''Auntie! Auntie, huwag niyo naman gawin sa akin ito!" naiiyak kong pakiusap kay Auntie Sally.
''Belle, mapapabuti ka sa kanila. Isa pa may kasunduan na kami ni Midge ang asawa ni Don Waldo,'' pakiusap ni Auntie sa akin.
''Pero nakakatakot ang itsura ng anak nila, Auntie! Paano kung saktan niya ako?!"
Tuluyan na akong umiyak dahil alam ko na kahit anong gawin ko ay hindi na magbabago ang desisiyon ni Auntie. Alam kong buo na ang desisyon niya para ipakasal ako sa panganay na anak ni Don Waldo.
Ang Auntie ko ang nag-aruga sa akin mula pagkabata dahil ulila na ako ng lubos. Namatay ang ama ko dahil sa malubhang sakit at ang nanay ko naman ay namatay dahil nalunod sa dagat. Ang Auntie ko na lang ang tanging pamilya ko.
''Belle, makinig ka sa akin ng mabuti. Wala na tayong pera. Sa halip na magtrabaho ka riyan sa hotel ay magpakasal ka na lang sa anak ni Don Waldo. Kapag nagpakasal ka sa anak nila ay hindi na tayo sisingilin ng utang natin sa kanila dahil sa pagpapagamot sa ama mo, kaya pumayag ka na. Magligpit ka na at mamaya ay susunduin na tayo ng driver nila,'' pakiusap sa akin Auntie.
Laglag ang balikat ko at hindi na ako umimik.
Iniligpit ko na lang ang mga gamit ko na dadalhin. Ayaw ko pa sana mag-asawa dahil walang makakasama si Auntie. Ngunit nangako naman ang mga Verde na hindi nila pababayaan si Auntie. Habang nagliligpit ako ay panay naman ang agos ng mga luha ko.
Nilapitan ako ni Auntie at hinimas-himas ang aking likuran.
''Mapabuti ang buhay mo kapag asawa ka na ni Russell,’’ pag-aalo niya sa akin.
''Alam niyo naman ang tsismis na masama ang ugali ng pangit na lalaking iyon, kaya kahit ano pa karami ang pera niya ay walang gustong magpakasal sa kaniya dahil sa itsura at ugali niya,'' protesta ko kay Auntie.
''Iha, huwag kang makinig sa tsismis dahil hindi naman totoo na pangit ang ugali ng mapangasawa mo,'' pagtatanggol niya sa mapapangasawa ko.
Hindi ko pa nakita ang mukha na iyon ni Russell Verde. Ngunit maraming lumalaganap na tsismis tungkol sa kanya at umabot pa iyon sa ilang lugar.
Pagsapit ng alas-otso ng umaga ay dumating na ang sundo namin ni Auntie. Isang mustang na sasakyan na kulay itim.
''Nariyan na ang sundo natin. Bilisan mo na dahil inaasahan tayong dumating roon,'' nagmamadaling yaya sa akin ni Auntie.
Bitbit ko na ang traveling bag ko na mga mahahalagang gamit ko lang at papelis ang nasa loob. Lumabas na kami ni Auntie at pinagbuksan naman kami driver ng sasakyang ng mga Verde. Dalawang oras ang biyahe namin dahil medyo ma-traffic.
Pumarada ang sasakyan namin sa isang exclussive condominium na nagngangalang Multi Tower Condominium. Pagmamay-ari ito ng mga Verde. Puro tinted glass ang pader ng building at sobrang ganda ang pagkadesinyo nito.
Bumaba kami ni Auntie at dalawang naka-uniforme na katulong ang sumalubong sa amin.
''Hinihintay na po kayo sa itaas nina Mrs at Mr Verde, Senorita,'' wika ng isang katulong na kasing tanda lang ni Auntie.
Hindi ako umiimik at sumunod na lang sa katulong. Sumakay kami sa elevator at umakyat sa 9th floor. Pagsapit namin sa 9th floor ay pumasok kami sa isang silid. Pagbukas ng kwarto ay namangha ako sa ganda ng pagka-arrange ng mga gamit sa loob.
Sa pintuan pa lang kami ay sinalubong na kami ni Midge, ang magiging mother in law ko.
"Narito na kayo. Napakaganda talaga nitong magiging daughter in law ko. Hali kayo at maupo muna kayo,'' nakangiti nitong yaya sa amin.
Umupo kami sa malambot na sofa at pinadalhan kami ng tea coffee at juice sa katulong nila. Ilang minuto pa ay dumating si Don Waldo.
''Magandang umaga po,'' bati ko kay Don Waldo.
''Magandang umaga rin sa inyo, Iha,'' ani Don Waldo at nakipagkamay sa amin.
''Nasaan na si Russell?'' tanong ni Madam Midge.
''Ipatawag mo nga kay Inday,'' utos ni Don Waldo. "Halikan na, kumain na tayo. Alam kong pagod at gutom na kayo."
Nasa gitna kami ng kwentuhan habang kumakain ngunit napahinto kami nang marinig ang malalaking mga yabag na paparating.
''Good afternoon, everyone!'' bati ng baretonong boses.
''Narito ka na pala, Iho. Hali ka at saluhan mo kami para makilala mo na rin ang mapapangasawa mo,'' nakangting yaya ni Madam Midge sa lalaki.
Lumapit ito at humalik sa kaniyang ina saka siya umupo sa tabi nito. Nakatingin ako sa mukha niya na parang sunog at sa matangos nitong ilong. Mukhang nasunog ang mukha nito mula sa kaniyang kaliwang mata patungo sa kaniyang noo hanggang sa kaniyang kanang pisngi.
Totoo ngang pangit ang mukha nito... ngunit ang tangkad niya na siguro ay abot sa 6 footers. Ang suot niyang fit na white v-neck ay nakahulma ang maskulado niyang katawan. Marahil ay alaga ito sa gym. Ang labi niya ay makapal na parang sunog din at ang kalahati niya lang na pisngi ang makinis. Hindi ko ma-imagine na ito ang makakasama ko sa buhay.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang sa aking dibdib. Parang kinikilatis niya ang pagkatao ko.
''Pagpasensyahan niyo na kung hindi ko mabigyan ng magandang kasal ang pamangkin ninyo," baling niya kay Auntie. Napaamang ako sa paraan niya nang pakikipag-usap. Masyado iyong puno ng hangin! "Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ninyo na sa judge lang ang kasal na magaganap at walang bisita ang dadalo. Gusto kong manatiling private ang buhay ko at ayaw ko na may medyang umaaligid sa akin."
At totoo ngang suplado ito at may pagkamaldito. Pangit na nga pangit pa ang ugali.
''H'wag ka mag-alala dahil kahit ako man ay hindi gusto may makaalam na ikinasal sa...'' hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko nang kinalabit ako ni Auntie sa aking binti.
Umismid si Russell sa sinabi ko at tumingin ito sa akin ng masakit.
''Dahil pangit ako? Well, tama ka. Sino ang gugustuhin na malaman na pangit ang magiging asawa mo? Huwag ka mag-alala dahil hindi naman ako katulad ng iba na pinagmamalaki ang asawa, lalo na kapag pera lang habol sa akin,'' sarkastiko nitong sagot.
Napalunok ako ng laway nang sabihin niya iyon at pinaningkitan ko siya ng aking mga mata.
Ano ang akala niya sa akin, mukhang pera?
''Tumigil na kayong dalawa! Hindi mo dapat sinasabihan ang magiging asawa mo ng ganiyan, Russell,'' saway sa kaniya ng kaniyang ama.
''Dad, alam niyo naman na lahat ng babae ay pera lang ang habol sa akin. At hindi mo naman masisisi ang mga tao kung pag-isipan siya na pera lang ang habol sa akin,'' tiim bagang na sagot ni Russell sa ama.
''Wala akong pakialam kung ano ang iisipin ng tao sa akin dahil hindi naman nila alam kung ano ang totoo. Kung hindi lang nagkautang ang pamilya ko sa inyo, hindi ako magpapakasal sa 'yo! Pero, lulunukin ko ng pride ko bilang kabayaran ng utang namin sa inyo,'' garalgal kong tugon dahil ayaw kong isipin ng malditong lalaking ito na pera lang ang habol ko.
''Mabuti pa kumain na tayo. Russell, pagkatapos natin kumain ipasyal mo naman si Belle,'' sabat naman ni Madam Midge para hindi na humaba pa ang usapan.
''Marami akong trabaho, Mom. Kaya, wala akong panahong mamasyal,'' sagot niya naman sa kaniyang Mommy.
''Huwag ka mag-alala dahil pagod ako sa byahe at wala rin akong panahon mamasyal! Ang ipasyal ko, ipahinga ko na lang,'' saad ko naman sa kasungitan niya. Tinaasan niya lang ako ng kilay at tininingnan na may pang-uuyam habang sumubo ng kanin.
Kinabukasan ay maaga ginanap ang kasal namin ni Russell. Simpleng damit na puti lang ang suot ko. Sa condo unit lang niya kami ikinasal. Ang Mommy at Daddy niya ang dumalo at dalawang witness. Silang mag-asawa lang at ang kaibigan ni Russell na si Gerald ang dumalo. Ang iba nitong kaibigan ay hindi na nakadalo. Samantalang ako ay wala man lang kaibigan na pumunta, ngunit ayos lang naman sa akin dahil ang mahalaga ay nariyan si Auntie.
Matapos ang kasal namin sa judge ay kumain lang kaming lahat sa isang sikat na restaurant. Habang kumakain kami ay nagtanong ang kaibigan niyang si Gerald.
Kagagaling lang ito sa ibang bansa.
''Saan ang honeymoon ninyo?'' tanong ni Gerald sa amin ni Russell.
''Uso lang ang honeymoon kung pareho ninyong mahal ang isa't isa,'' sagot naman ng walang modo kong asawa.
"Iho, puwede ka naman magbakasyon para makapag-honeymoon kayo ni Belle kung saan ang gusto niyong pumunta," sabi naman ng Daddy ni Russell.
"Dad, nag-usap na tayo tungkol dito. Pumayag akong pakasalan ang gusto niyong babae para sa akin pero sana huwag niyo na akong diktahan kung ano ang gusto ko gawin," malamig na sabi Russell sa kaniyang ama.
Hindi na umimik ang kaniyang ama at nagpatuloy lang ito sa pagkain. Mula kagabi ay hindi ako nakatulog sa kakaisip kung ano ang maging kapalaran ko sa kamay ng pangit na ito.
Mas gustuhin ko pang tumandang dalaga sana kaysa makapag-asawa ng masungit na pangit na lalaking ito. Ngunit wala na akong magawa dahil kasal na ako sa h*******k na ito. Naisip ko kung bakit hindi na lang siya nagparetoke ng mukha dahil mayaman naman siya.
Nang matapos itong kumain ay tumayo na ito.
"Maiwan ko na muna kayo dahil may mahalagang meeting pa ako," paalam ni Russell na hindi man lang tumingin sa akin.
"Anak, hindi mo man lang ba muna ipabukas ang meeting mong iyan? Katatapos lang ng kasal ninyo ni Belle" suhesiyon ng kaniyang Mommy.
Hindi sumagot si Russell at tuluyan na umalis kasunod si Gerald. Wala ng nagawa ang magulang niya kundi ang tingnan siyang papalayo. Tumingin na lang sila sa akin at humingi ang mga ito ng paumanhin dahil sa katigasan ng ulo ng kanilang panganay na anak.
Pagkatapos ng kainan ay umuwi na kami ni Madam Midge. Si Don Waldo naman ay pumunta sa kaibigan nito.Pagdating namin ni Madam Midge sa condo ay nagtataka ako kung bakit sa 6th floor kami tumuloy at hindi sa 9th floor.Tatlo lang ang pintuan na nakikita ko sa 6th floor na iyon. Pumasok kami ni Madam Midge sa unang pintuan. Malawak ang area na iyon ngunit nagtataka ako kung bakit tatlo lang ang unit na naroon.Nagpalinga-linga ako ng tingin dahil sa ganda ng plot na iyon. Mas maganda pa sa 9th floor. Mayroon pang sofa sa unahan ng elevator.''Iha, ito ang condo unit ng asawa mo kaya dito ka na rin titira. May dalawang silid dito at iyon ang silid ninyo ni Russell,'' pahayag ng Mommy ni Raydin sa akin.Tumango lang ako at napatingin siya sa malaking aqurium na may malaking isda. Namangha ako sa desinyo ng unit ni Raydin dahil malinis at maganda ang interior design nito. At binagayan pa sa kulay white and gray na kulay ng mga gamit.''Nariyan na sa silid ang mga gamit mo dahil pinalipa
''My god, Russell! Ano na naman ba ang gusto mo? At bakit ayaw mong patulugin si Belle sa silid mo? Mag-asawa na kayo, kaya dapat maging responsable ka na sa asawa mo!'' Narinig ko ang boses ng mommy ni Russell sa labas ng silid ko. Pinapagalitan nito ang kaniyang anak.''Mom, pumayag ako na pakasalan ang babae na gusto niyo para sa akin kahit na hindi ko naman gusto! Sana 'yong ginawa niyo sa akin ay hindi niyo gagawin sa kapatid ko! Huwag niyo naman kami itulad sa inyo ni Daddy na nireto lang din ng mga magulang ninyo!'' sagot ni Russell sa kaniyang ina.''Mamahalin niyo rin ang isa't isa katulad sa amin ng Daddy ninyo. Kami ang nakakaalam na mga magulang ninyo kung ano at sino ang makakabuti para sa inyo! Hindi 'yong kung anong klaseng asawa lang ang madadampot ninyo!'' Panenermon nito kay Russell.''Bakit kilala mo ba kung anong klaseng babae ang ipinakasal ninyo sa akin ni Daddy? Pare-pareho lang naman ang mga babae! Pera lang naman ang habol niyan sa atin. Kung wala akong pera s
''My god, Russell! Ano na naman ba ang gusto mo? At bakit ayaw mong patulugin si Belle sa silid mo? Mag-asawa na kayo, kaya dapat maging responsable ka na sa asawa mo!'' Narinig ko ang boses ng mommy ni Russell sa labas ng silid ko. Pinapagalitan nito ang kaniyang anak.''Mom, pumayag ako na pakasalan ang babae na gusto niyo para sa akin kahit na hindi ko naman gusto! Sana 'yong ginawa niyo sa akin ay hindi niyo gagawin sa kapatid ko! Huwag niyo naman kami itulad sa inyo ni Daddy na nireto lang din ng mga magulang ninyo!'' sagot ni Russell sa kaniyang ina.''Mamahalin niyo rin ang isa't isa katulad sa amin ng Daddy ninyo. Kami ang nakakaalam na mga magulang ninyo kung ano at sino ang makakabuti para sa inyo! Hindi 'yong kung anong klaseng asawa lang ang madadampot ninyo!'' Panenermon nito kay Russell.''Bakit kilala mo ba kung anong klaseng babae ang ipinakasal ninyo sa akin ni Daddy? Pare-pareho lang naman ang mga babae! Pera lang naman ang habol niyan sa atin. Kung wala akong pera s
Pagkatapos ng kainan ay umuwi na kami ni Madam Midge. Si Don Waldo naman ay pumunta sa kaibigan nito.Pagdating namin ni Madam Midge sa condo ay nagtataka ako kung bakit sa 6th floor kami tumuloy at hindi sa 9th floor.Tatlo lang ang pintuan na nakikita ko sa 6th floor na iyon. Pumasok kami ni Madam Midge sa unang pintuan. Malawak ang area na iyon ngunit nagtataka ako kung bakit tatlo lang ang unit na naroon.Nagpalinga-linga ako ng tingin dahil sa ganda ng plot na iyon. Mas maganda pa sa 9th floor. Mayroon pang sofa sa unahan ng elevator.''Iha, ito ang condo unit ng asawa mo kaya dito ka na rin titira. May dalawang silid dito at iyon ang silid ninyo ni Russell,'' pahayag ng Mommy ni Raydin sa akin.Tumango lang ako at napatingin siya sa malaking aqurium na may malaking isda. Namangha ako sa desinyo ng unit ni Raydin dahil malinis at maganda ang interior design nito. At binagayan pa sa kulay white and gray na kulay ng mga gamit.''Nariyan na sa silid ang mga gamit mo dahil pinalipa
''Auntie! Auntie, huwag niyo naman gawin sa akin ito!" naiiyak kong pakiusap kay Auntie Sally.''Belle, mapapabuti ka sa kanila. Isa pa may kasunduan na kami ni Midge ang asawa ni Don Waldo,'' pakiusap ni Auntie sa akin.''Pero nakakatakot ang itsura ng anak nila, Auntie! Paano kung saktan niya ako?!"Tuluyan na akong umiyak dahil alam ko na kahit anong gawin ko ay hindi na magbabago ang desisiyon ni Auntie. Alam kong buo na ang desisyon niya para ipakasal ako sa panganay na anak ni Don Waldo.Ang Auntie ko ang nag-aruga sa akin mula pagkabata dahil ulila na ako ng lubos. Namatay ang ama ko dahil sa malubhang sakit at ang nanay ko naman ay namatay dahil nalunod sa dagat. Ang Auntie ko na lang ang tanging pamilya ko.''Belle, makinig ka sa akin ng mabuti. Wala na tayong pera. Sa halip na magtrabaho ka riyan sa hotel ay magpakasal ka na lang sa anak ni Don Waldo. Kapag nagpakasal ka sa anak nila ay hindi na tayo sisingilin ng utang natin sa kanila dahil sa pagpapagamot sa ama mo, kaya p