Share

Chapter 3

Penulis: Kara Nobela
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-11 15:28:23

Tintin POV

Hindi ako nagbibiro ng sabihin kong magbe-beauty rest ako. Pagkagaling sa hospital ay dumiretso agad ako sa condo unit na ipinagamit sa akin nang mag-asawang Drake at Mutya. Pag-aari daw ito ng mga Rufino. Nung una ay nahihiya pa ako pero sila na rin ang nagsabi na matagal na raw walang gumagamit nito kaya pinatuloy muna nila ako rito pansamantala. Kapag nakaipon na ako ay saka ako maghahanap ng bagong malilipatan.

Kinabuksan ay sobrang excited ako kaya maaga pa ay inihanda ko na agad ang aking isusuot. Naglagay pa ako ng facial mask para fresh ako mamaya.

Bagong biling summer dress ang isinuot ko at light make-up para naman hindi ako maputla mamaya kapag nagkaharap kami ni Andrew. First date namin kaya dapat, mukhang fresh. Kanina pa akong nakaharap sa salamin at pinapractice kung paano ako ngingiti mamaya. Praktisado lahat ng mga ikikilos ko para naman hindi nakakahiya kay Andrew, baka sabihin nito wala akong manners. Ginoogle ko pa nga kanina ang First Date 101 at nag take notes ako ng mga pwede kong magamit sa date namin.

Tumawag ako ng taxi at nagpahatid sa hospital dahil sinabi ko kay Andrew na dun ko siya pupuntahan. Pagkababa ko ng taxi ay natanaw ko na agad si Andrew na kalalabas lang ng hospital. Natanaw rin niya agad ako.

Nakita kong napakunot ang noo nito habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagagandahan siguro siya.

“Wow, para kang pupunta sa blind date ah.” pabirong sabi nito.

“Hindi ah, dahil para kang G00gle.” tugon ko.

“Ha?” kumunot ang noo nito.

“Kasi nakilala na kita, the search is over.” malawak ang ngiting ibinigay ko.

“Mais ka ba?” tanong nito.

“Ha?”

“Kasi ang corny mo…. Tigilan mo na nga yang kapipick-up line.” naiiling na sabi ni Andrew.

“San ka pala pupunta? Tatakasan mo ba ko?” tanong ko sa kanya dahil dito ko siya inabutan sa labas.

Napatawa lang ito.

“May nakalimutan lang ako sa sasakyan. Wait.” anito at nagmamadaling nagtungo sa nakaparada nitong sasakyan.

Hindi ba dapat yayain nya akong sumakay dahil magde-date kami? Hinintay ko na lang siyang bumalik.

“Tara na.” anito ng makalapit sa akin.

“Saan mo ba gustong kumain?” tanong ko. Excited na kasi ako sa date namin.

“Basta sumunod ka na lang. Sabi mo sky’s the limit di ba, nagdala ka ba ng maraming pera?” tanong nito.

“Oo naman, dala ko buong sahod ko.” pagmamalaki ko pa. Natawa ito ng pagak habang nakatingin sa akin.., at saka naglakad kaya sinabayan ko siya.

Nagtataka talaga ako kung saan kami pupunta dahil tinutumbok namin ang gilid ng hospital at narating namin ang simpleng kainan na paboritong puntahan ng mga empleyado sa hospital.

“Dyan tayo kakain?” nakangiwing tanong ko. Ang ganda ganda pa naman ng suot ko tapos sa karinderya lang pala nya ako dadalhin.

Hindi sumagot si Andrew, ngumiti lang ito sa akin. Di bale na, ang mahalaga ay mag date kami ngayon.

Pagdating ko sa loob ay nagulat ako dahil naroon ang iba pang mga nurse. Usually ay wala masyadong empleyado dito sa ganitong oras.

“Sigurado ka bang nagdala ka ng maraming pera?” bulong ni Andrew.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Sabi mo sky’s the limit. Diko naman kayang ubusin ang sahod mo kaya isinama ko sila para masaya ang lahat.”

Bumagsak ang aking panga sa sinabi ni Andrew.

“Guys, get what you want, Minsan lang manlibre si Tintin.” ani Andrew at naupo.

“Salamat Kristina, birthday mo ba?” tanong ng isang nurse. Napangiwi ako.

“Hindi.., birthday ng aso ko.” Mapakla kong sagot.

Inis na naupo ako sa tabi ni Andrew.

“Date natin to. Bakit isinama mo silang lahat?” pabulong kong tanong sa kanya.

“Wala kang sinabing date, sabi mo lang treat mo dahil bagong sahod ka.” anito.

Pinanlakihan ko siya ng mata.

“Hoy Andrew, hindi ka tanga. Nananadya ka noh?”

Hindi sumagot si Andrew, bagkus ay tumawa lang ito.

Bad trip ako ngayon hindi lang dahil sa hindi ko pala siya masosolo, kundi dahil ubos sigurado ang pera ko nito. Napakamot na lang ako ng ulo. Mukhang hahaba ang listahan ko ng utang dito sa karinderya ah.

Alam kong sinasadya lang ito ni Andrew para inisin ako. Akala siguro niya ay susuko na ako basta basta sa panliligaw sa kanya, pwes nagkakamali siya.

“Bakit yan lang ang kinakain mo?” tanong nito.

Tubig at pansit lang kasi ang inorder ko. Paano naman ako makakakain ng ayos kung alam kong ubos mamaya ang pera ko?

“Busog pa’ko.” pagsisinungalin ko. Natawa na naman ito at mukhang hindi naniniwala sa akin.

Sa halip na mainis ay inenjoy ko na lang na magkatabi kaming kumakain tutal andito na rin naman ako sa sitwasyong ito. Saka ko na lang poproblemahin ang pambayad.

Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ni Andrew at sinagot yun. Pagkatapos sagutin ang tawag ay bumulong ito sa akin.

“Una na’ko, kailangan ko nang bumalik sa loob.” paalam nito sa akin at tumayo.

Yumuko ito para ilapit ang kanyang mukha sa aking teynga.

“Salamat, marami kang napasaya ngayon. I’m so proud of you.” nakakaloko nitong sabi.

“Kung hindi lang kita mahal…” naka-labi kong sagot. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito bago umalis.

Tumayo naman agad ako at lumapit sa kahera dahil kanina pa akong kating kati malamang kung magkano ang babayaran ko.

“Wala po. Naka charge pong lahat sa account ni dok Andrew.”

Napamulagat ako sa sinabi nito. Napalingon ako kay Andrew na ngayon ay nasa labas na. Tanaw ko pa rin siya kaya nakita ko nang lumingon ito sa akin at saka pasimpleng ngumiti.

Tumakbo ako papalapit sa kanya ngunit pagdating ko sa pintuan ay medyo malayo na ang narating nito dahil sa bilis niyang maglakad.

Napanguso ako. Pinakaba pa niya ako, siya naman pala ang magbabayad.

Hinabol ko na lang siya ng tanaw. Likod na lang niya ang nakikita ko. Nakita ko pang itinaas nito ang kanyang kanang kamay at bahagyang ikinaway habang naglalakad. Kahit nakatalikod sya ay mukhang alam nitong sinusundan ko siya ng tingin. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti at kiligin.

Nuh ka bah Andrew, sa halip na maturn off ako, mas lalo tuloy akong naiinlove sayo. Beri wrong moves ka!

.

Bumalik ako sa loob at umorder ulit ng pagkain dahil ang totoo ay gutom na gutom na talaga ako. Since hindi naman pala ako ang magbabayad, magte-take out ako ng marami.

Masaya akong naglakad pabalik sa hospital habang bitbit ko ang dalawang malalaking plastic bag laman ang mga pinabalot ko. Isang linggo ako nitong hindi na kailangan bumili o magluto ng pagkain, ilalagay ko na lang ang mga ito sa fridge at freezer para tumagal.

“Wow! Ganda natin ah…” ani Liezel nang makita nya ako sa loob ng hospital.

Syempre naman, ang ganda talaga ng suot ko ngayon, mahal kaya bili ko sa dress na to. Ngumiti ako sa kanya at sa iba pang mga nurse na naririto ngayon. Sila rin yung mga kausap ko kahapon.

“Ano, napasagot mo ba si dok?” nakatawang tanong ni nurse Nancy.

Nawala ang ngiti ko at sumimangot nang maalala na hindi ako nakaporma kay Andrew dahil hindi ko siya na-solo.

“Pano naman ako poporma eh ang dami niyang chaperon?”

Sabay sabay silang nagtawanan.

“Sayang, hindi ko nakita kung ano itsura mo nung makita mong isinama ni dok lahat ng taga hospital sa date nyo.” ani nurse Judith.

“Duty na kasi kami kaya di kami nakapunta.” ani ate Beth. Nanlaki mga mata ko sa sinabi nito.

“Kayo din, ininvite ni Andrew?” gulat na gulat kong tanong.

Lalo pa silang nagtawanan.

“Oo, lahat kami ininvite ni dok.” natatawang sabi ni ate Beth.

Napamulagat ako sa narinig. Nakakainis yang Andrew na yan! Napasimangot na naman ako.

“Pano naman maiinlove si dok sa itsura mo? Ang ganda ganda ng suot mo, tapos anlaki laki niyang take-out na bitbit mo. Wa' poise ka naman eh.., kaya dimo mapasagot si dok.” ani nurse Liezel.

“Hindi ko kasi siya na-solo kanina. So, dito na lang ako bumawi sa take out…, at sino namang may sabi na diko siya kayang pasagutin, Ha? Nagsisimula pa lang kaya ako.” confident kong sabi.

“O ayan na pala ang dream boy mo.., labas mo na yung mga da moves natin dyan.” ani ate Beth.

Napatawa ako ng labas sa ilong.

“Watch and learn.” pagmamayabang ko sa kanila.

Tumahimik ang mga kasama ko at mukhang panonoorin na naman ang gagawin kong pagpapalipad hangin.

Malayo pa lang ay nakatingin na si Andrew sa mga plastic bag na dala ko.

“Parang hinakot mo na yatang lahat ng paninda nila ah.” natatawang sabi nito ng makitang puro lunch box ang laman ng plastic bag.

“Para naman mabawi ko yung pinambili ko dito sa suot ko. Ang mahal mahal nito, tapos sa karinderya mo lang pala ako dadalhin.” sagot ko sa kanya.

Ngiti lang ang isinagot nito.

Bigla akong may naalala. Yumuko ako at kinuha mula sa loob ng plastic bag ang isang lunch box na may lamang pagkain. Inabot ko yun kay Andrew.

“Para sayo.” wika ko.

“Ano yan?”

“Siomai at hopia. Teka lang pala.., intsik ka ba?” seryosong tanong ko.

Napakunot naman si Andrew sa tanong ko.

“Bakit?” takang tanong nito.

“Kasi i’ll SIOMAI love to you and HOPIA love me too.” nakangiti kong sabi.

Napatakip tuloy ako ng aking bibig dahil hindi ko mapigilang mapatawa sa binitiwan kong linya, lalo na nang makita ko ang reaksyon ni Andrew.

“Oh God!” umikot ang mga mata nito sabay lakad palayo at nilagpasan ako.

Hagikhikan naman ang narinig ko mula sa mga nurse na nanonood. Nakabungisngis akong tumingin sa kanila.

“Kaya ka nababasted eh.” naiiling na sabi ni ate Beth.

Naagaw ng pansin ko ang papalayong si Andrew kaya hinabol ko ito.

“Andrew!” tawag ko sa kanya.

Ni hindi man lang ito tumigil,marahil ay alam nitong kukulitin ko lang siya. Kaya naman binilisan ko ang paghabol sa kanya hanggang sa maabutan ko ito.

“Ano ka ba, tinatawag ka, dika lumilingon?”

“What now?” anito at tuloy tuloy sa paglalakad habang sinasabayan ko siya.

“Kelan mo ba ako sasagutin?” diretsya kong tanong.

Napatigil naman sa paglalakad si Andrew at tumingin sa akin. Sumeryoso ang mukha nito at mahinahong nagsalita.

“Look Tintin, kung hindi ka marunong makaunawa ng hint, didiretsahin na kita. Kung intresado talaga ako sayo, hindi kita dadalhin sa karinderya at hindi ko isasama ang buong staff ng hospital. Akala ko, magegets mo-- na yun ang ibig kong iparating sayo kanina.”

Ilang beses na niya akong nabasted pero ngayon ay mukhang seryoso na talaga si Andrew.

“Parang kapatid lang ang pagtingin ko sayo, dahil bestfriend ka ni Mutya. Nakakabatang kapatid ang tingin ko sa inyong dalawa. Matagal na tayong magkakilala, kung talagang gusto kita, matagal na sana kitang niligawan. Maraming lalaki dyan, wag mong sayangin ang oras mo sakin.” mahinahon man itong magsalita ay hindi pa rin maiwasan na masaktan ang damdamin ko dahil sa mga sinabi niya kaya napayuko ako.

“I’m sorry!” ani Andrew at tinapik ako sa balikat at saka ito naglakad ulit papalayo.

Dinukot ko ang cellphone sa aking sling bag. Dahil din kay Mutya kaya matagal ko nang alam ang phone number ni Andrew pero never ko siyang tinext. Kahit naman patay na patay ako sa kanya, hindi ko naman iniinvade ang privacy nya.., Ngayon pa lang!

Nagsend ako ng text message sa kanya. Ewan ko lang kung hindi kita mapasagot ngayon!

Matapos kong pindutin ang send button ay nakita kong dinukot ni Andrew ang phone nya at binasa yun. Napatigil ito sa paglalakad at biglang pumihit ng direksyon paharap sa akin. Kitang kita ko sa mukha nya ang pagkatuliro at dali daling naglakad papalapit sa akin.

“What the hell?!?!” balisang sabi nito nang makalapit siya.

Sinend ko kasi ang picture niya na nakapalda siya ng maigsi. Kuha yun 5 years ago, napasubo lang siya noon at nagpalda ng wala sa oras dahil sa isang katuwaan. Ang hindi alam ni Andrew ay patago ko siyang kinunan ng litrato noon. Malay ko bang magagamit ko pala ito ngayon.

Ang sabi ni Mutya, pilyo daw itong si Andrew pero wag mong kakantiin ang p@gkalalaki niya dahil nawawala ang pagiging cool nito.

“Why on earth do you have that picture?” bulong ni Andrew. Halata sa mukha nito na nagpapanic.

Pacute lang akong ngumiti sa kanya.

Aagawin pa sana nito ang cellphone ko ngunit mabilis akong tumalikod at lumayo sa kanya. Muntik na akong mapasigaw nang mabilis siyang nakalapit sa akin at dinukwang ang cellphone mula sa aking likuran ngunit mabilis ko itong naiiwas.

Niyakap niya ako mula sa aking likuran upang agawin sa aking kamay ang cellphone na pilit kong isinisiksik sa tapat ng aking tyan. Ilang sandali din kaming nagpangbuno at tuluyan na ngang nawala ang pagiging Mr. Cool Guy nito ngayon.

“Bitawan mo ko!” angal ko dahil nagawa pa nya akong iangat sa sahig kaya nagkaka-kawag ako habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak ko sa aking cellphone.

“Give me that f*cking phone!” gigil na sabi nito.

“Ayoko!”

Pinipigilan kong mapatili para di makatawag ng pansin ng ibang tao pero sigurado akong pinanonood kami nina ate Beth ngayon.

Bago pa man maagaw ni Andrew ang cellphone ko ay itinago ko ito papasok mula sa kwelyo ng aking bestida at isinuksok sa loob ng aking bra.., saka mabilis na kumawala at humarap kay Andrew.

“Oh ayan, kunin mo!” hamon ko sa kanya at iniliyad ko pa ang aking dibdib.

Napatigil naman ito at wala nang nagawa.

“Delete it right now!” mariing utos nito habang nakaturo sa dibdib ko kung nasaan ang aking cellphone.

“Okay…, Sa isang kondisyon…, boyfriend na kita.” saad ko at tinitigan siya sa mata.

Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko.

“What the heck Tintin!!!” anito na hindi makapaniwala.

“Okay. Kung ayaw mo, eh di wag!” ani ko sabay talikod.

Hinila nya ang braso ko paharap sa kanya.

“What are you doing?” pabulong nitong sabi at halatang nagtitimpi.

“Narinig mo naman yung sinabi ko, diba? Tayo na.., kung gusto mong burahin ko yun.”

“Are you serious?!?!” hindi pa rin makapaniwalang sabi nito.

“Matagal na akong seryoso sayo noh.” tugon ko naman.

Napahilamos ng mukha si Andrew. Maya maya pa ay nameyawang ito at frustrated na tumingin sa akin habang nagkangisi naman ako sa kanya.

Muli siyang nagsalita.

“Okay-- 1 week! 7 days lang, after nun, tantanan mo na ako!” anito

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • Chasing Dr. Billionaire    Chapter 4

    Tintin POV Binalikan ko ang mga plastic bag na dala ko. Kitang kita ko sa mukha nina ate Beth at mga kasamahan kong nurse ang pagtataka dahil sa nasaksihan nila kanina. “Alis na’ko, see you na lang tomorrow.” wika ko. “Anong nangyari sa inyo ni dok. Ba’t ka niya binuhat?” tanong ni ate Beth. Napatawa naman ako nang maalala kung paano kami nag-agawan ni Andrew sa cellphone. “Wala, nabuhat lang niya ako sa sobrang tuwa kasi sinagot ko na sya.” “Natuwa? Parang hindi naman. Para kayong magkapatid na nag-aaway.” “Hindi ganun, masaya lang siya kasi kami na.” binuhat ko ang mga plastic bag. “Totoo Kristina, kayo na?” tanong ni Liezel na mukhang siya lang ang sumeryoso sa sinabi ko. “Kelan ba naman ako nagsinungalin?” wika ko. Mukhang wala namang naniniwala sa akin. Sino nga bang basta maniniwala na ganun kabilis ko mapapasagot si Andrew eh kung kani kanina lang ay sinabutahe niya ang date namin. “Sige, una nako, Kita kits na lang bukas.” paalam ko sa kanila. Saka na lang

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-11
  • Chasing Dr. Billionaire    Chapter 5

    Tintin POV30 minutes na akong naghihintay ng dumating si Andrew sa coffee shop na usapan namin ay magkikita kami. Nananadya talaga ang lalaking to na mag pa late. Alam na alam ko na ang style ni Andrew. Mamaya pa ang kanyang pasok, samantalang kanina pa ako nakapag-out kaya mahaba ang oras ko para maghintay.“Bakit hindi ka pa umorder habang wala ako.” yun agad ang bungad niya sa akin.Sinadya kong wag muna umorder dahil gusto kong matagal ako matapos magkape para hindi kami agad matapos sa date namin.“Hinintay talaga kita. Anong klaseng date ito kung mag-isa lang akong magme-merienda?”“Okay.” tumalikod ito at naglakad palapit sa counter para umorder.Habang umoorder siya ay nagtetext naman ako sa isang katrabaho ko tungkol sa schedule namin. Itinigil ko lang ang pagtetext nang bumalik na si Andrew sa lamesa namin bitbit na ang dalawang kape.Lihim akong napangiwi ng bigyan niya ako ng iced latte.“Salamat.” matamis ko pa rin siyang nginitian.“Anong pag-uusapan natin?” maayos nama

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-13
  • Chasing Dr. Billionaire    Chapter 6

    Tintin POVKainis! Kaninang kanina pa ako naghihintay ng text ni Andrew hanggang ngayon wala pa rin. Pagkarating na pagkarating ko kanina mula sa trabaho ay gumayak na agad ako dahil sobrang excited ako na manonood kami ng sine ngayon. Kaso pasado alas singko na, anong oras pa kaya kami makakapanood ng sine? Siguro, sinasadya talaga ni Andrew na asarin ako, Para-paraan talaga siya para ayawan ko siya.Naka ilang toothbrush na nga ako para hindi ako bad breath mamaya eh. Tumayo ako mula sa sofa upang kumuha nang maiinom sa kusina nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Halos liparin ko pabalik ang sofa kung saan ko ipinatong ang cellphone dahil baka si Andrew na ang nagtext.Text message nga ni Andrew ang natanggap ko. Sinend niya kung saang sinehan kami magkikita. Nakalimutan ko na tuloy na iinom nga pala ako ng tubig dahil mabilis kong kinuha ang aking bag at lumabas na agad ng condo. Nagkukumahog akong tumawag na taxi para makarating agad sa tagpuan namin.20 minutes na akong na

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-13
  • Chasing Dr. Billionaire    Chapter 7

    Tintin POV“Ano, hindi ka inihatid ni Andrew pauwi?” gulat at hindi makapaniwalang sabi ni Mutya sa kabilang linya.Tinawagan ko kasi agad si Mutya upang ikwento na kagagaling lang namin ni Andrew mula sa sinehan kaso nauwi naman ang usapan namin sa reaksyon ni Mutya na hindi makapaniwala sa ginawa ni Andrew.Nang matapos kaming manood ng sine ay nagyaya na itong umuwi. Ikinuha niya ako ng taxi, hindi ko naman naisip yung inirereklamo ni Mutya na dapat daw ay si Andrew ang naghatid sa akin pabalik mula sa sinehan. Malay ko ba kung paano makipagdate. Basta ang alam ko lang kanina ay masaya ako kahit pa nakatulog ako.“Hindi ganyan ang Andrew na kilala ko. Napaka-gentleman nun at very protective. Hindi ako makapaniwalang hinayaan ka niyang magbyahe mag-isa kahit gabi na. May sasakyan naman siyang dala.” ani Mutya.“Isa pa, ni hindi ka man lang niya niyayang kumain pagkatapos nyong manood.”“Hay naku, alam mo namang sinasadya niya yun para sumuko na ako.” balewala kong sabi.“Yun na nga T

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-14
  • Chasing Dr. Billionaire    Chapter 8

    Tintin POVIbinaba ko ang telepono at buong pagtatakang tumingin sa nagpakilalang Gray.Samantalang isinuksok nito sa kanyang bulsa ang cellphone at ngumiti sa akin.“Can I?” anito na humihingi ng permiso na maupo sa harapan ko. Hindi pa man ako nakakasagot ay naupo na agad ito.“Hindi makakarating si Andrew dahil may importante siyang pupuntahan ngayon.” Oh so padala pala siya ng boyfriend kong hilaw.“Importante? San daw siya pupunta?”“Merun siyang kailangang sunduin sa airport, biglaan kasi. it’s a long story… pero yun nga hindi na siya makakarating dito kaya ako ang pinapunta niya rito.”“Ah ganun ba, sige nice meeting you na lang Mr. Gray.” paalam ko rito.Tatayo pa sana ako pero pinigilan niya ako sa braso. Napatingin ako sa kamay niya at bigla niyang inalis ang pagkakahawak sa akin.“I’m sorry… andito na kasi tayo, baka pwedeng magcoffee muna tayo. My treat.”Tatanggi pa sana ako nang magpatuloy ito sa pagsasalita.“Ano bang coffee ang gusto mo?’Saglit akong natigilan. Tinan

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-14
  • Chasing Dr. Billionaire    Chapter 9

    Tintin POV 5th day na namin ngayon ni Andrew. Alam kong pang-umagang shift na siya ngayon. Malapit nang matapos ang shift ko pero hindi pa rin siya nagtetext sa akin. Gusto ko sana siyang puntahan sa ER kaso busy ako. Pagkatapos na pagkatapos ng shift ko ay nagtungo agad ako sa pwesto niya. Narinig ko na busy daw ito kaya hindi muna ako umuwi at hinintay siya. “Oh Kristina, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Nancy na kadarating lang. “Hinihintay ko boyfriend ko.” sagot ko. Napatawa lang si Nancy. “Okay.” tugon nito na parang sinasakyan lang ang sinabi ko na hindi talaga naniniwala na boyfriend ko na si Andrew. Lihim na lang akong napangiti. Mamaya pagdating ni Andrew ay magugulat na lang ang mga ito pag mismong sa bibig ni Andrew manggagaling na kami na. Kaya sa ngayon hindi ko na muna ipagpipilitan. Excited na akong makita ang kanilang mga mukha na parang nalaglag ang mga panga. Unti-unti nang nagdadatingan sa nurse station ang iba pang mga nurse. “Oh Kristina, bakit k

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-14
  • Chasing Dr. Billionaire    Chapter 10

    Tintin POVWalang puknat ang aking pag iyak kahit kanina pa akong nakauwi dito sa condo. Ang sakit ng puso ko ngayon. Bakit ba naman kasi na sa lahat naman ng tao, kung sino pa yung mahal ko siya pa ay siya pang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.Tumayo ako at nagtungo sa banyo. Pagdating ko sa loob ay humarap ako sa salamin. Maganda naman ako ah.., bakit hindi niya ako magustuhan? Kasalanan ko bang hindi pang beauty queen ang height ko kaya mukha pa rin akong bata sa paningin niya? Sa loob ng 5 days hindi man lang siya nag-aksayang pagmasdan at kilalanin ako, so paano niya ako magugustuhan? Ni hindi ko nagkaroon ng pagkakataong ipakita sa kanya ang Tintin bilang isang babae, ang side ko na hindi pa niya nakikilala.Hinubad ko ang aking damit at walang itinirang saplot. Umikot ikot ako at pinagmasdan ang aking hubad na katawan sa harapan ng salamin.Sinapo ng mga palad ko ang ibabang parte ng aking dalawang dibdib at saka itinaas baba. Malulusog naman ang dibdib ko.Ibinaba ko

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-14
  • Chasing Dr. Billionaire    Chapter 11

    Tintin POV Mahina kaming nagbubulungan ni Mutya habang naglalakad kami papunta sa mini bar na nasa basement ng bahay nila. “Bakit ba kailangan yung brief pa ni Andrew at yung nagamit na?”usisa ni Mutya. Napasimangot naman ako. “Aba ay malay ko ga sa albularyong yun. Basta nakalagay sa listahan nya eh.” “O tapos? Anong gagawin?” tanong pa nito. Nagbubulungan na kami pero mas inilapit ko pa ang aking bibig sa kanyang teynga para siguradong walang makakarinig. “Amuyin ko raw sa loob ng isang oras tapos ihilamos ko sa mukha ko.” Nanlaki ang mga mata ni Mutya. “Anooo?!?! Gagawin mo yun?” gulat at malakas na sabi nito. Humagalpak naman ako ng tawa. “Joke lang.., ano ka ba?“ namimilipit ako sa katatawa habang nakaturo sa mukha ni Mutya na ngayon ay gulat na gulat. “Para kang tanga! Kadiri yang imagination mo.” ani Mutya na hindi maipinta ang mukha ngunit kalaunan ay tumawa na rin ng tumawa. Halos manakit ang tiyan namin kaya’t hindi na namin namalayan na kanina pa pala kami pinap

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-14

Bab terbaru

  • Chasing Dr. Billionaire    57 (Book 2)

    Hinawakan ni Gigi si Gray sa braso. Totoo naman kasi ang sinabi ng ginang. Hindi naman kasi ganito ang pagkain nila sa bahay sa Batangas.“Salamat po, favorite ko talaga ang tuyo. Wag po kayong mag-alala, okay lang sakin kahit anong ihain nyo. Ano po bang tawag dito?” nakangiting sagot ni Gigi sabay tingin sa laman ng kanyang pinggan.Ngumiti ng peke ang ginang bago sagutin ang tanong ni gigi.“I’m so glad to hear that, iha. Anyway, I already forgot the name of this dish, but it’s one of my favorite dishes, na natikman ko pa sa France. Ever since lagi ko itong nirerequest sa cook namin. I know– hindi ito yung typical breakfast na nakasanayan nyo sa probinsya.” anito..Tumango tango lang si Gigi at saka nagsalita.“It’s Oeufs en Meurette po.” sabi nito sabay tusok ng tinidor sa poached egg.“What did you just say?” tanong ni Gray. Napatingin tuloy si Gigi sa kanya habang nginguya ang itlog na kasusubo lang. Nilunok muna nito ang nasa bibig bago nagsalita.“Ang sabi ko, Oeufs en Meu

  • Chasing Dr. Billionaire    56 (Book 2)

    3rd Person POVPagdating nina Gray at Gigi sa dining area, nadatnan na nila dun ang parents ng lalaki na patapos nang kumain. Sabay na napalingon ang mag-asawa sa dalawang kapapasok lang.Kapansin pansin na umaga pa lang ay posturang postura na ang ina ni Gray habang elegante ito sa kanyang pagkakaupo. Mag-aalmusal lang ito sa loob ng sariling bahay pero parang kakain ito sa fine dining restaurant dahil sa mamahaling damit na suot nito, kumpleto rin ito sa alahas.Sa kabila ng katahimikan ni Mrs. Tuazon ngayon, ay hindi pa rin maikukubli sa mga mata nito ang pagkadisgusto sa babaeng inuwi ng kanyang anak. Nagpupuyos ang dibdib nito nang makitang nakapulupot pa ang kamay ng anak sa bewang ng babae habang papasok sa loob ng dining room, pero nagpigil lang siya ng emosyon dahil ayaw niyang maging dahilan pa ito ng pag-alis ng kanyang anak dito sa mansion. Kilalang kilala niya ang kanyang anak at sa reaksyon ni Gray kahapon ay alam niyang seryoso ito sa kanyang banta. Kaya sa ngayon a

  • Chasing Dr. Billionaire    55 (Book 2)

    Gigi POV Ang sarap sa pakiramdan ko ang malamig at pinong hangin na nagmumula sa aircon. Tapos buong ang katawan ko pa ay nasa ilalalim ng makapal na kumot, ang sarap mamaluktot. Okay sana kaso parang masyado naman yatang mainit itong kumot, at mabigat. Gusto kong kumilos pero hindi ako makagalaw. Saka ko lang narrealized na may katawang nakapulupot sa akin, kaya bigla akong napamulat. Dejavu, paulit- ulit na lang. Nagising na naman akong nakapulupot si Gray sa akin. Naririnig ko pa ang malalim nitong paghinga. Sinubukan kong huwag magpanic. Kaya huminga ako nang malalim at dahan dahang lumingon sa katabi ko. Ayun at tulog na tulog na naman ang lalaking ito. Pero may naramdaman ako. Ayun na nga, sapo na naman niya ang kanang dibdib ko. Hindi naman ito ang unang beses na mangyari ang ganitong eksena sa aming dalawa pero nagulat pa rin ako nang makita ang kamay niyang nakasuksok sa loob ng aking bra at nakasapo sa dibdib ko. Hinagip ko ang kamay niya at pwerasaha

  • Chasing Dr. Billionaire    54 (Book 2)

    Dire-diretso si Gigi sa guest room kung saan siya dati dinala ni Gray noong unang punta niya dito. Binuksan niya ang pintuan at pumasok sa loob. Agad niyang inilapag ang maleta sa sahig para buksan ito. Nakaluhod si Gigi para abutin ang zipper ng kanyang maleta at sinimulan na itong buksan nang pumasok si Gray, bitbit ang iba pang maleta, katulong nito ang driver at iba pang kasambahay. Nang maipasok lahat ng gamit ay umalis na rin agad ang mga ito at naiwan silang dalawa sa loob ng silid. Ini-locked ni Gray ang pintuan para masigurong hindi na sila gagambaliin ng kanyang ina. Huminto si Gigi sa kanyang ginagawa nang mapansing kanina pa nakatayo si Gray at pinapanood siya nito. “Bakit mo ako pinapanood? Hindi ka ba satisfied sa palabas ng nanay mo?” nangingiting ani Gigi. Natatawa siya kapag naaalala ang nangyari kanina. Ngayon pa lang ay parang nahuhulaan na niya na magiging interesting ang pagtira niya sa bahay na ito. Samantalang si Gray naman ay kunot noong pinapanood ang gin

  • Chasing Dr. Billionaire    53 (Book 2)

    Naningkit ang mga mata ni Mrs. Tuazon na nakatingin sa dalawang tao na inaakala niyang totoong nag-iibigan. Kitang kita ang matinding frustration sa mukha ng ginang bago ito muling nagbitaw ng mga salita. “Kulang pa ba yung eight million na ibinigay namin sayo para layuan ang anak ko?” mariin nitong sabi pero hindi na ito sumisigaw ngayon. Marahang pumihit si Gigi nang marinig ang sinabi nito at hinarap ang ginang. “Akala ko po bigay nyo yun.” ani Gigi sa mababang boses. “Anong bigay ang sinasabi mo?” takang tanong ni Mrs. Tuazon. “Pasensya na po dahil medyo malilimutin po ako eh. Baka nakalimutan ko lang. Patingin na lang po ng kasunduan na pinirmahan ko baka sakaling maalala ko.” ani Gigi. “Bigay?!?!” hindi makapaniwalang saad ni Danica. Napatingin pa ito kay Mrs. Tuazon para maghanap ng suporta. “Oo bigay. Bakit, may pinirmahan ba tayong kasunduan?” kalmadong tanong ni Gigi na tila kontrolado niya ang sitwasyon. “Oh my God!” eksaheradang sambit ng ina ni Gray. Napa

  • Chasing Dr. Billionaire    52 (Book 2)

    3rd Person POV Habang umaakyat ng hagdan ay malakas pa rin na tumatawa si Chairman Tuazon, umiiling iling pa nga ito kaya naiwang gulat na gulat ang lahat sa baba. Ang kaninang hysterical na si Mrs. Tuazon ay natahimik at napanganga sa nakitang reaksyon ng asawa. Sa isip isip niya ay baka hindi nito naiintidihan ang eksaktong nangyayari. Mamaya ay kakausapin niya ang asawa pero sa ngayon ay may problema muna siyang kailangang ayusin. Samantalang si Gray naman ay nagtataka rin kung bakit ganun ang reaksyon ng kanyang ama. Hanggang ngayon ay naririnig pa rin niya ang malakas nitong tawa kahit nakalayo na. Hindi ganito ang inaasahan niya. Kahit mayaman sila, alam niyang para sa negosyante niyang ama, hindi biro ang limang milyon na kinuha ni Gigi kay Danica at sa kanyang ina.. Naguguluhan siya sa mga nangyayari simula pa kaninang umaga. Napakadami niyang gustong linawin sa kanyang ama pero sumasakit na ang ulo niya. Wala pa siyang masyadong tulog kaya hindi na niya magawang ipro

  • Chasing Dr. Billionaire    51 (Book 2)

    Gray POV“Let’s go.” aya ko kay Gigi, nakasilip ako sa loob at nasa labas ako ng sasakyan matapos ko siyang pagbuksan ng pintuan.“Mauna ka na.” sabi niya“May hawak akong box, baka mahulog ‘to.”anito na mahigpit ang yakap sa kahon niya.Umatras ako dahil alam ko naman kung gaano katigas ang ulo niya. Napalingon ako sa likod ng sasakyan at nakita ko ang driver na ibababa na ang mga maleta ni Gigi kaya nilapitan ko siya para tulungan. Isang maleta pa lang ang naibababa ko nang mapansin ko si Renz na hawak ang box ni Gigi habang inaalalayan itong bumaba. Narinig ko pang nagpasalamat si Gigi dito matapos ibalik ang box saka tumalikod na. Kumunot ang noo ko at nilapitan si Gigi.“Ano yun? Bakit nagpatulong ka pa dun?” usisa ko sa kanya.“Alangan namang tanggihan ko eh nagmamagandang loob yung tao.” katwiran nito. “Inalok din naman kita ah. Bakit ako tinanggihan mo, pero si Renz hindi?”“Makulit eh.” balewalang sabi nito at naglakad sa likod ng sasakyan para silipin ang mga gamit nya.

  • Chasing Dr. Billionaire    50 (Book 2)

    Gray POV Kanina sa Manila, ang balak ko lang ay alamin kung ano ang nangyari kay Gigi. Hindi ko sukat akalain na pagbalik ko ay may kasama na akong babae na ititira sa bahay namin. Mukhang dala pa yata niya ang buong bahay nila dahil sa laki ng mga maleta nito na pinagtulungan pa naming isalansan nina Renz at ng driver sa loob ng sasakyan. So, ito pala ang sinasabi ni Renz na ready na si Gigi at ako na lang ang hinihintay. Akala ko ay tapos na siyang maghakot pero natanaw ko siyang papalapit at may yapos yapos na aquarium. Oh God, wag niyang sabihing pati alagang ahas ay isasama niya? Halos hindi na nito makita ang daraanan dahil natatakpan ng aquarium ang kanyang mukha. Hindi yun kalakihan pero sapat na para matakpan ang kanyang paningin. Mukhang nabibigatan pa ito sa kanyang dala. Pupuntahan ko pa sana siya pero mabilis na humakbang si Renz palapit at kinuha ang aquarium mula sa kanya. Matamis na ngiti ang ibinigay ni Gigi kay Renz pagka-abot nita. Natawa ako ng labas sa ilo

  • Chasing Dr. Billionaire    49 (Book 2)

    Gray POV“What did you just say?” napaawang ang aking labi at napatitig kay Renz.“Utos ng Chairman ipagdrive kayo para sunduin si Ms. Georgina sa bahay nila.” tugon ni Renz na hindi nagbabago ang reaksyon.“What does that have to do with Dad?” Binuksan ni Renz ang pintuan ng sasakyan.“Si Chairman na lang ang tanungin nyo tungkol dyan. Sa ngayon mas mabuting pumasok muna kayo sa loob. SIla na ang bahala sa sasakyan mo rito sa hospital.” anito.Parang sasakit yata ang ulo ko dahil sa nangyayari. Samahan pa na wala ako akong tulog dahil magdamag akong nagtrabaho kagabi. Naisip kong mabuti na ring iba ang magdrive dahil baka hindi ko rin kayanin ang antok mamaya sa daan, kaya tahimik akong sumakay sa loob sasakyan.Iniisip ko pa rin kung may kinalaman ba ang tawag ni Gigi kung bakit ipinadala ni Dad si Renz?If that’s the case, bakit mas nauna pa si Dad na malaman yun kesa sa akin? Sa pagkakaalam ko ay sobrang tutol siya sa relasyon namin ni Gigi na halos itakwil na niya ako. Ano ba

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status