Nasundan ang unang pag-uusap ni Gaia at Aurus pagkatapos sabihin ng dalaga kung nasaan si Tana, pero hindi pa niya itinuturo dito ang eksaktong lokasyon ng kakambal niya. Hindi niya rin sinasabi kung ano ang koneksyon nila ni Tana sa isa’t-isa. Ipinag-utos niya rin na ilabas sa kulungan ang mga ito at bigyan ng pagkain at lugar na maaaring tuluyan. Pinababantayan niya na lang ang dalawa habang nasa loob ng dooms gate para masigurong hindi gagawa ang mga ito ng ikapapahamak nila.“Sa pagkakaalam ko, bloody illness ang tawag sa karamdaman mo…” panimula ni Aurus nang ipatawag niya ulit ito sa tent niya. “Maaaring namana mo ’yan sa angkan mo at ang mga sangkap sa gamot niyan ay matatagpuan din sa loob ng Forbideria,” pagpapatuloy pa nito.“Ano ang mga gamot na iyon?”“Pamilyar ka ba sa mga halamang gamot na skroutz, litauen, krandular, prietz, queirmone, uterob?”“Anong uri ng halamang gamot ang mga iyon?”“Ang skroutz ay gintong pulbos. Litauen, pulang prutas. Krandular, abong bulaklak.
Terakhir Diperbarui : 2025-03-09 Baca selengkapnya