Share

Chapter 3

Author: OrangeLemon
last update Huling Na-update: 2024-11-28 06:24:23

''My god, Russell! Ano na naman ba ang gusto mo? At bakit ayaw mong patulugin si Belle sa silid mo? Mag-asawa na kayo, kaya dapat maging responsable ka na sa asawa mo!'' Narinig ko ang boses ng mommy ni Russell sa labas ng silid ko. Pinapagalitan nito ang kaniyang anak.

''Mom, pumayag ako na pakasalan ang babae na gusto niyo para sa akin kahit na hindi ko naman gusto! Sana 'yong ginawa niyo sa akin ay hindi niyo gagawin sa kapatid ko! Huwag niyo naman kami itulad sa inyo ni Daddy na nireto lang din ng mga magulang ninyo!'' sagot ni Russell sa kaniyang ina.

''Mamahalin niyo rin ang isa't isa katulad sa amin ng Daddy ninyo. Kami ang nakakaalam na mga magulang ninyo kung ano at sino ang makakabuti para sa inyo! Hindi 'yong kung anong klaseng asawa lang ang madadampot ninyo!'' Panenermon nito kay Russell.

''Bakit kilala mo ba kung anong klaseng babae ang ipinakasal ninyo sa akin ni Daddy? Pare-pareho lang naman ang mga babae! Pera lang naman ang habol niyan sa atin. Kung wala akong pera sa palagay mo may magpapakasal sa ganito kong mukha?'' sumbat naman ni Russell sa kaniyang Ina.

Nakkikinig lang ako sa sagutan nilang mag-ina at wala akong balak na umiksina sa usapan nila.

''Russell, hindi lahat ng babae ay pareho. Huwag mo itulad si Belle kay Ana na penerahan ka lang, pinaaral mo pero ano ang ginawa sa 'yo? Iniwan ka at pumunta sa Amerika at hindi ka na niya binalikan pa!''

''Alam ko na may dahilan siya kung bakit niya nagawa sa akin iyon, Mom,'' sagot naman ni Russell sa kaniyang ina.

''Anak, h'wag ka na umasa na babalikan ka ni Ana. Ginamit ka lang niya para sa pangarap niya. Just move on at harapin mo ang katotohanan.''

''Matagal na akong naka-move on, Mom. Sa palagay mo ba ang ipinakasal ninyo sa akin ay makakabuti sa akin? Kung hindi lang dahil sa kapatid ko ay hindi ko papakasal ang babaeng iyan. Huwag sana kayong maging bulag, Mom. Dahil alam kong nagpapanggap lang ang babaeng iyan. At umaasa ka na mamahalin ako niyan? Kung may mamahalin man siya walang iba kundi ang pera ko. Pero hindi na ako magpapakatanga pa sa isang babae. Kaya huwag kayong umasa na mamahalin ko ang babaeng iyan!'' dinig kong galit na sabi ni Russell sa kaniyang ina.

Ang bilis niyang manghusga sa pagkatao ko. 

Paano ko siya mamahalin kung ganiyan ang ugali niya? Bakit, kilala niya ba ako at ganiyan niya ako husgahan?

''Anak, buksan mo naman ang puso mo para kay Belle. Iba si Belle, hindi siya katulad ng ibang babae na inaakala mo. Bakit hindi mo siya kilalanin ng husto bago mo siya husgahan?'' pagtatanggol ng mommy niya sa akin.

''Mom, kung gusto niyo tumagal kami ng babaeng iyon, huwag niyo na akong pakialaman. Kapag pinakialaman niyo ako makikipag-divorce kaagad ako sa babaeng iyon!'' banta ni Russell sa kaniyang ina.

''Okay, pero bigyan mo ng katulong ang asawa mo para may tagaluto kayo."

"Mom, hindi ko kailangan ang katulong, okay? Isa pa hindi ako nanatili sa isang lugar lang. Kapag matapos itong subdivision na pinapatayo ko ay lilipat na ako para matutukan ko ang ibang negosyo natin.''

''Ikaw ang bahala. Basta huwag mo naman sana awayin si Belle, anak. Saka sana gumawa na kayo agad ng bata para makita namin kaagad ang magiging apo namin at para may sanggol na sa pamilya natin,'' sabi pa ng kaniyang ina.

''Tsss... Hindi pa ako handa maging ama. At kung maging ama man ako ay hindi sa babaeng 'yan!'' matigas niyang sabi sa Mommy niya.

Akala niya naman gusto kong magkaroon ng anak sa kaniya. Mamaya magmukha pang unggoy ang anak ko at magmana pa sa kaniya ng kapangitan. 'Di bali na lang at baka magiging kawawa pa ang magiging anak ko.

Nakaramdam na ako ng gutom at antok. Ngunit ayaw kong lumabas sa silid dahil ayaw kong makita ang pangit na lalaking iyon.

Ngunit, ilang minuto lang ang lumipas ay kumatok si Russell sa aking silid.

''Lumabas ka na riyan at magluto ng kanin para sa sarili mo. Aalis ako at baka madaling araw na akong bumalik. Saka bago ka matulog linisin mo ang buong bahay,'' wika niya sa labas ng silid ko.

Hindi ako umimik at naramdaman ko na lang na may lumabas sa unit. Nawalan na ako ng gana kumain kaya bumangon na lang ako at nagtungo sa kusina. 

Uminom lang ako ng tubig at bumalik ulit sa silid upang ayusin ang mga damit kong inalis ni Russell sa kaniyang silid. Tinupi ko ang mga iyon at inilagay sa cabinet. 

Pagkatapos kong magtupi ng mga damit ko ay nag-shower na ako at pinatuyo ang mga buhok ko at natulog. Hindi na ako kumain pa dahil nawalan na ako ng gana at hindi ko sinunod ang utos niya.

Ngunit pagsapit ng alasdos ng madaling araw ay nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Lumabas ako ng silid at nagtungo sa kusina. Binuksan ko ang ref para tingnan kung ano ang puweding makain doon. Nakita ko ang itlog at nilaga na lang iyon para lang malamnan ang aking tiyan.

Matapos kong kainin ang itlog ay naupo na muna ako sa living room para manuod ng tv. Ngunit ilang sandali lang ay may nagbukas ng main door at iniluwa si Russell doon. 

Nakita niya ako at ang sama ng tingin niya sa akin at malakas na isinara ang pintuan. ''Bakit gising ka pa?'' seryoso niyang tanong sa akin na parang lasing.

''Kagigising ko lang. Kumain ka na ba?'' tanong ko sa kaniya.

Pabagsak siyang umupo sa isahang sofa at isinandal ang kaniyang likuran sa sandalan. 

''I'm tired," sagot niya sa akin na mukhang pagod na pagod. "I used helicopter just to go home."

Hindi na ako magtaka kung saan siya galing. Amoy alak siya, kaya lasing nga siguro siya. Sana nahulog na lang siya sa helicopter para tumuwid ang liko niyang utak.

Maya-maya pa ay tumayo siya at patakbong nagtungo sa banyo. Narinig ko na lang ang pagsusuka niya. Tumayo ako at kumuha ng maligamgam na tubig sa kusina at isinalin ko iyon sa baso. 

Pinuntahan ko siya sa banyo at iniabot sa kaniya ang baso na may maligamgam na tubig.

''Inumin mo iyan para mainitan ang sikmura mo,'' wika ko sa kaniya.

Sumunod naman siya sa sinabi ko at inubos niya ang tubig. "Thanks,'' aniya at ibinigay sa akin ang baso. Tumalikod na siya at hindi man lang nag-flash ng sinukahan niya. Kaya, ako na ang gumawa niyon.

Bumalik ako sa living room at nakita ko na nakahiga na siya sa mahabang sofa.

Lumapit ako sa kaniya upang tanungin ''Gusto mo bang humigop ng sabaw?''

''May sabaw ba? Kahit ramen lang,'' sabi nito sa akin.

''Saglit lang at ipagluto kita,'' wika ko at nagtungo na sa kusina.

Naghalungkat ako sa ref at may nakita akong fresh miki. Kinuha ko iyon at mabuti na lang may atay at karne sa ref, kaya kinuha ko iyon at hiniwa. Gumawa ako ng batsoy soap para sa pangit kong asawa para mahimasmasan siya sa kaniyang kalasingan.

Naalala ko ang sinabi ni Auntue na kapag lasing daw si papa ay ito ang niluluto ko sa kaniya. Mabuti at tinuruan ako ni Auntie kung paano magluto ng batsoy ulit.

Matapos kong magluto ay iniligay ko na sa bowl at dinala sa sala para mahigop ni Russell ang sabaw. Ibinaba ko muna sa lamesita ang tray na nilagyan ko ng bowl na may batson dahil nakita ko na may bahid ng suka ang damit at kamay ni Russell. Tulog na siya, napapailing na lang ako sa pangit na nilalang na ito. Naalala ko kanina ang usapan nila ng Mommy niya tungkol sa ex-girlfriend niya. 

Marahil mahal niya ito at niloko lang pala siya, kaya gano'n na lang siguro ang iniisip niya na katulad din ako ng ex-girlfriend niya.

Kumuha ako ng bimpo at maligamgam na tubig. Inilagay ko iyon sa maliit na palanggana at pinunasan ko ang kamay niya na may suka niya. 

Pupunasan ko sana ang mukha niya para mapreskuhan siya. Ngunit pagdampi ko sa kaniyang mukha ay hinawakan niya ang kamay ko at bigla niyang idinilat ang kaniyang mga mata.

''Dont ever touch my face!'' wika niya sa akin at binitiwan ng pabalibag ang aking kamay na may hawak na bimpo. Bumangon siya sa sofa at umupo. ''Next time huwag mong tangkain na hawakan ang muha ko, naintindihan mo?'' galit niyang sabi sa akin.

''Gusto ko lang... na punasan ka para mapreskohan ang pakiramdam mo. Higupin mo na itong sabaw para mainitan ang sikmura mo,'' sabi ko na lamang sa kasungitan niya.

Inurong ko ang lamesita sa harap niya para makahigop siya ng sabaw. Nang nasa harap niya na ito ay naabutan ko siyang nakatitig sa akin. Iniwas niya ang paningin niya sa akin nang magtama ang mga mata namin.

''Baka may lason ito,'' sabi niya at hinawakan ang kutsara. 

''Kung lalasonin man lang kita mas mabuti pang pinakulam na lang kita para hindi halata! Pinaglutuan na nga kita, pagdudahan mo pa!'' nakasimangot kong sabi sa kaniya.

''Naninigurado lang dahil alam kong galit ka sa akin,'' sabi niya at humigop ng sabaw.

Napapikit siya ng mata nang matikman niya ako. Mabuti na lang at alam niya na galit ako sa kaniya.

''Galit lang ako sa ugali mo. Pero hindi naman sa buo mong pagkatao.''

''This is good. Ano tawag dito? Noodles with gabbage and beef?'' aniya.

''Batsoy ang tawag niyan. Ubusin mo 'yan at matutulog na ako,'' wika ko sa kaniya at tatalikod na sana nang pigilan niya ako.

''Mamaya ka na matulog. Hintayin mong matapos ako at hugasan mo itong pinagkainan ko. Saka labhan mo itong suot ko,'' utos niya sa akin.

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Dali-dali niyang inubos ang batsoy at patulak na inurong ang bowl.

Sumandal siya sa sofa at tumingin sa akin. 

"Hugasan mo na iyan at ayaw kong may nakakalat sa kusina ko,'' utos niya sa akin na parang don. Sarap sipain ang bayag para makaganti man lang ako sa pambubuli niya sa akin.

''Yes po, Sir Russell,'' pang-uuyam kong sagot sa kaniya at kinuha ang pinagkainan niya.

Nang tumalikod na ako ay nagsalita ulit siya. 

''Pagkatapos mong hugasan 'yan bumalik ka kaagad rito.'' Hindi na ako nagsalita at tumuloy na lang ako sa kusina. Hinugasan ko ang pinagkainan niya pati na rin ang bimpo na ginamit ko sa kaniya ay nilabhan ko.

Pagkatapos ay bumalik ako sa sala. Naroon siya nakaupo at nakahawak sa balikat niya na parang nangalay iyon.

"Marunong ka ba mag-massage?" tanong niya sa akin.

"Kaunti lang ang alam ko sa pagmamasahe," sagot ko sa kaniya.

"Hilutin mo ang likod ko. Lalo na rito banda sa balikat ko. Nangangalay mula pa kahapon," wika niya sa akin.

"Akala ko ba lalabhan ko 'yang damit mo?" tanong ko sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

"Hilutin mo muna ako," utos niya sa akin. Dumapa siya sa sofa at wala na akong nagawa kundi ang e-masahe ang likod niya.

Sinimulan ko sa balikat niya. Dry massage lang ang ginawa ko sa kaniya dahil may suot siyang damit. Hanggang ilang minuto pa ang nakalipas ay napansin kong nakatulog na siya.

Iniwan ko siyang nakatulog sa sofa at bumalik sa silid ko. Hinayaan kong mamaho siya sa suka niya.

Humiga ako sa kama at nag-isip kung ano ang magiging buhay ko gayong may asawa na ako. 

Ako na yata ang pinakamalas na babae sa buong mundo. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na asawa ko na ang pinakamayamang tao dito sa bansang Maharlika ngunit pinakapangit naman.

Paano iikot ang mundo ko sa piling ng pangit kong asawa? Malawak ang unawa ko, kaya naiintindihan ko rin ang pinagdadaanan niya dahil pangit na nga siya ay iniwan at niloko pa siya ng girlfriend niya.

Gusto kong patunayan sa kaniya na kahit pangit siya ay puwede naman siyang mahalin at hindii pera ang basihan.

Matutunan ko rin naman siyang mahalin kung maging mabait siya sa akin. Wala naman na akong choices kundi ang mahalin siya dahil asawa ko na siya. Gusto kong patunayan sa kaniya na kahit pangit siya ay handa ko siyang mahalin at ipagmalaki sa iba.Dahil ang pagmamahal ay kahit ano pa ang itsura nito ay kaya mong mahalin lalo na at parte na siya ng buhay mo. Gusto kong malaman niya na hindi lahat ng babae ay pera lang ang habol sa kanya. 

Kaugnay na kabanata

  • Marrying The Beast Billionaire    Chapter 1

    ''Auntie! Auntie, huwag niyo naman gawin sa akin ito!" naiiyak kong pakiusap kay Auntie Sally.''Belle, mapapabuti ka sa kanila. Isa pa may kasunduan na kami ni Midge ang asawa ni Don Waldo,'' pakiusap ni Auntie sa akin.''Pero nakakatakot ang itsura ng anak nila, Auntie! Paano kung saktan niya ako?!"Tuluyan na akong umiyak dahil alam ko na kahit anong gawin ko ay hindi na magbabago ang desisiyon ni Auntie. Alam kong buo na ang desisyon niya para ipakasal ako sa panganay na anak ni Don Waldo.Ang Auntie ko ang nag-aruga sa akin mula pagkabata dahil ulila na ako ng lubos. Namatay ang ama ko dahil sa malubhang sakit at ang nanay ko naman ay namatay dahil nalunod sa dagat. Ang Auntie ko na lang ang tanging pamilya ko.''Belle, makinig ka sa akin ng mabuti. Wala na tayong pera. Sa halip na magtrabaho ka riyan sa hotel ay magpakasal ka na lang sa anak ni Don Waldo. Kapag nagpakasal ka sa anak nila ay hindi na tayo sisingilin ng utang natin sa kanila dahil sa pagpapagamot sa ama mo, kaya p

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • Marrying The Beast Billionaire    Chapter 2

    Pagkatapos ng kainan ay umuwi na kami ni Madam Midge. Si Don Waldo naman ay pumunta sa kaibigan nito.Pagdating namin ni Madam Midge sa condo ay nagtataka ako kung bakit sa 6th floor kami tumuloy at hindi sa 9th floor.Tatlo lang ang pintuan na nakikita ko sa 6th floor na iyon. Pumasok kami ni Madam Midge sa unang pintuan. Malawak ang area na iyon ngunit nagtataka ako kung bakit tatlo lang ang unit na naroon.Nagpalinga-linga ako ng tingin dahil sa ganda ng plot na iyon. Mas maganda pa sa 9th floor. Mayroon pang sofa sa unahan ng elevator.''Iha, ito ang condo unit ng asawa mo kaya dito ka na rin titira. May dalawang silid dito at iyon ang silid ninyo ni Russell,'' pahayag ng Mommy ni Raydin sa akin.Tumango lang ako at napatingin siya sa malaking aqurium na may malaking isda. Namangha ako sa desinyo ng unit ni Raydin dahil malinis at maganda ang interior design nito. At binagayan pa sa kulay white and gray na kulay ng mga gamit.''Nariyan na sa silid ang mga gamit mo dahil pinalipa

    Huling Na-update : 2024-11-28

Pinakabagong kabanata

  • Marrying The Beast Billionaire    Chapter 3

    ''My god, Russell! Ano na naman ba ang gusto mo? At bakit ayaw mong patulugin si Belle sa silid mo? Mag-asawa na kayo, kaya dapat maging responsable ka na sa asawa mo!'' Narinig ko ang boses ng mommy ni Russell sa labas ng silid ko. Pinapagalitan nito ang kaniyang anak.''Mom, pumayag ako na pakasalan ang babae na gusto niyo para sa akin kahit na hindi ko naman gusto! Sana 'yong ginawa niyo sa akin ay hindi niyo gagawin sa kapatid ko! Huwag niyo naman kami itulad sa inyo ni Daddy na nireto lang din ng mga magulang ninyo!'' sagot ni Russell sa kaniyang ina.''Mamahalin niyo rin ang isa't isa katulad sa amin ng Daddy ninyo. Kami ang nakakaalam na mga magulang ninyo kung ano at sino ang makakabuti para sa inyo! Hindi 'yong kung anong klaseng asawa lang ang madadampot ninyo!'' Panenermon nito kay Russell.''Bakit kilala mo ba kung anong klaseng babae ang ipinakasal ninyo sa akin ni Daddy? Pare-pareho lang naman ang mga babae! Pera lang naman ang habol niyan sa atin. Kung wala akong pera s

  • Marrying The Beast Billionaire    Chapter 2

    Pagkatapos ng kainan ay umuwi na kami ni Madam Midge. Si Don Waldo naman ay pumunta sa kaibigan nito.Pagdating namin ni Madam Midge sa condo ay nagtataka ako kung bakit sa 6th floor kami tumuloy at hindi sa 9th floor.Tatlo lang ang pintuan na nakikita ko sa 6th floor na iyon. Pumasok kami ni Madam Midge sa unang pintuan. Malawak ang area na iyon ngunit nagtataka ako kung bakit tatlo lang ang unit na naroon.Nagpalinga-linga ako ng tingin dahil sa ganda ng plot na iyon. Mas maganda pa sa 9th floor. Mayroon pang sofa sa unahan ng elevator.''Iha, ito ang condo unit ng asawa mo kaya dito ka na rin titira. May dalawang silid dito at iyon ang silid ninyo ni Russell,'' pahayag ng Mommy ni Raydin sa akin.Tumango lang ako at napatingin siya sa malaking aqurium na may malaking isda. Namangha ako sa desinyo ng unit ni Raydin dahil malinis at maganda ang interior design nito. At binagayan pa sa kulay white and gray na kulay ng mga gamit.''Nariyan na sa silid ang mga gamit mo dahil pinalipa

  • Marrying The Beast Billionaire    Chapter 1

    ''Auntie! Auntie, huwag niyo naman gawin sa akin ito!" naiiyak kong pakiusap kay Auntie Sally.''Belle, mapapabuti ka sa kanila. Isa pa may kasunduan na kami ni Midge ang asawa ni Don Waldo,'' pakiusap ni Auntie sa akin.''Pero nakakatakot ang itsura ng anak nila, Auntie! Paano kung saktan niya ako?!"Tuluyan na akong umiyak dahil alam ko na kahit anong gawin ko ay hindi na magbabago ang desisiyon ni Auntie. Alam kong buo na ang desisyon niya para ipakasal ako sa panganay na anak ni Don Waldo.Ang Auntie ko ang nag-aruga sa akin mula pagkabata dahil ulila na ako ng lubos. Namatay ang ama ko dahil sa malubhang sakit at ang nanay ko naman ay namatay dahil nalunod sa dagat. Ang Auntie ko na lang ang tanging pamilya ko.''Belle, makinig ka sa akin ng mabuti. Wala na tayong pera. Sa halip na magtrabaho ka riyan sa hotel ay magpakasal ka na lang sa anak ni Don Waldo. Kapag nagpakasal ka sa anak nila ay hindi na tayo sisingilin ng utang natin sa kanila dahil sa pagpapagamot sa ama mo, kaya p

DMCA.com Protection Status