Tintin POV5th day na namin ngayon ni Andrew. Alam kong pang-umagang shift na siya ngayon. Malapit nang matapos ang shift ko pero hindi pa rin siya nagtetext sa akin. Gusto ko sana siyang puntahan sa ER kaso busy ako.Pagkatapos na pagkatapos ng shift ko ay nagtungo agad ako sa pwesto niya. Narinig ko na busy daw ito kaya hindi muna ako umuwi at hinintay siya.“Oh Kristina, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Nancy na kadarating lang.“Hinihintay ko boyfriend ko.” sagot ko. Napatawa lang si Nancy.“Okay.” tugon nito na parang sinasakyan lang ang sinabi ko na hindi talaga naniniwala na boyfriend ko na si Andrew.Lihim na lang akong napangiti. Mamaya pagdating ni Andrew ay magugulat na lang ang mga ito pag mismong sa bibig ni Andrew manggagaling na kami na. Kaya sa ngayon hindi ko na muna ipagpipilitan. Excited na akong makita ang kanilang mga mukha na parang nalaglag ang mga panga.Unti-unti nang nagdadatingan sa nurse station ang iba pang mga nurse.“Oh Kristina, bakit ka naririto? Kan
Tintin POVWalang puknat ang aking pag iyak kahit kanina pa akong nakauwi dito sa condo. Ang sakit ng puso ko ngayon. Bakit ba naman kasi na sa lahat naman ng tao, kung sino pa yung mahal ko siya pa ay siya pang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.Tumayo ako at nagtungo sa banyo. Pagdating ko sa loob ay humarap ako sa salamin. Maganda naman ako ah.., bakit hindi niya ako magustuhan? Kasalanan ko bang hindi pang beauty queen ang height ko kaya mukha pa rin akong bata sa paningin niya? Sa loob ng 5 days hindi man lang siya nag-aksayang pagmasdan at kilalanin ako, so paano niya ako magugustuhan? Ni hindi ko nagkaroon ng pagkakataong ipakita sa kanya ang Tintin bilang isang babae, ang side ko na hindi pa niya nakikilala.Hinubad ko ang aking damit at walang itinirang saplot. Umikot ikot ako at pinagmasdan ang aking hubad na katawan sa harapan ng salamin.Sinapo ng mga palad ko ang ibabang parte ng aking dalawang dibdib at saka itinaas baba. Malulusog naman ang dibdib ko.Ibinaba ko
Tintin POVMahina kaming nagbubulungan ni Mutya habang naglalakad kami papunta sa mini bar na nasa basement ng bahay nila.“Bakit ba kailangan yung brief pa ni Andrew at yung nagamit na?”usisa ni Mutya.Napasimangot naman ako.“Aba ay malay ko ga sa albularyong yun. Basta nakalagay sa listahan nya eh.”“O tapos? Anong gagawin?” tanong pa nito.Nagbubulungan na kami pero mas inilapit ko pa ang aking bibig sa kanyang teynga para siguradong walang makakarinig.“Amuyin ko raw sa loob ng isang oras tapos ihilamos ko sa mukha ko.”Nanlaki ang mga mata ni Mutya.“Anooo?!?! Gagawin mo yun?” gulat at malakas na sabi nito.Humagalpak naman ako ng tawa.“Joke lang.., ano ka ba?“ namimilipit ako sa katatawa habang nakaturo sa mukha ni Mutya na ngayon ay gulat na gulat.“Para kang tanga! Kadiri yang imagination mo.” ani Mutya na hindi maipinta ang mukha ngunit kalaunan ay tumawa na rin ng tumawa.Halos manakit ang tiyan namin kaya’t hindi na namin namalayan na kanina pa pala kami pinapanood nina D
Tintin POVBigla kong narealized ang aking katangahang ginawa dahil baka isipin niyang ang cheap ko naman.Yikes! Ang cheap naman talaga ng ginawa ko. Hindi rin ganito ang first kiss na pinapangarap ko.Matapos ko siyang itulak ay tumalikod agad ako at tumakbo papalayo sa kanya. Patakbo akong bumalik sa aking inuupuan ngunit bago pa man ako makita nina Mutya ay huminto ako at marahang naglakad upang hindi nila mahalata na nagmamadali ako, baka magduda pa ang mag-asawa.Katakot takot na kabog ang nararamdaman ko ngayon dahil sa halo halong emosyon. Naiparating ko nga kay Andrew ang nais kong sabihin ngunit nais ko namang kutusan ang aking sarili, dahil sa kahihiyan. Ngayon ako biglang nagsisi sa aking ginawa. Lalo tuloy ako nitong tagilid kay Andrew, baka kung ano pa ang iisipin nito at maturn off siya sa akin. Nakakahiya!Napahawak ako sa aking labi at hindi mawala wala sa pakiramdam ko ang paglapat ng kanyang labi sa akin. Parang nararamdaman ko pa rin na magkalapat ang mga ito kaya
Tintin POV“Ang bigat niya talaga!”Kanina pa namin sinusubukang akayin si Andrew pero hindi namin magawa ni Mutya. Hindi lang dahil mabigat kundi dahil napakatangkad nito, samantalang hindi naman kami katangkaran ni Mutya.“Dito ko na lang kaya siya hubaran” suhestyon ko. Nanlaki naman ang mga mata ni Mutya“Dito? Baka biglang magising si Drake. Di naman ganun kadami ang nainom ng asawa ko.” ani Mutya. Tumahimik ito at mukhang nag-iisip, pagkuway biglang umaliwalas ang mukha.“Alam ko na, tatawagin ko lang yung driver namin.” anito at nagmamadaling umalis.Ilang sandali pa ay bumalik na ito kasama ang driver nila.“Lasing na lasing ah.” puna ni mang Berting nang makitang bulagta ang magkapatid sa sofa.Mukhang nasabihan na agad ito ni Mutya ng gagawin dahil dumiretso agad ito kay Andrew. Naitayo niya agad ito at ikinawit sa kanyang batok ang braso ni Andrew ng walang kahirap hirap. Itinuro ni Mutya kung saan dadalhin si Andrew. May kwarto namang malapit, ilang hakbang lang ang layo a
PAALALA: I highly recommend na basahin nyo po muna ang YOUR HERO YOUR LOVER bago nyo ito simulan. Isinulat ko po ang story na ito dahil sa napakaraming readers ang nagrequest ng story ni Andrew. Pasensya na po kung natagalan. Sana po ay inyong maibigan. Your Author,KARA NOBELA*****************************Tintin POV“Sige na po ate Beth, last na po talaga to… promise!”Kanina pa nakikiusap si Tintin sa charge nurse ng department nila na siyang nag-aasikaso ng schedule ng mga nurse sa hospital na pinagtatrabahuhan niya.“Hay naku Kristina, palagi mo na lang sinasabi yan. Nakailang last ka na sa akin. Ilang beses na rin kitang pinagbigyan.” mariing tanggi ni Beth.“Hindi naman pwedeng lagi na lang nating papalitan yang schedule mo, para lang ka-shift mo palagi si dok.’ patuloy nito.“Promise talaga, last na to. Hayaan nyo po kapag ikinasal kami ni Dok Andrew kayo ang una kong padadalhan ng invitation. Tapos dun ko pa kayo ipupuwesto sa VIP table.” buong kumpiyansang saad ni Tintin.T
Tintin POV “Nababaliw ka na bestfriend!” hindi makapaniwalang usal ni Mutya sa kabilang linya. “Sige na Mutya, promise ngayon lang to. Para sa future ng mga pamangkin mo, isang brief lang ang kailangan ko.” pag-uulit ko. Narinig kong tumawa ng tumawa si Mutya sa kabilang linya. Nakakadala ang tawa niya. Kahit naman ako na seryosong makakuha ng brief ni Andrew ay natatawa na rin sa gusto kong mangyari. Kung bakit ba naman kasi kailangang nagamit na yung brief na gagamitin sa gayuma? “May sariling condo si Andrew kaya hindi na siya nakatira sa mansion pero kakausapin ko yung kaclose kong kasambahay dun na kapag nagpalaba si Andrew, kunin nila yung brief para sayo.” natatawa pa ring sabi ni Mutya. “Kelan pa kaya yun? Hindi ba pwedeng lasingin na lang natin siya tapos saka ko kukunin yung brief nya.” suhestyon ko. Hindi ko man nakikita si Mutya ay parang nakikita ko na ang reaksyon nito dahil narinig ko ang boses niyang gulat na gulat sa sinabi ko. “Hoy nakakahiya kaya yun,
Tintin POVHindi ako nagbibiro ng sabihin kong magbe-beauty rest ako. Pagkagaling sa hospital ay dumiretso agad ako sa condo unit na ipinagamit sa akin nang mag-asawang Drake at Mutya. Pag-aari daw ito ng mga Rufino. Nung una ay nahihiya pa ako pero sila na rin ang nagsabi na matagal na raw walang gumagamit nito kaya pinatuloy muna nila ako rito pansamantala. Kapag nakaipon na ako ay saka ako maghahanap ng bagong malilipatan.Kinabuksan ay sobrang excited ako kaya maaga pa ay inihanda ko na agad ang aking isusuot. Naglagay pa ako ng facial mask para fresh ako mamaya.Bagong biling summer dress ang isinuot ko at light make-up para naman hindi ako maputla mamaya kapag nagkaharap kami ni Andrew. First date namin kaya dapat, mukhang fresh. Kanina pa akong nakaharap sa salamin at pinapractice kung paano ako ngingiti mamaya. Praktisado lahat ng mga ikikilos ko para naman hindi nakakahiya kay Andrew, baka sabihin nito wala akong manners. Ginoogle ko pa nga kanina ang First Date 101 at nag ta