Share

Chapter Twenty-five

Penulis: Maybel Abutar
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-04 21:11:56

Mabilis na pinatakbo ni Aurus ang kabayo, pero naririnig pa rin niya sa malapit ang yabag ng mga kabayong humahabol sa kanila. Hindi pa rin sila nakalalayo ng distansya sa mga kawal dahil likas na mabibilis ang kabayo ng mga ito. Nababawasan naman ang bilis ng takbo nila dahil sa karwaheng hila ng kanilang kabayo. P’wede sana nilang alisin ang karwahe, pero tiyak na mahihirapan sila. Baka mas mas lalo silang mahuli ng mga kalaban kung gagawin nila iyon.

“Ibaling mo sa kanan ang kabayo, Aurus,” sigaw ni Gaia na agad niyang sinunod.

Hinila ni Aurus ang renda ng kabayo paliko sa kanan. Napansin naman niya ang nakasulat sa isang kahoy na Riyam Division. Marahil sakop na iyon ng ibang dibisyon, pero wala pa siyang napapansin na tarangkahan sa lugar na iyon at hindi pa rin sila tinitigilan ng mga kawal.

“Ina, malapit na po ang mga humahabol sa atin,” saad ni Brie.

Bahagyang lumingon si Aurus sa hulihan. Tama si Brie, malapit na ang mga kawal sa kanila. Anumang oras ay magpapakawala ang mga
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Twenty-six

    Tahimik na pinagmamasdan ni Gaia ang bilog at maliwanag na buwan mula sa kinalalagyang kulungan. Iyon ang nagsisilbi nilang tanglaw sa kulungan na pinagdalhan sa kanila ni Brie. Isa ’yong butas sa lupa na may lalim na walo hanggang siyam na metro. Malawak ang ilalim niyon at mayroon pang iba’t-ibang butas sa pagilid. Hindi niya sigurado kung patungo rin iyon sa iba pang kulungan o disenyo lang iyon doon. Natatakpan din ng malaking kahoy ang ibabaw ng kulungan na may maliliit na kwadradong siwang. Malalaki iyon at sigurado niyang napakabigat. Bukod doon, hindi rin nawawalan ng bantay sa itaas. Nakikita niya mula sa kinauupuan ang pabalik-balik na anino mula roon. Wala siyang ideya kung saan dinala si Aurus ng mga kababaihan. Ayon sa nabasa niya sa aklat, ang lider ng tribong ito ay naghahanap ng magiging kabiyak bawat taon para sa isang tradisyon. Kung tama ang hinala niya, maaaring si Aurus ang nagustuhan nitong mapangasawa. Walang mangyayaring masama rito kapag ganoon ang nangyari. K

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-05
  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Twenty-seven

    Marahang naglalakad si Gaia sa dilim na para siyang naglalakad sa kawalan. Walang direksyon at hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya. Pakiramdam ang tanging gumagana sa kaniya sa walang katiyakang destinasyon. Wala rin siyang ideya kung masisilayan niya ang liwanag sa tinatahak na daan.“Ina?” marahang tawag ni Brie nang bahagya itong gumalaw habang pasan niya.“Hmm?”“Nasaaan po tayo? Bakit po madilim?”“Naglalakad tayo palabas. Matulog ka ulit. Gigisingin na lang kita kapag nakalabas na tayo.”Hindi sumagot si Brie at muli itong sumandal sa balikat niya. Maya-maya ay payapa na ulit ang paghinga nito. Nakatulog muli ang bata sa mga bisig niya.Walang ideya si Gaia kung ilang oras na siyang naglalakad hanggang matanaw niya ang munting liwanag sa unahan. Itinuon niya ang mga mata sa liwanag na tila ayaw niyang mawala iyon sa paningin niya. Matiwasay naman siyang nakarating sa liwanag, pero nagtaka siya nang makita ang dalawa pang butas doon. Napapagitnaan siya nang matataa

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-06
  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Twenty-eight

    “Gaia, umalis ka na rito!” sigaw ng boses ni Aurus mula sa kung saan.Hinanap ni Gaia ang pinanggalingan ng boses ni Aurus, pero wala ito sa paligid. Tanging mga amazona ang nakikita niyang nakapalibot sa pormasyong kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung imahinasyon lang niya iyon o totoong naririnig niya ang boses nito. Marahil dala lamang iyon ng kagustuhan niyang makita si Aurus at iligtas ito mula sa tribo.“Tumingin ka sa itaas, Gaia,” muling sabi ng boses ni Aurus.Ngayon niya napagtanto, naririnig talaga niya ang boses nito.Sinunod ni Gaia ang sinabi ni Aurus. Tumingala siya sa pag-aakalang naroon si Aurus, pero nasilaw siya sa liwanag ng buwan. Bahagya siyang pumikit nang humapdi ang kaniyang mga mata sa liwanag. Nakiramdam siya sa sarili at nang mawala ang kirot, binuksan niya uli ang mga mata, ngunit sinalubong siya ng kaharap na amazona. Hindi niya napaghandaan ang sipa nito sa tiyan niya.“Argh!” daing ni Gaia nang tumilapon siya pabalik sa butas na pinanggalingan niya.

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-07
  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Twenty-nine

    Bumuntong hininga si Gaia bago inalis ang matulis na ipit sa leeg ni Aurus. Tumingin siya kay Gru na animoy sumusuko na siya. Ngumisi naman ito sa kaniya. Tila nakamit na nito ang tagumpay sa ngising iyon. Wala naman siyang pagpipilian kundi gawin ang pagpapanggap na iyon. May panibago siyang plano at sana ay magtagumpay iyon. Pinagbabasehan niya ang ihip ng hangin ngayon. Makatutulong iyon sa kaniya para makaiwas sa sandata ng kalaban.“Kuya Trey?” sigaw ng isang babae mula sa grupo ng mga amazona. Bumaling sa direksyon nito ang tingin ni Trey at kahit nagpapakiramdaman, nabaling din ang atensyon nila ni Gru roon.“Animfa! Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?” nag-aalala nitong tanong nang makilala ang babae.“Kuya, anong ginagawa mo rito? Hindi ka p’wede pumunta rito. Bawal ka rito at baka mapahamak ka pa.”“Huwag mong baguhin ang usapan, Animfa. Ayos ka lang ba, ha? Ang sabi ni Ina, gagawin kang alay ngayon kaya narito ako ngayon para iligtas ka. Sinaktan ka ba nila?” “Kuya, maa

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-08
  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty

    “Ina! Tulungan niyo po ang ina ko!” nagwawalang sigaw ni Brie nang makitang nahulog si Gaia sa tubig.“Gaia!” sigaw naman ni Aurus na walang pagdadalawang isip tumalon sa tubig.Sinundan nito ang pagkakahulog ni Gaia at wala silang ideya kung ano ang nangyari sa dalawa. Tahimik ang paligid na pawang naghihintay kung ano ang susunod na mangyayari. Tulala ang karamihan sa miyembro ng amazona dahil sa pagkamatay ni Gru at walang sinuman ang kumikilos para saklolohan si Gaia at Aurus.“Ina! Kuya Aurus! Pakiusap, tulungan niyo po sila!” muling sigaw ni Brie.“Kailangan ko silang puntahan. Nasa panganib sila,” sabi ni Trey at muli sanang papasok sa bilog na pormasyon nang pigilan ito ni Animfa.“Huwag mong gagawin iyan, Kuya, kundi pare-pareho tayong mamamatay rito. Walang sinuman ang p’wedeng pumasok sa bilog na pormasyon habang gumagana pa ang ritwal. Masisira ang lahat ng pinaghirapan namin at mauuwi iyon sa wala. Maghintay na lang tayo rito at umasang ligtas silang dalawa.”Bumuntong hi

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-09
  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty-one

    Natuon ang tingin ng lahat nang unti-unting sinakop ng kulay abong bulaklak ang ibabaw ng tubig. Nangilabot si Trey nang huminahon ang paligid at muling lumitaw ang buwan sa kalangitan. Tila walang nangyaring delubyo kanina at tanging mga dahon na pumatak mula sa mga puno ang naiwan sa lupa. Hindi niya inaasahang masaksihan ang nakamamanghang pangyayaring ito. Matituturing na isang himala ang kasalukuyang nangyari sa tribo ng amazona.“Sa wakas… narinig ng mahal na anito ang hiling natin. Namulaklak na ang krandular. Magiging maayos na ang lahat sa tribo ng amazona. Hindi na tayo maghihirap at babalik na sa normal ang pamumuhay natin!” masayang sabi ng isang amazona.Isang masayang pagdiriwang ang narinig sa buong paligid dahil sa paglitaw ng natatanging bulaklak sa Forbideria. Masyadong natuon ang mga ito sa bulalak at hindi napansin ang pagkilos ng mga kamay ni Gaia. Tanging si Trey ang nakakita sa paggalaw niyon. Maging si Aurus ay hindi napansin iyon dahil nakayuko ito sa balikat

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-10
  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty-two

    Problemadong umupo si Gaia sa upuang kahoy sa gilid ng higaan sa kinaroroonan niyang silid. Hindi pumayag ang mga amazona na hindi siya pumasok sa silid na iyon bilang pagpapatuloy sa ginawang ritwal na napag-alaman niyang uri ng isang kasal sa tribong amazona. Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ng mga ito na mag-asawa na sila ni Aurus, at kailangang magkaroon ng sanggol sa sinapupunan niya.“Isang malaking kalokohan ito. Hindi ko obligasyon ang tribo nila. Bakit nila pinipilit na ako ang bago nilang pinuno? May mga sira ba sila sa ulo?” naiinis niyang sabi.Inayos ni Gaia ang pagkakabalot ng roba sa katawan niya. Yari iyon sa balat ng hayop na ibinigay ng amazona kanina. Tanging iyon ang suot niya at naiilang siya dahil hindi siya nag-iisa sa silid na iyon. Tumayo siya at masamang pinukol ng tingin si Aurus na komportableng nakahiga sa nag-iisang higaan doon. Wala pa rin itong pang-itaas na damit at tanging kakarampot na tela ang tumatakip sa ibabang parte ng katawan nito. Wala

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-11
  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty-three

    “G-Gaia,” paggising niya sa dalaga, pero pakiramdam niya ay isang ungol ang lumalabas sa bibig niya dahil sa lakas ng nararamdaman niyang pagnanasa sa dalaga. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan at butil-butil na ang pawis sa noo niya. Kinokontrol niya ang sarili kahit hinahalikan niya ito. Pinipilit niyang lumayo rito, pero malakas ang kagustuhang namumuo sa katawan niya.Tuluyang napigtas ang pagpipigil ni Aurus nang muling napunta ang kaniyang paningin sa mga labi ni Gaia. Hindi niya nakontrol ang sarili at muling sinakop iyon. Guminhawa ang kaniyang pakiramdam nang maglapat ang kanilang mga labi, ngunit unti-unting bumabalik ang nararamdaman niya. Mas tumindi pa ang pagnanasa sa katawan niya nang marinig ang mahinang ungol ni Gaia. Tila mitsa iyon para mas mag-alab ang katawan niya.“G-Gaia, gumising ka. Itulak mo ako, pakiusap,” halos magmakaawa na ang boses niya, pero pagkasabik ang nararamdaman ng katawan niya.Namalayan na lang niyang nasa ibabaw na siya ni Gaia at humaplos ang ka

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-12

Bab terbaru

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty-eight

    “Wala akong alam sa sinasabi mo, pero sa tingin ko, ito ang kailangan mo.”Kaagad napansin ni Gaia ang pagbabago ng emosyon sa mga mata ng lalaki. Agad niyang naisip na krandular ang dahilan kaya sapilitan nitong kinukuha ang pinuno ng mga amazona. Gusto nitong malaman sa mga lider mismo kung namukadkad ang krandular, pero wala siyang ideya kung bakit hindi bumabalik ang mga pinuno sa tribo. Lalo na’t walang pagsisisi siyang nakita sa mukha ng mga kababaihan kanina.Tumitig siya sa lalaki. Maaari kayang tama ang sinasabi nito na kusang loob nagpaalipin ang mga dating lider, pero ano’ng dahilan?“Paano mo nakuha ang krandular?” Kunot noo itong naghihintay sa sagot niya.Huminga nang malalim si Gaia. Hindi na niya dapat isipin ang tungkol sa mga dating lider ng amazona. Mas dapat niyang isipin ang pakay sa lugar na ito at kung paano matutukoy ang utak sa pagpapasabog sa dooms gate. Dalawang taon siyang naghirap upang pangalagaan iyon, at hindi siya papayag na makalusot ang mga ito nang

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty-seven

    Lulan ng karwahe, nakikiramdam si Gaia habang nakapikit. Napapagitnaan siya ng dalawang lalaki sa loob. Alam niyang may tumitingin sa nakahantad niyang hita mula sa mga kasama sa loob ng karwahe. Nang maramdaman ang pagkilos ng nasa kanan, mabilis siyang nagmulat ng mga mata at dinakot ang kamay nito na nagtangkang hawakan ang hita niya. Nagulat ang lalaki, pero hindi ito nakahulma nang ihampas niya ang sarili nitong kamay sa mukha nito. Napatingala ito at nauntog sa dingding ng karwahe.“Argh! Bwiset kang babae ka!” Galit nitong binunot ang patalim sa baywang, pero mabilis niyang sinapak ang lalaki at sinipa palabas ng karwahe. Nasira ang pintuan at tuluyan itong nahulog. Hinawakan siya ng natitirang lalaki sa loob ng karwahe, pero pinilipit niya ang braso nito.“Aray! Bitiwan mo ako!” sigaw nito.Naramdaman ni Gaia ang bahagyang pagtigil ng karwahe.“Ano’ng nangyayari dito?” bungad na tanong ng isang lalaki na sumilip sa nasirang pinto ng karwahe.Hinila ni Gaia ang hawak na lalaki

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty-six

    Binaybay ni Aurus at Trey ang daan na tinahak ng grupong kumuha kay Gaia. Ayon kay Trey, isa ang grupong iyon sa sumugod sa dooms gate na gustong pumatay kay Gaia. Ngayon alam na niya kung bakit pamilyar sa kaniya ang mga lalaking iyon. Hindi niya maiwasang mag-alala sa dalaga kahit alam niyang kaya nitong ipagtanggol ang sarili. Nag-aalala siya na baka hindi pa bumabalik sa dati ang lakas nito pagkatapos ng mga nangyari kagabi. Alam niyang hindi nagpapakita ng kahinaan si Gaia, pero nararamdaman niyang may epekto rito ang pagtatalik nila kagabi. Napansin niya iyon nang lumabas ito sa silid kaninang umaga. May panginginig ang mga binti nito, pero kaagad nitong naitago iyon. Wala naman siyang ideya sa plano nito kung bakit nagkusa itong sumama sa grupo ng Lunos.“Kuya Aurus, bakit po tayo iniwan ni Ina?” inosenteng tanong ni Brie.Marahang lumalakad ang sinasakyan nilang kabayo dahil sa makipot na daan. Medyo madulas din iyon dahil sa pag-ulan kagabi.“Hindi niya tayo iniwan, Brie. May

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty-five

    Nagulat si Gaia sa sinabi ni Aurus at hindi agad nakasagot. Nakita na lang niya ang papalayo nitong bulto sa kaniya. Wala sa sarili siyang napahawak sa tapat ng dibdib niya. Hindi niya inaasahan ang mabilis na tibok ng kanyang puso sa ginawa nito. Hindi man kapani-paniwala, pero tila naapektuhan ang damdamin niya sa sinabing iyon ng binata.“Pinuno!”Isang sigaw ang nagpabalik sa h’wisyo ni Gaia. Nakita niya ang kapatid ni Trey na nagmamadaling lumapit sa kaniya. Kaagad itong lumuhod sa harapan niya para magbigay galang.“Hindi ako ang lider niyo, kaya’t huwag mo nang gawin iyan. Tumayo ka at sabihin ang sadya mo,” saway niya rito, pero hindi nito pinansin ang sinabi niya.“Pinuno, ako po si Animfa. Nais ko lang pong ibalita na narito ang grupo ng Lunos dala ang malalakas nilang armas na pampasabog. Kung hindi raw po magpapakita ang pinuno ng tribo sa kanila ngayon, pasasabugin nila ang lugar na ito,” natataranta nitong sabi.“Bakit sila narito?” tanong na lang niya sa babae.“Palagi

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty-four

    Nagising si Gaia sa marahang hangin na dumadampi sa mukha niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata. Agad siyang umiwas ng tingin nang masilayan ang mukha ni Aurus. Hindi niya maiwasang mag-init ang mukha nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi man lang pumasok sa isip niya na mapupunta siya sa ganitong sitwasyon. Iyong gigising siya katabi ang isang lalaki at alam niyang pareho silang walang saplot sa ilalim ng kumot na yari sa balat ng hayop.Ipinilig niya ang ulo para mawala sa isip ang nangyari kagabi. Hindi na niya dapat inaalala ang ganoong bagay lalo pa’t napilitan lang silang gawin iyon. Tinangka na lang niyang umalis sa mahigpit na yakap ni Aurus, pero gumalaw ito at muli siyang hinila palapit. Sumubsob ang mukha niya sa dibdib nito. Muli siyang dumistansya dahil hindi na siya komportable sa posisyon nila, pero hinila ulit siya ni Aurus. Bahagya siyang nagtaka dahil hindi niya nararamdaman ang kirot ng sugat sa likuran niya. Marahil naghilom na iyon dahil sa kulay abong

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty-three

    “G-Gaia,” paggising niya sa dalaga, pero pakiramdam niya ay isang ungol ang lumalabas sa bibig niya dahil sa lakas ng nararamdaman niyang pagnanasa sa dalaga. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan at butil-butil na ang pawis sa noo niya. Kinokontrol niya ang sarili kahit hinahalikan niya ito. Pinipilit niyang lumayo rito, pero malakas ang kagustuhang namumuo sa katawan niya.Tuluyang napigtas ang pagpipigil ni Aurus nang muling napunta ang kaniyang paningin sa mga labi ni Gaia. Hindi niya nakontrol ang sarili at muling sinakop iyon. Guminhawa ang kaniyang pakiramdam nang maglapat ang kanilang mga labi, ngunit unti-unting bumabalik ang nararamdaman niya. Mas tumindi pa ang pagnanasa sa katawan niya nang marinig ang mahinang ungol ni Gaia. Tila mitsa iyon para mas mag-alab ang katawan niya.“G-Gaia, gumising ka. Itulak mo ako, pakiusap,” halos magmakaawa na ang boses niya, pero pagkasabik ang nararamdaman ng katawan niya.Namalayan na lang niyang nasa ibabaw na siya ni Gaia at humaplos ang ka

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty-two

    Problemadong umupo si Gaia sa upuang kahoy sa gilid ng higaan sa kinaroroonan niyang silid. Hindi pumayag ang mga amazona na hindi siya pumasok sa silid na iyon bilang pagpapatuloy sa ginawang ritwal na napag-alaman niyang uri ng isang kasal sa tribong amazona. Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ng mga ito na mag-asawa na sila ni Aurus, at kailangang magkaroon ng sanggol sa sinapupunan niya.“Isang malaking kalokohan ito. Hindi ko obligasyon ang tribo nila. Bakit nila pinipilit na ako ang bago nilang pinuno? May mga sira ba sila sa ulo?” naiinis niyang sabi.Inayos ni Gaia ang pagkakabalot ng roba sa katawan niya. Yari iyon sa balat ng hayop na ibinigay ng amazona kanina. Tanging iyon ang suot niya at naiilang siya dahil hindi siya nag-iisa sa silid na iyon. Tumayo siya at masamang pinukol ng tingin si Aurus na komportableng nakahiga sa nag-iisang higaan doon. Wala pa rin itong pang-itaas na damit at tanging kakarampot na tela ang tumatakip sa ibabang parte ng katawan nito. Wala

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty-one

    Natuon ang tingin ng lahat nang unti-unting sinakop ng kulay abong bulaklak ang ibabaw ng tubig. Nangilabot si Trey nang huminahon ang paligid at muling lumitaw ang buwan sa kalangitan. Tila walang nangyaring delubyo kanina at tanging mga dahon na pumatak mula sa mga puno ang naiwan sa lupa. Hindi niya inaasahang masaksihan ang nakamamanghang pangyayaring ito. Matituturing na isang himala ang kasalukuyang nangyari sa tribo ng amazona.“Sa wakas… narinig ng mahal na anito ang hiling natin. Namulaklak na ang krandular. Magiging maayos na ang lahat sa tribo ng amazona. Hindi na tayo maghihirap at babalik na sa normal ang pamumuhay natin!” masayang sabi ng isang amazona.Isang masayang pagdiriwang ang narinig sa buong paligid dahil sa paglitaw ng natatanging bulaklak sa Forbideria. Masyadong natuon ang mga ito sa bulalak at hindi napansin ang pagkilos ng mga kamay ni Gaia. Tanging si Trey ang nakakita sa paggalaw niyon. Maging si Aurus ay hindi napansin iyon dahil nakayuko ito sa balikat

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty

    “Ina! Tulungan niyo po ang ina ko!” nagwawalang sigaw ni Brie nang makitang nahulog si Gaia sa tubig.“Gaia!” sigaw naman ni Aurus na walang pagdadalawang isip tumalon sa tubig.Sinundan nito ang pagkakahulog ni Gaia at wala silang ideya kung ano ang nangyari sa dalawa. Tahimik ang paligid na pawang naghihintay kung ano ang susunod na mangyayari. Tulala ang karamihan sa miyembro ng amazona dahil sa pagkamatay ni Gru at walang sinuman ang kumikilos para saklolohan si Gaia at Aurus.“Ina! Kuya Aurus! Pakiusap, tulungan niyo po sila!” muling sigaw ni Brie.“Kailangan ko silang puntahan. Nasa panganib sila,” sabi ni Trey at muli sanang papasok sa bilog na pormasyon nang pigilan ito ni Animfa.“Huwag mong gagawin iyan, Kuya, kundi pare-pareho tayong mamamatay rito. Walang sinuman ang p’wedeng pumasok sa bilog na pormasyon habang gumagana pa ang ritwal. Masisira ang lahat ng pinaghirapan namin at mauuwi iyon sa wala. Maghintay na lang tayo rito at umasang ligtas silang dalawa.”Bumuntong hi

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status