Tintin POV
“Nababaliw ka na bestfriend!” hindi makapaniwalang usal ni Mutya sa kabilang linya. “Sige na Mutya, promise ngayon lang to. Para sa future ng mga pamangkin mo, isang brief lang ang kailangan ko.” pag-uulit ko. Narinig kong tumawa ng tumawa si Mutya sa kabilang linya. Nakakadala ang tawa niya. Kahit naman ako na seryosong makakuha ng brief ni Andrew ay natatawa na rin sa gusto kong mangyari. Kung bakit ba naman kasi kailangang nagamit na yung brief na gagamitin sa gayuma? “May sariling condo si Andrew kaya hindi na siya nakatira sa mansion pero kakausapin ko yung kaclose kong kasambahay dun na kapag nagpalaba si Andrew, kunin nila yung brief para sayo.” natatawa pa ring sabi ni Mutya. “Kelan pa kaya yun? Hindi ba pwedeng lasingin na lang natin siya tapos saka ko kukunin yung brief nya.” suhestyon ko. Hindi ko man nakikita si Mutya ay parang nakikita ko na ang reaksyon nito dahil narinig ko ang boses niyang gulat na gulat sa sinabi ko. “Hoy nakakahiya kaya yun, huhubaran mo yung tao.” “Bakit? Mukhang maganda naman ang katawan niya kaya wala siyang dapat ikahiya.” Humagalpak ng tawa si Mutya. “Hindi siya ang tinutukoy ko, baliw ka. Mahiya ka naman, kababae mong tao huhubaran mo yung lalaki.” sita ni Mutya. “Bakit, ikaw ba hindi mo hinubaran si Drake?’ Sandaling natahimik si Mutya sa kabilang linya. “Isang beses lang.., nung pikutin ko siya, pero hindi ko na kailangang gawin yun ngayon. Isang tingin ko lang dun, kusa nang maghuhubad yun.” sagot nito. “Ay, Sana all.” Sabay na naman kaming nagtanawan pero parang hindi naman nagbibiro ang bestfriend ko sa sinabi niya dahil taon-taon na lang itong buntis. “Sige na Mutya, ngayon lang. Close naman kayong dalawa ni Andrew eh. Ayaw mo bang maging sister in-law tayo?” “Walang problema sakin. Ang tanong, okay lang ba kay Andrew na maging kayo? ilang taon ka nang dumidiskarte sa kanya hindi ka pa rin nakaka-first base. Naka-ilang girlfriend na nga siya pero hanggang ngayon friendzone ka pa rin.” “Aray ko naman! Hindi ka masyadong masakit magsalita ha…, Sige na Mutya, tulungan mo na ako, one time lang kapag hindi umubra, hinding hindi na kita kukulitin pa.” Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mutya. “Haaay…, papatayin ako ni Andrew nito pag nagkataon. Okay sige next week, birthday ko. Yayayain ko siya dito sa bahay. Bahala kang lasingin siya basta ako hanggang invite lang ha.” “Yes! Thank you Mutya.” “Wag ka munang magpasalamat, dika pa sure kung darating nga siya. Napaka-busy nung tao.” Sabi nga ng mga kasama ko, malakas ang fighting spirit ko kaya positive ako ng makakarating si Andrew.., but for the meanwhile, para-paraan muna habang naghihintay. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang pag-ikot ng mga mata ng aking inaabangan. Sino pa ba? Wala nang iba kundi ang aking dream boy, si Andrew. Napapangiti at naiiling na agad ito nang makita niyang kumakaway ako habang kapapasok pa lang niya ng hospital. Although lagi niya akong nirereject, never naman niya akong binastos o pinakitaan ng hindi maganda. As always, gentleman at Mr. nice guy pa rin siya kaya nga lab na lab ko eh! Sinalubong ko na agad siya ng matamis kong ngiti. “Papasok ka pa rin nang lagay na yan? Hindi ka ba napapagod?” bungad ko sa kanya. “Bakit naman ako mapapagod, kadarating ko lang?” tugon ni Andrew. “Maghapon ka na kasing tumatakbo sa utak ko eh.” nakangiting sabi ko. Bahagyang napatawa at napailing na lang ito. Hindi na kasi siya nagugulat sa mga baong pick-up lines ko. “May lakad ka ba bukas? Off ako.” tanong ko sa kanya. “And?" anito habang tuloy tuloy sa paglalakad kaya sinundan ko siya. “Sweldo ko bukas at iti-treat kita kung wala kang gagawin.” “Ipunin mo na lang yang sahod mo, o kaya ibili mo ng Viagra ang tatay mo. Para naman hindi na niya ako sinisimangutan tuwing magkikita kami.” pabiro nitong sabi. Dati kasi ay nangako si Andrew kay tatay na dadalhan niya ito ng viagra, umasa naman si tatay pero ginugudtaym lang naman siya ni Andrew.., kaya ang resulta, galit na galit si tatay sa kanya dahil paasa daw ito. “Basta bukas dadaanan kita dito, 3 pm, tamang tama merienda time.” “Hindi pa ako umo-oo.” anito. “Bayad mo yun kasi may kasalanan ka pa sakin, dahil inilipat mo ako ng ward.” pagpapa-alala ko sa ginawa niya sa akin. Tumingin sa akin si Andrew na naiiling. “San mo naman ako dadalhin?” usisa nito? “Kahit saan mo gusto. Sky’s the limit.” malawak ang ngiti ko. Kahit ano basta para kay Andrew. “Walang rules?” tanong nito. “Wala rules basta walang indyanan.” paniniguro ko. “Magdala ka ng maraming pera.” anito. Tuloy tuloy ito sa paglalakad papunta sa duty niya samantalang nagpaiwan na ako dito. Pauwi na kasi ako dahil tapos na kanina pa ang duty ko. Inabangan ko lang talaga si Andrew para nga yayaing syang lumabas. Gusto kong maglulundag sa tuwa dahil finally pumayag na rin siya. Medyo napapaindak pa nga ako sa saya. “Yes!” mahinang usal ko at hindi mawala wala ang ngiti sa aking mga labi habang naglalakad. “Mukhang naka-iskor ka ngayon ah.” ani ate Beth nang mapadaan ako sa nurse station. Tanaw kasi kami mula dito nung nag-uusap kami ni Andrew. Narito din ang ibang mga nurse at kanina pa kami pinapanood. “May date kami bukas.” nakangiti kong sabi habang pinakukulot ko pa ang boses ko. “Yiiieeee” sabay sabay nilang sabi. Sinabayan nila ako ng kilig kaya lalo pa akong napangiti ng maluwang. “Dati crush ko rin yang si dok Andrew, kaso nawalan na ako ng gana dahil dito kay Kristina.” ani nurse Judith “Ako rin, pano naman ako makakasabay sa kabaliwan niyan.” si nurse Nancy naman. Hindi ko alam kung bakit pero wala pa akong nae-encounter dito sa hospital na nabubwisit sa panunuyo ko kay Andrew. Lahat sila ipinagtsi-cheer pa ako, todo support. “Pag napasagot mo si dok, ikaw pa lang ang unang nurse na magiging girlfriend niya.” ani ate Beth. Nilingon ko siya at tinanong. “Talaga po?” “Lahat ng naging girlfriend ni dok Andrew, puro med student or doktor din.” tugon ni ate Beth. 4 months pa lang ako dito kaya wala pa akong masyadong alam tungkol sa lovelife niya. “Playboy po ba si dok?” tanong ni nurse Liezel ang kasama kong nagpunta sa albularyo. “Hindi naman, normal na binata lang siya pagdating sa mga ganyang relasyon-- nagkaka girlfriend, naghihiwalay. Marami na siyang naging girlfriend pero never niyang pinagsabay, so hindi ko matatawag na playboy yun. Ang alam kong playboy ay yung kapatid niyang panganay na si sir Drake, pero si dok Andrew talaga ang dream boyfriend, dahil good boy.” Si Drake, palikero? Parang diko maimagine. Eh, ideal husband ko pa nga yun dahil sobrang loyal kay Mutya at devoted father pa sa mga anak. Si Andrew naman, walang duda na Mr. Nice Guy talaga. Lahat ng katrabaho ko dito sa hospital ay kasundo niya dahil marunong makisama sa lahat. “Parang hindi naman tumatagal ng isang taon ang mga nagiging girlfriend ni dok Andrew, isa pa lang yung alam kong tumagal, siguro doktor na rin siya ngayon.” patuloy ni ate Beth. Bigla naman akong nagka-interest sa sinabi nito. “Sino naman yun?” “Nakikita ko kasi sila dito noon. Mga estudyante pa lang. 3 years din sigurong naging sila. Balita ko nag-aral daw sa abroad yung babae kaya naghiwalay. Ano nga bang pangalan nun….. Am…. ah… Natalia Santos, sobrang ganda pa.” ani ate Beth sabay tingin sa akin. Tumaas naman ang kilay ko. “Bakit, maganda rin naman ako ah? Sorry na lang siya. Past na lang sya at ako naman ang future.” wika ko. Kita kong napatawa si ate Beth. “Ang lakas mo talaga.” nakangiting biro nito. “Pano ba yan guys. Kailangan ko nang umuwi para magpahinga. Kailangan kong mag beauty rest para sa date namin bukas.” sabay lakad palayo. “Mag-ahit ka.” pahabol ni nurse Judith. Nagtawanan sila sa sinabi nito. Napaikot naman ako pabalik sa kanila. “Kalma lang guys, darating tayo dyan. Sa ngayon, stand by lang muna si kiffy, baka mabigla si Andrew.” ganting biro ko sabay talikod. Malulutong na tawanan ang narinig ko sa kanila bago ako tuluyang lumabas ng hospital.Tintin POVHindi ako nagbibiro ng sabihin kong magbe-beauty rest ako. Pagkagaling sa hospital ay dumiretso agad ako sa condo unit na ipinagamit sa akin nang mag-asawang Drake at Mutya. Pag-aari daw ito ng mga Rufino. Nung una ay nahihiya pa ako pero sila na rin ang nagsabi na matagal na raw walang gumagamit nito kaya pinatuloy muna nila ako rito pansamantala. Kapag nakaipon na ako ay saka ako maghahanap ng bagong malilipatan.Kinabuksan ay sobrang excited ako kaya maaga pa ay inihanda ko na agad ang aking isusuot. Naglagay pa ako ng facial mask para fresh ako mamaya.Bagong biling summer dress ang isinuot ko at light make-up para naman hindi ako maputla mamaya kapag nagkaharap kami ni Andrew. First date namin kaya dapat, mukhang fresh. Kanina pa akong nakaharap sa salamin at pinapractice kung paano ako ngingiti mamaya. Praktisado lahat ng mga ikikilos ko para naman hindi nakakahiya kay Andrew, baka sabihin nito wala akong manners. Ginoogle ko pa nga kanina ang First Date 101 at nag ta
Tintin POVBinalikan ko ang mga plastic bag na dala ko. Kitang kita ko sa mukha nina ate Beth at mga kasamahan kong nurse ang pagtataka dahil sa nasaksihan nila kanina.“Alis na’ko, see you na lang tomorrow.” wika ko.“Anong nangyari sa inyo ni dok. Ba’t ka niya binuhat?” tanong ni ate Beth.Napatawa naman ako nang maalala kung paano kami nag-agawan ni Andrew sa cellphone.“Wala, nabuhat lang niya ako sa sobrang tuwa kasi sinagot ko na sya.”“Natuwa? Parang hindi naman. Para kayong magkapatid na nag-aaway.”“Hindi ganun, masaya lang siya kasi kami na.” binuhat ko ang mga plastic bag.“Totoo Kristina, kayo na?” tanong ni Liezel na mukhang siya lang ang sumeryoso sa sinabi ko.“Kelan ba naman ako nagsinungalin?” wika ko.Mukhang wala namang naniniwala sa akin. Sino nga bang basta maniniwala na ganun kabilis ko mapapasagot si Andrew eh kung kani kanina lang ay sinabutahe niya ang date namin.“Sige, una nako, Kita kits na lang bukas.” paalam ko sa kanila. Saka na lang ako nagkukwento sa k
Tintin POV30 minutes na akong naghihintay ng dumating si Andrew sa coffee shop na usapan namin ay magkikita kami. Nananadya talaga ang lalaking to na mag pa late. Alam na alam ko na ang style ni Andrew. Mamaya pa ang kanyang pasok, samantalang kanina pa ako nakapag-out kaya mahaba ang oras ko para maghintay.“Bakit hindi ka pa umorder habang wala ako.” yun agad ang bungad niya sa akin.Sinadya kong wag muna umorder dahil gusto kong matagal ako matapos magkape para hindi kami agad matapos sa date namin.“Hinintay talaga kita. Anong klaseng date ito kung mag-isa lang akong magme-merienda?”“Okay.” tumalikod ito at naglakad palapit sa counter para umorder.Habang umoorder siya ay nagtetext naman ako sa isang katrabaho ko tungkol sa schedule namin. Itinigil ko lang ang pagtetext nang bumalik na si Andrew sa lamesa namin bitbit na ang dalawang kape.Lihim akong napangiwi ng bigyan niya ako ng iced latte.“Salamat.” matamis ko pa rin siyang nginitian.“Anong pag-uusapan natin?” maayos nama
Tintin POVKainis! Kaninang kanina pa ako naghihintay ng text ni Andrew hanggang ngayon wala pa rin. Pagkarating na pagkarating ko kanina mula sa trabaho ay gumayak na agad ako dahil sobrang excited ako na manonood kami ng sine ngayon. Kaso pasado alas singko na, anong oras pa kaya kami makakapanood ng sine? Siguro, sinasadya talaga ni Andrew na asarin ako, Para-paraan talaga siya para ayawan ko siya.Naka ilang toothbrush na nga ako para hindi ako bad breath mamaya eh. Tumayo ako mula sa sofa upang kumuha nang maiinom sa kusina nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Halos liparin ko pabalik ang sofa kung saan ko ipinatong ang cellphone dahil baka si Andrew na ang nagtext.Text message nga ni Andrew ang natanggap ko. Sinend niya kung saang sinehan kami magkikita. Nakalimutan ko na tuloy na iinom nga pala ako ng tubig dahil mabilis kong kinuha ang aking bag at lumabas na agad ng condo. Nagkukumahog akong tumawag na taxi para makarating agad sa tagpuan namin.20 minutes na akong na
Tintin POV“Ano, hindi ka inihatid ni Andrew pauwi?” gulat at hindi makapaniwalang sabi ni Mutya sa kabilang linya.Tinawagan ko kasi agad si Mutya upang ikwento na kagagaling lang namin ni Andrew mula sa sinehan kaso nauwi naman ang usapan namin sa reaksyon ni Mutya na hindi makapaniwala sa ginawa ni Andrew.Nang matapos kaming manood ng sine ay nagyaya na itong umuwi. Ikinuha niya ako ng taxi, hindi ko naman naisip yung inirereklamo ni Mutya na dapat daw ay si Andrew ang naghatid sa akin pabalik mula sa sinehan. Malay ko ba kung paano makipagdate. Basta ang alam ko lang kanina ay masaya ako kahit pa nakatulog ako.“Hindi ganyan ang Andrew na kilala ko. Napaka-gentleman nun at very protective. Hindi ako makapaniwalang hinayaan ka niyang magbyahe mag-isa kahit gabi na. May sasakyan naman siyang dala.” ani Mutya.“Isa pa, ni hindi ka man lang niya niyayang kumain pagkatapos nyong manood.”“Hay naku, alam mo namang sinasadya niya yun para sumuko na ako.” balewala kong sabi.“Yun na nga T
Tintin POVIbinaba ko ang telepono at buong pagtatakang tumingin sa nagpakilalang Gray.Samantalang isinuksok nito sa kanyang bulsa ang cellphone at ngumiti sa akin.“Can I?” anito na humihingi ng permiso na maupo sa harapan ko. Hindi pa man ako nakakasagot ay naupo na agad ito.“Hindi makakarating si Andrew dahil may importante siyang pupuntahan ngayon.” Oh so padala pala siya ng boyfriend kong hilaw.“Importante? San daw siya pupunta?”“Merun siyang kailangang sunduin sa airport, biglaan kasi. it’s a long story… pero yun nga hindi na siya makakarating dito kaya ako ang pinapunta niya rito.”“Ah ganun ba, sige nice meeting you na lang Mr. Gray.” paalam ko rito.Tatayo pa sana ako pero pinigilan niya ako sa braso. Napatingin ako sa kamay niya at bigla niyang inalis ang pagkakahawak sa akin.“I’m sorry… andito na kasi tayo, baka pwedeng magcoffee muna tayo. My treat.”Tatanggi pa sana ako nang magpatuloy ito sa pagsasalita.“Ano bang coffee ang gusto mo?’Saglit akong natigilan. Tinan
Tintin POV5th day na namin ngayon ni Andrew. Alam kong pang-umagang shift na siya ngayon. Malapit nang matapos ang shift ko pero hindi pa rin siya nagtetext sa akin. Gusto ko sana siyang puntahan sa ER kaso busy ako.Pagkatapos na pagkatapos ng shift ko ay nagtungo agad ako sa pwesto niya. Narinig ko na busy daw ito kaya hindi muna ako umuwi at hinintay siya.“Oh Kristina, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Nancy na kadarating lang.“Hinihintay ko boyfriend ko.” sagot ko. Napatawa lang si Nancy.“Okay.” tugon nito na parang sinasakyan lang ang sinabi ko na hindi talaga naniniwala na boyfriend ko na si Andrew.Lihim na lang akong napangiti. Mamaya pagdating ni Andrew ay magugulat na lang ang mga ito pag mismong sa bibig ni Andrew manggagaling na kami na. Kaya sa ngayon hindi ko na muna ipagpipilitan. Excited na akong makita ang kanilang mga mukha na parang nalaglag ang mga panga.Unti-unti nang nagdadatingan sa nurse station ang iba pang mga nurse.“Oh Kristina, bakit ka naririto? Kan
Tintin POVWalang puknat ang aking pag iyak kahit kanina pa akong nakauwi dito sa condo. Ang sakit ng puso ko ngayon. Bakit ba naman kasi na sa lahat naman ng tao, kung sino pa yung mahal ko siya pa ay siya pang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.Tumayo ako at nagtungo sa banyo. Pagdating ko sa loob ay humarap ako sa salamin. Maganda naman ako ah.., bakit hindi niya ako magustuhan? Kasalanan ko bang hindi pang beauty queen ang height ko kaya mukha pa rin akong bata sa paningin niya? Sa loob ng 5 days hindi man lang siya nag-aksayang pagmasdan at kilalanin ako, so paano niya ako magugustuhan? Ni hindi ko nagkaroon ng pagkakataong ipakita sa kanya ang Tintin bilang isang babae, ang side ko na hindi pa niya nakikilala.Hinubad ko ang aking damit at walang itinirang saplot. Umikot ikot ako at pinagmasdan ang aking hubad na katawan sa harapan ng salamin.Sinapo ng mga palad ko ang ibabang parte ng aking dalawang dibdib at saka itinaas baba. Malulusog naman ang dibdib ko.Ibinaba ko