Para kay Belle hindi basihan ang mukha para mahalin mo ang isang tao. Sa kabila ng lahat na kasungitan sa kanya ng asawa na si Russell, at sa katakot-takot na mukha na meron ito ay pinatunayan ni Belle na handa niya itong mahalin. Para sa kanya ang pag-ibig walang pinipili. Guwapo man o pangit kung titibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito. Pero matanggap pa kaya niya ito kapag nalaman ang tinatago nitong sekreto?
view more''My god, Russell! Ano na naman ba ang gusto mo? At bakit ayaw mong patulugin si Belle sa silid mo? Mag-asawa na kayo, kaya dapat maging responsable ka na sa asawa mo!'' Narinig ko ang boses ng mommy ni Russell sa labas ng silid ko. Pinapagalitan nito ang kaniyang anak.''Mom, pumayag ako na pakasalan ang babae na gusto niyo para sa akin kahit na hindi ko naman gusto! Sana 'yong ginawa niyo sa akin ay hindi niyo gagawin sa kapatid ko! Huwag niyo naman kami itulad sa inyo ni Daddy na nireto lang din ng mga magulang ninyo!'' sagot ni Russell sa kaniyang ina.''Mamahalin niyo rin ang isa't isa katulad sa amin ng Daddy ninyo. Kami ang nakakaalam na mga magulang ninyo kung ano at sino ang makakabuti para sa inyo! Hindi 'yong kung anong klaseng asawa lang ang madadampot ninyo!'' Panenermon nito kay Russell.''Bakit kilala mo ba kung anong klaseng babae ang ipinakasal ninyo sa akin ni Daddy? Pare-pareho lang naman ang mga babae! Pera lang naman ang habol niyan sa atin. Kung wala akong pera s
Pagkatapos ng kainan ay umuwi na kami ni Madam Midge. Si Don Waldo naman ay pumunta sa kaibigan nito.Pagdating namin ni Madam Midge sa condo ay nagtataka ako kung bakit sa 6th floor kami tumuloy at hindi sa 9th floor.Tatlo lang ang pintuan na nakikita ko sa 6th floor na iyon. Pumasok kami ni Madam Midge sa unang pintuan. Malawak ang area na iyon ngunit nagtataka ako kung bakit tatlo lang ang unit na naroon.Nagpalinga-linga ako ng tingin dahil sa ganda ng plot na iyon. Mas maganda pa sa 9th floor. Mayroon pang sofa sa unahan ng elevator.''Iha, ito ang condo unit ng asawa mo kaya dito ka na rin titira. May dalawang silid dito at iyon ang silid ninyo ni Russell,'' pahayag ng Mommy ni Raydin sa akin.Tumango lang ako at napatingin siya sa malaking aqurium na may malaking isda. Namangha ako sa desinyo ng unit ni Raydin dahil malinis at maganda ang interior design nito. At binagayan pa sa kulay white and gray na kulay ng mga gamit.''Nariyan na sa silid ang mga gamit mo dahil pinalipa
''Auntie! Auntie, huwag niyo naman gawin sa akin ito!" naiiyak kong pakiusap kay Auntie Sally.''Belle, mapapabuti ka sa kanila. Isa pa may kasunduan na kami ni Midge ang asawa ni Don Waldo,'' pakiusap ni Auntie sa akin.''Pero nakakatakot ang itsura ng anak nila, Auntie! Paano kung saktan niya ako?!"Tuluyan na akong umiyak dahil alam ko na kahit anong gawin ko ay hindi na magbabago ang desisiyon ni Auntie. Alam kong buo na ang desisyon niya para ipakasal ako sa panganay na anak ni Don Waldo.Ang Auntie ko ang nag-aruga sa akin mula pagkabata dahil ulila na ako ng lubos. Namatay ang ama ko dahil sa malubhang sakit at ang nanay ko naman ay namatay dahil nalunod sa dagat. Ang Auntie ko na lang ang tanging pamilya ko.''Belle, makinig ka sa akin ng mabuti. Wala na tayong pera. Sa halip na magtrabaho ka riyan sa hotel ay magpakasal ka na lang sa anak ni Don Waldo. Kapag nagpakasal ka sa anak nila ay hindi na tayo sisingilin ng utang natin sa kanila dahil sa pagpapagamot sa ama mo, kaya p

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments