Nakatulong ang marahang paghaplos ni Aurus sa likuran ni Gaia para bumalik sa normal ang pakiramdam ng dalaga. Unti-unti ay nawala ang init na nararamdaman niya sa kaniyang mukha.
“P-pasensiya na. Mamaya na lang tayo mag-usap, Gaia.”
Naramdaman ni Gaia ang papalayong yabag ni Tana. Nang masigurong wala na ito sa paligid, kumawala siya sa mga bisig ni Aurus. Pinakawalan naman siya ng binata.
“Salamat sa ginawa mo, estranghero. Umasa kang makakaalis kayo ng ligtas sa Forbideria. Pangako ko ’yan sa ’yo bilang utang na loob sa pagtatago ng sekreto ko,” mahina niyang sabi at iniiwasang marinig iyon ni Tana.
Hindi nagsalita si Aurus at tahimik lang itong nakatingin sa kaniya. Hindi maalis ang titig nito sa parte ng mukha kung saan lumitaw ang marka niya.
“Bumalik ka na sa tent mo. Bukas na bukas din ay dalhin mo rito ang kasama mo para makita niya si Tana. Aayusin ko rin bukas ang pag-alis niyo sa Forbideria,” pukaw niyang sabi sa binata.
Bumuntong hininga si Aurus bago nagsalita, “Kakaibang marka ang lumabas sa mukha mo, premier guard. Tila mga ugat na gumapang ang itim na marka sa pisngi mo patungo sa mga mata. Nagmistula ’yong galamay ng gagamba na sumakop sa pisngi mo. Napansin ko rin na nag-iba ang kulay ng isa mong mata nang magtagpo ang mga marka sa isa’t-isa. Nag-iwan iyon ng abong kulay sa balat mo. Alam mo ba ang ibig sabihin kapag gan’yang marka ang lumabas sa mukha mo?”
“Alam ko at hindi mo na iyon kailangan sabihin. Umalis ka na,” pagtataboy niya kay Aurus.
Tinalikuran na niya ang binata at wala na siyang intensyon na kausapin ito. Alam niyang malala na ang kundisyon ng katawan niya dahil sa karamdamang iyon. Kung hindi dahil kay Aurus, baka natuluyan na siya kanina. Mabuti na lang at narito ang lalaki, at natulungan siya nitong itago kay Tana ang marka niya.
“Kung mahalaga sa ’yo ang kakambal mo, hanapin mo ang mga sangkap sa lunas. Magpagaling ka, premier guard,” paalala nito.
Nagpaalam muna si Aurus kay Tana bago ito umalis. Sa bahay-kubo na rin natulog si Gaia. Titiisin na lang niya kahit malikot matulog si Tana. Baka ito na ang huling beses na makakatabi niya sa pagtulog ang kakambal. Natanggap niya rin ang polseras na yari sa binuhol na lubid mula kay Tana. Iyon ang unang regalo na natanggap niya sa buong buhay niya.
***
Kinabukasan, dumating muli sa bahay-kubo si Aurus kasama si Zeus. Tuwang-tuwa naman si Tana na makita si Zeus at hindi maikakaila na na-miss nito ang lalaki. Iniwan naman niya sa kubo ang mga ito at lumabas, pero sinundan siya ni Aurus.
“Nagkukulay-abo ang kanang pisngi mo, premier guard. Hindi magtatagal muli mong mararamdaman ang labis na sakit sa katawan mo. Patuloy mong mararanasan iyon hanggang hindi na kayanin ng katawan mo. Mas mabuti kung makakainom ka ng sabaw ng isang sangkap ng lunas. Makatutulong iyon sa pansamantalang pagpigil sa nararamdaman mo.”
“Hindi ako interesado,” pambabalewala niya rito, pero napaatras nang hilahin nito ang braso niya.
Mabilis tinapik ni Gaia ang kamay ni Aurus, pero hinawakan din nito ang isa niyang kamay. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito para hindi siya makakilos. Pinatigas niya ang pulsuhan para labanan ang lakas nito.
“Malakas ka, premier guard. Hindi iyon maikakaila sa pinapakita mong lakas ngayon. Ngunit tandaan mo, wala kang laban kapag umatake ulit ang sakit mo.”
“Tanggap ko na ang mangyayari sa akin, estranghero, at hindi magbabagpo ang isip ko. P’wede mo na akong bitiwan,” walang emosyon niyang sagot.
Mataman siyang pinagmasdan ni Aurus bago nagpasyang pakawalan siya.
“Hindi maikakaila ang pagkakatulad niyo ni Tana pagdating sa itsura, ngunit mas’yadong matigas ang puso mo, premier guard. Alam kong hindi naging madali ang lahat para sa inyong dalawa at nasaksihan ko iyon kay Tana. Ayokong makita uli ang mga mata niyang walang buhay. Ayokong bumalik siya sa dati na tila patay na nabubuhay. Isipin mo rin ang maramdaman ni Tana kapag nawala ka. Ikaw na lang ang pamilya niya.”
Uminit ang ulo ni Gaia sa pagpupumilit ni Aurus. Hindi niya minamasama ang sinabi nito, pero imposibleng makuha niya ang mga halamang gamot. Wala siyang ideya sa lokasyon ng mga sangkap. Baka mas mapaaga ang pagkamatay niya dahil sa kundisyon ng katawan niya.
“Tama ka. Ako na lang ang pamilya ni Tana, pero nariyan pa kayo para sa kaniya kung mawawala ako. Mas matagal niya kayong nakasama kaysa sa akin. Mabilis niya lang matatanggap ang pagkawala ko kung iisipin niyang magkalayo lang kaming dalawa. Kahit anong mangyari, huwag mong sasabihin kay Tana ang tungkol sa sakit ko.”
Hindi siya napilit ni Aurus na gawin ang sinasabi nito. Umalis siya sa bahay-kubo at nagtungo sa pampang. Isang kwebang daan ang tinahak niya para makarating sa pupuntahan. Inihanda niya roon ang sasakyang pangdagat na ipinuslit niya sa dooms gate. Iyon ang gagamitin nina Tana para makalabas ng Forbideria.
***
Pagsapit nang hapon, nakahanda na ang lahat para sa pag-alis ng dalawang estranghero at ni Tana. Nasa pampang na sila at kasalukuyan siyang pinipilit ni Tana sumama sa pag-alis na mariin niyang tinanggihan. Ang katuwiran niya ay may tungkulin siyang ginagampanan sa Forbideria.
“Mag-iingat ka rito, Gaia. Dalawin mo rin ako sa Maleferia kapag pwede ka nang umalis. Hihintayin kita roon. Mangako ka.”
“Sige, pangako.”
Mahigpit nilang niyakap ang isa’t-isa. Parang ayaw na niyang bitiwan ang kakambal, pero kailangan nitong umalis. Alam niyang magiging maayos ang buhay nito sa labas ng kaharian kasama ang mga taong naging parte ng buhay nito noong wala pa siya, kahit ang kapalit no’n ay ang pagbalik niya sa dating buhay—ang mag-isa at walang aasahan kundi ang sarili niya. Haharapin din niyang mag-isa ang sakit niya hanggang sumuko ang katawan niya.
Nang maghiwalay sila ni Tana, nauna na itong sumakay sa bangka kasama si Zeus. Nagpahuli naman si Aurus para ipaalala ang tungkol sa gamot.
“Huwag mong kalilimutan ang mga sinabi ko, premier guard. Makatutulong ang isang sangkap para dugtungan ang buhay mo. Malaking bagay iyo para mahanap ang iba pang mga sangkap.”
“Isipin mo na lang na hindi mo ako nakilala sa lugar na ito, estranghero. Wala rin silbi ang mga paalala mo. Umalis ka na. Hinihintay ka na ng mga kasama mo.”
Huminga nang malalim si Aurus bago nagpasyang sumunod sa dalawa. Kumaway si Tana nang umandar ang bangka. Pinagmasdan naman ni Gaia ang papalayong sasakyan. Nang makita niyang nakalabas na ang kalahati niyon sa halo exit, tumalikod na siya. Nasa bungad na siya ng k’weba pabalik sa dooms gate nang hindi niya inaasahan ang biglang pag-atake ng sakit niya. Napaluhod siya sa buhangin habang sapo ang mata at dibdib niya.
“Argh!” Nag-echo sa loob ng kuweba ang sigaw ni Gaia. Tila sumagot sa kaniya ang sarili niyang boses. Paulit-ulit niyang pinukpok ang dibdib, ngunit kahit anong gawin niya, hindi nawawala ang sakit.
Tuluyan siyang bumagsak sa buhangin. Naramdaman niya ang pag-agos ng luha sa kaniyang pisngi. Nagpagulong-gulong siya at hindi niya alam kung anong posisyon ang gagawin niya para mawala ang sakit.
“Pakiusap, patayin mo na lang ako!” muli niyang sigaw habang patuloy sa pag-agos ang mga luha niya. Mas gusto na lang niyang mamatay kaysa paulit-ulit ’yong maramdaman, pero tila pinaparusahan siya ng langit at nanatili pa rin siyang buhay sa kabila ng paghihirap niya.
“Ayoko na! Tapusin niyo na lang ang buhay ko, pakiusap! Patayin niyo na ako!” sigaw niya kahit alam niyang walang makaririnig sa kaniya. Siya lang ang nakakaalam sa lugar na iyon at kung mamamatay siya, walang makakita sa bangkay niya.
Mariing napapikit si Gaia nang muling gumuhit ang sakit. Nauupos na ang kaniyang paghinga, pero hindi siya tumitigil sa pagwawala. Hindi niya alam kung parte ng kaniyang imahinasyon nang maramdaman ang dalawang bisig na pumigil sa pagwawala niya. Iniisip niyang dala lamang iyon ng pagnanais niyang may tumulong sa kaniya.
“Huminahon ka.”
Bahagyang huminahon si Gaia nang marinig ang masuyong boses na iyon. Okupado ng sakit ang isip niya at hindi niya nakilala kung sino ang nagma-may-ari ng boses na iyon. May inilagay ito sa bibig niya na kaagad niyang nilunok. Unti-unti ay nawawala ang sakit hanggang nanghihina siyang napasandal sa dibdib nito. Tinuyo nito ang luha sa pisngi niya kasunod ng pagbuhat nito sa kaniya. Pinilit naman niyang imulat ang mga mata para malaman kung sino ang taong tumulong sa kaniya.
“A-Aurus?” nagtataka niyang tanong sa mahina at namamaos na boses.
Hindi niya kayang paniwalaan ang nakikita ng nagdedeliryo niyang diwa. Paanong nasa tabi niya si Aurus kung nakita niyang lumabas ang sinasakyan nitong bangka sa halo exit? Ang katanungang iyon ang dala-dala ng kaniyang diwa hanggang kainin ng dilim ang kamalayan niya.
Sunod-sunod ang ginawang buntong hininga ni Aurus habang pinagmamasdan ang walang malay na dalaga. Dinala niya ito pabalik sa kubo pagkatapos niya itong bigyan ng gamot. Apatnapung oras ang epekto ng ibinigay niyang gamot kay Gaia at isang araw pa lang ang lumilipas, kaya mananatili itong walang malay hanggang bukas.“Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para balikan ka, premier guard,” naiiling niyang sabi sa walang malay na babae. Maging siya’y hindi rin makapaniwala sa kaniyang ginawa.Natanaw niyang bumagsak si Gaia at hindi siya nagdalawang isip tumalon mula sa sinasakyang bangka at lumangoy pabalik dito. Alam niyang makakatulong siya sa kalagayan nito, kahit ang kapalit niyon ay ang katungkulan niya bilang heneral sa kahariang pinaglilingkuran niya. Kampante naman siya dahil natagpuan nila si Tana. Ilang taon din nila itong hinanap nang umalis ito ng kaharian para hanapin ang kakambal nito. Muli niyang nakita ang kasiyahan sa mga mata nito habang kasama si Gaia. Ayaw ni
Nagmamadaling pumasok si Aurus sa bahay kubo nang umulan ng palasong may apoy sa direksyon niya. Mabilis niyang isinara ang pintuan, pero napaatras siya nang lumampas ang palaso sa dingding. Kaagad nagliyab ang parteng tinamaan niyon. Luma na ang mga kasangkapang kahoy na ginamit sa kubo at alam niyang mabilis kakalat ang apoy roon.“May hinala ba silang narito ang premier guard?” tanong niya sa sarili.Pinuntahan niya si Gaia sa silid nito para makita ang kundisyon ng dalaga. Mahimbing pa rin itong natutulog at walang bahid ng sugat mula sa kalaban. Sa palagay niya ay hindi pa nakakapasok ang sinuman sa kubo bago siya dumating.“Sunugin niyo ang kubong iyan. Malakas ang kutob ko na may nagtatagong malakas na nilalang diyan bukod sa lalaking pumasok. Huwag niyo silang hahayaang mabuhay!”Narinig ni Aurus ang sigaw na iyon mula sa labas ng kubo. Nagmadali naman niyang ibinalot sa kumot si Gaia. Sinira niya rin ang dingding ng kubo sa likuran para makalabas sila.“Hindi na tayo ligtas d
“Gaia...”Isang pamilyar at malambing na boses ang narinig ni Gaia mula sa kung saan. Gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing naririnig ang boses na iyon. Tila pinapawi no’n ang sakit sa katawan niya. Gusto niyang makita kung sino ang nag-ma-may-ari ng boses, pero hindi niya alam kung saan ito hahanapin. Para siyang nakalutang sa kawalan at wala siyang mapupuntahan bukod sa kinalalagyan niya. Mabigat ang katawan niya at hindi siya makagalaw.“Gaia!” muling sabi ng parehong boses, pero ngayon nagbago ang timbre niyon. Sumisigaw na ito na animo’y natatakot.“Gumising ka, Gaia!”Pinilit magmulat ni Gaia, pero hindi niya magawa. Nahihirapan siya at kinakapos ng hininga sa tuwing nilalabanan niya ang kagustuhang magising. Para siyang sinasakal sa ginagawa niya, pero hindi siya nagpatalo sa nararamdaman. Pinilit niyang magising at sumalubong sa kaniyang paningin ang madumi at pamilyar na paligid.“Gaia, anak.”Hinanap niya sa paligid ang pinagmumulan ng boses. Nangilid ang luha niya nang mak
“Bakit kasi pumunta ka sa lugar na ito, estranghero? Ang dami naman mapupuntahan, pero ito pa ang napili mo. Ito tuloy ang napala natin,” sabi ni Gaia na may tonong paninisi kay Aurus.Ang lawak ng Atar, pero sa kagubatan pa ito pumunta. P’wede naman itong pumunta sa sentro ng bayan at tumuloy sa mga bahay panuluyan doon, o kaya ay sa Timog na bahagi ng dibisyon kung nasaan ang kwebang tinutuluyan niya sa Atar.“Wala akong ideya sa lugar na ito, premier guard. Kung alam ko sana na mapanganib dito, hindi na ako pumunta.”“Ano ba’ng nangyari at humantong tayo rito? Isa pa, bakit buhat-buhat mo ako?”“Hindi mo ba naaalala ang nangyari bago ka mawalan ng malay?” muling tanong ni Aurus.Nailang si Gaia sa posisyon nila ng binata lalo na nang maramdaman niya ang mainit nitong hininga sa pisngi niya. Gusto man niyang alalahanin ang mga nangyari, pero hindi niya ginawa. Mas gugustuhin niyang makaalis sa kasalukuyan nilang sitwasyon at makaalis sa mga bisig ng binata.“Mamaya ko na iisipin ang
Hindi ipinakita ni Gaia ang gulat sa mukha niya. Hawak na nila ang isang sangkap para makagawa ng lunas sa karamdaman niya, pero hindi niya alam kung dapat ba siya maging masaya. Gusto niyang umasang muli na gagaling pa siya, pero nang maalala ang sakit na naramdaman niya sa bungad ng k’weba, nawawala ang pag-asang iyon. Halos panawan na siya ng ulirat sa sakit at hindi niya alam kung hanggang kailan tatagal iyon bago siya bawian ng buhay. Kung magsisimula siya ngayon sa paghahanap ng mga sangkap, baka masayang lang din ang gagawin niya. Baka tuluyan na siyang mamaalam sa mundo sa kalagitnaan ng paghahanap niya.“Delikado kung mananatili pa tayo nang matagal dito, estranghero. Kung ayaw natin maging hapunan ng mga mababangis na hayop, kailangan na nating umalis bago sumapit ang dilim,” sabi niya at binalewala ang hawak nitong prutas.“Huwag mong sayangin ang pagkakataong ito, premier guard. Kapag nakuha mo ang mga sangkap ng lunas, makakalaya ka na sa sakit mo. Hindi ka na mahihirapan
“Anong sinabi mo?” gimbal na tanong ni Gaia sa batang babae na nakayakap sa binti niya.“Kinagagalak po kitang makilala, mahal na ina. Ako po si Brie at ito po ang kapatid kong si Brian. Kabilang po kami sa mga anak mo, ina,” masiglang sagot ng bata.“Nababaliw ka na, bata. Wala akong anak. Bitiwan mo nga ako.”Inalis ni Gaia ang maliliit nitong braso sa binti niya. Nawalan ng balanse ang bata at natumba sa lupa. Nangilid ang luha nito at maya-maya ay pumalahaw ng iyak. Nainis naman siya sa ingay nito.“Tumigil ka nga sa kaiiyak mo riyan. Ang sakit sa tainga ng boses mo!” singhal niya sa bata, pero mas lalong lumakas ang iyak nito.“Huwag mong ipakita ang masamang pakikitungo sa bata, premier guard,” saway ni Aurus bago nito lapitan ang bata. Patingkayad itong umupo sa harapan ng paslit. “Huwag ka na umiyak, munting binibini. Baka pumangit ka niyan, sige ka.”Tumayo ang bata at yumakap kay Aurus. Sumubsob ito sa balikat ng binata at nagsumbong.“Ayaw sa akin ni Ina, Ginoo. Hindi niya
Mag-isang hinarap ni Aurus ang anim na kalaban. Nanatili namang nakatayo sa likuran si Gaia at handang umatake kapag nasa dehadong sitwasyon ang binata, ngunit duda siya kung mangyayari ang pagka-dehado nito sa laban. Magaling si Aurus at hindi rin maikakaila na magagaling ang mga kalaban nito. Kakaiba ang istilo ng mga kalaban ni Aurus at halatang bihasa ang mga ito sa laban. Nagtataka siya kung saang dibisyon nagmula ang ganitong istilo ng pakikipaglaban.“Kakaiba ang istilong ginagamit mo sa laban, lalaki. Walang gan’yang istilo sa Forbideria. Sino ka at ano ang ginagawa mo rito? Isa kang dayuhan sa kaharian namin,” saad ng isa sa anim.“Wala kang patunay na isa akong dayuhan,” sagot ni Aurus.Pinag-aralan naman ni Gaia ang kilos ng anim na kalalakihan. Kinukumpara niya ang kasuotan at istilo ng mga ito sa mga naging kasama niya sa dooms gate. Isa man sa mga iyon ay walang tumugma. Isa lang ang nasa isip niya kung sino ang mga lalaking nakasuot ng puting uniporme.“Mga kawal kayo m
Gaia, makinig ka sa sasabihin ko. Huwag kang susuko. Magpalakas ka, anak, at patuloy na mabuhay. Darating ang araw na titingalain ka ng lahat.“Ina!”Bumalikwas ng bangon si Gaia nang marinig ang boses ng kaniyang ina, ngunit nahilot niya ang ulo nang kumirot iyon sa biglang pagbangon niya.“Mahina pa ang katawan mo, iha. Hindi ka dapat kumikilos nang bigla-bigla. Baka makasama sa katawan mo,” sabi ng boses matanda.Tinignan ni Gaia ang nagsalita at nakita niya ang matandang babae. May kung anong dinudurog ito sa isang bato bago ilagay sa kalderong nakasalang sa apoy. Napansin din niya ang isang kumpol ng pulang prutas na nakasabit sa dingding. Napakarami niyon na tila iniipon sa loob ng bahay.“Sino ka at nasaan ako?”“Tawagin mo akong Lola Claro, iha, at narito ka sa tahanan namin ng mga apo ko. Wala kang malay nang dalhin ka rito ni Ginoong Aurus. Kung itatanong mo kung nasaan siya, nasa ilog lang siya kasama ng mga bata. Kailangan niyang maligo para alisin ang putik sa katawan niy
Binaybay ni Aurus at Trey ang daan na tinahak ng grupong kumuha kay Gaia. Ayon kay Trey, isa ang grupong iyon sa sumugod sa dooms gate na gustong pumatay kay Gaia. Ngayon alam na niya kung bakit pamilyar sa kaniya ang mga lalaking iyon. Hindi niya maiwasang mag-alala sa dalaga kahit alam niyang kaya nitong ipagtanggol ang sarili. Nag-aalala siya na baka hindi pa bumabalik sa dati ang lakas nito pagkatapos ng mga nangyari kagabi. Alam niyang hindi nagpapakita ng kahinaan si Gaia, pero nararamdaman niyang may epekto rito ang pagtatalik nila kagabi. Napansin niya iyon nang lumabas ito sa silid kaninang umaga. May panginginig ang mga binti nito, pero kaagad nitong naitago iyon. Wala naman siyang ideya sa plano nito kung bakit nagkusa itong sumama sa grupo ng Lunos.“Kuya Aurus, bakit po tayo iniwan ni Ina?” inosenteng tanong ni Brie.Marahang lumalakad ang sinasakyan nilang kabayo dahil sa makipot na daan. Medyo madulas din iyon dahil sa pag-ulan kagabi.“Hindi niya tayo iniwan, Brie. May
Nagulat si Gaia sa sinabi ni Aurus at hindi agad nakasagot. Nakita na lang niya ang papalayo nitong bulto sa kaniya. Wala sa sarili siyang napahawak sa tapat ng dibdib niya. Hindi niya inaasahan ang mabilis na tibok ng kanyang puso sa ginawa nito. Hindi man kapani-paniwala, pero tila naapektuhan ang damdamin niya sa sinabing iyon ng binata.“Pinuno!”Isang sigaw ang nagpabalik sa h’wisyo ni Gaia. Nakita niya ang kapatid ni Trey na nagmamadaling lumapit sa kaniya. Kaagad itong lumuhod sa harapan niya para magbigay galang.“Hindi ako ang lider niyo, kaya’t huwag mo nang gawin iyan. Tumayo ka at sabihin ang sadya mo,” saway niya rito, pero hindi nito pinansin ang sinabi niya.“Pinuno, ako po si Animfa. Nais ko lang pong ibalita na narito ang grupo ng Lunos dala ang malalakas nilang armas na pampasabog. Kung hindi raw po magpapakita ang pinuno ng tribo sa kanila ngayon, pasasabugin nila ang lugar na ito,” natataranta nitong sabi.“Bakit sila narito?” tanong na lang niya sa babae.“Palagi
Nagising si Gaia sa marahang hangin na dumadampi sa mukha niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata. Agad siyang umiwas ng tingin nang masilayan ang mukha ni Aurus. Hindi niya maiwasang mag-init ang mukha nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi man lang pumasok sa isip niya na mapupunta siya sa ganitong sitwasyon. Iyong gigising siya katabi ang isang lalaki at alam niyang pareho silang walang saplot sa ilalim ng kumot na yari sa balat ng hayop.Ipinilig niya ang ulo para mawala sa isip ang nangyari kagabi. Hindi na niya dapat inaalala ang ganoong bagay lalo pa’t napilitan lang silang gawin iyon. Tinangka na lang niyang umalis sa mahigpit na yakap ni Aurus, pero gumalaw ito at muli siyang hinila palapit. Sumubsob ang mukha niya sa dibdib nito. Muli siyang dumistansya dahil hindi na siya komportable sa posisyon nila, pero hinila ulit siya ni Aurus. Bahagya siyang nagtaka dahil hindi niya nararamdaman ang kirot ng sugat sa likuran niya. Marahil naghilom na iyon dahil sa kulay abong
“G-Gaia,” paggising niya sa dalaga, pero pakiramdam niya ay isang ungol ang lumalabas sa bibig niya dahil sa lakas ng nararamdaman niyang pagnanasa sa dalaga. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan at butil-butil na ang pawis sa noo niya. Kinokontrol niya ang sarili kahit hinahalikan niya ito. Pinipilit niyang lumayo rito, pero malakas ang kagustuhang namumuo sa katawan niya.Tuluyang napigtas ang pagpipigil ni Aurus nang muling napunta ang kaniyang paningin sa mga labi ni Gaia. Hindi niya nakontrol ang sarili at muling sinakop iyon. Guminhawa ang kaniyang pakiramdam nang maglapat ang kanilang mga labi, ngunit unti-unting bumabalik ang nararamdaman niya. Mas tumindi pa ang pagnanasa sa katawan niya nang marinig ang mahinang ungol ni Gaia. Tila mitsa iyon para mas mag-alab ang katawan niya.“G-Gaia, gumising ka. Itulak mo ako, pakiusap,” halos magmakaawa na ang boses niya, pero pagkasabik ang nararamdaman ng katawan niya.Namalayan na lang niyang nasa ibabaw na siya ni Gaia at humaplos ang ka
Problemadong umupo si Gaia sa upuang kahoy sa gilid ng higaan sa kinaroroonan niyang silid. Hindi pumayag ang mga amazona na hindi siya pumasok sa silid na iyon bilang pagpapatuloy sa ginawang ritwal na napag-alaman niyang uri ng isang kasal sa tribong amazona. Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ng mga ito na mag-asawa na sila ni Aurus, at kailangang magkaroon ng sanggol sa sinapupunan niya.“Isang malaking kalokohan ito. Hindi ko obligasyon ang tribo nila. Bakit nila pinipilit na ako ang bago nilang pinuno? May mga sira ba sila sa ulo?” naiinis niyang sabi.Inayos ni Gaia ang pagkakabalot ng roba sa katawan niya. Yari iyon sa balat ng hayop na ibinigay ng amazona kanina. Tanging iyon ang suot niya at naiilang siya dahil hindi siya nag-iisa sa silid na iyon. Tumayo siya at masamang pinukol ng tingin si Aurus na komportableng nakahiga sa nag-iisang higaan doon. Wala pa rin itong pang-itaas na damit at tanging kakarampot na tela ang tumatakip sa ibabang parte ng katawan nito. Wala
Natuon ang tingin ng lahat nang unti-unting sinakop ng kulay abong bulaklak ang ibabaw ng tubig. Nangilabot si Trey nang huminahon ang paligid at muling lumitaw ang buwan sa kalangitan. Tila walang nangyaring delubyo kanina at tanging mga dahon na pumatak mula sa mga puno ang naiwan sa lupa. Hindi niya inaasahang masaksihan ang nakamamanghang pangyayaring ito. Matituturing na isang himala ang kasalukuyang nangyari sa tribo ng amazona.“Sa wakas… narinig ng mahal na anito ang hiling natin. Namulaklak na ang krandular. Magiging maayos na ang lahat sa tribo ng amazona. Hindi na tayo maghihirap at babalik na sa normal ang pamumuhay natin!” masayang sabi ng isang amazona.Isang masayang pagdiriwang ang narinig sa buong paligid dahil sa paglitaw ng natatanging bulaklak sa Forbideria. Masyadong natuon ang mga ito sa bulalak at hindi napansin ang pagkilos ng mga kamay ni Gaia. Tanging si Trey ang nakakita sa paggalaw niyon. Maging si Aurus ay hindi napansin iyon dahil nakayuko ito sa balikat
“Ina! Tulungan niyo po ang ina ko!” nagwawalang sigaw ni Brie nang makitang nahulog si Gaia sa tubig.“Gaia!” sigaw naman ni Aurus na walang pagdadalawang isip tumalon sa tubig.Sinundan nito ang pagkakahulog ni Gaia at wala silang ideya kung ano ang nangyari sa dalawa. Tahimik ang paligid na pawang naghihintay kung ano ang susunod na mangyayari. Tulala ang karamihan sa miyembro ng amazona dahil sa pagkamatay ni Gru at walang sinuman ang kumikilos para saklolohan si Gaia at Aurus.“Ina! Kuya Aurus! Pakiusap, tulungan niyo po sila!” muling sigaw ni Brie.“Kailangan ko silang puntahan. Nasa panganib sila,” sabi ni Trey at muli sanang papasok sa bilog na pormasyon nang pigilan ito ni Animfa.“Huwag mong gagawin iyan, Kuya, kundi pare-pareho tayong mamamatay rito. Walang sinuman ang p’wedeng pumasok sa bilog na pormasyon habang gumagana pa ang ritwal. Masisira ang lahat ng pinaghirapan namin at mauuwi iyon sa wala. Maghintay na lang tayo rito at umasang ligtas silang dalawa.”Bumuntong hi
Bumuntong hininga si Gaia bago inalis ang matulis na ipit sa leeg ni Aurus. Tumingin siya kay Gru na animoy sumusuko na siya. Ngumisi naman ito sa kaniya. Tila nakamit na nito ang tagumpay sa ngising iyon. Wala naman siyang pagpipilian kundi gawin ang pagpapanggap na iyon. May panibago siyang plano at sana ay magtagumpay iyon. Pinagbabasehan niya ang ihip ng hangin ngayon. Makatutulong iyon sa kaniya para makaiwas sa sandata ng kalaban.“Kuya Trey?” sigaw ng isang babae mula sa grupo ng mga amazona. Bumaling sa direksyon nito ang tingin ni Trey at kahit nagpapakiramdaman, nabaling din ang atensyon nila ni Gru roon.“Animfa! Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?” nag-aalala nitong tanong nang makilala ang babae.“Kuya, anong ginagawa mo rito? Hindi ka p’wede pumunta rito. Bawal ka rito at baka mapahamak ka pa.”“Huwag mong baguhin ang usapan, Animfa. Ayos ka lang ba, ha? Ang sabi ni Ina, gagawin kang alay ngayon kaya narito ako ngayon para iligtas ka. Sinaktan ka ba nila?” “Kuya, maa
“Gaia, umalis ka na rito!” sigaw ng boses ni Aurus mula sa kung saan.Hinanap ni Gaia ang pinanggalingan ng boses ni Aurus, pero wala ito sa paligid. Tanging mga amazona ang nakikita niyang nakapalibot sa pormasyong kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung imahinasyon lang niya iyon o totoong naririnig niya ang boses nito. Marahil dala lamang iyon ng kagustuhan niyang makita si Aurus at iligtas ito mula sa tribo.“Tumingin ka sa itaas, Gaia,” muling sabi ng boses ni Aurus.Ngayon niya napagtanto, naririnig talaga niya ang boses nito.Sinunod ni Gaia ang sinabi ni Aurus. Tumingala siya sa pag-aakalang naroon si Aurus, pero nasilaw siya sa liwanag ng buwan. Bahagya siyang pumikit nang humapdi ang kaniyang mga mata sa liwanag. Nakiramdam siya sa sarili at nang mawala ang kirot, binuksan niya uli ang mga mata, ngunit sinalubong siya ng kaharap na amazona. Hindi niya napaghandaan ang sipa nito sa tiyan niya.“Argh!” daing ni Gaia nang tumilapon siya pabalik sa butas na pinanggalingan niya.