa bintana. “Maaari po ba naming makita ang ID n’yo or anything else na nagpapatunay na nagtatrabaho ho kayo, Ma’am? May curfew ho kasi ngayon, pero exempted naman ho ang mga panggabi ang uwi na worker,” magalang na sambit nito na ikinatigil ko.
Agad akong nag-iwas ng tingin at palihim na napakuyom ng kamay. Bumigat ang hininga ko dahil alam kong wala na akong maidadahilan, wala naman akong ID dahil hindi naman ako nagtatrabaho ngayon sa kahit na anong trabahuan. I have my own business kaya nasusuportahan ko ang sarili ko, pero sa iba ko pa muna iyon ipinahahawak lalo’t estudyante pa lang ako.
Nang hindi na ako naka-imik ay napailing-iling ang matandang pulis na kumausap sa akin. “Sige na, kunin n’yo na ’yan at dalhin sa presinto.”
Damn. Makukulong na ata ako ngayong gabi. Tila nagdilang-anghel pa si Thea kanina.
Mariin akong napapikit at isinandal ang noo sa manibela habang hawak-hawak iyon. “Sasama ho ako nang matiwasay. I’ll bring my car with me...”
GisselleWalang imik akong bumaba ng sasakyan pagdating namin sa police station. Napansin ko pa na ako lang ang nag-iisang nadampot doon, and the rest ay puro mga naka-uniporme na ang kasama ko roon.Tila ba biglang nanikip ang dibdib ko habang pinalilibutan ako ng mga pulis. Sari-saring alaala ang bigla na lamang rumagasa sa isip ko na ikinahilo ko na lang bigla. Shocks.“Sir, may isa kaming nahuli.”Nabigla ako nang pagpasok namin ay agad nila akong pinaupo sa tabi ng lamesa ng tila pinuno nila rito. Kumunot ang noo ko at humalukipkip agad nang mag-angat ng tingin sa akin ang lalaking abala sa binabasa nito sa hawak niyang papel.Ramdam ko ang titig nito sa akin ngunit nagmatigas akong hindi ito lingunin. Pinanatili ko ang mga mata sa blangkong pader nila rito upang huwag tuluyang atakihin ng anxiety ko, habang pilit na iwinawaksi sa isip ang mga alaala ng nakaraan na hanggang ngayon ay nagbibigay takot at pagkabalis
GisselleMarahan kong nakagat ang ibabang labi at umiling dito. Hindi ko napigilan ang muling pagbuhos ng mga luha ko habang nanginginig sa kaba. Mas lalo akong natakot nang maramdaman ko ang paghablot sa akin ni Dad at ipinasan ako.Tila lahat ng tapang ko ay naglaho sa mga oras na ’yon. Nanlabo ang paningin ko dahil sa luha at hindi napigilan ang pag-alpas ng hikbi.“Bakit ba takot na takot ka? Hindi ka naman kakatayin dito. Ang lakas nga ng loob mong gumawa ng kalokohan, ngayong sinisingil ka na ay tiklop ka naman,” ani Dad pagkalapag nito sa akin sa upuan na inupuan ko kagabi rito sa presinto.Talagang sinadya niya iyong iparinig sa mga pulis na naririto para mapagtawanan ako, at hindi naman siya nabigo dahil pati iyong lalaki na kausap ko kagabi ay natawa nang mahina.“Ahm, pagpasensiyahan n’yo po sana si Gisselle, Sir. Takot po kasi ’yan sa inyo kaya nagkakaganiyan,” dagdag pa
GisselleNaghintay lamang ako sa pagdating ni Dad nang ilang minuto, bago ito dumating na kasama na naman si Mom. Madilim na rin nang maka-uwi kami sa bahay. Wala akong imik nang paupuin ako ni Dad sa tabi ni Kisses na busy sa ginagawa nito sa laptop niya. Humalukipkip lamang ako at itinarak ang mga mata sa sahig upang huwag salubungin ang tingin ng aking ama. Tumabi sa gilid ko si Mom na pasimpleng kinalkal ang bag ko nang walang magawa. Hinayaan ko lamang ito dahil wala naman akong itinatago sa ina ko na kahit na ano. “Kumusta naman ang unang araw ng parusa mo, Gisselle?” Huminga ak
GisselleSa huli ay mabilisan kong tinapos ang paglilinis. Ibinalik ko ang walis at mop sa likod ng police station nila bago maghugas ng kamay sa gripo.Napainat ako ng likod at tinanaw ang panghapon na sikat ng araw. Naisipan kong tumambay muna roon dahil tahimik, saka ko binuksan ang phone ko. Ini-stalk ko ang account ni Guevarra, at nakita kong marami pala itong followers at friends.May mga litrato rin ito nang naka-uniporme at kung ano-ano pa na mabilisan ko lang na tiningnan. Ang mga comment sa mga litrato niya ay puro papuri sa kabutihan, katapatan at kaguwapuhan kuno niya. Tsk.Mamaya ko na lang susuriin ang mga ’yon sa bahay.In-exit ko ang album niya at nag-scroll sa wall niya. Nagse-share pala ito ng awareness patungkol sa mga rebelde ng bansa. Katulad na katulad sa ginagawa ni Uncle Zach at ng asawa nitong former rebel.Talagang kinokondena nito ang kamalian at katamaran, at nagpo-promote ng disiplina sa mga tao. Pati mga mag
Gisselle Sa likod ko lang nakasunod si Guevarra na katamtaman lang ang takbo ng motor. Umismid ako. I don’t understand this guy. Parang may kakaiba sa kaniya. Hindi ko lang masabi kung ano. I still don’t trust him, nakakatakot nang ibigay muli ang tiwala sa mga tulad niyang pulis. Bakit kaya ito concern na concern sa akin? Naiinis ako dahil ayoko nang ganito. Pakiramdam ko ay bumabalik ako sa nakaraan ko na pilit ko nang ibinabaon sa limot. Inihinto ko agad ang sasakyan nang maramdaman kong sumama na naman ang pakiramdam ko. Later on, I saw myself gasping for air. Mariin kong ipinikit ang mga mata habang mahigpit na nakahawak sa manibela. Damn it! Iniling-iling ko ang ulo upang damhin kahit papano ang sarili. Ramdam ko ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko kasabay ng pagsakit ng dibdib ko. Suminghap ako’t pinukpok ang dibdib.
Gisselle Mabilisan kong nilinis ang mga bintana nila rito para walang say sa akin ang Mister Joseph na ’yon. Nilinis ko rin ang istasyon nila na halos kulang na lang ay wisikan ko ng bleach para pumuti. Panay ang sulyapan namin ni Julius habang natatawa sa pinaggagagawa namin dito. Hindi naman ako nabagot doon lalo’t may kasama ako at suwerte pang kabarkada. Nagtatanim ito sa labas at nagbubungkal ng lupa. Samantalang ako ay naririto sa loob. Hinihintay kong sa labas kami nitong police station madestino. Tiyak na mas mae-enjoy ko iyon dahil nakaka-boring din habang tumatagal ako rito sa loob. “Gisselle, ayusin mo na itong mga nagulong papel dito,” pukaw sa akin ni Sir na ikinatingin ko rito. Binitiwan ko ang basahan na hawak at lumapit dito. Tulad ng ipinag-uutos nito ay iyon din ang agad kong ginawa, habang ito naman ay tahimik sa desk niya at abala.
Gisselle Si Juls ang nagbubungkal ng lupa, habang ako naman ay ang nagbabaon ng halaman doon. Medyo nahirapan lang ako sa pagtanggal ng seedling plastic bag ng halaman dahil natatakot ako na baka masira ko pati ang ugat niyon. “Juls, saan ba nakakabili ng mga ganitong halaman?” tanong ko sa kaibigan habang inaalis ang itim na plastik. Hindi naman ito kalayuan sa akin habang nagbubungkal ng lupa gamit ang pala. Napalingon naman ito sa akin at ambang sasagot nang may umeksenang boses. “Sa bayan, sa tabi-tabi kung saan maraming tao,” ani Guevarra na nasa gilid ko lang at nakikinig. Agad na tumaas ang kilay ko ngunit naibaba rin nang lingunin ako nito. “Hindi ba’t haciendero ang Dad mo? Tiyak na maraming ganito sa inyo,” dagdag pa nito na ikinabuga ko ng hangin. “Yes, Sir. Marami ngang ganito roon pero hindi naman akin, at hindi ko rin binibigyang pansin noon. I
GissellePagdating sa bahay ay inabutan namin ang napakatahimik na sala.Umidlip lang ako sandali, at nang magising ay bangag pa.Alas tres y media na pala...Marahan akong tumayo sa couch ng sala na ginawa kong kama, saka naglinis ng sarili. Si Dad lang ang naabutan kong tao sa bahay kaya naman nagtaka ako.Nasaan kaya ang iba?Nagkibit-balikat ako’t kinuha ang mga buto ng sunflower ko at katawan ng talbos ng kamote. Balak kong itanim iyon ngayon habang may oras pa. Hindi ko alam ang kapalaran ko kinabukasan, baka kaladkarin pa rin ako ni Dad sa presinto kahit na magdahilan pa akong nilalagnat. Pero gusto ko talaga ng day-off bukas para makapagpahinga naman ako.Pagdating ko sa likod ng bahay ay sinalubong ako ng napakalawak na palayan at maisan. Si Dad naman ay hinihimas ang alaga niyang kabayo habang kasama ang mga trabah
Carlos Joseph Guevarra Hindi ko inaasahan na sa isang gabing iyon, may makikilala akong babaeng magpapabago sa buhay ko. Ako na ata ang pinakasuwerteng lalaki sa gabing iyon. “Sir, may isa kaming nahuli.” Hindi ito makatingin sa akin at mukhang nagmamatigas pa kaya naman napailing-iling ako. Halatang mayaman na pasaway. Pero aaminin kong kaakit-akit siya tingnan. Kay gandang bata pero mukhang pasaway. “G-Gisselle Leanne Montehermoso y Louise, eighteen years old,” utal-utal na sambit nito habang ino-obserbahan ko ang kilos. Halatang natataranta ito dahil sa takot. Inabutan ko agad ito ng tubig para kahit papaano ay kumalma. Eighteen years old? Napakabata pa nito tingnan kung tutuusin. Kaya naman bilang parusa nito ay pinatawan ito ng isang buwan na community service. Mabuti na nga lang at nakikipagtulungan ang ama niya sa amin.
Gisselle“Wala ba kayong sasakyan?” tanong ko. Sa pagkakatanda ko ay hatid-sundo si Kisses ng driver niya. At si Hunter, may sarili ring sasakyan. Makaraan ang ilang sandali ay napapitik ako ng mga daliri. “Ah, gusto n’yo lang pala mamerwisyo sa akin.” Tumango-tango ako nang mapagtanto iyon.Ngumiti nang pang-asar sa akin ang kapatid ko.Umismid ako bago ibalik sa harapan ang tingin. Ano pa nga ba ang magagawa ko?Pagsakay nila ay agad kong pinaandar ang sasakyan. Sinulyapan ko pa ang mga ito na magkayakap sa backseat na ikinaismid kong muli.“Saan ka galing, Hunter? Tila kagagaling mo lang sa misyon, a,” biro ko rito na agad nitong tinanguan.“Oo, may minamanmanan kasi akong pugante sa school banda. May mga nakalap na akong impormasyon kaya uuwi na muna ako.”Natigilan tuloy a
Gisselle“Uy, papaano nga kayo nagkakilala?” pangungulit ko rito nang makalayo kami. Bahagya ko pa itong hinila papunta sa mga sunflower kong tanim na naglalakihan na.Dinig ko buntong hininga ng lalaki bago ako hapitin sa baywang at halikan sa sentido. “Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Nagtatrabaho siya sa akin, nanghuhuli ng mga wanted na kriminal na may patong na pera sa ulo. Isa sa mga magagaling na tagahanap ko ang isang ’yon.”“Ah, bounty hunter.” Iyon ang naalala kong sinabi ni Hunter na trabaho niya noong unang beses niyang tumapak dito sa bahay. At ngayon ko lang nalaman kung ano ba talaga ang tinatrabaho nito. Noon kasi ay wala naman akong pakialam dito.“Hmm, yeah. Delikado ang trabaho niyan. Pero laking tulong nila sa amin para mahanap ang mga wanted na kriminal dito.”“May mga kai
Gisselle Lalo pa akong nalubog sa kahihiyan nang tumabi sa akin si Kisses na halatang excited pa. Inis kong binawi ang braso mula rito na niyakap niya at bahagyang sumimangot. “Naku, naku. Bakit nakasimangot ka? Hindi ka ba masaya na seryoso sa iyo iyong policeman na iyon?” Masaya, pero—aist! Nahihiya at takot talaga ako kay Joseph at sa kaanak niya dahil sa ginawa ko. Hindi pa nga ako handang harapin sila dahil wala pa akong lakas ng loob. Hindi ako umimik kaya natahimik ang kapatid ko at napanguso. Damn. Tiyak na iba na ang iniisip ng pamilya at mga kamag-anak ko ngayon. Halos mapaigtad ako nang pumasok bigla si Ate Melda at dumeretso kay Dad. Alerto akong tumingin dito. “Sir, nariyan na ho ang mga bisita...” Shit! Para akong matatae sa kaba sa mga oras na iyon. Ambang tatayo pa ako nang i****k sa akin n
Gisselle“Uncle, hindi ba kayo naliligaw sa bundok?” tanong ko rito na nasa unahan ko.Agad naman itong umiling at ngumisi. “Hindi, siyempre. Bago kami maka-graduate noon, na-encounter na namin ang land navigation course, so hindi puwede sa amin ang ligaw-ligaw na ’yan. ’Di bale nang mamatay, huwag lang mapahiya,” malokong turan nito.Hindi ko tuloy mapigilan ang mapahalakhak sa huli nitong sinabi. Oo nga pala, iyon ang motto niya sa buhay.“E, si Evan, Uncle. Ipapasok n’yo ho ba ’yan sa pagsusundalo? Parang lambutin, e,” wika ko na may halong pambabanas sa anak nitong matalim akong tiningnan.Rinig ko ang halakhak ni Uncle at biglang may tinagang ahas sa katabi nitong puno—na para bang nanghampas lang ng lamok.“Ay!” Napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mga mata.
Gisselle Nagbihis na lamang ako ng itim kong bestida bago ayusin ang buhok. Tinirintas ko iyon matapos patuyuin, saka bumaba sa sala. Makailang ulit kong pinaikot sa daliri ang hawakan ng keychain ko kung saan nakakabit ang susi ng kotse ko. “O, saan ka naman pupunta?” Napaatras ako nang muntik ko nang mabangga si Armando na nakasalubong ko sa main door. Sinamaan ko ito ng tingin bago lumusot sa gilid nito. “Chismoso ka masyado,” pang-uurat ko sa pinsan kong medyo barumbado rin. Tulad lang ng kuya niyang si Alessandro. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa mga anak ni Uncle Steve? Mana-mana lang sila ng ugali sa ama nila. “Sama ’ko, pinsan,” anito’t hinabol pa ako para akbayan. Inis kong inalis ang napakabigat na braso nito at agad na pumasok sa sasakyan ko. Ngunit inis akong napabuga ng hininga nang hilahin nito ang baywang ko palabas ng kotse. P
GisselleHindi masyadong naging masaya ang buhay ko noon. Ramdam kong may kulang, at alam kong resulta iyon ng kinikimkim kong galit at pait—na naging dahilan ng pagdistansiya ko sa sarili kong pamilya. Akala ko kasi kapag ginawa ko iyon, masa-satisfy ako sa ninanais kong paghihiganti. But in the end, ako lang din ang nagmukhang kawawa.I just realized how tired I am, nakakapagod na. Kaysa igugol sa paghihiganti ay ilalagay ko na lang sa tahimik ang buhay ko, I need to set aside my pride. Tama si Guevarra sa mga sinabi niya noon, I just need time to think and analyze my thoughts and feelings. Hindi dapat pinangungunahan ng galit ang bawat desisyon.Pero ginawa mo kahapon. Umalis ka dahil pinangunahan ka ng galit, Selle. So?Marahan kong kinagat ang ibabang labi dahil sa bulong ng sarili ko sa akin.Napahinga ako nang malalim at tumikhim. “Sorr
Gisselle Nagsisisigaw ito habang ang nanay naman niya ay sinabunutan din ako. Isang malakas na sabunot sa babae ang iginawad ko’t binitiwan, bago ibaon ang kuko sa kamay ng ginang, dahilan para mabitiwan nito ang buhok ko. Ngumisi lamang ako at bahagyang sinuklay ang medyo nagulong buhok. Saglit ko pang sinulyapan ang dalawa, bago ilibot ang paningin sa mga kapit-bahay nila na tila tuwang-tuwa pa sa ginawa ko. Nagkibit-balikat lamang ako bago umalis sa lugar na iyon. Pinaka-ayoko sa lahat ay dinadamay ng iba ang lola kong namayapa na, at ang nakaraan niyang trabaho na pilit isinasampal sa mukha ko. Pati ang nanay ko na nananahimik na ay idinamay niya pa. Umirap ako sa kawalan habang nagmamaneho. Pagdating ko sa bahay ay nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Gigil na gigil ako sa babaeng iyon at sa isip ko ay kinalbo ko na iyon. Padarag kong dinampot ang phone
GisselleLulan kami ng sasakyan ko papunta sa SeLeanne. Iyon ang naisip niya bago kami magtungo sa mga bilihan ng mga souvenir—ng keychains ko. Hindi ko alam kung may ideya na ba siya na ako ang may-ari n’yon, o baka wala talaga. Posible rin na may hinala na siya at hinuhuli lang ako kaya gusto niya roon. Ewan, hindi ko alam.Pagdating namin doon ay ipinarada ko ang sasakyan sa naka-reserve na espasyo. Agad akong bumaba bago pa ako pagbuksan ni Joseph.Iiling-iling na tiningnan ako nito bago akayin papasok. Pagbukas pa lamang namin ng glass door ay napalingon na sa amin ang mga schoolmates kong nagtatrabaho roon. Napatayo ang mga ito nang tuwid at ngumiti sa amin.“Good morning, Ma’am Gisselle, Sir...”Bumati kami pabalik ni Joseph bago um-order. Maganda ngayon tumambay rito lalo’t hindi ganoon karami ang kustomer na naririto. M