Walang ideya si Aurus kung paano patitigilin sa pag-iyak si Brie. Namamaga na ang mga mata nito sa labis na pag-iyak. Hindi niya rin magawang sundan si Gaia dahil nagwawala si Brie sa tuwing hahawakan niya. Hindi naman niya ito maaaring iwanan doon, kaya wala siyang nagawa kundi maghintay kung kailan ito titigil sa pag-iyak. Umupo siya sa putol na sanga ng punong kahoy habang nakatingin sa bata. Inabot na sila ng takip-silim nang tumigil ito sa pag-iyak. Marahan nitong pinunasan ang mukha gamit ang likod ng palad.“Maayos na ba ang pakiramdam mo, Brie?” malumanay niyang tanong dito.Tumango ito kahit may kaunting hikbi pa rin.“Halika na. Maghanap muna tayo ng maaaring kanlungan para magpalipas ng gabi.”“M-may alam po akong lugar kung saan tayo p’wedeng manatili, Kuya Aurus.”“Mabuti kung gano’n. Maaari mo bang ituro ang daan?”Tumango si Brie at pinangunahan ang paglalakad. Ilang sandali pa ay nakarating sila sa kambal na punong kahoy. Sa gitna niyon ay may malaking espasyo na animo
“Sino ka at bakit nasa panig ka ng malas na ’yan, huh?!” galit na tanong ni Piggy.Hindi pinansin ni Aurus ang tanong ng matabang pinuno. Bahagya niyang ibinaling ang ulo sa direksyon ni Gaia. Napansin niya ang pamumutla nito at nanghihinang mga mata.“Kumusta ang nararamdaman mo, Gaia? Ayos ka lang ba?” tanong niya na may halong pag-aalala.“Bakit narito ka, Aurus? Nasaan si Brie?” balik nitong tanong na may bahid ng pag-aalala.Bahagyang ngumiti si Aurus. Malamig at tila walang pakealam ang pinapakita nito, pero sa likod niyon ay labis din itong nag-aalala sa sitwasyon ng bata.“Nasa maayos na kalagayan si Brie, Gaia. Kasama ko siya rito at nagtatago lang siya para hindi madamay sa gulo.”“Sana hindi na lang kayo pumunta rito, Aurus. Ayokong madamay kayo sa kamalasan… argh!”Naging alerto si Aurus nang malakas itong dumaing at muntikan ng matumba. Maagap niya itong hinawakan sa baywang at isinandal sa dibdib niya. Hindi maikakaila ang labis na pag-aalala sa ekspresyon niya, pero wal
Nang sumapit ang gabi, nanatili sina Gaia, Aurus at Brie sa k’webang tahanan ng dalaga. Gumawa ng apoy si Aurus at nagpakulo ng tuyong pulang prutas para inumin niya. Bumuti ang pakiramdam ng dalaga at bumalik sa normal ang lakas niya. Nang masigurong maayos na siya, lumabas si Aurus para maghanap ng pagkain. Naiwan naman sila ni Brie habang nakatali ang walang malay na si Pinunong Piggy. Pinatulog ito ni Aurus kanina nang wala itong tigil sa pag-iingay. Kung ano-anong suhol ang gusto nitong ibigay sa kanila para palayain nila ito, pero isa man sa mga iyon ay wala silang pinansin.Magkatapat silang nakaupo ni Brie sa nagliliyab sa apoy sa gitna ng k’weba nang magsalita ang bata.“I-ina, patawad po kung may nasabi akong hindi maganda. Hindi ko po sinasadya,” mahina at nakayukong sabi ni Brie.Mula sa malamlam na apoy, pinagmasdan ni Gaia si Brie. Wala na yatang magpapatigil dito para hindi siya tawaging ina kaya binalewala na lang niya. Nahahalata pa rin niya sa bata ang namamaga niton
Napansin ni Gaia ang kampanteng reaksyon ni Aurus. Prente itong umupo at tinitigan siya.“Mali ka, Gaia. Hindi ako nagsisi sa ginawa ko. Alam ko ang epekto ng pananatili ko rito at umaasa pa rin akong may babalikan sa Uruvularia. Kung wala naman, hindi iyon problema. Makakaya kong mabuhay bilang simpleng tao na walang katungkulan. Hindi mo rin ako mapipilit umalis ng Forbideria. Tulad nang sinabi mo, isang beses lang maaaring lumabas ang sinuman mula sa kaharian niyo. Kilala ang Forbideria sa kaharian namin bilang ipinagbabawal na kaharian at walang sinuman ang nakakaalam kung paano makapapasok dito. May haka-haka rin na isinumpa ang lugar na ito at nakamamangha ang depensang bumabalot sa Forbideria. Malalakas na hangin at galit na mga alon ang proteksyon nito mula sa mga dayuhan. Siguro, hindi lang si Tana ang dahilan kaya nakapasok kami rito. Maaaring nakatadhana akong manatili rito para samahan ka at malakas din ang pakiramdam ko na may koneksyon ako sa lugar na ito.”Bahagyang nat
Kasiyahan ang nakikita ni Gaia sa mukha ng mga tao habang tumatanggap ng salapi at mga pagkain. Nasisiyahan din siya dahil ilan sa mga ito ay nagpapasalamat sa kaniya at ngumingiti. Hindi niya naranasan iyon noon at iniisip niyang magbabago na ang buhay ng mga tao sa Atar, ngunit hindi nila inaasahan ang pagdating ng mga kawal ng kastilyo. Hinawi ng mga kawal ang kumpol ng mga tao at dumaan sa gitna si Sigmundo at ang lalaking may takip sa mukha. Unti-unti silang umatras at sumiksik sa karamihan para hindi mapansin ng mga ito.“Mawalang galang na po, mga ginoo, ngunit sino po kayo?” magalang na tanong ni Ginoong Toko na walang ideya kung sino ang mga dumating.“Nakapagtataka at hindi mo kami kilala,” mapaglarong sabi ng lalaking may takip ang mukha.“Pasensya na po, pero ngayon ko lang kayo nakita.”Malakas na tumawa ang lalaking may takip sa mukha bago ito umupo sa bakanteng upuan sa tabi ng mga kahon ng prutas. Kumuha ito ng mansanas at kinain iyon.“Tingnan mo kung buhay pa ang mat
Napatuwid ng upo si Aurus sa narinig.“Sigurado ka ba, Gaia? Alam mo ang lokasyon ng mga sangkap?”“Natatandaan ko ang mga nakasulat sa libro ni Lola Claro, ngunit hindi ako sigurado kung may natitira pang ganoong mga halaman sa kahariang ito. Maaaring naubos na iyon tulad ng puno ng pulang prutas, pero susubukan ko pa rin.”Ngumiti si Aurus at hindi niya maitago ang kasiyahan sa desisyon ni Gaia.“Mabuti naman at nagdesisyon ka nang hanapin ang mga sangkap. Masaya ako na gusto mong gumaling sa sakit mo, Gaia.”Bumaling ang tingin ni Gaia sa kaniya. Malamig na naman ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Pakiramdam niya ay bumalik sa pagiging estranghero ang tingin nito sa kaniya.“Sino’ng may sabi na hahanapin ko ang mga sangkap para gumaling? Gagawin ko ito para tumigil ka na sa pangungulit sa akin, Aurus. Kapag nalaman mong wala na ang mga halamang hinahanap natin, hahayaan mo na ako at aalis ka na sa tabi ko. Isipin mo na lang na gagawin ko ito para may silbi ang sakripisy
Mabilis na pinatakbo ni Aurus ang kabayo, pero naririnig pa rin niya sa malapit ang yabag ng mga kabayong humahabol sa kanila. Hindi pa rin sila nakalalayo ng distansya sa mga kawal dahil likas na mabibilis ang kabayo ng mga ito. Nababawasan naman ang bilis ng takbo nila dahil sa karwaheng hila ng kanilang kabayo. P’wede sana nilang alisin ang karwahe, pero tiyak na mahihirapan sila. Baka mas mas lalo silang mahuli ng mga kalaban kung gagawin nila iyon.“Ibaling mo sa kanan ang kabayo, Aurus,” sigaw ni Gaia na agad niyang sinunod.Hinila ni Aurus ang renda ng kabayo paliko sa kanan. Napansin naman niya ang nakasulat sa isang kahoy na Riyam Division. Marahil sakop na iyon ng ibang dibisyon, pero wala pa siyang napapansin na tarangkahan sa lugar na iyon at hindi pa rin sila tinitigilan ng mga kawal.“Ina, malapit na po ang mga humahabol sa atin,” saad ni Brie.Bahagyang lumingon si Aurus sa hulihan. Tama si Brie, malapit na ang mga kawal sa kanila. Anumang oras ay magpapakawala ang mga
Tahimik na pinagmamasdan ni Gaia ang bilog at maliwanag na buwan mula sa kinalalagyang kulungan. Iyon ang nagsisilbi nilang tanglaw sa kulungan na pinagdalhan sa kanila ni Brie. Isa ’yong butas sa lupa na may lalim na walo hanggang siyam na metro. Malawak ang ilalim niyon at mayroon pang iba’t-ibang butas sa pagilid. Hindi niya sigurado kung patungo rin iyon sa iba pang kulungan o disenyo lang iyon doon. Natatakpan din ng malaking kahoy ang ibabaw ng kulungan na may maliliit na kwadradong siwang. Malalaki iyon at sigurado niyang napakabigat. Bukod doon, hindi rin nawawalan ng bantay sa itaas. Nakikita niya mula sa kinauupuan ang pabalik-balik na anino mula roon. Wala siyang ideya kung saan dinala si Aurus ng mga kababaihan. Ayon sa nabasa niya sa aklat, ang lider ng tribong ito ay naghahanap ng magiging kabiyak bawat taon para sa isang tradisyon. Kung tama ang hinala niya, maaaring si Aurus ang nagustuhan nitong mapangasawa. Walang mangyayaring masama rito kapag ganoon ang nangyari. K
“Wala akong alam sa sinasabi mo, pero sa tingin ko, ito ang kailangan mo.”Kaagad napansin ni Gaia ang pagbabago ng emosyon sa mga mata ng lalaki. Agad niyang naisip na krandular ang dahilan kaya sapilitan nitong kinukuha ang pinuno ng mga amazona. Gusto nitong malaman sa mga lider mismo kung namukadkad ang krandular, pero wala siyang ideya kung bakit hindi bumabalik ang mga pinuno sa tribo. Lalo na’t walang pagsisisi siyang nakita sa mukha ng mga kababaihan kanina.Tumitig siya sa lalaki. Maaari kayang tama ang sinasabi nito na kusang loob nagpaalipin ang mga dating lider, pero ano’ng dahilan?“Paano mo nakuha ang krandular?” Kunot noo itong naghihintay sa sagot niya.Huminga nang malalim si Gaia. Hindi na niya dapat isipin ang tungkol sa mga dating lider ng amazona. Mas dapat niyang isipin ang pakay sa lugar na ito at kung paano matutukoy ang utak sa pagpapasabog sa dooms gate. Dalawang taon siyang naghirap upang pangalagaan iyon, at hindi siya papayag na makalusot ang mga ito nang
Lulan ng karwahe, nakikiramdam si Gaia habang nakapikit. Napapagitnaan siya ng dalawang lalaki sa loob. Alam niyang may tumitingin sa nakahantad niyang hita mula sa mga kasama sa loob ng karwahe. Nang maramdaman ang pagkilos ng nasa kanan, mabilis siyang nagmulat ng mga mata at dinakot ang kamay nito na nagtangkang hawakan ang hita niya. Nagulat ang lalaki, pero hindi ito nakahulma nang ihampas niya ang sarili nitong kamay sa mukha nito. Napatingala ito at nauntog sa dingding ng karwahe.“Argh! Bwiset kang babae ka!” Galit nitong binunot ang patalim sa baywang, pero mabilis niyang sinapak ang lalaki at sinipa palabas ng karwahe. Nasira ang pintuan at tuluyan itong nahulog. Hinawakan siya ng natitirang lalaki sa loob ng karwahe, pero pinilipit niya ang braso nito.“Aray! Bitiwan mo ako!” sigaw nito.Naramdaman ni Gaia ang bahagyang pagtigil ng karwahe.“Ano’ng nangyayari dito?” bungad na tanong ng isang lalaki na sumilip sa nasirang pinto ng karwahe.Hinila ni Gaia ang hawak na lalaki
Binaybay ni Aurus at Trey ang daan na tinahak ng grupong kumuha kay Gaia. Ayon kay Trey, isa ang grupong iyon sa sumugod sa dooms gate na gustong pumatay kay Gaia. Ngayon alam na niya kung bakit pamilyar sa kaniya ang mga lalaking iyon. Hindi niya maiwasang mag-alala sa dalaga kahit alam niyang kaya nitong ipagtanggol ang sarili. Nag-aalala siya na baka hindi pa bumabalik sa dati ang lakas nito pagkatapos ng mga nangyari kagabi. Alam niyang hindi nagpapakita ng kahinaan si Gaia, pero nararamdaman niyang may epekto rito ang pagtatalik nila kagabi. Napansin niya iyon nang lumabas ito sa silid kaninang umaga. May panginginig ang mga binti nito, pero kaagad nitong naitago iyon. Wala naman siyang ideya sa plano nito kung bakit nagkusa itong sumama sa grupo ng Lunos.“Kuya Aurus, bakit po tayo iniwan ni Ina?” inosenteng tanong ni Brie.Marahang lumalakad ang sinasakyan nilang kabayo dahil sa makipot na daan. Medyo madulas din iyon dahil sa pag-ulan kagabi.“Hindi niya tayo iniwan, Brie. May
Nagulat si Gaia sa sinabi ni Aurus at hindi agad nakasagot. Nakita na lang niya ang papalayo nitong bulto sa kaniya. Wala sa sarili siyang napahawak sa tapat ng dibdib niya. Hindi niya inaasahan ang mabilis na tibok ng kanyang puso sa ginawa nito. Hindi man kapani-paniwala, pero tila naapektuhan ang damdamin niya sa sinabing iyon ng binata.“Pinuno!”Isang sigaw ang nagpabalik sa h’wisyo ni Gaia. Nakita niya ang kapatid ni Trey na nagmamadaling lumapit sa kaniya. Kaagad itong lumuhod sa harapan niya para magbigay galang.“Hindi ako ang lider niyo, kaya’t huwag mo nang gawin iyan. Tumayo ka at sabihin ang sadya mo,” saway niya rito, pero hindi nito pinansin ang sinabi niya.“Pinuno, ako po si Animfa. Nais ko lang pong ibalita na narito ang grupo ng Lunos dala ang malalakas nilang armas na pampasabog. Kung hindi raw po magpapakita ang pinuno ng tribo sa kanila ngayon, pasasabugin nila ang lugar na ito,” natataranta nitong sabi.“Bakit sila narito?” tanong na lang niya sa babae.“Palagi
Nagising si Gaia sa marahang hangin na dumadampi sa mukha niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata. Agad siyang umiwas ng tingin nang masilayan ang mukha ni Aurus. Hindi niya maiwasang mag-init ang mukha nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi man lang pumasok sa isip niya na mapupunta siya sa ganitong sitwasyon. Iyong gigising siya katabi ang isang lalaki at alam niyang pareho silang walang saplot sa ilalim ng kumot na yari sa balat ng hayop.Ipinilig niya ang ulo para mawala sa isip ang nangyari kagabi. Hindi na niya dapat inaalala ang ganoong bagay lalo pa’t napilitan lang silang gawin iyon. Tinangka na lang niyang umalis sa mahigpit na yakap ni Aurus, pero gumalaw ito at muli siyang hinila palapit. Sumubsob ang mukha niya sa dibdib nito. Muli siyang dumistansya dahil hindi na siya komportable sa posisyon nila, pero hinila ulit siya ni Aurus. Bahagya siyang nagtaka dahil hindi niya nararamdaman ang kirot ng sugat sa likuran niya. Marahil naghilom na iyon dahil sa kulay abong
“G-Gaia,” paggising niya sa dalaga, pero pakiramdam niya ay isang ungol ang lumalabas sa bibig niya dahil sa lakas ng nararamdaman niyang pagnanasa sa dalaga. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan at butil-butil na ang pawis sa noo niya. Kinokontrol niya ang sarili kahit hinahalikan niya ito. Pinipilit niyang lumayo rito, pero malakas ang kagustuhang namumuo sa katawan niya.Tuluyang napigtas ang pagpipigil ni Aurus nang muling napunta ang kaniyang paningin sa mga labi ni Gaia. Hindi niya nakontrol ang sarili at muling sinakop iyon. Guminhawa ang kaniyang pakiramdam nang maglapat ang kanilang mga labi, ngunit unti-unting bumabalik ang nararamdaman niya. Mas tumindi pa ang pagnanasa sa katawan niya nang marinig ang mahinang ungol ni Gaia. Tila mitsa iyon para mas mag-alab ang katawan niya.“G-Gaia, gumising ka. Itulak mo ako, pakiusap,” halos magmakaawa na ang boses niya, pero pagkasabik ang nararamdaman ng katawan niya.Namalayan na lang niyang nasa ibabaw na siya ni Gaia at humaplos ang ka
Problemadong umupo si Gaia sa upuang kahoy sa gilid ng higaan sa kinaroroonan niyang silid. Hindi pumayag ang mga amazona na hindi siya pumasok sa silid na iyon bilang pagpapatuloy sa ginawang ritwal na napag-alaman niyang uri ng isang kasal sa tribong amazona. Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ng mga ito na mag-asawa na sila ni Aurus, at kailangang magkaroon ng sanggol sa sinapupunan niya.“Isang malaking kalokohan ito. Hindi ko obligasyon ang tribo nila. Bakit nila pinipilit na ako ang bago nilang pinuno? May mga sira ba sila sa ulo?” naiinis niyang sabi.Inayos ni Gaia ang pagkakabalot ng roba sa katawan niya. Yari iyon sa balat ng hayop na ibinigay ng amazona kanina. Tanging iyon ang suot niya at naiilang siya dahil hindi siya nag-iisa sa silid na iyon. Tumayo siya at masamang pinukol ng tingin si Aurus na komportableng nakahiga sa nag-iisang higaan doon. Wala pa rin itong pang-itaas na damit at tanging kakarampot na tela ang tumatakip sa ibabang parte ng katawan nito. Wala
Natuon ang tingin ng lahat nang unti-unting sinakop ng kulay abong bulaklak ang ibabaw ng tubig. Nangilabot si Trey nang huminahon ang paligid at muling lumitaw ang buwan sa kalangitan. Tila walang nangyaring delubyo kanina at tanging mga dahon na pumatak mula sa mga puno ang naiwan sa lupa. Hindi niya inaasahang masaksihan ang nakamamanghang pangyayaring ito. Matituturing na isang himala ang kasalukuyang nangyari sa tribo ng amazona.“Sa wakas… narinig ng mahal na anito ang hiling natin. Namulaklak na ang krandular. Magiging maayos na ang lahat sa tribo ng amazona. Hindi na tayo maghihirap at babalik na sa normal ang pamumuhay natin!” masayang sabi ng isang amazona.Isang masayang pagdiriwang ang narinig sa buong paligid dahil sa paglitaw ng natatanging bulaklak sa Forbideria. Masyadong natuon ang mga ito sa bulalak at hindi napansin ang pagkilos ng mga kamay ni Gaia. Tanging si Trey ang nakakita sa paggalaw niyon. Maging si Aurus ay hindi napansin iyon dahil nakayuko ito sa balikat
“Ina! Tulungan niyo po ang ina ko!” nagwawalang sigaw ni Brie nang makitang nahulog si Gaia sa tubig.“Gaia!” sigaw naman ni Aurus na walang pagdadalawang isip tumalon sa tubig.Sinundan nito ang pagkakahulog ni Gaia at wala silang ideya kung ano ang nangyari sa dalawa. Tahimik ang paligid na pawang naghihintay kung ano ang susunod na mangyayari. Tulala ang karamihan sa miyembro ng amazona dahil sa pagkamatay ni Gru at walang sinuman ang kumikilos para saklolohan si Gaia at Aurus.“Ina! Kuya Aurus! Pakiusap, tulungan niyo po sila!” muling sigaw ni Brie.“Kailangan ko silang puntahan. Nasa panganib sila,” sabi ni Trey at muli sanang papasok sa bilog na pormasyon nang pigilan ito ni Animfa.“Huwag mong gagawin iyan, Kuya, kundi pare-pareho tayong mamamatay rito. Walang sinuman ang p’wedeng pumasok sa bilog na pormasyon habang gumagana pa ang ritwal. Masisira ang lahat ng pinaghirapan namin at mauuwi iyon sa wala. Maghintay na lang tayo rito at umasang ligtas silang dalawa.”Bumuntong hi