PAALALA: I highly recommend na basahin nyo po muna ang YOUR HERO YOUR LOVER bago nyo ito simulan. Isinulat ko po ang story na ito dahil sa napakaraming readers ang nagrequest ng story ni Andrew. Pasensya na po kung natagalan. Sana po ay inyong maibigan.
Your Author,
KARA NOBELA
*****************************
Tintin POV
“Sige na po ate Beth, last na po talaga to… promise!”
Kanina pa nakikiusap si Tintin sa charge nurse ng department nila na siyang nag-aasikaso ng schedule ng mga nurse sa hospital na pinagtatrabahuhan niya.
“Hay naku Kristina, palagi mo na lang sinasabi yan. Nakailang last ka na sa akin. Ilang beses na rin kitang pinagbigyan.” mariing tanggi ni Beth.
“Hindi naman pwedeng lagi na lang nating papalitan yang schedule mo, para lang ka-shift mo palagi si dok.’ patuloy nito.
“Promise talaga, last na to. Hayaan nyo po kapag ikinasal kami ni Dok Andrew kayo ang una kong padadalhan ng invitation. Tapos dun ko pa kayo ipupuwesto sa VIP table.” buong kumpiyansang saad ni Tintin.
Tumawa naman ng malakas sina Beth at iba pang mga nurse na naroroon ngayon.
“Yan ang gusto ko kay Kristina, lakas ng fighting spirit. Sige ipagpatuloy mo lang yan.” sulsol pa ni Sara, isa sa mga nurse. Ngumiti si Tintin dito at humarap kay Beth ng taas noo. Tinaasan naman siya ng kilay ni Beth.
“Nagpapatawa ka ba? Yung maging boyfriend mo nga lang si dok suntok na sa buwan, kasal pa kaya?” natatawang komento ni Beth.
“Sige makinig ka sa mga yan kung gusto mong tumandang dalaga.” dugtong pa nito.
Bagsak ang balikat na umupo si Tintin. Mukhang hindi nga talaga siya pagbibigyan ni Beth na ngayon ay may binabasang text message na kare-received lang nito.
“Ang lakas mo kay Lord, nagtext si Josie, nakikipagpalit ng schedule niya this week, darating daw ang magulang niya.” anito.
Umaliwalas ang mukha ni Tintin sa narinig.
“O kita mo na ate Beth, mismong langit na yung gumagawa ng paraan na magkasama kami. Destined kasi kami, hindi pa lang niya narerealized yun.” anito. Napailing lang ang may edad na nurse sa sinabi niya.
“Oy kayo hindi ko to ginagawa para kay Kristina ha, nagkataon lang na may nakikipagpalit. Ayokong may maririnig na kinukunsinti ko siya sa kabaliwan niya.” paglilinaw ni Beth sa mga katrabaho.
“Gusto kong malaman nyo na fair ako sa inyong lahat.” dugtong pa nito.
“Wag kayong mag-alala ate Beth wala namang magrereklamo kahit gawin nyo yan, sino ba namang hindi nakakaalam na patay na patay tong si Kristina kay dok. Kahit nga yung mga pasyente dito alam na alam nila.” tumatawang sabi ni Mae, isa sa mga nurse.
Napuno ng tawanan ang nurse station. Sino ba namang hindi? 4 months nang nagtatrabaho si Tintin sa Neumann Hospital at 4 months na ring siyang vocal sa nararamdaman niya kay dok Andrew.
Si Andrew Rufino ay ang kanyang long time crush. 17 years old pa lang siya ay crush na crush na nya ito. Kapatid kasi ito ni Drake Rufino na asawa ng bestfriend niyang si Mutya. Si Drake ang CEO nang kompanyang nagmamay-ari ng Neumann Hospital. Ilang taon na lang ay isasalin na rin kay Dr. Andrew ang pamamalakad sa lahat ng hospitals na pagmamay-ari ng pamilya nito. 30 years old si Andrew at ito ang pangalawang taon niya bilang ganap na doktor.
Nung 17 pa lang si Tintin ay pangarap na niya ang makatapos ng kursong HRM ngunit nang malaman niyang estudyante ng medicine si Andrew ay biglang nag-iba ang kanyang pangarap. Naging pangarap niya si Andrew… este ang makatapos ng kursong nursing. 22 years old na siya ngayon at kagagraduate lang niya ng college.
Nang makagraduate siya ay nag-apply siya sa hospital kung saan naroon si Andrew. Hindi naman nahirapang mag-apply sa hospital na yun si Tintin dahil malakas nga ang kapit niya sa itaas.
“Hindi ka ba natatakot na maging biyenan sina Don Antonio at Donya Agatha? Balita ko nakakatakot daw yung si Don Antonio?” curious na tanong ni Beth kay Tintin. Sumabat si Sara.
“Ilang beses ko na nakita si Don Antonio, grabe ang lakas ng awra. Nakaka-intimidate talaga, Nakakatakot at baka mali ang masabi mo. Si Donya Agatha naman, sobrang sosyal, nagmumukha akong mabaho kapag lumalapit siya sa amin.” salaysay ni Sarah.
“Bakit naman ako matatakot kung maganda naman ang intensyon ko sa anak nila?” balewalang sagot ni Tintin. Nagtawanan ang mga naroroon ngayon.
“Isa pa, kinausap ko na kaya si Don Antonio. Ang sabi ko, pakakasalan ko ang anak niya pagkagraduate ko.” ani Tintin.
“Seryoso ka? Paano mo naman siya nakausap?” di makapaniwalang tanong ni Beth.
“Sa binyag ng apo niya. Isa ako sa mga ninang. Bestfriend ko kasi yung manugang nila.” ani Tintin.
“Talaga? Oh eh anong sagot sayo ni Don Antonio?” pahabol na tanong ni Beth.
“Sabi niya Goodluck!” ani Tintin.
Muli na namang napuno ng tawanan ang nurse station.
Totoo ang sinabi ni Tintin. Nung tumayo siyang ninang sa panganay na anak ni Mutya ay kasama nila sa iisang table ang mga Rufino dahil parang pamilya na rin ang turing ng mga ito sa kanila.
“Andrew, pagkagraduate ko ng nursing, pakakasalan kita.” balewalang sabi ni tintin habang kumakain sila. Napailing na lang si Andrew sa kanya dahil nasanay na rin ito kay Tintin na palaging nagtatapat ng damdamin tuwing nagkikita sila.
Dahil dun ay katakot takot na sermon ang natikman nya mula sa kanyang ina nang makauwi sila. Ganunpaman ay napatawa niya ang supladong si Don Antonio dahil sa sinabi niya.
“Good luck!” anito na nakangiti sa inosenteng si Tintin na noon ay first year college pa lang.
“Kapag naging kayo, sagot ko ang first date nyo.” pabirong tugon ni donya Agatha na cute na cute sa kanya.
Basta may event sa buhay ni Mutya ay palagi silang imbitado. Kung ilag ang mga tao sa pamilya Rufino, kakaiba itong si Tintin. Hindi kasi nito narerealized na mga bigating tao ang mga ito dahil napaka-inosente ng dalaga. Isa pa ay naging normal na sa kanya ang makita palagi ang pamilya ng mga Rufino.
******
“Sino na naman ang kinulit mo ngayon para lang makipagpalit ng schedule sayo?” naiiling na tanong ni Andrew nang makitang si Tintin na naman ang makakasama niyang nurse ng gabing yun.
“Wala ah. Grabe ka namang magbintang dyan, nakakasakit ka ng damdamin ah.” painosenteng tugon ni Tintin.
Bago pa man makapagsalita si Andrew ay naagaw na agad ang atensyon nila ang isang stretcher na parating at mabilis na itinutulak ng dalawang nurse. Mabilis na pinuntahan yun ni Andrew upang saklolohan. Awtomatiko na sinundan siya ni Tintin dahil normal na sa kanila ang eksenang yun sa emergency room.
Biktima ng pananaksak ang lalaking pasyente. Mabilis naman yung naagapan ni Andrew. Samantalang si Tintin naman ay kanina pang gustong masuka dahil sa dami ng dugo. Hindi naman siya palaging ganito.
Dumadaan lang talaga minsan na nakakaramdam siya ng ganun lalo na at sobrang dami ng dugong dumadaloy.
Mas matindi pa nga siya nung intern pa lang siya sa probinsya. Mabilis siyang masuka ngunit nakasanayan na rin niya ang makakita ng dugo kaya kahit paano ay hindi na siya naaapektuhan, subalit paminsan minsan ay dumadaan talaga na sinasamaan siya ng lasa kagaya ngayon. Nilalabanan lang talaga niya ito dahil si Andrew ang kasama niya ngayon, siguradong magagalit na naman ito dahil hindi ito ang unang beses na masusuka sa harapan nito pag nagkataon. Nung nakaraan ay nagsuka talaga siya sa harapan nito. Diring diri naman si Andrew dahil pati ang white coat nito ay natilamsikan ng isinuka ni Tintin.
Laking pasalamat niya ng natapos ang pagtahi sa sugat ng pasyente na hindi siya nasuka. Naglakad na papaalis si Andrew at kasunod si Tintin nang unti unting makaramdam ng panghihina ang dalaga at bago pa man siya tuluyang nawalan ng malay ay agad siyang kumapit sa likod ni Andrew.
********
Tintin POV
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Mukha agad ni Andrew ang aking nasilayan. Nakaupo ito sa gilid ng hinihigaan ko.
“Umuwi ka na at magpahinga.” bungad nito sa akin. Ramdam ko agad sa boses nito na hindi ito natutuwa sa nangyari.
“Ayos lang ako.” tanggi ko.
“Bahala ka. Pasalamat ka at ako lang ang nakakita sayo. Bakit ba kasi nagnurse ka kung takot ka naman sa dugo?” anito at tumayo.
“Ipalilipat kita sa regular medical ward. Simula bukas dun ka na naka-aasign.” anito.
“Andrew… wag naman!” naiiyak kong sabi.
“Kapag nalaman ng management na takot ka sa dugo baka mas lalo ka pang mamroblema.” ani Andrew.
“Andrew–”
“This conversation is over. If you want to plead, talk to the higher-ups, but I won’t put up with this anymore. Pinalusot na kita noong una, but it won’t happen again.“ mariing sabi nito bago tuluyang umalis.
Bagsak ang aking balikat at parang gusto kong maiyak ng mga oras na yun. Lumabas na rin ako. Nakita kong nagmamadaling lumapit si Liezel sa akin, ang pinaka close kong katrabaho dahil halos sabay lang kaming natanggap dito sa hospital.
“Anong nangyari sayong bruha ka? Nakita kong buhat buhat ka ni dok kanina.” pabulong na tanong nito.
“Hinimatay ako. Lintik na dugo kasing yun, kung kelan duty ako tsaka nagpakitang gilas.” inis na sagot ko habang naglalakad kami.
“Ipapalipat tuloy ako ni dok sa medical ward. Mahihirapan na tuloy akong mapasagot siya.” padabog kong sabi.
“Gayumahin mo kaya?” ani Liezel. Natawa ako sa sinabi nito.
“Nagpapaniwala ka naman sa ganun.” nawala tuloy ang inis ko.
“Totoo yun, Sabi ng kuya ko, yung kaibigan daw niya ganun ang ginawa sa nililigawan, ayun asawa na ngayon. Dalawa na ang anak. Sa albularyo daw yun humingi ng tulong.” seryoso sabi ni Liezel.
Napatigil ako sa narinig at nilingon siya.
“Seryoso ka? Baka ginu-gudtym mo lang ako ha” paninigurado ko.
“Bakit naman kita lolokohin, eh alam kong naman kung gano mo kagusto si dok.” buong sinseridad na sagot ni Liezel.
“Talaga? Samahan mo ko dun sa albularyong sinasabi mo.” parang bigla tuloy akong nabuhayan ng loob.
“Oo ba, pareho naman tayong off sa Thursday, puntahan natin yung sinasabi ni kuya na albularyo.” suhestyon ni Liezel na agad ko namang sinang-ayunan.
“Okay sige!”
**************
3rd Person POV
“Dadasalin mo lang itong nakasulat sa pulang papel. Dapat ay kumpleto ang mga gamit na nasa listahan. Pagkatapos ay ipapainom mo sa kanya yang recipe ng gayuma na tinimpla mo. Nakasulat na rin dyan ang ingredients.” wika ng albularyo.
“Kapag naman gusto mong alisin ang bisa ng gayuma ay itong asul na papel naman ang dadasalin mo. Pareho lang naman ang recipe ng gayuma at mga gamit na kokolektahin mo."
Ipinapaliwanag nito kay Tintin ang lahat ng mga dapat niyang gawin at paano timplahin ang gayuma. Inabot din nito ang listahan ng mga dapat kolektahin ni Tintin upang makumpleto ang orasyon.
Listahan ng mga dapat kolektahin para sa orasyon:
●Kandila
●Picture ng taong manggagayuma
●Picture na taong gagayumahin
●Brief ng taong gagayumahin (Kailangang gamit na at hindi pa nalalabhan)
.
Napamulagat sina Tintin at Liezel sa nabasa
“Ay sigurado ga ho kayo dine tatang, kailangan ga talaga ng brief?!?!” gulat na tanong ni Tintin. Dahil sa pagkagulat ay hindi na naikubli ang puntong batangas nito.
“Tandaan mo, hindi basta brief, dapat yung ginamit niya at hindi pa nalalabhan.” seryosong tugon ng albularyo.
“Paano ko naman ho makukuha yun? Ano? Sasabihin ko sa kanya na -Andrew pwede ba akina lang yang brief mo tutal marumi na?-” hindi maipinta ang mukha ni Tintin dahil imposible ang hinihingi ng albularyo.
Tumawa naman tumawa si Liezel sa sinabi niya.
“Nasa sa inyo naman yan kung gagawin nyo o hindi. Hindi ko kayo pinipilit, Kusa kayong lumapit sa akin, ako naman ay tumutulong lang.” pagalit na sagot ng albularyo.
Napabuntong hininga na lang si Tintin. Imposible ang hinihingi sa listahan ni manong albularyo.
“Sya sige na nga, magkano ga ho at nang kami eh makalayas na dine.” ani Tintin.
“1000 na lang sa yo.” tugon ng albularyo.
Napakamot ng ulo si Tintin.
“Ang mahal naman!” pabulong na sabi niya.
“Ano yun?” tanong ng matanda.
“Wala ho, sabi ko aalis na kami.” ani Tintin.
Lumabas sila ni Liezel sa bahay ng albularyo na hindi masaya. Hinatid naman sila ng tanaw ng matandang albularyo.
“Diba sabi mo nurse ang mga yan?” tanong nito sa asawang babae na umaasiste sa kanya.
“Ay bakit ang tatanga? Hanggang ngayon ay nagpapaniwala pa rin sa mga gayuma.” nakabungisngis na sabi nito. Pinagtawanan ng mag-asawa ang magkaibigang kaaalis lang.
.
Samantalang inis pa rin si Tintin dahil sa listahan ng orasyon..., naghihintay sila ngayon ng masasakyan pauwi.
“Pasensya na, hindi ko naman alam na ganun pala kahirap mang gayuma.” ani Liezel na nakikisimpatya sa kaibigan.
Naglabas ng malalim na buntong hininga si Tintin. Kinuha niya sa bag ang kanyang cellphone at dinayal yun. Nagring ang phone number na tinawagan nya.
“Hello.” wika ng nasa kabilang linya kaya nagsalita si Tintin.
“Hello Mutya .., kailangan ko ng tulong mo!”
Tintin POV “Nababaliw ka na bestfriend!” hindi makapaniwalang usal ni Mutya sa kabilang linya. “Sige na Mutya, promise ngayon lang to. Para sa future ng mga pamangkin mo, isang brief lang ang kailangan ko.” pag-uulit ko. Narinig kong tumawa ng tumawa si Mutya sa kabilang linya. Nakakadala ang tawa niya. Kahit naman ako na seryosong makakuha ng brief ni Andrew ay natatawa na rin sa gusto kong mangyari. Kung bakit ba naman kasi kailangang nagamit na yung brief na gagamitin sa gayuma? “May sariling condo si Andrew kaya hindi na siya nakatira sa mansion pero kakausapin ko yung kaclose kong kasambahay dun na kapag nagpalaba si Andrew, kunin nila yung brief para sayo.” natatawa pa ring sabi ni Mutya. “Kelan pa kaya yun? Hindi ba pwedeng lasingin na lang natin siya tapos saka ko kukunin yung brief nya.” suhestyon ko. Hindi ko man nakikita si Mutya ay parang nakikita ko na ang reaksyon nito dahil narinig ko ang boses niyang gulat na gulat sa sinabi ko. “Hoy nakakahiya kaya yun,
Tintin POVHindi ako nagbibiro ng sabihin kong magbe-beauty rest ako. Pagkagaling sa hospital ay dumiretso agad ako sa condo unit na ipinagamit sa akin nang mag-asawang Drake at Mutya. Pag-aari daw ito ng mga Rufino. Nung una ay nahihiya pa ako pero sila na rin ang nagsabi na matagal na raw walang gumagamit nito kaya pinatuloy muna nila ako rito pansamantala. Kapag nakaipon na ako ay saka ako maghahanap ng bagong malilipatan.Kinabuksan ay sobrang excited ako kaya maaga pa ay inihanda ko na agad ang aking isusuot. Naglagay pa ako ng facial mask para fresh ako mamaya.Bagong biling summer dress ang isinuot ko at light make-up para naman hindi ako maputla mamaya kapag nagkaharap kami ni Andrew. First date namin kaya dapat, mukhang fresh. Kanina pa akong nakaharap sa salamin at pinapractice kung paano ako ngingiti mamaya. Praktisado lahat ng mga ikikilos ko para naman hindi nakakahiya kay Andrew, baka sabihin nito wala akong manners. Ginoogle ko pa nga kanina ang First Date 101 at nag ta
Tintin POVBinalikan ko ang mga plastic bag na dala ko. Kitang kita ko sa mukha nina ate Beth at mga kasamahan kong nurse ang pagtataka dahil sa nasaksihan nila kanina.“Alis na’ko, see you na lang tomorrow.” wika ko.“Anong nangyari sa inyo ni dok. Ba’t ka niya binuhat?” tanong ni ate Beth.Napatawa naman ako nang maalala kung paano kami nag-agawan ni Andrew sa cellphone.“Wala, nabuhat lang niya ako sa sobrang tuwa kasi sinagot ko na sya.”“Natuwa? Parang hindi naman. Para kayong magkapatid na nag-aaway.”“Hindi ganun, masaya lang siya kasi kami na.” binuhat ko ang mga plastic bag.“Totoo Kristina, kayo na?” tanong ni Liezel na mukhang siya lang ang sumeryoso sa sinabi ko.“Kelan ba naman ako nagsinungalin?” wika ko.Mukhang wala namang naniniwala sa akin. Sino nga bang basta maniniwala na ganun kabilis ko mapapasagot si Andrew eh kung kani kanina lang ay sinabutahe niya ang date namin.“Sige, una nako, Kita kits na lang bukas.” paalam ko sa kanila. Saka na lang ako nagkukwento sa k
Tintin POV30 minutes na akong naghihintay ng dumating si Andrew sa coffee shop na usapan namin ay magkikita kami. Nananadya talaga ang lalaking to na mag pa late. Alam na alam ko na ang style ni Andrew. Mamaya pa ang kanyang pasok, samantalang kanina pa ako nakapag-out kaya mahaba ang oras ko para maghintay.“Bakit hindi ka pa umorder habang wala ako.” yun agad ang bungad niya sa akin.Sinadya kong wag muna umorder dahil gusto kong matagal ako matapos magkape para hindi kami agad matapos sa date namin.“Hinintay talaga kita. Anong klaseng date ito kung mag-isa lang akong magme-merienda?”“Okay.” tumalikod ito at naglakad palapit sa counter para umorder.Habang umoorder siya ay nagtetext naman ako sa isang katrabaho ko tungkol sa schedule namin. Itinigil ko lang ang pagtetext nang bumalik na si Andrew sa lamesa namin bitbit na ang dalawang kape.Lihim akong napangiwi ng bigyan niya ako ng iced latte.“Salamat.” matamis ko pa rin siyang nginitian.“Anong pag-uusapan natin?” maayos nama
Tintin POVKainis! Kaninang kanina pa ako naghihintay ng text ni Andrew hanggang ngayon wala pa rin. Pagkarating na pagkarating ko kanina mula sa trabaho ay gumayak na agad ako dahil sobrang excited ako na manonood kami ng sine ngayon. Kaso pasado alas singko na, anong oras pa kaya kami makakapanood ng sine? Siguro, sinasadya talaga ni Andrew na asarin ako, Para-paraan talaga siya para ayawan ko siya.Naka ilang toothbrush na nga ako para hindi ako bad breath mamaya eh. Tumayo ako mula sa sofa upang kumuha nang maiinom sa kusina nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Halos liparin ko pabalik ang sofa kung saan ko ipinatong ang cellphone dahil baka si Andrew na ang nagtext.Text message nga ni Andrew ang natanggap ko. Sinend niya kung saang sinehan kami magkikita. Nakalimutan ko na tuloy na iinom nga pala ako ng tubig dahil mabilis kong kinuha ang aking bag at lumabas na agad ng condo. Nagkukumahog akong tumawag na taxi para makarating agad sa tagpuan namin.20 minutes na akong na
Tintin POV“Ano, hindi ka inihatid ni Andrew pauwi?” gulat at hindi makapaniwalang sabi ni Mutya sa kabilang linya.Tinawagan ko kasi agad si Mutya upang ikwento na kagagaling lang namin ni Andrew mula sa sinehan kaso nauwi naman ang usapan namin sa reaksyon ni Mutya na hindi makapaniwala sa ginawa ni Andrew.Nang matapos kaming manood ng sine ay nagyaya na itong umuwi. Ikinuha niya ako ng taxi, hindi ko naman naisip yung inirereklamo ni Mutya na dapat daw ay si Andrew ang naghatid sa akin pabalik mula sa sinehan. Malay ko ba kung paano makipagdate. Basta ang alam ko lang kanina ay masaya ako kahit pa nakatulog ako.“Hindi ganyan ang Andrew na kilala ko. Napaka-gentleman nun at very protective. Hindi ako makapaniwalang hinayaan ka niyang magbyahe mag-isa kahit gabi na. May sasakyan naman siyang dala.” ani Mutya.“Isa pa, ni hindi ka man lang niya niyayang kumain pagkatapos nyong manood.”“Hay naku, alam mo namang sinasadya niya yun para sumuko na ako.” balewala kong sabi.“Yun na nga T
Tintin POVIbinaba ko ang telepono at buong pagtatakang tumingin sa nagpakilalang Gray.Samantalang isinuksok nito sa kanyang bulsa ang cellphone at ngumiti sa akin.“Can I?” anito na humihingi ng permiso na maupo sa harapan ko. Hindi pa man ako nakakasagot ay naupo na agad ito.“Hindi makakarating si Andrew dahil may importante siyang pupuntahan ngayon.” Oh so padala pala siya ng boyfriend kong hilaw.“Importante? San daw siya pupunta?”“Merun siyang kailangang sunduin sa airport, biglaan kasi. it’s a long story… pero yun nga hindi na siya makakarating dito kaya ako ang pinapunta niya rito.”“Ah ganun ba, sige nice meeting you na lang Mr. Gray.” paalam ko rito.Tatayo pa sana ako pero pinigilan niya ako sa braso. Napatingin ako sa kamay niya at bigla niyang inalis ang pagkakahawak sa akin.“I’m sorry… andito na kasi tayo, baka pwedeng magcoffee muna tayo. My treat.”Tatanggi pa sana ako nang magpatuloy ito sa pagsasalita.“Ano bang coffee ang gusto mo?’Saglit akong natigilan. Tinan
Tintin POV5th day na namin ngayon ni Andrew. Alam kong pang-umagang shift na siya ngayon. Malapit nang matapos ang shift ko pero hindi pa rin siya nagtetext sa akin. Gusto ko sana siyang puntahan sa ER kaso busy ako.Pagkatapos na pagkatapos ng shift ko ay nagtungo agad ako sa pwesto niya. Narinig ko na busy daw ito kaya hindi muna ako umuwi at hinintay siya.“Oh Kristina, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Nancy na kadarating lang.“Hinihintay ko boyfriend ko.” sagot ko. Napatawa lang si Nancy.“Okay.” tugon nito na parang sinasakyan lang ang sinabi ko na hindi talaga naniniwala na boyfriend ko na si Andrew.Lihim na lang akong napangiti. Mamaya pagdating ni Andrew ay magugulat na lang ang mga ito pag mismong sa bibig ni Andrew manggagaling na kami na. Kaya sa ngayon hindi ko na muna ipagpipilitan. Excited na akong makita ang kanilang mga mukha na parang nalaglag ang mga panga.Unti-unti nang nagdadatingan sa nurse station ang iba pang mga nurse.“Oh Kristina, bakit ka naririto? Kan