Gaia, makinig ka sa sasabihin ko. Huwag kang susuko. Magpalakas ka, anak, at patuloy na mabuhay. Darating ang araw na titingalain ka ng lahat.“Ina!”Bumalikwas ng bangon si Gaia nang marinig ang boses ng kaniyang ina, ngunit nahilot niya ang ulo nang kumirot iyon sa biglang pagbangon niya.“Mahina pa ang katawan mo, iha. Hindi ka dapat kumikilos nang bigla-bigla. Baka makasama sa katawan mo,” sabi ng boses matanda.Tinignan ni Gaia ang nagsalita at nakita niya ang matandang babae. May kung anong dinudurog ito sa isang bato bago ilagay sa kalderong nakasalang sa apoy. Napansin din niya ang isang kumpol ng pulang prutas na nakasabit sa dingding. Napakarami niyon na tila iniipon sa loob ng bahay.“Sino ka at nasaan ako?”“Tawagin mo akong Lola Claro, iha, at narito ka sa tahanan namin ng mga apo ko. Wala kang malay nang dalhin ka rito ni Ginoong Aurus. Kung itatanong mo kung nasaan siya, nasa ilog lang siya kasama ng mga bata. Kailangan niyang maligo para alisin ang putik sa katawan niy
Nagmamadaling tumayo si Gaia at lumabas ng bahay kasunod si Lola Claro. Humanga pa siya sa kaniyang katawan dahil tila bumalik na iyon sa normal. Epektibo talaga ang katas ng pulang prutas para bumalik ang lakas niya.“Anong nangyari, Brian? Sino ang mga nakapasok na kalaban?” tanong ni Lola Claro sa bata.“Hindi ko po kilala, Lola. Natanaw ko lang po sila habang nasa ilog kami nina Kuya Aurus at Brie. Mukha po silang madudungis na sanggano. May dala po silang mga armas na sibat at pana. Yari po iyon sa mga kahoy at kawayan. Sa tingin ko rin po, may pinatalas na bato sa dulo ng mga armas nila.”Pamilyar kay Gaia ang paglalarawan ni Brian, ngunit imposible ang sinasabi nito. Ang mga ganoong uri ng armas ay karaniwang ginagamit ng mga bilanggo sa blackhole. Kung narito ang mga bilanggo, maaaring nakalusot ang mga ito palabas nang magkaroon ng kaguluhan sa dooms gate.“Nasaan si Brie at Kuya Aurus mo?” muling tanong ni Lola Claro.“Binabantayan po ni Kuya Aurus ang kilos ng mga kalaban.
Napangisi si Gaia nang maramdaman ang pagkilos ng mga kalaban. Kahit nakapikit, nagawa niyang umiwas sa isang atake na paparating sa direksyon niya. Naramdaman niyang nasa unahan ang kalaban kaya’t sinamantala niya iyon. Itinaas niya ang kanang paa at sinipa ito paibaba sa lupa. Idiniin niya ang katawan nito kasabay nang pagmulat ng mga mata niya. Napahinto ang mga kalaban sa pagsugod nang mawalan ng malay ang lalaking tinatapakan niya.“Binabalaan kita, Sanmig. Umalis na kayo sa lugar na ito,” seryoso niyang sabi sa tumatawang pinuno ng grupo.“Hindi mo teritoryo ang lugar na ito, premier guard. Wala kang karapatan na utusan ako. Gagawin kong kampo ang magandang lugar na ito at dito ako magpaparami ng mga tao. Sasakupin ko ang Forbideria at lahat kayo ay luluhod sa harapan ko!”Hindi pinansin ni Gaia ang mahabang litanya ni Sanmig. Pinag-aralan niya ang posisyon ng mga kalaban habang nakapaligid sa kaniya. Kung si Sanmig ang kaniyang puntirya, kailangan niyang lampasan ang walong kal
Tumulong sina Gaia at Aurus para ibalik ang bitag sa dating ayos. Mas pinili naman ni Gaia na manatili sa bahay ni Lola Claro kaysa maglakbay para hanapin ang mga sangkap ng lunas. Nanatili rin si Aurus sa tabi niya kahit labag iyon sa loob ng binata. Mas gusto nitong tulungan si Gaia para gumaling, pero wala itong magagawa kundi manatili sa tabi ng dalaga.Sa mahigit isang linggo nila roon, nakagawian ni Gaia ang pamamasyal sa tabing ilog at kung minsan ay sa burol. Dala-dala niya ang libro ng kasaysayan ni Lola Claro at palaging binabasa iyon. Ginawa lang niyang libangan ang pagbabasa at wala siyang planong gawin ang mga nakasulat doon.“Gaia, pinapatawag ka ni Lola Claro. Kakain na raw,” sabi ng bagong dating na si Aurus.Itinupi ni Gaia ang hawak na libro bago tumayo. Pinagmasdan muna niya ang magandang tanawin sa kinaroroonang burol. Maliwanag ang sikat ng araw, ngunit kay lamig ng simoy ng hangin. Dinuduyan ng mayuming hangin ang itim at hanggang baywang niyang buhok. Maging ang
“L-lola, ang sasama po nila. Hindi pa sila nakuntento sa pagtapon ng mga gamit natin, sinunog pa nila ang bahay natin. Wala na po tayong tahanan, lola!” Umiiyak na sumbong ni Brie habang hawak ng isang armadong lalaki.“Tumahimik ka, bata!” Malakas na sinampal ng lalaki si Brie.“Brie!” sigaw ni Aurus nang mawalan ng malay ang bata.Nagtangkang kumawala si Aurus sa dalawang lalaki na nakahawak dito, pero pinukpok ito ng espada sa ulo ng kalabang nakatayo sa likuran nito. Pinilig ni Aurus ang ulo nang bahagyang nahilo. Lalapit din sana si Gaia nang harangan siya ni Lola Claro. Hinila nito si Brian para ilagay sa likuran. Nanatili sila sa likuran ng matanda habang pinag-aaralan ng dalaga ang kilos ng mga kalaban. Inilagay niya rin sa bulsa ng bestida ang supot na ibinigay ni Lola Claro para hindi iyon mawala o mahulog kapag nagkagipitan sa laban. Kailangan niya ang pinatuyong pulang prutas para magkaroon ng lakas para lumaban.“Tama ang aking hinala na nagtatago ka sa proteksyon ng bita
Bumaling sa direksyon ni Gaia ang pigura. Kahit natatakpan ng puting maskara ang mukha nito, alam niyang isa itong lalaki. Lalaking may malaking bulto at matikas na tindig. Hindi nalalayo kay Aurus ang taas nito, pero may madilim itong presensiya. Hindi niya mawari, pero tila pamilyar sa kaniya ang ganitong pakiramdam. Waring naramdaman na niya ito sa isang tao, pero hindi niya maalala kung sino.“Brian!” muli niyang sigaw nang walang awang hugutin ng pigura ang espada sa likuran ng bata.Hindi siya nagsayang ng oras. Dinampot niya ang mahabang kahoy na kasing laki ng braso sa lupa at sumugod sa lalaki. Winasiwas niya ang kahoy rito na agad nitong na-depensahan. Mabigat at may p’wersa nitong winasiwas ang espada dahilan ng unti-unting pagkaputol ng hawak niyang kahoy. Nang isang dangkal na lang ang kahoy, ibinato niya iyon sa pigura. Mas’werte iyong nakalusot sa depensa nito at tumama sa kaliwang balikat ng lalaki.“Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!” galit niyang sabi sa pigura at
Walang ideya si Aurus kung paano patitigilin sa pag-iyak si Brie. Namamaga na ang mga mata nito sa labis na pag-iyak. Hindi niya rin magawang sundan si Gaia dahil nagwawala si Brie sa tuwing hahawakan niya. Hindi naman niya ito maaaring iwanan doon, kaya wala siyang nagawa kundi maghintay kung kailan ito titigil sa pag-iyak. Umupo siya sa putol na sanga ng punong kahoy habang nakatingin sa bata. Inabot na sila ng takip-silim nang tumigil ito sa pag-iyak. Marahan nitong pinunasan ang mukha gamit ang likod ng palad.“Maayos na ba ang pakiramdam mo, Brie?” malumanay niyang tanong dito.Tumango ito kahit may kaunting hikbi pa rin.“Halika na. Maghanap muna tayo ng maaaring kanlungan para magpalipas ng gabi.”“M-may alam po akong lugar kung saan tayo p’wedeng manatili, Kuya Aurus.”“Mabuti kung gano’n. Maaari mo bang ituro ang daan?”Tumango si Brie at pinangunahan ang paglalakad. Ilang sandali pa ay nakarating sila sa kambal na punong kahoy. Sa gitna niyon ay may malaking espasyo na animo
“Sino ka at bakit nasa panig ka ng malas na ’yan, huh?!” galit na tanong ni Piggy.Hindi pinansin ni Aurus ang tanong ng matabang pinuno. Bahagya niyang ibinaling ang ulo sa direksyon ni Gaia. Napansin niya ang pamumutla nito at nanghihinang mga mata.“Kumusta ang nararamdaman mo, Gaia? Ayos ka lang ba?” tanong niya na may halong pag-aalala.“Bakit narito ka, Aurus? Nasaan si Brie?” balik nitong tanong na may bahid ng pag-aalala.Bahagyang ngumiti si Aurus. Malamig at tila walang pakealam ang pinapakita nito, pero sa likod niyon ay labis din itong nag-aalala sa sitwasyon ng bata.“Nasa maayos na kalagayan si Brie, Gaia. Kasama ko siya rito at nagtatago lang siya para hindi madamay sa gulo.”“Sana hindi na lang kayo pumunta rito, Aurus. Ayokong madamay kayo sa kamalasan… argh!”Naging alerto si Aurus nang malakas itong dumaing at muntikan ng matumba. Maagap niya itong hinawakan sa baywang at isinandal sa dibdib niya. Hindi maikakaila ang labis na pag-aalala sa ekspresyon niya, pero wal
“Wala akong alam sa sinasabi mo, pero sa tingin ko, ito ang kailangan mo.”Kaagad napansin ni Gaia ang pagbabago ng emosyon sa mga mata ng lalaki. Agad niyang naisip na krandular ang dahilan kaya sapilitan nitong kinukuha ang pinuno ng mga amazona. Gusto nitong malaman sa mga lider mismo kung namukadkad ang krandular, pero wala siyang ideya kung bakit hindi bumabalik ang mga pinuno sa tribo. Lalo na’t walang pagsisisi siyang nakita sa mukha ng mga kababaihan kanina.Tumitig siya sa lalaki. Maaari kayang tama ang sinasabi nito na kusang loob nagpaalipin ang mga dating lider, pero ano’ng dahilan?“Paano mo nakuha ang krandular?” Kunot noo itong naghihintay sa sagot niya.Huminga nang malalim si Gaia. Hindi na niya dapat isipin ang tungkol sa mga dating lider ng amazona. Mas dapat niyang isipin ang pakay sa lugar na ito at kung paano matutukoy ang utak sa pagpapasabog sa dooms gate. Dalawang taon siyang naghirap upang pangalagaan iyon, at hindi siya papayag na makalusot ang mga ito nang
Lulan ng karwahe, nakikiramdam si Gaia habang nakapikit. Napapagitnaan siya ng dalawang lalaki sa loob. Alam niyang may tumitingin sa nakahantad niyang hita mula sa mga kasama sa loob ng karwahe. Nang maramdaman ang pagkilos ng nasa kanan, mabilis siyang nagmulat ng mga mata at dinakot ang kamay nito na nagtangkang hawakan ang hita niya. Nagulat ang lalaki, pero hindi ito nakahulma nang ihampas niya ang sarili nitong kamay sa mukha nito. Napatingala ito at nauntog sa dingding ng karwahe.“Argh! Bwiset kang babae ka!” Galit nitong binunot ang patalim sa baywang, pero mabilis niyang sinapak ang lalaki at sinipa palabas ng karwahe. Nasira ang pintuan at tuluyan itong nahulog. Hinawakan siya ng natitirang lalaki sa loob ng karwahe, pero pinilipit niya ang braso nito.“Aray! Bitiwan mo ako!” sigaw nito.Naramdaman ni Gaia ang bahagyang pagtigil ng karwahe.“Ano’ng nangyayari dito?” bungad na tanong ng isang lalaki na sumilip sa nasirang pinto ng karwahe.Hinila ni Gaia ang hawak na lalaki
Binaybay ni Aurus at Trey ang daan na tinahak ng grupong kumuha kay Gaia. Ayon kay Trey, isa ang grupong iyon sa sumugod sa dooms gate na gustong pumatay kay Gaia. Ngayon alam na niya kung bakit pamilyar sa kaniya ang mga lalaking iyon. Hindi niya maiwasang mag-alala sa dalaga kahit alam niyang kaya nitong ipagtanggol ang sarili. Nag-aalala siya na baka hindi pa bumabalik sa dati ang lakas nito pagkatapos ng mga nangyari kagabi. Alam niyang hindi nagpapakita ng kahinaan si Gaia, pero nararamdaman niyang may epekto rito ang pagtatalik nila kagabi. Napansin niya iyon nang lumabas ito sa silid kaninang umaga. May panginginig ang mga binti nito, pero kaagad nitong naitago iyon. Wala naman siyang ideya sa plano nito kung bakit nagkusa itong sumama sa grupo ng Lunos.“Kuya Aurus, bakit po tayo iniwan ni Ina?” inosenteng tanong ni Brie.Marahang lumalakad ang sinasakyan nilang kabayo dahil sa makipot na daan. Medyo madulas din iyon dahil sa pag-ulan kagabi.“Hindi niya tayo iniwan, Brie. May
Nagulat si Gaia sa sinabi ni Aurus at hindi agad nakasagot. Nakita na lang niya ang papalayo nitong bulto sa kaniya. Wala sa sarili siyang napahawak sa tapat ng dibdib niya. Hindi niya inaasahan ang mabilis na tibok ng kanyang puso sa ginawa nito. Hindi man kapani-paniwala, pero tila naapektuhan ang damdamin niya sa sinabing iyon ng binata.“Pinuno!”Isang sigaw ang nagpabalik sa h’wisyo ni Gaia. Nakita niya ang kapatid ni Trey na nagmamadaling lumapit sa kaniya. Kaagad itong lumuhod sa harapan niya para magbigay galang.“Hindi ako ang lider niyo, kaya’t huwag mo nang gawin iyan. Tumayo ka at sabihin ang sadya mo,” saway niya rito, pero hindi nito pinansin ang sinabi niya.“Pinuno, ako po si Animfa. Nais ko lang pong ibalita na narito ang grupo ng Lunos dala ang malalakas nilang armas na pampasabog. Kung hindi raw po magpapakita ang pinuno ng tribo sa kanila ngayon, pasasabugin nila ang lugar na ito,” natataranta nitong sabi.“Bakit sila narito?” tanong na lang niya sa babae.“Palagi
Nagising si Gaia sa marahang hangin na dumadampi sa mukha niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata. Agad siyang umiwas ng tingin nang masilayan ang mukha ni Aurus. Hindi niya maiwasang mag-init ang mukha nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi man lang pumasok sa isip niya na mapupunta siya sa ganitong sitwasyon. Iyong gigising siya katabi ang isang lalaki at alam niyang pareho silang walang saplot sa ilalim ng kumot na yari sa balat ng hayop.Ipinilig niya ang ulo para mawala sa isip ang nangyari kagabi. Hindi na niya dapat inaalala ang ganoong bagay lalo pa’t napilitan lang silang gawin iyon. Tinangka na lang niyang umalis sa mahigpit na yakap ni Aurus, pero gumalaw ito at muli siyang hinila palapit. Sumubsob ang mukha niya sa dibdib nito. Muli siyang dumistansya dahil hindi na siya komportable sa posisyon nila, pero hinila ulit siya ni Aurus. Bahagya siyang nagtaka dahil hindi niya nararamdaman ang kirot ng sugat sa likuran niya. Marahil naghilom na iyon dahil sa kulay abong
“G-Gaia,” paggising niya sa dalaga, pero pakiramdam niya ay isang ungol ang lumalabas sa bibig niya dahil sa lakas ng nararamdaman niyang pagnanasa sa dalaga. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan at butil-butil na ang pawis sa noo niya. Kinokontrol niya ang sarili kahit hinahalikan niya ito. Pinipilit niyang lumayo rito, pero malakas ang kagustuhang namumuo sa katawan niya.Tuluyang napigtas ang pagpipigil ni Aurus nang muling napunta ang kaniyang paningin sa mga labi ni Gaia. Hindi niya nakontrol ang sarili at muling sinakop iyon. Guminhawa ang kaniyang pakiramdam nang maglapat ang kanilang mga labi, ngunit unti-unting bumabalik ang nararamdaman niya. Mas tumindi pa ang pagnanasa sa katawan niya nang marinig ang mahinang ungol ni Gaia. Tila mitsa iyon para mas mag-alab ang katawan niya.“G-Gaia, gumising ka. Itulak mo ako, pakiusap,” halos magmakaawa na ang boses niya, pero pagkasabik ang nararamdaman ng katawan niya.Namalayan na lang niyang nasa ibabaw na siya ni Gaia at humaplos ang ka
Problemadong umupo si Gaia sa upuang kahoy sa gilid ng higaan sa kinaroroonan niyang silid. Hindi pumayag ang mga amazona na hindi siya pumasok sa silid na iyon bilang pagpapatuloy sa ginawang ritwal na napag-alaman niyang uri ng isang kasal sa tribong amazona. Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ng mga ito na mag-asawa na sila ni Aurus, at kailangang magkaroon ng sanggol sa sinapupunan niya.“Isang malaking kalokohan ito. Hindi ko obligasyon ang tribo nila. Bakit nila pinipilit na ako ang bago nilang pinuno? May mga sira ba sila sa ulo?” naiinis niyang sabi.Inayos ni Gaia ang pagkakabalot ng roba sa katawan niya. Yari iyon sa balat ng hayop na ibinigay ng amazona kanina. Tanging iyon ang suot niya at naiilang siya dahil hindi siya nag-iisa sa silid na iyon. Tumayo siya at masamang pinukol ng tingin si Aurus na komportableng nakahiga sa nag-iisang higaan doon. Wala pa rin itong pang-itaas na damit at tanging kakarampot na tela ang tumatakip sa ibabang parte ng katawan nito. Wala
Natuon ang tingin ng lahat nang unti-unting sinakop ng kulay abong bulaklak ang ibabaw ng tubig. Nangilabot si Trey nang huminahon ang paligid at muling lumitaw ang buwan sa kalangitan. Tila walang nangyaring delubyo kanina at tanging mga dahon na pumatak mula sa mga puno ang naiwan sa lupa. Hindi niya inaasahang masaksihan ang nakamamanghang pangyayaring ito. Matituturing na isang himala ang kasalukuyang nangyari sa tribo ng amazona.“Sa wakas… narinig ng mahal na anito ang hiling natin. Namulaklak na ang krandular. Magiging maayos na ang lahat sa tribo ng amazona. Hindi na tayo maghihirap at babalik na sa normal ang pamumuhay natin!” masayang sabi ng isang amazona.Isang masayang pagdiriwang ang narinig sa buong paligid dahil sa paglitaw ng natatanging bulaklak sa Forbideria. Masyadong natuon ang mga ito sa bulalak at hindi napansin ang pagkilos ng mga kamay ni Gaia. Tanging si Trey ang nakakita sa paggalaw niyon. Maging si Aurus ay hindi napansin iyon dahil nakayuko ito sa balikat
“Ina! Tulungan niyo po ang ina ko!” nagwawalang sigaw ni Brie nang makitang nahulog si Gaia sa tubig.“Gaia!” sigaw naman ni Aurus na walang pagdadalawang isip tumalon sa tubig.Sinundan nito ang pagkakahulog ni Gaia at wala silang ideya kung ano ang nangyari sa dalawa. Tahimik ang paligid na pawang naghihintay kung ano ang susunod na mangyayari. Tulala ang karamihan sa miyembro ng amazona dahil sa pagkamatay ni Gru at walang sinuman ang kumikilos para saklolohan si Gaia at Aurus.“Ina! Kuya Aurus! Pakiusap, tulungan niyo po sila!” muling sigaw ni Brie.“Kailangan ko silang puntahan. Nasa panganib sila,” sabi ni Trey at muli sanang papasok sa bilog na pormasyon nang pigilan ito ni Animfa.“Huwag mong gagawin iyan, Kuya, kundi pare-pareho tayong mamamatay rito. Walang sinuman ang p’wedeng pumasok sa bilog na pormasyon habang gumagana pa ang ritwal. Masisira ang lahat ng pinaghirapan namin at mauuwi iyon sa wala. Maghintay na lang tayo rito at umasang ligtas silang dalawa.”Bumuntong hi