Thanks for reading....
Gigi POV Nang dumating ang pagkain at maamoy ito, saka ko pa lang naramdaman ang gutom at naubos ko pang lahat. Nang lingunin ko si Gray ay ngingiti ngiti lang itong nakatingin sa pinggan kong wala ng laman. Busog na busog ako at gusto ko pa nga sanang dumighay kaso nahiya naman ako dahil katabi ko siya kaya nilunok ko na lang. Nang matapos kaming kumain ay umuwi na rin kami sa bahay. Agad kong tinungo ang silid ko para magpalit at ayusin ang aking mga gamit pabalik ng Manila. Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko si Gray na nakaupo sa single sofa, nakasandal ito at bahagyang nakatingala. Nakapikit siya, mukhang tulog. Inaantok pala siya, sana dun siya natulog sa itaas– sa kwarto ko, char! Maingat akong naglakad para hindi siya magising. Nagtungo ako sa kusina para lumabas at puntahan si String Bean. Kailangan ko rin siyang iready para sa pagbalik namin sa Manila mamaya, ayoko siyang iwan dito. “Hindi mo na sana dinala dito yan. Pwede mo namang iutos sa mga maid na pakainin siy
Gigi POV Napakamot na lang ako ng aking ulo nang makita ang itsura niya ngayong nakadapa at walang ibang suot kundi boxer. Buti na lang at tulog siya, kundi mamumula naman ang aking mukha pag nagtama ang aming mga mata habang ganun ang itsura niya. Mabuti na lang at hindi niya nahigaan ang kumot kaya inayos ko ito at ikinumot sa kanya, baka kasi lamigin ang pwét niya eh. Matapos ko siyang kumutan ay nagtungo na ako sa banyo para magshower. Paglabas ko ay nakapantulog na ako. Muli na naman akong napalingon kay Gray na nasa ganun pa ring pwesto, ni hindi man lang kumilos. Bigla ko ring naitanong sa sarili kung ano bang ginagawa niya rito sa silid ko? Para saan pa at magkaiba kami ng kwarto kung gabi gabi rin naman ay dito siya natutulog. Eh di hamak namang mas maganda ang kwarto niya. Bigla akong nagka ideya, dun na lang kaya ako matulog sa silid niya? Inayos ko muna ang setting ng ilaw. Dim light kasi ang gusto ni Gray, pareho kami ng gusto kaya yun ang ginawa ko. Nang okay n
Tintin POV “Sige na po ate Beth, last na po talaga to… promise!” Kanina pa nakikiusap si Tintin sa charge nurse ng department nila na siyang nag-aasikaso ng schedule ng mga nurse sa hospital na pinagtatrabahuhan niya. “Hay naku Kristina, palagi mo na lang sinasabi yan. Nakailang last ka na sa akin. Ilang beses na rin kitang pinagbigyan.” mariing tanggi ni Beth. “Hindi naman pwedeng lagi na lang nating papalitan yang schedule mo, para lang ka-shift mo palagi si dok.’ patuloy nito. “Promise talaga, last na to. Hayaan nyo po kapag ikinasal kami ni Dok Andrew kayo ang una kong padadalhan ng invitation. Tapos dun ko pa kayo ipupuwesto sa VIP table.” buong kumpiyansang saad ni Tintin. Tumawa naman ng malakas sina Beth at iba pang mga nurse na naroroon ngayon. “Yan ang gusto ko kay Kristina, lakas ng fighting spirit. Sige ipagpatuloy mo lang yan.” sulsol pa ni Sara, isa sa mga nurse. Ngumiti si Tintin dito at humarap kay Beth ng taas noo. Tinaasan naman siya ng kilay ni Beth. “Nagpapa
Tintin POV “Nababaliw ka na bestfriend!” hindi makapaniwalang usal ni Mutya sa kabilang linya. “Sige na Mutya, promise ngayon lang to. Para sa future ng mga pamangkin mo, isang brief lang ang kailangan ko.” pag-uulit ko. Narinig kong tumawa ng tumawa si Mutya sa kabilang linya. Nakakadala ang tawa niya. Kahit naman ako na seryosong makakuha ng brief ni Andrew ay natatawa na rin sa gusto kong mangyari. Kung bakit ba naman kasi kailangang nagamit na yung brief na gagamitin sa gayuma? “May sariling condo si Andrew kaya hindi na siya nakatira sa mansion pero kakausapin ko yung kaclose kong kasambahay dun na kapag nagpalaba si Andrew, kunin nila yung brief para sayo.” natatawa pa ring sabi ni Mutya. “Kelan pa kaya yun? Hindi ba pwedeng lasingin na lang natin siya tapos saka ko kukunin yung brief nya.” suhestyon ko. Hindi ko man nakikita si Mutya ay parang nakikita ko na ang reaksyon nito dahil narinig ko ang boses niyang gulat na gulat sa sinabi ko. “Hoy nakakahiya kaya yun, h
Tintin POV Hindi ako nagbibiro ng sabihin kong magbe-beauty rest ako. Pagkagaling sa hospital ay dumiretso agad ako sa condo unit na ipinagamit sa akin nang mag-asawang Drake at Mutya. Pag-aari daw ito ng mga Rufino. Nung una ay nahihiya pa ako pero sila na rin ang nagsabi na matagal na raw walang gumagamit nito kaya pinatuloy muna nila ako rito pansamantala. Kapag nakaipon na ako ay saka ako maghahanap ng bagong malilipatan. Kinabuksan ay sobrang excited ako kaya maaga pa ay inihanda ko na agad ang aking isusuot. Naglagay pa ako ng facial mask para fresh ako mamaya. Bagong biling summer dress ang isinuot ko at light make-up para naman hindi ako maputla mamaya kapag nagkaharap kami ni Andrew. First date namin kaya dapat, mukhang fresh. Kanina pa akong nakaharap sa salamin at pinapractice kung paano ako ngingiti mamaya. Praktisado lahat ng mga ikikilos ko para naman hindi nakakahiya kay Andrew, baka sabihin nito wala akong manners. Ginoogle ko pa nga kanina ang First Date 101 at nag
Tintin POV Binalikan ko ang mga plastic bag na dala ko. Kitang kita ko sa mukha nina ate Beth at mga kasamahan kong nurse ang pagtataka dahil sa nasaksihan nila kanina. “Alis na’ko, see you na lang tomorrow.” wika ko. “Anong nangyari sa inyo ni dok. Ba’t ka niya binuhat?” tanong ni ate Beth. Napatawa naman ako nang maalala kung paano kami nag-agawan ni Andrew sa cellphone. “Wala, nabuhat lang niya ako sa sobrang tuwa kasi sinagot ko na sya.” “Natuwa? Parang hindi naman. Para kayong magkapatid na nag-aaway.” “Hindi ganun, masaya lang siya kasi kami na.” binuhat ko ang mga plastic bag. “Totoo Kristina, kayo na?” tanong ni Liezel na mukhang siya lang ang sumeryoso sa sinabi ko. “Kelan ba naman ako nagsinungalin?” wika ko. Mukhang wala namang naniniwala sa akin. Sino nga bang basta maniniwala na ganun kabilis ko mapapasagot si Andrew eh kung kani kanina lang ay sinabutahe niya ang date namin. “Sige, una nako, Kita kits na lang bukas.” paalam ko sa kanila. Saka na lang
Tintin POV30 minutes na akong naghihintay ng dumating si Andrew sa coffee shop na usapan namin ay magkikita kami. Nananadya talaga ang lalaking to na mag pa late. Alam na alam ko na ang style ni Andrew. Mamaya pa ang kanyang pasok, samantalang kanina pa ako nakapag-out kaya mahaba ang oras ko para maghintay.“Bakit hindi ka pa umorder habang wala ako.” yun agad ang bungad niya sa akin.Sinadya kong wag muna umorder dahil gusto kong matagal ako matapos magkape para hindi kami agad matapos sa date namin.“Hinintay talaga kita. Anong klaseng date ito kung mag-isa lang akong magme-merienda?”“Okay.” tumalikod ito at naglakad palapit sa counter para umorder.Habang umoorder siya ay nagtetext naman ako sa isang katrabaho ko tungkol sa schedule namin. Itinigil ko lang ang pagtetext nang bumalik na si Andrew sa lamesa namin bitbit na ang dalawang kape.Lihim akong napangiwi ng bigyan niya ako ng iced latte.“Salamat.” matamis ko pa rin siyang nginitian.“Anong pag-uusapan natin?” maayos nama
Tintin POVKainis! Kaninang kanina pa ako naghihintay ng text ni Andrew hanggang ngayon wala pa rin. Pagkarating na pagkarating ko kanina mula sa trabaho ay gumayak na agad ako dahil sobrang excited ako na manonood kami ng sine ngayon. Kaso pasado alas singko na, anong oras pa kaya kami makakapanood ng sine? Siguro, sinasadya talaga ni Andrew na asarin ako, Para-paraan talaga siya para ayawan ko siya.Naka ilang toothbrush na nga ako para hindi ako bad breath mamaya eh. Tumayo ako mula sa sofa upang kumuha nang maiinom sa kusina nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Halos liparin ko pabalik ang sofa kung saan ko ipinatong ang cellphone dahil baka si Andrew na ang nagtext.Text message nga ni Andrew ang natanggap ko. Sinend niya kung saang sinehan kami magkikita. Nakalimutan ko na tuloy na iinom nga pala ako ng tubig dahil mabilis kong kinuha ang aking bag at lumabas na agad ng condo. Nagkukumahog akong tumawag na taxi para makarating agad sa tagpuan namin.20 minutes na akong na
Gigi POV Napakamot na lang ako ng aking ulo nang makita ang itsura niya ngayong nakadapa at walang ibang suot kundi boxer. Buti na lang at tulog siya, kundi mamumula naman ang aking mukha pag nagtama ang aming mga mata habang ganun ang itsura niya. Mabuti na lang at hindi niya nahigaan ang kumot kaya inayos ko ito at ikinumot sa kanya, baka kasi lamigin ang pwét niya eh. Matapos ko siyang kumutan ay nagtungo na ako sa banyo para magshower. Paglabas ko ay nakapantulog na ako. Muli na naman akong napalingon kay Gray na nasa ganun pa ring pwesto, ni hindi man lang kumilos. Bigla ko ring naitanong sa sarili kung ano bang ginagawa niya rito sa silid ko? Para saan pa at magkaiba kami ng kwarto kung gabi gabi rin naman ay dito siya natutulog. Eh di hamak namang mas maganda ang kwarto niya. Bigla akong nagka ideya, dun na lang kaya ako matulog sa silid niya? Inayos ko muna ang setting ng ilaw. Dim light kasi ang gusto ni Gray, pareho kami ng gusto kaya yun ang ginawa ko. Nang okay n
Gigi POV Nang dumating ang pagkain at maamoy ito, saka ko pa lang naramdaman ang gutom at naubos ko pang lahat. Nang lingunin ko si Gray ay ngingiti ngiti lang itong nakatingin sa pinggan kong wala ng laman. Busog na busog ako at gusto ko pa nga sanang dumighay kaso nahiya naman ako dahil katabi ko siya kaya nilunok ko na lang. Nang matapos kaming kumain ay umuwi na rin kami sa bahay. Agad kong tinungo ang silid ko para magpalit at ayusin ang aking mga gamit pabalik ng Manila. Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko si Gray na nakaupo sa single sofa, nakasandal ito at bahagyang nakatingala. Nakapikit siya, mukhang tulog. Inaantok pala siya, sana dun siya natulog sa itaas– sa kwarto ko, char! Maingat akong naglakad para hindi siya magising. Nagtungo ako sa kusina para lumabas at puntahan si String Bean. Kailangan ko rin siyang iready para sa pagbalik namin sa Manila mamaya, ayoko siyang iwan dito. “Hindi mo na sana dinala dito yan. Pwede mo namang iutos sa mga maid na pakainin siy
Gigi POV Ano daw? Misis? Tama ba ang narinig ko? Muli akong napatingin sa kanya, nakangiti lang ito sa akin. Nasa tabi namin ang parents ko kaya medyo nahiya tuloy ako dahil alam kong narinig nila ang sinabi ni Gray. Pero nang lingunin ko ang mga magulang ko, nakangiti lang ang mga ito at hindi man lang kumontra. Halatang botong boto talaga sila dito. “Sige na, nang makakain na tayo. “ yaya ni itay at nauna na silang naglakad para magtungo sa jeepney na sinakyan namin kanina. Hinatid ko sila ng tingin ko hanggang sa makasakay na sila. “May kasalanan ka pa sakin.” napaigtad ako ng marinig ang boses ni Gray. Nawala ang ngiti ko at taka akong napatingin sa kanya. Wow, ha…, ako pa pala itong may kasalanan ngayon. Ang naaalala ko kasi , siya itong nagpa-iyak saken. Yun sana ang sasabihin ko kaso napaigtad ako nang hawakan niya ang kamay ko. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya nang mapansin nito ang naging reaksyon ko. Eh kasi naman, normal lang sa kanya na hinahawakan niya
Gigi POV “Ay si dok pala. Kumusta po.” bati ni Santi nang makilala si Gray, ganun din si Nica. Tumango si Gray sa mga ito. “Congrats.” bati niya sa mga kaibigan ko. Pagkuway muling sumeryoso at dumako ang tingin kay Jeff. “Pasensya na, pero may pupuntahan pa kami ng girlfr—” “Ninong!” kinakabahang putol ko sa sasabihin niya kaya nahinto siya sa pagsasalita. “Sige po ninong, magpapaalam lang ako sa kanila.” balisang sabi ko at saka tulirong humarap sa mga kaibigan ko. “Sige, mauna na ako, nakalimutan ko may lakad nga pala kami eh. Chat chat na lang ha.” sabi ko sa mga ito at hindi na nakapagpaalam ng maayos. Paalis na rin ang mga ito kaya hindi na rin siguro nila napansin ang ikinilos ko. Agad akong lumakad palayo sa kanila. Kahit nga si Gray, naiwan ko na. At nang medyo malayo na ‘ko ay saka pa lang ako huminto. Pagkatapos ay pumihit ako para lingunin si Gray pero napaatras ako nang bahagya dahil nasa likuran ko pala siya. Sisitahin ko pa sana siya dahil sa muntik
Gigi POV Anong ginagawa nya rito? Dapat ay nasa trabaho siya ngayong oras na ito. Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya rito sa mismong araw ng graduation ko. Ilang araw ko lang siyang hindi nakita pero pakiramdam ko ay sobrang tagal na. Parang huminto ang oras at bigla akong nabingi. Yung parang wala akong naririnig na ingay, wala rin akong ibang nakikita maliban sa kanya. Inabot ng isang staff sa kanya ang medal. Tinanggap niya yun tapos ay marahang naglakad palapit nang hindi inaalis sa akin ang tingin. Nang nasa harap ko na siya, tumingala ako dahil sa tangkad niya. Bahagya siyang yumuko para magpantay ang aming mga mata, saka niya ako binati ng isang matamis na ngiti. Ayun, nahulog na naman ang puso ko, ni hindi ko man lang nasalo. Marahan niya inangat ang kanyang mga kamay habang hawak ang medal saka unti unting isinabit sa akin. Akala ko ay okay na pero hindi pa pala…. Naglakbay ang mga kamay niya sa aking likod at hinawi ang buhok na natatabunan ng ribbon ng
Gigi POV Kinabukasan wala kaming ginawa sa school buong araw kundi ang magpractice ng graduation. Bukas ang last day ng practice. Pagkatapos sa school ay diretso lang ako sa bahay. Tapos na kaming maghapunan at madilim na ang buong paligid nang magpasya akong umakyat sa kwarto. Nagsusuklay ako ng buhok ng makita kong bumukas ang screen ng cellphone ko. Iniwan ko muna ito kanina sa kama nung bumaba ako kanina para kumain. Tatlong text messages at limang missed calls ang nakarehistro, lahat galing kay Gray. FROM SUGAR DADDY: “Bakit hindi mo sinabing aalis ka?” “Bakit ka umalis?” “Kailan ka uuwi?” Siguradong nakauwi na siya kasi alam na niyang wala na ako sa mansion. Kanina ko pa hawak ang cellphone,at nakatitig lang sa screen, nag-iisip kung anong irereply nang biglang magvibrate ito dahil may dumating na namang text message, kaya binasa ko muna yun. FROM SUGAR DADDY: Umuwi ka na! . Saktong narinig ko ang boses ng aking ama mula sa ibaba. “Gigi, sagutin mo nga a
Gigi POVBago ko pa masagot ang tawag ay namatay na ulit ito. Nakita kong nagpop-up ang number ni Gray sa telepono ko. Nagpadala siya ng text message.Nakauwi na kaya siya sa mansion or busy pa rin sa hospital? Wala pa siguro siyang pahinga hanggang ngayon.Dinampot ko ang cellphone at binasa ang text message niya.FROM SUGAR DADDY:Please answer my call.Nagsimula ako magtype ng message para ipadala sa kanya.TO SUGAR DADDY:Tulog na ako.Kasesend ko pa lang ng message ay nagreply na agad siya.“FROM SUGAR DADDY:Kung gusto mong gamitin ang computer ko, 1437 ang pin.Sus, akala ko pa naman kung anong importante ang sasabihin niya.Mukhang hindi pa niya alam na nakabalik na ako ng probinsya. Kahit naman siguro malaman niya, wala naman siyang pakialam. Wala naman kaming relasyon, saka yun naman talaga ang gusto niya, yung walang alagaing kagaya ko. Baka nga enjoy pa ito sa hospital dahil nandun ang babae niya, yung matured sigurong mag-isip hindi kagaya ko.Hindi na ako ulit nagreply
My idea naman ako sa gusto niyang mangyari dahil nga tinuruan ako ni kuya Drake sa finance, pero puro theory lang ang mga itinuro niya sa akin. Hindi ko pa nagagawa sa actual or real-life situations. Saglit muna akong nag-isip saka sinagot ang tanong niya. “Pwede po tayong bumili ng Crypto.” saad ko. “Crypto? Hindi ba mas safe kung stock market tayo mag-iinvest?” tanong niya. “Ang sabi nyo po kasi, kailangang dumoble ang pera in 4 months. So, short term po ang goal natin at hindi investment kagaya ng mga stock market which is hindi sasapat sa time frame na ibinigay niyo. At ang nakikita kong pinakamabilis na kitaan is pagbili ng Crypto. Lalo na po ngayon na papalapit na ang U.S. presidential election at nominated si Donald Trump.” “Anong kinalaman ni Trump?” “Openly pro-crypto po si Trump. Ilang beses na rin niyang sinabi na aalisin niya ang strict regulation sa digital assets like XRP, so yun po ang pwede nating bilhin.” “And why XRP?” “Sa ngayon po $0.40 pa lang ang presyo ni
Gigi POVMuntik na akong atakihin dahil sa puting Teddy Bear na ‘to, na mas malaki pa sa akin. Sinipat sipat ko ito para malaman kung saan galing. Wala naman akong nakitang note kahit saan. Nasa kama ko na siya, so ibig sabihin akin na siya.Si Gray lang naman ang pumapasok sa silid ko bukod sa akin kaya nasisiguro kong sa kanya galing ito. Hinawakan ko ang balahibo, napakalambot at ang sarap yakapin. Ilang saglit din akong nakayakap dito at hindi ko namamalayang nakangiti na pala ako habang hinahamplos ang malambot na balahibo ng Teddy Bear. Bakit kaya siya nag-uwi nito? Kapalit kaya ito ni baby Gray ko? Naalala ko na naman yung nangyari kahapon kaya nawala na naman ako sa mood. “Ang cute mo, pero nabubwisit pa rin ako sa amo mo.” kausap ko sa Teddy bear.Bigla kong naalala, bukas na nga pala ang practice ng graduation walk kaya kailangan ko nang umuwi sa Batangas ngayon. Dali dali akong tumayo at nagtungo sa banyo para ayusin ang aking sarili. Kailangan ko pang makausap si