The Stranger who Loves my Twin Sister

The Stranger who Loves my Twin Sister

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-13
Oleh:  Maybel AbutarBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 Peringkat. 3 Ulasan-ulasan
34Bab
556Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sa mundo ng karahasan, matagpuan pa kaya ang tunay na pagmamahal? *** Simula pagkabata, naranasan ni Gaia ang pangungutya at pang-aalipusta dahil sa kakaibang marka na tinataglay niya. Itinuturing siyang salot na dapat layuan at iwasan. Lumayo siya sa karamihan at namuhay mag-isa, ngunit umaasa pa rin siyang magbabago ang takbo ng buhay niya. Isang araw, napili si Gaia bilang premier guard sa doom’s gate–ang pinaka-delikadong lugar sa buong kaharian. Akala niya’y simula na iyon nang pagbabagong gusto niya, pero paraan lamang pala iyon para mawala siya. Iba’t-ibang panganib ang hinarap ni Gaia, hanggang mawalan siya ng tiwala sa mga taong nasa paligid niya, ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Aurus La Mier–ang estrangherong nagmamahal sa kakambal niya. Tutulungan siya nito, pero hindi para sa kaniya kundi sa kapatid niya. Paano haharapin ni Gaia ang mga bagong pagsubok sa pagdating ni Aurus? Mapigilan niya kaya ang puso na huwag umibig sa binata?

Lihat lebih banyak

Bab terbaru

Pratinjau Gratis

Chapter One

Payapang nagpapahinga si Gaia sa isang bahay-kubo sa gitna ng kagubatan nang maramdaman niya ang malakas na kabog sa dibdib niya. Isa ’yong pakiramdam na mahirap balewalain na waring kinakabahan siya sa isang bagay. Mabilis siyang bumangon at naghanap ng maaaring itakip sa kaniyang mukha. Nakita niya ang isang tela na nakasabit sa sandalan ng upuang kawayan. Kinuha niya iyon at ginamit upang takpan ang mukha niya bago lumabas ng kubo. Tinahak niya ang direksyon patungo sa lokasyon ng hell entrance—isang lagusan na magbubukas sa araw na ito. Iyon ang dahilan ng malakas na kabog sa dibdib niya. Tila konektado sa kaniya ang lugar na iyon.Ilang saglit pa ay nakarating na si Gaia sa lokasyon ng lagusan. Malayo pa lang ay ramdam na niya ang nagwawalang hangin. Naririnig niya rin ang galit na paghampas ng alon sa ilalim ng bangin. Humawak siya sa isang puno para manatili sa p’westo. Maghihintay siya roon hanggang bumalik sa payapa ang kalikasan. Iyon ang magiging hudyat para kumilos siya. K...

Buku bagus disaat bersamaan

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Angie Tabalan
Tatahimik lang sana akoat hindi magkukomento, kaso di ko din napigil ang sarili ko......
2025-04-13 15:26:10
0
user avatar
Aman Dha
Ang exciting ng story na 'to. Kaabang-abang bawat kabanata. Grabe ang mga eksena. More update po, Ms. A.
2025-04-08 10:28:45
0
user avatar
Tzie
proven to be a good story to read!
2025-03-13 23:46:15
1
34 Bab
Chapter One
Payapang nagpapahinga si Gaia sa isang bahay-kubo sa gitna ng kagubatan nang maramdaman niya ang malakas na kabog sa dibdib niya. Isa ’yong pakiramdam na mahirap balewalain na waring kinakabahan siya sa isang bagay. Mabilis siyang bumangon at naghanap ng maaaring itakip sa kaniyang mukha. Nakita niya ang isang tela na nakasabit sa sandalan ng upuang kawayan. Kinuha niya iyon at ginamit upang takpan ang mukha niya bago lumabas ng kubo. Tinahak niya ang direksyon patungo sa lokasyon ng hell entrance—isang lagusan na magbubukas sa araw na ito. Iyon ang dahilan ng malakas na kabog sa dibdib niya. Tila konektado sa kaniya ang lugar na iyon.Ilang saglit pa ay nakarating na si Gaia sa lokasyon ng lagusan. Malayo pa lang ay ramdam na niya ang nagwawalang hangin. Naririnig niya rin ang galit na paghampas ng alon sa ilalim ng bangin. Humawak siya sa isang puno para manatili sa p’westo. Maghihintay siya roon hanggang bumalik sa payapa ang kalikasan. Iyon ang magiging hudyat para kumilos siya. K
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-09
Baca selengkapnya
Chapter Two
“Maghintay ka lang dahil ako mismo ang lalapit sa ’yo para maningil. Hinding-hindi ko makalilimutan ang ginawa mo sa akin,” seryoso niyang sabi at nilukot ang papel. Hinagis niya iyon sa basong may lamang tubig sa ibabaw ng kaniyang mesa bago hinalo. Nagkulay itim ang tubig dahil sa tintang ginamit sa papel bago iyon tuluyang nasira.Tumayo si Gaia at kinuha ang hunting knife na nakasabit sa dingding ng tent. Ikiniskis niya iyon sa isang bato upang patalasin ang talim. Kailangan niya maging handa sa bawat oras. Habang tumatagal, mas lalo siyang nanganganib sa loob ng dooms gate. Parami nang parami ang mga taong gustong pumatay sa kaniya. Hindi na niya matukoy kung sino ang dapat niyang pagkatiwalaan sa mga taong nasa paligid niya. Tanging sandata at sariling kakayahan na lang ang maaasahan niya.Nasa ganoong akto si Gaia nang muling pumasok si Trey sa tent niya. “Premier, nasa labas na po ang dalawang estranghero tulad ng ipinag-uutos mo,” magalang nitong sabi.“Sige, papasukin mo si
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-09
Baca selengkapnya
Chapter Three
Isang linggo na simula nang makausap ni Gaia si Aurus, pero litong-lito pa rin siya kung paano nito nalaman ang tungkol sa karamdaman niya. Dala-dala niya ang isiping iyon habang nagroronda sa kanlurang bahagi ng dooms gate. Sakay siya ng kaniyang kabayo nang makasalubong ang dalawang guwardiya. Nasa gitna sila ng kakahuyan at marahil ay nagroronda rin ang dalawa.“Premier,” bati ng dalawa sa kaniya na kapwa nakasakay sa kaniya-kaniyang mga kabayo.Tumango lang siya bilang tugon bago nilampasan ang mga ito. Hindi pa siya nakalalayo nang maramdaman niya ang mabilis na atake mula sa likuran niya. Mabilis siyang yumuko at padapa siyang umiwas sa atake. Isang hunting knife ang nakita niyang lumampas sa ulunan niya. Tumama iyon sa katawan ng puno malapit sa kaniya.Hinigit ni Gaia ang renda ng kabayo upang patigilin ito sa pagtakbo. Hindi pa niya tuluyang napapatigil ang kabayo nang makitang tumalon ang isang guwardiya mula sa sinasakyan nitong kabayo patungo sa kaniya. Nakaamba ang espada
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-09
Baca selengkapnya
Chapter Four
Nasundan ang unang pag-uusap ni Gaia at Aurus pagkatapos sabihin ng dalaga kung nasaan si Tana, pero hindi pa niya itinuturo dito ang eksaktong lokasyon ng kakambal niya. Hindi niya rin sinasabi kung ano ang koneksyon nila ni Tana sa isa’t-isa. Ipinag-utos niya rin na ilabas sa kulungan ang mga ito at bigyan ng pagkain at lugar na maaaring tuluyan. Pinababantayan niya na lang ang dalawa habang nasa loob ng dooms gate para masigurong hindi gagawa ang mga ito ng ikapapahamak nila.“Sa pagkakaalam ko, bloody illness ang tawag sa karamdaman mo…” panimula ni Aurus nang ipatawag niya ulit ito sa tent niya. “Maaaring namana mo ’yan sa angkan mo at ang mga sangkap sa gamot niyan ay matatagpuan din sa loob ng Forbideria,” pagpapatuloy pa nito.“Ano ang mga gamot na iyon?”“Pamilyar ka ba sa mga halamang gamot na skroutz, litauen, krandular, prietz, queirmone, uterob?”“Anong uri ng halamang gamot ang mga iyon?”“Ang skroutz ay gintong pulbos. Litauen, pulang prutas. Krandular, abong bulaklak.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-09
Baca selengkapnya
Chapter Five
Nakatulong ang marahang paghaplos ni Aurus sa likuran ni Gaia para bumalik sa normal ang pakiramdam ng dalaga. Unti-unti ay nawala ang init na nararamdaman niya sa kaniyang mukha.“P-pasensiya na. Mamaya na lang tayo mag-usap, Gaia.”Naramdaman ni Gaia ang papalayong yabag ni Tana. Nang masigurong wala na ito sa paligid, kumawala siya sa mga bisig ni Aurus. Pinakawalan naman siya ng binata.“Salamat sa ginawa mo, estranghero. Umasa kang makakaalis kayo ng ligtas sa Forbideria. Pangako ko ’yan sa ’yo bilang utang na loob sa pagtatago ng sekreto ko,” mahina niyang sabi at iniiwasang marinig iyon ni Tana.Hindi nagsalita si Aurus at tahimik lang itong nakatingin sa kaniya. Hindi maalis ang titig nito sa parte ng mukha kung saan lumitaw ang marka niya.“Bumalik ka na sa tent mo. Bukas na bukas din ay dalhin mo rito ang kasama mo para makita niya si Tana. Aayusin ko rin bukas ang pag-alis niyo sa Forbideria,” pukaw niyang sabi sa binata.Bumuntong hininga si Aurus bago nagsalita, “Kakaiban
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-09
Baca selengkapnya
Chapter Six
Sunod-sunod ang ginawang buntong hininga ni Aurus habang pinagmamasdan ang walang malay na dalaga. Dinala niya ito pabalik sa kubo pagkatapos niya itong bigyan ng gamot. Apatnapung oras ang epekto ng ibinigay niyang gamot kay Gaia at isang araw pa lang ang lumilipas, kaya mananatili itong walang malay hanggang bukas.“Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para balikan ka, premier guard,” naiiling niyang sabi sa walang malay na babae. Maging siya’y hindi rin makapaniwala sa kaniyang ginawa.Natanaw niyang bumagsak si Gaia at hindi siya nagdalawang isip tumalon mula sa sinasakyang bangka at lumangoy pabalik dito. Alam niyang makakatulong siya sa kalagayan nito, kahit ang kapalit niyon ay ang katungkulan niya bilang heneral sa kahariang pinaglilingkuran niya. Kampante naman siya dahil natagpuan nila si Tana. Ilang taon din nila itong hinanap nang umalis ito ng kaharian para hanapin ang kakambal nito. Muli niyang nakita ang kasiyahan sa mga mata nito habang kasama si Gaia. Ayaw ni
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-15
Baca selengkapnya
Chapter Seven
Nagmamadaling pumasok si Aurus sa bahay kubo nang umulan ng palasong may apoy sa direksyon niya. Mabilis niyang isinara ang pintuan, pero napaatras siya nang lumampas ang palaso sa dingding. Kaagad nagliyab ang parteng tinamaan niyon. Luma na ang mga kasangkapang kahoy na ginamit sa kubo at alam niyang mabilis kakalat ang apoy roon.“May hinala ba silang narito ang premier guard?” tanong niya sa sarili.Pinuntahan niya si Gaia sa silid nito para makita ang kundisyon ng dalaga. Mahimbing pa rin itong natutulog at walang bahid ng sugat mula sa kalaban. Sa palagay niya ay hindi pa nakakapasok ang sinuman sa kubo bago siya dumating.“Sunugin niyo ang kubong iyan. Malakas ang kutob ko na may nagtatagong malakas na nilalang diyan bukod sa lalaking pumasok. Huwag niyo silang hahayaang mabuhay!”Narinig ni Aurus ang sigaw na iyon mula sa labas ng kubo. Nagmadali naman niyang ibinalot sa kumot si Gaia. Sinira niya rin ang dingding ng kubo sa likuran para makalabas sila.“Hindi na tayo ligtas d
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-15
Baca selengkapnya
Chapter Eight
“Gaia...”Isang pamilyar at malambing na boses ang narinig ni Gaia mula sa kung saan. Gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing naririnig ang boses na iyon. Tila pinapawi no’n ang sakit sa katawan niya. Gusto niyang makita kung sino ang nag-ma-may-ari ng boses, pero hindi niya alam kung saan ito hahanapin. Para siyang nakalutang sa kawalan at wala siyang mapupuntahan bukod sa kinalalagyan niya. Mabigat ang katawan niya at hindi siya makagalaw.“Gaia!” muling sabi ng parehong boses, pero ngayon nagbago ang timbre niyon. Sumisigaw na ito na animo’y natatakot.“Gumising ka, Gaia!”Pinilit magmulat ni Gaia, pero hindi niya magawa. Nahihirapan siya at kinakapos ng hininga sa tuwing nilalabanan niya ang kagustuhang magising. Para siyang sinasakal sa ginagawa niya, pero hindi siya nagpatalo sa nararamdaman. Pinilit niyang magising at sumalubong sa kaniyang paningin ang madumi at pamilyar na paligid.“Gaia, anak.”Hinanap niya sa paligid ang pinagmumulan ng boses. Nangilid ang luha niya nang mak
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-16
Baca selengkapnya
Chapter Nine
“Bakit kasi pumunta ka sa lugar na ito, estranghero? Ang dami naman mapupuntahan, pero ito pa ang napili mo. Ito tuloy ang napala natin,” sabi ni Gaia na may tonong paninisi kay Aurus.Ang lawak ng Atar, pero sa kagubatan pa ito pumunta. P’wede naman itong pumunta sa sentro ng bayan at tumuloy sa mga bahay panuluyan doon, o kaya ay sa Timog na bahagi ng dibisyon kung nasaan ang kwebang tinutuluyan niya sa Atar.“Wala akong ideya sa lugar na ito, premier guard. Kung alam ko sana na mapanganib dito, hindi na ako pumunta.”“Ano ba’ng nangyari at humantong tayo rito? Isa pa, bakit buhat-buhat mo ako?”“Hindi mo ba naaalala ang nangyari bago ka mawalan ng malay?” muling tanong ni Aurus.Nailang si Gaia sa posisyon nila ng binata lalo na nang maramdaman niya ang mainit nitong hininga sa pisngi niya. Gusto man niyang alalahanin ang mga nangyari, pero hindi niya ginawa. Mas gugustuhin niyang makaalis sa kasalukuyan nilang sitwasyon at makaalis sa mga bisig ng binata.“Mamaya ko na iisipin ang
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-17
Baca selengkapnya
Chapter Ten
Hindi ipinakita ni Gaia ang gulat sa mukha niya. Hawak na nila ang isang sangkap para makagawa ng lunas sa karamdaman niya, pero hindi niya alam kung dapat ba siya maging masaya. Gusto niyang umasang muli na gagaling pa siya, pero nang maalala ang sakit na naramdaman niya sa bungad ng k’weba, nawawala ang pag-asang iyon. Halos panawan na siya ng ulirat sa sakit at hindi niya alam kung hanggang kailan tatagal iyon bago siya bawian ng buhay. Kung magsisimula siya ngayon sa paghahanap ng mga sangkap, baka masayang lang din ang gagawin niya. Baka tuluyan na siyang mamaalam sa mundo sa kalagitnaan ng paghahanap niya.“Delikado kung mananatili pa tayo nang matagal dito, estranghero. Kung ayaw natin maging hapunan ng mga mababangis na hayop, kailangan na nating umalis bago sumapit ang dilim,” sabi niya at binalewala ang hawak nitong prutas.“Huwag mong sayangin ang pagkakataong ito, premier guard. Kapag nakuha mo ang mga sangkap ng lunas, makakalaya ka na sa sakit mo. Hindi ka na mahihirapan
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-18
Baca selengkapnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status